Chasing Pavements 4[2]

Tuesday, June 12, 2011


Miya mo ako hinila mula sa magandang panaginip dahil sa naramdaman kong paggalaw sa aking ulunan, narinig ko ang marahang pagsara ng pinto at matinding pagkangalay sa aking batok. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Alam kong magiging maganda ang umaga ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni JP na nakadungaw sa akin, napansin kong tumataas baba ang balikat nito, humahagikgik si loko. Unti unti kong iniangat ang aking ulo, nun ko lang napansin na basa ng laway ang aking pisngi at gayun din ang kanang kamay ni JP na sa loob ng ilang araw na pagkakaospital nito ay ginawa kong unan.



Hey, Handsome.” bati nito sakin na ikinangiti ko naman.



We're free to go home tomorrow.” bungad ulit nito pero dahil nag lo-load pa ang utak ko...



We should wait for the doctor's order before we go home, JP.” sabi ko dito habang humihikab. Muling humagikgik si JP, nagdikit naman ang kilay ko at ibinaling ko ang tingin ko sa tinitignan ni JP sa aking likod. Nanlaki ang aking mga mata at namula ang aking pisngi sa hiya at agad kong pinunasan ang aking pisngi mula sa mga natutuyong laway.



Yup. Jay here is already carrying out Dr. Herrera's discharge orders.” sagot ni JP, nakita kong pinipigilan ni Jay ang tumawa habang binabasa ang discharge orders ng doktor mula sa chart ni JP, ibinalik ko kay JP ang aking tingin at patuloy parin ito sa paghagikgik. Muling bumagsak ang aking mukha at lalo akong namula sa hiya.



You mean---”



Yes, Dr. Herrera and nurse Jay here saw you drooling everywhere while having their morning rounds. You just missed Dr. Herrera, I think it was the door closing behind him that woke you up. You should've seen him laugh his ass out while watching you drool.” sabi ni JP sa pagitan ng kaniyang mga paghagigik, tinignan ko ito ng masama, tumayo at sinuntok ang kaniyang braso.




Di na napigilan pa ni Jay ang pagtawa at sumabay narin si JP dito habang papasok ako ng banyo.



Assholes!” sabi ko habang sinasarhan ang pinto ng banyo para maghilamos at magsipilyo.



Nang makalabas ako ng C.R. ay wala na si Jay sa loob ng kwarto at naiwan si JP na nanonood ng football sa T.V. Nakaplaster parin sa mukha nito ang ngiti. Nang mapansin nitong lumabas na ako ng C.R. at lumilinga linga sa paghahanap kay Jay ay natawa ulit ito. Naningkit ang mata ko. Lumapit ako sa higaan niya at sinuntok siya sa braso.



Kailangan mo ba talaga akong ipahiya ng ganun ha?!” sigaw ko dito sabay suntok ulit, narealize ko na di siya nasasaktan sa mga suntok ko kasi tawa parin ng tawa ang mokong.



Ang cute mo kaya matulog saka sabi ni Doc wag ka na daw gisingin dahil saglit lang naman daw siya.” natatawang sabi nito.



Sira ulo ka talaga!” sigaw ko dito at umupo na sa upuan malapit sa kaniyang tabi.



Maski nga si Doc saka si Jay nacute-an sayo eh.” natatawa ulit nitong sabi, pinigilan ko ang sarili ko sa pagngiti at sinuntok ulit ang braso niya.



Itinuon ko ang aking pansin sa pinapanood na football. Inabot ni JP ang aking kamay at hinawakan iyon.



Migs?”



Hmmm?”



Wala ng jelly ace, naubos ko na kanina.” bulong ni JP.



Gusto mo ibili kita?” tanong ko, tumango lang si JP. Simula noong nag general liquid ang diet ni JP pagkatapos ng operasyon ay naging fixated na siya sa jelly ace. Nauubos niya ang isang bag sa loob ng isang araw kahit pa balik sa normal na ang kaniyang diet. Tumayo ako at hinanap ang aking wallet.



Oh, iwan muna kita. Bili lang ako sa baba.” paalam ko kay JP, tumango lang ito na miya mo bata na pinangakuan na uuwian ng ice cream ng kaniyang magulang. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto habang binibilang ang laman ng aking wallet.



Migs?”



Hmmm?” sagot ko habang nagbibilang parin ng pera.



I Love You...”



