Chasing Pavements 4[8]
Tinignan ko ang aking cellphone. May dalawampung messages na akong natatanggap galing kay JP. Tatlong araw na ang nakakaraan nung nagpunta kami ni Dave sa dorm ni JP at nang malaman ko na niloloko ako ni JP. Dalawang araw akong hindi umuwi ng bahay nang umalis ako sa tabi ni Dave nung gabing iyon at inaliw ang sarili sa pagaalaga sa anak ni kuya Marc, pilit nitong inaalam kung ano ang nangyari pero hindi ko ito magawang sabihin sa kaniya, tumatawag din si Dave at Fhey, sinabi ko na kila kuya Marc ako tumitigil, di pa sinasabi ni Dave ang mga nangyari, ako daw ang dapat magsabi non sa aming mga kaibigan.
Sinabi ko kay Dave na hindi pa ako handa na sabihin sa kanila at kailangan ko pa ring mapagisa at hayaan muna ako sa puder ni kuya. Ikatlong araw na ng pagstay ko kila kuya ng mapagpasyahan kong umuwi sa bahay. Wala parin sila Edward at Pat si Fhey naman at si Dave ay iniisip na nakila kuya Marc parin ako. Di ko pa ulit nakakusap si JP, sa totoo lang wala na akong balak na kausapin pa si JP, hindi ko pinapansin ang mga text at tawag nito, di ko lang mahayaan na low batt ang telepono ko kasi sigurado kong nagaalala sila Dave at maaaring magtext at tumawag sila.
Mamya na ang uwi ni JP galing sa school tulad nang nakagawian imbis na sa bahay nila ay samin siya uuwi, nagpasabi na ito kahapon sa text pero sa tingin ko ay ayaw ko pa siyang makita kaya't di ko ito sinagot, iniisip ko na kapag hindi ako nagparamdam at sumagot dito ay iisipin niyang hindi siya maaaring umuwi dito sa bahay.
0000ooo0000
Naisipan kong maglinis ng bahay at tawagan ang mga lola ni Rick sa Pasig para kamustahin ito, lalo akong nalungkot dahil wala ito sa tabi ko, ito sana ang magpapasaya sa araw ko pero hiniling ni Anne na sa mga magulang muna niya magste-stay si Rick dahil ayon sa mga ito ay namimiss nila ang kanilang apo, nang makatapos ako sa paglilinis ay naglinis ako ng katawan at nagligo sunod ay pumunta ako sa aking kwarto at natulog.
Nang iminulat ko ulit ang aking mga mata ay madilim na sa labas, mahapdi narin ang aking mga mata, sinilip ko ang aking telepono at tumataginting na limampung text messages na ang natatanggap ko mula kay JP, di ko na ito pinagtuunan ng pansin. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata, maya maya pa ay narinig kong nagri-ring ang aking telepono. Si JP, tumatawag. Pilit ko itong hindi pinansin.
Ilang minuto pa at nakarinig ako ng nagdo-door bell. Sumilip ako sa bintana, si JP asa labas, alam kong miya miya lang ay bubuksan na nito ang gate at kakatok na ito sa front door. Kahit madilim ang buong bahay ay patakbo akong bumaba ng hagdan at tahimik na ni-lock ang front door. Di ako nagkamali, narinig kong bumukas ang gate at miya miya ay kumatok na si JP sa front door. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pinto, muli kong idinikit ang aking mga tuhod sa aking dibdib, yumuko at tahimik na nagintay na umalis si JP.
“Migs?” tawag ni JP, halos mapatalon ako sa gulat pero alam kong imposible niyang malaman na nasa likod ako ng pintong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang pamilyar na boses ni JP na iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang sakit.
“Migs.” tawag ulit ni JP. Tahimik parin akong nagiintay sa likod ng pinto. Narinig kong bumukas ulit ang gate at sumara, tatayo na sana ako sa pagaakalang umalis na si JP nang marinig ko ang isa pang pamilyar na boses. Natigilan ako.
“JP, pare.”
“Edward. Nakita mo ba si Migs? Di sumasagot ng phone eh. Ilang araw naring di nagpaparamdam. Akala ko busy lang or something, tapos paguwi ko ngayon walang ilaw tapos punong puno na yung mail box ng sulat na parang ilang araw ng hindi umuuwi dito si Migs.”
