A Love Story (Short Story)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Pinapanood ko ang pagikot ng iniinit kong sopas sa loob ng isang puting kahon na tinatawag na microwave, iniisip kung panong naisip pa ng tao ang mga ganitong imbensyon, dun ko rin na realize na sa kabila ng naggagandahang imbensyon na ito ay ang pagdami naman ng mga bagong sakit, ang ilan ay hindi na kaya pa ng siyensa na malunasan. Tumunog na ang microwave na nagsasabing ok na ang aking ininit na sopas, dahan dahan kong inilabas ang mangkok na pinaglalagyan nito.



Code blue, code clue, calling all residents, please proceed to room 781...” sabi ng isang babae na may malamig na boses, napatingala ako sa speaker na katapat lamang ng aking ulunan.



781?” bulong ko sa sarili ko. Nakita kong nagtakbuhan ang mga nurses at doktor mula sa nurses station.


Umalingawngaw ang tunog ng isang nababasag na pinggan sa buong panrty. Nabitawan ko ang mangkok.


0000ooo0000


Bisexual, yan ang tawag samin ni Ryan. Matagal na kaming magkakilala ni Ryan, highschool pa lang ay magkakilala na kami, magkaiba man ang aming pinapasukan noon ay di parin napigilan nun ang aming pagkakaibigan. Ipinakilala siya sakin ng isang malapit na kaibigan na si Jay, simula non ay halos araw araw na kaming naguusap at magkasama.



Ilang taon pa at napagpasyahan naming pumasok sa iisang skwelahan para magkolehiyo. Parehong engineering ang aming course, pareho kaming may mga girlfriend non pero inaamin ko na nung high school pa lang kami ay may nararamdaman na ako kay Ryan pero ms pinili ko iyong itago.



Nakakainis talaga yang si Janice!” napiyok piyok nang sabi ni Ryan sakin habang nagiinuman, nagaway nanaman kasi sila ng kaniyang girlfriend.



Intindihin mo na lang.” pagaalo ko dito.



Buti ka pa Mark, kahit gaano ako kabugnutin lagi kang andyan. Ni hindi ko pa nga narinig na sinumbatan mo ako eh.” sabi nito. Napangiti ako.



Syempre naman ma... syempre naman.” bulalas ko. Tinignan ko si Ryan, sinipat kung napansin niya ang muntikan nang pagdulas ng bibig ko tungkol sa totoong nararamdamn ko sa kaniya. Nangunot ang noo nito.



Siguro tol, in love ka sakin no!?” biro nito, napatawa ako. Tinusok ng hintuturo nito ang tagiliran ko.



Ulol!” sigaw ko dito.



Sus! Ayaw pang aminin eh! Mahal mo ako no!?” pangungulit nito sakin habang dahan dahang inilalapit ang sarili sakin.



Umayos ka ngang unggoy ka!” sigaw ko dito, tuloy parin si loko sa pagsundot sa tagiliran ko, alam niyang malakas ang kilit ko doon. Sa sobrang kaba at kiliti ay natumba ako sa pagkakaupo ko at nahila ko ang braso ni Ryan, napadagan ito sakin.



Tado ka kasi ang likot mo!” sigaw ko dito pero nang tignan ko ang mukha nito ay nagulat na lang ako ng mapansing seryoso nitong sinisipat ang mukha ko. Tila nangungusap ang mga mata. Tila may gustong sabihin.



Mahal mo ba ako, Mark?” tanong nito sakin, di ako agad nakasagot. Napatitig nadin ako sa mga mata nito, sa mga magagandang mata nito.



Ako kasi, mahal kita. Noon pa.” bulong nito sabay inilapit dahan dahan ang kaniyang mga labi sa aking labi. Simple lang pero punong puno ng emosyon ang halikan na iyon. Tila ba ito ang halik na noon ko pa hinahanap hanap sa aking mga nakarelasyong babae, tila ba iyong unang halik namin na iyon ni Ryan ang tanging iniintay ng puso ko. Napapikit ako



Nang maghiwalay ang aming mga labi at nang unti unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Nakatitig parin siya sa akin.



Please, Mark. Sabihin mong pareho tayo ng nararamdaman.” bulong ulit nito, di na ako nakasagot pa, hinila ko na ito papalapit sa akin at masuyong hinalikan.



0000ooo0000


Ngayon kami magce-celebrate ng 3rd year anniversary, hinanda ko na lahat, pagkain, music at pati ang kama. Sa nakalipas na 3 taon na magkasama kami ay wala kaming kasing saya, lahat ng problema ay napaguusapan ng maayos at itinuring na magandang aral at ngayon masasabi kong mas matatag na kami.



