Against All Odds "Prologue"
______________________________
Against All Odds
“Prologue”
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nasa harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga nakaputing nurse at mga naka putting coat na mga doktor. Iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako.
“This is what I want. This is what I want to do.” bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa venipuncture kit na daladala ko, ang kit na kadalasang dala ng mga medtech students kung saan may lamang syringe at testubes na may rubber stopper. Napabuntong hininga na lang ako.
Tumingala ulit ako, sa ibabaw ng malaking gusaling iyon ay ang malaking buwan. Tila ba kapag tumayo ka sa bubungan ng ospital na iyon ay maaabot mo na ito.
“Hey kid in white, do you mind?!” sigaw ng isang lalaki sa aking likuran, tinapunan ko ito ng tingin sabay turo sa sarili ko, nililinaw sa lalaki kung ako nga ba ang kinakausap niya.
“Oo, ikaw. You're blocking the view!” aroganteng sabi nito. Sumimangot na lang ako saka tumabi ng konti. Nang hindi na nagsalita ang lalaki ay tinapunan ko ulit ito ng tingin, abala ito sa likod ng kaniyang canvass. Halos ang bonnet nalang nito ang kita ko sa ibabaw ng canvass. Muli ko na lang ulit tinuon ang tingin ko sa ospital at tinitigan ulit yun.
Nakapalumbaba ako at tinitignan parin ang matayog na gusali ng ospital. Nangalay ako kaya't panandalian akong umupo sa may bangketa. Pinapanood ko ang bawat taong naglalakad papasok at palabas at ang mga taong simpleng nagdadaan lang sa harap nito. Nasa ganito akong tagpo ng biglang parang magnanakaw na gumapang ang maitim na ulap sa kalangitan na siyang dahandahan ding tumatakip sa buwan at miyamiya pa ay nagdala ito ng ambon. Ambon pero may gapisong kalaki na patak. Agad akong tumayo at tumalikod.
Agad ding bumulaga sa harapan ko ang malaking canvass at ang susunod na tagpo ay isa sa pinakamatinding kahihiyan na gusto ko mang kalimutan pero pilit na tumatak sa isipan ko.
“Hey kid are you ok?” tanong ng isang mama sakin, nagsisimula ng dumalas ang patak ng ulan sa aking mukha pero sa paligid ko ay malakas na ang buhos ng ulan. Nagadjust sa paligid ang kabubukas lang na mata ko. Napansin kong may humaharang sa pagitan ko at sa malakas na ulan. Sa pagitan ko at sa lalaking nakahawak sa kung ano mang bagay na sumasangga samin sa malakas na ulan.
“Kaya mo na bang tumayo?” tanong nito sakin. Tumango lang ako, inalalayan ako nitong tumayo. Nun ko na lang napansing puro dumi na ang aking uniporme lalo na sa likurang bahagi nito.
“Sensya ka na, ako may kasalanan kung bakit ka natumba kanina. Napasama ata ang bagsak mo.” sabi nito sakin nang maka silong na kami sabay abot sa aking batok at kinapakapa iyon na tila naghahanap ng bukol o sugat.
“So-sorry din.” nasabi ko na lang. Napatitig na kasi ako sa mukha niya. Gwapo ito at siya rin yung aroganteng lalaki kanina na nagpaisod sakin mula sa aking kinatatayuan.
“Wala bang masakit sayo?” nagaalalalang tanong nito sakin, umiling lang ako kahit ang totoo ay nanghihina ako sa pagkakabagok. Medyo lumayo na ito sakin at tinignan ang kaniyang canvass. Napailing nalang ito. Basang basa na kasi ito pero sa aking tingin ay maganda parin ang painting. Painting ito ng buwan, ng buwan at isang lalaking nakaputi na nakaupo sa bangketa na nakapalumbaba.
“Ako ba yan?” tanong ko. Kumunot naman ang noo nito sa aking tanong na yon. Di niya ako sinagot, patuloy parin siya sa pagretoke ng nasirang painting.
“Suplado.” sabi ko sa sarili ko pero parang narinig niya iyon at tinapunan ako ng masamang tingin.
“Sensya na, di lang talaga ako palasalita. Nathan nga pala. Nate na lang.” pakilala nito, nginitian ko na lang ito saka tumango at ng mapansing medyo tumila na ang ulan ay nagsimula na ako maglakad pauwi. Medyo nakalayo na ako dito ng tawagin ulit ako nito.
“Hey kid!” tawag ng lalaking Nate ang pangalan sakin, di ko kasi pinansin ang pagpapakilala nito at hindi ko binanggit ang aking pangalan. Nilingon ko ito. Tila na ang ulan. Kargakarga nito ang kaniyang canvass na may painting ko at ng magandang buwan.
“Naiwan mo kikay kit mo.” sabi nito sakin sabay ngisi.
“Hindi kikay kit yan.” sabi ko dito sabay abot ng bag na may lamang mga testubes at syringes. Tumalikod na ulit ako at itinuloy na lang ang paglalakad pauwi.
“Sino ngayon ang suplado sating dalawa?” bulalas nito. Natigilan ulit ako. Tinignan ko ito ng masama. Umupo ulit ito sa pinakamalapit na bench, di alintana maski basa pa iyon gawa ng malakas na ulan kanina. Wala sa sarili akong tumabi dito. Inilatag ulit nito ang canvass sa kaniyang harapan at sinimulang retokihin ang nabasang painting.
“Aaron.” sabi ko sabay lahad ng kamay sa kaniya para i-shake iyon. Ngumiti ito sakin sabay pinakita ang kamay na puno ng pintura. Binawi ko na lang ang kamay ko at nagiba ang isip sa pakikipagkamay dito.
“Nate.” ulit nito.
“Sensya na kung medyo suplado ang dating ko kanina ah?” sabi nito sakin sabay labas ng kaniyang paintbrush.
“Ok lang.” sabi ko sabay tingin sa kaniyang ginagawa. Habang lalo ko itong napagmamasdan ay lalo kong napapansin ang kagandahan ng pagkakaguhit nito.
“The moon is beautiful tonight kaya ng mapadaan ako dito agad akong bumaba para i-paint ito.” sabi niya maski di ko naman tinatanong.
“Kuwang kuwa mo nga eh.” sabi ko dito.
“Salamat, kaso medyo nabasa siya kanina kaya medyo humulas.” sabi nito sabay retoke ulit ng kaniyang painting. Tumingin ito sakin sabay ngumiti.
“Ikaw, bakit ka nakapalumbaba sa bangketa? Saka ano ba yung tinititigan mo?” tanong sakin nito. Itinuro ko ang malaking gusali sa aming harapan.
“Iyan kasi ang stress remover ko saka ang motivator ko.” makahulugan kong sabi habang parang nananaginip na nakatingin sa gusaling asa harapan namin.
“Building?” tanong ulit nito sakin, halatang pinipigilan ang mapatawa.
