Wednesday, July 6, 2011

Breakeven (Book4 Part5)

_________________________
Breakeven (Book4 Part5)
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, pilit kong inaalala kung san ko nakilala ang babae na nakalingkis parin sa akin ngayon, may kaliitan ito kaya naman maski pumasan ito sakin ay kayang kaya ko ito buhatin kaso may pagkamahalay ang puwesto't itsura namin. Nakapulupot ang kaniyang paa sa akin balakang at ang leeg ko ang sinasabitan naman ng kaniyang mga kamay.




Sinubukan kong tanggalin sa pagkakayakap sakin ang babae pero mahigpit talaga ang kapit nito. Tinignan ko si Pat at hihingi sana ng tulong pero nagdalawang isip ako dahil nakita ko na si kumag na nakaupo sa sahig at papadyakpadyak na sa kakatawa.




Ah eh, mawalang galang na po. Sino po ba kayo?” sabi ko sa babae.




Nga pala. Eric si Tita Grace, tita si Eric.” pakilala ni Pat samin ng babae, kumunot naman ang noo ko lalo sa pagtataka.




Humiwalay na sa akin ang babae at inabot nito ang kaniyang kamay sa kaniyang pamangkin at sabay silang umupo sa sofa. Nakayakap pa ang babaeng nagngangalang Grace kay Pat ng harapin ko ang mga ito.




Ah eh, ano pong sadya niyo?” tanong ko sa babae.



Ah, dinala ko lang yung mga gamit ni Pat. Sabi niya kasi nakahanap na siya ng dorm.” sabi ni Grace.



Ahhh.” sabi ko na lang sabay tingin sa dalawang duffel bag na dala dala ni Grace, uminom ako ng kape para narin mabawasan ang sakit sa ulo na binibigay sakin ng magtiyahin.




Tumayo si Grace at miya mo kinikilatis ang aking kwarto. Tumango tango ito.




Maganda ang lugar ah, magaling ka talagang pumili, Pamangkin.” sabi nito, naibuga ko na lang ang kape na aking iniinom. Tinignan ko si Pat at ngingiti ngiti lang ito.




Mawalang galang na po ano. Pero magpapatulong lang po muna ako kay Pat sa kusina.” paalam ko kay Grace sabay tingin ng masama kay Pat at sinenyasan itong sumunod sakin sa kusina.




0000ooo0000




Sa pagkakaalala ko, masarap na ang tulog mo nung kinukwento ko ang tungkol sa paghahanap ko ng ka-dorm?” nanlilisik mata kong sabi kay Pat. Ngumiti lang ito na miya mo kinakabahan.




Pwedeng tulog ako pero malakas parin ang pandinig ko?” sabi nito sabay hagikgik ulit. Dinampot ko ang kaserola sa may lababo at mutik na itong maipukpok kay Pat.




Eto naman, at least di ka na mamomoblema na maghanap ng matinong ka-dorm.” sabi nito, infairness may point siya.




0000ooo0000



Ah eh sensya na, Eric, pero di pa ako nakakabili ng matress para sa higaan nitong pamangkin ko. kaya hihiling sana ako sayo na baka pwedeng tabi muna kayo sa kama.” sabi ni Grace, binigyan ko ulit ng nanlilisik na tingin si Pat.




0000ooo0000




Sabihin mo nga sakin ang totoo?! Anong alam ng tiyahin mo sakin?! May sinabi ka sa kaniya tungkol sa nangyari satin noon ano? Ano?” sabi ko kay Pat habang hinahalungkat nito ang kaniyang mga duffel bag.




Ah ehe. Konti lang.” sabi nito sabay dive sa duffel bag at parang may hinahanap na kung ano.




Nakakainis ka talaga!” sabi ko dito sabay bato ng unan, di naman niya ito pinansin bagkus naglakad lang ito palapit sa bintana at isinabit doon ang isang dream catcher. Kumunot lang ang noo ko.




Mainis ka all you want, pero magiging ka dormmate mo na ako simula ngayon!” sabi nito sabay dila. Kumuwa ito ng mga damit sa kaniyang duffel bag saka twalya sabay pasok sa banyo.




Napanganga na lang ako sa realisasyon na tama siya sa kaniyang sinabi.




0000ooo0000



Di ka pa ba tapos?!” sigaw ko dito habang barubal na kinakatok ang pinto ng banyo kung saan siya nandoon.




I'll be loving you-ooh ooh forver.
Deep inside my heart...



