Against All Odds 14


_________________________
Against All Odds 14
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Medyo malakas ang pagkakabangga ng kaniyang balikat sa aking dibdib, pero ni hindi nagangat ng tingin si Nate, pansin ko ang laki ng ipinayat nito, nakatingin ito sa isang maliit na papel. Nakakunot noo.



Sorry.” nagmamadali nitong sabi.



Di na ako nakasagot pa, mukhang di ako nito nakilala, masyadong nakuwa ng pansin niya ang maliit na papel na hawak niya. Naglakad na palayo si Nate ng hindi manlang ibinabaling sakin ang tingin. Di ko na ito pa tinawag. Wala akong balak makipagmabutihan pa sa taong iyon.



Agad akong naglakad papunta sa doctors quarters, magiliw naman akong binati ng mga nurses at iba pang empleyado doon. Nakaramdam ulit ako ng galak, pakiramdam na hindi ko kailan man naramdaman sa loob ng ilang araw kong pagstay sa bahay ni Jase.



Nilanghap ko ang hangin sa loob ng quarters, pakiramdam ko ay parang sa mga bakasyonista na matagal di umuwi at nang makauwi ay sabik na sabik sa kanilang bahay. Sa sobrang pananabik sa maliit kong kama sa quarters na iyon ay di ko napansin na lumapit na pala sakin si Enso. Nakangiti ito at may inaabot sakin.



Regalo ko yan sayo.” sabi nito sakin. Kumunot naman ang noo ko at inabot ang maliit na bagay na inaabot nito sakin.



Di ko naman birthday ah saka malayo pa ang pasko.” natatawa kong sbi dito.



Pa birthday ko na yan sayo taon taon hanggang mag 100yreas old ka na, pamasko ko na rin yan sayo taon taon hangga't kaya mo pang mamasko.” nangaalaskang sabi nito sakin.



Kuripot.” sabi ko dito, ngumiti naman ito.




Para akong binalik sa nakaraan ng mapagmasdan ko ang regalo sakin ni Enso. Picture ito, tatlo ang tampok sa larawang yun. Ako na mukhang batang gusgusin pa na may nakasabit na stethoscope sa balikat, ang aking nakatatandang kapatid na si kuya Sam sa aking kanan na may nakasabit din na laruang stethoscope sa kaniyang balikat at si Enso sa aking kaliwa na may hawak naman na laruang microscope. Napangiti ako at napaluha.



Ini-i-spoil niyo kasi, kaya lumalaking paurong yang batang yan eh!” sigaw ng aking ama kay kuya Sam at Enso nang makita nito ang binigay na regalo ng dalawa para sa aking ikalabing dalawang taong kaarawan.



Di na bago sakin ang ganitong paguugali paukol sakin ng aking ama. Ako kasi ang anak niyang puro problema ang dinadala sa kaniya at ang masaklap ang kuya ko naman ang nagdadala sa kaniya ng lahat ng ikagagalak niya. Di ko naman sinisisi ang aking kuya, eh kung sa ganun siya eh. Wala naman talagang dalawang tao na pinanganak na magkatulad. Iniintindi ko na lang ang aking ama.



Nang makatalikod na ang aking ama ay napansin kong nagme-make face si kuya. Ito ang gusto ko sa aking kapatid, kahit na anong pambubuyo ang gawin sakin ng aking ama andyan siya para pagaangin ang aking loob. Hinagod lang ni Enso ang aking likod, alam ko kasing naiintindihan niya ako.



Alam mo, di ko alam kung pano ko aalisin sa sarili ko ang pagkaguilty nang malaman ko kung bakit ka pinalayas sa inyo.” sabi ni Enso sabay buntong hininga.



Sabi ko naman sayo, Enso, wala na iyon.”



