Against All Odds 15
________________________
Against All Odds 15
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay napansin kong medyo mahapdi ito, medyo maiinit na ang paligid, baka tanghali na, agad kong naalala ang nangyari nung umaga sa kwarto ni Jase. Di ako makapaniwalang aabot sa ganun, akala ko may sa bato na ang puso ko, akala ko di ko na ulit mararamdaman pa ang sakit tulad non.
Bumangon na ako at napagpasyhang silipin si Jase, baka kasi nabinat iyon o kaya naman ay lalong sumama ang pakiramdam, pero agad din akong nagalangan.
“Baka magdramahan nanaman kami.” sabi ko sa sarili ko, pero ikinibit balikat ko na lang iyon, iintayin ko na lang na bumuti ang lagay niya at kung pipilitin nanaman ako nitong makipagusap sa kaniya katulad kaninang umaga ay pipilitin ko nalang ulit ang sarili ko na balewalain yun at pipilitin ko na lang ulit ang sarili ko na wag siyang pansinin.
Nang makalabas na ako saka ko napansin na halos wala namang nagiba ng iwanan ko ito kaninang umaga, pinuntahan ko si Jase sa kwarto nito, nakahiga parin ito, nakakumot at tulog na tulog. Tinignan ko ang temperature nito. May lagnat ulit, pero di na kasing taas nung unang gabi. Agad akong kumuwa ng makakain ni Jase atsaka pinainom siya ng gamot.
Balik sa dati, walang kibuan.
Matapos nitong inumin ang gamot ay nagsabi itong magpapahinga na lang ulit siya at di ko na kailangan pang bantayan siya, agad akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. Napatingin ako dito, inihiga niya ulit ang sarili niya at pumikit na. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ito naman ang ginusto ko, ang di kami magusap, ang di kami magpansinan, sinabi ko pa ngang ayaw kong magsasama kami sa iisang kwarto pero bakit ngayon, parang taliwas nun ang nararamdaman ko. Bakit ako naguguilty? Bakit ako naaapektuhan sa pinapakitang pagiging malamig ni Jase?
“S-sige, tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka, andito lang ako sa kabilang kwarto.” paalam ko dito sabay talikod, narinig ko itong nagbuntong hininga.
Ilang minuto pa ang lumipas sa loob ng aking kwarto, wala akong maintindihan sa aking binabasa, pilit pumapasok sa isip ko si Jase at ang pagiging malamig nito sakin. Parang bumabalik sakin yung alaala na parang naghybernate ang aming nararamdaman nung kami pa at sa pagkakaalala nun ay lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.
Di ko alam pero bigla akong napatayo mula sa aking pagkakasalampak sa kama at tinungo si Jase, nang silipin ko ito ay mahimbing itong natutulog, muli kong dinampot ang thermometer, medyo natuwa ako ng makitang bumaba na ulit ang lagnat nito. Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito.
Ang mukha ni Jase ang isa sa pinakamaamong mukha na nakita ko. Di ko alam kung bakit pero dinala ako ng aking mga paa papunta sa kabilang bahagi ng kama at di ko rin alam kung bakit ako humiga doon. Mukhang di naman ito napansin ni Jase, tuloy parin ito sa mahimbing niyang tulog. Humarap ako dito at pinagmasdan ulit ang mukha niya.
“Sorry.” naibulalas ko at tumulo na ulit ang mga luha na noon ko pa pinipigilang tumulo. Napapikit ako. Naramdaman ko na lang na pinapahiran ni Jase ang aking mga luha. Pagdilat ko ay nakita kong nakatingin ito sakin. Malamlam ang mga mata na miya mo nangungusap.
Niyakap ako nito ng mahigpit. Mayamaya pa ay gumanti na ako sa yakap niya na iyon habang humihikbi.
0000oooo0000
Nagising ako ng maramdamang lumalamig na ag paligid. Iminulat ko ang aking mata at nakitang magga-gabi na pala, ibinaling ko ang aking tingin sa kabilang bahagi ng kama, wala na si Jase doon. Kumunot ang noo ko at nagpasyang bumangon na.
Nang makalabas ako ng kwarto ay agad akong napangiti sa naaamoy na nilulutong adobo. Naglakad na ako papunta sa kusina, nadaanan ko ang dining table at doon may nakaahin na na mga plato na pang dalawang tao.
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa kusina ay sinilip ko muna si Jase, nakita ko itong naglalagay ng paminta at asin sa kaniyang niluluto. Sa aking palagay ay malapit na itong maluto lalo pa at ang bango bango na nito.
