A Swimmers Tale (Short Story)

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Nakatitig si Frank sa harapan ng kaniyang salamin, wala maski isang emosyon ang mababasa sa kaniyang mukha. Blangko niyang tinitigan ang sariling repleksyon, isang luha ang pumatak mula sa kaniyang kaliwang mata.



000ooo000



Ayan nanaman siya oh.” sabi ni Janice sa kaniyang mga kabarkadang si Lea at Mitch na katulad niya ay inaayos ang mga gamit na ginamit nila sa P.E. nila na swimming.



Oo nga ano, tama yung sinabi ng mga seniors saka mga alumni ng school, araw araw pala talaga siya dito.” sabi naman ni Lea.



Alam ko ang buong kwento kung bakit siya nagka ganyan.” pagmamayabang ni Mitch, napatingin naman sa kaniya ang dalawang kaibigan.



Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Janice habang pinatutuyo ang buhok gamit ang isang maliit na twalya.



Kaklase yan ni dad dito nung time nila. Ang pangalan niya ay Frank.” sabi ni Mitch habang pinapanood si Frank na palakad lakad sa paligid ng pool. Sakto namang lumabas ang isang lalaki sa isang kwarto malapit sa pool.



Edi ba classmate ng dad mo si Sir Lim, edi ibig sabihin nun kilala rin ni Sir Lim si Frank?” sabat naman ni Lea nang makita ang coach nila na kalalabas lang sa isang kwarto malapit sa pool.



Oo nga, alam ko nasabi mo yan samin dati, Mitch.” pagsang ayon ni Janice sa naunang sinabi ni Lea.



Malamang.” sabi ni Mitch habang mataman nitong pinapanood ang kanilang P.E. teacher na siya ring coach ng swim team ng university na iyon. Nakita niyang tinitigan saglit ni Mr. Lim ang lalaking tinatawag na Frank at ilang segundo pa ay napailing ito saka naglakad palayo.



Nakwento sakin ni Dad na sobrang nadepress daw si Frank sa nangyari noon sa kaniya.” sabi ni Mitch, sabay sabay na tinignan ng magkakaibigan ang lalaking tinatawag na Frank, blangko ang mukha nito, di makikitaan ng emosyon ang mukha.



Kwento mo naman samin, Mitch.” napangiti si Mitch sa sinabing yun ni Lea. Di na siya nagaksaya ng panahon at nagsimula ng magkwento.



000ooo000



Tahimik na nanonood si Frank sa mga kaklase niya na masiglang lumalangoy sa pool ng kanilang unibersidad, malaki ang pool na iyon, olympic size at talaga naman nakakapagod languyin ng pabalikbalik pero bata pa lang siya ay pinangarap na niyang languyin iyon. Napabuntong hininga na lang siya dahil alam niyang di mangyayari yun.



Hey, kanina pa kita tinitignan, bakit di ka sumali sa PE niyo ng mga kaklase mo?” tanong ng isang lalaki, napakunot ang noo niya, kilala niya ito, isa rin itong estudyante doon sa kanilang iskwelahan, ang totoo niyan kaklase pa niya ito sa iba niyang klase doon.



Nga pala, I'm Jay.” pakilala nito kay Frank, inabot naman ni Frank ang inaabot nitong kamay at nagpakilala narin.



I'm Fr...”



Frank Villanueva, I know, kilala kita, I don't know if you know me pero we're seat mates in Algebra.” pagtatapos ni Jay sa pagpapakilala ni Frank.



S-sorry. I guess I'm a lame seat mate huh?! Di kasi talaga ako palakibo lalo na kung may nakaahin sa harapan ko na mga numbers and mathematical equations.” nahihiya niyang sabi sa katabing si Jay na nagaayos narin ng gamit para sa kalse nitong swimming na pagkatapos naman ng klase nila Frank.


Oo nga eh. Ilang beses na akong nagpapapansin sayo pero sa black board ka parin nakatingin.” natatawang sabi ni Jay na ikinataka at ikinainis naman ni Frank.



