Make It With You [Chapter 2} Prejudiced

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission.

 

Facebook: Miguel Salvador

Email: miguisalvador@yahoo.com

 

 

Make It With You 2

By: Migs

 

I dedicate this story to my friend, Ezekiel Palacio. We miss you Zeke.

 

                Natigilan si Red sa kaniyang narinig mula sa bibig ni Mico Santillan. Mataman lang itong nakatingin din sa kaniya, iniintay tila ang kaniyang susunod na gagawin o sasabihin. Iniwas niya ang kaniyang tingin mula sa mapanukat na tingin ng manlalaro at kunwariy itinuon ito sa kaniyang cellphone pagkatapos ay lumingon pakanan at pakaliwa tungo sa walang laman na lansangan.

 

            Napabuntong hininga siya.

 

“Are you coming or not?” singhal na ni Mico sa loob ng sasakyan. Halatang nauubusan na ito ng pasensya habang si Red naman ay naisip nadin na wala naman nadin siyang ibang choice.

 

            Isinara ni Red ang pinto ng passenger seat at akmang aabutin ang handle sa pinto ng backseat upang buksan ito at doon sumakay nang marinig niya ang marahang paglock ng mga pinto ng sasakyan. Nung una ay akala pa ni Red na in-unlock ni Mico ang mga pinto sapagkat pareho lang naman ang tunog na nililikha ng paglock at unlock pero nang hindi niya mabuksan ang pinto ay alam niyang ang tunong na narinig kanina ay para ma-lock ang mga ito.

 

            Nangunot ang noo ni Red, iniisip na pinagtritripan siya ng manlalaro sabay tumingin kay Mico. Seryoso parin ang mukha nito at mataman parin siyang tinitignan, nangungunot nadin ang noo nito pero sa kabila non ay mas lalo lang itong gumwapo para kay Red. Agad na umiling si Red sa naisip at humakbang palayo sa sasakyan. Iniisip na pinagtri-tripan lamang siya ni Mico at dahil nahiya din siya sa kaniyang sarili nang aminin na nagwapuhan siya sa manlalaro sa kabila ng panti-trip at pagsusungit nito.

 

“Bastos Karin eh no. pinagbuksan ka na nga ng pinto ng passenger seat tapos sinara mo at bubuksan ang pinto ng back seat.” Paninita ni Mico. Saglit na namula sa pagkapahiya ang pisngi ni Red. Yun pala ang ibig sabihin ng mga ginawa ng manlalaro.

 

“Dito ka na sa harapan sumakay.” Utos ni Mico.

 

“Ha?” tanging sagot ni Red. Umiling si Mico at nagtiim bagang. Halatang naiinis na.

 

“Dito ka sa tabi ko umupo. Hindi ako driver mo para dun ka sa likod pumuwesto.” Singhal ng manlalaro. Muling tumitig si Red sa lalaki, katulad ng mga naunang pagkakataon na tinatapunan niya ito ng pansin ay seryoso lang ang mukha nito.

 

            Wala sa sariling inabot ni Red ang door handle ng passenger seat, narinig niya ang tunog ng lock ng sasakyan at nang buksan niya ang pinto ay hindi pa muna siya makapaniwala na bumukas ito at pinapasakay nga siya ni Mico pero ang tumatakbong iyon sa kaniyang isip ay natabunan nananaman ng pagkapraning lalo na nang lumapat ang pwet niya sa upuan at akmang sasaran na niya ang pinto.

 

            Naisip niya na baka nagaantay lamang ang dalawang kaibigan ni Mico sa kabilang kanto at sasakay muli ang mga ito upang pagtripan siya, bugbugin o patayin. Kinilabutan siya sa naisip at muling tinapunan ng tingin si Mico na kunot noo, tiim bagang at gigil na gigil na sa pinapakita niyang pagaalangan.