I Love You too...”



Agad akong natigilan sa pagbibilang at nanlaki ang aking mga mata di makapaniwala na nasabi ko ang mga katagang iyon. Agad akong humarap kay JP at bumungad sakin ang ngiting-nakakaloko-ala-JP-style na mukha.



Ano nga ulit iyon?” tanong ni JP habang tumatayo mula sa pagkakahiga.



W-wala. B-bababa na ako. Dyan ka lang r-relax ka lang d--” pero di ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay naibalot na ako ni JP sa kaniyang mga malatrosong braso.



It's my gall bladder they took and not my ear drums.” pabulong na sabi nito sakin. Di na ako nakapagsalita.



I Love You.” bulong ni JP sa aking kaliwang tenga.



0000ooo0000



Habang naglalakad ako sa mahabang hallway ay di ko maitago ang ngiti sa aking mga mata, nang mapatapat ako sa Nurse's Station ay nakita ko si Jay, nakangiti parin ito saka magiliw na kumaway sakin, lalo akong napangiti at sinuklian ito ng isang maikling pagkaway.



Agad akong tumapat sa pares ng elevator na magdadala sakin pababa sa lobby ng ospital, pero puro ito express, ibig sabihin may mga laman itong pasyente at ayon sa policy ng ospital ay hindi pupwedeng sabayan ng ibang tao ang pasyenteng iyon sa loob ng elevator. Dahil sadyang maikli ang pasensya ko ay naglakad ako pabalik malapit sa Nurse's station at inintay ang elevator doon na magdadala naman sakin sa side entrance ng ospital.



Swerte namang bumukas ang mga pinto ng elevator na iyon at masuyo akong binati ng operator noon, nang pasara na ang pinto ng aking sinasakyan na elevator ay may nakita akong pamilyar na babae na papalapit naman sa Nurse's station para magtanong.



Harap ka, Miss.” sabi ko sa sarili ko para makumpirma kung kilala ko nga ba ang babaeng iyon. Pero lumapat na ang mga pinto ng elevator at hindi humarap sa gawi ko ang babae, nagkibit balikat na lang ako at inintay na marating ng elevator ang ground floor.


Sa ilang minutong bumiyahe ang elevator na iyon ay nakapikit lang ako at pinipilit ang sarili na huminga ng malalim para mapigilan ang paninikip ng dibdib at ang kakaibang routine ng sikmura ko sa tuwing naiiwan ako sa isang maliit na kwarto na walang bintana at kahit ano pa mang opening.



OK ka lang?” tanong ng isang batang doktor na kasabay ko sa loob ng elevator, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, tumango ako dito at nagbigay ng matipid na ngiti.



Claustrophobia.” sagot ko sa nagaalalang batang doktor. Ngumiti ito sakin.



Well, we're here.” sabi nito sabay ngiti ulit. Tumingin ako sa gawi ng mga pinto at nagulat nang makitang pwede na kaming lumabas sa lift na iyon. Ibinalik ko ang aking tingin sa doktor na nakangiti parin sakin.



Gawd! Doctors here are cute!” sabi ko sa sarili ko sabay bitiw ng matipid na ngiti kay 'cute doctor'.



Habang naglalakad ako sa bangketa papunta sa kalapit na convenience store ay di ko maiwasang mapangiti. Matagal na akong may nararamdaman kay JP pero ayaw ko itong aminin at ayaw ko itong malaman niya, alam kong may ideya na siya na may nararamdaman din ako sa kaniya pero mas ginusto kong wag siyang bigyan ng ebidensya na tama ang hinala niya at sakin mismo manggaling ang pagkumpirma sa mga hinala niya.



Dahil pagkatapos ni Edward, Alex at Marco? Siguro naman may sapat akong dahilan para matakot, diba?”



Alam kong iba si JP pero hindi ko rin mapipigilan na isipin ulit na bago ako ay ni hindi sumagi sa isip ni JP na makipagholding hands sa lalaki makipagrelasyon pa kaya, hindi ba't ganun din si Edward? At kita mo kung anong nangyari, nakatatak parin sakin si Edward. Yun ang ikinatatakot ko kay JP na baka lumipas ang ilang araw, buwan o taon ay baka iwan din ako nito dahil na realize niya na babae talaga ang gusto niya at walang matira sakin kundi ang tatak nito sa puso ko na sa tuwing pipilitin kong burahin ito ay makakaramdam ako ng sakit.



