Sunday, July 31, 2011

Rooftop (Short Story)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.





Malamig ang hangin at tubig na tumatama sa aking balat habang masuyo akong nakatingala sa langit at ninanamnam ang bawat patak ng ulan na tumutulo sa aking mukha, sinasaulo ang itsura ng maiitim na ulap na bumabalot sa kalangitan, tila isa itong salamin na siyang nagpapakita ng repleksyon patungkol sa aking nararamdaman.



Nagulat ako ng makarinig na malakas na pagkalabog sa aking likuran pero hindi ko ito pinansin, lumakad ako papunta sa malapad na ledge na gawa sa semento ng rooftop na iyon at tumayo doon, tinignan ko ang abalang kalsada sa baba, madaming tao sa paanan ng building, tila may mga libreng goods na pinamamahagi doon kasama na ang ilang patrol ng pulis.



0000ooo0000



Tumunog nanaman ang telepono na nakapatong sa side table, dahandahan kong iminulat ang aking mga mata at tinatamad na inabot iyon.



Hey, linawin ko lang, sa MOA tayo magkikita diba?”



Agad nangunot ang noo ko sa nabasa. Tumingin ako sa pinto ng banyo, andun ang aking boyfriend na si Robbie, naliligo, naghahanda para sa kaniyang meeting. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang aparador, pagkatapos magbihis ay tumapat ako sa pinto ng banyo.



Hon...? magja-jogging lang ako ah?” maingat kong sabi sa harap ng pinto pilit inaalis ang kaba sa aking boses.



0000ooo0000



Wala pang kinse minutos ang aking byinahe ay nasa MOA na ako. Pilit hinanap ang lalaking nagtext kanina, ayon sa sumunod na text nito ay siya ay nakaputing polo shirt at naka blue na cap. Iginala ko ang aking mga mata at may nasipat na isang gwapong lalaki na nakatingin din sakin at nakangiti.



Untiunti itong lumapit sakin, di ko maintindihan ang sarili ko, sa bawat hakbang na ginagawad nito ay siya namang parang limampung punyal na tumatarak sa aking puso. Masakit, nakakapanlumo.



Hi! I'm Ral.” pakilala nito sakin, tila ba isa namang sibat ang tumama sa aking puso.



Nasa harap ko ngayon ang taong sumisira sa relasyon namin ni Robbie.



Hi! So nice to finally meet you!” sabi ko dito sabay abot ng kaniyang kamay di alintana ang kaba na aking nararamdaman.



Wow! You look good! I was actually starting to get scared... baka kasi isa nanamang pathetic guy ang ma-mi-meet ko.”



Tinitigan ko ito, dun ko din napagtantong isa itong tipikal na bisexual, isang tipikal na lalaki na naghahanap ng lalaking ka good time.



He actually used the words scared and pathetic in one sentence.” sabi ko sa sarili ko. Di ko naman siya masisisi, he looks good and having less of a date would be unfair for him.



So I heard you're a doctor, uhmmm...?” simula ulit nito.



...Tom.” sabi ko dito sabay ngiti.



Yup, I'm a doctor and you're a...?” tanong ko naman dito, nagsimula na itong maglakad papunta sa isang kainan.




... Engineer.” sagot nito sabay ngiti.



Kumain kami sa isang fast food chain, hindi rin maikakaila na matalino rin si Ral, walang dull moment kasama ito, laging may mapaguusapan kapag kasama ito, total package kung baga, goodlooking, smart and kind, no wonder relationship crumble down, mapa straight man siya or gay, because people like Ral exist.




So...?” simula ulit ni Ral pagkatapos niyang ikwento ang kaniyang aso.



So... what?” tanong ko dito, napangiti ito at pinisil ang aking pisngi.



Are we going to check in on a motel or are we going straight to your place?” tanong nito sabay ngiti, Nagulat ako, di ko inaasahan magiging ganito siya ka-tact.



My place is good.” sabi ko dito, pilit na inaalis ang kaba sa aking boses, trying not to sound pathetic.



Super!”


0000ooo0000



Di maitatago ang saya sa boses ni Ral sa buong oras na binyahe namin, di maitago ang tuwa nito. Nang buksan ko na ang pinto ng aking condo ay hindi na ito nagatubili pang maginatay na anyayahan papasok, agad na itong pumasok at umupo sa sofa, agad kong kinuwa ang picture frame kung saan nakapaloob ang litrato namin ni Robbie na magkayakap.



Nice place.” sabi nito, napangiti naman ako at tinignan ang aking relo, malapit nang magtanghalian. Di na ako nagaksaya ng panahon at tumabi na kay Ral. Di narin ito nagpaligoy ligoy pa at inakbayan na ako nito.




Oi! Pananamantala na yan!” sabi ko kay Robbie nang una ako nitong ayain for a date movie. Humagikgik ito pero hindi parin niya inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.