 

“Alam mo kung natatakot ka sakin pwede ka na uli bumaba, hindi yung nagmamagandang loob na nga ako na ihatid ka para ligtas ka makauwi tapos iniisip mo pa na may gagawin akong masama sayo. Gusto ko nadin makauwi, pagod na ako galing laro tapos ang tagal mo pa magdesisyon kung mabuti ba ako o masamang tao.” Nanggigigil na saad ni Mico, hindi na halos nito ibinubuka ang panga habang nagsasalita dahil sa sobrang panggigigil. Tila naman nagising si Red sa sinabing ito ni Mico kaya ahad nitong sinarhan ang pinto ng sasakyan at dagling isinuot ang seat belt.

 

“Thank God.” Sarkastikong bulong ni Mico sabay lock ng pinto at sinimulan ng magmaneho.

 

            Binalot ang dalawa ng nakakabinging katahimikan. Hindi tumigil ang sasakyan sa sumunod na kanto at walang sumakay na mga kaibigang nagtatago sa dilim si Mico, hanggang napanatag nadin si Red nang ilang kanto na ang dumaan at tuloy tuloy lang sa pagmamaneho ang gwapong manlalaro. Napabuntong hininga siya nang maisip na maaari ngang gusto lang ni Mico na pareho silang makauwi ng ligtas. Hindi nakaligtas kay Mico ang buntong hininga na yun na ikinainis muli nito kaya naman kinumpronta na niya ang kasama.

 

“Anong iniisip mo. Titigil ako sa kanto at isasakay uli si Jeremy at Bryce tapos gagahasain ka?” sarkastikong tanong ni Mico sabay hagok pa sa huli bilang sabi na hindi kapani-paniwala ang eksenang iyon.

 

“Nagiingat lang ako. H-hindi ko naman kayo kilala. Tapos yung sinabi pa ni Bryce kanina---” pagtatanggol ni Red sa sarili na ikinailing uli ni Mico.

 

“So yun nga ang iniisip mo?!” medyo napalakas na tanong ni Mico, muntik pa nitong makabig ang manibela na ikinakaba nanaman ni Red.

 

“Unbelievable---” simula muli ni Mico pero hindi na nakapagpigil din si Red.

 

“Anong hindi kapani-paniwala doon? Nangyayari naman talaga iyon ah. Hindi yung rape part kundi yung pangtri-trip at pambubugbog. Minsan nga napapatay pa yung bakla eh. Hate crime ang tawag dun. Pwede mong i-google kung hindi mo alam yun.” Balik ni Red, saglit nagtitigan ang dalawa. Si Mico nagtitiim nanaman ang bagang. Nang i-iwas na ni Mico ang tingin sa makinis at inosenteng mukha ni Red ay muli nanamang binalot ng katahimikan ang dalawa.

 

            Ilang saglit pa ay tila ba may kinalikot si Red sa loob ng kaniyang bag, saglit itong sinulyapan ni Mico at nakita ng huli na kumuha pala ang binata ng earphones, sinaksak ito sa maigkabilang tainga at ikinunekta sa sariling cellphone. Hindi alam ni Mico kung bakit pero tila ba nainis nanaman siya pero hindi nagtagal ay pinigilan nadin niya ang sarili na mapahagikgik.

 

“Shit.” bulong ni Red nang makita nitong namatay ang sariling cellphone dahil ubos na ang battery nito. Iniwas ni Mico ang mukha palayo kay Red upang hindi nito makita ang kaniyang ngising tagumpay.

 

“Pwede bang buksan ang radyo?” paalam ni Red.

 

“Hindi.”

 

“Baka kasi makatulog ako.” Pagtatanggol ni Red sa kaniyang request. Ayaw naman niya kasing isipin ni Mico na makapal ang mukha niya, nakikisakay na nga lang demanding pa.

 

“Hindi ko tinatanong kung bakit mo gusto buksan ang radyo saka matulog ka kung gusto mo.” Sagot naman ni Mico sabay sulyap kay Red na binalot nanaman ng pagaalangan. Hindi nanaman ito nakaligtas sa gwapong manlalaro.