But I'm not saying that you're lame ha...” kinakabahang biglang bawi ni Jay dahil sa mukhang na offend na si Frank. Binigyan lang siya ng matamlay na ngiti ni Frank. Sinampal naman ni Jay ang noo sa pagiging takleso nito.



Sensya ka na, may pagkaintrimitido talaga ako minsan eh.” naiiling na sabi ni Jay dahil sa ginawang kahihiyan. Di na sumagot si Frank, tumango lang ito bilang pagkilala sa paghingi ng tawad ni Jay.


So, bakit nga di ka kasma ng mga classmates mo na nag P-PE?” tanong ulit ni Jay, umaasang makakabawi siya sa kaintrimitiduhang sinabi niya.



I have weak lungs, Asthmatic ako. My Dad said I can't swim dahil sa oras na atakihin ako while doing lapses sa pool malaki ang possibility na malunod ako.” mahabang paliwanag ni Frank.



Ah ganun ba? Buti na lang pumayag si Sir Reyes na di ka mag P.E.” sabi ulit ni Jay na hindi na itinago ang pagiging interesado sa taong kaniyang kausap.



Mr. Reyes is no match for my father.” sabi ni Frank sabay iling.



Oo nga pala, kayo nga pala may ari nitong school.” sabi ni Jay sabay sampal ulit sa kaniyang noo dahil sa muling pagkadulas ng kaniyang dila. Dahan dahang iminulat ni Jay ang kaniyang mata at umaasa na isang suntok ang matitikman niya kay Frank, laking gulat niya ng makitang nahagikgik ito. Napatawa narin siya.



You're not that fond of your father, are you?” tanong ulit ni Jay nang matigil na sila ni Frank sa kakatawa.



Oo, it's not easy studying in a family owned university. Pinapakielaman lahat ng tatay ko ang aking bawat kilos making everything hard for me.” malungkot na pahayag ni Frank, napatitig naman si Jay dito.



At isa sa pinakielaman ng tatay mo ay ang kagustuhan mong lumangoy?” tanong ni Jay. Binigyan ni Frank ng isang nagtatakang tingin si Jay, di niya malaman kung bakit parang kilalang kilala na siya nito gayung kakikilala pa lang nilang dalawa.



Ah eh sorry...” kinakabahan ulit na sabi ni Jay.



Actually, tama ka. All my life yan ang gustong gusto kong gawin.” malungkot ulit na sabi ni Frank.



Alam mo, tingin ko may pagka bullshit ang sinabi sayo ng tatay mo.” simula ulit ni Jay, muli niyang tinignan si Frank, tinitignan kung naoffend nanaman ito sa sinabi niya pero mukhang ok lang naman kasi natatawa ulit sa sinabi niya si Frank.



Kasi maraming kilalang athlete na asthmatic pero naglalaro parin.” sabi ni Jay, napangiti naman si Frank. Iniisip nito na may punto ang kausap.



Di rin kasi ako marunong lumangoy eh. Kaya gustuhin ko mang suwayin ang tatay ko di parin ako makakasugod sa pool dahil di rin ako marunong lumangoy.” amin ni Frank na ikinahiya naman niya. Napangiti naman si Jay, sa kaniyang palagay ay cute si Frank lalo na kapag namumula ito sa pagkapahiya.



Tell you what, turuan kita later.” alok ni Jay na ikinangiti naman Frank.



Di maintindihan ni Jay pero parang lumiwanag ang buong paligid sa ibinigay na ngiti ni Frank na iyon. Tila ba gumaang ang kaniyang pakiramdam. Di niya alam ganun din ang nararamdaman ni Frank sa pakikipagusap niyang iyon kay Jay.




What the...?! Ibig sabihin beki si Frank?!” tanong ni Lea sa kalagitnaan ng pagku-kuwento ni Mitch, tinignan naman ito ng masama ni Mitch at Janice.



OK, ituloy mo na ang kwento, sorry sa istorbo.” sarkastikong paghingi ng tawad ni Lea sa dalawa habang sinusuklayan ang kaniyang basang buhok.



Wag mo akong pababayaang malunod ah?” kinakabahang sabi ni Frank kay Jay na ikinagalak naman ni Jay.



