Breakeven (Book4 Part7)

_______________________________
Breakeven (Book4 Part7)
by: Migs



Madami nang nangyari samin ni Pat, marami ng napagdaanan ang relasyon namin at masasabi kong lahat ng iyon at nilabanan namin, dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero sabi nga nila, nothing lasts at hindi mo alam kung hanggang kailan yon at kung mauulit pa ba iyon. May isang pagsubok kaming di namin alam kung pano malalagpasan. Pagsubok na sakin nagsimula.




Bakit?” tanong nito sakin habang nakayakap ako sa kaniya at wala paring tigil ang pagpatak ng luha ko sa kaniyang balikat.




Kailangan na nating itigil to.” pabulong kong sabi sa kaniya, marahan niya akong inilayo sa kaniya para makita ang aking mukha, siguro para malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagbibiro lang.




Bakit? May nagawa ba akong mali? Di ka na ba masaya? May iba na ba?” sunod sunod na tanong nito sakin.




Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang napakagwapong mukha ni Pat. Umiling lang ako sa mga tanong niya habang wala paring tigil ang pagluha ko.




Bakit?” nangingilid luha ng sabi nito sakin. Tumayo ito at tinungo ang bintana.



Kinukuwa na ako ni Mama, punta na akong states.” sabi ko dito.



Hanggang kailan?” tanong nito.



Di ko alam.” at sa sagot kong iyon ay agad siyang lumapit sakin at yumakap ng mahigpit.



Right after graduation di na nagatubili pang magpapetiks petiks ang nanay ko sa pagpapadala ng ticket para makapunta na agad ako sa states, di naman ito nakaligtas kay Pat. Napapansin kong lagi itong malungkot at laging mainit ang ulo, di ko narin ito madalas makausap ng maayos dahil lagi lang ako nitong binubulyawan.




Usap naman tayo ng maayos, please.” pagmamakaawa ko dito pero gaya ng mga nakaraang pagmamakaawa ko dito ay lagi itong nagpapalusot na kesyo may gagawin daw at papasok na siya sa opisina at kung ano ano pa.



0000oooo0000



Malapit na akong umalis.” mahina kong sabi dito habang magkaharap kami sa hapagkainan, tumango lang ito. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito at pinisilpisil. Nagsimula na siyang humikbi, parang may kung anong tumarak sa puso ko.



Babalik pa naman ako.” sabi ko dito.



Ikaw narin ang maysabi na di sigurado yan, diba?” sabi nito sa pagitan ng mga hikbi, tumayo ako at umikot sa lamesa, itinayo ko siya at niyakap ng mahigpit.



Uuwi ako.”



0000oooo0000



Palingalinga ako sa harapan ng pinto ng airport, pilit kong iniintay si Pat. May pasok kasi ito at tutal dahil gabi naman ang flight ko kaya't napagisipan kong hayaan muna itong pumasok sa opisina. Tinatawag na ako ng gwardya at tinatanong ang aking ticket at passport pero abala parin ako sa paglingalinga, umaasa na dadating si Pat.



Papasok na ako ng may tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumapit dito.




Akala ko di ka na pupunta.” pabulong kong sabi dito, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagsisimula ng mamasa ang mga mata nito.



Babalik ka diba?” parang batang tanong nito, tumango lang ako, nagsisimula ng pumatak ang mga luha sa aking mga mata, hinalikan ko ito sa labi at marahan ding kumalas. Tinitigan ko ang mga mata nito, ang pinakapaborito kong mga mata sa buong mundo.



After Two Years



Nilasap ko ang mapolusyong hangin ng Maynila pagkalabas na pagkalabas ko ng airport, di ako makapaniwala sa sangsang nito, sa sobrang sangsang ay napaubo pa ako. Pero agad akong ngumiti dahil sa wakas makikita ko na ulit si Pat.



0000ooo0000



Sir may naghahanap po sa inyo.” sabi ng receptionist kay Pat ng lumabas ito sa isang malaking double door.