“Musta na ang pakiramdam mo?” tanong ko dito. Nagulat si Jase at agad na napaharap sakin.
“A-ayos na ako, salamat sa pagaalaga nga pala. Eto nagluto ako ng adobo para makabawi manlang ako.” sabi nito sabay ngiti.
“Mabuti naman maayos na ang pakiramdam mo, pwede na akong bumalik sa ospital.” sabi ko dito, agad namang nabura ang ngiti sa mukha nito saka nagbuntong hininga. Humarap ulit ito sa kaniyang niluluto. Lumapit ako dito.
“Kaya bilisan mong magluto dyan kasi nagugutom na ako at kailangan ko pang bumalik ng ospital.” sabi ko dito, humarap ito sakin at hindi maitago ang tuwa sa kaniyang mukha.
0000oooo0000
Tahimik lang kaming nakain, paminsan minsan kong nahuhuli si Jase na nakatingin sakin, tila ba nagiintay akong punahin at purihin ang kaniyang niluto o kaya naman ay iniintay akong magsimula ng mapaguusapan. Ilang araw narin kasi akong nakatira doon sa puder niya pero ito palang ang pinakamatagal na nagkasama kami sa iisang kwarto ng hindi nagsisigawan.
“Ah eh, Aaron, ok lang ba yung timpla? D-di ba masyadong maalat?” tanong nito sakin, nagaalangan pa, marahil ay nagiingat sa kaniyang bawat sabihin.
“Medyo maalat, pero ok lang, di naman ako nagpapatis eh.” sabi ko dito, tumango naman siya.
Tahimik ulit. Paminsan minsan ko nanaman itong nahuhuling nasulyap sakin.
“A-Aaron, di ka na ba g-galit sakin?” kinakabahan nitong tanong sakin. Medyo natagalan akong sumagot.
“Ano nga ba? Galit pa nga ba ako?” tanong ko sa sarili ko pero agad din akong bumuntong hininga.
“Jase, kalimutan na lang natin lahat ng nangyari, ok?” tanong ko dito sabay bigay ng isang matamlay na ngiti, tumango lang si Jase.
0000oooo0000
Para hindi naman mabinat si Jase ay napagpasyahan kong ako na ang magligpit ng aming mga pinagkainan. Tutal, kakaunti lang naman iyon kaya ok lang sakin. Hinayaan ko na lang siyang magrelax sa sofa.
Nang matapos ako sa paghuhugas ay nagpasya na akong magpunta sa aking kwarto para ayusin na ang aking mga gamit pabalik sa ospital. Napansin kong nakatulog na pala si Jase sa may sofa, medyo maginaw sa parteng iyon ng apartment dahil madaming malalaking bintana doon kaya naman para sa isang kagagaling lang sa sakit na hihiga doon at magpapahinga ay parang di magandang ideya sa aking palagay, kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Jase at kinuwa ang makapal na blangket nito sa kama.
Nang hilahin ko ito ay di sinasadyang mahila rin ang unan niya, sa ilalim non ay tumambad sakin ang isang picture. Picture naming dalawa na magkaakbay at masayang masaya. Di ko alam pero di ko napigilan ang sarili ko na mapangiti.
Lumabas ako at tinungo ang kinauupuan ni Jase, inabot ko ang remote ng TV at hininaan ang volume nito sunod kong ginawa ay kinumutan ito, idinampi ko ng likod ng aking palad sa kaniyang leeg at napangiti ng malamang wala na itong lagnat. Tinignan ko ang pinapanood nito.
“Re-run ng NBA.” sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa bakanteng pwesto sa sofa sa tabi ni Jase.
0000oooo0000
Napasuntok ako sa langit ng mapanood kong naka shoot ang kuponan na gusto ko, isang minuto na lang para makashoot ang kalaban pero sa tingin ko ay malabo ng makapuntos sila, pinipigilan ko ang sarili ko na magsisigaw sa tuwa.
Nang sulyapan ko si Jase ay nakita kong pinapanood ako nito. Bigla kong naramdaman ang mukha kong naginit sa hiya. Gumalaw ito at tuluyan ng humiga sa sofa, ginawa nitong unan ang aking mga hita. Pinabayaan ko na lang ito.
“Nagising ba kita?” mahina kong tanong dito, umiling lang ito saka itinaas ang kumot na halos ibalot na niya sa buong katawan, iniwan niya lang ang ulo niyang di matakpan ng kumot.
“Akala ko babalik ka na ng ospital?” tanong nito sakin, napangiti lang ako.
