Against All Odds 13



___________________________
Against All Odds 13
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Nagtititigan kami ni Jase, halatang gustong gusto na ako nitong sumbatan at bulyawan, pero sobra na ang pangingielam nito at sa pagkakatanda ko may isang buwan na ang nakakaraan, ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magpapaapi sa kanila.



Pano mong nasasabi yan ha, Aaron?” may lungkot sa mga mata nito.



Simple lang. You technically ruined my life. Hobby niyo ngang magkapatid yan eh!” sabi ko dito, lumatay ang gulat sa mukha ni Jase.



Yan ba talaga ang tingin mo, Aaron? Sobrang galit mo sakin na ni hindi mo na maalala na minahal kita? Na nagmahalan tayo?” tanong nito sakin, unti unti ng lumulungkot ang mukha nito.



Bakit, nakalimutan mo na ba ang panggagamit mo? Ang panggagamit niyo sakin na parang trophy para lang makuwa ang atensyon ng nanay niyo?! Totoo lang, di ko nga rin alam kung totoo yung meron tayo dati eh. Baka kasi kasama yun sa panggagamit mo.” balik ko dito, pumikit si Jase at nagbuntong hininga. Tumalikod na ako at tutunguin na sana ulit ang aking kwarto ng bigla ako nitong yakapin mula sa likod.



Di ko na hinihingi na mapatawad mo pa ako, pero sana matandaan ng puso mo kung pano kita minahal dati. Totoo ang pagmamahal ko saiyong yun, Aaron, walang bahid ng pagkukunwari at panggagamit. Maaaring sumuko ako ng panandalian pero pinagsisisihan ko iyon.” bulong nito sakin.



Tahimik. Di magawa ng puso ko ang makaramdam ng kahit na anong emosyon.



Bitawan mo ako.” malamig kong pahayag. Agad akong binitawan ni Jase.



Para malaman mo, di ako kung kanikanino nasama tulad ng sinabi mo sakin kanina sa kusina. Ayaw ko ng mauulit na huhusgahan mo ako ng ganon. Kaya lang naman ako lumabas kanina at pumunta sa ospital at nakipagkita kila Doc Enso ay dahil di ako kumportable dito sa apartment mo. Naaalala ko kasi ang panggagamit at pangloloko mo. Naaalala kita. Ni ayaw nga kitang makasama sa iisang kwarto eh, yun pa kayang maisip ka? Kaya wag mo akong sisisihin kung gusto kong umalis dito sa bahay mo ng ganun ganun na lang, kasi ngayon naiintindihan mo na.” malamig ko paring sabi dito, nakayuko lang ito. Agad agad na akong pumasok sa aking kwarto at ibnalibag ang pinto pasara.



Narinig ko kung pano magwala si Jase sa labas ng aking kwarto, naririnig ko itong sumigaw at nagbababasag ng mga bagay bagay. Agad akong humiga sa kama at isinuksok ang earphones at nakinig ng music.



0000oooo0000



Dahan dahan kong iminulat ang aking mata, madilim na sa loob ng kwarto. Nakatulog pala ako, medyo nagugutom ako at nangalay na ang aking leeg. Kinusot ko ang aking mga mata at tumayo at naginatinat. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip doon, bukas ang TV at nakita kong nakahiga si Jase sa sofa. Nakapikit. Mukhang tulog.



Naka tip-toe akong naglakad papunta sa kusina, napansin kong may nakaahin sa lamesa, bagong luto ang kanin dahil asa kaldero pa ito at wala pang bawas, pang dalawang tao parin ang platong nakaahin. Adobo parin ang ulam. Napakunot ang noo ko.



Di parin nakain si Jase?” tanong ko sa sarili ko pero nagkibit balikat na lang ako.



Nang makarating ako sa kusina ay di na ako nagaksaya ng panahon na buksan ang ilaw, binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain, pero laking pagkadismaya ko ng pitsel lang ng tubig ang andun. Nagsimula na akong maghanap ng mga noodles pero wala din. Naisipan kong magpa deliver na lang. Papunta na sana ako sa may telepono ng magring ang telepono ni Jase.



Hello.” garalgal pang sabi ni Jase.



Ma.” bati nito sa kausap sa kabilang linya.



We're fine.” sagot nito.


No, we haven't killed each other yet.” sabi nito sabay hikab.



I'm just joking, Mom.” bawi nito.



Di naman sa di namin sinusubukang maging ok. Si Nate, di napunta dito. Si Aaron naman talagang nakabakod at talagang nagsasabing di ako mapapatawad.” sabi nito sabay buntong hininga.



