Against All Odds 18
_______________________________
Against All Odds 18
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Hinihimas ko ang lugar sa aking kamay kung san ako ginapos kagabi ni Nathan, mahapdi ito at namumula. Nagising akong wala na si Nathan sa paligid, nadamitan narin ako ng bagong mga damit at nalinisan narin ako. Marahil ay ginawa ito ni Nate habang natutulog ako. Pinuntahan ko ang pinto na kagabi lang ay nakakandado pero laking gulat ko ng pihitin ang knob nito, di na ito nakakandado, maaari na akong lumabas.
Dahandahan akong bumaba ng hagdan, pero wala ng Nate akong nakasalubong, agad akong nagpunta sa frontdoor at nagmamadali itong binuksan. Sa labas ay may isang taxi na nakaparada sa tapat ng malaking gate. Dalidali akong lumabas ng gate.
“Sir, kayo po ba yung nagpapasundo?” tanong sakin ng driver, nangunot naman ang noo ko.
“May tumawag po kasi sakin kanina, ito po yung binigay na address, isang Aaron Apacible daw po ang susunduin ko.” sabi ulit nito.
“A-ako po si A-aron.” garalgal kong sagot dito.
“Sakay na po kayo, Sir.”
“W-wala akong pambayad.”
“Bayad na po kanina pang umaga.” sabi nito, agad naman akong lumapit dito.
“Ano ang pangalan ng nagpapasundo?” tanong ko dito habang nasakay ng taxi niya.
“Wala pong sinabi eh.”
Natahimik na kami pareho.
0000ooo0000
“Aaron!” sigaw ni Jase pagkapasok ko sa frontdoor. Agad ako nitong niyakap.
“I've been worried sick! San ka ba galing!” sigaw nito habang mahigpit paring nakayakap sakin. Nagsimula na ulit tumulo ang aking mga luha.
“Sabihin mo sakin! Anong nangyari?! Bakit ka may pasa sa mukha?!” tanong ulit sakin nito, nagsisimula na itong magalala at magalit ng sabay.
Napagisipan ko na ito habang nasa biyahe pauwi mula sa pinagdalhan sakin kagabi ni Nate. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko sasabihin kay Tita at kay Jase ang nangyari dahil alam kong magsisimula nanaman ito ng panibagong gulo.
Sinabi ko na lang kay Jase na napainom ako kagabi at napagtripan ng mga lalaki, wala akong nabanggit tungkol kay Nate at sa mga ginawa nito. Niyakap lang ako ng mahigpit ni Jase.
“Naglasing kaba dahil sa kinausap ko si Sandra nung umga?” tanong nito sakin, nagsimula na ulit akong umiyak. Ayaw ko sanang magisip si Jase na kasalanan niya lahat ng ito, pero kailangan kong magsinungaling para di na lumalala ang gulo.
“Jase, maglilinis muna ako.” paalam ko dito, pumayag naman ito.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng banyo ay agad kong hinubad ang aking mga damit at nagsimula ng tumapat sa ilalim ng shower, inabot ko ang sabon at pilit na nilinis ang aking sarili. Nagsisimula nang tumulo ang aking mga luha at pinabayaang sumama ito sa agos ng tubig mula sa shower. Isang buwan na ang nakakaraan ng ipangako ko sa sarili ko na hindi na ako muli pang iiyak pero sa tingin ko ay di ko na matutupad pa ang pangako na iyon.
“Akala ko di ko na mararamdaman ulit ito. Akala ko di ko na ulit kakailanganing linisin ang sarili ng ganito, akala ko di na ako magiging ganitong kadumi ulit.” sabi ko sa sarili ko, nawalan na ng lakas ang aking mga tuhod at tuluyan nang napaupo sa sahig ng banyo.
0000ooo0000
Naabutan ko si Jase na nanonood ng TV, nilapitan ko ito at isiniksik ang sarili sa kaniyang matipunong dibdib at malaking braso. Agad naman nitong iniakbay sakin ang kaniyang kaliwang kamay.
“Jase?” bulong ko dito.
“Oh?”
“Pwede bang magpahinga muna ako ng isang buwan sa pagduduty?” tanong ko dito, nangunot naman ang noo nito.
“S-sige, kung yan ang gusto mo eh. Gusto mo bang samahan kita?” tanong nito tumango lang ako. Ngumiti ito sakin.
“Gusto mo bang mamasyal?” masiglang tanong nito, nangilid nanaman ang luha sa aking mga mata, di ako makapaniwalang magiging maaalalahanin si Jase katulad nito. Di ako makapaniwalang naglilihim ako sa kaniya. Umiling na lang ako sa tanong niya.
