Tuesday, August 30, 2011

Against All Odds 20

_________________________
Against All Odds 20
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Magkatitig lang kami ni Nate, marahil ay iniintay niya na sumigaw ako ng “Joke.” oh di kaya naman ay biglang tumawa. Pero mali siya, totoong may HIV ako, tamang tama ang mga symptoms at ang blood work naman ang nagpatibay pa ng diagnosis. Responsibilidad ko na sabihan si Nate, dahil may ilang buwan lang nung pagsamantalahan niya ako. Gayun din si Jase dahil di ko alam kung kailan pa ako positibo ng sakit na ito.


Nate, you need to get checked.” sabi ko dito. Umiling lang ito.


Marahil ay katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon. Marahil ay di niya rin matanggap.


Nate, please. Naaalala mo nung...” simula ko pero di na niya ako pinatapos.


I'm sorry, Aaron.” bulong nito.


Nate, kailangan mong magpacheck up.” pagsusumamo ko dito.



I said no, di ako magpapa check ng dugo or anything.” kalmadong sabi ni Nate.



But Nate...” simula ko ulit.



I'm HIV positive too.” mabilis na sabi ni Nate. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.



Natigilan ako saglit at dun ko naunawaan ang ibig sabihin nito. Agad kong inabot ang mukha nito at pinatawan siya ng isang malutong na sampal na siya namang um-echo sa loob ng chapel.




0000ooo0000



Aaron, sana maintindihan mo ako!” sigaw sakin ni Nate. Nasampal at nasuntok ko na ito sa loob ng ilang minuto nang sabihin nito sakin na siya ang nagbigay sakin ng sakit.



Sang banda ang gusto mong intindihin ko?! Yung parte na sinira mo ang buhay ko sa pagiwan sakin noon? Yung parte na bumalik ka at sinira naman ang relasyon namin ni Jase? O yung parte na paninira mo ng lubusan ng buhay ko sa pagbigay sakin ng sakit na ito?!” nanggagalaiti ko ng sabi kay Nate habang wala naman itong ginagawa sa bawat sampal at suntok ko sa kaniya.



Andito ako, kinokonsensya ang sarili sa posibilidad na mahawaan ko kayo ni Jase sa posibilidad na baka masira ko ang buhay niyo tapos ayan ka, dadating ka at sasabihin mong sayo galing tong lintik na sakit na ito!”



Aaron, please.” nakaluhod ng sabi ni Nate. Wala paring tigil ang luha ko, napansin kong umiiyak na din si Nate.



Ginawa ko lang yun dahil mahal kita.” sabi nito.



Yan ba ang pagmamahal, Nate?!” sigaw ko dito.



Paano kung pagkatapos nung gabing ginawa mo sakin yun ay sumiping naman ako kay Jase?! Di mo ba naisip na pati buhay ng kapatid mo masira?!” sigaw ko dito.



Ayaw ko lang na makikita kang masaya sa iba! Gusto ko sakin ka lang masaya!” sigaw ulit ni Nate, pero nakaluhod parin ito.



Natigilan ako sa rason niyang yun. Nawalan na ng lakas ang aking mga paa, tuluyan ng bumigay ang mga ito at napaluhod na ako, magkaharap na kami ngayong nakaluhod ni Nate.



Nathan, ngayon, masasabi mo bang magiging masaya pa ako?” pabulong kong tanong dito.



I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry...” bulong sakin ni Nate sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.



Wala na Nate, wala ng magagawa ang sorry mo, di na mabubuo niyan ang buhay ko katulad ng dati.”



Pilit kong pinakalma ang aking sarili at maya maya pa ay wala sa sarili kong kinuwa ang aking cellphone, sinubukan kong tawagan ulit si Jase at sa wakas ay sumagot ito.



Jase, I'm breaking up with you.” sabi ko dito habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha.



What?! Nagkatampuhan lang tayo, Aaron. Pagusapan muna natin 'to, please.” sabi ni Jase sa kabilang linya.