Di mo parin maiaalis na dahil sakin, kung hindi ako nagpasundo kay Sam nung gabing yun sana buhay pa siya ngayon, sana di masyadong nagexpect sayo sila itay at inay, sana naging totoo ka sa sarili mo nang hindi nagagalit ang mga magulang mo sayo at sa huli ay pinalayas ka pa. Di mo maiaalis sakin yun, Aaron. Di mo maiaalis sakin ang magisip at sisihin ang sarili ko.” sabi ni Enso sakin. Niyakap ko lang ito, ibinalik nito sakin ang pagyakap, nararamdaman kong nahikbi na ito.



Wala na iyon sakin, Enso. Ok na ako ngayon, nakayanan ko naman eh.” pagaalo ko dito.



Pero di parin kayo naguusap ng mga magulang mo.” pangangatwiran ulit nito.



Tama ka, nang mamatay si Kuya Sam masyado na silang nagexpect sakin, pinilit nila akong maging si kuya Sam, alam na alam mo namang magkaibang magkaiba kami kaya di mo pwedeng sisihin ang sarili mo, sila inay at itay ang may problema, sila ang may kasalanan kung bakit nagkanda letse letse ang buhay ko. Wag mong sisihin ang sarili mo, alam kong kinailangan mo si kuya nung gabing yon. Alam kong pupuntahan at pupuntahan ka niya maski di mo siya tinawagan. Wala kang kasalanan. Hindi naman talaga mapaghihiwalay si Simon Apacible saka si Lorenso Santillan nung mga panahong iyon diba?” sabi ko para mapagaang ang loob nito.



Ang dapat sisihin ay ang mga taong may makikitid ang utak at ang mga di makaintindi.” habol ko.



I'm sure, kahit gano man kalaki ang di pagkakaintindihan niyo, alam ko mapapatawad na niyo ngayon ang isa't isa. Saka wag kang magsalita ng ganyan sa kanila, mga magulang mo parin sila.” sabi ulit sakin ni Enso para makumbinsi akong makipag ayos na sa aking mga magulang. Umiling ako.



Masyadong malaki ang galit nila sakin, Enso. Alam mo yan, nandun ka nung lumalaki ako, alam ko kung pano ako tratuhin ni Itay... saka...” sabi ko dito. Natigilan ako, pinaiisipan kung sasabihin ko pa ang mga nangyari sakin dati.



Wala na yun ok? Wag mo ng sisihin ang sarili mo.” nasabi ko na lang matapos ang mahabang pagiisip. Agad namang kumunot ang noo ni Enso.



May dapat pa ba akong malaman?” tanong ni Enso.



Di ko narin natiis at kinuwento ko na lahat kay Enso, mula kay Nate, sa pagpapalayas ng aking mga magulang sakin, saking pagbu-booking para makabayad ng med school at pati narin ang sitwasyon ko ngayon. Di naman makapaniwala si Enso, nakanganga ito habang nakatitig sakin, di makapaniwala sa lahat ng aking isiniwalat. Agad ako nitong niyakap ng makabawi siya.



Napakatatag mo.” nahikbi na nitong sabi.



Di naman.” sabi ko dito, agad na humigpit ang yakap nito sakin.



Yung sa sitwasyon mo ngayon? Kung gusto mong umalis sa puder nila pwedeng pwede ka sa bahay.” alok nito sakin, agad ko itong kinunsidera at tinamaan agad ng hiya, pero para sakin ay dapat ko na itong tanggapin, ito na ang pagkakataon kong makawala kila Jase at Nate.



Sasagot na sana ako kay Enso sa alok nito ng biglang nagring ang telepono ko.



Hello, tita?” sagot ko sa telepono.



Aaron, anak, I know your busy but I'm worried about Jase, he told me na he's not feeling well kanina nung tumawag ako, alam mo naman kung pano magkasakit si Jase, kahit simpleng lagnat lang tumitirik na ang mata nun, can you check on him, kahit saglit lang?” tuloy tuloy na sabi sakin ni tita.



Agad akong humarap kay Enso.



Tadhana, ano ba talagang gusto mo?!” sigaw ng isip ko.