Ilang subok pa ay nakuwa na ni Frank lumangoy sa kahabaan ng olympic size na pool ng unibersidad na iyon, nang umahon ito ay nagtatatalon itong lumapit kay Jay at wala sa isip na yumakap dito. Bigla ring kumalas si Frank sa pagkakayakap niyang iyon kay Jay dahil may naramdaman siyang pagkailang, di niya lang alam na nagustuhan ni Jay ang yakap na iyon.



Nakita mo ba iyon?! Marunong na akong lumangoy!” sigaw ni Frank kay Jay bilang pampawi sa nakakailang na pagyakap niya kay Jay kanina. Napangiti na lang si Jay.



Gusto ko ulit i-try.” excited na sabi ni Frank.



Next time naman, Frank, pahinga ka muna. Saka uwi na tayo, gabi na rin eh.” alok ni Jay.



Isa na lang, please.” sabi ni Frank sabay talon ulit sa tubig, wala ng nagawa si Jay.



Nang nasa kalagitnaan na ng swimming pool si Frank, sa parte ng pinakamalalim ay bigla itong kinapos ng hininga, agad siyang nagpumiglas at pinigilan ang sarili na lumubog. Habang sa gilid ng pool naman ay agad napansin ni Jay na may mali, agad itong tumalon sa tubig at mabilis na nilangoy ang kinalalagyan ni Frank.



Frank, stay calm.” utos ni Jay dito. Agad namang tumigil sa pagpipiglas si Frank at naramdaman nito ang pagbalot ng malaking braso ni Jay sa kaniyang dibdib, hinila siya nito papunta sa gilid ng pool.



Whoah! Muntik na iyon ah.” sabi ni Jay ng marating nila ang gilid ng pool. Agad nitong tinignan si Frank, humihikbi ito at parang naiyak. Muling iniyakap ni Frank ang kaniyang malalaking braso dito at pinakalma ito.



Shhh, ok na, andito naman ako eh, di kita pababayaang malunod. Di ko papabayaang may mangyari sayong masama.” sabi ni Jay sa umiiyak ng si Frank. Ibinaon ni Frank ang kaniyang mukha sa leeg ni Jay, di niya maintindihan kung bakit niya iyon ginawa ang alam niya lang ay gusto niyang nakayakap ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay safe siya sa yakap nito.



000ooo000


Huwaw naman! Gumagaling ka na lumangoy ah!” bati ni Jay kay Frank ng maabutan niya itong masigla ng nagpapabalik balik sa magkabilang dulo ng pool. Napangiti na lang si Frank.



Galing ng teacher ko eh.” sabi ni Frank habang naahon, kinuwa nito ang tuwalya na nakasampay sa isang upuan malapit sa pool at tinuyo ang kamay nito para makipagkamay kay Jay.



Ganon?! Teacher ang dating ko?” nagbibirong usal ni Jay.



Oo!” nangaalaskang sabi ni Frank na ikinahaba naman ng nguso ni Jay.



Nga pala, I'll be competing this intramurals. Pinayagan na ako ni Dad.” usal ni Frank na ikinabalik naman ng ngiti sa mukha ni Jay, nagtatatalon si Jay sa tabi ni Frank, hindi nito napansin ang plastic sa tinutungtungan nito na ikinadulas naman nito, sinubukan siyang saluhin ni Frank pero sadyang mas malaki si Jay sa dito kaya sa halip na maigilan niya ang pagbagsak nito sa sahig ay napalala pa ang kaniyang ginawa dahil nadala siya nito.



Napahiga na si Jay sa gilid ng pool habang nakadagan sa kaniya si Frank, nagkatitigan ang dalawa. Unti unting nilapit ni Frank ang kaniyang mukha sa mukha ni Jay na sinalubong naman ng huli. Nagsalubong ang kanilang mga labi. Simpleng halik lamang iyon pero para sa kanilang dalawa ay puno iyon ng emosyon, espesyal.



000ooo000



Lumipas pa ang ilang buwan at lalong naging malapit sina Jay at Frank sa isa't isa, napagkasunduan nilang gawin ng opisyal ang kanilang relasyon, bagamat patago ay di naman maikakaila na mahal na mahal nila ang isa't isa.



