Against All Odds 10


_________________________
Against All Odds 10
by: Migs



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Nakahiga ako sa kama sa loob ng doctors quarters, pilit inaalala ang napakahabang paragraph na kababasa lang sa hawak na makapal na libro. Iniisip ang magandang management para sa pasyenteng binanggit sa exercise sa huli ng chapter ng librong binabasa ko.



All of the lights
(all of the lights)

(Lights, lights)

All of the lights
(all of the lights)


Turn up the lights in here baby

Extra bright, I want y'all to see this

Turn up the lights in here,
baby
You know what I need

Want you to see everything
Want you to see all of the lights




Sabi ng kantang pinapakinggan ko gamit ang iPod. Dalawang buwan narin ang nakakaraan mula nung nangyari ang napakalaking drama sa bahay ng mga Cruz- Perea. Noon ko napagalaman na kumpikado ang buhay ko. Na-inlove ako kay Nathan Cruz, isang lalaking nagturo saking mabuhay ng totoo sa sarili pero siya rin ang taong gumulo ng buhay ko at ng masyado na itong gumulo ay siya namang iwan niya sakin, kung saan naman dumating ang pangalawang lalaking inibig ko, si Jase Perea o Jason Perea na nangyari namang half brother ni Nate, pero lumabas na ang lahat ng pagmamalasakit niya sakin ay dahil gusto niyang makuwa ang atensyon ng kaniyang ina at ipagmalaki siya nito at hindi dahil mahal niya ako.



Iniisip ko parin ang magandang management sa pasyenteng may right upper quadrant lobe bleed nang maramdaman kong nagvibrate ang telepono ko na nakapatong sa aking tiyan.



Musta Aaron,? Bambi to, from fashion week. Are you available tonight?” sabi sa text nang buksan ko ito.



Dalawang buwan narin nang itigil ko na ang pagbubooking, tingin ko naman ay kakayanin ko na, tapos ko na ang residency at iniintay ko na lang na makuwa ang aking license as an Internist. Pero habang iniintay yun ay naisipan kong mag moonlight muna, nag G-GP muna ako or yung mga General practitioners or mga resident doctors on deck.



Simple lang naman ang trabaho, since di kaya ng mga attending na bantayan ang kanilang mga pasyente ng 24 oras ay kami ang humahalili sa kanila, pero kapag may mga bagay na dapat silang malaman ay saka namin ito ipa-re-refer sa mga nurses at kung may emergency mang mangyari ay kami rin ang sasagot sa kanila pansamantala habang wala pa ang mga attending physician.



Ang lagay lang... 24 oras ako sa ospital sa loob ng apat na araw o minsan ay buong linggo, wala nang panahon para sa modeling at iba pa, pero dahil di ko narin naman kinakausap si Jase at dahil siya ang manager ko kaya't wala narin akong booking for modeling stints. Maganda na itong ganito. Bagong buhay, ika nga.



Wala narin ako sa dati kong boarding house, dahil nung oras na nagpaalam ako kay Aling Babs na titira na kila Jase ay naiparenta na niya iyon sa bagong mago-okupa nun, ok lang naman kasi para di narin ako mapupuntahan nila Nathan at Jase. Kaya naman literal na nabura ako sa mundo. Di nila ako makikita kasi di nila alam kung saan ako hahanapin.



Muling nagvibrate ang aking telepono, nagtext ang aming senior resident on duty sa isa pang ospital na pinagdu-duty-han ko, kailangan ko raw magpakita doon ng alas tres ng hapon. Ok lang naman sakin to, dahil sa wala na nga akong bahay ang dalawang ospital na iyon ang aking nagiging bahay, dahil maganda naman ang doctors quarters at di naman ako pinapaalis dun kahit di na ako duty kaya't di na ako nagabala pang maghanap ng bahay. Literal na squatter ang dating ko.



Di pa ako nakakasagot sa naunang text ng bigla nanamang nagvibrate ang aking telepono, hinahanap ako sa ER, agad akong tumayo at tinanggal ang nakapasak na earphones sa aking tenga. Patakbo kong tinungo ang ER. Nang makarating ako ay may nakita akong mga kaanak na nagiiiyak at nakikipagbuno sa orderly dahil gusto nilang makita ang pasyente na nasa loob na ngayon ng cubicle at natatakpan ng kurtina.



Kalmado akong lumapit, di pinapansin ang mga kaanak ng pasyente, napansin kong tumigil ang mga ito sa pagwawala. Agad kong tinignan ang pasyente pagkahawi ko ng kurtina at nakita ang isang lalaki, parehong nakabukas ang mata nito at nakatingin sa kaliwa, nababalot din ng suka ang kaniyang mukha at ang kabuuan ng damit lalo na sa bandang parte ng dibdib.