May lungkot bang halo ang boses na iyon?” tanong ko sa sarili ko tapos ay napatingin ako sa lamesa, sa inahing pagkain ni Jase. Napabuntong hininga din ako.



He won't even stay in the same room with me, Ma.” malungkot ulit na sabi ni Jase. Di naman ito nagsusumbong talaga lang sigurong sumasapul ang tanong ng nanay niya sa mga nangyayari.



Ok Ma. Bye. I love you.” sabi nito sa ina. Bigla itong tumayo at nagtungo sa dining table, nagbuntong hininga ito at tinignan ang nakaahin doon. Unti unti na niya itong inayos, wari ba ay ililigpit. Nang humarap ito sa gawi ng kusina ay laking gulat nito ng makita ako, pero inayos ko ang aking mukha. Siniguro kong wala siyang makikitang emosyon dun.



Andyan ka pala. Kain ka na.” alok nito sabay baba ng mga ililigpit na sanang pagkain.



Di na, nagpadeliver ako. Iwan mo na lang yan dyan, ako na magliligpit.” malamig ko paring sabi dito, nagbuntong hininga ulit ito saka tinuloy ang pagliligpit, dinaanan ako nito, blangko narin ang mukha nito. Agad akong bumalik sa aking kwarto at kinuwa ang aking telepono at nagpadeliver.




0000oooo0000



Narinig kong may kumatok sa front door, agad akong lumabas dala ang aking wallet. Habang tinatahak ang daan papuntang front door ay nadaanan ko sa sala si Jase, nagiinom ulit ito. Di ko na lang ito pinansin at tuloy tuloy na pinagbuksan ang delivery boy. Nang makuha ko na ang aking order at mabayaran na ang delivery boy ay agad akong bumalik sa aking kwarto.



Super mantika! Mawawalan ako ng abs nito eh!” sigaw ko sa sarili ko. Pero agad ko ring niligpit ang pinagkainan ko sa sahig ng aking kwarto at lumabas ulit para itapon ito. Naaninag kong gising pa si Jase, nagiinom ulit ito. Pagkatapon ko ng pinagkainan ko ay pumunta na akong CR at nagtoothbrush at nagshower nadin. Paglabas ko ay tulog na si Jase, di ko na ito pinansin at tuloy lang ako sa aking kwarto.



0000ooo0000



Pagkagising ko kinabukasan ay maayos na ang buong apartment, wala ng Jase at wala na rin ang mga bote ng beer na tinungga niya nung nakaraang gabi. Iginala ko ang mata ko at ng makitang wala talagang Jase ay nagiiinat ko at nagsimula ng mag exercise.



Kukuwa ako ng tubig sa fridge ng makita kong may nakaahin ulit sa hapagkainan. Pang isang tao na lang ang nakaahin na plato. Nagkibit balikat na lang ako.



Nagsawa rin ang loko.” sabi ko sa sarili ko, inayos ko saglit ang aking sarili at lumabas na ng apartment at nagsimula ng magjogging.



Nakalimutan ko na kung ganong kasarap magexercise sa umaga lalo na ang mag jogging. Nun ko lang kasi nagawa ulit yun dahil masyado na akong nagpakaboryo sa ospital. Nang makabalik na ako sa apartment ay may pumasok na ideya sa aking ulo.



Makapag gym.” sabi ko sa sarili ko.



0000ooo0000



First time after a month ng pagkaawa sa sarili at pagbubugbog sa sarili ko sa trabaho ay naramdaman ko ulit kung pano mamuhay ng healthy, walang stress, walang iniisip na problema, in short, muli akong nabuhay. Agad akong pumunta sa isang mall pagkatapos mag-gym an namili ulit ng mga bagong damit.



Dahil wala ng residency na binabayaran. Ok ng gumastos. I owe this to myself.” sabi ko sa sarili ko saka napangiti.



Sa pagiikot ikot ko sa mall na iyon ay di ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan ako ng tao, siguro dala ito ng pakiramdam na masaya.



Blooming ika nga.” sabi ko sa sarili ko.



Naglalakad ako sa hilera ng mga kainan ng may maaninag ako na dalawang tao, parang kilala ko ang dalawang yun. Si Jase at si Sandra.



Tignan mo nga naman ang pagkakataon.” sabi ko ulit sa sarili ko, maglalakad na sana ako palayo ng may mapansing kakaiba. Blangko pareho ang mga mukha nila, nakayuko lang si Jase at si Sandra naman ay nakatingin lang ng daretso sa lalaki.