Tinapunan ko ng tingin si Nate, lumatay ang gulat sa mukha nito sa sinabi ko kay Jase.




I'm sorry, Jase, but this is for the best.” sabi ko sa kabilag linya kay Jase sabay baba ng telepono.



0000ooo0000



Nakaupo parin ako sa sahig ng chapel, ramdam kong sakin parin nakatingin si Nate pero di ko ito kinakausap.



I'm really glad di mo napasa kay Jase...” simula ni Nate, marahas akong humarap dito at kwinelyuhan.



Dahil di ko magawang sumiping sa kaniya dahil sa pambababoy na ginawa mo! Di ko maalis ang sangsang ng ginawa mo, sa tuwing hahawakan ako ni Jase ay di ko mapigilang maalala ang pambababoy mo! Sa tuwing ilalapit ni Jase ang mukha niya sakin para halikan naaalala ko ang kademonyohan mo!” sunod sunod kong sabi dito, malungkot ang mukha ni Nate matapos kong sabihin lahat ng iyon. Napayuko na lang ito.



Ano bang ginawa ko sayong kasalanan, Nate?” pabulong kong tanong dito sa pagitan ng aking mga hikbi, agad namang tumanghod si Nate at umiling.



W-wala, ako ang mali dito, mahal na mahal kasi kita.” bulong nito.



Pero kung mahal na mahal mo talaga ako, bakit dalawang beses mo na sinisira ang buhay ko?” tanong ko dito.




0000ooo0000



Aaron, let's talk please.” pagmamakawa sakin ni Jase nang balikan ko ag aking mga gamit. Di ko ito pinapansin.



Aaron naman, kausapin mo ako.” pero huli na, di na nito mababago ang desisyon ko, wala akong balak ipasa sa kaniya ang sumpang binigay sakin ni Nate.



Kausapin mo naman ako!” sigaw na nito. Napatigil ako bago tuluyang lumabas ng apartment.



Di na kita mahal, Jase.” sagot ko dito, nakatalikod ako dito kaya't di niya nakikita ang pagtulo ng aking mga luha.



Di ako naniniwala.” sabi ni Jase at niyakap ako nito mula sa likod, kinalas ko agad ang yakapan na iyon.



Ginantihan ko lang ang panggagago na ginawa mo sakin noon.” wala sa sarili kong sabi dito. Natigil sa paghikbi si Jase at pinabayaan na akong lumakad palayo.




0000ooo0000



Tahimik lang ako sa tabi ni Nate, nagmamaneho ito pabalik sa kanilang mansyon, napagkasunduan kasi naming sasabihin na namin kay Tita ang kundisyon namin ni Nate sa paguwi nito kinabukasan. Napagpasyahan namin na kami ang magaalaga sa isa't isa hangga't sa lumubha ang aming kalagayan.



I'm really really sorry.” di ko na ito pinansin at pumasok na ako sa kwartong inilaan niya para sakin.




0000ooo0000



Wala parin kaming kibuan ni Nate habang iniintay si Tita na lumabas ng airport, madalas na itong nakatulala simula kagabi na tila ba napaka lalim ng iniisip, di ko na ito pinansin pa, naaasiwa ako dito, kumukulo ang dugo ko makita lamang ito at nanggagalaiti sa galit tuwing kakausapin ako nito.



Hindi biro ang ginawa niyang pagsira sa buhay ko, tanggap ko pang itakwil ako ng magulang ko ng sampung beses at magputa hanggang sa malaspag ako wag lang ganito, walang bawian ang ginawa niya sakin. Unti unti niya akong nilalason. Unti unti niya akong pinapatay.” sabi ko sa sarili ko.



Nakita kong kumaway si Tita mula sa pinto ng airport, pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. Mahigpit kami nitong niyakap ni Nate, pinansin ang kanya kanya naming pagpayat, pinuna rin nito kung bakit wala si Jase.