Pinaplantsa ko na ang mga maliliit na detalye, dapat kada petal ng pulang rosas na nakalatag sa aming kama ay maganda ang pagkakalatag, ang table setting ay walang katulad at ang pagkain ay walang kasing sarap. Ngayon, masasabi kong si Ryan na lang ang kulang.



0000ooo0000



Lumipas ang trenta minutos at wala parin si Ryan, baka kako natrapik, isang oras, wala parin baka nag overtime sa opisina. Apat na oras na ang nakaraan at nawalan na ako ng gana, itinulog ko na lang ang sama ng loob na nararamdaman ko kay Ryan.


Nagising ako kinaumagahan at nakita si Ryan na natutulog sa sofa, di ko na ito ginising, naligo na ako at pumasok sa opisina, nakaalis na ako ng aming bahay ng hindi ito ginigising. Umiyak ako sa harapan ng aking mga kaibigan.



Ayan kasi, lagi kayong magkasama, sabi ko naman kasi sainyo maghiwalay kayo minsan at baka madali kayong magkasawaan.” singit ng isa kong kaibigan.



Ano ka ba?! Hear him out, malay mo may valid reason.” sabi naman nung isa ko pang kaibigan.



Kung ako sayo, start monitoring his moves, kung nagsisimula ng manlamig tapos di na kayo sweet tapos unti unti nang nawawala ang fun sa jerjer sa side niya ay magisip ka na!” singit ulit nung isa kong kaibigan na naunang mag side comment.



0000ooo0000


Pinagmamasdan ko si Ryan habang nakain kami ng hapunan. Tahimik lang ito, ni hindi ako nito tinitignan, sa tuwing kakausapin ko ito ay tatango lang ito o kaya iiling at matamlay. Parang walang buhay. Di pa ito nakakakalahati sa kinakain naming pagkain na niluto ko ay agad na itong tumayo at umupo sa harapan ng TV.



Nawalan narin ako ng gana at iniligpit na ang pinagkainan namin. Umupo ako sa tabi nito nang makatapos ako ng pagliligpit, sumandal ako sa balikat nito, wala siyang sinabi at hindi naman lumayo sakin pero may nagiba, hindi na nito hinahagod ng kaniyang kamay ang aking buhok, hindi na isinisiksik ang sarili sakin at hindi na ipinapatong ang kaniyang baba sa aking ulo.



Ryan?” tawag ko dito.


hmmm?”


May problema ba? May nagawa ba akong mali?” mahinahon kong tanong dito sa kabila ng lintik na pagkabog ng dibdib ko.



Inusod nito ako mula sa pagkakasandal sa kaniya at tumayo na mula sa sofa. Nagtaka ako. Hinawakan ko ang kamay nito upang mapigilan siyang maglakad palayo ng hindi sinasagot ang tanong ko.



I can't do this right now, Mark. Pagod ako.” sabi nito at hinawi ang kamay kong nakakapit sa kamay niya at tuloytuloy nang naglakad papuntang kwarto.



0000ooo0000


Tama ang sinabi ng mga kaibigan ko, nagsasawa na siguro si Ryan kaya ito nanlamig na lang bigla, kaya hindi na sweet at hindi na ako tinatabihan sa pagtulog. Baka nga may iba na itong gusto at nahihirapan lang magsabi sakin.


Lalo ko itong napatunayan nang minsang magkatabi kami sa kama. Di ako makatulog dahil sa kakaisip kung bakit biglang nanlamig si Ryan, nagulat ako nang magring ang telepono niya, agad niya itong sinagot.



Hello.” pabulong nitong sagot. Tumayo ito sa pagkakahiga at dumungaw sa akin, marahil ay tinitignan kung tulog na ako, buti na lang at agad kong ipinikit ang aking mga mata, narinig ko itong naglakad palabas ng kwarto, tumigil ito sa labas ng aming pinto at patuloy na nakipagusap.



I can't do this now.”


Andito si Mark, magtataka yun kapag nagising na wala ako sa tabi niya.” pabalang nitong sagot sa kausap. Nagbuntong hininga at sumagot ulit.



Sige sige.”



Pagkatapos noon ay bumalik si Ryan sa loob ng kwarto namin, binuksan ang maliit na ilaw sa tabi ng aming kama at may hinalungkat sa aparador. Mayamaya pa ay narinig ko itong naglakad pabalik sa gawi ng pinto, iminulat ko ng kaunti ang aking mata, nakabihis na si Ryan, mayamaya pa ay narinig kong bumukas at sumara ang pinto.