 

“You can close your eyes. I promise not to stab you in your sleep and dump your body in the river. Napakapraning mo naman. You can drop it, OK. Di kita sasaktan. Kung gusto lang din pala kita mapahamak saka masaktan edi sana hindi na lang kita isinabay, pwede namang ibigay na lang sayo  yung phone mo kanina tapos hinayaan na lang kita umuwi magisa. Wala akong pakielam kung maholdap ka o magahasa sa daan---” Sarkastikong simula ni Mico pero hindi na siya pinatapos ni Red at sumingit na ito, hindi matiis ang pagsusungit sa kaniya ni Mico dahil para sa kaniya ay tama lang na mapraning siya.

 

“O e bakit moko sinabay? Edi sana di ka nanggigigil ngayon.”

 

“Kasi kung makita kang patay sa kalsada magkakaroon ng imbestigasyon tapos malalaman na kami ang huling kasama mo, na hindi mo naman mga kilala tapos nakainom pa pagkatapos ng laro. Andaming hassle nun tapos malalaman na anak ako ni Daddy tapos kukuyugin siya ng mga reporter magkakagulo pa. Ang mga reporters pa naman ngayon kahit hindi totoo ginagawan ng headline. Magugulat na lang kami na ang nakalagay “Anak ng isang heneral ng PNP pumatay ng Bakla.” Tapos magkaka media circus na, magkakaroon ng hearing at kung ano ano pa.” pagtatapos ni Mico na ikinangisi ni Red.

 

“Sino ngayon satin ang praning?” taas kilay na tanong ni Red. Natigilan si Mico at tumingin saglit sa kasama. Hindi alam kung paano sasagot. Hindi nagtagal ay pinindot na lang ng manlalaro ang radyo sa center console at nagpatugtog.

 

            Muli silang natahimik. Tanging ingay ng mga lumang kanta lang ang naririnig sa buong sasakyan. Hindi na nakatulog si Red kahit pa binabalot na siya ng antok. Iniisip ang mga bagay na napagusapan nilang dalawa ni Mico.

 

“Ibaba mo na lang ako sa may Monumento. For sure may masasakyan na ako dun.” Nagulat si Mico sa request na ito ni Red. Hindi parin pala nito naintindihan ang sinabi niya kanina kung bakit kailangan niyang masiguro na ligtas ito makauwi.

 

“Bakit, pi-pick up ka pa ng lalaki?” pangaasar na balik ni Mico na ikinapantig ng tainga ni Red.

 

“Alam mo, Mico, hindi porke bakla ako ay uhaw na ako sa tite.” Balik ni Red hanggang sa lumagpas na sila ng Monumento.

 

“Saan dito?” tanong ni Mico.

 

“Liko ka sa pangalawang kanto sa kanan.” Sagot naman ni Red.

 

“Eh sumakay nga kayo ni Nick sa sasakyan ko kahit di niyo naman kami kilala eh. Siguro naghahanap nga talaga kayo ng hada.” Balik ni Mico kay Red na agad namang sinagot nito.

 

“Wala lang talaga kaming choice. Kung may choice naman bakit kami papayag sumakay sa sasakyan mo lalo pa na nakainom kayo tapos mukhang mga rich kid na mahilig mantrip.” Sagot ni Red habang wala sa sarili na binibigyan ng direksyon papunta sa bahay nila si Mico.

 

“Kanan ka diyan.” Na ginawa naman ng gwapong binata. Hindi na alintana ng dalawa ang tugtog sa radyo na kanina lang ay namumutawi sa loob ng sasakyan.

