Breaking Boundaries 4
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Kahit sumasakit ang ulo ko ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Malakas parin ang hilik ni Jepoy sa aking tabi, halos oras oras ay nagigising ako sa hilik nito kaya sumakit ng todo ang aking ulo pero sigurado rin akong masakit din ang ulo nito dahil sa puyat, dahil sa tuwing nagigising ako sa malakas niyang hilik ay siya ring gising ko sa kaniya.
Nagising na lang din si JP sa pagkatok ng aking ina. Tumingin ito sakin at ngumiti sabay kusot ng mata gamit ang likod ng kaniyang mga palad na miya mo bata.
“Pasensya na sa paghilik ko ah.” bati nito sakin sabay ngiti, naramdaman ko na umaakyat ang lahat ng aking dugo sa aking ulo at tumitigil sa aking pisngi di ko na lang ito pinansin, agad akong nagpunta sa banyo para maghilamos, paglabas ko ay naabutan ko itong nagliligpit ng aming tinulugan.
“Oi, hayaan mo na yan, ako na ang magaayos niyan. Bisita ka dito. Hilamos ka na tapos kain na tayo.” saway ko dito, tumingin ito sakin saka ngumiti ulit muli akong napako sa aking kinatatayuan palihim na sinaulo ang itsura nito, tayu-tayo ang makapal na buhok nito at puno ng bakas ng unan ang pisngi pero sa kabila non...
“Cute.” sabi ko sa sarili ko pero agad ko iyong binalewala.
“Anong bisita? Baka bwisita.” sabi nito natawa naman ako, naglakad ito papunta sa banyo at naghilamos.
0000ooo0000
“Huwaw tita! Ansarap! Sigaw ni Jepoy nang matikman nito ang special tocino ng aking nanay.
“Sige, kain ka lang, baka sabihin ng mga magulang mo di kita pinapakain dito.” biro ng aking ina natawa naman si Jepoy.
“Tita, ang laki ng muscles kong ito, di na nila iyon mapapansin, saka wala namang pakielam ang mga iyon sakin.” biro rin ni Jepoy, napatingin ako dito.
Alam kong nalulungkot ito sa nasabi tungkol sa kaniyang mga magulang, abala ang mga ito sa pagtratrabaho, kaya naman di na ako nagtataka kung minsan ay idinadaan na lang sa biro ni Jepoy ang usapan tungkol sa kaniyang mga magulang. Siguro kaya madalas sa bahay nila Jana at ngayon ay samin natuloy si Jepoy ay dahil naghahanap ito ng kaunting atensyon, bagay na hindi niya nakikita sa sarili nilang bahay.
“Makatitig ka naman diyan!” saway sakin ni Jepoy habang puno pa ng tocino at sinangag ang kaniyang bibig sabay takip niya sa malaki niyang braso na akala niya ata ay tinitignan at pinagpapantasyahan ko. Napatawa naman ako at sinakyan na lang ito, pinisil ko ang braso nito.
“Ang laki ah.” biro ko, natawa narin si Jepoy pero napansin kong namula ang mga pisngi nito saka biglang yumuko na miya mo nahihiya.
“Cute.”
“Kaya ikaw kumain ka din ng marami para gumanda ng ganyan ang katawan mo!” singhal naman sakin ng aking ina na siyang sumira sa aking pagiisip.
“Sus, napuri lang ang luto niya eh, gusto na akong lunurin sa pagkain.” bulong ko pero di ito nakaligtas sa aking ina binigyan ako nito ng isang matinding pagbatok.
Tawa lang ang kumag na si Jepoy.
0000ooo0000
“So kamusta naman ang dalawang boys na pinaka love ko?” bungad ni Jana ng sumakay ito ng sasakyan ni Jepoy.
“uhhh...”
“errr...”
“Anong nangyari sainyo?” tanong ulit ni Jana, napansin marahil nito na pareho kaming wala sa sarili ni Jepoy dahil sa puyat.
“Puyat lang, Hon.” sagot ni Jepoy sabay gawad ng halik kay Jana, iniwas ko naman ang tingin ko. Selos? Di ko alam, pero di ko parin maatim na makitang nagpapalitan ng halik si Jana and Jepoy. Yung nga ba ang dahilan? Agad kong binalewala ang aking iniisip at di maintindihang nararamdaman nang magtanong ulit si Jana.
“Puyat dahil sa pagaaral o dahil sa kalokohan?” tanong sakin ni Jana.
