Against All Odds 12
_________________________
Against All Odds 12
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Magdadalwang oras na akong nakakulong sa kwartong inihanda para sakin ni Jase, nung una ay sa kwarto niya pa ako pinapatulog pero tumanggi ako. Di ako tanga. Di na ako magpapakatanga. Pumayag na akong bitiwan ang isa pang ospital na pinagtatarbahuhan ko dahil sa hiling narin ni tita, ayon kasi sa kaniya ay kailangan ko rin ng pahinga pero ngayon, naisip ko bigla na di rin naman ako makakapagpahinga. Nasa ganito akong pagmumunimuni ng may kumatok.
“Ayan na nga, pano ako makakapagpahinga pag ganyan?” tanong ko sa sarili ko.
“Aaron, kain na. Naghanda ako ng...” simula nito ng pagbuksan ko siya ng pinto.
“Di ako dito kakain. Lalabas ako.” malamig kong sabi dito, agad nagiba ang tabas ng mukha nito.
“Sa-samahan na kita.” alok nito.
“Di ko kailangan ng driver.”
Di na ako nagdalawang isip pang lingunin ang reaksyon ni Jase. Sa totoo lang wala na talaga akong pakielam.
0000oooo0000
Nilalasap ko ang sebo at mantika ng fastfood, ngayon na lang kasi ulit ako nakakain ng ganito, and honestly, I think I owe it to myself. Sarap na sarap ako sa pagkain nun pero di ko rin mapigilang mapaisip.
“Pagkatapos nito? Ano na? Babalik ako sa bahay ni Jase at ano? Panibagong drama na naman?” tanong ko sa sarili ko at nagbuntong hininga.
Tama ang pangamba ko, drama nga ang inabutan ko sa apartment ni Jase, nasa sala ito at nanonood ng koreanovela, sa coffee table ay nagkalat ang basyo ng bote ng beer, marami nang naiinom si Jase base saking obserbasyon.
Tuloy tuloy akong naglakad papuntang kusina para kumuwa ng maiinom, nang mapadaan ako sa dining table ay napansin ko ang nakaahin na pagkain, hindi ito nagalaw, pang dalawang tao ang nakaahin. Marahil ay di na kumain si Jase nang tanggihan ko ang alok nito kanina. Naglalakad na ako papasok ng kwarto ng biglang nagsalita si Jase.
“Kailan mo pa nalaman ang tungkol kay Sandra?”
Napatigil ako.
“Importante pa ba iyon?” simula ko, marahil ay naginit si Jase sa aking sinabi kaya't mabilis itong naglakad papunta sa aking harapan, tila mananapak sa ayos niya.
“Nakikipagusap ako ng maayos!” sigaw nito.
“Hindi! Hindi ka nakikipagusap ng maayos! Lango ka Jase! Atsaka sabi ko sayo di na importanteng malaman mo pa!” sigaw ko dito, tila naman natauhan ito sa kaniyang ikinikilos.
“Nung araw na dapat susunduin kita sa ospital, nung nagdala ka ng shawarma sa opisina...”
“Oo! Dun ko napatunayan na may relasyon kayo! Tangina Jase! Napapagod na ako! Matutulog na ako, Ok?!” sabi ko dito sabay talikod at ng aktong isasara ko na ang pinto ay pinigilan niya ito gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
“Yung araw na yun na nakita mo kaming naghahalikan sa opisina ko, yun yung araw na nakipaghiwalay ako sa kaniya.” sabi nito. Pareho kaming natahimik, nakaharang ang pinto sa pagitan namin at ilang pulgada na lang ay sasara na ito kung hindi lang ito pinipigilan ni Jase.
“Gaya ng sinabi ko Jase, di na importante yun. Wala na akong pakielam kung kanino ka pa makipagkalantarian.” sabi ko dito sabay puwersahang isinara ang pinto. Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog. Sinuntok ni Jase ang pinto.
0000oooo0000
“Is Jase treating you well, hijo? Sabihin mo lang kung hindi at ihahanap kita ng malilipatan.” sabi ni Tita sa kabilang linya, tumawag ito para malaman kung natuloy ba ang pagresign ko sa isang ospital at kung dito ba talaga ako kay Jase nakatira.