Pero tulad ng karamihan at tulad ng ibang relasyon, ilang pagsubok din ang bumalot sa kanilang relasyon lahat nalampasan nila, maliban sa isa.



Maayos na sana ang lahat ng biglang dumating sa eksena si Chris. Isa si Chris sa mga kaklase nila Frank at Jay sa subject na algebra, transferee ito sa kanilang eskwelahan at agad na nagpakita dito ng interes ang ilan sa kanilang mga kaklase, isa na doon si Jay.



Nung una ay di ito pinansin ni Frank pero nang maglaon ay di niya rin napigilang mapansing bihira na sumama si Jay sa kaniya, di na ito nadaan sa pool ng unibersidad tuwing pagkatapos ng klase nito, at hindi rin nagtagal ay naging malamig na si Jay kay Frank.



Magkatabi si Frank at Jay sa bleachers ng gym, di naituloy ni Frank ang pag pra-practice niya ng gabing iyon dahil sa gusto niyang kausapin si Jay, nung una ay walang naimik sa dalawa pero di narin nakatiis si Frank.



Jay, mahal mo pa ba ako?” tanong ni Frank umaasa na agad sasagot si Jay, inabot na ng ilang minuto at hindi parin sumasagot si Jay. Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Frank, nagulat sa hindi pagsagot agad ni Jay.



I'm sorry, Frank but I can't do this anymore.”



Natigilan saglit si Frank sa sinabing iyon ni Jay, kinukumbinsi ang sarili na mali ang kaniyang narinig, pilit isinisiksik sa utak na hindi totoo ang mga nangyayari na panaginip lang ang lahat.



Can't do what anymore?” tanong ulit ni Frank, pakiramdam niya ay kailangan niyang linawin lahat dahil kung hindi ay di niya paniniwalaan iyon.



I can't be with you anymore.” sagot ulit ni Jay at muling namagitan sa kanila ang katahimikan.



Ngayong sigurado na si Frank sa narinig mula kay Jay ay naguunahan na ngayon ang iba't ibang emosyon sa kaniyang dibdib, galit, pagkalito at sakit. Di niya alam na posibleng pala siyang makaramdam ng ganong pighati.



Why?” halos pabulong ng tanong ni Frank.



I guess I just fell out of love. Di na tulad ng noon, Frank eh. May kulang sa atin.” sagot ni Jay, tila naman isang latigo ang humampas sa katawan ni Frank at napapikit na lang ito sa matalim na mga salitang sinabi na iyon ni Jay.



I'm not enough?” pagkukumpirma ni Frank nakapikit parin ito, naramadaman na lang ni Frank na ibinalot ni Jay ang kamay nito sa kaniyang kaliwang kamay.



I'm sorry.” bulong ni Jay, binawi ni Frank ang kamay niya na hawak ni Jay.



I hope Chris can give you what I can't give.” pabulong na sabi ni Frank saka bumaba sa bleachers at tinungo ang locker room.



Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ni Frank habang naglalakad papunta sa locker room, di siya makapaniwala sa tindi ng sakit na kaniyang nararamdaman, ni hindi niya alam na may ganung klase pala ng sakit, tumatagos, nakababa, nakamamatay.



Wala sa sarili siyang tumapat sa mga nakahilerang shower head at pinihit ang knob noon. Naramdaman niya ang malamig na tubig mula sa shower head. Walang wala iyon sa nararamdaman niyang panlalamig ng kaniyang sistema dahil sa pananakit sa kaniya ni Jay. Dahan dahan itong napaupo sa sahig habang patuloy parin ang kaniyang pagtangis.




OMG! Ang sad!” sigaw ni Janice habang kumakain ng tindang bbq sa kanilang cafeteria.



Yun na yun? Pano naging ganun si Frank? Laging tulala! Tsk tsk tsk! Grabe naman kasi si Jay.”



