Make It With You [Chapter 3] Opposite

 


DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission.

 

Facebook: Miguel Salvador

Email: miguisalvador@yahoo.com

 

 

Make It With You 3

By: Migs

 

I dedicate this story to my friend, Ezekiel Palacio. We miss you Zeke.

                Binigyan nanaman ng masamang tingin ni Red ang kaibigang si Nick. Sa ikalimampung beses ata sa buong linggong iyon ay paulit-ulit na lang lumalabas sa bibig ng kaibigan ang kuwento tungkol sa nangyaring usapan may ilang araw na sa pagitan nilang dalawa ni Mico nang ihatid siya nito sa kanilang bahay. Nung unang beses na ikwento nito sa kaibigan ang nangyari ay pinagtawanan lang siya nito at hindi naniwala pero nang mapansin nitong hindi na lang niya ipinilit sa kaibigan na maniwala ito sa kaniya ay biglang nagliwanag ang mukha ng kaibigan.

 

“E pero bakit ngayon parang hindi naman siya nagpaparamdam?” tanong ni Nick.

 

“Yun lang yung gabing yun, Nick. Hindi na mauulit yun kasi hindi naman talaga kami magkaibigan. He’s just trying to save himself sa lahat ng hassle if ever na may mangyari saking masama at madamay siya.” Kibit balikat na saad ni Red. Inaamin niya na nung unang mga araw matapos ang gabing iyon ay madalas na sila maguusap ni Mico pero mali siya. Nang minsang magkasalubong sila ay ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin, maski ang mga kaibigang si Bryce at Jeremy ay tila hindi sila nakita ni Nick.

 

            Binalot siya ng pagkadismaya sa totoo lang pero hindi na niya hinayaan na magtagal pa ang pagkadismaya na yun kaya naman nang paalalahanan siya ni Nick halos araw araw patungkol sa paguusap nila ni Mico na iyon noong nakaraang gabi sa pamamagitan ng pagtatanong ng kung ano ano ay hindi na niya minsan mapigilang mainis dito.

 

“Ang akin lang naman---” simula ni Nick pero agad din nagsalita si Red upang mapigilan ito.

 

“Hayaan mo na lang, Nick. Hindi natin kaibigan ang mga yun kaya dapat hindi tayo mageexpect na araw araw nila tayo babatiin at kakausapin.” Pagtatapos ni Red ng usapan. Nagtaas ng magkabilang kamay si Nick, nagsasabing suko na siya.

 

            Nasa ganong tagpo sila nang biglang may tumabi sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Red. Agad na nagtapon ng tingin doon ang magkaibigan. Alam nilang silang dalawa lang ang nakaupo sa parteng iyon ng classroom sa subject na iyon. Abala parin ang lalaki sa kakacheck sa hawak nitong schedule. Pamilyar kila Red at Nick ang papel na iyon, doon sa papel na iyon nakasulat ang schedule mo para sa buong semestre.

 

            Naramdaman ng lalaki na may nanonood sa kaniya kaya naman nagtaas siya ng tingin mula sa kaniyang schedule. naabutan niya si Red at Nick na nanonood sa ginagawa niya.

 

“Is this Humanities?” tanong niya. Tila naman may kung anong gumalaw sa tiyan ni Red. Hindi niya mawari kung ano yun, kumpleto naman ang kaniyang kain at alam naman niyang regular ang pagbabawas niya kaya imposibleng nababanyo siya.

 

“Yep. Humanities to. Bakit ngayon ka lang namin nakita?” tanong ni Nick na nakapagpagising kay Red sa pagtitig sa bagong kaklase.

 

“Transferee ako. Wala kaming subject na humanities sa luma kong school kaya uulit ako ng 1-4.” Nangingiting saad ng lalaki sabay kamot sa ulo na parang nahihiya. May naramdaman nanaman si Red sa bandang tiyan niya.

 

“I’m Ace by the way.” Pakilala nito sabay lahad ng malaking kamay sa dalawa. Tinignan lang ni Red ang kamay na nakalahad kaya naman si Nick na lang ang umabot nito.

 

“Nick.” Pero hindi pa agad binitawan ni Nick ang kaniyang kamay.

 

“Basketball player ka ba?” tanong ni Nick habang hindi parin binibitawan ang kamay ni Ace. Napangiti lang uli si Ace.