 

“Wow. Hindi mo kami kilala pero nahusgahan mo na ganun kami nila Bryce at Jeremy. Impokrito ka din eh. Ayaw mong marinig ang pre conceived notion ng mga tao sa mga katulad mo pero you’re stereotyping us na nantri-trip at nambu-bugbog ng mga tao dahil lang may kaya kami at nalulusutan naming lahat ng ung anong ibintang samin?” saad ni Mico. Napaisip din si Red sa sinabi nito. May punto ang manlalaro. Nasa ganito siyang pagiisip nang mapansin niya nagkamali ng liko si Mico at kailangan nilang bumalik kundi mas mapapalayo sila.

 

“Mali ka ng nilikuan. Ikot ka na lang tapos kumaliwa sa ikatlong kanto.” Tumango na lang si Mico sabay U-turn.

 

“Hindi mo naman kami masisisi. Tignan mo nga yung mga sinabi ni Bryce kanina nung una pa lang kami sumama sainyo---”

 

“Hindi mo din kami masisisi sa iisipin at sasabihin namin pero kahit na ganon maganda naman ang intensyon namin. Maski si Bryce---” simula ni Mico pero nagsalita si Red.

 

“Kanan ka diyan.” Bigay direksyon uli ni Red na ikinatango na lang ni Mico.

 

“---Maski si Bryce nung nakita na kayong dalawa na lang ni Nick na nagiintay ng masasakyan pinaikot pa talaga niya ang sasakyan sakin para isakay kayo---” pagpapatuloy ni Mico.

 

“Pinaikot niya ang sasakyan, hindi dahil naaawa siya samin kundi dahil gusto niya kami pagtrip-an.” Saad naman ni Red na ikinatiim bagang nanaman ni Mico dahil sa inis.

 

“Pwede bang patapusin moko?!” iritang sabi ni Mico. Natameme si Red at nagpakawala naman ng buntong hininga si Mico, pilit na inaalis ang inis sa sistema matapos singhalan ang kasama.

 

“We were celebrating outside the convenience store where you guys are waiting for a ride home. Nagbabanlaw kami ng nainom sa locker room kaya kami nandon. Napansin ni Bryce na walang nagsabay sainyo pauwi na mga kaklase niyo na mayroong sariling sasakyan, sinundo o kaya naman nagtaxi or nag grab kaya naisip niya na isabay kayo since ang mga punong dyip na pinapara niyo kanina ay along the way lang naman. Wala siyang nabanggit about pagtripan kayo dahil mga bakla kayo or landiin o kahit asarin. Nagulat lang din ako nung magbiro siya kanina sa sasakyan kaya nung nakita ko na hindi na kayo kumportable ni Nick sa mga sinasabi niya ay pinatigil ko na ito lalo na at alam ko naman na hindi naman niya intensyon na matakot kayo.” Hindi maipaliwanag ni Mico sa kaniyang sarili kung bakit niya kailangang ipagtanggol ang sarili at mga kaibigan kay Red gayong hindi naman niya ito kilala at lalong hindi naman niya ito kaibigan. Tila ba may nagtutulak sa kaniya na ibahin ang way of thinking ni Red.

 

            At ganun din naman si Red. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili at kaibigang si Nick dahil hindi naman lahat ng bakla ay nais lang humada.

 

“At sana din maisip niyo din nila Bryce na hindi lahat ng bakla ay katawan ang habol sainyong mga lalaki. Hindi porke may mga itsura kayo at magaganda ang katawan ay magkakandarapa kami kakahabol sainyo. May dignidad din kami. Wala lang talaga kaming choice ni Nick, puno ang sakayan ng dyip kanina kaya napilitan kami na dun sa bandang madilim magintay ng masasakyan, umaasa na baka makatyempo kami pero lahat kasi punuan. Nung inalok niyo kami ay pumayag agad si Nick dahil fan niyo yun bilang manlalaro at hindi dahil gusto niya kayo kainin. Pinilit niya ako sumakay dahil kailangan na niyang makauwi kung hindi ay pagsasaran na siya ng gate ng land lord nila at ako naman ay malayo pa ang uuwian.” Balik naman ni Red.