OK lang yan.” sabi ulit nito sabay isiniksik pa ako lalo sa kaniyang tagiliran. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang kaliwang tenga at bumulong.



Manyak!” humagikgik ito at pasimple ko namang isiniksik ang aking sarili sa kaniyang tagiliran.



You are one heck of a goodlooking doctor.” bulong sakin ni Ral. Halos magkadikit na ang aming mga mukha ngayon, hinahaplos niya ang aking mukha at pinagmamasdan ito.



And you're not bad looking either.” bulong ko dito and our lips met.



Alam mo bang antagal kong inintay yang mga halik na yan?” Napangiti ako sa sinabing yon ni Robbie, pagkahiwalay na pagkahiwalay namin sa isang mainit na halikan.



Alam ko.” I said teasingly.



And damn all the wait was worth it.” sabi nito sabay naglapat ulit ang aming mga labi.



Sinubukan kong wag tumulo ang aking mga nangingilid na luha. Nakapikit si Ral kaya't di niya alam na hindi ko nagugustuhan ang aming ginagawa pero nang marinig kong magbukas ang front door nang aming unit ay idiniin ko pa lalo ang aking mga labi sa labi ni Ral.



Anong ibig sabihin nito?!” pasigaw na sabi ni Robbie mula sa front door. Naghiwalay ang labi namin ni Ral.



Napatayo na ito nang makita si Robbie, gayun din ang ginawa ko, walang katumbas ang kaba na aking nararamdaman. Nagkatitigan kaming tatlo saglit. Wala naring tigil ang pagbagsak ng aking mga luha.



Robbie, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ral sa aking tabi.



Ral?!” lumalatay na sa mukha ni Robbie ang pagpapanic.



Di ako nagkamali. Parang may kung anong humigop sa lahat ng hangin sa aking mga baga kasabay nun ay ang paghirap sa aking paghinga at ang hindi maintindihang sakit na nararamdaman sa aking dibdib, tila ba kinukurot ang aking puso, tila ba sinampal ako ng paulit ulit. Inabot ko ang isang bagay na itinago ko nung nakaraang gabi sa ilalim ng sofa.



Naguguluhan na si Ral, pabalikbalik na ang tingin nito sakin at kay Robbie, nakatingin na lang sakin si Robbie, nagmamakaawa, nagtatanong at tila ba gustong gusto ng magpaliwanag. Pinilit kong gawing blangko ang expresyon ng aking mukha, pilit binubulag si Robbie sa aking tunay na nararamdaman.



Nakita kong halos mapatalon si Ral sa aking inilabas na bagay, nanlaki ang mga mata ni Robbie.



Let me explain, Tom.” pagmamakaawa ni Robbie, agad na tumakbo si Ral palabas ng pinto, itinutok ko ang baril sa natakbong si Ral at tinamaan ito sa kanang balikat pero nakalabas parin ito ng pinto habang si Robbie naman ay napayuko sa lakas ng putok ng baril.



Tom... P-please.” pagmamakaawa ni Robbie.



Sumama ka na sakin please?” nangingiting tanong ni Robbie sakin, inaaya na ako nitong tumira kasama siya sa isang condo. Merong parte sa pagmamakaawa ni Robbie ang hindi ko mahindi-an. Pero wala naman talaga akong balak hindi-an si Robbie sa kaniyang alok.



S-sige.” sagot ko dito, nagtatalon naman si Robbie sa aking harapan at ng tumigil ito ay agad nitong inilapat ang kaniyang mga labi sa aking labi.



I love you.” bulong nito.



I Love You too.” bulong ko dito.



Ginawa mo akong tanga.” malamig kong sabi, napayuko na si Robbie at napaluhod na sa sahig.



I'm s-sorry...”



Bullshit! Akala mo di ko alam?! Ilang beses ka nang nakikipagkita don sa putanginang Ral na iyon!” sigaw ko dito.



I'm s-sorry. What we had was just fun. Ikaw ang mahal ko.” bulong ulit nito, nanginginig at di mapakali sa kaniyang kinalalagyan.



Anong kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?” malamig ko paring sabi dito, di ko na ito inintay pang sumagot. Nilapitan ko ito at itinutok sa kaniyang nakayukong ulo ang bibig ng baril na aking hawak hawak. Nanginginig ang aking kanang kamay na siyang nakahawak sa baril.



Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong condo unit namin.



0000ooo0000



Isa ulit malakas na pagkalabog ang aking narinig mula sa isang pinto sa aking likuran, nun ko lang napansin na medyo lumalakas ang pagpatak ng ulan, pilit tinatago ang mga luhang kanina pa walang tigil na umaagos mula sa aking mga mata.



Tinignan ko ang baril na nasa sahig ng roof top na iyon. Di makapinwalang magagawa kong paputukin iyon. Muli na naman akong napalingon sa pinto dahil sa malakas na pagkalabog sa likod ng pinto papunta dito sa rooftop na aking kinalalagyan. Sa kabila ng tunog ng malakas na ulan at sa pagkalabog ng pinto ay naririnig ko ang pagtawag sa aking pangalan.