 

“Dati. Pero iba na ang priorities ko ngayon eh. I’m trying to get into law school kaya nagbabawas na ng extracurricular activities.” Sagot naman nito. Hindi alintana ang tila ba panananching na sa kaniya ni Nick.

 

“Kayo?” tanong ni Ace ipinalit palit ang tingin sa dalawa. Sa hindi maintindihan na rason ay biglang nagpanic si Red at pinabulaanan ang akala’y ibig sabihin ni Ace sa tanong na iyon.

 

“Nako hindi. Magkaibigan lang kami. Single kami pareho.” Agad na sagot ni Red na ikinakunot ng noo ni Ace at saglit na ikinatigil ni Nick saka ikinahagalpak ng tawa. Doon lang bumitiw si Nick sa kamay ni Ace. Nangunot din saglit ang noo ni Red iniisip kung ano ang nasabi niyang mali lalo pa nang makita niyang ngumiti nadin ng matamis si Ace at umiiling iling.

 

“I mean, kayo. Anong course niyo?” tanong uli ni Ace, habang pinipigilan ang sarili na mapatawa. Nahiya naman si Red at yumuko na lang.

 

“Hospitality Management major in culinary arts.” Sagot ni Nick sabay ngiti ng matamis kay Ace na ngumiti lang ulit.

 

            Hindi na nadugtungan ang usapan na iyon dahil dumating na ang propesor nilang madre para sa subject na iyon. Halos hindi na huminga si Red sa kaniyang kinauupuan, wala nading pumapasok sa kaniyang utak tungkol sa mga pinagsasabi ng madre ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ay ang kahihiyang ginawa niya kanina sa harapan ni Ace.

 

            Sino ba kasing hindi magpapanic eh ang tipo ni Ace ang talagang tipo ni Red sa isang lalaki. Matangkad, ayon din sa fit ng uniform nito ay maganda din ang katawan nito, Moreno, gwapo, mabait, matalino at higit sa lahat hindi ilag sa mga kagaya niya. Hindi tulad ng lalaking naghatid sa kaniya sa bahay nila noong isang linggo.

 

            Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Red na agad naman kinumentuhan ni Ace.

 

“Lalim nun ah.” Bulong nito. Ipinaling ni Red ang kaniyang tingin sa gwapong katabi saka nagbigay ng isang nahihiyang ngiti na alam niyang malamang “ngiwi” ang kinalabasan. Nasa ganito silang tagpo nang nahulog ang notebook na pinagsusulatan ni Red ng mga ingredients at steps sa baking.

 

            Sabay na dinampot ni Red at Ace ang nahulog na notebook.

 

“Ehem. Isali niyo naman ako sa moment niyo.” Bulong ni Nick sa kabilang side ni Red pero agad din itong tumahimik nang tignan siya ng madre at sawayin.

 

“Pastry Chef?” pabulong na tanong ni Ace kay Red nang mapansing sa black board uli nakatingin ang madre. Tumango si Red at ngumiti pero agad ding nahiya nang makita niyang binubuklat na ni Ace ang notebook at nakita ang mga drawing ng iba’t ibang cake, tinapay at iba pang matatamis na pagkain kasama ng listahan ng ingredients.

 

            Agad niyang inagaw ang notebook na ikinagulat naman ni Ace.

 

“Tinitignan ko lang eh.” Parang batang saad nito na ikinailing lang ni Red, pinipigilan ang sarili na mapangiti.

 

“I like sweets.” Rinig ni Red na bulong ni Ace nang akala niya na tapos na ang pakikipagdaldalan nito sa kaniya habang asa klase.

 

“He’s not so good at baking cakes though.” Singit ni Nick.

 

            Totoo ang sinabing iyon ng kaniyang kaibigan. Kahit gaano man ipilit ni Red ang sarili na maging pastry chef ay hindi siya pinapalad dito. Minsan na nga niyang naisipan na magshift ng course pero wala siyang ibang alam kundi ang tumao sa kusina at magluto ang tanging hindi niya lang ma-achieve ay ang paggawa ng iba’t ibang uri ng pastries.

 

Ang tanging gusto niya ay ayaw sa kaniya.

 

“Kung gusto niyo magdaldalan ay pwede naman kayo lumabas.” Sita ng madre sa tatlong lalaki na ikinatahimik ng mga ito. Kahit pa hindi naman talaga nagsalita si Red at tanging si Ace lang at Nick ang nagbubulungan.

