Thursday, June 18, 2015

Against All Odds 3[15] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Dahan-dahang binuksan ni Rob ang kaniyang mga mata nang makaramdam siya nang tila ba marahang panunundot sa kaniyang tagiliran. Maski nasanay na ang kaniyang mga mata dahil sa matagal na niyang pagkakamulat ay malabo parin ang kaniyang paningin. Magiisang taon ng pinabayaan ni Rob ang kaniyang sarili, kung noon ay nakukuwa niya pang bumili ng magagandang klase ng contact lens ngayon ay magandang klase ng salamin na lang ang kaniyang binili hindi dahil salat na siya ngayon sa pera kundi dahil para sa kaniya ay wala na siyang dahilan pa para gastusan ang sarili.


Wala na siyang dahilan para gayakan ang sarili.

Against All Odds 3[14] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Miya’t miya tumitingin sa kaniyang telepono si Rob. Wala pa kasing text si Jase sa kaniya, ayaw naman niya itong i-text at baka kasi sabihin ay masyado siyang clingy. Hindi narin naman bago sa kaniya ang hindi agad pagtetext sa kaniya ni Jase, minsan kasi ay abala rin ito sa restaurant o kaya naman sa ibang bagay pero hindi niya parin maiwasang isipin na kulang parin ang kaniyang araw habang walang text sa kaniya si Jase.


Habang nagsasalita si Ace sa harapan ng projector ay sumulyap pa saglit si Rob sa kaniyang planner, doon ay naka-tape ang note sa kaniya ni Jase noong umagang iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti.

R,
Last night was great.
J.

Thursday, May 21, 2015

Against All Odds 3[13]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Tahimik na pinapanood ni Jase si Rob na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Napakapayapa ng mukha nito, tila ba mas lalo pang umamo ang mukha nito ngayon habang tulog ito kesa sa tuwing gising ito, tila rin ba hindi ito napagod sa pinuntahan at sandamakmak na ginawa nila kahapon. Hindi mapigilan ni Jase ang abutin ang makinis na mukha ni Rob lalo na ang i-trace ang mapupulang labi nito, napangiti si Jase nang maalala niya pagnguso ni Rob kagabi matapos silang manood ng hot air balloon display.


“I want to play at the fair.”

Wednesday, April 15, 2015

Against All Odds 3[12]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

            Hindi parin alam ni Rob kung bakit asa harapan niya ngayon si Jase, madalas kasi kapag nagpapasimuno ito ng blind date ay sinusundo siya nito at ihahatid hanggang sa parking lot ng restaurant at hindi kailanman na mas nauna pa ito sa kaniya kaya naman ang maabutan niya ito na tila ba iniintay siya ay talaga namang nakapagpalito sa kaniya.


“Jase, bakit ka nandito? Sino yung ka-date ko?” tanong ni Rob kay Jase na tila ba katatapos lang na titigan siya at nagulat pa nga.


“Ahhh---uhhhhmmm--- ako yung ka-date mo, Rob.” kamot ulo at pautal-utal na saad ni Jase na lalong nakapagpataka kay Rob.


            Saglit pang natigilan si Rob, iniintay niya na sabihin ni Jase na “Joke lang” sa ilang beses niyang umasa kay Jase at na-disappoint dito ay di na hinayaan pa ni Rob ang kaniyang sarili na umasa na totoo ang sinabi nito at sa halip nga na umasa tulad ng mga naunang pagkakataon ay hindi napigilan ni Rob ang magpakawala ng isang sarikastikong tawa. Ngayon si Jase na ang naguluhan. Walang nakakatawa sa kaniyang sinabi pero patuloy parin sa pagtawa si Rob at tila ba ayaw parin nitong maniwala na siya nga ang ka-date nito kaya umiiling iling pa ito.


“Shut up, Jase---” simula ni Rob pero hindi na narinig pa ni Jase ang mga sumunod na sinabi ng nauna dahil napako na lang ang kaniyang isip sa naunang sinabi ni Rob.


“Pinapa-shut up niya ba ako?” tanong ni Jase sa kaniyang sarili.


