Against All Odds 20

_________________________
Against All Odds 20
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Magkatitig lang kami ni Nate, marahil ay iniintay niya na sumigaw ako ng “Joke.” oh di kaya naman ay biglang tumawa. Pero mali siya, totoong may HIV ako, tamang tama ang mga symptoms at ang blood work naman ang nagpatibay pa ng diagnosis. Responsibilidad ko na sabihan si Nate, dahil may ilang buwan lang nung pagsamantalahan niya ako. Gayun din si Jase dahil di ko alam kung kailan pa ako positibo ng sakit na ito.


Nate, you need to get checked.” sabi ko dito. Umiling lang ito.


Marahil ay katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon. Marahil ay di niya rin matanggap.


Nate, please. Naaalala mo nung...” simula ko pero di na niya ako pinatapos.


I'm sorry, Aaron.” bulong nito.


Nate, kailangan mong magpacheck up.” pagsusumamo ko dito.



I said no, di ako magpapa check ng dugo or anything.” kalmadong sabi ni Nate.



But Nate...” simula ko ulit.



I'm HIV positive too.” mabilis na sabi ni Nate. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.



Natigilan ako saglit at dun ko naunawaan ang ibig sabihin nito. Agad kong inabot ang mukha nito at pinatawan siya ng isang malutong na sampal na siya namang um-echo sa loob ng chapel.




0000ooo0000



Aaron, sana maintindihan mo ako!” sigaw sakin ni Nate. Nasampal at nasuntok ko na ito sa loob ng ilang minuto nang sabihin nito sakin na siya ang nagbigay sakin ng sakit.



Sang banda ang gusto mong intindihin ko?! Yung parte na sinira mo ang buhay ko sa pagiwan sakin noon? Yung parte na bumalik ka at sinira naman ang relasyon namin ni Jase? O yung parte na paninira mo ng lubusan ng buhay ko sa pagbigay sakin ng sakit na ito?!” nanggagalaiti ko ng sabi kay Nate habang wala naman itong ginagawa sa bawat sampal at suntok ko sa kaniya.



Andito ako, kinokonsensya ang sarili sa posibilidad na mahawaan ko kayo ni Jase sa posibilidad na baka masira ko ang buhay niyo tapos ayan ka, dadating ka at sasabihin mong sayo galing tong lintik na sakit na ito!”



Aaron, please.” nakaluhod ng sabi ni Nate. Wala paring tigil ang luha ko, napansin kong umiiyak na din si Nate.



Ginawa ko lang yun dahil mahal kita.” sabi nito.



Yan ba ang pagmamahal, Nate?!” sigaw ko dito.



Paano kung pagkatapos nung gabing ginawa mo sakin yun ay sumiping naman ako kay Jase?! Di mo ba naisip na pati buhay ng kapatid mo masira?!” sigaw ko dito.



Ayaw ko lang na makikita kang masaya sa iba! Gusto ko sakin ka lang masaya!” sigaw ulit ni Nate, pero nakaluhod parin ito.



Natigilan ako sa rason niyang yun. Nawalan na ng lakas ang aking mga paa, tuluyan ng bumigay ang mga ito at napaluhod na ako, magkaharap na kami ngayong nakaluhod ni Nate.



Nathan, ngayon, masasabi mo bang magiging masaya pa ako?” pabulong kong tanong dito.



I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry...” bulong sakin ni Nate sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.



Wala na Nate, wala ng magagawa ang sorry mo, di na mabubuo niyan ang buhay ko katulad ng dati.”



Pilit kong pinakalma ang aking sarili at maya maya pa ay wala sa sarili kong kinuwa ang aking cellphone, sinubukan kong tawagan ulit si Jase at sa wakas ay sumagot ito.



Jase, I'm breaking up with you.” sabi ko dito habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha.



What?! Nagkatampuhan lang tayo, Aaron. Pagusapan muna natin 'to, please.” sabi ni Jase sa kabilang linya.



Tinapunan ko ng tingin si Nate, lumatay ang gulat sa mukha nito sa sinabi ko kay Jase.




I'm sorry, Jase, but this is for the best.” sabi ko sa kabilag linya kay Jase sabay baba ng telepono.