“Ospital yan, isa sa pinakamalaki at pinakakilalang ospital dito sa Pilipinas. Pangarap namin ng kuya ko ang magtarbaho diyan.” pagmamayabang ko.
“Ahhh..”
“Dyan ako magtatarbaho bilang doktor. Makikilala ako diyan bilang isang magaling na Internist.” sabi ko.
“Eh pano naman naging stress remover and motivator?” tanong nito sakin, di na siya ngayon nakaharap sa kaniyang canvass. Nakaharap na siya ngayon sakin, tila ba interesadong interesado sa sasabihin ko.
“Kasi I tend to quit whenever I'm feeling stressed out. Kaya sa tuwing may mahirap na nangyayari sa school at kapag naiisip kong magquit na sa dreams ko humaharap ako diyan sa building na yan at yang building na yan ang nagpapamukha sa akin tungkol sa mga gusto kong makamit, thus, nawawala ang aking stress at ang iniisip na pagqui-quit.” sabi ko dito. Tumango naman siya, halatang kumbinsido na nagsasabi ako ng totoo at hindi nababaliw.
“Why not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din ng stress at sama ng loob once you talk about it to someone.” sabi niya. Tumango ako.
“Yun nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng sabihan.” sabi ko sabay buntong hininga. Idinaretso ko ulit ang tingin ko sa malaking gusali sa aking harapan pero sa gilid ng aking paningin alam kong nakatingin sakin si Nate.
“I see.” mahinang sabi nito na miya mo nahihiya sa nasabi. Nagbuntong hininga ulit ako, nakatitig parin siya sakin. Nginitian ko lang ito, di ko alam kung bakit pero namula naman ito at agad na ibinaba ang tingin sa kaniyang nireretokeng canvass.
“Uwi na ako.” sabi ko dito sabay tayo, nagulat naman siya sa bigla kong pamamaalam.
“Ah eh, si-sige. Sige. Ingat ka.” sabi nito sabay ngumiti.
0000oooo0000
“Tay.” simula ko sa aking ama nang sumagot ito ng telepono. Di na mapigilan ang lungkot at nalalapit na pagtulo ng aking mga luha.
Kalalabas ko lang ng skwelahan at kakuwakuwa lang ng aking mga classcards. Di ko akalaing bumagsak ako sa isa sa aking mga major subjects. Isa nanamang disappointment sa aking mga magulang.
Tumigil ako sa harapan ng building na laging aking pinapanood sa mga oras na tulad ng ganito, agad akong umupo sa bangketa sa harapan nito, walang pakielam kung puno man ng dumi ang bangketa na iyon at kahit pa naka puti akong uniporme, basta dapat kong makita ng maayos ang building na ito. Ang aking Ospital na pinapangarap na mapagtrabahuhan balang araw.
“Tay. Bagsak ako sa isa kong subject.” naituloy ko narin sa wakas.
“Aaron, nagtratrabaho kaming mabuti ng inay mo para mapagtapos ka, the least you can do is study hard.” sabi ng tatay sa akin sa kabilang linya. Agad kong narinig ang disappointment sa mga sinabi niyang yun.
“Alam ko, Tay, di lang talaga...”
“Anak, we're expecting you to do good there in Manila, like your kuya.” putol sakin ng aking ama, napabuntong hininga na lang ako.
“Ok, Tay, pagbubutihin ko sa susunod.” sabi ko na lang at ibinababa na ang telepono.
“As if my parents needed more disappointment from me.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit sabay nagbuntong hininga.
“Tough day at school again Kiddo?” sabi ng isang mama sa likod ko na halos ika talon ko at ikatakbo sa sobrang gulat. Napangiti si Nate sa nakitang reaksyon sakin.
“Geez! Stalker much?!” sabi ko dito, humagalpak na ito ng tawa.
“...and yes, tough day at school. You know, I can't understand professors, they are telling us to do something for them and when we don't meet their expectations, ibabagsak ka nila.” sabi ko ng walang preno dulot ng sobrang sama ng loob sa nangyari sa school nung umagang yun.
“Ahhh, kaya pala nakapalumbaba ka nanamn dyan sa harapan ng building mo.” sabi nito sakin.
“Eh ikaw, bakit nandito ka nanaman?” tanong ko dito. Kumunot naman ang noo nito.
“I was actually wondering if you would be here.” sabi nito habang inilalabas ang kaniyang canvass.
“Bakit naman?” tanong ko dito sabay lapit sa kaniya.
“Because I need someone to talk to.” sabi nito sabay timpla ng mga kulay na gagamitin nito. Nagdalawang isip ako, kailangan ko na kasing umuwi ng maaga dahil may aaralin pa akong lesson. Marahil ay nakita nya ang aking pagaalangan.
“Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.
Parang di ko siya kayang tanggihan.
0000ooo0000
“So your brother comes home, and stole all the glory from you? He sounds like a real asshole.” sabi ko sabay nguya ng kabibili lang na kasuy. Nakaupo na ako ngayon sa tabi niya habang kinukwento niya ang bagay na gusto niyang pagusapan namin.
“Half brother.” pagtatama nito sakin saka tuloy na sa pagsasalita ng makuwa ko ang pinupunto niya.
“Well, wala rin naman akong masyadong mai-o-offer sa mga magulang ko. I'm a struggling artist. Jason is a model and at the same time studying Business Ad sa La Salle, samantalang ako fine arts. Wala manlang akong panama don.” sabi nito, habang ipinapahid ang kulay puti sa canvass niya.
“That's bullshit! Lahat ng magulang mahal ang mga anak nila kahit ano pang pinili nilang gawin sa buhay. Talentless, nerd, cleftlip, insomniac, anorexic o kung ano pa man yan walang magulang ang hindi nagmamahal sa anak nila.” sabi ko dito, napalunok naman ako sa sinabi kong iyon.
“Am I actually talking about my situation right now?” tanong ko sa sarili ko nang maalala ang problema ko sa aking mga magulang. Binigyan lang ako nito ng isang tingin saka magiliw na ngumiti.
“I'm really glad na nagkausap tayo ngayon.” sabi nito sakin habang inililigpit ang kaniyang canvass.
“No worries.” sabi ko dito sabay tingin sa orasan. Nanlaki ang mata ko.
“Magaalasdose na pala! Hala patay ako nito.” sabi ko saka nagmadaling tumalikod.
“Teka Aaron, hatid na kita.” sabi nito sakin. Umiling na lang ako saka ngumiti.
“Sige na. Makabawi manlang ako sayo.” sabi ulit nito sakin, may tono ng pagmamakaawa sa boses nito. Muli, di nanaman ako naka-hindi.
Di ko inaasahang magiging ganito kasaya kasama si Nate, isang asa tamang edad na pero kung umasta ay kala mo teenager parin, nararamdaman ko na rin ang kwento sa likod ng itsura nito, marahil ay astigin man ang tingin sa kaniya ng karamihan pero ang totoo ay maypagka sensitive din ito, isang taong kailangan ng atensyon, isang taong kailangan lang ng makakausap at makikinig sa kaniyang mga hinaing.