Nakita ko ang pagbagsak ng pinto pagkatapos kong marinig ang isa nanamang malakas na pagkalabog mula sa likod nito bago ito bumagsak. Iniluwa nito ang isang lalaki, di ko makita ng maayos ang mukha nito.



Tom, please...”



Pano mo nagawa sakin yun, Robbie?” tanong ko dito habang binabalanse ko ang sarili ko sa ledge ng rooftop na iyon.



Tom...” tawag ulit nito sakin.



Bakit?!”



Di ko sinasadya...”



Ginawa mo akong tanga.” malamig kong sabi, napayuko na si Robbie at napaluhod na sa sahig.



I'm s-sorry...”



Bullshit! Akala mo di ko alam?! Ilang beses ka nang nakipagkita don sa putanginang Ral na iyon!” sigaw ko dito.



I'm s-sorry.” bulong ulit nito.



Anong kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?” malamig ko paring sabi dito, di ko na ito inintay pang sumagot. Nilapitan ko ito at itinutok sa kaniyang nakayukong ulo ang bibig ng baril na aking hawak hawak. Nanginginig ang aking kanang kamay na siyang nakahawak sa baril. Tumingala si Robbie, tinignan niya ang baril na nakatutok na ngayon sa kaniyang mukha. Kitang kita ko ang takot at pagsisisi sa kaniyang mukha, kasabay nun ang walang humpay na agos ng luha mula sa kaniyang mga mata.



Inilihis ko ang pagkakatutok ng baril sa kaniyang mukha at itinapat ito sa sahig at isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong condo unit namin. Dinig ko parin ang malakas na paghikbi nito habang patakbo akong lumabas ng aming unit at wala sa sariling umakyat ng hagdan papuntang roof top.



Tinitigan ko si Robbie. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko dito atsaka humakbang paurong.



TOM!”



Isang malamig at nanginginig na kamay ang nakakapit saking kanang kamay.



Tom, please, hold on.” bulong nito habang mahigpit paring nakakapit sa aking kanang kamay pero ramdam ko ang pagdulas ng kaniyang kapit sa aking kanang kamay at ang malakas na ulan ay hindi nakakatulong.



No, don't let go. Tom, please, don't let go...”



Untiunti nang dumulas ang aking kamay sa kaniyang pagkakapit, narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paanan ng building.



I Love You, Robbie.”



No, Tom! No!”


Dahan dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata na siyang nakatitig kanina sa maamo at puno ng paghihinagpis na mukha ni Robbie at niyakap ang pamilyar na pakiramdam na para bang nahuhulog mula sa isang mataas na lugar.





Rooftop
BY: MIGS

Friday, July 29, 2011

Against All Odds 6

________________________

Against All Odds 6
by: Migs



Napatitig ako sa lalaking palapit ng palapit sakin, may nakaplaster na ngiti sa mukha nito at pakawaykaway pa sa aking direksyon. Nun ko lang ulit napagmasdan si Nate, malaki na talaga ang pinagbago nito, wala na ang emo look na noon ay gustong gusto niya, wala na ang mahabang buhok na lagi niyang ipino-ponytail, wala na ang hikaw niya sa may kaliwang kilay na ikinaeeskandalo ng maraming tao, wala na ang punit na pantalon nito.



Iisa lang ang di nagbago, gwapo parin ito. Ang totoo, lalo itong gumwapo. Lalong gumanda ang katawan na siya namang binagayan ng kaniyang bagong gupit at maputing kutis.



May iniintay ka ba?” tanong nito sakin ng sa wakas ay nakalapit na ito sakin, di ko na ito pinansin at itinuon ko ulit ang pansin ko sa aking cellphone na nung panahon naman na iyon ay naghihingalo na sabay namatay dahil deadbatt na.



Tumayo na ako at nagsimulang tunguin ang payphone.



Sinong iniintay mo yung boyfriend mo?” pangungulit sakin ni Nate.



Oo! Siya ang pinakasweet at pinakamabait na boyfriend ko!” sabi ko dito, napatigil naman siya saglit sa aking sinabi, wari ba ay kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo, pero bigla ding ngumiti ito agad.



Naku, baka di ka nun masusundo ngayon.” sabi ni Nate. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, wala ring nasagot sa cellphone ni Jase kaya't ibinaba ko na lang ang telepono at nagpasyang intayin si Jase sa aking boarding house.



Nagtaka naman ako ng mapansing wala ng sumusunod sakin at nangungulit, lumingon ako at wala na doon si Nate, napabuntong hininga ako, hindi dahil ayaw ko siyang umalis kundi dahil sa wakas ay tinigilan na ako nito.




Doc, taxi?” tanong sakin ng gwardya, tatango na sana ako bilang sagot dito at tatawag na sana ang gwardya ng taxi ng biglang may tumigill na F150 sa aming harapan.