Anong meron?” Tanong ko kay Migs na ER nurse sa ospital na yun. Napansin ko kasing nag-a-assess na ito ng pasyente.




Right sided body weakness, Left eye dilated, BP 200/150, coma scale, 8.” kalmadong sabi nito. Tumango lang ako at nilabas ang sariling penlight at tinignan ang pupilary reaction nito. Tama si Migs.



Should I call Dr.. Enso Santillan?” umiling lang ako saka ngumiti.



Get me a, D5W 1Liter and I need a mannitol drip. Now.” utos ko dito. Agad na kumuwa si Migs ng isang papel, alam kong consent iyon.



Tim. Get the crash cart now, I may need to intubate.” sabi ko sa junior ni Migs, agad naman itong kumilos. Kalmado kong inasess ulit ang pasyente. Napagmasdan ko ang mukha nito, mukhang pamilyar.



Doc Aaron, the wife wants to talk to you.” sabi sakin ng junior nurse, agad ko itong tinignan at sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay kinabahan ako.



Page Dr. Enso, now.” kalmado kong sabi sa junior nurse, di ako makalabas ng cubicle na iyon, kilala ko na kung sino ang mga taong nagwawala kanina nang pumasok ako sa ER at alam ko narin kung bakit sila biglang tumahimik.



Aaron, it's dad.” sabi ng isang lalaki sa aking likod, kilalang kilala ko ang boses na iyon. Di ako maaaring magkamali.



I'm sorry Sir, but I have to ask you to step out of the cubicle. Give space for us to work.” malamig kong sabi dito, di parin ako naharap dito.



Aaron.” mahinang banggit ulit ng lalaki sa aking likuran. Napansin kong napapatingin sakin ang naglilinis kay tito.



Ramil, labas ka muna, ok na yan.” sabi ko dito at agad namang lumabas ng cubicle ang tagapaglinis.



Sir, I'm sorry but I have to...” simula ko habang dahandahan naring humaharap dito dahil plano ko narin umalis sa cubicle na iyon, pero di ko pa natatapos ang aking sasabihin at di pa man ako nakakaharap ng maayos dito ay agad na ako nitong niyakap.



I't's Dad, Aaron, nagpunta lang siyang CR then narinig naming may kumalabog, di niya naman sinasabing masama na pala ang pakiramdam niya.” nahikbi nang sabi sakin ni Jase habang nakayakap parin sakin.



Tahimik.



Aaron, It's dad...” bulong pa ulit nito.



Migs pinapa-page niyo ako?” tanong ng isang lalaki sa likod ng kurtina. Hinawi ko ang mga kamay na nakayakap sakin at tuloy tuloy na lumabas ng cubicle.



Aaron.” tawag sakin ni Tita na naiyak sa isang tabi.



I can't do this right now, Tita. I'm working.” sabi ko dito, di na ito kumibo pa, napansin kong tumabi narin dito si Jase.



Enso, please cover for me...” di ko pa natatapos ang aking sasabihin ng tumango ito at hinawakan ako sa balikat at pinisil iyon. Nagsimula na akong maglakad palayo.



Migs!” tawag ni Enso.



Doki! May line na tayo and Mannitol...” sagot ni Migs.



Assess ulit natin ang pasyente!” sigaw ni Enso habang palabas ako ng ER.



Halos patakbo kong tinungo ang parking lot ng ospital, sa ganitong pagkakataon, sa ganitong nakakastress na pagkakataon tanging kape at sigarilyo lang ang karamay ko. Pagkatulak na pagkatulak ko ng pinto ay agad kong pinuno ang aking mga baga ng sariwang hangin.



Hi doc.” sabi ng isang lalaki, kilala ko ito dahil dun din siya sa ospital na iyon nagtratrabaho, sa PT department.



Jon.” bati ko pabalik dito saka ngumiti pero alam kong di papasa bilang ngiti ang ginawa kong iyon. Sinusubukan kong kumalma. Agad kong dinukot ang isang limang piso sa aking bulsa at sinuksok iyon sa vendo machine ng nescafe, habang iniintay na lumabas ang aking kape ay agad kong dinukot ang isang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa.



Ok ka lang, doc?” tanung ulit ni Jon, tumango lang ako.



Here let me help. Mukhang tense na tense ka at di nagana ng maayos ang fine motor skills mo ah.” pagkasabi nito ay kinuwa niya sa aking kamay ang aking lighter at sinindihan yun para sakin, di ko kasi masindihan ang sarili kong yosi dahil sa sobrang pangangatal ng aking mga kamay.



Thanks.” bulalas ko. Nginitian lang ako nito.



