Breakeven (Book4 Part6)

__________________________
Breakeven (Book4 Part6)
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Naging maayos naman ang samahan namin ni Pat. Paminsan minsan mang may nalalabag itong rules sa loob ng kwarto ay agad din naman itong nabawi. Andyan ang makakalimutang magligpit ng pinagkainan, o kaya naman ay makakalimutang di siya toka na matulog sa kama o kaya naman ay ginagamit parin ang toothbrush ko kahit na ang kaniya ay katabi lang.



Ano ba naman yan?!” sigaw ko dito habang pinapaltan ang toothbrush ko ng bago.



Di ko napansin, madlilim kanina nung nagtoothbrush ako.” pagdedepensa niya.



Duh! Thus the light?!” sabay turo ko sa switch at sa bumbilya. Kumamot lang ito sa ulo saka humagikgik.



O kaya naman ay pilit parin niyang kinakain ang mga pagkaing binibili ko para sa sarili.



Ah eh. Nakain ko ata.” sabi niya habang pinapahiran ang mumo ng waffle na katatanongtanong ko palang sa kaniya kung nakita niya.



Ata?! Ata!!!” sigaw ko, agad naman itong tumakbo palabas ng dorm.



O kaya naman ay basta na lang tatabi sa akin sa kalagitnaan ng gabi.



Hoy di mo toka ngayon mahiga dito sa kama ko.” sabi ko nang mapansing tinutulak ako nito sa kabilang gilid ng kama para humiga.



Ngayon lang kasi eh... nangangawit na kaya ako dun sa sofa.” pagmamakawa nito. Wala narin akong magagawa kundi ang umisod.



Bakit kasi di pa bumibili yang tiyahin mo ng kutyon?!” sabi ko na lang dito. Humagikgik lang ito sabay hila ng aking unan na dinadantayan.



O kaya naman ay sadyang nakalimutan lang nito na wala siyang t-shirt na may tatak na “I Love Pink!”



Kailan mo pa naging t-shirt yan?” tanong ko dito. Agad naman itong yumuko upang tignan ang suot. Ngumiti na lang ito sabay hubad ng t-shirt at ibinato sakin.



Bakit to basa?” tanong ko ng lumanding sa mukha ko ang t-shirt.



Ginamit ko kasi yan pambasketball sa baba. Napawisan ko ata.” sabi nito habang patakbong pumunta sa banyo ng akmang ibabato ko na sa kaniya ang t-shirt.



Ambaboy mo!” sigaw ko dito.


Thank you.” sabi nito.



Makulit at nakakainis man minsan si Pat ay di ko rin maisip pano ako kung wala doon si mokong, paminsan minsan pag sinisipag ito kahit di ko na ito samahan sa paglalaba ay ok lang dito, paminsan minsan kapag tinatamad akong maghugas ng pinggan ay huhugasan niya narin ang pinagkainan ko at minsan din kapag tinatamad akong maglinis ay siya na ang naglilinis.



Kaya't masasabi ko na ok lang din na andyan ang mokong.



0000ooo0000



Isang araw dumating ako sa dorm namin na punong puno ang aming sala. Andun ang mga kaibigan nitong mga hudlum ata, sila rin yung kasama nito nung araw na nabugbog ako, sila yung kinatakutan nung apat na nambugbog sakin.



““Horayyyyy!!!”” sabay sabay na sigaw ng mga ito ng makagoal ang football team na kanilang itinaya sa pustahan.



Pasimple akong pumunta sa kusina, nagtama ang tingin namin ni Pat. Kumaway lang ito sakin saka uminom ng beer.


Kaway kaway ka pa ah! Mamya todas ka sakin.” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad parin papuntang kusina, di ko naman agad nakita ang isang mama na kagagaling lang ng kusina ang ending... nagkauntugan kami.



Naku sorry.” sabi nito sakin, napakapa naman ako sa aking noo.



Naku ako dapat ang magsorry, ako yung di nakatingin sa dinadaanan ko eh. Saka ok lang naman ako.” sabi ko. Pero ang totoo ang sakit ng ulo ko, nauntog kasi ako sa baba nito.



Ok lang pero kung makahimas ka sa noo mo at makangiwi ka diyan parang may nakirot sayo.” sabi nito sakin sabay tingin sa aking noo. Naglapit ang aming mga mukha.



Hmmm, pwede.” sabi ko sa sarili ko. Nakahalata ata ang mama kaya napangiti ito at bahagyang lumayo.



Ako nga pala si Andy, ikaw siguro si Eric.” pakilala nito sakin sabay hawak sa aking kamay para i-shake iyon.



Ah, Oo, pano mo nalaman?” tanong ko dito.



Madalas ka kasing i-kwento ni Pat.” sabi nito sabay inom sa bote ng kaniyang beer.



Ahhh.” sabi ko na lang sabay ngiti.



Ehem.” istorbo naman ni Pat. Agad namang umalis si Andy pagdating ni Pat. Umirap na lang ako.