Sino daw?” tanong nito, inginuso naman ng receptionist ang aking kinauupuan. Nagulat ito nang makita ako at muling nagliwanag ang mukha.



0000ooo0000



Pinagmamasdan ko ito, ganun parin ito, maganda parin ang katawan, gwapo parin at ngayon lalong naemphasize ang pagkabanyaga nito, lalong gumanda ang mga mata nito katabi ng lalong pumuting balat niya sa mukha.




Huy nakatitig ka diyan?” tanong nito sakin habang nilalantakan ang inorder naming soup.



Musta ka na?” tanong ko dito, pero ngumiti lang ito at akma na sanang sasagot ng bigla itong tumayo at inabot ang kamay sa isang lalaki, hinawakan niya ang kamay nito at isang lalaki ang masuyong nakangiti sakin katabi ni Pat.



This is Eric, Bestfriend ko since college. Eric this is Jake, my boyfriend.” pakilala nito saming dalawa, bahagya akong nagulat at nalungkot sa narinig.



Nice to meet you Jake.” sabi ko sabay lahad ng kamay para i-shake ito.



Excuse me, punta lang akong CR.” nasabi ko na lang ng di ko makayanan ang sakit sa mga nangyari.



Sumunod pala sakin si Pat, humarap ito sa salamin gaya ng aking ginagawa, namamasa na ang mga mata nito at nahihinuna kong paiyak na din.



Di ko sinasadya, di ko inaasahang mai-inlove ako sa kaniya.” sabi nito, inilapit na niya ang mukha niya sakin. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa pares ng mga mata. Ang mga matang aking lubos na gusto.

Tinignan ako ng lalaking kumatok sa pinto ng aming nirerentahang kwarto dito sa Boracay, biglang gumuhit ang galit sa mukha nito at unti unting nangilid ang mga luha, napayuko narin si Pat na siya namang pinakamalapit sa lalaking kumatok sa pinto, hindi na nagsalita ang lalaki at tuloy tuloy ng naglakad palayo.



Nagaalala akong tumingin kay Pat at napatayo bigla ng makita ko itong paluhod na bumagsak at inilagay ang mga kamay sa mukha, alam kong naiyak na ito, nang malapitan ko ito ay nagsimula na itong humikbi. Pinatayo ko ito at niyakap ng mahigpit, tinignan ako nito. Naalala ko ang pagtangis niya noon nung aalis ako dati for the states at ang unang beses na ipinakilala niya sakin si Jake parehong pareho ng nakikita kong pagtangis niya ngayon.



Ilang beses na nga ba kaming nahuhuli ni Jake na katatapos lang magsex? Dalawang beses kung hindi ako nagkakamali, pero yun ay dahil sa sobrang sama ng loob ni Pat dito. Si Jake kasi ang tipo ng tao na work first, life later. Minsan naiisip narin ni Pat na hindi siya mahalaga dito at ang tanging mahal nito ay ang kaniyang tarbaho.




Maaayos din yan, remember nung dati, napagusapan niyo naman diba?” pagaalo ko kay Pat na nahikbi parin at nanlilisik na ang mata sa galit. Galit sa sarili. Galit sakin.




Panagalawang beses na ito, Eric. Tingin mo mapapalagpas pa niya ito?!” tanong niya sakin, may halong galit, di na lang ako kumibo. Ayaw ko kasing paasahin si Pat. Ang taong mahal ko.



Paminsan minsan naiisip ko kung ano pa nga ba ang pinaglalaban ng dalawang ito, alam ko namang mahal parin ako ni Pat at walang ginagawa sa kaniya si Jake kundi ang saktan ito pero mas pinipili parin nila ang magsama kahit na nasasaktan na sila pareho. Minsan naman di ko napipigilan ang sarili ko na makisali sa kanila. Pano ba naman sa tuwing nakikita ko si Pat na nasasaktan ay nasasaktan narin ako.