0000ooo0000



Nakaupo parin ako sa sahig ng chapel, ramdam kong sakin parin nakatingin si Nate pero di ko ito kinakausap.



I'm really glad di mo napasa kay Jase...” simula ni Nate, marahas akong humarap dito at kwinelyuhan.



Dahil di ko magawang sumiping sa kaniya dahil sa pambababoy na ginawa mo! Di ko maalis ang sangsang ng ginawa mo, sa tuwing hahawakan ako ni Jase ay di ko mapigilang maalala ang pambababoy mo! Sa tuwing ilalapit ni Jase ang mukha niya sakin para halikan naaalala ko ang kademonyohan mo!” sunod sunod kong sabi dito, malungkot ang mukha ni Nate matapos kong sabihin lahat ng iyon. Napayuko na lang ito.



Ano bang ginawa ko sayong kasalanan, Nate?” pabulong kong tanong dito sa pagitan ng aking mga hikbi, agad namang tumanghod si Nate at umiling.



W-wala, ako ang mali dito, mahal na mahal kasi kita.” bulong nito.



Pero kung mahal na mahal mo talaga ako, bakit dalawang beses mo na sinisira ang buhay ko?” tanong ko dito.




0000ooo0000



Aaron, let's talk please.” pagmamakawa sakin ni Jase nang balikan ko ag aking mga gamit. Di ko ito pinapansin.



Aaron naman, kausapin mo ako.” pero huli na, di na nito mababago ang desisyon ko, wala akong balak ipasa sa kaniya ang sumpang binigay sakin ni Nate.



Kausapin mo naman ako!” sigaw na nito. Napatigil ako bago tuluyang lumabas ng apartment.



Di na kita mahal, Jase.” sagot ko dito, nakatalikod ako dito kaya't di niya nakikita ang pagtulo ng aking mga luha.



Di ako naniniwala.” sabi ni Jase at niyakap ako nito mula sa likod, kinalas ko agad ang yakapan na iyon.



Ginantihan ko lang ang panggagago na ginawa mo sakin noon.” wala sa sarili kong sabi dito. Natigil sa paghikbi si Jase at pinabayaan na akong lumakad palayo.




0000ooo0000



Tahimik lang ako sa tabi ni Nate, nagmamaneho ito pabalik sa kanilang mansyon, napagkasunduan kasi naming sasabihin na namin kay Tita ang kundisyon namin ni Nate sa paguwi nito kinabukasan. Napagpasyahan namin na kami ang magaalaga sa isa't isa hangga't sa lumubha ang aming kalagayan.



I'm really really sorry.” di ko na ito pinansin at pumasok na ako sa kwartong inilaan niya para sakin.




0000ooo0000



Wala parin kaming kibuan ni Nate habang iniintay si Tita na lumabas ng airport, madalas na itong nakatulala simula kagabi na tila ba napaka lalim ng iniisip, di ko na ito pinansin pa, naaasiwa ako dito, kumukulo ang dugo ko makita lamang ito at nanggagalaiti sa galit tuwing kakausapin ako nito.



Hindi biro ang ginawa niyang pagsira sa buhay ko, tanggap ko pang itakwil ako ng magulang ko ng sampung beses at magputa hanggang sa malaspag ako wag lang ganito, walang bawian ang ginawa niya sakin. Unti unti niya akong nilalason. Unti unti niya akong pinapatay.” sabi ko sa sarili ko.



Nakita kong kumaway si Tita mula sa pinto ng airport, pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. Mahigpit kami nitong niyakap ni Nate, pinansin ang kanya kanya naming pagpayat, pinuna rin nito kung bakit wala si Jase.



Tita, we have something to tell you.” umpisa ko dito ng makasakay kami ng sasakyan. Nasa passenger seat ako at nasa backseat si Tita, nilingon ko ito.



Ano yun, hijo, mukhang seryoso ito ah.” sabi ni tita at tulad ng ibang ina ay lumatay sa mukha nito ang pagaalala.



Tita, Nate and I are...” nagbuntong hininga ako at tinignan saglit si Nate, nakita ko itong lumuluha pero di parin inaalis ang mata sa kalsada, naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni tita sa kamay ko.



... Nate and I are HIV positive.”