0000ooo0000



““Horrrraaayyyy!”” sigaw nanaman ng mga maton. Di ko magets kung bakit wiling wili ang mga kumag sa pinapanood, di ko naman sila maipagtabuyan at baka bugbugin ako kaya't pasimple na lang akong lumabas.



Tinungo ko ag fire exit sa dulo ng hallway. Gawa ito sa makakapal na bakal na paminsan minsan naming ginagamit para sampayan ng mga basang damit, ito rin ang ginagawa kong “smokers area” pag kailangang mag alis ng stress.



Pwedeng makisinde?” tanong ng isang lalaki. Pumuputok ang biceps nito sa kaniyang fitted na balck shirt at nagco-compliment ang guy nextdoor look nito sa kaniyang porma.



Ha? Ah eh, sure.” sabi ko dito saka inilabas ang aking lighter. Tumabi na ito sakin. Medyo may kaliitan ang hagdan doon kaya't siksik naman kaming dalawa.



Bakit ka lumabas? Masyado bang magulo ang tropa?” tanong ni Andy.



Ah hindi naman. Gusto ko lang ng sariwang hangin.” sabi ko dito.


Tahimik.



““So...”” sabay naming sabi at nagkatawanan kami.



Ikaw muna.” sabi ko nalang.


Matagal na kayong magkakilala ni Pat?” tanong niya.


Di naman, magiilang buwan pa lang.” sabi ko dito,, tumango siya.



Pinopormahan ka ba niya? Gusto mo ba siya?” sunod sunod na tanong nito. Napakunot naman ang noo ko.



Ah eh, hehe, hindi niya ako pinopormahan saka gusto ko siya bilang kaibigan.” sabi ko na lang.



Ahhh. Di ko alam pero parang... ah ehe, nakakahiya.” sabi nito, tinignan ko lang siya. Kumamot naman ito sa ulo. Sumeryoso bigla ang mukha nito at nagtama ang aming mga tingin. Dahan dahan nitong inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, di ko alam pero di ko napigilan ang sarili ko at napapikit narin.



Ang machong si Andy, ang gwapong si Andy ang mabait na si Andy. Hinahalikan ako ngayon, gusto kong ibuka ang kaniyang mga labi gamit ang aking dila pero naunahan na niya ako. Nagsisimula na kaming magkainitan sa halikan ni Andy nang...



Ehem!” at biglang humiwalay si Andy sa aming halikan, naiwan naman akong nakatunganga doon sa pagkakahuli saming yun ni Pat.



Uuwi na kayo, pare.” sabi nito kay Andy. Agad ng tumalikod si Andy ng hindi man lang ako tinitignan.


Sorry pare.” sabi ni Andy kay Pat.



Ok lang pare basta wag ng mauulit.” sabi ni Pat dito, kumunot naman ang noo ko sa paguusap nilang yun. Agad na bumaling sakin si Pat nang makaalis na si Andy.



Ikaw! Halika nga magusap tayo!” sabi nito sakin sabay hatak pabalik sa dorm namin.



Aray ko! Ano ba?!” sigaw ko dito.



Bakit nakikipaglaplapan ka dun kay Andy, huh?!” pasigaw nitong tanong sakin, di ako nakasagot.



Dapat may rule tungkol diyan eh! Tungkol sa pakikipaglaswaan dito sa dorm! Anlakas ng loob mong sabihing bawal akong maguwi dito tapos ikaw makikipaglaplapan ka lang sa may fire exit?!” di ko nagugustuhan ang pananalita ni Pat kaya't di ko na napigilan ang sarili ko at sinagot narin ito.



Ipapaalala ko lang sayo! Di ako ang naguwi dito kay Andy! Saka lakas ng loob mong sumbatan ako tungkol sa mga rules na yan eh ikaw nga tong unang lumabag! Sino bang maysabi sayo na dalhin mo dito yang mga kaibigan mo ha?!” sabi ko dito sabay talikod. Matagal kaming natahimik pareho.



Gusto mo ba siya?” tanong ni Pat sakin. May nakakainis sa tono ng tanong na iyon ni Pat sakin.



Di ko alam, siguro! Oo, gusto ko siya!” sigaw ko na lang dito at humarap sa kaniya, nakita ko kung pano nalungkot ang mukha nito sa sinabi kong iyon. Sinuntok nito ang pader sabay labas ng dorm.



0000ooo0000



Miya't miya ako nabangon at miya't miya rin ang tingin ko sa relo. Magaalauna na ng madaling araw pero di parin nauwi si Pat. Nagsisimula na akong magalala. Pinulot ko ang aking cellphone at sinisimulan ng magdial ng numero nito pero pinigilan ko ang sarili ko.



Feeling ko naman.” sabi ko sa sarili ko. Pero ganun ulit hihiga ako sa kama tapos tatayo tapos maglalakadlakad, titingin sa orasan tapos dadamputin ulit ang cellphone at akmang tatawagan ito o kaya ay i-tetext saka magdadalawang isip.



Asan ka na ba, Patrick?!” naiinis ko ng sabi.