Manong di na kailangan, ihahatid ko na si doc sa boarding house niya.” sabi ng driver ng F150, inabutan nito ang gwardya ng bente pesos saka nginitian.



Manong pang miryenda mo.” sabi nito habang sapilitang kinuwa sa aking kamay ang aking duffelbag.



Di ako sasakay dyan!” sigaw ko kay Nate.



Sige intay tayo dito ng habang buhay.” sabi niya, nagsisimula ng maginit ang ulo ng mga sasakyan na nasa likod ng sasakyan ni Nate, wala na din akong nagawa at sumakay na agad ako sa kotse.



Sasakay karin pala.” sabi nito sabay hagikgik.



Nang isara ni Nate ang pinto ng sasakyan ay saka ko naamoy ang pabango nito. Kilala ko ang pabangong iyon.



Hugo boss? Mahal nito ah. Di mo na dapat binili ito.” sabi ni Nate nang mabuksan niya ang aking anniversary gift sa kaniya.



Ikaw nga nagrenta ka pa ng resort at bumili ka pa ng bus ticket tas nagrent ka pa ng surfing board eh.” sabi ko dito, lalo siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit.



Dahil galing to sayo, di ko ito gagamitin.” sabi niya sabay spray ng onti sa kaniyang kamay.



Ambango!” sabi nito sabay yakap sakin, napahagikgik ako mayamaya pa ay inilapat nito ang kaniyang labi sa aking mga labi.



Titipirin ko na lang pala.” sabi niya na ikinatawa ko naman.



Di parin pala ubos yang pabango na yan?” tanong ko dito habang binabagtas niya ang daan palabas ng ospital.



Ubos na, mga mag fo-four years na sigurong ubos yung binigay mo sakin. Yun lang kasi ang bagay na nakapagpapaalala sakin ng tungkol sa iaang Aaron Martinez na mahal na mahal ko. kaya di ko natiis na gamitin araw araw. Kasi pag ganun araw araw kitang naaalala.” sabi niya, napatingin ako sa kaniya, di nito iniaalis ang tingin sa lansangan.



Bababa na ako sa kanto. May pupuntahan pa ako.” sabi ko kay Nate na ikinagulat naman nito.



Ang totoo niyan gusto ko ng umuwi sa boarding house ko pero dahil gusto ko ng makaalis sa tabi ni Nate ay nagdahilan na lang ako.



San ka pupunta? Hatid na kita.” alok nito sakin.



Sa boyfriend ko.” sabi ko dito, umaasa na magbago ang isip nito sa pagsama sakin.



Sige, san ba siya ngayon?” tanong nito na ikinagulat ko naman. Nagpanic naman ako agad.



Totoo niyan may dadaanan pa ako bago pumunta sa opisina ni Jase eh.” sabi ko dito, nangunot naman ang noo nito.



Sige saan? Samahan na kita.” sabi nito sakin, wala na akong nagawa at nagisip nalang ng magandang palusot.



Dadalhan ko ng shawarma si Jase. Paborito niya kasi yun.” sabi ko na lang, totoo, paborito ni Jase ang shawarma pero di iyon kasama sa aking plano.



Tamang tama may alam akong masarap na gawaan ng shawarma pita!” sabi ni Nate sabay magiliw na ngumiti sakin.



Patay na!” bulong ko sa sarili ko.



0000oooo0000



Gustav's”


Sabi ng isang malaking karatula sa ibabaw ng isang maliit na establisyimento. Mukhang mamahalin dito, mukhang 5 star restaurant pero maraming tao.



Mahal ata dito, Nate.” sabi ko habang palingalinga sa mga nagmamahalang sasakyan na nakaparada sa parking lot.



Saka wala naring parkingan, sa iba na lang kaya.” sabi ko dito, napangiti naman si Nate.



Shhh. Akong bahala.” sabi nito, lalo akong kinabahan.



Pogi, pabukas ng gate.” sabi nito sa gwardya.



Yes boss Nate.” nagulat ako at kilala na pala si kumag dito. Marahil ay suki na ito dito.



Nagkamali ako ng biglang ipasok ni Nate ang sasakyan sa isang garahe na parang ginawa para sa kaniyang F150. Biglang may lumapit na babae.



Sir, the deliveries for next month is already being processed, asa table niyo na po sa may office ang mga papers for signing.” sabi ng isang babae na mukhang nalolosyang na sa sobrang pagka wasted.




Ok, I'll read them later, paki handa na lang kami ng table. Kain lang kami ng boyfriend ko.” sabi ni Nate, para akong humarap sa salamin ng makita ang reaksyon ng sekretarya ni Nate. Pareho kaming gulat na gulat, di makapaniwala sa sinabi niyang iyon.



Y-yes S-sir.” bulalas nito saka tumakbo papasok ng restaurant.



Hinampas ko sa braso si Nate.