Bahagyang bumuka ang bibig ni Sandra, nanatiling nakayuko si Jase. Nang matapos magsalita ni Sandra ay umiling naman si Jase. Biglang tumayo si Sandra na ikinatumba naman ng silyang kinauupuan nito. Napatingin lahat ng tao sa loob ng restaurant, nagtaas na ng tingin si Jase at isang sampal ang ginawad ni Sandra dito. Nagsalita ulit ito bago nagmamadaling umalis.



Agad akong lumayo sa lugar na iyon, iniisip ko na baka kasi makita ako ni Jase at magkaroon nanaman ng part 2 na dramahan duon sa lugar na iyon.



0000ooo0000



Nang umuwi ako sa apartment ay napansin kong andun na si Jase, nakasalampak nanaman ito sa sofa at nagiinom nanaman. Halatang mabigat ang dinadala, tuloy tuloy akong pumunta sa kusina para ilagay ang aking mga pinamili, nang maiayos na ito at nang papunta na sana ako sa aking kwarto ay nakita ko si Jase na pupunta sana sa kusina pero ng makita ako nito ay agad itong tumalikod at bumalik sa sala.



Nagtaka ako nung una kung bakit pero agad ko agad naisip kung ano marahil ang naisip nito at tumalikod ito.



Ni ayaw ko ngang makasama ka sa isang kwarto eh, maisip pa kaya?!” nagecho ang sarili kong boses sa aking ulo. Napabuntong hininga ako.



Nang naglalakad ako papunta sa aking kwarto ay napansin kong may nakaahin nanaman na pagkain sa lamesa, pangdalawang tao ulit ang nakaahin doon.



Kumain ka lang dyan kung nagugutom ka.” garalgal na boses na sabi ni Jase. Napapikit ako saglit, di mawari kung bakit may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Agad akong nagbuntong hininga at pumasok na ng aking kwarto.



0000ooo0000



Ilang araw pa ang lumipas at malapit na akong bumalik sa ospital para magduty ulit ng ilang apat na araw, masaya ako dahil sa wakas kahit apat na araw lang makakalayo ako kay Jase.



Ilang oras na lang.” Sabi ko sa sarili ko.



Halos walang nangbago sa set up namin ni Jase, walang pansinan at ni hindi nga kami nagsasama sa iisang kwarto. Maayos narin siguro ang ganun. Walang dramang nagaganap. Pero di parin nagbabago ang nakasanayan nitong maghahanda ng pagkain para saming dalawa na hindi ko naman kinakain. Wala prin kaming imikan.



Nang lumabas ako ng umagang iyon sa aking kwarto ay napansin kong wala na talaga sa wisyo si Jase, madalas na kasi itong maginom sa gabi, lalabas na sana ako para magjogging ng magsalita ito.



Aaron, kausapin mo na ako, please.” bulong nito, anlaki na ng pinagbago ng itsura nito, may mga itim na ito sa ilalim ng mga mata at medyo makapal narin ang balbas at bigote nito. Di ko ito pinansin at tulyan ng lumabas para magjogging.



Pagbalik ko ay wala na ito. Pumasok na marahil sa opisina.




Naiayos ko na ang aking mga gamit para sa apat na araw na walang uwiang duty sa ospital. Medyo di ko maitago ang aking saya, nang umuwi nung hapon na iyon si Jase ay ni hindi ko napansing pareho kaming nasa kusina sa sobrang saya ko. Di naman ito makalabas dahil nakaharang ako sa daanan. Narealize ko na lang ito ng naliligo na ako.



Paglabas ko ng banyo ay napansin kong nagiinom nanaman si Jase sa may sala. Napansin ko ring may nakaahin na sa lamesa na pangdalawang tao ulit at sa tabi ng isang pinggan ay dalawang tupperware at kutsara't tinidor. Kumunot naman ang noo ko.



Pinagbugong kita ng ulam. Kasya na yan sa loob ng apat na araw.” bulong ni Jase nang mapansing nakatitig ako sa dalawang tupperware, agad akong pumunta ng kwarto para magbihis.



Lumabas ako ng aking kwarto na nakabihis panglakad na. Di ko alam pero nararamdaman kong sakin nakatingin si Jase. Di ko na ito tinapunan ng tingin at pumunta na ng kusina. Agad kong kinuwa ang mga pagkaing aking binili na binabalak kong baunin sa ospital.