Narinig ko nang ilapat ko ang tenga ko sa aking pinto, muli kong tinampal ang aking noo gamit ang aking palad.




Nakuwa pa ngang kumanta kanta ni kumag.” bulong ko sa sarili ko.



0000ooo0000




Ang tagal mo namang maligo!” bulyaw ko dito nang sa wakas ay lumabas na ito ng banyo. Pero agad ding natigil ang pangbubulyaw kong iyon ng lumabas itong nakatapis lang.



Ano nga yung sinasabi mo?” mapangakit nitong tanong sakin.



W-wala. Sige mauna ka na sa school wag mo na akong intayin.” sabi ko na lang dito at agad na isinara ang pinto at nagsimula ng maligo.



Nasa kasarapan na ako ng pagsha-shampoo ng biglang tumigil ang tubig na nanggagaling sa shower.




Potabels! Naabutan pa nga ng qouta!” sabi ko sa sarili ko.




Pat!!!!!! pakuwa naman ako ng tubig dun sa drum sa may kusina!!” sigaw ko pero walang Pat na dumating. Naalala ko na lang na pinauna ko nga pala itong pumasok.




0000oooo0000




O bakit ganiyan ang itsura mo? Di ka pa ata nakapag conditioner. Mukha kang basang sisiw girl! Di kaayaaya.” bungad sakin ni Ena. Itinaas ko na lang ang aking kaliwang kamay at isinupalpal sa mukha niya.




Ay talk to the hand nga sabi Ena eh. Ang kulit mo.” sabi niya sa kaniyang sarili. Nang mapadaan kami sa tapat ni Pat at Jackie ay nakita naming hahagikhagikgik si Pat. Nagpalitan naman ng tingin si Jackie at Ena.



0000ooo0000



Ewan ko kung panong nangyari na naging kabarkada na namin bigla si Pat. Mukhang patok na patok siya sa dalawang bruha na kasama ko.



Sige, kayo na friends.” sabi ko sa sarili ko nang makitang nagtatawanan ang tatlo.



Pero infairness, kinilig ako nung pinagtanggol mo si Eric nung binubugbog ever na siya. Bagay na bagay kayong dalawa.” sabi ni Ena, inirapan ko lang ito. Ewan ko ba kung bakit biglang napunta doon ang usapan.



Tumayo si Pat saka ifinlex ang mga muscles na kala mo kasali sa isang body building contest. Umirit naman ang dalawang bruha at pinisil pisil pa ang biceps ni Pat.





0000ooo0000



Pabalikbalik lang ako mula sala hanggang kama, animo'y balak kong pakinisin ang sahig sa ginagawa kong pabalikbalik. Nakaupo lang si Pat sa sofa at kumakain ng chaofan ng chowking habang pinapanood ako sa aking ginagawa.



Ano ba yang iniisip mo?” tanong nito sakin.



Nagiisip ako ng paraan para mapadali ang buhay natin habang magkasama tayo dito.” sabi ko tumango lang ito.



Una. 10 minutes lang ang pagligo ng bawat isa satin para walang naaabutan ng qouta sa tubig.” sabi ko, wala namang tutol dito si kumag.




Pangalawa. M-W-F- SUN. ako matutulog sa kama. T-TH-Sat. Ay ikaw naman sa kama.” sabi ko, nanlaki naman ang mata ni Pat dito.



Lugi ako ng isang araw!” sabi nito at isang kutsara ata ng kanin ang tumalsik mula sa bibig nito.



Akin ang kama diba?” tanong ko dito, tumango lang ito. Wala naring nagawa. Lumapit ako dito at inagaw ang chaofan na kinakain niya.




Pangatlo. Walang pakielamanan ng pagkain sa ref.” nakanganga itong tumingin sakin ng masama.




Pangapat. M-W-F ako maglilinis ng buong dorm. T-TH-Sat naman ang toka mo at pag dating ng linggo tayong dalawa ang parehong maglilinis.” sabi ko dito, ikinibit balikat lang nito ang sinabi kong yun.



Hindi ba pwede na kapag Sunday salo rin tayo sa kama?” tanong nito, binigyan ko lang ito ng masamang tingin, di na ito kumibo pa.



Panlima...”



Andami naman niyan!” sabi niya, pinandilatan ko lang ito ng mata at agad din siyang tumiklop.



Panglima, ayaw ko ng burara.”



Panganim, sabay tayong maglalaba kada linggo.”



Pangpito, kain mo hugas mo. Ganun din kapag ako.”