Hindi matatawaran ang galit at gulat sa mukha ni Tita, inaasahan ko na ngang mahihimatay ito anumang oras pero mas nauna ang pagiging poised nito, umiiyak siya, Oo, pero kalmado parin. Ang di ko inaasahan ay ang pagabot ng kamay nito at paglagapak ng palad nito sa aking pisngi. Napapikit ako sa sakit hindi dahil sa bigat ng kamay ni tita, kundi dahil sa marahil na iniisip nito na ako ang nagdala ng sakit sa pamilya niya.



Tinanggap ko nung una, pinilit kong intindihin ang pagiging marumi mo dahil alam kong si Nate ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan pero di ko akalain na magdadala ka pa ng sakit. Wala kang dinala kundi kamalasan sa buhay ng mga anak ko. Isa kang salot!” nanggagalaiting sabi ni Tita sa akin. Di ko na napigilan ang aking sarili at napaiyak na din.



Enough!” sigaw ni Nate at itinabi nito ang sasakyan.



Ako ang...” pero pinigilan ko ito.



Nate and I acquired the virus separately. From different partners, di po ako ang nagbigay sa kaniya ng sakit at hindi rin po siya ang nagbigay sakin nito.” sabi ko kay tita, pilit na pinapakalma ang aking sarili, tinignan naman ako ni Nate, may gulat sa mukha nito.



Is this true Nathan? Ayokong magsisinungaling ka para lang ipagtanggol si Aaron!” sigaw nito sa kaniyang anak habang wala paring tigil ang mga luha nito sa pagtulo.



It's true, Ma.” umiiyak na nakatingin sakin si Nate.



“This disease will eventually kill the both of you! Alam niyo ba kung gano kahirap 'to sakin?! Ngayon pa na kamamatay lang ng Tito niyo, now you're telling me na eventually I'm going to lose both of you?!" nanginginig na sabi ni Tita habang wala paring tigil ang pagtulo ng luha nito.



"Tita, I'm sorry..."



"Wala na tayong magagawa diyan. The best we can do is pray and keep you from infections as much as possible.” malamig na sabi ni Tita. halatang itinatago ang tunay na nararamdaman.



Tita, I'm sorry.” bulong ko ulit.



You should'nt be. In-expect ko na magkakaroon ka ng ganyang sakit one way or the other.” malamig na sabi nito. Natigilan ako, from then on, alam ko na, wala na akong puwang pa para kay Tita, alam kong sinira ko ang magandang pagsasamahan namin. Lahat ng yun dahil kay Nathan.



Is this why Jase isn't here? Kasi nandidiri siya sainyo?”



No, Ma, walang alam si Jase. And I'm going to ask you to keep it secret for the meantime.” malamig narin na sabi ni Nate sa kaniyang ina.



Ihatid niyo na ako sa bahay. Pagod na ako.”



0000ooo0000



Bakit di mo sinabi ang totoo?” tanong sakin ni Nate habang nagaalsabalutan.



You saw the shock on her face when I told her, narinig mo kung pano niya ako agad sisihin, malamang iniisip na sakin mo nakuwa ang sakit, nakita mo kung pano niya sinampal ang mukha ko. tingin ko, di mo makakayanan yun, yun nga lang tanggapin na nagpuputa ako di mo nagawa, yun pa kayang itakwil ka ng sarili mong ina?” malamig kong sabi dito, natahimik ito saglit.



I'm sorry.” naluha ng sabi ni Nate.



Hindi. Walang nagagawa ang sorry Nate. Ngayon, masaya ka na? Di na ako pwedeng bumalik kay Jase, wala ng magpapahalaga sakin tulad ni Tita. Sana masaya ka na.” sumbat ko kay Nate, hinatak ko na ang aking duffel bag at pabalang na lumabas ng aking kwarto.



Aaron, wait!” sigaw ni Nate sakin nang makalapit na ako sa gate, saktong pagharap ko ay ang pagyakap niya sakin.



Sakin ka na tumira, alagaan natin ang isa't isa. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako.” nahikbing sabi sakin ni Nate.



Hindi na Nate, baka kung ano pa ang magawa natin sa isa't isa.” bulong ko.



Aaron please, wala ng ibang makakaintindi sayo kundi ako. Di natin kailangan si Mommy o kaya si Jase! Sumama ka na sakin.” pagpupumilit ni Nate.