Alam ko naman kasing di kakainin ni Jase yun at malamang masisira lang iyon lalo na at mga gulay at prutas ang mga iyon na ang life expectancy kahit naka ref na ay saglit lamang.



Pagbalik ko sa aking kwarto ay agad nangunot ang aking noo ng mapansing nakabukas ang aking duffle bag. Pagkakaalala ko kasi bago ako lumabas ng kwarto ay sinara ko na iyon. Sinilip ko tio at nagulat ng makita ang dalawang tupperware doon. Inilabas ko ito sa aking bag.



Daladala ang dalawang tupperware ay bumalik ako ng dining room. Ipinatong ko ulit sa dining table ang dalawang baunan. Narinig kong nagbuntong hininga si Jase.



Baunin mo na please. Di ko mauubos lahat yan. Masisira lang yan dito.” sabi niya. Agad nagpantig ang tenga ko.



Sino ba kasing nagsabi sayo na ipagluto mo ako lagi?!” bulyaw ko dito. Nagbuntong hininga ulit ito.



Kung ayaw mong kainin ibigay mo na lang kila Doc Enso.” bulong nito. Pero sa halip na kuwanin ulit ang dalawang tupperware ay iniwan ko na ito doon.



Aaron, when will you let your defenses down?” may pagkamahinang sabi ni Jase pero para sakin ay daig pa noon ang sigaw na nagecho sa aking ulo. May kung ano nanamang akong naramdamang kirot sa aking dibdib.



Isinara ko ulit ang pinto.



0000ooo0000


Dahandahan akong naglakad palabas ng frontdoor, nakita ko kasing nakatulog na si Jase sa sofa dala marahil ng dami ng nainom. Dahil sa wala naman akong balak na magpaalam dito ay tahimik na lang akong lumabas.



Aaron.” tawag nito sakin. Natigilan naman ako.



Can we talk, please?” sabi nito pero di ko na siya pinansin pa. Malapit na akong makalabas ng pinto ng magsalita ulit ito.



Kahit ngayon lang, kahit saglit lang, pwede ba kitang maging kaibigan, k-kahit ngayong gabi lang. Please. Kailangan ko ng makakausap.” maiyakiyak na na sabi nito. Napalingon ako dito, nakapikit ito at may mga luhang natulo mula sa kaniyang nakasarang mata.



Isinara ko na ang pinto.



0000ooo0000


Mabigat ang loob ko na pumasok ng pinto ng ospital, iniisip ang nangyari sa bahay kanina ni Jase. Yung kirot na panakanaka ko lang nararamdaman, ngayon ay parang nagapply na ng permanent residency sa aking dibdib. Di na maalis. Nakayuko akong naglalakad ng biglang may bumangga sakin. Humingi ito ng tawad at natigilan ako ng mapansing si Nate iyon.


Itutuloy...

Comments

  1. Yehey..una ata ako..hehehe..

    Salamat sa update. Nakakatuwa yung nangyayari. Hanggang kelan kaya kayang tiisin ni Aaron si Jase. Sobra talaga yung galit niya di ko rin siya masisi. Kasalanan din naman ng dalawa kaya nagkaganyan siya. Ano naman kaya yung eksenang mangyayari between Nate and Aaron.Abangan ko yan.

    ReplyDelete
  2. Sana di maisipang magpakamatay ni Jase. Xa na ang gusto ko para kay Aaron. Go Jase! Go Aaron!

    ReplyDelete
  3. wawa naman si jase... pwede naman mapatawad di ba? hehehe

    ReplyDelete
  4. grabe! gusto kong umiyak :'( ang ganda :)

    ReplyDelete
  5. ayan c Aaron naman ang nag mamatigas.. patas na silang 3.. :D

    ReplyDelete
  6. hmmmm? there is this air of mystery sa pagitan ni jase at nung mother nya, maintriga to migs!, hahaha...aaron is too bitchy d2 at si jase ang parang api, migs cliffhanger na naman, pero emotionally nakakadown as i read it, awa ang nadarama ko kay jase, ewan lang pero para talagang, ah basta!, hahaha...waiting for the next chapter (",)

    ReplyDelete
  7. masasabi nating buti nga sa kanya, kulang pa yun sa sakit na naidulot nito kay aaron pero sa kabilang banda ay nakakaawa na talaga si jase... sana mahanap ni aaron sa puso nito ang mgpatawad at pagbigyan si jase kahit bilang kaibigan man lang...

    saimy

    ReplyDelete
  8. ano yun? bakit nasa hospital si Nate? sino ang na-hospital? hala baka si Jase!!!!