Pero ang gaang ng pakiramdam nang sabihin ko kay JP ang totoo kong nararamdaman.” sabi ko ulit sa sarili ko habang kumukuwa ng ilang bag ng jelly ace sa shelf ng tindahan na iyon.



Naisip ko lang na bakit di ko ito lubusin habang nandito pa.



Malay mo hindi ko naman dapat matakot diba?



Malay mo kami talaga ni JP habang buhay.



0000ooo0000



Manong sagli--” sabi ko sa tagalinis ng mga kwarto bago pa nito saran ang pinto ng kwarto ni JP.



Nginitian ako ng tagalinis pero imbis na matuwa ako sa ngiting iyon ay agad akong nanlamig nang sa likod ng ngumingiting tagalinis ay nakikita ko si JP na kahalikan si Donna, si JP habang nakatayo katabi ng kaniyang higaan at si Donna naman ay nakatalikod sa gawi ng pinto. Tinulak na ni manong ang kaniyang trolly na puno ng gamit na panglinis palayo. Dahan dahan akong umatras at naglakad din palayo sa kwarto ni JP.



Nanlalamig parin ang buo kong pagkatao. Halos patakbo akong bumalik sa gawi ng mga elevator, di ko napansin na nakakakuwa na pala ako ng pansin lalo na ng mga nurse sa Nurse's Station, bumukas ang mga pinto ng elevator at sinabi sa operator nito ang numero ng floor na gusto kong puntahan, di ko napansin si Jay na sumakay din pala sa elevator na sinasakyan ko.



0000ooo0000



Di ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa isang mahabang upuan sa loob ng chapel, tahimik na umiiyak at nagiisip kung ano ang aking dapat gawin, humihingi ng tulong sa isang imahe na simula nang magkaisip ako ay itinuro na sakin ng aking mga magulang na irespeto.



Kinuwa ko ang aking cellphone at itinext si JP.



Naghahanap pa ako ng jellyace.” matipid kong text habang patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha.



Why do you have to take him away from me just when I have the courage to tell him what I feel, just when I let go of all my hesitations, just when I'm ready to love again?” halos pabulong kong tanong sa isang imahe ni Jesus sa loob ng chapel.



I knew there's something wrong when I saw you running down the hall earlier.” sabi ng isang lalaki sa aking likod. Nilingon ko ito.



Hi Sir Migs.”



Hi Jay.” bati ko kay Jay sabay punas ng aking mga luha.



Want to tell what happened?” tanong ni Jay. Di ko na mapigilan ang mapahagulgol habang nagku-kwento ako kay Jay.


Makalipas kong ikuwento lahat ng aking pinagdaanan kay Jay, simula kay Edward hanggang sa pinagdadaanan ko ngayon kay JP ay niyakap ako ng mahigpit ni Jay.


Hey, it's going to be OK.” sabi nito habang inaalo ako.


No it's not.”


Di pa tayo sigurado, Migs. Malay mo---”


Malay mo naglalaro lang sila? o trip lang nila maghalikan? o may dumi sa labi si JP at inalis lang yun ni Donna gamit ang bibig niya? C'mon, Jay, that's bullshit and you know it.” tumango lang si Jay sa sinabi kong iyon.


At least talk with JP about it. Di niyo masusulusyunan yan at di ka malilinawan kung di mo siya kakausapin tungkol diyan.”


Natahimik ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


Tapos na ang break ko, Migs.” tumayo na si Jay pagkasabi nito, tumango lang ako bilang sagot.


Promise me you will talk to JP.”


I promise.” sagot ko. Ngumiti si Jay at nagsimula ng maglakad palayo sakin.


Jay.” tawag ko dito.


Hmmm?”


Thanks.” ngumiti ulit ito.



Bumalik ako sa kwarto ni JP, siniguro kong walang bakas ng luha at pamumula ang aking mga mata. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto, andun parin si Donna, naglagay ako ng isang pekeng ngiti sa aking mukha at kunwari'y nagulat sa pagkakakita ko kay Donna sa loob ng kwartong iyon.



Migs!” sigaw nito sabay yakap sakin. Nginitian ko lang ito at kunwaring ibinalik ang yakap na masuyo nitong ibinigay sakin tinignan ko si JP at nakangiti din ito.