Nagulat kami pareho ng makarinig ng palakpak sa aming likod. Si Jase, namumula sa galit sa nakitang pagyayakapan namin ni Nate at malamang narinig ang alok sakin ni Nate. Di ko alam kung narinig rin nito ang aming pinagusapan tungkol sa aming sakit.



Tindi mong manulot, tol!” sigaw nito kay Nate sabay takbo pasugod dito.



Tama na!” awat ko kay Jase. Hinawi naman nito ang kamay ko sa kaniya at ilang dipa na lang ang layo nito kay Nate.



Tangina Aaron! Ganyan ka na ba talaga kababa?! Ginago ka na ng taong to, he literally ruined your life!” sigaw sakin ni Jase habang dinuduro si Nate.



Di mo naiintindihan, Jase.” sabi ko dito.



Bullshit!” sigaw ni Jase, kasabay ng sigaw na iyon ay ang putok ng baril, parepareho kaming napatingin sa guardhouse at nakitang nakabulagta ang guard at duguan.



Sinisimulan na ang party ng wala ako?! Ayan, nag gate crash tuloy ako.” sabi ng babae na may hawak na baril at muling gumapang sa saking katawan ang pakiramdam ng pangingilabot at muli kong naramdaman ang hirap sa paghinga.



Sandra?” tawag dito ni Jase.



Itutuloy....

Comments

  1. haaaayst ONE OF THE HEAVIEST Chapter...haaayst

    ReplyDelete
  2. hmm.. nxt npo.. Nabitin ako.. Hehe
    tnx po sa update.. :)
    galing galing nyo po tlga.. :)

    ReplyDelete
  3. omg, tumpak ang hula ng isang reader sa previous comments... i never saw this coming..

    ReplyDelete
  4. grabe pigil ang hininga ko d2 ..

    naiiyak ako ngaun, galing mo author! da best ka ..

    sobrang nakakaawa na tlaga ang nangyayari kay Aaron, anu nman kya ang susunod mababaril sya kc haharangin nya ang bala pra kay Jase ... waahhh di ko na mahintay ang susunod ..

    ReplyDelete
  5. OMG..... kay nate pala galing ung sakit....

    kawawa naman ni Aaron.,..


    kaya pala....

    nyc story... i cant wait for the next chapter....


    _seinz

    ReplyDelete
  6. the emotions are high, migs this is definitely one of the best chapters of AAO, the delivery was well placed, the lines were unforgettable....hayyy next na!!! (",)

    ReplyDelete
  7. sir migs sana maadd mo na ako sa fb please

    mike_eliazar@yahoo.com

    ReplyDelete
  8. napaka gifted mo nman migs....
    akalain mo nko control mo kmi mga readers mo s mga story mo.....kakaisip f wat be the next.
    honestly awang awa ako k aaron that is because of you migs your a kind a little manipulate.
    sana lng tlga happy ending parin c aaron...........please...please...please...............................................

    pls add me @ fb yami verde of cabuyao

    ReplyDelete
  9. ayan na naman si Sandra "The Monster"..hahaha..panira talaga yan ng moment eh.

    Pero i think may mamamatay. Siguro kung ako kay Aaron hindi na siya nagpakita sa pamilya nila Nate at Jase. Feeling ko walang loveteam dito. Sa tingin ko lalayo si Aaron sa ending para wala ng madamay. Siya rin ang tatapos sa buhay na siya mismo ang gumuhit sa palad niya. Hehehe..

    Abangan ko na lang yung susunod na update.

    ReplyDelete
  10. shoot! andrama nito at ang bigat ng pakiramdam!
    cant wait for the next chapter!

    galing galing ni kuya migz :)

    -louie

    ReplyDelete
  11. hmmmm... so i guess i was right that nate was hiv positive...pero parang mali ako that buntis si sandra... hmmm...

    pero what i can't predict is the outcome... nakakalungkot... pero sana aaron and jase pa rin... kasi mahal ni jase si aaron, against all odds...

    sana lang...haaay!!

    thank you migs for making me saaaaadddd!!!

    :-) :-)

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  12. Tragic. O.o
    Kinakabahan ako habang nagbabasa. Kaso bitin.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]