Unang una, di tayo close! Ni hindi ko pa nga nakakalimutan ang ginawa mo sakin tapos ipagsasabi mo na boyfriend mo ako! Ano bang gusto mong palabasin ha?!” sigaw ko kay Nate, natatawa lang ito habang hinihimas parin ang braso na aking hinampas.



Unang una rin! Wala tayong closure! Ni hindi malinaw kung anong nangyari sa ting relasyon, technically boyfriend parin kita kasi di naman tayo nagbreak! Gets?!” sabi nito sakin sabay nandilat.



Iniwan mo ako! Bigla kang nawala! Di pa ba sapat na closure yun?!” sigaw ko pabalik dito.



Closure na siguro yun para sayo, pero para sakin hindi. Wala pang opisyal na pagbre-break sa pagitan natin.”



Fuck you! Ganun ganun na lang yun?! Iiwan mo ako, mawawala ka ng matagal then babalik ka and claim that you're still my boyfriend?! Di mo naisip yung sakit na dinulot mo sakin?!” sigaw ko pabalik dito, natameme na si Nate.



You want closure! Fine! I'll give you your fucking closure! Break na tayo! Tigilan mo na ako!” sabi ko dito sabay lakad palayo sa kaniya.



Di ka makakalabas diyan. Dun ka sa front door pwedeng lumabas.” sabi ni Nate na halatang pinipigilan ang tawa sa aking pagkapahiya.




Agad akong pumasok sa restaurant at hinanap ang frontdoor para makalabas narin ng restaurant na iyon. Malapit na ako sa pintuan palabas ng biglang humarang ang sekretarya ni Nate.



Hi! I'm Phobie this way, sir.” sabi nito sakin sabay hila sa isang booth sabay tulak sakin paupo. Tatayo na sana ulit ako ng biglang sumulpot si Nate at tumabi sakin, ngayon nakorner na ako at wala na akong malalabasan.



Nate, please.” sabi ko dito may himig pagmamakaawa na.



Were just going to wait for the shawarma, then we will go to your boyfriend's office.” sabi nito animo nagmamakaawa din na pagbigyan ko siya, wala na akong nagawa.



All the time na nakatunganga ako sa booth na iyon at hinihintay ang shawarma ay nakatingin lang sakin si Nate. Di parin makapaniwala na ang huli naming pagkikita ni Nate ay may anim na taon na ang nakararaan at ang mga salitang ito ang huling mga salita ang sinabi niya sakin.



Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!”




Muling bumalik sakin ang sakit, ang dahilan ng pagiging miserable ko at ang epekto nito sa buhay ko. Daretso akong nakatingin kay Nate, pilit pinaparamdam lahat ng sakit na naramdaman ko noon sa pamamagitan ng pagtingin ng masama sa kaniya.



Di mapakali ang aking kausap, malakas na kasi ang buhos ng ulan at kumikidlat at kumukulog pa, tanging bubong ng guard house ang aming sinisilungan.



Manang, please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko lang siya saglit.” pagmamakaawa ko sa kasambahay nila Nate.



Di pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi nito sakin.



Manang, please.” pagmamakaawa ko ulit.



Pasensya na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa eh.” sabi nito. Agad naman akong pinalabas ng guwardya sa kanilang compound.



Manang pakisabi kung hindi pa siya hanadang makipagusap sakin, sabihin mo andito lang ako, magiintay.” sigaw ko dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo ng gate nila Nate.



Di ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung makausap ko si Manang, marahil ilang oras narin akong nakababad sa ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula narin akong manginig. Buo na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate nila Nate hangga't di siya nakikipagusap sakin.


Biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan ng gate. Di ko kilala kung kanino iyon pero ni hindi nito ibinaba ang kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung ano ang kailangan ko, tinted ag sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino ang nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.



Ilang oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng gate. Nagsisimula na akong mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa driveway at napasandal na sa gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng malay.



Nang nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay napansin kong nasa loob na ako ng isang sasakyan, tinignan ko kung sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong nanghihina para lumingon sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga mata.



He's going to be ok, he needs rest and dry clothes.” sabi ng isang lalaki na nakaputi.



Ganon ba doc, can he spend the night here? Ako nang bahala sa payments for admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakaputi, masyado pa akong nanghihina at di ko mai-focus ang aking mga mata.




Nagising na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama at isang nurse na tsine-tsek ang aking vital signs. Tinanong ko ito sa mga nangyari, sinabi niyang may nagrequest daw na dito muna ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat. Pagkatapos daw nun ay pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga gamit.



Pasimple kong pinahiran ang aking mga luha, ayaw kong mapansin ni Nate ito at baka mangulit kung bakit ako umiiyak. Ayokong malaman niya ang katangahan na ginawa ko sa kaniya dati. Ayaw kong malaman niya ang ginawa kong paghahabol na parang isang babae na humahabol sa kaniyang idolong k-pop star.



I will not give him that pleasure.” sabi ko sa sarili ko nang umiral nanaman sakin ang aking pride.