Napaiyak na lang ako.



0000ooo0000



Ano ka ba Mark! He's not worth your tears no!” sigaw ulit ng aking kaibigan sakin.


But I love him.” sagot ko.


Ang tanong, does he still love you?” natigilan ako sa sinabi ng kaibigan kong iyon. Napasinghap ako.


Mark, you're good looking! Andami diyang papayag na maging jowa mo no!” sabi nito. And then as if being hit by lightning na realize ko na tama ang aking mahaderang kaibigan.



I can fucking cheat on him also!” sigaw ng isip ko.


At yun na nga, I started dating other people, wala akong pakielam kung may kalapit na kaibigan namin ni Ryan ang makakita, it's time to give him a dose of his own medicine ika nga, tutal para sakin kung gaguhan lang din ang gusto niya ay gaguhan ang ibibigay ko sa kaniya.



Di ka nagluto?” tanong sakin minsan ni Ryan nang dumating ito na naabutan akong kumakain ng pizza sa sala.



What for? Wala naman ng kakain nun.” malamig ko ring sabi dito. Nagbuntong hininga ito.



Mark, meron bang problema?” tanong nito, di muna ako sumagot.



Wala akong problema. Ikaw? Baka ikaw may problema.” balik ko dito, nanginginig na ang aking kamay, di siya nakasagot, tila ba ang patutsada ko sa kaniya ay bumalik lang sakin. Inilapag ko ang pizza.



Ayan, pizza, kumain ka kung nagugutom ka. Nawalan na ako ng gana eh.” malamig ko ulit na sabi dito. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago ko isara ang pinto.



0000ooo0000


Hi Mark!” bati sakin ng dati kong katrabaho na si Ian, matagal ko ng alam na gusto ako ni Ian, sinabi narin niya noon na maghihintay siya if ever di mag work out ang relasyon namin ni Ryan.



Kunwari ay nagulat pa ako at nagalak na nakita siya, sa dami ng lugar na pwede kaming magkasalubong ay dito pa sa malate kung kailan nilulunod ko ang problema ko kay Ryan pero agad din akong napatingin kay Ian. Gwapo ito, mabait at matalino.



Baka ito na ang sagot sa problema ko.” bulong ko sa sarili ko sabay ngiti.



Uy! Bakit ka nangingiti diyan.” sabi niya, umiling lang ako at hinila siya papalapit sakin, nagsalubong ang aming mga labi.



0000ooo0000


Tila na nagagalit ang langit sa ginagawa naming kamunduhan ni Ian, walang tigil ito sa kakakulog at kakakidlat at pagbuhos ng ulan, di na namin ito pinansin at tawa lang kami ng tawa ni Ian habang magkayakap na nakahiga sa kama namin ni Ryan.



That was great!” sabi ni Ian patungkol sa aming kamunduhang ginawa.


Sasagot na sana ako nang magbukas ang pinto ng kuwarto namin. Unang bumakas sa mukha ni Ryan ang gulat, pagkatapos ay galit at pagkatapos ay napalitan iyon ng lungkot nang makita kami ni Ian na nakahubad na magkayakap sa kama namin. Tumalikod ito, tumayo ako at hinila ang isang boxers shorts at sando at sinuot iyon sabay habol kay Ryan.



What?! Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?!” sigaw ko kay Ryan, humarap ito sakin halatang galit at naguguluhan sa sinabi ko.



I don't know what you're talking about.” sagot nito sakin.



Magmamaang maangan ka pa?! Hindi ako tanga, Ryan, all of a sudden you became cold towards me, ni hindi mo na nga ako hinahalikan at isama mo pa dun ang paglabas mo ng bahay ng madaling araw, bihis na bihis na para bang may kikitain!” sigaw ko dito.



Natigilan ito, hindi nakasagot, mga luha ay naiipon na sa glid ng kaniyang mga mata.



So I guess this makes us even.” bulong ni Ryan pertina nito sa ginawa namin ni Ian habang natulo na ang mga luhang kanina lang ay nangingilid sa kaniyang mga mata. Dama ko ang sakit na kaniyang nararamdaman sa bawat salitang iyon pero naunahan ito ng aking galit.



Lumabas na ng bahay si Ryan, malakas parin ang ulan pero hinabol ko ito sinigawan ko ito at napatigil naman siya. Pareho na kaming nababasa ng ulan na siya namang nagtatago ng hinagpis naming dalawa ni Ryan.