0000oooo0000
“Ops. Di pa nga sabi pwedeng gumalaw eh.” sabi nito sakin sabay pandidilat.
“Can't you just take a photo of me and then copy na lang from the photo?” tanong ko dito sa sobrang pangangalay. Ginagawan kasi ako nito ng portrait, bilang ganti daw sa pagiging mabuti kong kaibigan sa kaniya. Hinimas nito ang kaniyang balbas at nagisip ng kaunti.
“Pwede din.” sabi nito sakin sabay kuwa ng kaniyang digi cam at picture sakin. Agad naman akong umalis sa aking puwesto at tinungo ang kaniyang ipinipinta.
“Ops!” sigaw nito sakin sabay harang sa kaniyang drawing.
“C'mon, ilang buwan ko na ikaw pinapanood magpaint. Anong pinagkaiba ng ngayon?” tanong ko dito.
“Simple lang. Ikaw kasi ang ginuguhit ko.” sabi nito sakin, agad namang kumunot ang aking noo, kinurot lang ako nito sa pisngi na miya mo nakatatandang kapatid na nacu-cutan sa kaniyang kapatid.
“Pa-secret- secret pang nalalaman eh!” bulyaw ko dito sabay tiklop ng aking mga kamay at pinatong saking dibdib. Tumawa lang ito.
“Papakita ko sayo, sa isang kundisyon.” sabi nito, lalong kumunot ang aking noo, ngumisi naman ng nakakaloko si Nate.
Dahan dahan itong lumapit sakin, nakangiting nakakaloko parin si Nate, tila ba wala itong magandang pinaplano, agad naman akong umatras. Natawa lalo si Nate sa aking ginawa. Tinignan ko na siya ng masama.
“Anong pinaplano mo Nate?” tanong ko dito. Lalong ngumisi si loko.
“Simple lang ang kapalit ng pagsilip mo sa painting mo.” sabi nito sakin.
“A-ano?”
“Kiss.” sabi nito sabay ngumuso.
Di na bago ang biro ni Nate na ganito, para itong nakatatandang kapatid na naglalambing, ilang beses na rin niya itong ginagawang kundisyon at biro lang ito sa kaniya. Agad akong ngumiti ng nakakaloko at parang batang dinilaan ito.
“Ah ganun?! Humanda ka sakin!” sigaw nito at nagsimula na akong habulin, agad narin akong tumakbo pero mali, di nga pala ako yung tipo ng tao na natakbo, di ako yung tipo ng tao na sporty dahil ako yung tipo ng tao na lampa.
Sa di nakapagtatakang pangyayari, sumabit ang aking paa sa isang kurdon na siya namang ikinabuwal ko, swerte ko na lang at andun si Nate at nasalo ako nito bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa malamig na sahig, agad ako nitong inalalayan patayo. Hinihingal akong humarap dito, agad na nagtama ang aming tingin at nagkatawanan sa aking katangahan.
Nang humupa na ang aming pagtawa ay naiwan kaming nakatitig sa isa't isa. Tila ba may sariling isip ang dibdib at kusa itong tumibok sa isang ritmong di pa nito itinibok. Agad naglaho ang huling bakas ng pagtatawanan sa mga mukha namin ni Nate at naiwan ang seryosong pagsusuri namin sa mukha ng isa't isa.
Nakatitig ako sa maamong mukha nito.
Tila na lahat ng ingay na nanggagaling sa kalsada sa labas ay nawala. Muling nagfalsh sa unahan ko ang mga bawat sandaling magkasama kami ni Nate. Ang ilang buwan naming pagtambay at paguusap ay bumabalik sa akin.
Lalong bumilis ang pagtibok ng aking dibdib. Dahandahang lumapit sakin si Nate, nakatitig parin siya sa aking mga mata naglapat na ang aming labi at ang aming mga katawan. Naramdaman ko ang pagtibok ng kaniyang dibdib. Ang ritmo nito ay pareho ng sa pagtibok ng aking puso.
0000oooo0000
Tinitignan ko si Nate ng masama, asa loob kami ng isang fastfood chain. Pinipilit nitong ipaubos sakin ang inorder niyang isang large fries. Hawak hawak niya ito at iwinawagayway sa aking mukha.
“Isa na lang.” sabi nito saka ngumiti.
“Ayoko na, bundat na bundat na ako, oh.” sabi ko dito.
“Saka bumabawi ka lang eh!” habol ko pa. Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kilay.
“At bakit ko naman kialangang bumawi sayo?” tanong nito sabay sapal ng fries na hawak nito sa aking bibig. Nginuya ko na lang ito bago nagsalita.
“Kasi sabi mo, dadating ka on time tas biglang malelate ka ng kinse minutos? Para kaya akong tanga kanina.” sabi ko dito sabay nguso. Binigyan lang ako nito ng magiliw na ngiti.
“Eh ano ngayon kung bumabawi nga lang ako? Saka kaya lang naman ako na-late kasi may kinausap ako sa terminal ng bus eh.” sabi nito sakin sabay subo nanaman ng isa pang fries.
“Terminal ng bus? Bakit? San ka pupunta?” tanong ko dito.
“Basta!” sabi nito sabay ngiti at sabay sapal pa ng isang fries sa aking bibig.
0000oooo0000
“Aray!” sabi nito ng hampasin ko ang braso niya.
“Tarantado ka talaga! Sabi ko na sayong ayaw na ayaw ko ng mga supresa eh!” sabi ko dito sabay lakad palayo. Niyakap lang ako nito mula sa likod.
“Happy Anniversary.” sabi nito sakin.
Di ko talaga iyon inaasahan lalo na't ang akala kong celebration ng aming anniversary ay ang kanina lang sa fastfood, matapos kasing kumain ay agad ako nitong hinila papunta sa terminal ng bus. Muli ako nitong hinila paharap sa dalampasigan.
“Nasabi mo sakin na gustong gusto mo dati ang nagsusurf kasama kuya mo.” pabulong nitong sabi sakin, pareho kaming nakaharap sa dagat, siya ay nasa likod ko at nakayakap. Tumango ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.
“Gusto mo pa bang mag-surf ulit?” tanong nito sakin. Tumango ulit ako.
“Good. Nag-rent ako. Turuan mo ako ah, mukhang maganda ang hampas ng alon ngayon eh.” sabi nito sakin sabay kindat. Humarap ako dito at masuyo siyang tinignan ng daretso sa mata.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito, napaka amo lalong lalo na ang mga mata na kala mo laging nakikiusap, mapupula at tama lang na kapal ng mga labi, matangos na ilong, maputi at makinis na balat. Di ko mapigilang lalong mahulog ang loob sa taong ito.
“Makatitig ka naman.” bulong nito habang dahan dahang inilalapit ang kaniyang mga labi saking mga labi.
0000oooo0000
“Madali lang. Parang bike lang din, kailangan lang maganda ang balance mo.” turo ko dito habang pareho na kami ngayong nakatopless at tanging boardshorts lang ang suot at ang nakataling surf board sa aming isang paa ang kasama namin sa gitna ng dagat.