“---so where is the sorry ass you fixed a date with me?” pagtatapos ng mahabang sinabi ni Rob na hindi parin inintindi ni Jase.


“Did you just tell me to shut up?” dikit noong tanong ni Jase kay Rob na nakapagpatigil dito.


“Well---”


“Di ka naniniwala na ako ang ka-date mo?” naiiritang tanong ni Jase kay Rob na ikinatameme ng huli dahil iniisip niya na ito pa ang may ganang mainis gayong siya naman itong nantri-trip.


“Hay nako Jase tigilan mo nga ako, ayan ka nanaman eh!” singhal ni Rob sabay lakad palabas ng restaurant.


“What the hell?!” inis na inis na saad ni Jase kay Rob sabay sinundan ito palabas ng restaurant.


“Where the fuck do you think you're going?! That was a very expensive reservation there!” singhal ni Jase kay Rob nang makalapit siya ng sapat dito habang mabilis itong naglalakad palayo.


“Palayo sayo!” singhal pabalik ni Rob.


“What the fuck did I do?!” inis na inis na saad ni Jase sabay hinawakan ng mahigpit ang braso ni Rob at pilit itong pinaharap sa kaniya. Eto siya at inilalatag na kay Rob ang kaniyang nararamdaman at tinatalikuran lamang siya nito ng tinatalikuran. Tumigil sila ngayon sa halos bakanteng malawak na parking space ng restaurant.


            Nagulat si Jase sa kaniyang nakita pagkaharap na pagkaharap ni Rob sa kaniya. Taliwas na taliwas ito sa kaniyang inaasahan. Lahat ng nangyayari ngayong gabi ay taliwas sa kaniyang inaasahan. Sa pagkakakilala niya kasi kay Rob ay inaasahan niyang magtatatalon ito sa kaniyang harapan lalo pa ngayon na alam niya sa kaniyang sarili na may gusto siya dito, na inihahain niya ang kaniyang sarili upang maging true love nito. Kitang kita ni Jase ang pangingilid ng luha ni Rob. Kitang kita niya hindi lang inis kundi pati galit sa mukha nito. Kitang kita niya na nasasaktan ito. Inabot niya ang baba nito at pilit na itinapat ang tingin nito sa kaniyang tingin.


“Hey what's wrong?” mahinahon ng tanong ni Jase kay Rob.


“I want you to stop doing this!” mainit na balik ni Rob.


“Stop doing what?!” muling naiinis na tanong ni Jase dahil hindi nanaman niya muli maintindihan ang ikinakagalit ni Rob.


“This! Yung pagpapapaasa mo sakin---” sigaw na pabalik ni Rob na ikinatameme ni Jase.


“---One minute umaarte kang parang hahalikan mo ako tapos bigla kang lalayo na parang kinukuryente kita, na parang may nakakahawa akong sakit. Ilang beses na yan, Jase and I can't take it anymore. Nung nasa CCP tayo---I---I thought hahalikan mo ako, I thought you're going to say that you like me too, instead you dished out another verse from your fucking mind about how true love exist and that I shouldn't stop looking for my true love. Ngayon eto ka nanaman, sasabihin mo ikaw ang date ko and then what?! Mamaya tatakbo ka nanaman at ipapamukha mo nanaman sakin na napakatanga ko?! Damn it Jase!” pagtatapos ni Rob sabay talikod mula kay Jase na gulat na gulat sa mga sinabi ni Rob.


“Hindi kita pinapaasa!” balik naman ni Jase upang depensahan ang sarili mula sa mga sinabi ni Rob


“Ah talaga so anong tawag mo pala sa ginagawa mo? Naglalaro?!” natahimik si Jase, nasaktan sa sinabing ito ni Rob pero alam naman niyang wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil ito nga marahil ang ipinapakita niya kay Rob sa tuwing nalilito siya sa kaniyang nararamdaman kaya naman minabuti niyang ipaliwanag na kay Rob ang nangyayari.