Tita, we have something to tell you.” umpisa ko dito ng makasakay kami ng sasakyan. Nasa passenger seat ako at nasa backseat si Tita, nilingon ko ito.



Ano yun, hijo, mukhang seryoso ito ah.” sabi ni tita at tulad ng ibang ina ay lumatay sa mukha nito ang pagaalala.



Tita, Nate and I are...” nagbuntong hininga ako at tinignan saglit si Nate, nakita ko itong lumuluha pero di parin inaalis ang mata sa kalsada, naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni tita sa kamay ko.



... Nate and I are HIV positive.”



Hindi matatawaran ang galit at gulat sa mukha ni Tita, inaasahan ko na ngang mahihimatay ito anumang oras pero mas nauna ang pagiging poised nito, umiiyak siya, Oo, pero kalmado parin. Ang di ko inaasahan ay ang pagabot ng kamay nito at paglagapak ng palad nito sa aking pisngi. Napapikit ako sa sakit hindi dahil sa bigat ng kamay ni tita, kundi dahil sa marahil na iniisip nito na ako ang nagdala ng sakit sa pamilya niya.



Tinanggap ko nung una, pinilit kong intindihin ang pagiging marumi mo dahil alam kong si Nate ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan pero di ko akalain na magdadala ka pa ng sakit. Wala kang dinala kundi kamalasan sa buhay ng mga anak ko. Isa kang salot!” nanggagalaiting sabi ni Tita sa akin. Di ko na napigilan ang aking sarili at napaiyak na din.



Enough!” sigaw ni Nate at itinabi nito ang sasakyan.



Ako ang...” pero pinigilan ko ito.



Nate and I acquired the virus separately. From different partners, di po ako ang nagbigay sa kaniya ng sakit at hindi rin po siya ang nagbigay sakin nito.” sabi ko kay tita, pilit na pinapakalma ang aking sarili, tinignan naman ako ni Nate, may gulat sa mukha nito.



Is this true Nathan? Ayokong magsisinungaling ka para lang ipagtanggol si Aaron!” sigaw nito sa kaniyang anak habang wala paring tigil ang mga luha nito sa pagtulo.



It's true, Ma.” umiiyak na nakatingin sakin si Nate.



“This disease will eventually kill the both of you! Alam niyo ba kung gano kahirap 'to sakin?! Ngayon pa na kamamatay lang ng Tito niyo, now you're telling me na eventually I'm going to lose both of you?!" nanginginig na sabi ni Tita habang wala paring tigil ang pagtulo ng luha nito.



"Tita, I'm sorry..."



"Wala na tayong magagawa diyan. The best we can do is pray and keep you from infections as much as possible.” malamig na sabi ni Tita. halatang itinatago ang tunay na nararamdaman.



Tita, I'm sorry.” bulong ko ulit.



You should'nt be. In-expect ko na magkakaroon ka ng ganyang sakit one way or the other.” malamig na sabi nito. Natigilan ako, from then on, alam ko na, wala na akong puwang pa para kay Tita, alam kong sinira ko ang magandang pagsasamahan namin. Lahat ng yun dahil kay Nathan.



Is this why Jase isn't here? Kasi nandidiri siya sainyo?”



No, Ma, walang alam si Jase. And I'm going to ask you to keep it secret for the meantime.” malamig narin na sabi ni Nate sa kaniyang ina.



Ihatid niyo na ako sa bahay. Pagod na ako.”



0000ooo0000



Bakit di mo sinabi ang totoo?” tanong sakin ni Nate habang nagaalsabalutan.



You saw the shock on her face when I told her, narinig mo kung pano niya ako agad sisihin, malamang iniisip na sakin mo nakuwa ang sakit, nakita mo kung pano niya sinampal ang mukha ko. tingin ko, di mo makakayanan yun, yun nga lang tanggapin na nagpuputa ako di mo nagawa, yun pa kayang itakwil ka ng sarili mong ina?” malamig kong sabi dito, natahimik ito saglit.