“Sige try natin. Ayan, mukhang may magandang alon.” sabi ko dito sabay turo. Agad naman itong ngumiti, parang isang batang sabik makatanggap ng candy.
0000oooo0000
Ilang subok pa at nakuwa na ni Nate ang basics sa surfing. Madaling maka pick up si loko, sabagay ganyan naman talaga ang mga artist. Nakadapa lang lami sa aming mga surfboards at hinahayaang anurin ng alon. Nakatingin kami sa lumulubog na araw.
“Ganda. Parang nagtatago yung araw sa dagat.” sabi nito sakin habang magkahawak ang kamay namin.
“Nakaka relax. Parang ang nakakawala ng problema.” sabi ko. Tumango sa tabi ko si Nate.
“Pwede ko tong gawin habang buhay.” sabi niya. Napatawa naman ako.
“At siyempre ako ang dapat mong pasalamatan dahil may naituro ako sayo na pwede mong gamitin sa iba mo pang mga dine-date.” pangaalaska ko dito. Tinignan ako nito ng masama.
“Di ah, gusto ko sa habang buhay kong ginagawa ang ganito, gusto ko ikaw lang ang lagi kong kasama.” sabi nito. Napangiti naman ako at biglang kinilig ng higpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.
“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya.
“Siguradong sigurado!” sabi nito sabay ngisi.
“Isigaw mo nga sa buong sangkaragatan.” sabi ko dito. Napatawa naman ito.
“Mahal na mahal kita, Aaron Mark Apacible!” sigaw nito. Nagtamputanpuhan ako.
“Oh bakit ka sumimangot?” tanong nito.
“Hina kasi, di yun maririnig ng sangkaragatan.” sabi ko na may himig pagtatampo.
“Ah ganun ba?” tanong nito. Tumango lang ako.
“Sige saglit.” huminga ito ng malalim. Di parin kami natayo sa aming mga surfing board at magkahawak parin ang aming mga kamay. Kalahati na ng araw ang nakalubog at nagsisimula ng maging kulay orange ang kalangitan. Tahimik at payapa parin ang paligid, tanging alon lang na magiliw na nahampas sa dalampasigan ang aming naririnig.
“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.
“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.
“Sigurado ka?” tanong nito sakin.
“Siguradong sigurado!” sabi ko. Hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.
“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.
“Di lang maalat na tubig ang kailangan para makapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.
0000oooo0000
Humihingal kong ibinagsak ang aking sarili sa kama sa tabi ni Nathan. Napakasaya ng mga sandaling iyon para sakin. Patagilid na humarap sakin si Nate, nakangiting aso ito.
“Ngayong magkakababy na tayo, kailan mo ako ipakikilala sa mga magulang mo?” nangaasar na tanong nito sakin sabay himas sa aking tiyan na miya mo ako babaeng nagdadalang tao. Tumahimik lang ako. Di ako natuwa sa biro niyang iyon.
Di ko ito inaasahan sa kaniya. Masyado akong masaya sa piling niya na hindi ko na naisip ang tungkol sa aming mga magulang. Sooner or later ay ipapakilala nga namin ang isa't isa sa aming mga pamilya, pero di ko ko sure na magandang ideya ba yun. Isa nanaman itong disappointment na aking iuuwi para sa aking mga magulang. Nagbuntong hininga ako, alam kong napansin ni Nate ang aking pagaalala.
“Alam mo naman na kailangan din nating sabihin itong relasyon natin sa ating mga magulang diba?” seryosong tanong ni Nathan sakin, tumango lang ako.
“Siguro pag pareho na lang tayong handa, Nate, di pa ako handa eh.” matipid kong sabi dito at naintindihan naman ito ni Nate.
0000oooo0000
Tumagal pa ng isang taon ang aming pagsasama, masaya at puno rin ito ng pagsubok pero nakaya namin lahat ng iyon. Masaya ako sa aming relasyon ni Nate at alam kong masaya rin siya tungkol dito, pero paminsanminsan parin itong nangungulit tungkol sa pagamin namin sa aming relasyon sa aming mga magulang.
“Nagsasawa ka na ba sa palihim na paglabas natin at sa mga pagtatago natin?” tanong ko dito, tumango lang siya. Tama ako, alam ko kung bakit biglang natahimik si Nate habang sabay kaming kumakain.
“Nate, kung sakali bang di tayo matanggap... kung di ito matanggap ng ating mga magulang, ipaglalaban mo parin ito?” tanong ko dito, agad itong nagangat ng tingin at sinalubong ang aking mga mata.
“Oo naman. Mahal na mahal kita, Aaron. Di kita iiwan, kahit kailan.” sabi nito sakin. Tumango lang ako.
0000oooo0000
“Happy 2nd Anniversary!” bati ni Nathan sakin habang sinasanay ko pa ang aking mga mata sa liwanag ng paligid. Napagpasyahan kasi naming mamasyal malapit sa dulo ng lungsod at salubungin ang aming anniversary sa ibabaw ng isang burol kung saan kitang kita ang nagkikinangan na ilaw ng lugsod sa ibaba.
“Happy Anniversary.” bati ko dito at mariin siyang hinalikan sa labi.
“Ready for my gift?” tanong nito sakin, tumango lang ako at excited na ngumiti.
“Wait for it. Wait for it.” sabi nito sakin habang tinataas ang laylayan ng kaniyang jeans hanggang tuhod. Napakunot naman ang noo ko agad itong tumayo patalikod sakin at doon ko nakita ang kaniyang regalo sakin, sa likod ng kaniyang magkabilang binti ay kitang kita ang dalwang tato sa parehong paa, kasing laki ito ng puwet ng 1.5 na bote coke.
“Gago ka!” sigaw ko dito, agad naman itong sumimangot.
“Di mo nagustuhan?” nanlalaking mata na tanong nito sakin, marahil di niya inaasahan ang aking magiging reaksyon.
“Sinong may sabi sayong magpatato ka?!” sigaw ko dito sabay kuwa ng isang bimpo at kinuskos ito sa kaniyang binti.
“Permanent yan.” mahinang sabi nito, nagbuntong hininga ako sabay yumakap sa kaniya. Nagsimula na akong humikbi.
“Shhh. Bakit ka na iyak, kiddo?” tanong nito sakin.
“Ayaw ko kasing binababoy mo ang sarili mo para sakin eh.” sabi ko dito, napatawa naman siya.
“Ang ganda ganda ng tato eh.” sabi nito at pinipigilan parin ang sarili sa paghagikgik. Tinignan kong muli ng tato.
Isa itong cartoon character, isang character mula sa pelikulang ice age, yung squirrel na wala ng ginawa kundi ang habulin ang acorn, ito ang tampok sa tato na iyon ni Nate, ang mukha ng squirrel sa likod ng kaniyang kanang binti at ang acorn naman sa likod ng kaliwang binti. Napangiti ako ng mapagmasdan ko ito.