“Di na muna siguro, may laro pa mamya ang Heat eh. Live.” sagot ko dito, di na siya kumibo pero ng tapunan ko ito ng tingin ay nakita kong nangingitingiti ito.
0000oooo0000
“Takaw ko ata sa tulog ngayon?” tanong ko sa sarili ko ng mapansin kong nakatulog na pala ako sa puwesto namin ni Jase na iyon.
Iginala ko ang aking mga mata at nakitang nakabukas parin ang TV pero wala ng palabas, tanging yung linya linya na lang na may iba't ibang kulay ang nakadisplay, pinatay ko na ito, ngayon, tanging ang lampshade na lang na nakapatong sa isang lamesita sa dulo ng sofa ang ilaw. Madrama nitong iniilawan ang mukha ni Jase, napakaganda ng pagkakadampi ng madilaw na ilaw nito sa maputing balat ni Jase.
Nakatalukbong parin ito ng kumot pero iniwan niya ang ulo niya na naka expose, hinawakan ko ang leeg nito para malaman kung nilalagnat ito, pero hindi, normal lang ang temperatura nito, di ko napigilan ang sarili kong kamay na iakyat ang pagkakahaplos nito sa maamong mukha ni Jase.
Bigla akong nalungkot.
“Itong mukhang ito ang naging dahilan ng maraming hinanakit noon. Kung iibahin ba ang sitwasyon ngayon, at kung bibigyan ko ito ng pangalawang pagkakataon mauuwi rin kaya sa pasakit iyon?” tanong ko sa sarili ko, di ko namalayan na nangingilid na ang aking luha.
Tumulo ito sa maamong mukha ni Jase. Idinilat nito ang kaniyang mga mata. Agad itong napabalikwas.
“Aaron, b-bakit ka umiiyak?” tanong ni Jase sakin saka pinahiran ng kaniyang kamay ang aking mga luha.
“Natatakot kasi ako.” matipid kong sagot dito, para na akong batang nahikbi. Niyakap ako nito.
“Natatakot saan?” habol tanong pa nito. Marahan akong humiwalay sa pagyayakapan namin.
“Dito.” matipid kong sagot sabay turo sa aking dibdib. Kumunot ang noo ni Jase.
Tahimik. Sumeryoso ang mukha ni Jase, tila ba naintindihan ang aking gustong ipahiwatig.
“Di na kita sasaktan. Pangako.” matipid nitong sagot at dahan dahan niyang inilapit sakin ang kaniyang mga labi.
0000oooo0000
“Adobo nanaman?” tanong ko kay Jase nang mabungaran ko itong iniinit ang aming ulam nung nakaraang gabi.
“Eto lang naman ang alam kong iluto diba?” tanong nito sakin sabay hagikgik.
Napamaang ako dito, bumalik na kami sa dati, para na kami ulit magnobyo parang isang couple na di nagkasakitan, parang couple na bago pa lang sa kanilang relasyon. Masaya ako pero di ko parin paminsan minsan mapigilang magisip...
“Paano kung masaktan nanaman ako?”
Pero ikinibit balikat ko lang ito, ibinabase ko na ngayon ang aming relasyon sa binitiwan niyang pangako kagabi sakin. Nagtitiwala ako sa kaniyang di na niya ako sasaktan at alam ko at nararamdaman ko na gagawin namin ang lahat para gumana ang relasyon na ito.
Agad kong inabot ang mga plato sa ibabaw ng ref, magsisimula na sana akong magahin ng hawakan ni Jase ang aking mga kamay.
“Ako na ang gagawa niyan. Babawi ako sayo.” sabi nito. Napangiti naman ako di nagtagal ay niyakap ako nito mula sa likod.
“Marami tayong dapat bawiin.” bulong nito sakin.
0000oooo0000
“So, let's clear things...” simula ni Jase habang nanguya ng isang malaking chunk ng adobo.
“Huh?”
“First, pano na ang pagtira mo kay Mommy? Pagbalik niya ba galing states, dun ka parin sa mansyon tutuloy o dito ka na sakin?” tanong ulit nito habang may mga piraso pa ng kanin na natalsik mula sa kaniyang bibig.
“Ah, eh kakausapin ko si Tita, about dyan.” kinakabahan kong sabi dito.
“Nakausap ko na siya, ok lang naman sa kaniya na dito ka na as long as I keep my promise daw. Saka magatatagal pa daw siya doon ng ilang buwan.” agad nangunot ang noo ko.
“Pinapangunahan mo nanaman ako ah? Anong promise yun?”
“Wala, samin na lang ni mom yun.” sabi nito sabay subo ulit ng ulam.