Huy birthday na birthday mo kung makasimangot ka diyan.” puna ko kay Pat habang nainom ng beer na inahin niya para saming dalawa.



Di ito sumagot, tinignan ko ang paligid. Tahimik sa buong apartment nila ni Jake, sa sobrang tahimik parang hindi birthday ng isa sa mga nakatira dito. Tinignan ko si Pat, nakasimangot parin ito habang nadakot ng popcorn sa isang malaking bowl at ginagawang panulak ang beer. Umiling na lang ako ng ibalig ko ang tingin sa TV, nanonood ng One More Chance si kumag. Agad akong lumabas at kinuwa ang sopresa ko para dito na itinago ko muna sa aking kotse. Ito kasi ang naisip ko para mapasaya si Pat.




Nagover time pa nga. Alam naman niyang birthday ko tas mago-overtime siya.” sabi nito pagkapasok na pagkapasok ko.



Merong dahilan si Jake.” sabi ko na lang dito.



Nakakasawa na! Lagi na lang ganiyan!” sigaw niya sabay tungga sa beer.



Shhh. Wag mong sabihin yan.” sabi ko dito habang binabalanse ang malaking kahon ng cake sa likod ko. agad akong tumabi dito.



May ibibigay ako sayo.” sabi ko dito.



Ano?” tanong nito sabay tingin sakin ng masama.



Tumigil ka muna sa kakahagulgol?” sabi ko dito. Agad naman niyang pinahiran ang mga luha niya na parang bata.



Dyarraaannnn!” sigaw ko, nagulat siya sa laki ng cake na inahin ko sa unahan niya at sa naka sulat na icing sa ibabaw nito.



Happy Beerday Best!” sigaw ko sabay halik sa pisngi niya. Pareho kaming natigilan dahil sa ginawa kong halik na yun pero agad ko ding binawi ang sarili ko at ngumiti. Binigyan lang ako ng nagtatanong na ngiti ni Pat. Nilibang ko nalang ang sarili ko at sinindihan ang kandila na asa cake.




Make a wish.” sabi ko dito, hinipan naman nito ang kandila saka pumikit. Inilapag ko na ang cake.



Anong winish mo?” tanong ko dito habang tinatago ang lighter sa aking bulsa.



Sana andito si Jake.” nagulat naman ako sa sagot niyang yun, dun ko lang din napatunayan na mahal nga talaga ni Pat si Jake. Nainggit ako, nagselos at nagalit kay Jake. Hinila ko palapit sakin si Pat at niyakap ito ng mahigpit, agad agad naman itong humikbi.




Shhh. Andito lang ako, sige ilabas mo lang yang sama ng loob mo.” pabulong kong sabi kay Pat. Marahan itong kumalas sa pagkakayakap ko.




Salamat ah.” bulong nito, napako nanaman ako sa mga tingin niya at nabibighani nanaman ako sa ganda ng mata niya. Pinahid ko ang natulong luha mula sa kaniyang pisngi at wala sa sariling inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagsalubong ang aming mga labi. Marahas, puno ng emosyon, puno ng pagyangis.



Nang kumalas kami sa halikang iyon ay ine-expect ko na na makakatanggap ako ng sigaw, bulyaw o sapak mula sa kaniya pero ngumiti ito at bahagyang hinawi ang aking buhok na nakaharang sa aking noo. Bigla nitong inabot ang icing ng cake na binigay ko sa kaniya at ipinahid ito sa aking ilong.



Bleh!” parang batang sabi nito sabay tayo at nagtatakbo sa buong apartment.



Hoy Anak araw, humanda ka sakin!” at dumakot na ako ng icing. Agad ko naman itong ibinato kay Pat pero sumala ako at napunta yun lahat sa mga upuan at lamesa ng dining room.



Hala lagot ka kay Jake!” pananakot ko dito. Dinilaan lang ulit ako nito at hinabol at ng mahuli ako nito ay niyakap ako ng mahigpit.