“Ngayon ngingitingiti ka diyan!” sabi ni Nate sakin. Inabot ko ang kaliwang binti nito.
“I don't remember an acorn with my name written on it sa pelikulang Ice Age?” tanong ko dito. Napatawa naman ito.
“Tama na sa regalo ko, asan ang regalo mo? Hmmm?!” tanong nito sakin, napangiti naman ako.
“Dalin mo ako sa parents mo at malalaman mo kung anong regalo ko.” sabi ko dito, bahagyang nagtaka si Nate at ng maisip nito ang aking ibigsabihin ay agad itong ngumiti.
0000oooo0000
“S-sigurado ko na ba dito?” tanong ko kay Nate na mukhang natatakot din sa aming gagawin.
Nasa harapan kami ngayon ng kanilang bahay. Ngayon na ang napagusapan naming araw kung saan ipapakilala niya ako sa kaniyang mga magulang at half brother.
“Kung di natin ito gagawin ngayon kailan pa?” tanong niya. Tumango lang ako.
Malaki at maganda ang bahay nila Nathan, may magandang bakuran at magagandang halaman dito. Sa kabila ng ganda na aking nakikita ay di ko parin maitago ang kaba, marahil ay napansin ito ni Nathan kaya't hinawakan nito ang aking kamay.
“Wag kang magalala, dito lang ako.” bulong niya sakin saka niya hinila ang aking kamay palapit sa kaniyang bibig. Nilapatan niya lang iyon ng isang masuyong halik.
Agad na binuksan ni Nathan ang front door ng kanilang malaking bahay. Ngayon, wala na talagang paglagyan ang aking kaba. Agad kaming sinalubong ng mga magulang ni Nate may ngiti sa kanilang mga labi pero ng maidako ang tingin sakin ay unti unting nabura iyon.
Inilagpas nila ang tingin sa akin at tumingin sa may pinto direkta sa likod namin ni Nathan, marahil ay nagiintay ng iba pang tao na maaaring kasama namin.
“Ma, Tito. This is Aaron, my boyfriend.” pakilala ni Nathan samin.
Tahimik.
Agad na binawi ng kaniyang mga magulang ang tingin samin at sa mga kamay naming magkahawak. Ibinalik ng mga ito ang mga ngiti sa kanilang mukha pero halatang peke na ito. Narinig ko ang pagbagsak ng isang pinto sa pangalawang palapag, nang ibalik ko ang tingin ko sa mga magulang ni Nathan ay magkayakap na ang mga ito. Ibinaling ko ang tingin ko kay Nate, nakatingala ito.
“Andito pala si Jason.” pabulong na sabi nito habang nakatingin parin sa ikalawang palapag kung saan bumagsak ang pinto na lumikha kanina ng ingay. Idinaretso na ulit nito ang tingin at binigyan ng nakakalokong ngiti ang kaniyang mga magulang.
“Di pa ba tayo kakain?” tanong ni Nate sa kaniyang mga magulang.
0000oooo0000
“Whew! That was awkward.” sabi ni Nate nang makalabas na kami ng kanilang bahay. Tumango lang ako bilang pagsangayon.
Naging ok naman ang pagamin namin sa kaniyang mga magulang, Tito at Tita pa ng ang gusto nilang itawag ko sa kanila, pero sa kabila noon ay ramdam ko parin ang kanilang pagiging malamig, hindi man samin ni Nate marahil ay dahil sa sitwasyon. Dahil sa aming piniling sitwasyon.
“So, anong tingin mo kay Mom and Tito?” tanong nito sakin.
“They're ok. Your dad...”
“Di ko siya Dad, tito ko lang siya.” pagtatama sakin ni Nate, agad naman akong bumawi.
“You're Tito is quiet, though. But your Mom is ok. I think it's your Mom who is head of the family, not your tito.” walang preno kong sabi dito, agad ko itong tinignan, natakot na baka na-offend ko siya sa aking kadaldalang sinabi. Pero tumawa lang ito.
“See, nakilala mo na agad ang family ko. I believe, naging ok naman lahat samin diba? Dapat pala matagal na natin tong ginawa.” sabi ni Nate, agad namang nabura ang ngiti sa aking mukha sa huli niyang sinabi.
“I wish I could say the same for my parents.” mahina kong sabi, agad namang hinawakan ni Nate ang aking mga kamay bilang pagpapakita ng kaniyang suporta sakin.
0000oooo0000
Agad na bumalot ang katahimikan sa pagitan ko at ng aking mga magulang. Asa sala kami ngayon ng aming bahay, kasasabi ko lang ng tungkol saming relasyon ni Nate, halatang halata sa mukha ng aking ina ang gulat. Sa mukha naman ng aking ama ang galit.
“No! Di ako papayag!” naibulalas ng aking ama pagkatapos ang mahabang pananahimik.
Inaasahan ko na na ganun ang magiging reaksyon ng aking mga magulang, di na bago ito sa kanila. Narining na nila ito sa aking kuya, ilang taon na ang nakakalipas. Una na silang nasaktan ng aking kuya sa pagamin nitong siya ay bading at siya ay may karelasyon, pero dahil ang kuya ko ang matalino, ang sports fanatic and basically the dream son ng aking mga magulang ay pinilit nila itong intindihin.
Pero di ako ang dream son, hindi ako ang sports fanatic, hindi ako ang matalino. Ako ang disappointment, ako ang sablay. Mapipilit din kaya nilang ang intindihin sitwasyon ko tulad ng sa aking kuya? Hindi. Alam ko hindi. Agad akong nagbuntong hininga.
Alam kong kahit anong mangyari, kailangan kong ipaglaban ang meron kami ni Nate. Alam kong kailangan ko ng manindigan.
“Bakit nung si kuya...?” simula ko, nakita ko ang reaksyon ni Nate, alam kong hindi niya alam ang tungkol sa sekswalidad ng aking nakatatandang kapatid.
“Iba ang kuya mo...” simula ng aking ama.
“Bakit? Dahil paborito niyo siya?!” medyo napapataas na ang aking boses sa sinabing iyon. Natahimik ang aking ama.
“Nagkamali kami noon sa iyong kuya.” singit ng aking ina.
“Oo, kayo ang nagkamali, pero si Kuya? Sa kaniyang nararamdaman? Hindi siya nagkamali. Ganun din ako, di ako nagkakamali sa aking nararamdaman kay Nate.”
“Hindi ako papayag.” malamig, pero kalmado nang sabi ng aking ama, pero sa kabila ng pagiging kalmado ng kaniyang sinabing iyon ay lalo akong natakot. Alam ko kasing ito na ang hudyat na dapat ay hindi na ako makipagtalo.
“Hindi ko bibitawan ang pagmamahal ko kay Nate.” may paninindigan kong sabi.