“Ok, naman po tita. Wala pong problema dun.” sabi ko, sumulyap ako kay Jase at nakita itong naglilinis ng kalat niya nung kinagabihan, may benda ito sa kanang kamay, nakasimangot at kala mo bampira sa putla at pula ng mata sa hangover.
Mula ng lumabas ako ng kwarto nung umagang iyon ay di kami nagkikibuang dalawa. Wala naman kasing dapat pagusapan.
“Mabuti naman kung ganon. But hijo, don't hesitate to tell me if Jase isn't treating you well ha?” sabi nito, sumagot ako dito ng “Opo.”, minamadali na ang aming paguusap ng makapagkulong ulit ako sa kwarto.
“Nga pala, hijo, I'll be extending my stay here. Medyo parang kailangan ko pa ng konting time to unwind.” sabi nito na ikinagulat ko naman, gusto ko na kasing makaalis sa bahay na iyon ni Jase at samahan si Tita sa kanilang mansyon pero mukhang magtatagal pa ata ako dito sa puder ni Jase.
“Ah ganun po ba Tita, eh, ingat na lang po kayo dyan and don't worry about us. O-okay naman po kami dito.” nautal ako habang nagsasabi ng kasinungalingan kay tita dahil tinapunan ako ni Jase ng masamang tingin.
“Ok, hijo. Ingat din kayo dyan. Can you put Jase on the phone.”
Agad hinanap ng paningin ko si Jase, nakita ko itong nagpupulot ng mga basyo ng beer sa sala, humarap ako dito, siguro nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay tumingin narin ito sakin, iniabot ko sa kaniya ang telepono, nakasimangot naman itong lumapit sakin at inabot ang phone.
“Hello, Ma.”
Agad akong pumunta sa aking kwarto pero di ko sinaran ang pinto ng kahit papano ay malaman ko kung ano ang pinaguusapan nila Tita.
“Of course, Ma. I've been a good host. Pinaghanda ko pa siya ng food, it's just that mataas lang talaga ang pride ni Aa...”
“No, Ma! I'm treating him well!...”
“Anong hindi siya masisisi if he decided to put his wall up... ? Wala akong ginawang masama...” pero tulad ng mga naunang pagrarason ni Jase sa kaniyang ina ay nabalewala lang din ito. Sabay nagbuntong hininga.
“I'll try, Ma. Anong don't just try...? Napakataas ng pride nitong taong to! Ok, ok fine!”
Patuloy parin ako sa pakikinig ng biglang sumilip si Jase sa aking kwarto at ibinabalik ang telepono ko sakin. Nang maiabot ito sakin ay agad din itong tumalikod. Nakasimangot parin ito.
0000oooo0000
Nang makaalis na si Jase para pumasok sa kaniyang opisina ay saka ako nagsimulang magikot ikot sa apartment pero agad din akong nabagot kaya't naisipan kong lumabas. Di ko alam kung bakit pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakaharap sa ospital kung san kami nagtratrabaho ni Enso.
“Oh, bakit andito?” tanong sakin ni Enso ng pumasok ako sa quarters, nagbabalot narin ito para makauwi.
“Namiss ko lang ito.” pertina ko sa quarters.
“Namiss eh andito ka lang kahapon! Nga pala. Nandito kanina sila Inay. Nagpacheck up.” sabi nito, alam ko kung sino ang sinasabi nitong inay. Ang nanay ko.
“Ha?! Bakit?!” tanong ko dito at biglang nagalala.
“Wala naman, kailangan lang daw para sa business permit.” sabi nito napabuntong hininga naman ako sa nalamang walang masamang balita.
“Di ka pa ba magpapakita sa kanila? Tumatanda narin sila. Huwag mo akong tularan, kung kailan mamamatay na si Dad saka ko siya pinatawad.” sabi ni Enso sakin. Agad akong natigilan sa sinabi nito. Napabuntong hininga ako.
“Sana wag mo paring sabihin na nagkita na tayo, Enso.” sabi ko dito.