“Nalilito ako, Rob---” mahinahong saad ni Jase na siyang nakapagpatahimik naman kay Rob. “---this is all new to me. This is nothing like what Aaron and I had. Ang alam ko lang is, gusto kita. Gusto kitang kausap, gusto kitang lagi kasama, gusto ko lagi kitang nakikita---” nangingiting pagamin ni Jase na siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Rob.


            Wala siyang masabi o walang ibang pumasok sa kaniyang isip kundi ang ideyang gusto siya ni Jase. Gusto rin siya ni Jase. Tila nawalan ang kaniyang mga kalamnan ng kakayahang gumalaw at tila ba lumiit ang kaniyang mga baga dahil parang konti na lang ang hangin na kaya nitong punuin.


“I-I like looking into your eyes. I like seeing you smile. I like making you smile. I like your laugh especially when I'm the one who's making you laugh---” simula ulit ni Jase pero habang parami ng parami ang kaniyang inaamin kay Rob ay lalo niyang hindi makita sa mukha nito ang pagiging kumbinsido na siyang ikinafrustrate naman niya. “I like you.” pagtatapos ni Jase na tila ba sumusuko na sa pangungumbinsi kay Rob.


“Every time I set you up on dates and you're actually having a good time with the asshole I set you up with---” umiiling pero nangingiti ding saad ni Jase na tila ba ngayon niya lang din nare-realize ang kaniyang mga sinasabi “---hindi ako mapakali. I want to barge in and take you from them and then hug you tight. G-gusto ko ako lang ang kinakausap mo tulad nung pakikipag-usap mo kay Paolo, nung nakita ko yun I felt-- I f-felt---” di matapos na saad ni Jase, iniwas niya ang kaniyang tingin mula kay Rob at kumunot ang noo.


“Jealous?” pabulong na pagtatapos ni Rob kay Jase na tila ba noon niya lang ulit nadiskubre na nakakapagsalita siya.


            Muling isinalubong ni Jase ang kaniyang tingin sa tingin ni Rob na tila ba umaasa na tama ang kaniyang sinabi sa nais niyang sabihin. Muli nanamang narealize ni Jase na iyon nga ang kaniyang naramdaman, na tama nga si Rob kaya dahan dahan siyang tumango.


“Kaya mo ba kami sinundan nung hinatid niya ako sa bahay?” tanong ni Rob kay Jase na muli na lang tumango.


            Iniwas ni Jase ang kaniyang tingin mula kay Rob at wala sa sariling napakamot sa ulo. Iniwas niya din ang kaniyang tingin mula sa mapagmatyag na matang iyon ni Rob dahil naramdaman niyang tila ba umiinit ang kaniyang mga pisngi at alam niyang namumula na ito dahil sa naalala niya ang kaniyang mga ginawa noong gabing iyon. Pero sa kabila nito ay kinumpirma parin niya na tama ang sinabing iyon ni Rob. Wala sa sarili niyang nilaro gamit ng kaniyang paa ang isang bato na malapit sa kaniyang kinatatayuan na tila ba isang bata na hindi alam kung ano ang kaniyang dapat i-asal kaya naman nagulat na lang siya nang maramdaman niyang biglang may bumalot sa kaniyang katawan.

“Tanga mo talaga, Jase!” singhal ni Rob habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa huli.

            Saglit pang natigilan si Jase pero hindi nagtagal ay hindi narin nito napigilang mapangiti at dahan-dahang ibalot sa bewang ni Rob ang kaniyang mga malalaking braso at hinila pa ito lalo palapit sa kaniya na nagtulak kay Rob na isandal ang kaniyang ulo sa malapad na balikat ni Jase.


“I like you too, Jase. I like you too.”

000ooo000

“So how's the restaurant?” tanong ni Rob kay Jase habang nasa isa nanaman silang date. Halos araw araw na ang mga ito kung lumabas simula noong aminin ni Jase na may gusto rin ito sa nauna mag da-dalawang buwan na ang nakakaraan.


            Biglang natigilan si Jase. Pasimple niyang tinignan si Rob na mabuti na lang ay abala sa pagtingin sa menu ng restaurant na iyon dahil kung hindi ay malamang hindi makakaligtas dito ang pangamba sa kaniyang mga mata. Muli niyang iniwas ang tingin dito at nagsinungaling.