Naglakad ako sa may bintana at dumungaw dito, nagbabakasakaling andun sa baba si Pat nagiintay na tawagin ko pero huli na ng matandaan kong ilog nga pala ang baba ng bintana na iyon at kung may kung ano man na naandon at nakatingala sa aking bintana malamang buwaya o kaya isda iyon at hindi si Pat.



Di parin ako mapakali at nagsisimula ng mastress ng maisipan kong magyosi muna. Binuksan ko ang bintana at nagsindi ng yosi. Di ko paman nauubos ang isa ay agad ko na itong isasalampak sa ashtray at saka magbubukas ng bago.



Asa ikalimang stick na ako ng yosi at halos mapuno na ang ashtray ng may marinig akong susi na sinusuksok sa pintuan. Agad kong pinatay ang yosi at pinatay ang ilaw sabay lundag sa higaan.



Pumasok si Pat na iika-ika. Binuksan nito ang ilaw na sakto naman sa pagpikit ko, naramdaman ko itong lumapit sa higaan ko at nagbuntong hininga.



Wednesday nga pala ngayon. Sa sofa ako matutulog ulit. Haist.” pabulong na sabi nito. At naamoy ko ang alak mula sa hininga nito. Untiunti kong ibinuka ang mata ko, nakita kong namamaga ang mukha nito at parang kagagaling lang sa bugbugan. Agad akong umupo.



Pat, ok ka lang?” di ko na pinagpatuloy ang pagkukunwari ko. Agad akong tumayo at tinignan ang mukha niya. Mukha itong nakipagrambulan. May hiwa ito sa labi at namumula ang kaliwang mata. Tumango lang ito sa tanong ko. Agad akong pumunta sa banyo at kumuwa ng panlinis ng sugat saka yelo.



Ano bang nangyari?” tanong ko dito.



Nakita ulit ako nung nambugbog sayo dati, pinagtripan ako.” matipid nitong sagot habang nangiwi sa tuwing dadampian ko ng bimpong panlinis ang sugat niya. Natameme na lang ako.



Sensya ka na, kung hindi kita inaway di ka sana mabubugbog.” sabi ko dito, ngumisi ito.



Kunwaring concern ka pa. Di naman ako ang gusto mo diba? Si Andy diba?” di ko na pinatulan ang tanong niyang yun. Bumalik na ako sa kama at humiga.



Eric.” tawag nito sakin.



Hmmm?”



Pwede bang sa tabi mo muna ako matulog kahit di ko toka sa kama matulog ngayon?” tanong nito sakin, parang may kung ano namang kurot akong naramdaman sa aking puso.



Sige na, ngayon lang. Masakit lang talaga ang katawan ko.” habol pa nito, tumango na lang ako habang nakatalikod parin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa aking tabi. Naramdaman kong lumapit ito sa akin at iniyakap sakin ang kaniyang malatrosong braso.



Eric, sorry kanina ah. Kung si Andy talaga ang gusto mo, sige, ilalakad kita.” sabi nito, humarap naman ako sa kaniya. Kumunot ang noo nito sa pagharap kong iyon. Inalis niya ang nakayakap na braso sakin pero kinuwa ko ulit iyon at iniyakap ulit sakin.



Wag ka ng magpapaumaga ng di nagsasabi sakin ah? Nagaalala kasi ako.” pabulong kong sabi dito. Kumunot saglit ang noo nito saka ngumiti.



Nagaalala ka sakin?” tanong nito. Tumango lang ako. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin at nagsalubong ang mga labi namin.





Itutuloy...

Comments

  1. KINIKILIG AKO!! :))

    ReplyDelete
  2. ang ganda na ng story!! woohoooo
    kinikilig ako tae XD

    update update update!

    - louie

    ReplyDelete
  3. waaaaahh..!!

    ang sarap naman ng feeling habang sabay na binabasa ang kwentong ito at pinapakinggan ang isang napakagandang love song.. hahahahaa

    for me this is my little heaven on Earth..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  4. oo nga ang ganda, kakakilig...
    good job Migs...

    ReplyDelete
  5. kaya nman pala may nakaaraan hehehe galing....

    ReplyDelete
  6. huwow...hahah as always u leave us hanging....hanging with MORE!!haha nakakaadik ang mga character mo..

    KUDOS..:)

    ReplyDelete
  7. awwww! What the... kainggit naman! Ito ang eksena to the bones!!! Love it!

    ReplyDelete
  8. ayyyyyiiiieeee!

    ang flirt nmn eh, nakakakilig!

    -mars

    ReplyDelete
  9. ganda ng flow ng story, light ang tone, as if there is something brewing up sa next chapter (or next next pa), sweet ang moments nila dito at nawawala na ang image ni eric na pangit from book 3 (para sakin)..babasahin ko na kaagad ang next chapter, nice one migs (",)

    ReplyDelete
  10. Super duper sweet and kilig. Bakit pa kaya nakipag hiwalay si pat kay erick eh mukha naman sila love made in heaven eh. Ingatz mahal kong migz...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]