Against All Odds 9
_____________________
Against All Odds 9
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nakaakbay sakin si Jase habang nanonood kami ng Gone with the wind. Isang napakagandang classic movie. Nakayukyok ako kay Jase habang nanonood, sa totoo lang ay di ko na gustong panoorin ang Gone with the Wind, marami man itong aral na itinuturo ay maraming beses ko narin itong napanood. Nakakasawa.
Nasa eksena na ginamit ni Scarlet O'hara ang gentleman na si Mr. Kennedy na orihinal na may gusto sa kaniyang kapatid. Pilit kong inaalala kung saan ba nangyari ang tagppong yun ng biglang nagsalita si Jase.
“Parang kami ni Nate.” pabulong na sabi ni Jase. Ito pala ang pilit kong inaaalala, ito pala ang kahawig ng nangyayari ngayon sa aming pinapanood.
“Bakit naman?” tanong ko dito. Natahimik saglit si Jase.
“Naaalala mo nung ipinakilala ka ni Nate kila Mom at Dad?” tanong sakin ni Jase, tumango lang ako at pinause ang pinapanood.
“Ako tandangtanda ko, nun kita unang nakita eh, nung nagaalangan kayo ni Nate na pumasok ng bahay at ituloy ang pagpapakilala mo kay Mom and Dad, andun ako asa taas, nakatingin sa bintana. Anyway, nang ipakilala ka ni Nate kila Mom and Dad dun ako simulang maawa sayo.” sabi nito napatingin ulit ako sa kaniya. Nagtaka.
“Kilala ko kasi si Nate, lahat na lang ng bagay sa kaniya laro, lahat na lang temporary, walang permanent sa kaniya, kaya takang taka ako kung anong nakita mo sa kaniya, di ko alam kung pano ka nakatiis sa kaniya. Nung mga ilang araw na ang nakaraan tinanong kita kay Mom, tinanong ko kung bakit di kita nakikita na doon sa bahay, ang sagot sakin ni Mom ay nung ipakilala mo si Nate sa inyo at nang malamang bading ka ay pinalayas ka at dahil dun ayaw mong humingi ng tulong kahit kanino kahit pa kay Nate.” tuloy tuloy na sabi ni Jase.
“Una nagtaka ako kung pano mo tinutustusan ang pagaaral mo at ng tanungin ko si mommy ay malungkot na lang niyang sinabi na pumasok ka na nga raw sa prostitusyon, na ikinataka ko naman dahil ng pansinin ko ang kinikilos ni Nate ay mukha naman itong walang iniindang problema, di makikitaan na nagaaalala siya at gumagawa siya ng paraan para matulungan ka. Dun ko naalalang mahilig nga palang manggamit ng tao si Nate. Parang si Scarlet o'Hara.” natigilan siya saglit at sumara ang kaniyang mga palad na kala mo anumang oras ay mananapak na.
Muli kong iniakbay ang kamay niya sakin at iniyukyok ko ulit ang sarili ko sa kaniya. Dahil sa ginawa kong yon ay medyo nagrelax si Jase.
“Sinubukan kitang hanapin, dahil napansin kong di na nalabas ng bahay si Nate, naisip ko rin na wala na kayo kaya't hinanap kita. Gusto kitang tulungan, pero di kita nakita. Ilang linggo pa ang lumipas at nagsimula ng kumalat sa bahay ang balak ni Nate na umalis ng bansa. Lalo akong nainis, lalo kong ginustong hanapin ka.” sabi ni Jase, nanginginig ulit sa galit ang boses nito.
“Pero pumunta ulit ako sa bahay niyo, di nga lang ako pina...”
“Oo, natatandaan ko rin yun, tinignan mo pa nga ako, kaso mukhang di mo ako nakita dahil nasa loob ako ng sasakyan at malakas ang ulan. Pumasok ako ng bahay at sinugod si Nathan sa kwarto niya, pilit inaalam kung bakit di ka niya labasin, pero nagsisi ako sa tanong kong iyon. Wala siyang sinabi kundi ang nandidiri siya sayo.”