“Good. The restaurant is doing good.” kahit pa taliwas dito ang totoong lagay ng restaurant.


            Ginagamit na ni Jase ang pera na kaniyang inipon noon upang pambayad sa kaniyang ni-loan dahil hindi naman kumikita talaga ang restaurant na kaniyang binuksan pero kahit pa ganun ay hindi niya parin makuwang sabihin ito kay Rob, pakiramdam niya kasi ay solo lang niya dapat ang problemang ito, na bilang may mayari ng establishimento na iyon ay hindi na kailangang problemahin din ni Rob ito.


“Ready to order?” singit ng waitress na siyang ikinatuwa ni Jase ng palihim at dahil nga doon ay natapos na ang usapan na pilit iniiwasan sa ngayon ni Jase.


            Halos nawala na sa isip niya ang business, ang pangako niya sa kanyang ina na gagawa siya ng kaniyang sariling kabuhayan kahit pa wala na si Aaron sa kaniyang buhay, nawala na sa kaniyang isip ang kaniyang pangako sa sarili dahil aminin man niya sa kaniyang sarili o hindi ay na kay Rob na ang kaniyang pansin.


            Sa loob ng magdadalwang buwan nilang laging magkasama ay hindi maikakaila ni Jase na mas lalong lumalalim ang kaniyang nararamdaman para kay Rob, lagi niya itong gustong pangitiin, lagi niyang gustong idampi ang kaniyang mga labi sa labi nito, lagi niyang gustong hawakan ang kamay nito.


“Beef pepper rice and a glass of bottomless iced tea---” simula ni Rob pero agad siyang natigilan nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ng kamay ni Jase sa kaniyang kamay.


            Dahan-dahang itinuon ni Rob ang kaniyang tingin kay Jase. Naabutan niya itong namimili parin ng kaniyang i-o-order, binabasa ang mga nakalagay sa menu pero may nakaplaster itong matamis na ngiti sa mukha na siyang ikinangiti niya rin at walang dudang ikinamula ng kaniyang mga pisngi. Itong mga ganitong mga simpleng pagpapakita ni Jase sa kaniya ng ka-sweet-an ang siyang lalong nakakapagpa in-love sa kaniya dito, alam ni Rob na masyado pang maaga upang sabihin na in love na siya kay Jase pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ito ang matagal na niyang iniintay at siguradong sigurado na siya na hindi na niya kailangan pang magintay pa.


“Make that two. I'll have what he's having.” nakangiting saad ni Jase sa waitress na siyang gumising  kay Rob.


“Soo I'm planning---” simula ulit ni Jase nang makatalikod na ang waitress. Hindi mapigilan ni Rob ang lalong mapangiti. Kasabay nang kaniyang matamis na pagngiting iyon ay ang tila ba pamumugad ng mga paru-paro sa kaniyang tiyan at paninikip ng dibdib dahil sa kaniyang sobrang tuwa.


            Iyon ang nagagawa sa kaniya ng simpleng pagngiti ni Jase.


“---hindi ka nanaman nakikinig.” sita sa kaniya ni Jase na siyang gumising kay Rob.


            Napailing na lang si Rob nang makita niyang parang bata na humahagikgik si Jase.


“Kakatitig sayo.” sabi ni Rob sa kaniyang sarili, bagay na muling nakapagpailing sa kaniya.


“Sabi ko may pupuntahan tayo after this.” nakangiti paring saad ni Jase sabay iniwas ang kaniyang tingin kay Rob.


“Saan?” tanong ni Rob habang pinipigilan ang kaniyang sarili na ma-excite.


“Basta.” balik naman ni Jase. Umiling na lang ulit si Rob, pilit pinigilan ang sarili na kulitin si Jase habang nagse-serve ng kanilang mga inorder ang waitress.

000ooo000

“It's traffic.” walang ganang saad ni Rob sa naiinis na ding si Jase habang nasa ikatlong oras na nilang nakaupo sa loob ng sasakyan.


“I know.” iritableng saad ni Jase.