Yun lang yun?! Ni hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo?!”



Kailangan pa ba?” tanong sakin ni Ryan, malungkot parin ang mukha nito.



Natigilan ako, di alintana ang lakas ng ulan na parehong bumabasa sa aming mga katawan at damit. Di ako makapaniwalang binabalewala niya lang ang tatlong taon na pinagsamahan namin bilang magkasintahan.



Tangina Ryan! Tatlong taon, Ryan and you're just throwing it all away! The least you can do is explain.”



Ano pa bang i-e-explain ko eh may pinaniniwalaan ka na?! Nakumbinsi mo na ang sarili mo na pinagtataksilan kita! Do I really have to explain pa?!” malungkot at pasigaw na sagot sakin ni Ryan.


Di ako sumagot.


Fine! You want your explanation?! I'll give it to you! I'm sick, Mark! I have cancer, stage 3 colon cancer!”



Tila ako nabingi sa kaniyang sinabi, di ko na itinago ang gulat sa aking mukha. Natigilan. Natulala.



Yung sinasabi mong nanamlay ako sayo? Oo nananamlay ako pero hindi sayo, yung sinasabi mong di na ako sweet, Oo di na ako sweet because the pain in my tummy prevents me from doing so yung sinasabi mong di na kita binibigyan ng importansya? Oo because I'm making most the time I have left.”



Di ko na nakayanan ang mga sinabi ni Ryan, napaluhod na ako sa maputik na lupa, itinakip ko na ang aking mga kamay sa aking mukha at hindi mapigilan ang paglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagiyak. Naramdaman kong lumapit si Ryan sa akin, itinayo ako nito at niyakap ng mahigpit.



I'm sorry.” bulong nito, umiling ako.



B-bakit di mo sinabi sakin agad?” tanong ko dito habang sinusuklian ang higpit ng kaniyang mga yakap.



I don't want you to be sad. Di ko alam na by doing so ay may naiisip ka na palang iba. Sorry.” sagot nito habang ramdam ko ang kaniyang mga paghikbi.



Nung gabing umalis ako ng madaling araw, si Mama ang kausap ko nun sa phone, pinipilit ako na kausapin ang family doctor from the states na binilhan niya ng ticket para matignan lang ako, wala akong nagawa, nangungulit si Mama kahit na madaling araw na at kauuwi lang nung doktor from the states at may jet lag pa.”


I'm sorry.” bulong ko habang mahigpit parin na nakayakap sa kaniya.


Shhh. Tama na, wag ka ng umiyak.”



0000ooo0000


Di ko na pinansin ang nagkalat na basag na piraso ng mangkok at sahog ng sopas sa sahig, agad na akong tumakbo papunta sa Room 781 na siya ring destinasyon ng nagtatakbuhan na nurse at doktor sa floor n iyon. Room 781 ang room kung saan naka-confine si Ryan.


Nanginginig akong sumilip sa pinto, di alam kung anong maaring makita doon.


Epinephrine now!” sigaw ng doktor sa isang nurse habang patuloy sa pag CPR kay Ryan.



Hon, gusto ko nung special sopas mo.” sabi sakin ni Ryan nang imulat ko ang aking mga mata, nakatulog pala ako sa silya na nilagay ko sa tabi ng kaniyang kama. Nakangiti itong nakadungaw sakin. Napangiti ako.



CLEAR!” sigaw ng doktor, lahat ng nasa paligid ng kama ay bahagyang lumayo doon.


One Mark's special sopas coming right up!” sabi ko kahit na nahihilo pa ako sa antok. Bago pa ako tumalikod dito ay naramdaman ko ang paghila nito sa aking kamay. Nagtitigan kami, kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal sakin.



CLEAR!” sigaw ulit ng doktor at sumayad nanaman sa dibdib ni Ryan ang panguryenteng aparato na maaaring sumalba sa kaniya.



I love You.” bulong nito pagkatapos ng aming mahabang pagtititigan sabay ngiti.



CLEAR!” pero flat line parin ang nasa maliit na monitor na nagsasabi ng tibok ng kaniyang puso.


I love you too.” bulong ko.



CLEAR!”


Dahan dahan kong inilapit ang aking mga labi sa kaniyang labi.



Time of death?” kalmadong sabi ng doktor, halatang nanlulumo ito sa pagkamatay ng isa sa kaniyang mga pasyente pero hindi matutumbasan nung panlulumong iyon ang aking nararamdaman.



2:45am.” matipid na sabi ng nurse.