“Dito na lang tayo.” sabi ko, kumunot naman ang noo ni Jase at niyakap ako ng mahigpit.
0000ooo0000
“Dear napapansin ko lately, matamlay ka?” tanong sakin ni Jase habang nakain. Tinignan ko lang ito.
“Masama lang ang pakiramdam ko, dear.” sagot ko dito, tinignan lang ako nito at miyamiya pa ay tumuloy narin sa pagkukuwento. Bumalik ako sa pagkakatulala. Iniisip parin kung pano nagawa sakin ni Nate sakin iyon.
Ilang araw pa ang lumipas at walang Nate na nagparamdam pa sakin, lalo akong nabagabag.
“Anong ibig niyang sabihin na sakaniya lang ako? Andito parin naman ako sa puder ni Jase at wala siya sa paligid.” sabi ko sa sarili ko, lalo akong kinabahan. Naisip ko na baka may pinaplanong masama si Nate.
0000ooo0000
Magaalauna na ng madaling araw at nakatulala parin ako at di makatulog, iniisip kung ano ang maaaring binabalak ni Nathan, Isang buwan na ang nakalipas ng pagsamantalahan ako nito at Isang buwan nadin akong di makatulog ng maayos dahil sa banta nito.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paghaplos ni Jase sa aking braso at naramdaman ko ang paghalik nito sa aking leeg. Napapikit ako at biglang naalala si Nate, naalala ko ang panghahalay nito. Agad akong napabalikwas. Binuksan ni Jase ang ilaw sa tabi ng kaniyang higaan.
“May problema ba tayo, Aaron? Napapansin ko na you won't kiss me and you won't have sex with me anymore. Lagi mong sinasabi na pagod ka or something eh di ka naman na nagdu-duty, may problema ba? May nagawa ba akong di maganda?” tanong nito sakin, may pagaalala sa boses nito.
Di ko siya masagot na kaya ako umiiwas sa mga halik niya ay dahil nararamdaman kong madumi ako, naaalala ko noong nagbu-booking pa ako, ayaw na ayaw din nitong hahalikan ako sa labi dahil di man niya sabihin ay nandidiri siya sakin. Ngayong alam kong madumi ulit ako ay ayaw ko namang maging unfair sa kaniya at di ko rin masabi na kaya hindi ko magawang makipagtalik sa kaniya ay dahil sa bawat haplos niya ay naaalala ko si Nate at ang panghahalay na ginawa nito.
“S-sorry, wala lang talaga ako sa mood ngayon.” sagot ko, nagbuntong hininga naman ito saka tumayo at bitbitbit ang isang unan at lumabas ng kwarto.
0000ooo0000
“Aaron, buti naman at ok ka na, latang lata ka ata atsaka anlaki ng ipinayat mo. Ok ka na ba talaga? Magdadalawang buwan narin kitang di nakikita ah?” sabi sakin ni Enso nang oras na pumasok ako ng ER. Binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti.
“Ok lang ako.” sabi ko dito.
“Dun lang ako sa clinic ko. Pag kailangan niyo ako i-page niyo lang ako ah?” bilin ko dito, nagaalala naman itong tumango.
Mahaba na ang pila sa mga clinic sa OPD, tinanong ko ang nurse doon at sinabi sakin may lima na akong pasyente, binilinan ko itong gawan na ang mga iyon ng record at papasukin na isaisa sa clinic. Naglagay ako ng pekeng ngiti ng pumasok ang unang pasyente.
0000ooo0000
“Sir, kailangan niyong mamonitor ang inyong Blood Pressure, pwede kayong dumaan tuwing umaga o kung ano mang oras na convinient para sainyo tapos ipalista niyo sa nagBP sainyo ang mga resulta dito sa papel na ito, after one week balik kayo dito at eexaminin ko ulit kayo ha? Oh, ito na po ang reseta niyo.”
“Salamat doc.” sagot nito agad ko itong nginitian.
“Doc, di naman sa nangengeelam ako, pero anlaki ng ipinayat niyo at namumutla kayo, meron po ba kayong sakit?” tanong ng matanda sakin, nginitian ko lang ito.
“Wala ho ito, Sir. Pagod lang ito o kaya puyat.” sabi ko dito sabay ngiti ulit.
“O siya sige ho, doc, thank you, balik na lang po ako sa isang linggo.” paalam nito sakin.
Ibinigay na sakin ng sekretarya ang record ng susunod na pasyente, kumatok ito sa pinto at nang bumukas ito ay saka ko sinilip ang kaniyang record.
“Upo po kayo Mr...” pero di ko na natuloy ang sasabihin ko, nanlamig na ang buong katawan ko. nasa harapan ko ngayon ang taong nagdulot sakin lahat ng kabiguan at pasakit sa buhay ko. ang taong siya ring nagbigay sakin ng buhay sa mundong ito.