I'm sorry.” naluha ng sabi ni Nate.



Hindi. Walang nagagawa ang sorry Nate. Ngayon, masaya ka na? Di na ako pwedeng bumalik kay Jase, wala ng magpapahalaga sakin tulad ni Tita. Sana masaya ka na.” sumbat ko kay Nate, hinatak ko na ang aking duffel bag at pabalang na lumabas ng aking kwarto.



Aaron, wait!” sigaw ni Nate sakin nang makalapit na ako sa gate, saktong pagharap ko ay ang pagyakap niya sakin.



Sakin ka na tumira, alagaan natin ang isa't isa. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako.” nahikbing sabi sakin ni Nate.



Hindi na Nate, baka kung ano pa ang magawa natin sa isa't isa.” bulong ko.



Aaron please, wala ng ibang makakaintindi sayo kundi ako. Di natin kailangan si Mommy o kaya si Jase! Sumama ka na sakin.” pagpupumilit ni Nate.



Nagulat kami pareho ng makarinig ng palakpak sa aming likod. Si Jase, namumula sa galit sa nakitang pagyayakapan namin ni Nate at malamang narinig ang alok sakin ni Nate. Di ko alam kung narinig rin nito ang aming pinagusapan tungkol sa aming sakit.



Tindi mong manulot, tol!” sigaw nito kay Nate sabay takbo pasugod dito.



Tama na!” awat ko kay Jase. Hinawi naman nito ang kamay ko sa kaniya at ilang dipa na lang ang layo nito kay Nate.



Tangina Aaron! Ganyan ka na ba talaga kababa?! Ginago ka na ng taong to, he literally ruined your life!” sigaw sakin ni Jase habang dinuduro si Nate.



Di mo naiintindihan, Jase.” sabi ko dito.



Bullshit!” sigaw ni Jase, kasabay ng sigaw na iyon ay ang putok ng baril, parepareho kaming napatingin sa guardhouse at nakitang nakabulagta ang guard at duguan.



Sinisimulan na ang party ng wala ako?! Ayan, nag gate crash tuloy ako.” sabi ng babae na may hawak na baril at muling gumapang sa saking katawan ang pakiramdam ng pangingilabot at muli kong naramdaman ang hirap sa paghinga.



Sandra?” tawag dito ni Jase.



Itutuloy....

Monday, August 29, 2011

Against All Odds 19


_________________________________
Against All Odds 19
by: Migs




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman, ang tangi kong alam ay may baril na nakatutok sa akin, babae man ang may hawak nito ay walang bahid ng pagaalinlangan ang pagtutok niya ng baril, ni hindi manlang manginig ang kamay niya. Steady ito, alam mong handang pumatay.



Isa lang ang pakay ko sayo, Aaron.” mahinahong sabi nito.



Sandra, please.” bulong ko, napatawa ito.



Hindi, hindi pa kita papatayin. Titignan ko muna kung madadala ka sa pakikipagareglo.” sabi nito at tumawa ulit. Dahandahang nagsitayuan ang aking mga balahibo, parang ahas na bumalot sa aking pagkatao ang pangingilabot.



Unang una, iwanan mo si Jase.” sabi nito di pa nakuntento sa pagtutok lang ng baril sa aking ulo, idinikit niya pa ito sa pagitan ng aking mga mata sa may nosebridge.



Naramdaman ko ang malamig na bakal na sumayad sa aking balat. Napapikit ako. Isang luha ang masuyong pumatak.



Kung hindi ka naman papayag, bibigyan pa kita ng isang buwan para layuan siya. Ayokong makitang nalulungkot si Jase, magpaalam ka ng maayos sa kaniya at kapag di mo ito nagawa. Magpaalam ka na sa mundo.” sabi nito sabay tumawa ulit.



S-sandra, p-please.” pagmamakaawa ko dito, di ko na nagawa pang imulat ang aking mga mata. Idiniin niya pa lalo ang bibig ng baril sa aking mukha.