0000ooo0000



Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Jase na nakahiga parin sa sofa, namumutla ito at kung maka singhot ay alam ko na agad na barado ang ilong nito, napairap na lang ako. Ito ang isa sa kahinaan ni Jase, kahit ano mang laki ng katawan nito at kahit anong problema ay ibato mo dito ay kakayanin niya, huwag mo lang siyang hahawaan ng sipon.



Agad akong lumapit sa sofa at idinampi ang likod ng aking palad sa kaniyang leeg.



Shit!” sabi ko sa sarili ko ng maramdamang napakainit noon.



Kailan pa masama ang pakiramdam mo?” tanong ko dito, ibinaling nito ang kaniyang tingin sa kaliwa, halatang ayaw makipagusap sakin.



Wag kang maginarte ngayon!” sigaw ko dito.



Bakit all of a sudden concerned ka? Bakit bigla ka na lang nagkainteres kausapin ako?!” sabat nito sakin.



Tita called.” wala sa isip kong sabi dito.



You don't have to do this. Sige na mag duty ka na. Bumalik ka na sa ospital, tutal ayaw mo naman akong makasama sa iisang kwarto diba?!” sabi nito saka biglang tumayo, agad itong nawalan ng balance, mabuti na lang at nasalo ko ito.



Believe me, I don't want to do this, tingin mo anong mangyayari kapag nalaman ni tita na pinabayaan kita? Tingin mo matutuwa sa atin yun?!” sabi ko dito sabay alalay sa kaniya papunta sa kaniyang kama. Naramdaman kong nagbuntong hininga ito.



Nipisan mo lang ang blangket mo, lalo kang iinit kapag nakulob yang init sa pagitan mo saka sa blangket.” sabi ko dito, agad akong kumuwa ng pamunas dito.



Sinimulan ko ng paandaran ng pamunas na ang katawan ni Jase, wala parin itong imik, ramdam ko parin ang init nito sa kaniyang balat, pinanay ko ang pagpunas sa kaniya at kada tapos nito ay i-checheck ko ang lagnat nito. Medyo bumababa naman.



Nang malaki na ang ibinaba ng temperatura nito ay itinigil ko pansamantala ang pagpupunas dito at umupo sa tabi nito sa kaniyang kama. Nakatulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Gwapo parin, kahit na medyo nangangapal na ang bigote at balbas nito.



0000ooo0000



Naalimpungatan ako ng maramdamang parang umaalog ang kama, kinusot ko panadalian ang aking mga mata, nakita ko si Jase sa aking tabi, nanginginig ito, kumot na kumot. Agad akong tumayo at tinungo ang thermometer. Bumalik ang lagnat nito. Agad akong bumalik sa pagpupunas at nang di parin bumaba ang lagnat ay nagpunta na ako sa aking bag at kumuwa ng gamot.



Magaalasingko na ng umaga ng humupa ang lagnat ni Jase, di na ito nanginginig at natutulog na ulit ito. Kinuwa ko ang isang silya sa sala at dun ko inupo ang sarili para kung antukin man ako ay pwede akong umidlip.



0000ooo0000



May kataasan na ang araw ng magising ako, nakahiga parin si Jase, di na ito nakakumot, agad kong kinuwanan ito ng temperature. Sinat na lang. Napabuntong hininga ako, muli kong pinanood itong matulog. Napakaamo ng mukha. Bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig. Napangiti ako dahil narealize kong ganun parin ito matulog, nakailalim sa kaniyang unan ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nakayakap sa kaniyang malaking dantayan kung saan nakadantay ang kaniyang kaliwang paa.



Umupo ulit ako at naginat saglit, pinanood ko pa itong matulog. Nagulat na lang ako ng iminulat nito ang kaniyang mga mata at lumingon saking kinauupuan, nahuli ako nitong pinapanood siyang matulog habang nakangiti pa. Agad kumunot ang noo nito.



May masakit ba saiyo Jase?” tanong ko na lang dito para makabawi sa pagkakahuli niya sakin. Umiling lang ito.



Teka, baka nagugutom ka na. Ipaghahanda kita ng makakain.” sabi ko dito, di ko na ito inintay pang sumagot nang makalabas at maisara ko na ang kaniyang pinto ay agad akong napasandal dito at dahan dahang dumausdos paupo.