“Nagtatanong ka pa eh na settle mo narin naman pala lahat.” sabi ko dito, nginitian lang ako ni Jase.
“Sabi ko naman sayo ako na ang bahala sa lahat, saka sabi mo naman dati diba? Ako naman ang laging nasusunod.” nagbibirong sabi nito, natigilan ako, nahalata niya ito kaya't inabot niya ang kamay ko.
“Joke lang yun.” alo ni Jase. Binigyan ko siya ng matamlay na ngiti.
“Di ko na sayo gagawin lahat ng iyon, wala na akong gagawin sayo kundi ang mahalin ka.” sabi nito, seryoso na ang mukha nito sabay pisil sa kamay ko.
“May isa pa tayong problema.” sabi ni Jase ng pareho na kaming makabawi.
“A-ano?” kinakabahan kong tanong dito.
“Ano nang itatawag natin sa isa't isa? I'm thinking of ...dear.” nabilaukan naman ako sa proposisyon na iyon. Akala ko kasi kung ano na.
“Hon na lang.” mungkahi ko, nagalangan siya saglit. Pero tumango nadin ito ng maglaon saka ako binigyan ng isa pang ngiti.
Itutuloy...
at ako ang unang nag comment!! hahahah ang bilis nanaman talaga ng update! kung ganito ba lageh migs eh palaging masaya ang araw ko.. hahahaha :D tsalamats
ReplyDeleteIto na nga ata yung pinakamablilis mag-update..
ReplyDeleteKaya nakalagay ito sa blog ko.hehehehe.
Mukhang ayos na sila. Pero ano na kayang mangyayari kay Nate?
Abangan ko yung susunod...
yehey!!! jase and aaron na!!!
ReplyDeletemigs ayaw na mag nate-aaron ha!! o baka umiksena pa si enso eh may jowa na cya...
at dapat di talaga umiksena si migs sa story na to... may jp na si migs ehhh!!!... ay sorry, ed pala hehehe
Da best ka talaga Migz. Will it be a happy, ever after for Aaron and Jase. Sana. Pero may Nate at Sandra pa. Looking for the nxt update from my one and only Migz. Love u.
ReplyDeletewah super natuwa naman ako sa story...
ReplyDeleteat syempre natuwa rin ako kasi mabilis ang luto ni kuya migs ng story...
hmmmm siguro inspired si kuya migs :)
Anu na kaya ang balita kaya Nate....
Hmmmm sana ok lang sya.
Kuya migs pakisabi kay Nate akin na lang sya.
Ahehehe good luck kuya idol...
Naiinggit naman ako sa bilis ng paggawa tlga...
makapag-update n nga rn :)
YEHeYYY!! nagkabalikan na sila!!! hahaha!! pero feeling marami pang challenges to go toh... hahaha!! can't wait for the next chapter!! d abest ka talaga Migs!
ReplyDeletebakit parang ayaw ko sa tandem na jase at aaron..sense ko lang may iba.. oh wag magreak opinyon ko lang..update agad migs..
ReplyDeleteang keso!.....putek!.....nainggit ako :-|.....haynaku, next na! (",)
ReplyDeleteps: napag isip isip ko wag ng isda ang ilagay, ikaw nalang ung lumalangoy ala swimmers tale mo, nyahahahaha :p
Buti refreshing ang chapter na 'to! Ilang araw na ako depressed dahil sa mga nakaraan na eksena...
ReplyDeleteharot mo talaga aaron! sweet naman ni jase...
panu na si nate? da best ka! :)))
/vince
wow...the best tong chapter na to....LAGNAT lang pala ang katapat ni Aaron... SIr MIgs, paano na po si Nate....di na man po niya niloko si aaron kaso iniwan nya kasi may situation xa..( wah tagalog ko talaga mali2x.) eh xenxa po kasi NATE+AARON fan ako eh....heheh the best ka sir migs.
ReplyDeletejase-aaron pala ah! XDD
ReplyDeleteewan ko ba habang binabasa ko tong chapter na to napapangiti ako pero i cant help but think that there's something wrong... aun
galing mo talaga kuya migz!
-louie
first comment ko dito...hehe
ReplyDeletenext na, please....can't wait!...can't
wait!
Namiz q c kiko! ! ! Wa a a migz! Next na plz. .huhuhu. e d q. Jldcpunzalan at yc.
ReplyDelete/xander
sana paki post na po yung next.. huhuhu..
ReplyDeleteWeh! Bati na si Aaron at Jason. Paano na si Nathan? May sakit siya di ba?
ReplyDeleteKudos! Kuya Migs.