Monday, July 4, 2011

Breakeven (Book4 Part4)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
_____________________________

Breakeven (Book4 Part4)
by: Migs




Napapapikit ako sa tuwing lalapatan ni Jackie ng yelo ang aking mukha kung saan naglanding ang kamao ng asshole na nakaaway ko kanina di lang pasa ang meron sa mukha ko, meron ding maliit na hiwa sa aking labi, maliit lang ito pero lintik na kung makadugo.




Don't be such a wuss! Ikaw tong naunang magpaulan ng suntok eh, tiisin mo ngayon yang yelo para sa pasa mo sa mukha.” sabi ni Ena habang inaayos ang gamit para sa susunod naming klase.




Biglang sumulpot si Pat sa dulo ng aming lamesa. May dala itong isang bandehado ng sisig at nagmamakaawa ang mukha. Tinignan ito ni Jackie at Ena ng masama.




Gusto ko lang kausapin si Eric.” paalam nito sa dalawa. Tinignan naman ako ni Jackie. Tumango lang ako dito bilang pagsang ayon sa gustong mangyari ni Pat.




Papasok na kami. Ikaw Eric, di ka pa ba papasok?” tanong ni Ena, umiling lang ako.



I need more time. Masyado pang bago ang feeling ng pagkaka-out.” sabi ko, tumango lang si Jackie at Ena bilang sabi na naiintindihan nila.




Kumain ka na ba?” tanong sakin ni Pat, halatang nahihiya pa ito. Inilapit sakin ang plato ng sisig.




Wala bang kanin?” tanong ko dito, bigla nitong ibinaling ang kaniyang tingin sakin saka ngumiti.



0000ooo0000



Di ko kasi talaga alam. Pasensya na talaga.” sabi nito sakin habang nakain narin sa aking tabi. Binigyan ko lang ito ng matamlay na ngiti.




Bumawi ka naman eh. Siguro nasa ospital na ako ngayon kung di ka pa dumating.” sabi ko dito. Ngumiti ito saka umupo ng daretso at inayos ang kwelyo.



Ahem. Ako pa. You owe me your life.” may pagkamayabang na sabi nito habang puno parin ng kanin at pirapiraso ng sisig ang bibig.




Di ko mapigilang macute-an dito. Napansin siguro nito ang pagtitig ko sa kaniya kaya medyo na conscious ito at nagbaba ng tingin.




Di ka ba papasok?” tanong ko kay Pat. Umiling ito sabay subo ng isa pag kutsarang puno ng kanin.



Sasamahan muna kita. Baka kasi balikan ka pa ng mga iyon.” sabi nito sakin, umiling lang ako.



Di na yun. Ok lang ako.” sabi ko dito.



Gusto rin kasi kitang makasama.” sabi nito sabay yuko ulit.




0000ooo0000



Manang, isang bucket pa nga po.” sabi nito sabay senyas sa matandang serbidora.



Nagkayakagan kasi kaming maginuman.




Tama na, baka di ako makauwi ng dorm niyan.” awat ko dito, pero tuloy lang ito sa pagsalin ng beer sa aking baso.




Ha-hatid kita. San ka ba naka-dorm?” tanong nito sakin sabay subo ng isang kutsarang puno ng sisig.



Dyan lang.” sabi ko dito.



Yun naman pala eh, ako nga sa Cavite pa eh.” muntik ko ng maibuga ang beer na ininom ko, tinignan ko ang aking orasan at nakitang mag aalas diyes na ng gabi.




May masasakyan ka pa ba niyan?” tanong ko sa kaniya, bahagyang kumunot ang noo nito at tumingin din sa kaniyang orasan, nanlaki ang mata nito saka nagbuntong hininga.




Uumagahin na ako nito.” sabi niya.



Ikaw kasi ayaw mong paawat eh.” sabi ko na lang, binigyan lang ako nito ng malungkot na ngiti.




0000ooo0000



Sige una na ako.” paalam sakin ni Pat nang ihatid na ako nito sa gate ng aking tinutuluyang dorm. Payuko itong naglakad palayo sakin.




G-gusto mo...” simula ko pero bigla akong nagalangan. Humarap na ulit ito sakin.



Gusto mo makitulog ka muna sa dorm ko?” kumunot ang noo nito sa tanong kong iyon.



K-kung gusto mo lang naman.” ngumiti lang ito at lumapit ulit sakin.



San ba dito yung dorm mo?” tanong nito habang nakangiting aso na si kumag. Bigla nalang akong kinabahan.



Mali atang inaya ko pa ito.” sabi ko sa sarili ko.




0000ooo0000



Dyan ka sa sofa.” sabi ko dito. Kumunot ang noo nito.



Di ako kasya diyan.” sabi na lang niya sabay turo sa sofa.



Di tayo kasya dun.” sabi ko na lang sabay turo sa kama habang pinagpapawisan ng malagkit.



Sus. Queen size yan oh.” sabi niya at nagsimula na itong maglakad papuntang kama at umupo na doon.