“Ha?” rinig ko ang pagaalala sa boses ni Edward. Alam kong iniisip nito na may nangyaring masama pagkatapos ang tawag ni Dave sa kaniya nung nakaraang araw.
“Mukhang wala dito eh, di naman nagpaalam na aalis siya.”
“Di mo siya nakakatext at nakakausap sa phone?” tanong ni Edward. Rinig ko ang pagtataka sa boses nito at konting suspetya.
“Oo eh, medyo busy ngayon sa school. Huli ko siyang nakausap 3 days ago.” sagot ni JP.
“Ah sige, sige. Tatawagan ko si Marc baka nagste-stay dun or baka may emergency o kaya nakila Anne sa Pasig.” sagot naman ni Edward, dinig parin ang pagaalala sa boses nito.
“Di mo ba talaga siya nakakausap o nakikita nitong mga nakaraang araw?” ngayon nagaalala narin si JP.
“Di kami dito umuwi ni Mae nitong nakaraang linggo eh pumunta kaming Palawan. Tsk! Wala ba siyang nasasabi na problema sayo?” tanong ni Edward, di ko narinig na sumagot si JP. Alam kong iniisip na ni Edward ang tungkol sa tawag ni Dave nung hapong iyon.
“Sige uwi muna ako sa bahay. Tatawagan ko yung iba, baka nakikitambay lang doon.” nagaalala paring sabi ni Edward.
“S-sige.” matipid na sagot ni JP. Narinig kong bumukas at sumara na ulit ang gate, itong pagkakataon na ito ay di ko sinubukang tumayo dahil baka di pa talaga umaalis si JP o kaya si Edward. Di ko kayang humarap kahit pa kanino ngayon.
Habang nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto, nakadikit ang tuhod sa dibdib at nakayuko ay paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi ni JP sa sulat na inipit niya sa aking libro may ilang linggo na ang nakakaraan.
Dahil 6 years na tayong magkakilala at dahil unang araw palang ay na in-love na ako sayo, naisip ko na bilangin ang buwan sa loob ng anim na taon na iyon. 72 months na tayong magkakilala, Migs at ito ang 72 top reasons why I Love You.
Isa isang tumatakbo sa utak ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya ako mahal. Muli lumakas ang pagtulo ng aking mga luha at ngayon ay di ko na mapigilan ang paghikbi. Di ko alam kung gaano na akong katagal nakaupo dun at nagyuyukyok. Nakarinig ako ng pag kaluskos at biglang bumukas ang ilaw.
“Migs!” sigaw ni Edward at halos pasubsob itong lumapit sakin at iniyakap ang kaniyang mga braso sakin.
“Migs, what's wrong? You're scaring me, Migs... Migs.” paulit ulit na tawag sakin ni Edward habang patuloy parin ako sa pagiyak.
“Migs. Please talk to me.”
Paulitulit akong umiling. Patuloy na nanlalamig ang aking katawan at bumibilis at bumababaw ang aking paghinga. Parang nasa loob ulit ako ng maliit na aparador kung saan ako kinulong ng aking mga kapatid noong 10 years old palang ako kung saan nagsimula ang takot ko sa maliliit, masisikip at madidilim na mga enclosed space.
“Hello, Fhey, call the others. Migs needs us. He's having a breakdown.”
Itutuloy...
________________________
Chasing Pavements 4[8]
Hide and Seek
by: Migs
kaya mo yan kuya migs...pati puso ko sumasakit eh..tsk..ramdam n ramdam ko maxado..tsk...remember this lines kuya.."there's a rainbow always after the rain" - sounthboarder..hehe.. :)
ReplyDelete-ram
haayst I really hesitate to read this story..haayst I hope nde ito totoo..
ReplyDeleteang ano mang nararamdaman ni "Migs" eh nde ko ito gusto mangyare kahit sa kaaway ko..it is beyond pain, Irony and Anguish...haaayst
i am waiting for the confrontation scene, hehehhe. author nice one
ReplyDeletetaga_cebu
buti nalang nag open ako ng net ngayon.. at blog mo kaagad ang pinuntahan ko sir Migs.. nabitin ako sa chapter na to.. Kaya mo yan Sir Migs.. Hate ko na ngayon si JP, ayaw ko na sa kanya..
