Monday, October 3, 2011

Breaking Boundaries 3

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Barabara ang paglagay ng nanay ko ng kanin at ulam sa aking plato, di nito nagustuhan ang pagmumura ko habang si Jepoy naman ay pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Tinignan ko ito ng masama, nang sa wakas ay lumabas na ang nanay ko ng kusina ay sinuntok ko si Jepoy sa braso, di na nito napigilan ang pagtawa.



Sama talaga ng ugali mo!” bulong ko dito pero di ko inalis ang pagkainis sa boses ko.



Nagkakasiyahan lang naman tayo eh!” sabi nito. Pinandilatan ko ito ng mata.



Fine! Di naman ako ang lugi dito eh, we'll have it your way! Kung gusto mo akong pagtripan tuwing tu-tutor-an kita, fine! Tandaan mo, binabayaran ako ng tatay mo para makapasa ka. Ngayon kung gaguhan lang naman din ang gagawin natin eh ok lang, bayad ako dun. Anong pakielam ko kung bumagsak ka? At least may pambayad ako sa susunod na Sem.” sabi ko dito, natahimik ito at nabura ang ngisi sa mukha.



Bakit ganyan ang pagmumukha nyo?” bungad ng nanay ko, natigilan saglit sabay pingot sakin.



Di mo naman siguro sinisisi si Jepoy at binuko niya ang katarantaduhan mo kagabi no?” sabi sakin ng nanay ko habang nangiwi sa sakit ng pagpingot sakin, tinignan ko ng masama si Jepoy, nang matapos na ang pagpingot sa akin ng aking ina ay agad akong tumayo at pumunta sa aking kwarto para maghanda na sa klase.



Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Jepoy na nakaupo sa gilid ng aking higaan.



Maki, sorry sa mga ginawa ko.” bulong ni Jepoy habang nakayuko.


Marcus, hindi Maki.” sabi ko sabay buntong hininga.


Look, Jepoy, enough with the theatrics. You're a brat and I'm just a fucking toy to you and if you want to play with me, sabi ko nga kanina, I'm fine with it. Di ako ang talo dito. Ikaw.” saad ko sabay talikod at balik sa CR para magbihis na.



0000ooo0000



Tahimik kami nila Jepoy at Jana habang kumakain, di maikakaila ang namumuong tensyon.



Kamusta ang naging kinalabasan ng pagre-review niyo?” tanong ni Jana, pero alam namin ni Jepoy na alam na nito ang kasagutan sa tanung niyang iyon.



Ok lang.” walang gana kong sagot, napatingin sakin si Jepoy, halatang di inaasahan ang sagot kong iyon, marahil ay akala nito na isusumbong ko siya kay Jana sa ginawa niyang panggagago sakin.



Magkakunchaba na kayo ngayon?” pamamaratang ni Jana. Nakatitig lang ako kay Jana habang si Jepoy ay nakatingin sakin. Ngayon ko lang nagawa to kay Jana, at inaamin kong di ako kumportable sa pagsisinungaling ko dito. Pero inisip ko ulit na kailangan ko ng pera pang tuition at kung isusumbong ko si Jepoy kay Jana ay malamang patitigilin ako nito sa pagtu-tutor sa boyfriend niya at baka ito rin ang maging sanhi ng paghihiwalay nila.



Fine, maglihim kayo.”sabi ni Jana at natahimik na ulit ang lamesa.



0000ooo0000



Tahimik parin sa loob ng sasakyan, halos di rin ako kinibo ni Jana buong araw sa bawat klase na magkasama kami, di rin maipinta ang mukha ni Jepoy. Feeling ko nasa gitna ako ng isang nagbabagang gyera. Awkward, yan ang salitang tinutumbok ang aking nararamdaman ngayon. Tumingin na lang ako sa labas ng aking bintana, naramdaman kong may nakatingin sakin. Si Jepoy, tinitignan ako gamit ang rearview mirror.



Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Jana ay walang paalam itong bumaba agad naman itong sinundan ni Jepoy. Di pa man nakakapasok si Jana ng gate ay tinawag ito ni Jepoy at nakiusap na magusap muna sila, pinaunlakan naman ito ni Jana, mayamaya pa ay nagyakap na ang dalawa at sandaling naglapat ang mga labi, humarap ulit sakin si Jana at kumaway at pagkatapos ay pumasok na sa kanilang bahay.