“Kung ganon, maghanap ka na ng ibang matitirhan. Let's just hope, Nate can pay for your tuition.” malamig ulit na sabi ng aking ama. Tinignan ko ang aking ina, umaasang pipigilan nito ang aking ama sa naisip, pero hindi, nagkamali ako, blangko ang mukha ng aking ina, walang plano na pigilan ang aking ama.
“Fine.” sabi ko, tumayo ako at hinila na si Nathan palabas ng bahay, malapit na kaming makalabas ng bahay ng sumigaw ulit ang aking ama.
“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako, pagtatawanan kita.” walang pusong sabi ng tatay ko. Nagsimula ng tumulo ang aking luha, hinila ko na si Nate palabas.
0000oooo0000
Naduduling na ako sa kababasa ng aking notes, pinagpatuloy ko ag aking pagaaral kahit na pinalayas na ako samin, naghanap ako ng part time job kung saan pwede akong magtrabaho sa gabi at magaral sa umaga. Nag crew ako sa isang fastfood chain, buti na lang at isang sem na lang ay graduate na ako.
“Pahinga ka muna, kiddo.” awat sakin ni Nate nang makitang kinukusot kusot ko na ang aking mga mata, nginitian ko lang ito.
“I told you, di mo na kailanagn magtrabaho, Mom wants to help you pay for your tuition.” sabi sakin ni Nate. Ilang beses na naming napagusapan ito, at hindi parin ang sagot ko, madalas ang diskusyon tungkol dito ay nauuwi sa pagaaway.
“I told you...”
“Doing this saves some dignity for you. I know.” sabi nito, saulado na ang aking sinasabi sa sobrang dami ng beses na napagusapan ito. Bumuntong hininga ulit ako.
“Alam mo na pala eh.” sabi ko dito.
“Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan, ang laki na ng pinayat mo oh. At least let me help you, kahit 25% lang ng tuition.” alok ulit nito sakin, tulad ng nauna nitong suhestyon ay ilang beses narin namin itong napagusapan ni Nate.
“You're helping me already by not letting me pay for the rent and the rest of the bills.” sagot ko ulit, nagbuntong hininga na lang si Nate at niyakap ako.
“Sige, ito na lang ang request ko, can we sleep now?” tanong nito, halatang umiiwas na sa isa nanamang mainit na away. Ngumiti lang ako at humarap dito at hinalikan ng mariin sa labi.
0000oooo0000
“Kiddo, there's a mail for you, iniwan ko dun sa may sala.” sigaw ni Nate ng marinig ako nitong pumasok. Agad kong kinuwa ang sobre at pumunta na sa kusina kung saan nagluluto si Nate ng hapunan.
“Goodevening, kiddo. Kumusta ang mga microscope?” bati nito sakin sabay halik sa labi. Nginitian ko ito ng maghiwalay ang aming mga labi.
“Ok lang naman sila.” pertina ko sa aking trabaho sa isang laboratory, nakagraduate narin ako as medtech, binitiwan ko na ang trabaho ko sa fastfood, medyo nakakaluwag narin kami ni Nate, maga-apat na taon narin kami sa aming relasyon at masasabi ko sa sarili kong naging maayos naman ang kinahantungan ng aking paglayas sa puder ng aking mga magulang. Ngayon, sa aking palagay, wala na silang maisusumbat pa sakin.
Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto at si Nate naman ay bumalik na sa kaniyang pagpe-paint sa harap ng kaniyang canvass habang iniintay na maluto ang kasasalang lang na pagkain. Binuksan ko na ang sobre at sinimulan ng basahin ang liham na nakapaloob dito. Nanlamig ako. Agad akong tumakbo at hinanap si Nate.
“Nate!”
“Oh?!” sagot nito pabalik.
“Good news! I got thru!” sabi ko dito. Agad naman itong humarap sakin at iniwan saglit ang kaniyang painting na ginagawa.
“Congrats! Should I call you doc now and not kiddo?” tanong nito sakin sabay ngiti.
“Ulul! Di pa! After boards pa siguro. And I would like it if you still call me kiddo even after my residency.” sabi ko dito agad naman itong ngumiti saka lumapit sakin, agad ako nitong niyakap.
Pinagmasdan ko na lang ang mukha nito habang nakayakap siya sakin at nakatingin ng daretso sa aking mga mata. May mga bahid pa ng oil paint ang mukha nito at madumi pa ang kamay nito mula sa pastel na ginamit nito pang guhit ng kaniyang obra. Maputi at maganda ang katawan, mahaba ang buhok nito na hanggang balikat na naka ponytail, matangos ang ilong at may mapupungay na mata, may mapupulang labi na siya namang masarap halikan, makakapal ang kilay at may hikaw na nakatusok sa may kaliwang kilay nito. “Ruggedly handsome.” karaniwang description dito ng mga kolehiyalang nakakakita dito.
“I'm so proud of you, kiddo.” sabi nito sabay siil sakin ng halik.
Nang maghiwalay kami sa aming halikang iyon ay agad din namang naglaho ang sense of excitement ko. Napaisip ako bigla. Marahil ay napansin ito ni Nate, agad nitong hinawakan ang aking kamay.
“We'll ask Mom about it. Don't worry.” sabi nito, umiling ako.
“I'll do double job. Kaya ko ito.” sabi ko kay Nate saka tumalikod dito, narinig ko itong nagbuntong hininga.
Napaupo ako sa aming kama, magpapalit na sana ako ng pambahay nang marealize ko na hindi kaya ng pagme-medtech at ng pagse-service crew ang tuition ng medicine at ang iba pang kalakip na gastusin nito. Napabuntong hininga ako.
“Pero hindi! Di ako hihingi ng tulong kahit kanino, magiging doktor ako, magiging magaling na doktor ng di nahingi ng tulong kahit kanino.” may paninindigan kong sabi sa sarili ko.
0000ooo0000
“Honestly, Aaron, you don't look ok. Natutulog ka pa ba?” tanong sakin ng isa kong kaklase sa medicine, na si Randy.
“Di nga eh, kagagaling ko lang kasi kanina sa pagcre-crew.” sagot ko dito sabay hilot ng aking batok sa sobrang pagod.
“Kung papayag ka, meron akong alam na mapagkakakitaan, di ka pa masyadong pagod.” sabi nito sakin, agad akong naging interesado sa mga sasabihin nito.
0000ooo0000
Di ko alam na nasa ganito rin palang kalakaran si Randy, ayon sa kaniya ay ito ang tumutulong sa kaniya para makapagaral ng medicine, kung titignan mo si Randy ay wala sa itsura nito ang papasok sa prostitusyon, maputi, magandang lalaki at malaki ang katawan, di halatang nagugutom, pero ayon din sa kaniya ito lang ang tumutulong sa kaniya at ang kaniyang asawa at isang anak.
“Ano? Game ka ba? Maipapakilala na kita ngayon.” sabi nito, napaisip ako bigla.
0000ooo0000
Di naman nagtaka si Nathan maski binitiwan ko na ang fastfood at ang pagme-medtech na lang ang aking tinira. Di siya nagtanong kung nakakabayad pa ba ako ng tuition, busy narin kasi ito sa kaniyang bagong business, nagsisimula palang din kaya't di pa masyadong makakatulong.