Wala kang dorm mate?” tanong nito, kumunot naman ang noo ko sabay tingin sa kaniya ng masama.



Whoah! Wala akong binabalak na masama no! Gusto ko lang malaman kung solo mo itong kawarto o naghahanap ka pa ng kasamang magbabayad.” sabi nito sabay iling. Marahil iniisip na wala akong kasing malisyoso magisip. Tumalikod ako dito sa sobrang hiya, inayos ko na lang ang kalat sa sala.




Wala pang pumupunta para magtanong dun sa landlady eh. Last year may kasama ako kaso grumadweyt na, mabait pa naman yun saka laging sagana ang lugar na ito ng pagkain, may pagka healthy kasi yun.” sabi ko dito habang pinupulot ang mga nagkalat na libro sa sahig.




Ikaw ba? Wala kang balak mag-dorm? Malayo ang Cavite ah. Tagtag na nga utak mo sa school works tas tatag pa katawan mo sa biyahe. Stress yun... Pat?” tawag ko dito nang mapansin kong di na ito nasagot.




Nang lingunin ko ito ay nakapitkit na ito at nakanganga na, dahan dahan akong lumapit dito, nakataas ang kanang kamay nito at nakapatong sa kaniyang noo. Nagtaka ako sa ayos nito, tinusok ko ang pisngi nito ng aking hintuturo at nagulat na lang ako ng bigla itong humilik.




Ako dapat ang hihiga dyan, Pat! Dun ka sa sofa!” panggigising ko dito, pero di ito natinag. Sumuko na ako at pumunta na sa banyo para magpalit ng damit at mag toothbrush.




Napatapat ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko.




Puchik! Namasa ang suntok ng gorilla.” sabi ko habang malapitang inexamen ang pasa sa salamin. Napangiti din ako. Naalala ko ang ginawang pagtatanggol sakin ni Pat.




Actually dapat lang na ipagtanggol niya ako kasi siya ang may kasalanan kung bakit ako pinagtripan ng gorilla and friends na iyon eh.” sabi ko ulit sa sarili ko. Nagbuntong hininga ako.




Pano na lang bukas sa school? Malamang kalat na ang aking totoong kulay.” may pagaalala na ngayong gumuguhit sa mukha ko pero ikinibit balikat ko na lang ito at nagtoothbrush na.




0000ooo0000



Ibang klase naman talaga!” sabi ko sa sarili ko ng datnan si Pat na nakahubad baro na at tanging boxers shorts na lang ang suot. Nahilik parin ito at mukhang sarap na sarap na sa pagtulog pero nagiba na ito ng puwesto, nakadantay na ito sa isang unan at dalawang unan naman ang nasa ulunan nito. Sa makatuwid, wala na akong unan. Napailing na lang ako. Pilit kong hinila ang dinadantayan nito pero masyadong mahigpit ang yakap niya dito.




Konti na-lang!” sabi ko sa sarili ko habang hinihila parin ang unan pero sa kasamaang palad dumulas lang ang kamay ko dito at lumanding ako sa sahig ng may malakas na kalabog. Hinampas ko ang braso ni Pat pero ni pagtigil sa paghilik di nito ginawa.




Buwisit!” sigaw ko ulit, walang pakielam na may natutulog sa aking tabi basta maiparating ko lang na naiiirita ako. Iika ika akong naglakad papuntang sofa.



Muli kong inisip ang mga nangyari nung umagang ng araw na iyon. Nagbigay ulit ako ng isa pang buntong hininga at hinayaan ko ng kainin ako ng antok.




0000ooo0000



Panandalian kong iminulat ang aking mata, madilim pa ang paligid at nararamdaman kong nagalaw din ang paligid. Inisip ko na lang na masyado akong nakainom kaya't pakiramdam ko ay nalindol. Naramdaman ko ring parang umiinit ang sofa na aking hinihigaan at patuloy ito sa pag-alog. Ikinibit balikat ko na lang ito at ibinaling ang aking tingin sa aking kanan, nakita ko dun ang leeg ng isang hubad na lalaki at ng dumungaw ang mukha ng lalaking yun para tignan ako ay napangiti na lang ako.



Gwapo.” sabi ko, at nakarinig ako ng parang may humahagikgik sa paligid, pero masyado pa akong inaantok para atupagin iyon.



0000ooo0000



Unti unti kong iminulat ang aking kamay ng marinig ang aking alarm clock, kahit na masakit pa ang aking katawan mula sa pambubugbog na natamo kahapon ay ini-stretch ko ito at inabot ang alarm clock sabay pukpok dito para tumigil ito sa kakangawa.



Five minutes pa.” sabi ko sa sarili ko, normal na ito sakin. Dadagdag ng limang minuto o kaya sampung minuto hanggang sa ma-late. Gaya ng mga iba pang normal na araw ay itinalukbong ko ulit sakin ang kumot at idinantay ang sarili sa unan sabay yakap ng mahigpit.



Bigla akong napaupo at bigla ring nanlaki ang aking mata.