Kwento sakin ni Dad, umuwi daw ng bahay si Frank na basang basa na kala mo kakaahon lang sa pool, naiyak daw ito at nakatitig lang sa isang tabi. Tinatanong daw ng Dad niya kung ano nangyari pero di na raw ito sumasagot and then di na daw pumasok si Frank sa school, di na nila ulit nakita, sabi sabi ipinadala daw sa states ng parents niya to enroll in a facility where he was helped to cope with his depression pero he just wont snap out of it... and then one day, bumalik si Frank, tulala parin, daredretso lang daw ito papunta sa pool and when natapos na ang huling class ng PE doon, parang wala lang sa kaniya and he'll do some lapses sa pool, yun ang ginagawa niya until now. Di parin siya naka cope sa depression.” malungkot na sabi ni Mitch sa kaniyang mga kaibigan.



Grabe naman. OA na yun!” sabi ni Janice.



Ano ka ba, Janice! May mga tao talagang ganun no! May nakakacope may ilang hindi.” paliwanag naman ni Lea. Tumango na lang bilang pagsangayon si Mitch.



Oh well. Mitch paheram naman ng brush mo.” usal ni Janice, pilit na tinatapos ang kanilang pinaguusapan na ang tampok ay si Frank na madalas nilang nakikita kada tapos ng kanilang PE sa swimming.



Kinapa ni Mitch ang kaniyang suklay sa bag pero hindi niya ito mahanap. Pilit niyang inalala kung saan niya huling ginamit yun.



Shit! Naiwan ko ata sa gym. Wait lang ha? Balikan ko lang.” paalam ni Mitch sa kaniyang mga kaibigan.



Nang dumating siya sa gym ay nandoon parin si Frank, magiliw parin itong nagba-back stroke papunta sa magkabilang dulo ng pool. Namangha siya sa galing nito. Agad siyang bumalik sa naunang puwesto nila ng kaniyang mga kaibigan at hinanap ang kaniyang brush.



Nang makita na niya ang kaniyang brush ay agad siyang tumayo at naglakad pabalik sa gawi ng cafeteria, nagtutuyo na si Frank ng sarili at aktong palabas naman si Mitch ng gym, nakita ni Mitch na may tinitignan ito sa mga larawang nakapaskil sa bulletin board ng gym. Di na niya ito pinansin at bumalik na lang sa kaniyang mga kaibigan.



Tinititigan ni Frank ang isang larawan sa bulletin board. Isang luha ang muling pumatak mula sa kaniyang kaliwang mata. Inabot ng kaniyang kanang kamay ang pinakamalaking larawan na nakapaskil doon. Pinadaanan ng kaniyang mga daliri ang litrato na iyon. Binasa niya ang pangalan na nakalagay sa ilalim ng litratong iyon.




Mr. Jayson S. Lim
coach swim team/ head of physcial education and gaming activities



Jay.” bulong ni Frank at wala nanamang tigil ang patak ng kaniyang mga luha.




000ooo000



Di napigilan ni Jay ang tumitig sa kapapasok lamang na lalaki sa gym, pinanood niya itong umikot ikot sa paligid ng pool at pumasok ng locker room kung saan alam niyang magpapalit na ito ng damit pang langoy. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na mapaluha sa pagkakakita sa lalaking iyon. Ang lalaking kaniyang minahal, ang lalaking mahal niya parin hanggang ngayon. Napailing siya sa naisip.



Hindi na siya ang dating Frank.” sabi niya sa kaniyang sarili at tuloy tuloy na siyang lumabas ng gym.



Nang makarating siya sa cafeteria ay agad niyang ininom ang kape na kaniyang binili at nilantakan ang sandwich nang marinig niya ang kuwentuhan ng isang grupo ng babae sa kaniyang likod. Kilala niya ang isa doon. Si Michelle de Vera o mas kilala sa tawag na Mitch, ito ang nagkwekwento sa kaniyang mga kaibigan ng sa kaniyang pagkakarinig ay ang kwento nila ni Frank.



Agad siyang nanlamig, nagbabadya ang mga luha sa pagpatak mula sa pangingilid sa kaniyang mga mata. Muling bumalik sa kaniya ang mga huling napagusapan nila ni Frank bago pa ito tuluyang lamunin ng depresyon.