“Kamusta na, anak?” tanong nito, di ako sumagot, kasama nito ang aking ina.
“Kamusta naman ang buhay mo? Yung boy...” di ko na ito pinatapos, lumatay na kasi sa mukha nito ang itsura ng pangiinsulto, alam ko ang pinupunto nito.
“Si Nate? Yung ex boyfriend ko? Wala siya, dinispacha ko na.” malamig kong sabi dito.
“Mabuti na...”
“Hindi! Hindi mabuti ang lahat 'tay! Anong pakay niyo sakin?!” sigaw ko dito, nagulat ito.
“Kailan mo maiintindihan na pinigilan lang kitang matulad sa kuya Sam mo?!” sigaw nito pabalik.
“Hindi kabaklaan ang pumatay kay kuya Simon! Aksidente ang laha...”
“Aksidente?! Kundi niya sinundo yung baklang anak ni dr. Santillan...”
“Oo, aksidente, 'tay! Walang kasalanan si kuya Lorenso sa nangyari kay kuya Simon! Hanggang ngayon di niyo parin ba naiintindihan na maski ganito kami, pwede kaming magmahal?! Hindi si kuya Lorenso ang may kasalanan 'tay ang kakitidan ng ulo ni Dr. Santillan at tulad mo at sampu ng iba pang ama na hindi nakakaintindi sa anak nila ang ikinamatay ni kuya Sam!” sigaw ko dito pabalik. Natameme na ito, nagsimula ng humikbi ang nanay ko.
“Alam kong nagexpect kayo sakin dahil pinangarap niyo akong gawing si kuya Sam at binigo ko kayo doon. Hindi dahil gusto ko kayong galitin pero dahil gusto kong ipaintindi sainyo na hindi ako si kuya Simon, hindi kami pareho.” sabi ko sa mga ito sabay alis ng clinic.
“Mina, paki close muna ang clinic ko, I'm not feeling well.” sabi ko sa aking sekretarya. Nagtataka man ito ay tumango na lang din ito.
Agad akong naglakad patungo sa gawi ng parking lot, pinilit kong manatiling maging kalmado at pinigilan ang sarili na patakbong lisanin ang lugar na iyon, pagkatulak na pagkatulak ko ng pinto palabas ng parking lot at agad kong pinuno ang aking mga baga ng sariwang hangin.
“Relax.” sabi ko sa sarili ko at nagbuntong hininga ulit.
Inabot ko ang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa at dumukot ng limang pisong barya sa aking pitaka. Kape at sigarilyo ang makapagpapawala ng pagkatense ko. Nanginginig kong sinindihan ang sigarilyo habang iniintay na mapuno ang maliit na cup ng kape.
Di ako makapaniwalang nagpunta lang dito ang aking mga magulang para ipamukha sakin lahat ng pagkakamali ko. Iniupo ko ang sarili ko sa isang bench sa di kalayuan habang pinapainit ng maliit na cup ang aking dalawang kamay. Biglang tumunog ang aking cellphone, tinignan ko kung sino ang maaaring nagtext.
“San ka? Narinig ko kung ano nangyari sa clinic mo.” sabi ni Enso sa mensaheng katatanggap ko pa lang.
Di ako nagkamali, sa isang institusyon kung saan lahat ng tao ay pakielamera at tsismosa, di ako nagkamali na ang kapiranggot na oras na pagsisigawan namin ng aking ama ay palalagpasin nila.
“Wala talagang pinalalagpas ang mga tsismosa dito.” sabi ko sa sarili ko, ibinulsa ko ulit ang aking telepono sa aking white coat.
Nagsisimula ng bumalik sa normal ang aking paghinga at pagtibok ng puso, nagsisimula naring kumalma ang aking mga extremities sa panginginig nito ng makarinig ako ng baril na ikinakasa sa aking likuran. Dahan dahan akong humarap dito.
“Musta na, Aaron?” tanong ng isang babae sakin pero di iyon ang nakapukaw ng aking pansin. Sa pagitan ng aking mga mata ay may nakatutok na nguso ng isang baril.
“Kailangan nating magusap.” mahinahon pero puno ng awtoridad na sabi ng babaeng kaharap ko.
Itutuloy...
oo nga pala XD
ReplyDeletenalimutan ko :))
naging reward nga pala dapat ung buong book ng AAO =))
sabagay...
parang hindi naman late ung post kuya migs..
sabi mo nga, ikaw ang pinakamabilis mag-update :D
yup...nde naman late ang pag update mo kuya huh...