 

“I like lutong ulam too. Kahit ano kinakain ko.” Bulong muli ni Ace kay Red nang di na sila tinitignan ng madre. Napangiti si Red.

 

“Anong specialty mo?”

 

“Lahat.” Tipid na sagot ni Red sabay tingin uli kay Ace na simpleng ngumiti din at tumango tango.

 

“How about kare kare?” panunubok ni Ace.

 

“PShh! Sisiw lang sakin yan.” Mayabang na saad ni Red.

 

“Sige nga. Patikim ako ng kare-kare mo one time.” Panunubok muli ni Ace.

 

“Sure.” Pasimpleng sagot ni Red sabay balik baling sa black board ng tingin upang hindi mahalata ng madre na nakikipagdaldalan nanaman si Ace sa kaniya.

 

“Promise yan ah.” Saad naman ni Ace. Muling ibinaling ni Red ang tingin kay Ace na nagpakawala ng simpleng ngiti. Ang kaninang kung anong nararamdaman ni Red sa kaniyang tiyan ay lumipat na sa kaniyang dibdib.

 

“Nilaga gusto mo? Masarap ako magluto ng nilaga.” Singit naman ni Nick. Binalingan ito ng tingin ni Ace.

 

“Sure.”                                             

 

“Naku, kapag natikman mo ang nilaga ko hindi na kare kare ang hahanapin hanapin mo.” Pabida uli na saad ni Nick na ikinangiti lang uli ni Red.

 

000ooo000

“Marunong ka na lumandi, Red ah.” Pangaalaska ni Nick kay Red nang makalabas na sila ng klase ng humanities.

 

“Loko. Hindi ah.”

 

“Gwapo ni Ace no? feeling ko nga nafo-fall na ako dun sa taong yun eh.” Saad ni Nick na ikinairap na lang ni Red.

 

“Agad-agad?” natatawang tanong ni Red kay Nick na napatawa na lang din.

 

“Oo! Nakakainis ka nga eh, obvious naman na gusto pa tayo kakwentuhan ni Ace pagkatapos ng humanities kaso nagmamadali ka na lumabas ng classroom!” saad ni Nick na ikinailing nalang ni Red.

 

            Nasa ganon silang paguusap nang biglang dumaan ang grupo ng mga varsity at kasama doon si, Bryce, Jeremy at Mico. Napatigil saglit si Red at Nick tulad ng ibang tao sa paligid, upang tulad nila ay makita ng maayos saglit ang mga idolo. Naramdaman ni Red ang pagsiko ng marahan sa kaniya ni Nick nang dumaan si Mico pero ni tanguan sila bilang pagkilala sa kanila o maski tapunan manlang sila ng tingin ay hindi nito nagawa.

 

            Napairap na lang si Red iniisip sa sarili na dapat ay simulan na lang din niyang isipin na hindi niya kalianman nakilala ni Mico para hindi na siya madidismaya sa sususnod na daan-daanan lang siya nito.

 

“Tingin ko talaga talkies ka lang eh. Tignan mo hindi ka nanaman pinansin.” Nangaasar na saad ni Nick na ikinairap na lang niya.

 

“Edi wag ka maniwala.” Kibit balikat na saad ni Red sabay naglakad palayo.

 

“Pikon? Nag walk out?” natatawang pangaasar pa lalo ni Nick. Hindi na lang ito pinansin ni Red.

 

000ooo000

            Naglalakad na si Red palabas ng campus nang biglang may pumigil sa kaniya sa paglalakad. Agad siyang napaharap, iniisip nab aka may nakalimutang sabihin si Nick sa kaniya kaya naman laking gulat niya nang si Ace ang makaharap niya. Tila biglang nanlambot ang kaniyang mga binti pero pinilit niyang tumayo ng derecho.

 

“Pauwi ka na?” tanong nito sa kaniya. Agad naman siyang tumango.

 

            Tulad ng nakagawian ng kaniyang isip ay wala sa sarili nanaman siyang nagisip ng kung ano ano kung bakit sita tinatanong ni Ace. Andiyan ang aayain siya nito na kumain sa labas at makipagkwentuhan, manood ng sine, sumabay pauwi at kung ano ano pa.

 

“---ano mo---” ang mga tanging salitang rumehistro sa utak ni Red nang magising siya sa pananaginip sa kung anong maaring dahilan ni Ace kung bakit siya nito pinigil sa paglalakad.