Siya nga pala, nakita mo ba si doki Enso? We're supposed to have our yosi break together.” tanong nito sakin.



Yup, he's covering for me sa ER.” sagot ko dito.



Ahhh.” nasabi nalang nito, bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Jase. Masama ang tabas ng mukha nito.



Jason!” tawag ng isang lalaki na kalalabas lang sa isang kotse, napatingin ako dito.



What happened?” tanong nito ng makalapit kay Jase. Tumingin ako kay Jase, basa na ng luha ang mga mata nito. Umiling lang ito tapos ay napatingin sakin at yumakap ng mahigpit.



Wala na si Dad.” bulong nito, nanghina naman ang aking mga tuhod. Tinapunan ko ng tingin si Nate, naluluha narin ito.



Aaron?” tawag nito saking pangalan ng mapansing ako ang niyayakap ng kaniyang half brother.



Excuse me.” sabi ko sabay kawala ng yakap kay Jase, agad kong tinungo ang pinto.



Doki, ok ka lang?” tanong ni Jon, sinundan pala ako nito. Umiling lng ako at napahawak sa puting pader ng ospital, nagsimula ng maubos ng tuluyan ang lakas ng aking mga tuhod. Mabuti naman at nandun si Jon at nasalo niya ako bago pa ako bumagsak sa sahig.



Enso! Enso!” sigaw ni Jon.


0000oooo0000



Pagod yan, masyado niyang pinu-push ang sarili niya. Nakita mo ba kung gano kakakapal ang librong binabasa niyan from cover to cover ng isang upuan lang?” sabi ng isang lalaki sa aking tabi.



Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakadungaw sakin ang tatlong tao, isang babae at dalawang lalaki, nakilala ko agad ang tatlo, ang babae ay si Charity Sandoval, ward nurse sa 3rd floor central, si Enso na kapwa ko ROD at si Jon na siyang tumulong sakin kanina.



Asan ako?” tanong ko sa mga ito habang naikot parin ang aking paningin.



Asa HR office ka doki.” sabi ni Cha sakin saka ngumiti.



Ito na kasi ang pinakamalapit na office na pwede ka naming dalhin at ihiga.” sabi ni Jon, nagtaka naman ako, HR office may higaan? pero agad ko ring naalala na nurse psychologist si Cha at dito niya marahil pinapahiga ang kaniyang mga pasyente.



0000oooo0000



Couldn't save him. I tried everything though. Teka lang, kilala mo ba iyon?” tanong ni Enso sakin habang unti unti kong nginunguya ang binigay nilang sandwhich sakin. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Migs at isang lalaki.



Kuya!” sigaw ni Cha. Kapatid niya pala ang kasama ni Migs, di nakaligtas sa aking paningin ang paghahawakan ng kamay ng dalawang bagong dating. Ibinaling ko ang tingin kay Enso at tinignan ko kung ako lang ba ang nakapansin, pero lalo akong nagulat ng nagsusubuan ng sandwhich si Enso at Jon.



Nananaginip pa ata ako.” sabi ko sa sarili ko sabay tayo para makabalik nadin sa doctors quarters at para makapagpahinga narin ng tuluyan.



Oh, san ka pupunta? Ok ka na ba?” tanong sakin ni Enso, tumango lang ako.



Bakit doc? Ano pong nangyari? Kanina bigla ka na lang nawala sa ER tas napansin ko ring namumutla kayo.” tanong ni Migs na lumalantak narin ng sandwhich.



Hinimatay.” sabi ni Jon na siniko naman ni Enso.



Wala ito, pagod lang ito.” sabi ko.



Nga pala, hinahanap kayo nung relatives ng ER death natin, si Perea.” sabi ni Migs. Napatigil naman ako habang palabas ng pinto.



Ah ganun ba? A-anung sabi mo?” tanong ko dito.



Na bumalik na kayo sa quarters at kung gusto niya kayong makausap ay magpa schedule sila ng appointment.” sabi ni Migs sabay kagat ulit sa kaniyang sandwhich.



Kilala mo ba sila? Sorry kung kilala mo yung namatay, promise ginawa ko lahat.” kinakabahang sabi ni Enso.



Opo, doki, ginawa po ni Doc Enso lahat.” segunda naman ni Migs.



Ah, Oo, alam ko naman iyon, wag niyo na akong pansinin masama lang talaga ang pakiramdam ko. Salamat nga pala Enso ah, wag mo ng intindihin yun, di kita sinisisi.” sabi ko, tumango lang ito, agad na akong naglakad palayo.



Nakita ko silang nagyayakapan kanina nung anak ata yun.” narinig kong sabi ni Jon habang naglalakad ako paliko ng hallway.