ReplyDeleteur stories is just so good..kaya we need to read the next chapter ASAP!!!! hehe peace
just post in ur own pace kuya..:)
anyways about this chapter:
one drama after another drama..whew kung ako si Aaron baka I already packed my things and leave evrything..haaayst
nakakatense nman ... puro problema na lng ang dumadating kay Aaron ...
ReplyDeletekakaawa na sya .. sna happy ending to, after all he deserves to be happy
<07>
aaron anung meron ka ba? may balat ka ba sa pwet? grabe wala ng katapusan problema mo?
ReplyDeletemedyo bitin ang kwento pero lalo ako natatakam para sa susunod na kabanata.
/vince
indi nman po late mga post niyo eh! excited lan talaga kame XDD
ReplyDeletesana maayos din lahat ng problems mo ngaun :)
kawawang aaron one problem after another. sumabay pa tong mga magulang niya tsk.tsk
thanks for this beautiful story kuya migz!
-louie
mas lalo akong ginaganahan migs.. di ko na mahabol ang kwento.. dati akala ko nate and aaron na ako pero bumaliktad na ata.. Confused ako masyado kung anu ba talaga ang balak ni nate. emotionally attack ba or may pinasa ba talaga xang sakit kay aaron? >.< di na ako makatulog sa pag hihintay!
ReplyDeletemigs, don't worry... your avid readers appreciate the frequent posts that you do. and more importantly, appreciate your stories...
ReplyDeleteplease do not apologize for thinking that your stories have become "predictable"... that's not true. and even if they are, then so what!
you have plenty talent in between your ears, and connecting all these stories together, yet remaining consistent is raw genius...
what is important is that you are writing from the heart with us, your readers, in your mind. this, I (perhaps I can say "we")truly appreciate.
regards,
R3B3L^+ion
PS: wala kang sinabi migs para ako naging anonymous. it's just that i had been tremendously busy lately that all i do mostly is read the stories. at any rate, i assure you that i will put in more effort to comment as much as i can. :-)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehehehe..tama sila. Puro kadramahan yung buhay ni Aaron. sana happy and ending nito. Para masaya lahat.
ReplyDeleteSiguro si sandra yun. Peste talaga yun. Altough nagsisimula na ako maniwala na mahal pa rin ni Jase si Aaron pero i had a feeling na may kapapana panabik na panggulat si otor. I'm still a fan of Nate and Aaron.
Tnx sa effort ni Otor mabilis talagang magupdate. Abangan ko yung next chapter.
Mukhang hinawaan nga ni Nate si Aaron ah. Sana sinabi na lang ni Aaron ang totoo kay Jase. Tsk tsk tsk. At sino ang babaeng gustong pumatay kay Aaron? Si Sandra kaya? Sana makita ni Jase ang ginagawa ni Sandra. Keep the updates coming Migs. Ingatz
ReplyDeletesna umamin na lng c Aaron kay Jase pra mas madrama, bka kasi ndi na sya paniwalaan ni Jase pag sa huli na nya sinabi
ReplyDeletetnx sa pagpost ..
hgala ang daming twist the story is so good
ReplyDeletekuya migs ang husay..
ReplyDeletesiguro si sandra yung may baril na yun...
at si nate naman.... i think he's dying.
tipong mababalitaan nilang patay na (bwahahaha sori nega lang)
ah basta bahala na.
hihintayin ko na lang yung update o yung panahon na pede ulit akong tumakas para magbasa lang...
grrrrrrrr i hate u thesis...
kuya migs, 4thumbs up, at oo kasama yung paa hahahahah :)
sir migs anu yung fb mo? ganda ng mga stories mo
ReplyDeletesir migs add mo naman ako sa fb
ReplyDeletemike_eliazar@yahoo.com
salamat sir migs =)
miguel wala na ata akong masasabi, nasabi na kasi nila...update mo nalang ang AAO kaagad, hahaha...anyway, migs andito lang kami parati (",)
ReplyDeletegrabe prang dko n kya maghintay for the next chapter,....nbitin ako tlga,anyway sulit nman alam q yan kc tlga nman nkaka adik story mo migs cge taposin u n wait ko p yan.
ReplyDeleteaaron deserves to be happy, in i hope the authors know with alot of twist & suspense to make it rael.
tnx again migs.............
kklungkot nman wla n pla kasunod n ms q n agad c aaron, im not agree s opinion ni kirk chau n mamatay c nate d2 migs wag n man gawan u nlng xa iba kwento mo s iba series n gngawa mo wag lng xa mamatay tama ang isang Sam ok.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteask q lng migs, san nakuha ni nate ang sakit nyang HIV? nakipag sex b xa s ibang lalaki s america??? just curious po..
ReplyDelete