Nakaramdam ako ng selos, matagal ko na kasing gawain ang pagaalo kay Jana sa tuwing di maganda ang araw nito, ako ang susuyo dito sa tuwing may bumabagabag dito, ako ang magpapaintindi dito sa tuwing nafrufrustrate siya, matagal ko naring pinangrap na halikan ito tulad ng ginawang halik sa kaniya kanina ni Jepoy, pero alam kong mahal nito si Jepoy. Wala na akong magagawa. Nagseselos ako, pero meron pa akong isang nararamdaman na hindi ko malaman kung ano.



Maki, lipat ka na dito sa harap.” basag ni Jepoy sa pagmumunimuni ko.



Marcus sabi eh!” bulong ko.


Di na Jepoy, dito na lang ako, baka kasi i-abante mo nanaman yung sasakyan kapag sasakay na ulit ako.” malamig kong sabi dito at isinandal ko ulit ang aking likod. Nagbuntong hininga si Jepoy.



0000ooo0000



Manang, paki dalhan kami ni Maki ng meryenda.” utos nito sa kasambahay ng buksan nito ang pinto.



Ok po, sa kwarto ko na lang po ba dadalhin, sir?” tanong ng kasambahay kay jepoy.



Ay hindi po, manang dito kami ni Maki sa sala magaaral ngayon. Baka kasi mawili nanaman ako sa computer eh.” sabi nito sabay takbo papuntang kwarto niya.



Nang dumating ang meryenda sa sala ay sabay namang baba ni Jepoy na naka basketball shorts at sando na lang. Ngumiti ito sakin, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at tila ba mga paruparo sa aking tiyan nang makita ang ngiting iyon. Agad ko iyong ikinibit balikat at inismidan ko lang ito.



Game!” sigaw nito sabay labas ng notebook niya at libro sa kaniyang bag. Umupo ito sa may carpet sabay kagat ng malaki sa nakahandang sandwhich.




0000ooo0000



Maki tapos ko na.” nahihiyang sabi sakin ni Jepoy sabay pakita ng kaniyang ginawa sa notebook.



Marcus sabi eh.” ngumiti lang si Jepoy sa sinabi kong iyon.



Simple lang naman ang accounting pero napakaraming terminologies dito saka nakakalitong numbers na dapat i-balance at sa tingin ko dito nahihirapan ng husto si Jepoy. Tinignan ko ang ginawa nito.



Tama ba? Tama ba?” parang aso na nanghihingi ng dog food sa amo na tanong sakin ni Jepoy. Tumabi ako dito at umupo sa carpet.



Mali.” malamig ko ulit na sabi dito. Nanlumo naman ito.



Ganito kasi, kuwanin mo ulit yung notebook mo.” utos ko dito, malugod naman itong sumunod.



Eto yung sundan mo, wag kang malilito sa cash in hand saka cash on hand.” paliwanag ko dito sabay turo sa notebook saka sa presyo na kaakibat dito.



May pagkakaiba ba yun?” tanong nito sakin na nakakunot pa ang noo.



Oo, kuwanin mo yung libro mo, kapag may di ka naiintindihan sa terminologies o kaya nalilito dito meron namang chapter sa libro tungkol sa mga iyan eh. Sige tignan mo muna ulit tapos try mo ulit i-balance lahat.” sabi ko dito, tumango naman ito. Nakita kong desedido si Jepoy matutunan ang ikinalilito niyang lesson sa Accounting, umayos ulit ako ng upo sa sofa at sinubukang aralin ang aking sariling lesson. Maya maya pa ay nakatulog na ako.



Nagising ako at nakitang nakayuko si Jepoy at ginagawang unan ang kaniyang notebook. Tulog. Nilapitan ko ang pinagawa ko dito at laking gulat na wala ni isang mali sa exercises na pinagawa ko sa kaniya, napangiti ako. Dahan dahan akong tumayo at pinuntahan si manang.


Manang di ko na po ginising si Jepoy, paki sabi na lang po paghinanap ako na umuwi na ako.” tumango lang ito at hinatid ako pabalik ng sala, nagiwan ako ng note sa tabi niya, pero biglang naalimpungatan si Jepoy at tumingin sakin sabay haplos sa kaniyang batok.


May mali ba, Maki?” tanong ni Jepoy sakin habang pupungas pungas pa. Natigilan ako, muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon sa aking tiyan nang ngumiti ito kanikanina lang.