Hangga't maaari ay di ko sinabi kay Nate ang pagbu-booking, ayaw ko kasing magalit ito sakin, lalo na at ayon dito ay dala lamang ng pride ang pagtanggi ko sa tulong ng kaniyang magulang.
Pero tulad ng sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag.
0000ooo0000
Inihatid ako ng isang kliyente pagkatapos ko siyang pagserbisyuhan sa bungad ng eskenitia papasok sa inuupahan naming apartment ni Nathan. Sakto namang andun si Nathan sa may kanto at nakita ako nitong bumababa sa isang magarang kotse.
“Aaron, I'll text you for the next service ha?” tawag sakin ng baklang aking pinagserbisyuhan nang makababa ako ng sasakyan nito, tumango lang ako habang nakatingin parin ng daretso kay Nathan, di na maipinta ang mukha nito. Nang makaalis na ang kotse ay agad ako nitong hinawakan sa aking braso at hinila papunta sa aming apartment.
“Nathan yung bayad sa renta sa makalawa na ha?” sabi ng aming landlady na si aling Babs.
Di na ito pinansin ni Nathan at tuloy lang sa paghila sakin papasok ng aming inuupahan.
“Totoo pala ang balita...” umpisa ni Nathan.
“Anong balita?” maangmaangan ko. Sinampal ako ni Nathan, pareho kaming nagulat sa pagsampal niyang iyon. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan ako ni Nate ng kamay.
“Hanggang kailan mo ito itatago sakin?!” sigaw na nito, di na ako sumagot.
Nagsisimula ng mangilid ang luha sa aking magkabilang mata.
“Sinong may sabi sayo na ibenta mo ang sarili mo?!”
“Akala ko ang sinusweldo mo sa pag me-medtech ang gagamitin mo pangbayad sa medschool?!” sigaw ulit ni Nate, umiling ako.
“Di kaya ng sweldo ko ang med school at iba pang bayarin.” nanlulumo kong sagot dito. Muli kong ibinaba ang aking tingin at tinitigan ang aking mga tuhod.
“Kaya naisipan mong magputa?! Kaya nagpapagamit ka sa mga pathetic na bakla dyan sa tabi tabi?!” bigla kong naibalik ang aking titig kay Nate. Kitang kita ko ang pandidiri sa reaksyon nito at hindi lang pangdidiri, nakikita ko rin ang panghuhusga sa mga mata nito.
“Sana sinabi mo sakin agad, hindi yang ganyang dinudumihan mo ang dangal mo. I'm sure makakatulong sila Mom, alam kong tutulungan ka nila! Pero hindi mas ginusto mo pa yang magputa mas pinili mong manahimik!” sigaw nito sakin, di ko na napigilan ang aking mga luha.
“I'm sorry, pero sabi ko di na ako hihingi ng tulong sa kahit kanino.” mahina kong sabi.
“Di lahat ng tao tulad ng parents mo, Aaron. May mga taong gustong tumulong sayo dahil nagmamalasakit sila!” balik nito sakin.
“Di ako papayag na kaawaan ako!” sigaw ko dito.
“Well ano? Ayaw mong kaawaan ka at mas gusto mong pandirian ka?!” tanong sakin ni Nate. Natameme ako sa sinabi niya.
“Basta di ako tatanggap ng tulong sa iba, just so they can judge me even more. Di mo ba nakukuwa Nate?! Nasa sitwasyon akong ito dahil sinabi ko sa mga magulang kong BAKLA ako! Nakita mo kung pano nila ako tignan, nandidiri sila! Ngayon wala na akong pakielam maski pandirian ako ng mga tao basta ayokong kaawaan narin ako!” sigaw ko dito. Ngayon siya naman ang natahimik, di makapaniwala sa aking mga sinabi. Tumalikod ito at lumabas na ng aking nirerentahang kwarto.
“San ka pupunta?!” sigaw ko dito.
“Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!” nakatalikod na sabi nito sabay lakad palayo.
Matagal nang hindi nagpakita sakin si Nate, magiisang buwan na, sinusubukan ko itong tawagan at punatahan sa kanilang bahay pero lagi itong wala, kada uuwi ko galing booking o kaya naman ay medschool ay unti unti kong napapansin na nauubos na ang gamit ni Nate sa aming apartment, marahil ay untiunti naring umaalis sa aking buhay.
Ilang linggo pa ang lumipas at tuluyan ng di umuuwi si Nate sa aming apartment. Wala na ang mga gamit nito at ayon kay aling Babs na aming landlady ay di narin niya ito napapansing pumupunta sa apartment. Nagsimula na akong kabahan. Ayaw kong isipin na tuluyan na akong iniwan ni Nate, ang taong aking kasangga, ang taong aking pinaglaban at pinagpalit para sa pagmamahal ng aking mga magulang. Ang taong dahilan ng aking pagpupursigi.
0000ooo0000
Di mapakali ang aking kausap, malakas na kasi ang buhos ng ulan at kumikidlat at kumukulog pa, tanging bubong ng guard house ang aming sinisilungan.
“Manang, please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko lang siya saglit.” pagmamakaawa ko sa kasambahay nila Nate.
“Di pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi nito sakin.
“Manang, please.” pagmamakaawa ko ulit.
“Pasensya na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa eh.” sabi nito. Agad naman akong pinalabas ng guwardya sa kanilang compound.
“Manang pakisabi kung hindi pa siya hanadang makipagusap sakin, sabihin mo andito lang ako, magiintay.” sigaw ko dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo ng gate nila Nate.
Di ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung makausap ko si Manang, marahil ilang oras narin akong nakababad sa ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula narin akong manginig. Buo na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate nila Nate hangga't di siya nakikipagusap sakin.
Biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan ng gate. Di ko kilala kung kanino iyon pero ni hindi nito ibinaba ang kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung ano ang kailangan ko, tinted ang sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino ang nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.
Ilang oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng gate. Nagsisimula na akong mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa driveway at napasandal na sa gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng malay.
Nang nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay napansin kong nasa loob na ako ng isang sasakyan, tinignan ko kung sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong nanghihina para lumingon sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga mata.
“He's going to be ok, he needs rest and dry clothes.” sabi ng isang lalaki na nakaputi.
“Ganon ba doc, can he spend the night here? Ako nang bahala sa payments for admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakaputi, masyado pa akong nanghihina at di ko mai-focus ang aking mga mata.
Nagising na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama at isang nurse na tsine-tsek ang aking vital signs. Tinanong ko ito sa mga nangyari, sinabi niyang may nagrequest daw na dito muna ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat, pagkatapos daw nun ay pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga gamit.
Nanlulumo akong lumabas ng ospital na iyon, di sigurado kung anong buhay pa ang naghihintay sakin sa labas, ngayong iniwan na ako ng lahat ng taong mahal ko, ngayong nagiisa na ako.