ReplyDelete-nephilim
Ouch!! Sobrang sakit naman nun. I hope maging ok si Migs someday. =(
ReplyDelete-icy-
Okay, so first of all. I want to apologize kasi I never really read Chasing Pavements, I was like "Oh, it sounds interesting, but I'll pass".
ReplyDeleteBut boy I was so wrong, I shouldn't have ignored this story! Definitely the best I've ever read, I mean, I haven't cried so hard since the last book of Breakeven. By the way, I was reading the story while I was having a mini-vacation with my friends, and I was trying not to cry when Edward got married, I had to run to the comfort and pretend Imma do #2 when in truth, I was balling my eyes out.
Always liked Edward and I hope it'll be him in the end. Though everyone is rooting for JP and whatever, EDWARD pa rin ako.
Hands down ako sayo Migs! Hope everything's alright!
-Glitterati
alexis here na naman para alam na
ReplyDeletekuya migs.ito rin ba yung reason bat hindi ka nakakapagupdate noon?.grabe sobrang sakit.sana kinonfront mo nalang yung gago.okay lang yan kuya ganyan talaga.sorry la akong advice kasi naman hindi pa ako napunta dyan.sana hindi.
sana everything's okay na.well malamang kasi tingnan mo naman..wahahaha.jk.basta kuya stay strong.update ulit!!!
di ako makareact... grabe lang talaga...tsk... migs i know you make it!!! i'll pray 4 you!
ReplyDelete>>Downd'Line
just curious. san ko nababasa yun tungkol sa chapter at part tungkol sa kay baby rick at anne ?
ReplyDeletei don't know what is the problem with that guy pero ok lang yan diba nga lalo lang tayo tumitibay at lumalakas pagnasasaktan so be happy and call the LORD in heaven..
ReplyDeletemigs masakit pero alam ko you can handle all the problem
good luck and god bless....
REz...
ReplyDeleteui kuya migs avid reader ako ng blog mo lahat ng story dito nabasa ko na hehe
di ako magbibigay ng advise kse alam ko hindi therapeutic yun... tama ba sir migs ???
bsta isa lg msasabi ko( though parang advise nrin) tumingala kalg sa ibabaw at makikkita mo na meron kpang kakampi
hi..
ReplyDeletesa lahat talaga ng nabasa ko sa blog na to...... CHASING PAVEMENTS really made me cry every chapter.......
ang bigat talaga ng mga happening......
well ganyan talaga ang buhay.....
OVER ALL.... ang galing talaga..
_hussein bacarat
...ever since i love the character of edward
ReplyDelete...alam naman natin un mga past db betwen migs & him
...d naman talaga maalis un feeling n naisahan,naloko,nasaktan, o naging tanga - pero lahat yan dahil tayo ay nagmahal...
...lupit noh, kaw na nga nagmahal kaw parin kawawa @ the end,
...but i love scene when edward found migs on the house( oooooooohhhhhhhssss kakakilig un), thanks edward i know your always a hero to migs in every way
thanks migs
galing u talaga...
migs, i know it may sound strange but this story keeps haunting me. kasi maraming parallellism sa buhay ko. so pakiusap sana bigyan mo na ng update. the way you left the story really broke my heart. i think pati yung ibang nagbasa. hehehe. more power. sa lahat ng stories na nababasa ko, yung mga kwento mo ang me pinkatumutusok ng malalim sa puso ko. yung magagaan man kagaya ng breakeven or yung mga ganito kabibigat. mejo nagets ko na rin kung bakit mejo malulungkot ang ending ng ilan sa mga kwento mo. keep on writing. the power that you hold as a writer can influence the lives of your readers. you have influenced mine in more ways than you can imagine. (not that im challenging your imagination. hehehe) Again, thanks and i'll wait for the update.
ReplyDeletenatpos ko na lahat basahin ng stories here just within 4 days! wala akong ginawa mag hapon kundi ang basahin ito..and ito lng ang akin libangan..
ReplyDeletetuwang tuwa ako sa stories kc i can imagine them all..how they talk and etc..
thanks for sharing all of this migs :D
anyway..may fb ka? if you dont mind..pwedeng mahingi? :P
para friends tau?
thanks! :*
kuya migs hehehe nkaka xcite na ang continuation ng chasing pavements hehehe paki post na po ang kasunod pleeease hehehe
ReplyDelete