“O-Oo naman. Pero sana, Aaron, pagisipan mo yang ginagawa mo sa kanila, malamang nahihirapan na yung mga yun sa kakaisip sayo. Ikaw na lang ang meron sa kanila, at kung ano pa man ang dahilan mo sa pagalis sa puder nila di naman siguro nun mababago ang katotohanang sila ang mga magulang mo at ang mga nagpalaki sayo at nagmahal.” sabi ni Enso, bigla kong naalala ang mga nangyari nung huli kaming nagkita.
“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako, pagtatawanan kita.”
“Di pa siguro ito yung tamang panahon, Enso.” sabi ko dito, tumango na lang si Enso sakin sabay upo sa aking tabi.
“San ka ba nakatira ngayon?” nakangiting tanong nito sakin, agad naman akong kinabahan.
0000oooo0000
“Saglit lang naman eh!” pagpupumilit sakin ni Enso.
“Wag na, magulo ang loob.” sabi ko dito habang hinaharangan ang pinto para hindi ito makapasok.
“Ito naman, hinatid ka na nga namin dito ni Jon. Sisilipin ko lang naman eh.” sabi nito sakin at pilit isinisiksik ang sarili para makalagpas at makapasok sa apartment. Nasa ganun kaming tagpo ng biglang bumukas ang pinto.
“Ano 'to?” tanong ng isang lalaki sa aking likuran.
“Hello. Ako nga pala si Enso...” pero agad din itong natigilan.
“Teka kilala kita ah.” sabi ni Enso sa lalaking asa likuran ko.
Nasa kusina ako at naghahanda ng matitimpla ng maiinom nila Enso at Jon ng biglang pumasok si Jase, nakasimangot parin ito tulad ng pagkakasimangot niya sakin kagabi at kaninang umaga.
“Nalingat lang ako ng saglit kung sino, sino na ang pinapapasok mo sa bahay. Kung kani-kanino ka na nasama.” tinapunan ko si Jase ng isang naeeskandalong tingin.
“Tarantado ka ba?! Mga katrabaho ka iyan!” bulyaw ko dito, nagtense ang mga muscles nito sa panga sa pagkakabulyaw kong iyon.
Nang matapos ko ng maihanda ang iinumin ng dalawang bisita ay agad akong lumabas at dinala ito sa kanila. Halatang may pinaguusapan din sila Enso at Jon ng lumabas ako at halata kong ko ang pinaguusapan ng mga ito dahil bigla silang tumigil ng pumasok ako sa eksena.
“So, Pano kayo nagkakilala?” intrimitidong tanong ni Enso. Siniko ito ni Jon.
“Manager ko si Jase, dati.” sagot ko sakto namang pasok ni Jase sa kwarto. Seryoso parin ang mukha nito.
“Ahhh. Manager saan?” tanong ulit ni Enso. Napakunot naman ang noo ni Jon na ikinataka ko.
“Sa modeling.” sagot ni Jase. Napatango na lang si Enso.
“Ex-boyfriend niya din ako.” habol pa ni Jase na ikinagulat naman naming tatlo. Lumingon ako dito at pinandilatan siya ng mata.
“Whoah! So I guess the cat is out of the bag.” mahanging sabi nito sabay nangiinis na tumingin sakin.
Nagbuntong hininga ako.
“Ngayon alam mo na kung bakit ako pinalayas sa bahay, Enso.” sabi ko dito. Lumatay naman ang pagaalala sa mukha nito.
0000oooo0000
Hinatid ko sila Enso palabas ng bahay, tahimik ito at halatang di mapakali sa nalaman. Nang kakamayan ko ito bago siya sumakay ng sasakyan ay bigla siyang yumakap sakin.
“Aaron, bakit di mo sinabi sakin noon pa? Ngayon lalo kong sinisisi ang sarili ko kung bakit nangyari tong lahat ng ito sayo.” humihikbi na nitong sabi sakin.
“Enso, ok na ako ngayon. Actually kung alam mo lang kung ano nangyari sakin nung mga unang buwan pagkatapos akong palayasin ay talagang masasabi mong ok na ako ngayon. Wala sakin lahat ng ito, ok. Di kita sinisisi. Di ko kayo sinisisi ni kuya Sam.” naluha itong tumango sakin.