Tahimik. Nangilabot ako sa kuwento ni Jase.
“Lumabas ulit ako ng bahay nang tumawag ang guard na nawalan ka daw ng malay...”
“Ikaw ying nag d-dala s-sakin sa o-ospital?” napiyok ko ng tanong dito, tumango lang ito bilang sagot, lalo kong inihigpit sa kaniya ang aking yakap.
“Ngayong alam mo na, sana wag mo ng kausapin ulit si Nate, nakita mo kung pano ko muntik mapatay yung gagong yun!” sabi ni Jase.
Nun ko napagtantong mahal na mahal talaga ako ni Jase. Pero agad ding sumagi sa isip ko si Sandra, para bang kahit anong ligaya ko sa piling ni Jase ay di ko mapipigilang sumiksik sa aking isip si Sandra at nakitang halikan nila sa opisina. Di ko na napigilan ang aking sarili.
“Tumatawag kanina si Sandra.” bulalas ko dito, napatigil siya at tumingin sakin.
“Anong sabi?” tanong nito habang namumutlang nakatingin sakin, sa pamumutlang yun ay nakita ko ulit na guilty si Jase, na may relasyon nga sila ni Sandra, pero di ko na iyon inilabas pa. Nagkibit balikat ako.
“Di ko alam, di ko naman sinagot eh.” nagbuntong hininga si Jase, nagkunwari naman akong di ko iyon napansin, pero ang totoo ay parang sinasakal ako at kasabay non ay ang paghirap sa aking paghinga.
“Nga pala naalala ko, alam niya ba ang tungkol satin?” tanong ko dito, kung posible pang mamutla si Jase at talaga namang namutla pa ito.
“Di eh... Uy, magtwe-twelve na pala! Anong gusto mong lunch?” pagiiba nito sa usapan, di ko na pinahalata dito na medyo naguluhan ako sa kinilos niya.
“Kung gusto mo labas tayo?” tanong ulit nito sabay ngiti. Tumango na lang ako at pinilit ang sarili na ngumiti.
0000oooo0000
Halatang balisa parin si Jase habang nagmamaneho. Paminsan minsan ko itong tinitignan, miya't miya ang tingin nito sa kaniyang cellphone para bang may iniintay na tawag.
“Jase, ano kayang sasabihin ng Parents mo kapag nalaman nilang tayo ng dalawa?” tanong ko dito. Napatingin siya sakin saka ngumiti.
“Ok lang sa kanila. I'm sure. Nung sinabi ko sa kanila na hahanapin kita para tulungan dati, sila pa mismo ang nagsabi na dalian ko na ang paghahanap sayo.” sabi nito sabay natawa.
“Eh pano yun, alam na nilang nagpapabooking ako, alam kong di nila nagustuhan iyon.” sabi ko dito, bahagyang nagisip si Jase.
“Mas lalo pa silang humanga sayo actually, alam naman nilang kaya ka nagkaganyan kasi ipinaglaban mo kung ano yung meron sainyo ni Nate. Sabi pa nga ni Dad, di siya makapaniwala na mas may bayag ka pa kesa kay Nate na mukhang astigin.” natatawang sabi ni Jase, nagbuntong hininga lang ako.
Nararamdaman ko kasi ulit ang galit kay Nate, parang sugat na pagaling na tapos kinamot kaya nagdugo ulit. Pero hindi lang galit ang nararamdaman ko, parang may pagaalinlangan din. Parang may kulang sa kwento ni Jase at parang may mali.
“Nagalit pa nga sila kay Nate kasi kung tutuusin kasalanan niya kung bakit ka nagkaganyan tapos bigla siyang aalis at iiwan ka.” sabi ni Jase sakin.
Tahimik.
“Alam mo, parang magandang ideya na sa bahay tayo maglunch. What do you think? Matagal ko naring di nakikita sila Mama.”