    ReplyDelete
  9. ang bigat ng eksena...tsk..

    -RL

    ReplyDelete
  10. awts... batong bato na si aaron.
    alam kong sobrang nasaktan siya nila nate at jase pero over na ata eh...

    haysss...

    ang bigat talaga pero maganda ung istorya.

    update update kuya migs
    dabest ka talaga!

    -louie

    ReplyDelete
  11. hindi naman masyadong api si Jase?
    hay naku Aaron! magtigil ka, masyado
    ka ng nag-iinarte! eeksena ka pa Nate!
    HOWMAYGAWD! HEAVY! hehe

    ReplyDelete
  12. Hey guys! thanks sa mga comments!


    @Jayfinpa: unahan ba ito sa pagcomment? Joke! haha! thanks sa pagcomment!

    @wastedpup: aaron jase-ka pala? haha! Salamat!

    @Anonymous August 15, 2011 2:17 PM: iwan ka ng name mo sa ibaba ng comment mo para mapasalamatan kita ng maayos, dude. btw Thanks!

    @MArc: Sige iyak lang. :-) Thanks!

    @Zeekie: oi! anong klaseng comment yung sa swimmers tale? hmmm?! hahaha! thanks ng marami Papa Z! :-P

    @Ser Josh: tse! nag over analyze ka nanaman! OKAY! I GET IT ENGINEER KA NA! IKAW NA! hahaha! thanks Ser Josh! mwah!

    @Saimy: okay, contradicting ang comment mo... buti nga tas mapatawad. hahaha! joke lang! thanks Saimy, wag ka sanang magsasawa sa pagco-comment! :-D

    @mcfrancis: Papa mcfrancis, salamat sa patuloy na pagco-comment isa ka na sa regular commenters ko. thanks thanks thanks

    @RL: bigat ba? haha! heavy drama kasi itong AAO, sana mapatawad mo ako sa bigat na iyong nadarama. :-D Thanks din sayo!

    @loui/miserableshad: Isa ka na rin sa aking mga regular commenters. Thanks thanks thanks, sana wag kang magsasawa

    @Christopher: team nateron ka? ako din eh team nateron. hihi! Thanks sa comment!

    @Anonymous August 16, 2011 6:43 AM: dude, iwan ka naman ng name para mapasalamatan kita ng maayos. hihi. thanks thanks thanks sayo. :-D

    PARA SA IBA KO PANG KAIBIGAN NA HINDI NA NAKAKAPAGCOMMENT

    Rebelation: I miss reading your comments.

    Mark Ryan: Wala paring internet dyan sa Africa mo? (may Africa ka?? haha!)

    Mars: San ka na nagsususuot bata ka? di na kita makita dito sa blog ko??? Sa ibang blog nakikita ko mga comments mo. Nagtatampo na ako sayo.

    @Raichu: isa pa itong batang ito, oi bata batuta, como may story ka na din di ka na nagco-comment dito ah. hihi! GUYS BASAHIN NIYO NGA PALA ANG STORIES NETONG BATANG ITO SA MSOB!

    at sa iba pa... Miss ko na comments niyo, ok lang na sabihin niyo sakin na di maganda yung story, maiintindihan ko. mwah mwah! ^_^

    ReplyDelete
  13. migs: wala lang akong masabi hahaha.. alam mo yon yung parang sa sobrang hooked mo sa storya at para lang malaman ng author na binabasa yon eh "HALA" nalang nasabi ko.. hahahahahahah

    ReplyDelete
  14. @Zekiee: haha! kaya siguro walang comment yung story ko na yun dahil wala rin silang masabi dahil sa sobrang pangit! haha!

    ReplyDelete
  15. tse kadin!, ikaw na tong pinuri, ikaw pa itong conceited!, nyahahahaha....update mo na at nang me mabasa (",)

    ReplyDelete
  16. @migs negative kana2man eh... hindi ako naniniwala na pangit yon.. pag may nag comment or nag sabi ng pangit sabihin mo sakin.. aawayin ko :D

    ReplyDelete
  17. @Migs: ako nga pala si Vince yung Anonymous August 16, 2011 6:43 AM.... napansin mo rin pala comment ko? HAHA... ASTIG ka talaga! Cge na! Ikaw na the BEST! HEHE:)))

    ReplyDelete
  18. Ang hirap talaga kapag pride ang pinaiiral. Walang mapapala. Hayz!

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]