0000oooo0000
Pabalang akong pumasok ng bahay.
“Magusap nga tayo!” sigaw ko kay Jase. Nagliligpit ito ng pinagmeryendahan nila Enso.
“Ngayon gusto mong makipagusap.” sarkastikong sabi nito sakin.
“Talaga bang gustong gusto mong sinisira ang buhay ko ha?!” sigaw ko dito, matalim ang ibinalik na tingin nito sakin.
Itutuloy...
First ne..naggagawa nga naman ng insomnia oh..hehe First one..
ReplyDeletethe suspense is quickly building..hmmm ang ganda ng chapter na to, parang may panibagong revelation ulet huh...
thanks po for sharing kuya migs..
@MERVIN: haha! nocturnal ka tsong! pareho tayo! :-D
ReplyDeleteanyways, about sa twist/ revelation...
I DID put some twist.. and I released the 1st 3 chapters na nagco-contain ng "twist" na iyon pero mukhang walang nakapansin. haha! oh well :-D Thanks MERVIN! ^_^
Salamat narin in advance sa mga magco-comment! ^_^
I'm back! Mejo naguguluhan ako sa mga characters ngayon Migs. Sino si kuya Sam? yun biological na kapatid ni Aaron? Si Enso? Kuya-kuyahan lang ni Aaron? Yun ba yung twist na sinasabi mo? Pano nagkakilala si Enso at Aaron? Did they met before? Sorry tamad akong bumalik kung naisulat mo na dun sa previous chapters. Tsaka Andun ba si Aaron dun sa storya nila Jon at Enso? dun sa dating stories?
ReplyDeletehintayin nalang natin ang pag papakilala kay sam at kung bakit magkakilala c enzo at aaron.. :D
ReplyDeletegustong gusto mo ba talaga kaming binibitin?grrrr ahahaha...next chapter na po please!
ReplyDeletei was a little bit doubtful of enso's character before! who he was and what was his connection to aaron until this chapter! so now, more revelations came up and the chapter's getting more intense! the flow of the story is unpredictably canny! the characters are well thought of...they have this distinct characteristics that will move you when you read this story! so much loving this story every chapter...next chapter na po please!hehe
Eto na ata ang pinaka mahabang serye na nabasa ko sa blogsite mo Migz. And it is getting better and better per chapter. Brother pala ni Aaron si Sam. Ung unang bf ni enso. Ang galing naman... Connect the dots talaga. Da best ka Migz, my labz. Hehe
ReplyDeletenice!! i love it!! next chapter please :D so excited!!!
ReplyDeletegrabe, di ako makaget over d2, nabitin ako
ReplyDeletenice po, next chapter na pls.
si sam ba yong namatay na?
ReplyDeletewitwew! galing galing!
ReplyDeleteang ganda na ng story mas gumanda pa!
magsasapakan na kaya sila? XDD
galing mo talaga kuya migz:)
-louie
Hi Migs! (feeling close? nyahaha)
ReplyDeleteIsa ako sa mga silent readers sa blog mo. At masasabi kong nahook talaga ako dito. Pa'no ba naman, eh sa one week lang (actually 6 days, since Sunday ko pa lang ito nadiscover.. hehehe), natapos ko lahat ng entries mo dito.
Yep, nabasa ko lahat2x. Wala kang katulad tol. Una kong nabasa ang LAIB mo sa BOL. Wala talaga ako masabi. Sa lahat ng mga authors na nagplug ng kanya-kanyang blogsites dun, sa iyo lang ang kaisa-isa kong binasa 'from cover to cover'. And in 6 days lang ha, ganoon ako ka-addict sa mga stories mo.
Pero ang siste eh, straight ako. Straight na curious. Hindi pa (emphasis on PA? hahaha) kasi ako nainlove sa aking kapwa. Pero ewan ko ba, talagang kinikilig ako sa mga stories dito at napapadala din sa iba't-ibang mga emosyong kaakibat ng mga ito.