 

“Pangalawang kanto sa kaliwa. Pangatlong gate na puti. Kulay brown na bahay.” Bigay muli ng direksyon ni Red.

 

“Dito?” pagkukumpirma ni Mico. Tumango lang din si Red. Ihininto ni Mico ang sasakyan niya sa sinabing gate ni Red, tinggal ang seatbelt at humarap sa kadebate. Ito rin ang ginawa ng kasama. Saglit sila nagtitigan tila hindi magpapatalo sa isa’t isa.

 

            Binalot sila ng mahaba-habang katahimikan lalo pa at nalinaw na nila sa isa’t isa ang mga pangyayari nung gabing yun. Lalo pa at nalinaw na na pareho silang nagiisip ng mali sa bawat isa at pareho nilang nahusgahan ang grupo ng bawat isa ng mga maling paniniwala sa mga taong katulad nila.

 

“Bakit hindi ka pa kila Nick nagstay?” basag ni Mico sa katahimikan.

 

“Hindi ako hahada kaya hindi ako nagstay kila Nick kung yan ang gusto mo palabasin---” naiinis na saad ni Red na agad naman pinutol ni Mico.

 

“Hindi yun ang ibig kong sabihin.” Saad ni Mico sabay buntong hininga na tila ba sumusuko na siya sa pagiisip ng masama sa kaniya ni Red. Natigilan si Red, naisip niya din na simple lang ang tanong ni Mico at wala iyon ibang gustong ipagkahulugan.

 

            Saglit na nagtitigan ang dalawa. Nagpakalawa ng buntong hininga si Red saka sumagot.

 

“Hindi pumapayag sa transient yung land lord ni Nick.” Sagot ni Red sabay iwas ng tingin. Hindi na niya nakita na tumango-tango si Mico.

 

            Katahimikan uli. Nang masiguro na nila sa isa’t isa na wala na silang kailangang linawin sa mga hindi pagkakaintindihan sa gabing iyon ay sabay na nagiwas ang dalawa ng tingin. Hindi alam ng bawat isa kung pano babasagin ang awkward na sitwasyon matapos nilang mailabas ang kanilang mga saloobin.

 

“So you find us hot, huh?” tanong ni Mico, hindi makita ni Red kung nagbibiro ba ito dahil nakaharap ito palayo sa kaniya pero ayon sa tono ng boses nito ay may pagbibiro siyang naririnig doon.

 

“What?!” nangingiti pero umaarteng naeskandalong tanong ni Red.

 

“Sabi mo kanina and I quote “Hindi porke may mga itsura kayo at magaganda ang katawan ay magkakandarapa kami kakahabol sainyo” end quote.” Paglilinaw ni Mico sabay harap kay Red, pinipigilan ang sarili na mapangiti.

 

Hindi ito nakaligtas kay Red na napangiti na lang at tumitig lang kay Mico, tila ba dine-dare ito na ngumiti na.

 

            Sabay na halos mapatalon ang dalawa nang makarinig sila ng malakas na pagkatok sa bintana ng passenger side. Nilingon ito ni Red at nakita niya ang kaniyang ina na nakangiti pero nagtataka sa naabutan na eksena. Ibinaba ni Mico ang bintana gamit ang switch sa side niya.

 

“Good evening po.”

 

“Good evening naman, hijo. Sino ka?” tanong ng matanda sabay ipinabalik-balik ang tingin sa dalawang binata na kanina lang ay nagdedebate. Umirap na lang si Red.

 

“Ma, si Mico. Mico si Mama.” Pagpapakilala ni Red sa dalawa.

 

“Boyfriend mo?” nakangiting tanong ng matanda sa anak. Napakamot sa ulo si Mico habang si Red naman ay dali daling bumaba ng sasakyan habang nagpapasalamat sa gwapong manlalaro at habang halos kinakaladkad na ang sariling nanay papasok ng bahay.

 

Itutuloy…

Comments

  1. Hindi porke bakla ako ay uhaw na ako sa tite hahahaha savage

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]