0000oooo0000
Tumigil kami sa harapan ng bahay nila, di ako makapaniwalang walang pinagbago ito. Inabot ni Jase ang kamay ko at hinawakan iyon.
“Relax ka lang. Everything will be ok, I promise.” sabi nito, nginitian ko lang ito.
“Aaron, hijo!” sigaw ng kanilang ina. Habang patakbo akong sinalubong.
“Tita.” bulong ko at nagsimula na akong mapaluha.
0000oooo0000
Nasa harapan kami ng malaking hapagkainan, nakangiti sa amin ang magasawa, halatang masaya sa mumunting reunion. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Nate, natigilan ito, tinignan namin siya ni Jase, inabot ni Jase ang aking kamay at mahigpit na hinawakan yun.
“Mabuti naman at nakarating ka.” sabi ni tito.
“I'm sure naaalala mo si Aaron.” sabi naman ni Tita.
“Of course.” sabi ni Nate sabay lapit sa hapagkainan at bumeso sa kaniyang ina at ama ng hindi inaalis ang pagkakatitig samin. Matalas na titig.
“Nung tumawag si Jason na dito sila mananaghalian ni Aaron ay tinext ko naman si Nathan. You see I want this all be settled with. Ayaw ko ng samaan ng loob.”
“I think it's too late for that, mom.” sabi ni Nate. Hinampas ni Tita ang lamesa na talaga namang nakapagpakaba samin lalo na sakin. Halatang si tita ang nasusunod sa bahay na ito.
“Well, kung si Aaron ang may sama ng loob sayo, maiintindihan ko.” sabi ni Tita saka tumingin sakin.
“I wouldn't blame Aaron also.” segunda ni Jase.
“Wow, hot seat while having lunch!” sarkastikong sigaw ni Nate.
Napatingin kaming lahat kay Nate, di kami makapaniwalang ginagawa niyang biro ang lahat ng ito.
“Wag kang maghugas kamay Jase!” biglang sigaw ni Nate.
“Matagal mo ng kilala si Aaron, matagal na kayong nalabas, you didn't tell him the truth, heck, you didn't even do anything about Aaron and his booking! Sa halip ikaw pa nga nagmanage at ginawang business si Aaron diba?! C'mon Jason! Don't give us that not guilty look! Ilang tao na sa modeling world ang napagtanungan ko, kalat na kalat ang baho niyong dalawa!” sigaw ni Nate.
“Totoo ba ito, Jason?” tanong ni tita kay Jase.
“It was Aaron's decision Ma, wala akong magawa kundi alalayan lang siya. Ayaw niyang tulungan ko siya for medschool. Feeling niya kasalanan niya kung bakit siya nagkakaganito and feeling niya it's up to him to solve the problem he and Nathan have caused! Atleast di ako nandiri at di ko siya nilayasan!” sigaw ni Jase habang nakatingin kay Nathan.
“Di lang yun, Ma. Alam mo bang they're relationship got very cold na parang business na lang ang turing ni Jason kay Aaron?! Ano ngayong sinasabi mong di ka nandiri! Aminin mo rin na kaya ka biglang bumawi kay Aaron at nakipagsweet-sweetan sa kaniya ulit ay dahil alam mong nagbalik na ako! Your're threatened na baka agawin ko sayo si Aaron at mawala ang paghanga sayo nila Mom!” sigaw ni Nate.
Napatiim bagang ako sabay nanikip ang aking dibdib.
“Ito pala ang nararamdaman kong parang kulang. May punto si Nate, naging sweet ulit sakin si Jase dahil nakita niyang nagbalik na si Nate. Kung tutuusin tamang tama ang timing. Naging sweet ulit si Jase nang makita niya kaming magkausap ni Nate sa lobby ng hotel, pagkatapos nun nilambing ulit ako nito. Ngayon alam ko na yung kulang.” sabi ko sa sarili ko.