Ano?! Di mo kaya?! Ngayon pa lang tatatpusin na kita!” sigaw nito, wala sa isip akong umiling. Tumawa ulit ito.



Good boy, ngayon gusto kong idilat mo ang mga mata mo at titigan ang gustong pumatay sayo.” sabi nito sakin, dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata, panay panay ng tumulo ang aking mga luha.



Di isang pokpok na lalaki ang aagaw kay Jase sa akin, hindi isang maduming bakla na nagpapagamit sa kapwa niya bakla, hindi isang doktor na nagmamalinis kung umasta. Sakin lang si Jase at wala ka ng magagawa doon, kasi sa oras na may gawin ka laban sakin...” itinapat nito ang baril sa aking bibig at pilit ibinuka gamit noon ang aking mga labi.



... sa oras na may gawin ka sakin, itong baril ko ang chu-chupahin mo at ang bala nito ang lulunukin mo na parang tamod!” sigaw nito sabay tawa ulit.



Di na ako makagalaw.



Sige, Aaron, nice seeing you again.” pa-sweet na sabi nito sabay alis ng pagkakatutok ng baril sa aking bibig saka tumalikod. Tila naman napako ako sa aking kinauupuan.



Ay oo nga pala, bago ko makalimutan, kapag nagsumbong ka sa mga pulis pareho ko kayo ni Jase papakainin ng bala.” sabi nito sabay tutok ulit ng baril sakin at kinalabit nito ang gatilyo ng baril, napapikit ulit ako alam na mawawalan na ako ng malay miyamiya at maaaring katapusan na yun ng buhay ko, pero imbis na malakas na putok ng baril ang narinig ko ay ang nakakaloko at malakas na halkhak ni Sandra ang namutawi sa aking tenga.



Sa susunod may bala ng magpapasabog ng bunbunan mo.” sabi nito saka naglakad na palayo.



Nanginig ako, naninikip ang aking daluyan ng hangin, nagsisimula ng mamuo ang butil butil na pawis sa aking noo sa kabila ng panlalamig. Di ako makapaniwalang maaring natapos na ang buhay ko may ilang segundo lang ang nakaraan.



0000ooo0000



Nararamdaman kong paulit ulit na nagva-vibrate ang aking cellphone sa bulsa, malamang may ilang minuto narin akong hinahanap sa buong ospital, marahil si Enso ay natawag dahil nagaalala narin ito. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng yabag sa aking likuran.



Aaron?” tanong ng pamilyar na boses ni Enso sa aking likuran, humarap ako dito at kitang kita ang gulat sa mukha nito ng humarap ako sa kaniya.



Anong nangyari?” tanong nito, umupo narin ito sa aking tabi at niyakap.



Bakit ka nanginginig? Bakit ka nanlalamig? Aaron, natatakot ako. Sabihin mo sakin ang totoo? Anong nangyayari?” nagsisimula naring magpanic si Enso, di ko na napigilan at napahagulgol na ako.



0000ooo0000



Tatawagan ko si Jase, since ayaw mong sabihin samin kung anong ikinagaganyan mo.” pambabanta ni Enso sakin.



Tungkol nga kila inay at itay kaya ako nagkakaganito.” sagot ko dito. Napabuntong hininga na lang ito.



Alam kong takot ka sa mga magulang mo, pero hindi aabot sa panginginig at panlalamig ang takot na nararamdaman mo sa kanila.” pilit parin nito, di na ako sumagot.



Tutulungan kita, Aaron.” alok nito pero umiling ako.



Baka madamay ka pa. Sapat ng si kuya Sam na lang ang namatay, di ko kakayanin kung pareho pa kayong mawawala.” sabi ko dito, natahimik naman si Enso, nangingilid ang luha nito.