Ryan...” pabulong kong tawag kay Ryan, napaluhod ako sa maputi at makinis na sahig ng ospital, walang pakielam sa mga nakapaligid na doktor at nurse.



Ryan...”


A Love Story
by: Migs

Comments

  1. Wala namang ganyanan... ang sakit sa pakiramadam Migs! Pangalan ko pa ginamit mo, or purely coincidental lang yong name? Di ako mahilig sa sad ending kasi ang bigat dalhin, and this time once again, it hits the mark! bullseye... naiyak na naman ako... I'm leaving the country in a few hours...and nakadagdag ng lungkot tong story mo, I'm gonna miss you migs! I just hope maayos agad internet sa pupuntahan ko... See you here then...

    your avid fan...

    ReplyDelete
  2. san ka pupunta? :-(

    Bakit kailangan mo akong iwan? Choz! goodluck Mark Ryan, I'm sorry kung pangalan mo pa ang nagamit ko at napabigat ko ulit ang loob mo. Ingat and goodluck. visit my blog again kapag may net ka na ha? your comments will be missed.

    later...

    -Migs

    ReplyDelete
  3. temporary lang, babalikan kita hehehe (peace JP)... work related travel ko in a far away land of Africa... kwento ko sayo pag nagkita tayo pagbalik ko...

    Thanks Migs!

    ReplyDelete
  4. Grabe! Migs!!!! bigla ako natakot..nalungkot... ewan ko kung bakit....pero....ahhhhhhh!!! baka nadala ako masyado ng story u!...anyway maganda ang takbo ng story...at napapa isip ako tlga.....
    .......Rick..........

    ReplyDelete
  5. hinde ba yan pwede gawing panaginip lang? na ang namatay ay ang nasa katabing room lang? hehehehe

    ReplyDelete
  6. ang ganda!!
    kaya dapat talaga, hindi pinapairal ang emosyon sa mga desisyon na ating pipiliin sa ating buhay...

    ReplyDelete
  7. migs , i dont know what to say, i felt numb, as if it was me whose on the middle of that scene..bigat!

    hay buhay nga naman, is this story a product of what u feel right now?, kahit ano pa yan, maganda ang presentation mo..nice one migs, sana ang susunod na short story mo happy naman, pangalawa na itong sad =(

    great job migs!, update naman ng AAO (",)

    ReplyDelete
  8. ganun lang un?

    UBER lungkot ng story line...one thing why I hate reading Sad ending story masyadong malakas ang empathy ko...haaayst I cant stop myself to grieve..haaayst

    u did it again MIGS...:) KUDOS

    tnx for sharing this story...:)

    ReplyDelete
  9. ang bigat. ang galing mo migs!

    ReplyDelete
  10. Pinaiyak mo na naman ako Migz. Kaya nga mahal na mahal kita. :)

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Just came from a heartbreak kagabi.

    Now na nabasa ko ito.

    parang 14yr old girl ako na iyak ng iyak.

    Nice one again Migs!

    ReplyDelete
  13. ...*sob *sob *sob

    waaaahhhh..

    You're really SOMETHING mr.author.
    The BEST!

    (btw, it's me brickwall, i made an account)

    ReplyDelete
  14. really hate sad endings.. *sniffles*.. huhuhu :(

    but again this is a nice story..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  15. Thank you very much and I hate you for... making me cry... Im just joking... God bless and more power to your blog...

    ReplyDelete
  16. migs idol :)

    gawa ka pa ng kwento. lagyan mo naman ng happy ending. pero great stories ah. keep it up.

    -kokey

    ReplyDelete
  17. minsan, ang mali natin, we sometimes relay on our observations instead of verifying the hypothesis. mahirap ang gumawa ng conclusion na hindi na validate kasi minsan dulot nito ay hindi maganda. i appreciate the story.

    ReplyDelete
  18. sobra naman ang bigat sa dibdib .. ayaw ko ng ganyan di ko kkayanin yan ... hayyyyy sana naman walang ganyan .......

    ReplyDelete
  19. im a colon cancer patient, bigla akong natulala for about 10 mins. at naisip ko na dun din ang punta ko, i let go of everything as of now, pero d ko talaga maiwasan ang maiyak, im no longer in denial stage pero napaiyak ako dahil lahat ng sama ng loob at galit sa akin ay tinanggal ko na, kahit mabigat sa kalooban ko na madami akong maiiwan soon! salamat sa napakagandang story mo! god bless all the readers

    ReplyDelete
  20. tangina migs kelangan ganun :(((

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]