W-wala, tama lahat ng ginawa mo.” sabi ko dito sabay ngiti, ginantihan din ako nito ng ngiti.


Papasa na ako bukas sa exam.” sabi nito sabay hikab.


Goodluck na lang bukas.” sabi ko dito sabay lakad papunta sa pinto.


Maki ay M-marcus pala, saglit, hatid na kita.” alok nito sakin pero tumanggi lang ako.


I insist.” sabi nito sabay kusot sa kaniyang kaliwang mata. Wala narin akong nagawa.



0000ooo0000



Hello, Tita!” bati ni Jepoy sa aking ina sabay beso ng pagbuksan kami ng pinto. Napailing na lang ako.


Bati na kayo?” tanong ng matanda saming dalawa, napatawa si Jepoy sabay pasok sa loob ng bahay ako naman ay tumango lang.


Akala ata ng nanay mo mga batang paslit pa tayo.” sabi ni Jepoy sabay upo sa aming sala, tumango lang ako at ngumiti.


Nga pala, salamat kanina ah. Dami mong naitulong.” bulong ni Jepoy sabay yuko na kala mo nahihiya.


cute.” bulong ko sa sarili ko.


Aba, isang Jeffrey Gonzales nagpapasalamat.” loko ko dito para mawala ang kaninang iniisip. Tumawa lang ito.


Oh, Marcus, Jepoy iwan ko na kayo diyan at matutulog na ako. Kung nagugutom kayo may pagkain dun sa ref.” bilin samin ng aking ina. Tumayo naman si Jepoy at bumeso ulit sa aking ina.


Sipsip.” bulong ko narinig ata ni Jepoy at tinignan ako ng masama sabay lapit at umupo ulit sa sofa.


Di ka pa ba uuwi?” tanong ko kay Jepoy, nagtaas naman ito ng kilay.


Bakit pinapauwi mo na ako?” taas kilay parin nitong tanong sakin.


Di naman...” simula ko.


Yun naman pala eh, pwede mo bang kuwanin yung meryenda na hinanda ng nanay mo? Nagugutom ako eh, di kaya tayo nagdinner.” sabi nito sakin, tama siya, maski ako nakalam na ang sikmura ko. Tumayo na ako at kinuwa ang meryenda sa loob ng ref, pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Jepoy na tutok na tutok sa pinapanood niya. Tinignan ko ang kaniyang pinapanood.


Oh, pwede na yang ipalabas sa cable?” tanong ko kay Jepoy sabay upo sa tabi niya at inabot sa kaniya ang hinihinging meryenda.


Oo nga eh, siguro dahil gabi na kaya pwede ng ipalabas.” sabi naman nito nang hindi inaalis ang mata sa TV.


Mayamaya pa ay sabay kaming napatalon ng biglang may bumulaga sa screen.


0000ooo0000



Maki...Marcus...” nakapikit ang aking mata at tila ba naalog ang buong paligid. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.


Mak-Marcus, sa taas ka na matulog.” sa sinabing ito ni Jepoy ay nagising ako bigla.


Kanina pa ako tulog?” tanong ko dito sabay tingin sa orasan, tapos na ang pelikula at may dalawang oras nadin akong tulog.



Di ka pa uuwi?” habol ko ulit dito.


Dito na lang ulit ako matutulog.” sabi nito sabay hikab at kusot sa mata.


Sige, ikaw bahala.” sagot ko naman sabay ligpit sa aming pinagkainan.


Pwedeng humiram ng toothbrush?” tanong nito sakin, natawa ako.


Bakit?” tanong ulit nito na kala mo walang mali o nakakadiri sa sinabi niya.


Hiram?” tanong ko. Natawa narin ito nang makuwa ang aking ibig ipahiwatig.


Dun sa kabinet sa may banyo may mga bagong toothbrush dun.” sabi ko dito, umakyat naman ito na nailing iling pa.


0000ooo0000



Pagakyat ko sa aking kwarto ay nandun na si Jepoy, nakatayo ito sa may paanan ng kama ko at nakangiting aso nanaman. May binabalak nanaman ito.


Anong binabalak mo?” naniningkit mata kong tanong dito. Tumawa ito at may inilabas ang isang tela mula sa likod niya. Nanlaki bigla ang aking mga mata ko.