0000ooo0000



Malapit na ang palugit na binigay sakin ni Sandra, mukhang umaayon naman lahat sa plano niya ang nangyayari. Muli kasing nanlamig sakin si Jase matapos ng pagtatalo namin noon nang hindi ko ito sipingan. Parang bumalik kami sa dati naming relasyon, ang mag manager, ako bilang business niya. Di ko parin masabi dito ang balak na pakikipaghiwalay, tulad ng utos sakin ni Sandra.



Sa tuwing titignan ko ito na nakakunot ang noo ay para bang nasasaktan ako, sa tuwing babalewalain nito ang aking mga alok ay para bang ikamamatay ko. Sa tuwing ipagluluto ko ito sa umaga ay parang lagi itong nawawalan ng gana na agad niya namang tatanggihan ang aking alok.



Untiunti, kahit wala akong sabihin, kahit wala akong gawin ay para bang umaayon lahat sa kagustuhan ni Sandra ang nangyayari. Nararamdaman kong unti utni nang nakikipaghiwalay sakin si Jase.



Lumipas pa ang ilang araw at ni hindi na kami mapagsasama ni Jase sa iisang kwarto, ni hindi na siya nauwi ng maaga at tuwing uuwi naman ay sa sofa na ulit ito nahiga, may hawak na isang beer sa kamay habang nanonood ng TV hanggang sa makatulog.



Isang gabi paggulong gulong ako sa aming kama, di makatulog, di na ako naasa na sa tabi ko matutulog si Jase, pero di ko parin alam kung pano sasabihin sa kaniya na makikipaghiwalay na ako. Bumangon ako at sumilip sandali sa pinto, nakita kong nakabukas ang TV, nanonood ng basketball si Jase, alam kong nagiinom ulit ito tulad ng mga nakaraang gabi.



Di ko napigilan ang aking sarili, lumapit ako dito, ni hindi ito nagangat ng tingin ng makalapit ako sa kaniya, nakakunot parin ang noo nito, tila ba nagco-concentrate sa pinapanood na laro. Umupo ako sa tabi nito, di parin ako nito pinapansin, inabot ko ang kaliwang kamay nito at iniakbay sakin. Tinignan ako nito, nakakunot parin ang kaniyang noo.



Sorry, Jase.” bulong ko sabay tulo ng luha mula sa aking mga mata. Di na ito sumagot, hinigpitan nito ang pagkakaakbay sakin at isiniksik ako sa kaniyang katawan. Hinawakan ng kanang kamay nito ang aking baba at iniangat ang aking mukha, nagtapat ang aming mga mukha. Inilalapit na niya ang kaniyang labi sa aking labi.



Muling bumalik sakin ang pambababoy sakin ni Nate, iniwas ko ang labi ko mula sa lumalapit ng mga labi ni Jase, kita ko ang gulat at galit sa kaniyang mga mata. Tatayo na sana ito ng hilahin ko ang kamay niya, pero hinawi na niya ito. Saka tuloytuloy na lumabas ng bahay.



0000ooo0000



So what's wrong with me, Enso?” tanong ko dito nang magpacheck up ako dito, napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na madalas akong magkasakit.



Untiunting nabura ang ngiti saking mukha ng mapansing seryoso si Enso, nagsisimula ng mangilid ang mga luha nito at nangangatal narin ito.



Enso, mamamatay na ba ako?” tanong ko dito, di na maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.



Tumayo ito at tumapat saking kinauupuan, pilit ako nitong itinayo at niyakap ng mahigpit. Nanginginig na ito at nanlalamig nadin, nagsisimula narin itong humikbi.



I'm sorry, Aaron. I'm really really sorry.” at humigpit ang yakap nito.



Marahan kong inilayo ito sa kaniyang mahigpit na pagkakayakap sakin. Di na maipinta ang mukha nito, nawala na ang pagiging propesyonal nito at pagiging kalmado na lagi kong hinahangaan sa kaniya.



C'mon, it can't be that serious, I'm only having fevers, palpable lymphnodes and a sore throat, ok and maybe some muscle pain. It can't be that serious, right?” kinakabahan kong sabi kay Enso. Umiling ito.