            Hindi nakaligtas ang tonong ito ni Jase kay Rob kaya naman awtomatiko nitong itinuon ang tingin kay Jase. Hindi napigilan ni Rob ang mapangiti nang makita niyang parang bata na tinotoyo, nakanguso ito at halos idikit na ang mukha sa manibela, hindi nagtagal ay napatawa na si Rob ng malakas na ikinakuwa ng pansin ni Jase na nadadala na sa pagtawa na iyon ni Rob.


“What?!” nangingiti pero pigil paring tanong ni Jase kay Rob na patuloy lang sa pagtawa.


“Yung mukha mo kasi--- para kang bata na hindi binigyan ng candy.” sagot naman ni Rob sa pagitan ng pagtawa. Hindi narin napigilan ni Jase ang mapangiti at nahihiyang napakamot sa kaniyang batok.


“It's just that---haist---” simula ni Jase na pinakinggan namang mabuti ni Rob. Hindi nakaligtas ang pamumula ng pisngi ng nauna habang idinadaretso ulit ang tingin sa daan bago muling paandarin ang sasakyan.


“I-I want everything to be special.” pabulong na pagtatapos ni Jase na ikinangiti lalo ni Rob. Hindi niya mapigilan ang kiligin sa sinabing ito ni Jase kahit pa dinig na dinig niya din sa boses nito ang hiya.


            Wala sa sariling hinalikan ni Rob si Jase sa labi nang muling tumigil ang sasakyan dahil sa pagcongest ng mga sasakyan sa lugar na kanilang pupuntahan.


“Di mo na kailangang pilitin. Every moment I spend with you is already special.” pabulong din dahil sa hiyang saad ni Rob nang ihiwalay na niya ang kaniyang labi sa mga labi ni Jase.


            Hindi mapigilan ni Jase ang magpakawala din ng isang matamis na ngiti.

000ooo000

            Hindi mapigilan ni Rob ang magtaka nang mapansin niya ang mga tao sa kanilang paligid na nagmamadaling naglalakad palayo sa kanila, hindi rin ito nakaligtas kay Jase na agad na nagplaster ng isang magiliw na ngiti sa mukha nito. Dahil sa traffic ay halos nakalubog na ang araw nang makaparada sila at dahil sa dami ng tao kaya medyo nahirapan din sila sa paghahanap ng pagpaparadahan.


“Andaming tao. Baka mawala ako.” biro ni Rob kay Jase na sinisigurong naka-lock ang pinto ng kaniyang sasakyan. Napahagikgik si Jase sa sinabing ito ni Rob pero maliban doon ay para kasi ring bata si Rob na halatang pinipigilan ang excitement.


            Puno ng buhay ang mga mata ni Rob, hindi parin nawawala ang ngiti nito sa mukha kahit pa hindi niya parin sinasabi ang gagawin nila sa lugar na iyon, gusto niyang abutin ang mukha nito at ilapit sa kaniyang mukha at isalubong ang mga nakangiting labi na iyon sa kaniyang labi pero pinigilan niya ang kaniyang sarili at pinagkasya nalang niya ang lahat ng kaniyang gustong gawin sa simpleng paghawak sa kamay nito. Nang maramdaman ni Rob ang pagbalot ng kamay ni Jase sa kaniyang kamay ay gusto niya pa muna itong titigan at itatak sa kaniyang isip ang paghawak na iyon ni Jase sa kaniyang kamay pero marahan na siya nitong hinila papunta sa lugar kung saan papunta din ang mga tao sa kanilang paligid.


            Nasa isang malaking open space sila, hindi maikakaila na isa iyong paliparan para sa mga maliliit na eroplano. Maayos ang ginawa ng mga organizers ng event na iyon simula parking, entrance at espasyo kung saan idadaaos ang mga activities. Maayos ding nakahilera ang mga tindahan ng kung ano ano sa gilid ng maluluwag na daanan kaya hindi ito nakakaistorbo sa mga taong paroon at parito.


“Wow.” hindi naiwasang sabihin ni Rob na hindi nakaligtas kay Jase na lalong napangiti.


“You haven't seen anything yet.”


“Parang pyesta lang.” nakangiti at parang bata na palingalingang saad ni Rob na lalong ikinangiti ni Jase.