“Pareho.” matipid kong sagot. Biglang lumatay ang pagaalala sa mukha ni Jana.
“Pero na perfect ko yung exercises na binigay sakin ni Maki.” pagmamayabang naman ni Jepoy, tinignan ako ni Jana para malaman kung totoo ang sinasabi ni Jepoy, tumango lang ako.
“Very good!” sigaw ni Jana sabay gulo ng buhok ni Jepoy. Napatawa naman ako.
0000ooo0000
“Tingin mo he'll pass his exams?” nagaalala paring tanong sakin ni Jana.
“Alam mo, you shouldn't worry about Jepoy that much, your boyfriend is smart, may pagkatamad nga lang.” sabi ko sabay tawa. Tumango naman si Jana.
“May pagaka immature din.” sabi ni Jana.
“Oo, pati underwear ko pinagtripan.” pagsangayon ko.
“Sensya na Maki ah, wala lang talagang makakulitan sa bahay yung si Jepoy eh, kaya naghahanap ng ibang makukulit, di naman niya magagawa sakin yun kaya siguro sayo binubuhos.” sabi ni Jana, tumango lang ako.
“Ok lang yun, basta ba wag sosobra ang pagkapilyo eh.” sabi ko.
“Hayaan mo papaalalahanan ko siya paminsan minsan.” sabi ni Jana, natawa na lang ako.
0000ooo0000
“Ho! Ho! Ho!” bungad ni Jepoy sa lamesa namin sa cafeteria.
“Kamusta ang exams?” tanong ni Jana. Ngumiti si Jepoy sa aking direksyon saka humarap ulit si Jana.
“Perfect!” pagmamayabang ni Jepoy. Nagpalakpakan naman kami ni Jana pabirong nagbow si Jepoy.
“At dahil dyan, I'll treat my new found friend to some sick party later.” sabi ni Jepoy sabay tabi sakin at akbay di nakaligtas ang pagdikit ng aming mga katawan at ang pagdampi ng kaniyang balat sa aking balat, muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon na noon ko pa pilit na inaalam.
“Ehe, di ko sure eh... uhmm... m-may gagawin ako...”
“Oh c'mon! Minsan lang yan, Maki!” hirit ni Jana. Wala na rin akong nagawa. Tinignan ko si Jepoy at nakangising aso nanaman ito.
0000ooo0000
“Yan ang isusuot mo?” tanong ni Jepoy sakin pagkababa ko galing sa aking kwarto.
“Oo, bakit may masama ba sa suot ko?” naiirita kong tanong dito.
“Wala, wala. Tara na malelate na tayo.” sabi nito sabay hila sakin papunta sa kaniyang sasakyan.
“Ingat kayo ah!” sigaw ng nanay ko bago sumara ang pinto.
“Opo Tita.” sabi ni Jepoy habang nagmamadali akong itinulak papasok sa kaniyang kotse.
0000ooo0000
“Dito tayo pupunta?” tanong ko habang tinitignan ang suot ni Jepoy mula ulo hanggang paa. Ngumiting aso si kumag.
Asa harapan kami ng isang kilalang gasoline station sa likod ng gasoline station ay isang convenience store at papunta doon ako hinihila ni Jepoy. Kumuwa ito ng anim na bote ng beer at apat na sandwiches pilit pinapakain sakin ang dalawa.
“Bakit? Akala mo ba san tayo pupunta?” tanong nito habang punong puno ng sandwich ang bibig.
“Sa isang club or something?” sagot ko sabay kagat sa binili niyang sandwich. Tumawa lang ito.
“Inisip ko kasi na baka di ka kumportable sa mga ganung lugar.” sabi nito sabay yuko at namumula ang pisngi, natigilan ako, ito ang unang pagkakataon na inisip niya ang maaaring maramdaman ko, noon kasi may pagka selfish ang kumag na ito.
“Dito na lang tayo, may gusto rin akong itanong sayo eh.” makahulugang sabi nito sabay tungga sa kaniyang inumin.
Kinabahan ako.
0000ooo0000
Nakakailang bote narin kaming dalawa ni Jepoy, paminsan minsan ay inaawat ko ito dahil kailangan niya kaming ipagmaneho pauwi, pero matigas ang ulo ni kumag. Di parin nito naitatanong ang sinabi niyang gusto niyang malaman mula sakin. Habang inuubos ko ang pangalawang sandwich ay saka ko napansin na nakatingin sakin si Jepoy.