Putanginang shawarma yan?! Isang oras ba yan bago gawin?!” sabi ko sa sekretarya ni Nate na halatang pinapanood ang aking pag-e-emote. Napatayo ito bigla at pumuntang kusina.



Ibinaling ko ang tingin ko kay Nate at masuyo itong nakatingin sakin. Parang nagmamakaawa. Parang may gusto siyang malaman sakin.




Itutuloy...

Tuesday, July 26, 2011

Against All Odds 5

_____________________
Against All Odds 5
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di magandang ideya na humarap kay Jase na may bahid pa ng luha ang aking mga pisngi, baka isipin nito na ang sitwasyon namin ang aking iniiyakan, ayaw ko rin naman magtanong ito at baka maamin ko rin sa kaniya ang tungkol kay Nate. Hinarap ko si Jase, nanlaki ang mga mata ko ng makita ito, nakangiti ito sakin. Para bang masayang masaya siya na nakita ulit ako.



Gurl, isali mo naman itong kaibigan kong si Aaron diyan sa fashion show mo.” sabi ng isang matandang lalaki na aking naging customer sa isa nitong kaibigang event coordinator.




May experience na ba yan?” tanong ng event coordinator.



Wala pa, pero ikaw nang bahalang magpakilala sa kaniya sa mga kakilala mong pwedeng magturo sa kaniya. Syang naman kasi ang isang to kung puro booking na lang.” sabi ng matanda.




Tunog concern man sakin ang matandang iyon ay alam ko namang pakitang tao niya lang yun, para magkaroon ako ng utang na loob sa kaniya at mahiya nang makipaghiwalay sa kaniya. Gusto niya lang makalibre sakin.



Sige, akong bahala.” sabi ng event coordinator, marahil ay nagiba ang desisyon nito ng marinig sa matandang nagpapabooking ako. Kabisado ko na ang mga sikmura ng mga matatandang bakla lalong lalo na ang magkakakaibigan.



I will not refer him if he doesn't fuck good.” ika nga nila sa kanilang circle of friends.



Hinila ako nito papunta sa mga grupo ng modelo na mukhang abala sa pagmimeeting.




Jase, pwede ka bang makausap saglit?” tanong ng event coordinator sa isang lalaki.



0000oooo0000



Ipinapakilala ko sayo si Aaron. Pinakiusap siya sakin ng kaibigan ko.” pagpapakilala sakin ng event coordinator sa lalaking nagngangalang Jase.



Pare, lapit ka dito sa may spotlight.” tawag sakin ni Jase, lumapit ako at tumapat sa ilaw.



Di ako kumportable lalo na at napakainit sa pakiramdam ng spot light na iyon, kita ko rin ang ibang modelo na tinitignan ako at kinikilatis din, pero ang pinagtaka ko ay ang tingin na ibinibigay sakin ngayon ni Jase.



Parang nagulat siya sa pagkakakita sakin ng maayos sa ilalim ng spotlight, parang matagal na niya akong kilala pero matagal na panahon ding hindi nakita. Ganon ang reaksyon na nababasa ko sa kaniyang mukha. Binawi nito ang kaniyang reaksyon at nagsimula ng umikot mula sa aking kinatatayuan.



Pinaiikutan ako nito, parang asong pinaiikutan ang isang buto. Kinikilatis bawat sulok ng mukha at katawan ko, tinitignan ang aking bawat reaksyon at tindig. Paminsan minsan itong hahawak sa kaniyang baba at hihimasin iyon.



May potential diba?” tanong ng event coordinator sa lalaking pumapaikot sakin. Ngumiti ito.




0000oooo0000



Kape?” tanong ng lalaking kanina lang ay kumikilatis sakin. Umiling lang ako.



Aaron ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Jase, I manage models, ilang taon narin ako sa business na to and being a former model kaya alam ko na ang kalakaran dito. Unfortunatelty di nagsu-survive sa mga business na to ang tatahitahimik at mahiyain.” napaisip ako sa sinabi niyang yun at lalo akong kinabahan.



Kape?” ulit nito sa naunang tanong niya sakin, tinanggap ko na ang alok nito atsaka marahang ngumiti. Gumanti lang din ito ng ngiti.



0000oooo0000



Bakit ka andito?” tanong ko kay Jase ng makalabas na ako ng banyo.



Dinalhan kita ng lunch.” sabi nito, agad na kumunot ang noo ko, madalas niyang gawin ito sakin noong nagsisimula palang kami sa aming relasyon pero nung maglaon, nang magtagal ay parang nanawa din ito at nawalan ng gana.



Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Bawal na ba? Dati naman na kita dinadalhan ng lunch ah.” sabi nito saka ngumiti. Lalo akong naguluhan.



Nginitian ulit ako ni Jase, may ilang taon narin siyang di ngumingiti ng ganito. Ano kayang nangyayari?” tanong ko ulit sa sarili ko. Natutuwa ako, siyempre, pero di ko maiwasang maghinala, maguluhan at kabahan, sa makatuwid, alam kong may mali.