Inexpect ko na na yun ang magiging topic nila sa oras na makaalis ako sa kwartong iyon kaya't ikinibit balikat ko na lang iyon ang problema ko ay kung pano ko matatakasan sila Tita, Nate at Jase, ngayong alam na nila kung asan ako.



Oo no, tinawag niya kayang tita yung asawa kanina sa ER, kaya alam ko kilala niya ang mga iyon. Pero wala rin naman akong natatandaang Tita niya na malapit dito nakatira.” sabi naman ni Enso. May pagaalala sa kaniyang boses.


Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong sumakay doon, pinindot ang 3nd floor kung saan nandun ang aming quarters. Di pa man nasara ang pinto ay nakita kong may humahabol na isang lalaki. Si Nate. Agad kong pinindot ang button para sumara agad ang mga pinto, pero huli na.



Aaron, usap tayo, please.”




Itutuloy...

Comments

  1. this is what i was looking forward to... the reunion of characters from other stories.

    i wonder if the breakeven characters will also fit in the plot. sana naman, para may updates na din tungkol sa kanila.

    thanks migs. love your stories.

    :-)

    ReplyDelete
  2. Nothing beats... Migz. Mahal
    Ko yan... :))

    ReplyDelete
  3. sana mgka-update agad... ang ganda kc eh hehehe more power,.. :))

    ReplyDelete
  4. tnx migs at ung advised namin ang binigay namin na simple lang ung blogs mo..kasi di naman ang designs,mga glitters, pa epek na mga scrolling o moving words ang gusto namin kundi ang iyong obra ay sapat na sa amin..update agad..

    ReplyDelete
  5. un un eh xDD
    anganda na ng story

    update update update!!

    -louie

    ReplyDelete
  6. di ko alam kung paano kita icongratulate sa mga stories mo... ang gaganda. san ka ba kumukuha ng inspiration? GALING!!!! Keep it up.

    ReplyDelete
  7. ugali ko talaga magbasa sa dulo ng hindi updated sa kwento..ngayon mas excited na ko imarathon talaga to..LAIB characters..tapos breakeven = malaking twist ng AAO XD gusto ko yan :D

    ReplyDelete
  8. wah kahit medyo nalulungkot ako na di na sumasagot si kuya migs sa pm sa kanya ok lang yun...

    sya pa rin ang isa sa mga idol ko....


    ito na nga ba ang pinakahihintay ko eh....

    parang clash of the titans...

    nagkita kita na rin sila...

    grabe talaga ang galing talaga ng idol ko...

    sobrang goosebumps sa chapter na 'to...

    ITO YUNG WOW FACTOR NA DI KO TALAGA EXPECTED!!!

    ReplyDelete
  9. @ Anonymous Aug. 7, 2011 8:55PM: Maraming salamt. please insert your name with your comment so I can thank you properly. :-)

    @Wastedpup: love you too! haha!

    @ Anonymous Aug. 7, 2011 10:49PM: Maraming Salamat din saiyo! :-) leave your name din para mapasalamatan kita ng maayos.

    @Russ: ganyan ko kayo kamahal na mga readers ko.

    @miserableshad/louie: thanks, I'll update soon. :-)

    @Jasper Paulit and aR: thanks!

    @kirk: sorry, sira ang fb chat ko and messages. delayed ang mga messages at hindi ko na siya nasasagot minsan. sorry. kung gusto mo sa email ko na lang ikaw mag pm muiguisalvador@yahoo.com. thanks sa patuloy na pagbabasa ric!

    ReplyDelete
  10. WOW! naglabasan ang mga characters ng LAIB..galing

    Para pati akong nanood ng Grey’s Anatomy sa dami ng medical terms…epistaxis ako!, hahahaha

    The characters from other stories na lumitaw though minor lang ang part (except lang kung me related na isa d2 :D) eh simply shows that ur stories are worthy reading from page to page, kaya mahirap makarelate kung di nasimulan sa una talaga…and it also shows creativity, well prepared and attention to every details, though some instances seems “insignificant” in one chapter, readers would realize later that these bits of stray scenes will be important in succeeding chapters..keep it up! (“,)

    Basa uli ako =)

    ReplyDelete
  11. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh..bumalik si migs at ed..lol..sila ung fave character ko since..wahhaaha..

    wala lang..masaya lang !ko a| nabasa ko sila ulit..wahaha...sila kasi an fave characters ko...pati si cha..

    ReplyDelete
  12. Love this chapter! I was amazed Migz, ang galing, you were able to infuse the previous characters on your previous stories. With that, you just again proved on how a great writer you truly are =)

    very creative...

    - Lance

    ReplyDelete
  13. Migs, I knw your a nurse kaya med-related talaga ang setting. Nice ΓΌ. Sana magng doctor din ako. Haha. 7 years pa :-D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]