 

“Ayaw mo ba akong kausap?” tanong ni Ace pero nakangiti ito.

 

“Ha? Pano mo naman nasabi?” balik ni Red sabay tingin ng derecho kay Ace.

 

“Kanina kasi kung hindi pa nahulog yung notebook mo saka kung hindi pa kita tanungin kung ano ang specialty mo sa pagluluto di ka makikipagusap sakin eh. Ngayon naman parang hindi mo naman iniintindi ang sinasabi ko.” Natatawang saad ni Ace kay Red na napakamot na lang sa ulo.

 

“Sorry nag zone out lang.”

 

“Ano bang iniisip mo kasi?”

 

“Movie date---” wala sa sariling sagot ni Red na ikinakunot ng noo ni Ace.

 

“I-ibig kong sabihin may movie date ako--- ay ano pala--- wala akong ka date pero gusto ko mag movie date--- pero baka isipin mo inaaya kita. Hindi kita inaaya. Hindi naman sa ayaw kitang kasama. Syempre gusto kita kasama---” nauutal at hindi na maiayos ni Red ang sasabihin habang si Ace naman ay mataman na nakatingin sa kaniya habang nagpapakawala ng isang matamis na ngiti at pilit pinipigilan ang sarili na mapatawa. Nagbuntong hininga na lang si Red, hindi nanaman makapaniwala sa kahihiyan na ginawa niya.

 

“I’ll go on a movie date with you.” Nakangiti paring saad ni Ace habang matamang nakatingin kay Red na agad namula ang mga pisngi.

 

            Naputol lang ang tagpo na iyon nang makarinig sila ng malakas na busina. Sa harap nila ay tumigil ang isang puting pick up. Kilala ito ni Red at hindi nga siya nagkamali nang magbaba ng bintana ang nasa driver’s seat at back seat. Sa tabi ni Mico ay ang kaibigan na si Jeremy at sa likod naman nakapwesto ngayon si Bryce.

 

            Kumaway si Bryce kay Red. Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang hindi naman sinsero ang pagbating iyon sa halip ay itinuon na lang niya ang sarili sa pagtataka kung bakit napili ni Mico na magparamdam sa sandaling iyon kung kalian kasama niya si Ace. Hindi lang alam ni Red na hindi naman siya ang sadya ng mga nakasakay na manlalarong iyon sa pick up.

 

“Sumabay ka na sakin.” Utos ni Mico.

 

“May masasakyan pa ako. Hindi moko kailangan isabay.” Sagot naman ni Red. Bigla siyang nilingon ni Ace, napahagikgik si Bryce, nagse-cellphone si Jeremy at mataman lang nakatingin sa kaniya si Mico tulad ng dati ay hindi parin ito makitaan ng kahit anong emosyon sa gwapong mukha nito.

 

“Sabi ni Mama sumabay ka na daw sakin pauwi ng bahay para sabay sabay na daw tayo magdinner.” Saad uli ni Mico.

 

            Dito na nagtaka si Red.

 

“Sige kuya. Bigay ko lang kay Red yung notebook niya.” Sagot ni Ace sa kapatid. Nanlaki ang mata ni Red at pakiramdam niya ay namula ang buong katawan niya.

 

“Bakit ka isasabay ni kuya?”                                                   “Kuya?”

           

            Sabay na tanong ni Red at Ace sa isa’t isa. Ngumiti muli si Ace at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay napangiti din si Red. Magsasalita sana uli si Ace nang makita ni Red na may inaabot ito sa kaniya. Ang notebook niya na kanina lang ay pinaguusapan nila sa klase ng humanities. Tungkol pala dito ang unang sinabi ni Ace sa kaniya.

 

            Bigla muli tumunog ang malakas na busina ng sasakyan ni Mico.

 

“Ace, bilisan mo.” Sigaw ng nakatatandang Santillan. Sumenyas lang ng sandal si Ace sa kapatid at muling humarap kay Red.

“Naiwan mo kanina sa classroom ng humanities.” saad ni Ace habang naglalakad papunta sa sasakyan ng kapatid.

“Salamat.” Nakangiti ng saad ni Red.

“Kwento mo sakin next time kung pano kayo nagkakilala ni kuya.”

           

Nabura ang ngiti sa mukha ni Red.

 

Itutuloy…

Comments

  1. Haba po ng hair ni red...
    Pero na sad ako about kay zeke...ngayon ko lang nalaman

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]