            Nang makalapit sila sa lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao ay biglang nabitiwan ni Jase ang kamay ni Rob. Hinihila niya pa kasi ito pero agad na napatigil si Rob at napako sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis na humarap si Jase kay Rob, nakita niyang nakanganga pa ito sa sobrang pagkamangha, hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti lalo.


“Halika lapit tayo!” parang batang excited na saad ni Jase sabay hatak ulit sa kamay ni Rob, tila naman nagising si Rob sa ginawang ito ni Jase. Madami ang nainis kay Jase nang isiksik niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng madaming tao. Hindi naman nagaksaya ng panahon si Rob na humingi ng tawad sa mga ito.


“Jase!” singhal ni Rob kay Jase upang sabihin dito na magdahan-dahan lang pero hindi siya pinansin nito at tuloy tuloy lang ito sa pagsingit.


“Sorry po...” paghingi ng paumanhin ni Rob sa kaniyang katabing matanda na halos mabuwal sa ginawa ni Jase na pagtabig dito pero hindi na niya ito natapos nang biglang humarap sa kaniya si Jase na tila ba isang batang excited na ipagyabang ang kaniyang bagong laruan.


“Look!” saad ni Jase sabay turo sa kanilang harapan. Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay napako siya sa kaniyang kinatatayan at muling napanganga.


“Whoah.” saad ni Rob na nakapagpatango kay Jase. Sa harapan nila ang naglalakihang mga lobo na kasalukuyan pa lang na pinapalobo ng mainit na hangin. May iba’t ibang hugis at laki ang mga ito, may mga lobong hugis hayop at may mga lobong hugis tao na talaga naming nakamamangha para sa mga taong unang beses palang nakakapanood ng ganun. Inilabas ni Rob ang kaniyang telepono at tulad ng ibang mga nandon ay kinuwanan niya ang mga lobo lalo na ang mga tila ba ilang saglit na lang ay lilipad na ng litrato.

“C’mon!” saad nanaman ni Jase sabay hila nanaman kay Rob palayo naman sa mga lobo.

“Where are we going?!” tanong naman ni Rob kay Jase habang lilingalinga sa mga lobo sa kaniyang likuran.

“Dito tayo.” saad ni Jase sabay upo at hinila naman si Rob paupo din sa kaniyang tabi. Ganito din ang ginagawa ng mga tao sa kanilang paligid, kaniya kaniya na ang pagupo ng mga ito sa malawak na damuhan.


            Tuluyan ng dumilim ang kalangitan pero hindi dumidilim ang paligid dahil habang dahan-dahang umaangat ang mga lobo mula sa lupa ay nagsipagbukas ang ilaw ng mga lobo mula sa loob na siyang lalong nagbigay buhay sa mga ito.


“Wow.” saad ni Rob na nakakuwa ng pansin ni Jase, itinuon niya ang kaniyang tingin kay Rob at pinanood ang tuluyang pagbalot ulit ng pagkamangha sa mukha nito.


            Ngayon siya naman ang namangha. Hindi niya mapigilang isipin kung gano siya kaswerte. Natigilan si Rob sa panonood ng mga naglalakihang lobo at itinuon ang kaniyang pansin kay Jase na masuyong nakatingin parin sa kaniya. Saglit na nangunot ang noo ni Rob saka napangiti habang nakikipagtitigan kay Jase.

“Were you watching me?” nangingiting tanong ni Rob kay Jase.

“Yes.” Matipid na pagamin ni Jase na nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Rob, hindi parin nila pinuputol ang pagtititigan nilang dalawa kaya’t kitang kita ni Rob ang sinseridad sa sinabing ito ni Jase. Walang naisagot si Rob sa sinabing ito ni Jase kaya hindi nagtagal ay inalis na ng huli ang kaniyang tingin kay Rob. Ngayon si Jase naman ang tinitigan ni Rob.

“Jase---” tawag pansin ni Rob kay Jase.

“Hmmm?” si Jase habang masuyo paring nakatingin sa naglalakihang lobo.