Pangwalo, hati tayo sa pambili ng mga sabong panglaba at panghugas ng plato.”



Pangsiyam, deodorant ko akin lang, toothbrush ko akin lang.”



Kadiri naman to.” sabi niya.



Pangsampu, bawal maguwi ng kung sino sino dito. Kaibigan man o kung ano.” agad itong humarap sakin at kala mo makikipagtalo pa, siguro ay naisip nalang din nitong itigil dahil alam niyang talo rin siya.



0000ooo0000



Patrickkkkkk!!!!” sigaw ko ng mapadako ang tingin ko sa kusina kinabukasan.



Bakit?” tanong nito habang humahangos pa, basa pa ang buhok nito at halatang kalalabas lang ng shower.



Ano to?” nanggagalaiti kong sabi dito.



Ahmmm plato?” sagot niya.



Platong ano?!”



Ah eh, platong pinagkainan ko?” pahina ng pahinang sabi nito. Nakuwa naman niya ang ibig sabihin ko at agad na nagpunta sa tapat ng lababo.



You can really be a nagger sometimes, you know that?” naiirita ng sabi nito. Napangiti na lang ako.



You don't like the rules? Lumipat ka na.” pangaalaska ko dito.




As if you want me out.” sabi nito sabay ngisi.



Gago!” sabi ko nalang dito at pareho na kaming napahagikgik.




Itutuloy...

9 comments:

  1. hi migs... first time kung mag-comment...xenxa na sa tagalog ko kung mali mali "bisaya man gud ko"... ahm last week ko lang nahanap/natagpuan yung blogsite mo...ang ganda talaga ng stories, lumaki tuloy eyebags ko sa kakabasa... at para talaga akong timang pag.binabasa ko na yung Breakeven at Chasing Pavements kasi humahagul na ako tapos tatawang bigla...whoa... so nice nakakrelate ako kahit NBSB ako.... congrats ah.... cute cute ng mga stories....sana dadami pa stories mo......godbless..... heehe

    ReplyDelete
  2. ..ahahaha ang kulit ng line na to...“Mainis ka all you want, pero magiging ka dormmate mo na ako simula ngayon!” tma yan erik dpt mlinis s bhay.....kua migz ok npo.... pa search nlang po ulit tpos pa add po sa fb reggietorres50@yahoo.com slamat po =))
    -reggie-

    ReplyDelete
  3. kaya pala hindi ko na makita ung mga kasunod na stories mo migs... nasa sarili ka na pala bahay...
    Congrats! Gusto ko talaga ung mga stories mo... ang gaganda... Keep up the good work kasi madami ka napapasaya sa mga stories mo... lalo na kami nasa abroad. More stories to come!

    slazzer

    ReplyDelete
  4. haha im so excited to see the "present part" of the story.. it is quite intriguing...hehe

    kuya migs pwedeng pa add sa fb...?hehe nainggit ako eh..haha

    lonely_ehmjhay19@yahoo.com..:) tnx

    ReplyDelete
  5. Ang gaganda talaga ng mga stories mo Migs! Nga pala totoo yun sinabi ng isa mong reader. Na marami ka silent readers. Isa na ako dun. Nainggit narin ako sa iba na nagcocomment kaya nagcomment narin ako. LOL More power sayo! Ilang nights na akong inuumaga ng pagbabasa sa stories mo. Mejo nagkaron kasi ng problem regarding sa laptop ko. Ilang buwan ko rin siya hindi nagamit. Nagsimula ako magbasa since nung Breakeven part ni Drei kasi dun ako nagstop. Sana friday na ulit para mabasa ko na yun part two nung The BIG Fight mo. Muli, more power! God bless!

    ReplyDelete
  6. ang cute parang nagtatalong mag-asawa lang..

    haist the best tlga ang story mo kuya migs.
    honestly, d ko alam kung tama o mali, pero kumukuha ako ng second hand exp sa mga kwentong nababasa ko.

    haist so well....
    salamat tlga kuya migs sa stories mo :D

    ReplyDelete
  7. ang cute nang scenes, hahaha...ansarap naman sa feeling nitong eksena nila, parang mag asawa, hehehe..nice one migs (",)

    ReplyDelete
  8. Perfect naman ng simula nila. Sana meron din ako ganito na roommate. Kaso ala eh. Huhu. Ingatz and love u migs. :)$

    ReplyDelete
  9. hahahahahahahahahahahahahahahahah.............. basta hahahahahaha

    ReplyDelete