“Inaamin ko, ginawa ko yun, pero dahil naapakan din ni Aaron ang ego ko! Ayaw niyang magpatulong. Alam niya at alam kong alam niya na mahal ko siya. Mahal na mahal!” sigaw ni Jase, binitawan ko ang kamay nitong nakahawak sakin.
“Ano Ma, feeling mo ako lang ang tuso dito?! Tuso rin si Jason! Lilinawin ko lang din ha. Kaya ako umalis for the states ay para magaral at magsikap, para paguwi ko dito matutulungan ko na si Aaron ng hindi nahingi ng tulong sainyo! Gustong gusto ko ng umuwi, di ko lang magawa kasi ako ang kasama ni Dad sa sessions nito for chemo! Alam mo yan, Mom! O nakalimutan mo naring may dati kang asawa na Gustav ang pangalan at namatay dahil sa colon cancer?!” sigaw ni Nate sa kaniyang Ina.
Natahimik kaming lahat. Yurak na yurak na ang pagkatao ko sa lamesang ito at ang masama dun, nakasira pa ako ng isang pamilya pero di lang iyon ang naisip ko. Naisip ko na kaya lang pala ako nilapitan at tinulungan ni Jase ay para makuwa niya ang approval galing sa ina, para maipamukha niyang masamang tao si Nate.
“Ano ako, trophy?!” sabi ko sa sarili ko.
“The star of a son is not a star afterall. Kung ako sayo Aaron magiingat ka kay Jase. Kinakaladkad ka lang niyan para maipamukha kay Mom na mas nararapat siyang anak! Hindi dahil gusto ka niyang tulungan, hindi dahil gusto ka niya at lalong di dahil mahal ka niya!” sigaw nito. Napatayo na ako saka hinampas ang lamesa.
“Tama na!” sigaw ko.
“Tita, sorry, pero di na po ito mauulit.” agad akong tumayo, di ko na inintay ang sagot nila tita at tito agad agad na akong naglakad palabas.
“Aaron, wait! Sigaw ng dalawa sa aking likod.
Mabilis akong naglakad palabas at halos patakbo ko ng tinungo ang gate.
“Aaron!” sigaw nila pero di na ako humarap ulit sa kanila.
Mabilis kong tinakbo ang driveway palabas ng gate, hanggang sa may kalsada palabas ng village natakbo nadin ako. Para akong sira, parang nagjo-jogging na nakamaong, longsleeves at toms. Para akong taong nakawala sa circus at pilit na tinatakasan ang mga nagpapasinaya nito.
“Sa totoo lang galing ako sa mundo ng circus at isa lamang akong attraction sa kanila. Di ako tao kundi isang bagay para sa entertainment.”
Mabilis akong nakarating sa highway, di na ako natakbo ngayon, napapagod na ako, alam kong wala dapat ako doon dahil malaki ang chance na masagasaan ako. Napatingin ako sa toms ko at biglang naawa. Malapit na itong magkulay itim. Parang pagkatao ko, lalong dinudumihan ng mg taong akala kong sasalba sakin.
Agad namang bumalik sa aking alaala ng circus na aking pinanggalingan at ang mga huling naganap doon. Wala ni isa sa kanila ang tumuring sakin na tao, taong may damdamin at taong pwedeng masaktan.
Tama ang analogy. Isa lamang akong atraksyon sa perya para sa kanila, sila tito at tita, ginamit nila akong instrumento para makita ng mga anak nilang brat ang realidad. Si Jase, ginamit niya lang ako para malaman ng kaniyang ina kung gaano siya kabait at katalinong anak. Si Nate, ginamit niya lang din ako at ang pagmamahal ko para may marating siya sa buhay, kunwari pa siya, ginamit niya lang din naman ako para aprubahan siya ng kaniyang ina.
“They're nothing but bunch of morons and I'm the imbecile who follows them wherever they go.” Pagkatapos kong sabihin sa sarili ko iyon ay miya mo nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at napaluhod na lang sa mainit, madumi at mabahong aspalto ng high way na iyon.