“Maki sabihin mo sakin ang totoo. Nagka girlfriend ka na ba?” tanong nito sakin. Natigilan ako at bahagyang nangunot ang noo ko.
“Di pa, bakit mo naman naitanong yan?” balik ko dito.
“Pero may nagugustuhan kang babae diba?” tanong ulit nito, binabalewala ang aking tinanong.
“Oo, pero...”
“Si Jana ba yung nagugustuhan mo?”
Di na ako nakasagot, tila ba may nakaharang sa aking lalamunan para mahirapan ako sa paghinga at pagsagot sa tanong niya. Marahil napansin ni Jepoy ang aking pagaalinlangan kaya ngumiti ito sakin.
“Ok lang naman sakin na may gusto ka kay Jana eh. Ok nga iyon dahil alam kong pagwala ako may magaalaga sa kaniya pero wag mo na lang sana siyang susulutin ha?” natatawang sabi sakin ni Jepoy.
Di parin ako makakibo, di ko maintindihan kung bakit ganito na lang ka light kay Jepoy pagusapan ang pagkakagusto ko sa girlfriend niya. Ganito siguro talaga ang mga solong anak. Naglalarong sinuntok ni Jepoy ang aking braso.
“Huy! Hinga hinga!” sabi nito sabay tawa, medyo napangiti na ako.
0000ooo0000
“Alam mo nung una ang hinahanap ko sa babae yung tipong makakapagpabago sakin, yung makakapagpaalis ng katamaran ko.” simula ni Jepoy, wala na kami ngayon sa treats asa loob na lang kami ng sasakyan niya at nagpapahulas ng nainom.
“Ganun ba si Jana para sayo?” tanong ko sa kaniya, medyo kumportable na ako ngayon makipagusap kay Jepoy. Ngumiti si Jepoy.
“Di eh, si Jana kasi yung tipo na hindi ka pakikielamanan sa gusto mo. Para sa kaniya kung gusto kong magbago, magbago ako dahil gusto ko at di dahil gusto niya.” sabi nito, sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa sinabi nito. Medyo nahihilo narin kasi ako.
“Mas binago mo nga ako eh. Ikaw na bestfriend ng girlfriend ko pa ang nakapagtulak sakin para magbago.” nangingiting sabi nito sabay buntong hininga. Biglang nawala ang hilo ko.
Natahimik ako.
“Buti na lang di mo na ako inaaway masyado kaya pakiramdam ko magiging malapit tayong magkaibigan.” sabi ni Jepoy. Napatawa naman ako pero parang kinilig din ako sa sinabi nito.
0000ooo0000
“Salamat, Jepoy ah! Nagenjoy ako!” sabi ko dito nang matapat na kami sa bahay.
“Wala yun, makabawi manlang ako sayo.” sabi nito.
“Di mo naman kailangang bumawi eh, binabayaran ako ng parents mo para pumasa ka.” sabi ko dito sabay suntok sa braso niya.
“Eh kung hindi mo naman ako pinagtyagaan saka sinungitan walang mangyayari don eh.” nangingiti na nitong sabi.
“Sige na, inaantok na ako.” paalam ko dito. Di na ito sumagot at tuloytuloy na ako sa loob ng bahay.
Di ko alam pero nakangiti akong nagpunta sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Matutulog na sana ako ng mapasilip ako sa bintana. Nangunot ang noo ko.
0000ooo0000
“Jepoy?” tawag ko dito sabay katok sa bintana niya. Tumunghay ito at nagdilat ng mata. Ibinababa ang bintana.
“Bakit dito ka natutulog?” tanong ko kay Jepoy, napayuko ito at muling namula ang mga pisngi.
“Tinatamad na kasi ako magdrive... ang totoo niyan nahihilo na ako sa nainom natin.” sabi nito, napatawa naman ako.
“Bakit di ka nagsabi? Sana pinaakyat na kita.”
“Eh, di mo naman ako inaya eh.” sabi nito na parang nahihiya.
“Ulol! Kailan ka pa nahiyang hayop ka?! Sarhan mo na yang kotse mo at umakyat ka na't maglinis ng katawan para makatulog na tayo.”
Ngumiti sakin si Jepoy, naramdaman ko ulit ang kakaibang sensasyong pilit kong binibigyan ng sagot. Tuloytuloy lang sa pagpasok ng bahay si Jepoy nang biglang may pumasok sa aking isip, bigla akong napatigil sa paglalakad.