I wish its just fever and sore throats, Aaron.” sabi nito sabay abot ng isang maliit na papel sakin, nanginginig kamay kong kinuwa ito.



Nang mabasa ang nakalagay dito ay halos mawalan ako ng malay at ang sunod kong naibulalas ay...



God no. Please, no.” sabi ko habang nakaluhod sa sahig ng doctors quarters.



0000ooo0000



Jase, I need to talk to you. Please.” text ko kay Jase magiisang oras na ang nakalipas.



Nakaupo ako sa tahimik at malinis na chapel ng ospital, wala paring tigil ang luha ko sa pagtulo. Nanlulumo parin ako sa aking nalaman.



Jase, please.” text ko ulit dito pero wala parin reply matapos ang ilang oras. Sinusubukan ko rin siyang tawagan pero ring lang ng ring ang kaniyang telepono.



Sunod kong tinext ang kapatid nitong si Nathan.



Nate, I need to talk to you.” text ko dito.



Where are you? What are we going to talk about?” reply ni Nate.



Dito sa hospital, sa may chapel. Dito ko na sasabihin sayo. And please, if you see Jase, sana isama mo na siya or kung maari ay pakitawagan or pakitext din siya.” reply ko dito at ang sagot lang nito ay...



OK.”



Muli akong humarap sa altar at lumuhod. Di ko mapigilang magtanong sa Diyos, wala paring tigil ang aking mga luha sa pagdaloy, nagsisimula nanaman akong manginig at manlamig.



Bakit ako? Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya?” tanong ko sa imahe ni Hesukristo na nakapako. Ipinikit kong mabuti ang aking mga mata at nagsimula ulit magdasal. Pinagdadasal ko na sana panaginip lang ang lahat, umaasa na magigising ako sa bangungot na iyon.



Ilang oras pa ang nakalipas at namumugto na ang aking mga mata sa kakaiyak, narinig ko na may papalapit sakin, agad ko itong hinarap. Si Nate, halatang nagaalala sa aking itsura. Naglakad ito palapit sa aking at niyakap ako ng mahigpit, agad ko namang ibinaon ang aking mukha sa dibdib nito at doon umiyak.



What's wrong, Kiddo?” tanong nito, halata ang pagaalala sa aking pagiyak.



Shhh, andito na ako, you can tell me anything.” sabi nito sakin habang inaalalayan ako paupo sa isa sa mga mahahabang upuan na nakahilera doon. Di parin ako humihiwalay sa pagkakayakap dito.



Sabihin mo sakin, baka makatulong ako.” alok ni Nate, pero di ako makapagsalita.



Si Jason ba? Sinaktan ka ba niya?” kalmado pero rinig ko ang galit sa boses nito. Umiling lang ako.



Eh ano nga, Kiddo? Pano kita matutulungan niyan?” tanong ulit ni Nate sakin.



Nate, I'm sick.” bulong ko dito, nagsimula nanaman akong manginig at manlamig.



Natigilan si Nate, tila ba tinitimbang ang kaniyang sasabihin.




How bad is it?” tanong nito sakin, kalmado pero ramdam kong tinatago lang rin nito ang tensyon sa kaniyang sarili, di na ako nakasagot pa at muli na lang humagulgol.




Aaron, c'mon sabihin mo sakin.” paanyaya ulit sakin ni Nate na sabihin sa kaniya ang totoo.



Di ko alam kung pano sasabihin kay Nate, alam kong pandidirian ulit ako nito, tulad noong natuklasan niyang nagbu-booking ako, kahit gusto ko mang itago kay Nate at Jase ang sakit ko ay di makakayanan ng konsensya ko ito. Pandirihan na nila ako hanggat gusto nila pero sasabihin ko parin sa kanila ang totoo. Nakatitig sakin si Nate, iniintay ang aking pagsasalita. Huminga ako ng malalim.



I'm HIV positive, Nate.” bulong ko.



Natigilan si Nate.




Itutuloy...