“I think I’m in love with you…” pabulong na saad ni Rob na kumuwa sa pansin ni Jase. Binalot ng katahimikan ang dalawa.

“---Is—is that OK?” pagtatapos ni Rob.


Itutuloy…
Against All Odds
3[12]

By:Migs

Friday, January 30, 2015

Against All Odds 3[11]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Jase ang kaniyang mga ngiti na dahan dahang mawala sa kaniyang mukha habang palakas ng palakas ang paghagikgik ni Rob sa kaniyang tabi. Kaaabot niya lang dito ng isang baso na puno ng kwekwek at tokneneng, nung una ay nagulat pa ito at tumitig sa isang basong iyon saka dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Jase at nagsimulang humagikgik.

Saturday, January 3, 2015

Against All Odds 3[10]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nakausli ang nguso ni Jase habang nakatingin sa pwesto nila Rob at Pao. Pinigilan niya ang sarili niya na ubusin ang lahat ng beer sa bar na iyon dahil magda-drive pa siya kaya nagkasya na lamang siya sa pagngi-ngitngit sa isang sulok habang pinapanood sila Rob at Pao magbulungan, magtawanan at maglandian. Ilang beses pang sumagi sa kaniyang isip kung bakit niya nararamdaman ang inis na iyon gayong kanina lamang nang pumasok si Rob sa bar na iyon ay hindi siya magkamayaw sa pag-ngiti pero ang pagsagi na ito ng isang bagay na hindi niya maipaliwanag sa kaniyang isip ay agad ding matatabunan ng pakiramdam ng inis.

Against All Odds 3[9]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nakasimangot na lumabas si Rob sa isa nanamang mamahaling restaurant galing sa isa nanamang date na sinet-up ni Jase. Dikit kilay at kunot noong binuksan ni Jase ang kaniyang sasakyan upang papasukin si Rob na nangingilid na ang luha. Pabalang na ibinagsak ni Rob ang kaniyang sarili sa passenger seat at tila ba gustong gusto ng sumigaw sa inis, galit o dahil sa frustration, hindi alam ni Jase. Tatanungin na sana ni Jase kung ano ang nangyari dito nang bigla itong magsalita.


It doesn't exist.”

Monday, December 8, 2014

Against All Odds 3 [8]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kunot noo na nakatitig si Rob sa kaniyang telepono. Magkikita sila ngayon ni Jase, may kailangan silang tapusin para sa business nito bago ito magbukas pero magkakalahating oras na siyang naghihintay at wala parin ni anino ni Jase, ilang beses narin niya ito tinext at isang reply lang ang natanggap niya dito na male-late daw ito dahil sa sobrang traffic.

Hey!”

Against All Odds 3[7]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi alam ni Rob kung bakit doble ang kaniyang nararamdamang pangongonsensya sa sarili ngayon. Matagal na nilang ginagawa ni Ace ang kamunduhang iyon sa likod ng asawa nito pero hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba itong pagkakataon na ito, hindi niya alam kung ito ba ay marahil sa alam niyang nasa malapit lang si Sheila at malaki ang tyansa na mahuli sila nito o may iba pang rason na hanggang ngayon ay hindi niya parin alam at naiintindihan.


Mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili habang si Ace ay humihingal parin matapos ang kanilang ginawa at mataman siyang pinapanood. Umiiling siya at tila ba paiyak na, bagay na hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Ace.


Why do you look so upset?” tanong ni Ace sabay tayo ng maayos at inayos ang sarili.

Saturday, November 8, 2014

Against All Odds 3 [6]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kinakabahang tinitigan ni Rob ang handle ng pinto sa may passenger seat ng sasakyan ni Jase. Tinititigan niya ito na tila ba kakainin siya nito, ang ginagawang pagtitig na ito ni Rob na nagsasabing nagaalangan itong bumaba ng sasakyan ay hindi naman nakaligtas kay Jase na hindi mapigilang mapahagikgik. Narinig ni Rob ang mahinang paghagikgik na iyon ni Jase at tinapunan niya ito ng isang nahihiyang tingin.


Will you just get out of the friggin' car?!” natatawang saad ni Jase.