Good to see you again, Donna but I'm afraid I have to go. Hanggang bukas pa dito si JP at wala na akong underwear para bukas.” sabi ko at nagpakawala ng isang pekeng tawa. Tumango naman si Donna at tumawa din.



Pero wala akong kasama dito, Migs.” sabat ni JP, bakas sa mukha nito ag pagtataka sa biglaan kong pamamaalam.



It's OK, JP, wala akong pasok ngayon, sasamahan kita hanggang makabalik si Migs.” prisinta ni Donna, di ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko pero nagpakawala parina ko ng isang matipid na ngiti, agad akong pumunta sa kabinet at inayos ang aking mga gamit, narinig kong nagku-kwento si Donna, di ko mapigilan ang sarili ko na mapasulyap kay JP, di naman ito nakakaligtas kay JP dahil tinatapunan din ako nito ng tingin.



Hey, uwi muna ako ah. Donna, kayo na munang bahala.” sabi ko sabay ngiti ulit.


Walang gana akong naglakad papuntang elevator at nakapikit na sumakay. Walang gana akong sumakay sa aking kotse at yumuko at iniunan ko ang aking ulo sa manibela. Pilit na isinasaisang tabi ang aking nararamdaman.



Itutuloy...




______________________________
Chasing Pavements 4[2]
Beginning of the End
by: Migs

Comments

  1. You're the best Kuya Migs!
    Kahit medyo natagalan ang pag-post nitong Chasing Pavements Book 4 Chapter 2 eh okay lang kasi ang ganda naman ng story.

    I really feel sorry for Migs. When he was just ready to love again, he saw an 'unwanted' scene.

    Part/chapter 2 palang ng CP4 pero exciting na ang mga nangyayari.
    Nakakakilig na nakakaiyak itong part/chapter na ito. hehehe.

    I can't wait for the next part/chapter!
    Go lang ng Go! Kuya Migs!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  2. pwedeng maging emotional migs? gagawin ko ngayon whether you like it or not.

    first part kinilig ako talaga, sa wakas nasabi mo na kay jp ang nararamdaman mo pero unti unting nawala ang ngiti ko nung mabasa ko na ang "pamilyar na babae" iba na ang feeling ko na itatakbo ng istorya at ganun na nga heartbreaker. ang nega ko talaga pero di ako binigo ng instinct ko ngayon.

    naiinis ako seriously, maganda na sana kaso may twist sa dulo, para akong kumain ng bagoong nito; masarap habang nasa bibig pa pero pag nalunok mo na may aftertaste.

    now i know kung bakit ka depress nung nakaraan.

    wala lang sentiments ko lang yan wag mong intindihin.

    i hate the scenario but i love how the way you wrote it. (-,-)

    ReplyDelete
  3. Super galing mo talaga Migz, Mahal. Cant wait kung anu na mangyayari sa susunod... Ingatz lagi . :))

    ReplyDelete
  4. ganun nman talaga ang pagmamahal sacrifice or fight for him..

    ReplyDelete
  5. ay migs panibago n naman tong hamon s buhay mo...... cge lng kaya mo yan @ d naman nabitiw c jp db.
    thanks migs...............

    ReplyDelete
  6. hala..

    lagi ka nlng nasasaktan...
    kaya mo yan...
    I know it will make you even-more stonger...

    Salamat sa shring mo migs...

    -mars

    ReplyDelete
  7. kuya migs pwede bang matanung kung anu na yung nangyari kay rick

    diba nahulog sya sa hagdan?

    ReplyDelete
  8. Tuesday, June 12, 2001

    ^
    ^
    ^

    nalito at nagtaka ako sa date. talaga bang nangyari yan nung time na yan?

    -flashbomb

    ReplyDelete
  9. I'm sorry sa typo guys, 2011 to, hindi 2001. 2011 nangyari lahat to, sorry kung nalito kayo.

    ReplyDelete
  10. Hi Migs, Slythe here!

    I've come back from hibernation. And yes, I read this one before, but I'm still wondering how this chapter made a big leap from the last.

    The cliffhanger of the 1st chapter was JP yelling at Migs that Rick fell from the stairs.

    Even now, I still have to go through CP 4 to know how Rick became the son of Migs or how you became a father to Rick.


    I assume that the accounts in Chasing Pavements are based on your real story since there is no disclaimer.

    Hope I will be enlightened.

    You're a brilliant storyteller!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]