Pakiramdam ko ay para itong de sarsa na ulam na matagal na inimbak sa ref at pagkatapos ay inilabas saka ininit sa microwave oven, muling uminit ang ulam pero alam mong may mali na. Malabsak na ang sarsa.



Tititigan mo na lang ba ako o kakainin na natin tong napakasarap na adobo na niluto ko para sayo.” tanong nito sakin sabay hagikgik.



Para saan lahat ng to? Kung dahil to sa kagustuhan kong makipaghiwalay sayo, di na magbabago yun. Gusto ko paring makipaghiwalay sayo, pero ang mas ipinagtataka ko, Jase ay sinabi mong di ka papayag at alam mong wala na akong magagawa doon. Kaya ang tanong ko sayo para saan ang lahat ng ito?” sunod sunod kong tanong dito. Nagbuntong hininga lang si Jase.





You did a great job, Aaron! Napapansin ka na ng ilang designers. I'm sure they're going to book you in the next fashion week.” sabi ni Jase na talaga namang ikinatuwa ko, ibig sabihin kasi nito ay kahit papano ay mababawasan ko na ang pagbubooking ko sa mga matatandang bakla.



Salamat, Jase!” sigaw ko at wala sa sarili ko itong niyakap. Naramdaman ko ang matipuno nitong dibdib na nakalapat sa aking sariling dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan dahan ako nitong inilayo sa kaniya, tinignan ako ng daretso sa mga mata at miya miya pa ay naglapat na ang aming mga labi.



0000oooo0000



Hon, guess what.” sabi ni Jase sa aking likod habang nagbibihis.



Hon ka diyan.” sabi ko dito sabay ngiti.



Gusto ko hon.” sabi niya sabay simangot, parang batang nagtatampo.



O sige, HON ano yun?” sabi ko dito sabay lambing.



Nagluto ako ng favorite adobo mo for our first monthsary!” sabi nito na talaga namang parang bata na ipinapakita ang kaniyang mataas na grade sa kaniyang mga magulang.



Wow! Asan na?” tanong ko dito sabay tingin sa lamesa na nasa loob ng dressing room at ng ibaling ko pabalik sa kaniya ang aking tingin ay nakanguso na ito.



Kiss muna.” sabi niya. Tumalikod ako.



Hay naku Jason Perea! Tigilan mo ako! Sabi ko na nga ba di totoo yang adobo drama mo eh. Gusto mo lang talaga maka-kiss!” sabi ko dito, pilit na itinatago ang ngiti sa aking mga labi.




Pumuwesto ito sa aking likod at iniyakap ang kaniyang kaliwang kamay sa aking dibdib, nagkatinginan kami sa malaking salamin sa aking unahan. Sa kanang kamay ay isang tupperware na may lamang ulam. Amoy adobo ito.



Asan na kiss ko?” tanong niya sabay ngisi. Humarap ako dito at mariin siyang hinalikan sa labi.



Napagusapan na natin yan, Aaron.” may kung anong malamig sa pagkakasabi niya sabay hila sakin papunta sa dining area ng quarters.



From now on, I promise to make things right.” sabi nito, ramdam ko na sinsero ito sa mga sinabi niya.



You of all people should know that things are easier said than done.” sabi ko dito, tumingin ito sakin sabay buntong hininga ulit.



Sige kung gusto mong tumigil sa pagbu-booking. Sige, payag na ako. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ikaw at yang pride mo.” sabi ni Jase sakin pero malumanay ang pagkakasabi nito.



Sabi ko sayo noon itigil mo na yang pagbu-booking at ako nang bahala sa medschool mo pati sa residency after, pero ayaw mo, ramdam kong ayaw mong umasa sakin kahit na boyfriend mo na ako, ramdam ko na importante sayo ang pride mo at dahil diyan sa pride mo inapakan mo ang ego ko.” sabi niya habang nakatingin parin sa aking mga mata. Bakas ang sinseridad sa bawat salitang sinabi niya. Sinseridad at sakit. Nagulat ako dahil di ko inaasahang ganun pala ang naging epekto nito sa kaniya.




Sino yung baklang yun?!” pasigaw na sabi sakin ni Jase. Dare-daretso lang ako sa paglalakad palayo sa kaniya.



Putangina naman, Aaron! Pati ba naman ikaw nandyan sa pagbubooking na yan?!” galit na habol nito sakin, bigla akong humarap dito na ikinagulat naman niya.



Mahina ang modeling ngayon Jase. Di kaya ng modeling lang ang med-school and pagnaglaon pati na ang residency.” naiiyak ko ng sabi dito.



Akong bahala sa medschool and residency mo, itigil mo lang yan.” umiling ako sa sinabi niyang yun.