After six Years
Malagkit ang tingin sakin ng aking kliyente nang makapasok ako sa hotel room kung saan nito napiling idaos ang napagusapan naming booking. Napangiti ito nang makilatis akong maigi, marahil nagustuhan ang kaniyang nakikita. Ngumiti din ako.
“I'll use the bathroom first, and once I'm done, we can start, so take all those clothes off.” sabi ko dito, lalong lumawak ang ngiti nito at nagsimula ng maghubad. Agad akong pumunta sa banyo at inayos ang aking sarili.
Nakaharap ako sa salamin. Marami na ang nagbago simula nung araw na lumabas ako sa pinto ng Ospital na iyon may anim na taon na ang nakakaraan.
“Hinulma na ako ng panahon sa isang pagkatao na hindi ko kailanman pinangarap na maging... mas matapang, mas matigas ang sikmura, isang bagong Aaron Mark Apacible, at ang kwentong ito ang magpapakita ng bagong ako...”
Itutuloy...
kuya migs nice story you have..patuloy ko sinusubaybayan ung mga story mo..very interesting kasi eh..buti bati na kayu ni jp hahahah...
ReplyDeleteleonard..:)
wow!!! e2 n ang AAO!!! sobrang galing mo tlg migs!!! idol!!! :) love all your stories esp. ung Chasing Pavements and ganda ng pagkakagawa... i-published n toh!!! :D
ReplyDelete- Rjay -
babasahin ko palang ung story after ng comment,
ReplyDeleteupdated na ako sa blogs mo kuya migs! :D
Finally, nabasa ko na rin yung AAO. I was wondering why it was pulled out.
ReplyDeleteI like almost all of your stories, Migs, especially Love at its Best and Breakeven. Yung Chasing Pavements, I have come to really like it. Naawa lang kasi ako sa main character, si Migs pero maganda yung story. Pero kahit na maganda yung story, it does not really mean na I have to like it.
And yung ibang short stories parang dugtong sa mga kwento ni Migs sa Chasing Pavements.
Btw, Chasing Pavements of Adele is my favorite song, although it speaks of uncertain happiness in love. And I think it really fits to Migs' stories sa Chasing Pavements.
Dito naman sa Against All Odds, I really like the transition of the love story of Aaron and Nathan.
Yun lang sa huli na I feel sad and disappointed because of the decision of Aaron. It seems that the story is not anymore fitting sa love story nila ni Nathan and he became blinded sa pride that he chose to become a hustler than to become a worthy lover. He wasted away their four years to become a hustler just to pay for his medical studies to become a doctor and I think that is the point where I find it a disappointment. Haist.
So the Against All Odds title does not anymore apply to their love story sa huli (pero nakaya nila yung coming out process, so okay pa rin yung title) but rather on his pride to show his parents that he can be a worthy gay man, if becoming a son has become worthless. Why? Nathan left him. It would have become really Against All Odds between them, if he comes to accept it pero matigas talaga itong si Aaron, so tama lang nito na iwan. Napakalungkot nga lang.
But I might be wrong kasi hindi naman tapos ang story, yun nga lang after six years, he is still doing the trade and perhaps, Nathan has moved on (and has married perhaps) but I again, I might be wrong.
But despite the story and its possible outcome, I can say you really are a great "storyteller". You moved me. That's my basis of great stories and I think that is also one of the bases of many readers when they come to like a story-- their emotions are moved to the point where they would feel turmoil if there is no channel to escape on what they feel from the story.
I couldn't sleep if I could not leave a comment to show my like and distraught sa story. Parang nakapanglumo sa bottom although my continuation pa.
And you know what, this is the kind of story that I have waited sa Tagalog gay erotic stories sites-- a story about the life of a hustler, of a male prostitute. Napakaganda sa beginning and nakakatense sa bottom, prologue pa lang. Love stories about gay male hustlers are... bold, dark, melancholic but they can be light, empathetic and enlightening if they have a good ending. I think, with the title, it foretells a good ending. I surely hope so.
I will surely wait tomorrow sa update nito. ( hope meron na)
I hope rin maipakita itong comment kahit mahaba.
-Slythex
P.S.
This story could be a novel material. I will conclude if it really is when I read the epilogue.
And another comment lang...
ReplyDeleteThe story about male prostitution is realistic. I have come to learn that there are professionals still doing this as part-time job. I have come to know this from what I have learned and what I have known directly although the trade is done secretly. But again, not all secrets remain concealed.
The sad part lang is they find it hard to be in a committed relationship, obviously. Haist.
Regardless of what the story entails, I can't wait for the chapters to be posted. This can be my another obsessive read after getting hooked with gay stories for two months now.
I agree with Slythex. I agree with his conditions to consider if an author is great or not. Ang galing mo talaga Migs! Nung binabasa ko na yung part ng pag-amin ni Aaron sa parents niya, i felt like parang ako mismo si Aaron. 'Gang ngayon na im writing this im feeling my anxiousness if ever man na aminin ko na din sa parents ko yun relasyon namin ng baby ko. Bigla ako natakot. Bigla ako kinabahan. Kaya napaisip ako sa mga pwedeng manyari if gagawin ko man yun. I'm somewhat troubled. (sigh) More power Migs! Susubaybayan ko to!
ReplyDelete-This is a story worth reading!-
mukhang magiging masaya to ah :D go go go migs!!!
ReplyDelete-shaft
So this is one of the changes huh! Love it! Iniba mo atake ngayon and it seems more fitted sa title pa lang "Against All Odds". Puyatan na naman to sa pagbabasa ng mga next chapters! Woohhh!! Todo na to to Migs! More Power!
ReplyDeletehuwow!!!
ReplyDeleteI cant compare this particular work of urs to ur previous works..hmmm may kakaiba dito..though mejo typical ung plot (sa nakikita ko....) nde ko mawari pero parang may bago at kakaiba sa story na to..heheh
but the most important thing is.... THANKS FOR SHARING your Talent...:))
KUDOS (Kuya?) Migs.....hehe
Wow! Wala ako masabi sa story na to. Kudos Migs! And super like ko love story nyo ni JP :)
ReplyDeletepanalo tong AAO, Migs!
ReplyDeletesobrang gusto ko yung story.... hindi pangkaraniwan!
woah.. that's something new to look forward to..
ReplyDeleteiba ang atake ng story na to.. hehe (atake talaga ha?!)
God bless.. -- Roan ^^,
royvan24.....
ReplyDeletetalagang tinapos ang story sa pagbabasa ang ganda ng story lalo na ang next chapter mas magaganda sigurado ang mangyayari sa buha ni Aaron....
TC Always
i love it :D
ReplyDeletedami ng comments nila, nakuha na nila lahat ng sasabihin ko eh!
basta ikaw tlga kuya migs idol ko!
d lng s story ako n tutuwa kc pati mga comments binabasa q n din lalo n un k slythex & mharc29, i agree both of you.
ReplyDeletetnx migs kklibang tlga....sna gwin nlng kc book ito.