Who would have thought, the strict, the smart, the snob and the well respected Mr. Marcus Tiangsan loves spongebob square pants for an underwear!” sigaw nito sabay wagayway ng aking underwear na bagong laba at itinupi ng aking ina at iniwan sa ibabaw ng aking kama. Tawa parin ng tawa si Jepoy, hinabol ko ito at sinubukang agawin ang iwinawagayway parin nitong underwear.


Amina yan Jepoy!” sigaw ko habang paikot ikot kaming naghahabulan sa kwarto ko.


Nang sa wakas ay maagaw ko na ito ay itinago ko ito sa kasuluksulukan ng aking aparador at pumunta na sa CR para magtoothbrush. Paglabas ko ay nahilik na si Jepoy at kumportableng kumpotable na naka boxers na lang at nakahilata sa aking kama. Kinuwa ko ang isang unan at hinampas dito, agad naman itong nagising. Napatawa ako at humiga narin sa kama.


Do you think your classmates would believe me if I tell them about your dirty little secret?” nangaalaskang tanong nito, pinatay ko na ang ilaw at napatawa na din.


Mukhang walang maniniwala.” sagot ko dito. At natawa nadin siya.


Goodnigt, Jepoy.” sabi ko dito at ipinikit na ang aking mga mata.


Goodnight, Maki and thank you.”


Di ko na nagawa pang itama ang tawag nito sakin dahil nakatulog nadin ako.



Itutuloy...


_____________________________
Breaking Boundaries 3
by: Migs

9 comments:

  1. Aw. That is so sweet. Gives me that fluttery feeling at the end of every sentence. You are such a good writer! I know that you've been told that countless times before but you really are. You have that signature style that I can't put my finger in it but it's there. The thing that keeps us readers coming back for more!

    I just hope that the lurkers would have enough time to give your work the credit that it deserves!

    I also hope that the pacing of the posts would be more frequent. I guess it's too much to ask they there would be a new chapter everyday! Sana pero you do have a life amidst this wonderful blog!

    Please continue writing, you are a true artist.
    Hope to read more soon!

    ReplyDelete
  2. kudos to mr. writer, sna mas mabilis update... bitin eh =)kudos to mr. writer, sna mas mabilis update... bitin eh =)

    ReplyDelete
  3. Ang galing! :> pero nakakabitin aabangan ko to.

    ReplyDelete
  4. isang linggo pag-aabang...
    pero sulit naman :D

    ReplyDelete
  5. the "child like” side of the story, nice migs last time ko na nafeel ito ay sa LAIB 4, now your rekindling my feelings again, feel ko bata ako, LOL

    the attitude/emotions that the characters evoked in this chapter were fit to their age, sa ngayon, yun muna magevolve pa naman ito eh, hehehehe. sana mapadalas na ang update =)

    may "something" na kaagad kay maki..cant wait kung kailan naman kay jepoy.

    ganda ng phasing migs keep them coming (",)

    ReplyDelete
  6. i'm with josh..ung child-ish side nung story is very cute in a sense na hindi siya OA or pilit..parang natural lang ba..

    un nga..not that i'm trying to be demanding kasi we know naman na this is free and you have your life, pero ano..alam mo po yun..yung parang nanggigigil ka..haha..kasi maganda kasi ung stories niyo..and medyo..medyo lang naman mabagal..pero ok lang din kasi we should understand your side kasi you're walking on your own shoes and we don't know what you're going through right now..

    ..at yung kay glitterati..agree din ako..na you have that style when it comes to writing na may sariling identity that makes me..well, makes us all hooked..continue and more power..god speed..

    ReplyDelete
  7. galing mo talaga mahal kong migz. bakit kaya nabulak si maki? and why is he giving the cold shoulder to jepoy? ung blindness ba nya has something to do with what jepoy did to him? aabangan ko ang mga sagot sa mga tanong ko migz. love you ulit. ingatz.

    ReplyDelete
  8. ahahahha... magsimula ka nang mangamba jana ehehhehe...

    after this ano na? hehhheeh kakakilig heheheh...

    -mars

    ReplyDelete
  9. hayssssssssss tnx my update n ulit @ wala n uli,
    ndi kya nainlove c maki kay japoy o nagkaroon sila ng relations habang gf ni japoy c jana?????
    ito siguro ugat ng pag iwas ni maki k japoy s part 1....
    migs thanks again khit bc k po....
    next chapter pls..................

    ReplyDelete