Kilala mo ako Jase, di ako nahingi ng tulong lalo na kung kaya ko naman. Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na naghihirap at naasa sa iba para lang maipamukha nila sakin na mali ang desisyon kong maging bakla!” sabi ko dito, nagulat siya sa sinabi ko. Tumalikod siya at naglakad palayo sakin.



Dun na nagsimula na nanlamig sakin si Jase. Nanlamig sakin at pati saming relasyon.




Di mo alam kung pano ako naapektuhan, habang nakikita ko ang mismong boyfriend ko ay nahihirapan at nasasaktan at wala akong magawa para matulungan ka kasi ayaw mong tulungan kita.” mahinang sabi nito, unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata.



Kaya nung sinabi mong titigil ka na sa pagbu-booking di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil alam kong di mo kaya kung sa modeling ka lang aasa, at ayokong makita ka na nahihirapan ulit tulad ng dati tapos wala nanaman akong maitutulong. Pero kung yun talaga ang desisyon mo, kung gusto mo talagang tumigil na, sige.” sabi nito saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.



May kung anong kumurot sa aking puso sa mga sinabi niyang yun.



0000oooo0000



Lumipas pa ang ilang araw at napansin kong bumabalik na ang dating Jase. Ang Jase na minahal ko. Natutuwa ako dahil kahit papano ay lalo kaming pinatatag ng lahat ng nangyari at laking pasasalamat ko at hindi ako agad binitawan ni Jase nang hilingin kong maghiwalay na kami.



Bukas Adobo ulit?” tanong sakin ni Jase habang inililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng quarters.



Ulit?” tanong ko dito, bahagya namang sumimangot si loko at nagtamputampuhan nanaman.



Sige, basta luto ng honey ko kahit forever adobo ang ulam kakainin ko.” sabi ko dito, biglang nagbago ang tabas ng mukha nito at marahan akong hinalikan sa labi.



Hon...?” tanong nito sakin pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi namin. Tinignan ko lang ito, pinabayaang ituloy ang kaniyang nais sabihin.



...Uwi ka na bukas ah?” sabi nito sakin. Kumunot ang noo sa pagtataka. Ang lakilaki niyang bulas pero kung magbaby talk...



Off na ako bukas, hon. Uuwi na talaga ako.” sabi ko dito sabay tingin sa kaniyang mga mata, iniisip kung anong ibig sabihin nito.



Ibig kong sabihin sa apartment ko na ikaw umuwi bukas ha?” tanong nito sakin, sabay gawad ulit ng smack sakin. Napangiti naman ako.



Bakit? Akala ko ba ayaw mo ako sa apartment mo umuwi?” makahulugan kong tanong dito.



Tagal na kasi nating hindi nakakapag...” sabi nito pero isinupalpal ko na ang scotch bright na may sabon sa kaniyang labi para hindi na niya maituloy ang kaniyang sasabihin.



Namimiss ko na ito oh.” sabi niya sabay hawak sa aking puwet. Pinandilatan ko ito ng mata.



Ayown! Yun lang pala ang namimiss mo eh!” sabi ko dito sabay simangot.



Syempre namimiss ko yun, lalaki lang ako may pangangailangan din. Pero siyempre gusto ko may makakasama na ako sa apartment ko. Gusto ko andun ka paggising ko sa umaga. Gusto ko nayayakap at nahahalikan kita lagi saka antagal na nating magboyfriend wala pa tayong, baby.” sabi nito, di ko na napigilan ang sarili ko at nabatukan ko na ito.



Sige sige scratch mo na yung huli kong sinabi. Namimiss na kita, andami ko ng panahong sinayang nung nanlamig tayo sa isa't isa. Saka nagpromise din akong aayusin ko na ang kung ano mang meron satin, diba?” sabi nito, seryoso na si Jase. Alam ko na ang tingin na binibigay niya sakin. Napangiti na lang ako.



0000oooo0000



Isang araw bago ako lumabas ng ospital ay nagtext sakin si Jase. Hindi na ito numero ng kwarto at kung ano pa man na konektado sa booking.



Mamya na ang paglipat ng hon ko!” sabi nito sa text. Bahagya naman akong napangiti at kinilig. Di pa lumilipas ang ilang oras at nagtext nanaman ito.



Hon, intayin mo ako mamya ha? Sa lobby na ng ospital tayo magkita.” sunod na text nito.



Halos hatakin ko na ang oras para makalabas agad ako ng ospital.



0000oooo0000



Isang oras na akong nagiintay sa may lobby, nagsisimula na akong magalala kay Jase at kung dadating pa ba ito. Nagsisimula na akong magisip ng di magagandang bagay tulad ng...



Pinagtripan lang kaya ako ni, Jase? Baka ipinapamukha niya lang sakin na patay na patay parin ako sa kaniya at di ko talaga gusto ang makipaghiwalay sa kaniya.” nasa ganito akong pagiisip ng biglang may nagtext. Si Jase. Sisimulan ko na sanang basahin ang text nito ng biglang may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako.



Nate?”


Itutuloy...