So yun. At this is the very first time na nagleave ako ng comment, sa kahit anong blogsite. Sa dinamidami ko nang nabasa na blogs at stories, ito ang first time na naisipan kong magcomment. This is my simplest way of showing my utmost gratitude to you for sharing your stories. I am really not pertinent on descriptions, especially when I can't think of a perfect word that it may just fall short and may do your stories injustice. Come to think of it, I just mentioned it.
PERFECT. Yun na yun. Yan ang blogsite mo.
Kaya 'pagpatuloy mo lang tol! =D
-rover
naiintriga ako talaga, talagang lumalabas na ang talento ni migs, hahahahaha (^^,)_v....anyway ganda ng flow, away, kulitan, pati ako naguguluhan kung kanino ba talaga mapupunta si aaron, this chapter focuses more on aaron-jase affair, parang nililift up mo ang dreary at unlikelihood na magkakatuluyan si jase at aaron, para sa mga fans ata ito ni jase, hahahaha...lalo tuloy akong naguguluhan kung kanino ba siya mapupunta, as always maganda at nakakabitin na chapter, next na! (",)
ReplyDeletewah super nakakaadik pa rin talaga 'to..
ReplyDeletenakakahilo ang emotional roller coaster na dinadaan ni aaron...
potek ang galing galing mo tlga kuya migs...
bakit ba nakakaadik ang stories mo?
(ahahaha itanong ba naman daw yun)
anyways basta idol k tlga kuya migs.
ang galing nang connect connect ng karakters...
pag binabasa ko yung gawa mo parang dinadala ako sa ibang mundo kung saan kakilala ko yung mga karakters at nararamdaman ko rin ang emosyon nila. bawat luha at tawa nakikisabay na ata ako sa kanila. pati rin sa kilig.
grabe tlga :)
ito yun oohh..
ReplyDeletesi sam na exboyfriend ni ENSO is kapatid ni Aaron...si sam ay patay na...current na bf ni ENSO si jon...yun yun...ung story)nila )s nasa LAIB...bashain niyo lang...iconnect nyu un...hahaha...
...ed and migs avid fan.lol.>di naman confusing ahh..
"I DID put some twist.. and I released the 1st 3 chapters na nagco-contain ng "twist" na iyon pero mukhang walang nakapansin. haha! oh well :-D Thanks MERVIN! ^_^"
ReplyDeleteSorry, hindi ko napansin ung mga scenes na may 'twist'. Nagiliw kasi ako sa takbo ng story ni Aaron. Pero excited akong malaman. Ahahaha...
Kudos! Kuya Migs.
kaya pala magkakilala sila aaron at enzo kasi kay sam now I get it
ReplyDeletesi sam yung dating boyfriend ni enzo na namaaty sa aksidente.
ganda ng story huh
Migs, kudos, galing ng mga gawa mo.
ReplyDeleteAnyway, natutuwa ako sa pagkakaconnect ng bawat character kaso masasabi mo talagang fiction lang sa kadahilanang, masyadong marami ang bi, magkakatrabaho(jon, migs, enso), magkakapatid(ram and edison, sam and aaron, jase and nate). hehe, sabagay, sino ba naman ako para magreklamo? pero ang galing talaga ng pagkakahabi mo ng mga kwento mo.
Maraming salamat!
-biag
Hehhe di ko tuloy npigilan ung srili ko n mag-iwan ng comment,parang npuna ko din ksing puro bi. nga ata ung mga carakter dto,, pero ok lang maganda nmn,,medyo nkakaasar ngalang ung bida masyado atang tanga hehehe,,,makapagbasa nga,,salamat,,
ReplyDeleteHehhe di ko tuloy npigilan ung srili ko n mag-iwan ng comment,parang npuna ko din ksing puro bi. nga ata ung mga carakter dto,, pero ok lang maganda nmn,,medyo nkakaasar ngalang ung bida masyado atang tanga hehehe,,,makapagbasa nga,,salamat,,
ReplyDeleteHehhe di ko tuloy npigilan ung srili ko n mag-iwan ng comment,parang npuna ko din ksing puro bi. nga ata ung mga carakter dto pero ok lang maganda nmn medyo nkakaasar ngalang ung bida masyado atang tanga hehehe,,,makapagbasa nga salamat,,
ReplyDelete