Para ako ngayong si Scarlet O'Hara sa pelikulang gone with the wind. Isang taong nagpupuyos sa galit at gustong gusto ng pagbabago.
Laking tuwa ko ng makita kong malapit na ako sa boarding house na dati kong inuupahan. Kung titignan mo na ako ngayon ay parang di ako modelo, ang dungis dungis ko, ang baho baho at ang lagkit lagkit. Natawa na lang ako ng maisip na sa kabila ng lahat ng nangyari kila Nathan ay naisip ko pa ang itsura't amoy ko.
“Aaron?! Hijo! Anong nangyari sayo?!” sigaw ni aling Babs ng makita ang itsura kong miya mo ginahasa.
“O-ok lang ako aling Babs, napagtripan lang.” sabi ko dito saka malungkot na ngumiti. Agad na akong tumapat sa aking pinto ng maalalang di ko nga pala dala ang susi noon.
“Aling Babs? Pwede bang mahiram yung spare?” tanong ko dito.
Hinayaan kong tumakbo ang shower, umupo ako sa sahig ng banyo at duon nagiiyak. Inubos ko ang luha ko nung gabing yun, dahil alam ko, sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon di ko na gagamitin ang mga luhang iyon.
At hinayaan kong hugasan ng maligamgam na tubig na nanggagaling sa shower head na iyon ang lahat ng emosyon ko.
Itutuloy...
I guess, I'm not wrong na ginamit lang ni Jase si Aaron. I hope Aaron should analyze the side of Nathan.
ReplyDeleteNot only Aaron is an egoist, but he is also selfish, emotional and weak same as Scarlett O'Hara's role in Gone With the Wind.
Buti na lang na post ito after I made a comment sa Chapter 8.
Awesome Migs!
-Slythex
I hope you're not offended that I criticized your characters. I believe doing so is how a review is made.
ReplyDeleteI don't settle for just a "great story" or "awesome post" in a single line for a comment. I hope you're okay with the way I do the commenting/ review of your story.
And another thing...
I like this chapter. It's intense, full of revelation and Nathan really shows his angst side. I can't help but hate Jase.
Hey Slythex! Thanks for the comment or should I say review? Don't worry no offense taken. Your Comments are really refreshing, bihira kasi ang mg comment na katulad ng sayo, mostly kasi ang mga comments na nababasa ko is about what they "feel" and not much about what they "think". Yours have both and i really appreciate it.
ReplyDeleteThanks again and please don't stop reading my stories. ^_^
Noted Migs!
ReplyDeleteThanks!
so much pain pag ikaw ang nasa kalagayan ni aaron panu mo pa haharapin ang bukas ang lahat na alam mo na aagapay at makaksama ay ginamit at pinaglaruan ka lang pala ang iyong pag ibig at iyong katauhan. sino sa kanilang dalawa ang tunay na nagmamahal kay aaron? next story please
ReplyDeleteroyvan24
nasaktan ako para kay Aaron sa sinabi ni slythex XD
ReplyDeleteang galing nga niya kasi malapit na niya matapos ung residency niya...
aral palang stress na, dagdagan mo pa ng mga problema sa pang araw-araw at buhay pag-ibig..
parang di siya tinatablan ng staphylococcus aureus kasi naaalagaan pa niya ung katawan niya nang ganun kaayos considering his problems... hahaha
▬ whew!! kakabtin nmn
ReplyDelete▬ CallBoy
Keep it up Migz...
ReplyDeletethis chapter is full of revelations on both siblings...
ReplyDeletekaso parang much deeper pa, siguro masasagot un sa suceeding chapters, there is something behind all of it (i think) ewan ko lang, hahaha
aaron's positon here "lowest of low", hay naku migs pabitin ka talaga =)
personal feeling d2 sa chapter na to: INIS, hahahaha, naiinis ako un lang..basa uli (",)