Ano bang ginagawa mo Aaron? Lumalambot nanaman ba ang puso mo?!” sabi ko sa sarili ko.




0000ooo0000



Nagbuntong hininga ako bago pumasok sa kwarto ni Jase. Naabutan ko itong nakatingin sa bintana kasalungat ng pinto, nakasandal na ito sa kaniyang headboard at tila malalim ang iniisip. Inilapag ko ang tray sa kaniyang paanan at dinampot ulit ang thermometer. Wala na itong lagnat.



Kain ka na Jase.” alok ko dito.



Salamat at sorry, Aaron.” mahina nitong sabi sakin. Di ako sumagot.



Salamat kasi kahit galit na galit ka sakin nakuwa mo parin akong alagaan. Sorry, dahil napilitan ka pang pumunta dito para alagaan ako, naabala ka pa. Sabi ko kay Mommy na wag ka ng abalahin, di parin pala nakinig.” sabi nito habang nakatanaw parin sa bintana.



Wag mo ng isipin yun, sige na kain ka na.” alok ko ulit dito. Tatalikod na sana ako ng hawakan nito ang aking kamay.



Usap tayo, please.” bulong nito, humarap ulit ako dito, nangingilid na ang mga luha nito. Di parin nito pinapansin ang kaniyang pagkain.



Sige, sa isang kundisyon...” sabi ko dito.



A-ano yun?” nagaalalang tanong nito sakin. Napabuntong hininga ako.



Kainin mo muna yang inihanda ko sayo.” sabi ko dito, binigyan ako nito ng matamlay na ngiti at inabot ang sabaw na aking niluto.



0000ooo0000



Pinilit nitong ubusin hanggang sa huling tulo ng sabaw ang aking inihanda, kinuwa ko ang bowl sa kaniyang kamay at iniligpit iyon, pagkatapos ay tinignan ko ulit ang temperatura nito, wala na itong lagnat, tatalikod na sana ulit ako ng hilahin nito ang aking kamay.



Maguusap tayo diba?” malungkot ang tanong nito. Agad akong umupo sa silyang hinila ko mula sa sala.




Aaron, sana maniwala kang wala na kami ni Sandra nung gabing susunduin sana kita sa ospital. Sana rin maniwala ka na mahal na mahal kita.” naiiyak ng sabi nito. Nagbuntong hininga ako, tumayo at nilapitan siya, pilit siyang pinahiga at inayos ang paligid ng kaniyang higaan.



Magpahinga ka na Jase, saka na natin pagusapan yan. Baka mabinat ka pa.” sabi ko dito, tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit ito.



Wala na ba talaga, Aaron? Di mo na ba talaga ako mahal?” tanong nito sakin, di ako nakasagot, agad na akong naglakad palabas ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko. padapa kong ibinagsak ang sarili ko sa higaan.



Naramdaman ko ng pagagos ng aking luha.




Itutuloy... 

Comments

  1. boom! un un eh XD
    may feelings pa si aaron kay jase!
    sana maayos na ang lahat sa kanilang dalawa at sa kanila ni nate

    galing mo talaga kuya migs :)
    update update update!!!


    -louie

    ReplyDelete
  2. sana si jase at aaron ang magkatuluyan!

    kunyari pa tong si aaron.... mahal pa rin naman nya si jase. di ba migs? haha

    ReplyDelete
  3. at akoy nag papasalamat ng marami dahil talaga namang binilisan mo ngayon ang pag update... yehey!!!!

    ReplyDelete
  4. Sana mali yung hinila ko na may mangyayaring masama kay Nate. Hehehe..spoiler.

    Sa totoo lang mas gusto ko si Nate kaysa kay Jase. Si Nate ganun pa rin yung ugali. Si Jase parang pakitang tao pa rin siya. Ewan ko. Pero sana hindi sila Aaron at Jase magkatuluyan. Gusto ko ibang ending yung hindi common.hahahaha...Kahit mabigat pero alam mo sa huli masaya silang lahat.