Panong nadantayan ko ang aking unan, eh natulog akong walang unan? Panong naabot ko ang alarm clock sa bedside table eh malayo ang sofa sa bedside table? Panong nagawa ko lahat ng ito eh pagkakaalam ko sa SOFA ako natulog?! PAANO?!” agad agad kong pinilit ang aking mata na masanay sa liwanag ng paligid.




Nang di agad ito nasanay ay kinusot ko pa ang aking mga mata. Dahan dahan kong iginawi ang aking tingin sa aking kaliwa at nakita dun si Pat, nakahubad baro, medyo nakanganga pa at medyo nahilik ng mahina. Agad kong ibinaba ang aking tingin sa aking suot.




Lalong nanlaki ang aking mata. Pagkakaalam ko kasi naka jogging pants ako natulog eh, pero ngayong tinititigan ko ang sarili ko ay nakaboxers na lang ako. Agad kong sinapo ang aking noo at bayolenteng inalog ang aking ulo. Pilit hinahalukay ang aking utak kung may nangyari ba sa pagitan namin ni Pat kagabi.




Goodmorning!” bati sakin ni Pat sabay yakap. Lalong nanlaki ang aking mata.




Bakit kailangang yumakap?!” sigaw ko dito sabay tulak sa kaniya na ikinahulog naman niya sa kama.



0000ooo0000



Inabutan ko ng icebag si kumag para ilagay niya sa kaniyang namumukol na batok, ngingiwi ngiwi ito sa sakit. Tinitignan ko parin ito ng masama.



Pano ako nakarating sa kama?” tanong ko dito. Pinipigilan nanaman nitong tumawa, marahil natatakot na itulak ko siya ulit.




Umihi kasi ako tapos nung mapadaan ako sa sofa nakta kita na nakabaluktot at pilit pinagkakasya sarili mo sa sofa ng walang unan at kumot, kaya binuhat kita papuntang kama.” mahabang sabi nito sabay punta sa ref at hanap ng makakain.




Eh pano namang paggising ko eh naka boxers na lang ako pero nung natulog ako eh naka panjama pa ako?” naniningkit ko ulit na tanong dito habang iniinit ang pandesal.




Ahh, yun ang hindi ko alam. Malay ko bang hinubad mo na yun.” sabi nito sakin sabay hagikgik. Di ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na ang pandesal sa kaniya. Sapul sa ulo. Di na nito napigilan ang pagtawa.




Nga pala may...” simula nito pero natigilan kami pareho ng may kumatok sa aking pinto. Naglakad ako palapit dito at binuksan ito. Biglang may tumalsik na dalawang duffle bag sa sahig malapit sa aking magkabilang tagiliran at may sumampa sa aking isang babae.




You must be Eric?!” sigaw nito habang nililingkis maigi ang kamay niya sa aking leeg. Kumunot na lang ang noo ko.



Itutuloy...

8 comments:

  1. intrigera ang ba bae...migs

    ReplyDelete
  2. :D

    cute ng flow.
    mejo balik sa lighter notion compared dun sa last na book na may simple kurot sa damdamin.

    but then again, this must be the calm b4 a storm ahehehehe...

    wah ang epal ng fb di kita ma-message...

    kaya dito na lang...

    AT ITO YUNG MESSAGE:

    wah kuya migs!

    sino yang nang-aaway sa 'yo!
    upakan na natin.
    at basta sana wag kang papaapekto sa mga detractors mo.
    yung mga kinukumpara nila sa 'yo eh kalhati dun eh mga prof. or teachers.

    basta kuya migs, isa lang ang ibig sabihin nyan.
    yung nang-aaway sa 'yo threaten sa skills mo.
    or d nya lang ma-admit na mo n rn sya.

    be strong, healthy and happy!!!

    onti na lang tatawagin na kitang daddy migs ahehehe...
    d ako maka-get over tlga sa name nung baby, kahit may K pa spelling nung rick dun :D

    ingats kuya migs :D

    ReplyDelete
  3. ang cute talaga ni Pat at Eric, kaso may umi-epal na babae, cno kaya yun sa buhay ni Eric? aabangan ko yan hehehehe

    god job Migs....

    ReplyDelete
  4. hahahha... ano ba yan...
    may bago hehehe

    nice po! cute!

    -mars

    ReplyDelete
  5. royvan24

    LOVE IT!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. ankyut! kaso sino ung babaeng epal? haha exciting
    khit bitter pa rin ako kay pat dahil kay jake (haha hindi makamove on sorry)

    update update update!!


    -louie

    ReplyDelete
  7. favorite scene: binuhat from sofa to bed hehehe... nice... at talagang di alam ni Eric! Update na agad Migsssss...

    ReplyDelete
  8. migz... Kahit kelan, di yan mangyayari. Ung sinasabi mo na tatakbo ako pag nakita kita. Aantayin ko ang araw na mag i love you too ka din sakin. Sana darating ung araw na un. Sana. Love you Migz. Hehehe. :))

    ReplyDelete