Di parin alam ni Jay kung tama ba ang desisyon niya na makipaghiwalay kay Frank dahil sa nararamdaman niyang atraksyon kay Chris. Naguguluhan kung ano nga ba ang dapat niyang gawin, ayaw niya itong saktan pero aya niya rin namang maging unfair dito.



I'm sorry, Frank but I can't do this anymore.”




Can't do what anymore?”



I can't be with you anymore.”



Why?”



I guess I just fell out of love. Di na tulad ng noon, Frank eh. May kulang sa atin.”



I'm not enough?”


I'm sorry.”


I hope Chris can give you what I can't give.”


Di na napigilan ni Jay ang kaniyang mga luha at tumulo na iyon, agad niya itong pinahiran dahil sa takot na baka may makakita sa kaniya na umiiyak.



Sorry, Frank.” sabi ni Jay sa sarili, ilang beses na sa loob ng maraming taon niya iyong ibinubulong sa sarili, di niya kasi magawang sabihin iyon ng personal kay Frank. Alam niyang nagbago na ang lahat. Wala na ang dating Frank na minahal niya at yon ay dahil sa kaniya.



Kung nalaman niya lang na mauuwi rin sa sakitan ang relasyon nila ni Chris ay sana di na niya iniwan pa si Frank. Di na sana nangyari lahat ng ito. Dahil sa nararamdaman nanaman niya ang nagbabadyang pagtulo ng kaniyang mga luha ay agad na siyang tumayo at nagpasya na lamang umuwi.



Ibabaong pilit ang pighati at pagsisisi na sa loob ng mahabang panahon ay dinibdib niya.




000ooo000



Hey Honey! I'm here na sa labas ng school niyo. Are you ready to go home na?” tanong ni Chris sa kaniyang anak. Di siya makapaniwala sa bilis ng panahon, isa na ngayong kolehiyala ang kaniyang unica hija, nagaaral ito sa unibersidad na mismong kaniyang pinanggalingan.



Matamang sumasagot sa kaniya ang kaniyang anak sa kabilang linya ng makita niya ang isang lalaki. Nang mapagtanto kung sino iyon ay agad na nilunod ng pagsisisi, awa at pagdadalamhati ito.



Napansin niyang tila ba nalulunod parin si Frank sa depresyon, sa depresyon na siya ang nagdulot. Ang depresyon na ikinumot nila ni Jay sa pagkatao nito.



Patuloy lang sa pagsasalita sa kabilang linya ang anak niyang si Mitch pero di na niya iyon napansin pa.



Ilang matatabang luha ang tumulo mula sa mata ni Chris de Vera. Si Chris na minsang ipinalit ni Jay kay Frank.



________________________

A Swimmers Tale
by: Migs




Comments

  1. sa totoo lang me semblance sa reality ito at di na ako nagtataka na meron nang nakaranas nito...hay naku! kalungkot naman :| reality bites talaga na ung iba despit na nakakaranas ng ibang damdamin eh, pinipilit parin ung "normal" ng society natin, kaya resulta mga remorse at regrets...nice migs though sad pero maganda (",)

    ReplyDelete
  2. Mayroon bang kasunod ito?

    Sa buhay talaga ng tao hindi nawawala yung pighati. Minsan kasi tayo rin ang gumagawa ng ating pighati. Sana matutunan natin na maging kontento sa kung ano mang bagay ang mayroon na tayo. Oo minsan pwedeng tayo lumampas sa boundary pero dapat lagi tayong handa sa kung ano man yung susuungin natin. Kasi mahirap na sa bandang huli tayo rin ang maghihinayang.Hay life!!!

    Nice story..kung may susunod update na kaagad.hahaha

    ReplyDelete
  3. Pinaiyak mo na naman ako migz. Galing galing talaga mahal ko. :)

    ReplyDelete
  4. Naiyak aq sa story neto!T_T
    grabe magmahal c frank...sana me 2nd chance pa cla ni jay..

    ReplyDelete
  5. napaka realistic naman nito Migs.. ansakit ng dibdib ko. para akong si Frank na 2 years nang hindi pa nakakaget-over sa taong mahal ko.. napaiyak tuloy ako...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]