    Aabangan ko yung susunod.

    ReplyDelete
  5. Wah mejo parang same yung hinala ko kay Jayfinpa na baka may mangyaring masama kay Nate.

    Hohemgeeeee super kinakabahan ako.

    Sa chapter nga lang na 'to thankful ako at nagpakita ng concern or kahit awa na lang si Aaron kay Jase.

    Well I guess no one can blame Aaron for having such high, strong and wide wall built, kung kakilala ko lang tlga sya personally masasabi kong super strong nya. Pero di naman lahat ng tao kayang mag-strong na sila lang mag-isa di ba?

    Kuya migs I hate you na. Masyadong captivating pa rin talaga ang gawa.
    Pero maisingit ko lang ulit, anu na ba tlga ang nangyari kay EDISON!
    (di nakaget-over s breakeven)

    Basta saludo pa rin ako kay kuya migs...

    >makapag-upd8 na nga rin hihihihi
    >salamat tlga sa inspirasyon kuya migs :)

    ReplyDelete
  6. a-yo-ko i-si-pin...baka mali ang haka haka ko...hahahaha...arte ni aaron, and whats with nate doing in the hospital?, at nagmamadali pa...me issues on sam pa or simon apacible sa lapida..next chapter nasasabik nako! (",)

    ps: wala ka bang ilalagay na isda sa gilid ng blog mo?, ung pinakakain, para naman me mapaglibangan kami habang naghihintay ng update mo..un ang suggestion ko sa renovation (kuno) mo sa blog mo....tse ka din!, ikaw na ang nurse na nakakaunawa sa pasyente!, hahahahaha:D

    ReplyDelete
  7. no to nate and aaron... may aids si nate...hahaha
    yes to jase and aaron...mahal pa din ni aaron si jase...yehey!!!

    ReplyDelete
  8. hahaha grabe naman si anonymous AIDS talaga kay nate..baka naman STD lang ung higher stage na hahahhaha..

    migs sino ba talga sa dalawa between nate and jase..sa mga last episodes mo kasi masyadong bumibida si jas eh..
    habang si nate ummmmm silent lang..

    ReplyDelete
  9. Cant wait for the next chapters. As usual, da best ang gawa ng mahal kong migz. Walang kasing tulad. Keep up the good work. And ingatz always... Jase and Aaron na ako... :))

    ReplyDelete
  10. wow... touching pa rin ang chapter na to... sana may update na agad...


    saimy

    ReplyDelete
  11. @Louie/miserableshad: thanks thanks thanks!

    @adik_ngarag: thanks din sayo. Tagal mo ng nagco-comment sa mga stories ko, sana di ka magsawa.

    @Zekiee: he! mangaaway ka pa! baka lalo akong mawalan ng readers. huhuhu. Wala na ngang npunta aawayin mo pa. Lol! Thanks Papa Z!

    @Jayfinpa & Kirkchua: nega niyo ah. haha! thanks sa mga papuri. :-D

    @Josh: nabagal (bumabagal) nga kasi! gusto mo ba talaga ng isda? sabihin mo lang maglalagay ako. At isa ka pang nega! haha!

    @Anonymous August 17, 2011 1:48 PM: Aaron-Jase ka na ba talga? hihi. Oi, iwan ka naman ng name. Thanks!

    @russ: minsan naman ang mga tahimik patalikod tumitira diba? haha! thanks! :-)

    @wastedpup: di ka pa nga nanliligaw sakin, mahal mo na agad ako? Saka feeling ko masyado na akong matanda sayo. hihi!

    @Saimy: thanks! :-)

    Wow 10 comments lang... :-(
    Comment pa kayo ha? :-D

    ReplyDelete
  12. Hanu na nangyari?!?! Wala ka talaga kupas Aaron, nagpapakipot ka pa talaga... wawa na tuloy si Jase susunod pa 'tong si Nate... haist galing umeksena ng nanay ni Jase! LOL :)))

    /vince

    ReplyDelete
  13. Hala! May sakit din si Nate. Patay?!

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]