“Imposible!” sabi ko sa sarili ko ng mahanap ko na ang sagot sa tanong na may ilang beses naring gumugulo sakin.
Itutuloy....
________________________________
Breaking Boundaries
by: Migs
Hey Guys! Balik normal na ang posting ko. :-D
ReplyDeleteBiglang bumaba ang number ng nagco-comment. Nakakalungkot. Anyways, I'm pulling out Taking Chances. Hehe. May kapareho ako ng plot. I'll re-write the whole story, ayokong makasuhan haha! So... Mapapaaga ang posting ng sequel ng breakeven. :-D
Meron pa pala akong isang masamang balita... nabura ang ginawa kong sequel ng Love at it's best. asa drafts lang kasi yun dito ng aking blog. Nagbago ata ng format or something ang Blogger.com and everything was wiped out, kasama na ang tinatarbaho kong sequel ng Against All Odds, kaya naisipan kong unahin ang sequel ng breakeven kesa sa sequel ng Love at it's best.
Sensya na dear readers.
Sana bumalik ang mga dating taga comment dito sa blog ko.
out of 97 followers (YAY! 97 na kayo. haha!) 8 lang ang nagco-comment. huhu! Nakakalungkot.
Thanks ulit guys sa patuloy na pagsuporta. :-D
Aw.So sad to hear that! But I hope the new version wouldn't be that far to the this, especially the characters.
ReplyDeleteAND OH MY GOD. FINALLY A SEQUEL TO BREAKEVEN! I CAN'T FREAKIN WAIT <3 <3 <3 Hello Pat. Hello Ram.
Goodluck Mr. Writer! Kaya mo yan!
"Balik normal na ang posting ko. :-D"
ReplyDeleteYAY!! birthday gift ni kuya migs <3
Sayang naman yun daddy Idol. Anyhow, I'm looking forward sa mga updates ng story mo. Pasensya na kung hindi ako madalas mag-comment huh. Hmmmm, kahit na ganun, binabasa ko pa rin sila. Promise yan daddy idol!
ReplyDeleteImishue! God bless and continue writing po. :D
super like.. i mean, super love it.. hehehe
ReplyDeletewondering kung ano physique ni Maki..??
God bless.. -- Roan ^^,
kuya Migs!!! Chasing Pavements 4 (2) asan na po???
ReplyDeleteok lang yan migs..alam namin na magagawan mo ng paraan ang mga nabura kasi iba tlaga ang ikaw gumawa.
ReplyDeletedon't worry if konti lang nagcocomment migs.. for sure marami naman bumabasa.. isa na ako dyan..
ReplyDeletei'll surely be waiting for your upcoming masterpieces.. thanks in advance!
-rover
whoa ingit ko lang kay maki - chos...
ReplyDeletesir, dont cha worry for sure marami kaming sumusubay-bay sa stories mo......xenxa din po kung di ako palaging nag bibigay nag comment...nahihiya kasi ako... xoxo....
Godbless sir...
ganda ng chapter, kilig kiligan ako XD
ReplyDeletechapter na 'to....bitin, lol
have a great day migs (",)
Done reading all the stories here at your blog and it's very nice... napakaganda ng mga stories dito... hehe gagawin kong tambayan itong blogsite mo idol.. keep it up idol! God Bless
ReplyDelete-Ian =)
▬ uu nga madami kayang silent reader....hahha isa ko dun before!..hahahah
ReplyDelete- Jet
haysssssssss sana nga balik normal n posting d2 tnx po.
ReplyDeletedati d magkasundo buti naman ngayon at ok n yang dalawa n yan,,,
oo nga kuya migs madami naman talaga silent readers, minsan kc mabagal un net pag nagsent ng comments kaya tinatamad lng un iba dyan, plus un mga undesided human dyan,
Adik ka wag kang malungkot mga busy lang yon siguro dahil patapos na ang sem :D magaling ka parin migs walang pagbabago :)
ReplyDeletehi.... admin...i really do like reading your story... it was a beautiful love story indeed... i kept reading it...full of passion and love...what im doin rite now is marathon reading... for me its the best...
ReplyDeleteramy from qATAR
Nakabold talaga ang term na 'selos'. Ahahaha...
ReplyDeleteKudos! Kuya Migs.
what a versatile story teller. kilig much ako.
ReplyDeletexoxo, A
miguel i love you
ReplyDelete