Unang una hindi ako Anak araw. I'm half Brit and I'm bloody proud of it.” sigaw nito sakin with that bloody hot British accent sabay pinaharap ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit at sinibasib ng halik.



Wala kaming pakielam kung san man mailapag ang aming mga damit, tanging alam ko ay gusto namin ang ginagawa namin, mainit na halikan, mapusok na yakapan at haplusan. Natapos ang tagpong iyon na pareho kaming nakatulog na magkayakap.




Bigla kong iminulat ang aking mata ng makarinig ng malalakas na hikbi, ibinaling ko ang aking tingin sa pinto ng kwarto at nakita doon si Jake na nakaupo sa sahig at nahikbi na, malamang dahil sa sakit na nararamdaman niya sa nakita niyang itsura namin ni Pat.




Agad akong umupo at binawi ang pagkakayakap kay Pat, iminulat narin ni Pat ang kaniyang mga mata at ng makitang di ako mapakali ay ibinaling na nito ang kaniyang mata sa pintuan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Jake.




May kakaiba akong awa at guilt na naramdaman. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Agad kong nilikom ang aking mga gamit at agad ng lumabas ng kwarto. Narinig ko pang naguusap ang dalawa at nagmamakawa na si Pat kay Jake na intindihin siya nito habang nalabas ako ng front door.




Yan ang madalas mangyari sa tuwing nakikisimpatya ako sa aking mahal na bestfriend. At ngayon ngang nakikisimpatya nanaman ako sa kaniya dahil sa sama ng loob niya sa hindi pagsama ni Jake sa aming bakasyon na ito, eto nanaman ang nangyari, nagbuhos nanaman ng sama ng loob si Pat at nauwi na naman sa pagtatalik.



Di lang talaga namin inasahan na susunod si Jake dito.” pampalubag loob ko sa sarili at dun ko narealize na hindi iyon dahilan para makisiping ako sa boyfriend ng iba.




Ano nga bang dahilan ko?” tanong ko ulit sa sarili ko habang inaalalayan si Pat pabalik sa kama.




Itutuloy...

Comments

  1. haaayst what a sad but fulfilling chapter...

    nakakalungkot kasi sa mga nangyayare sa knnila Eric and Pat..haaayts
    more...:)


    ang bilis ng update huh heheh

    ReplyDelete
  2. Atleast ngayon, dna ganon kasama ang tingin ko kay Eric. Hehhehe...

    Everyone has their own story, kaya nga we have to hear it din... Buti nlng may book 4.

    Gusto ko rin sana malaman kng what happen kina Jake and Eddison after dun sa mall hehehe...
    Cguro tamad lang akong magconclude...

    Salamat dito...
    GOD BLESS!

    -mars

    ReplyDelete
  3. ...ouch!!!,,, sad feeling nmanp.....but i can say that eric is a very g0od best friend of pat....lucky c pat ksi andyan c eric.,,,,,kua migz na add mu npo b ako s fb reggietorres50yahoo.com
    -reggie-

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. ganda...tompak..wagag.kaboom.blagsz...chukchak migs..un na un..

    ReplyDelete
  7. i empathize on both eric and jake, parehas me karapatan at minamahal si pat, hirap naman nitong eksena na to migs, e2 pala ung mabigat na ineexpect ko, haizt!...nice chapter kahit mabigat ang loob ko (",)

    migs, binura ko ung comment mo, alam mo na, hehehehe...thnx nga pala (",)

    ReplyDelete
  8. GRABE LANG TALAGA!!! :'(

    nung una hesitant akong basahin tong installment ng breakeven series mo, dahil sa isang rason, "INIS AKO KAY ERIC!"

    pero sabi nga ni Mars sa taas, A coin always has two sides. it's good to hear Eric's side of the story...

    thanks author for good stories like this. :))
    GAMBATTE NE!

    -MrBrickwall

    ReplyDelete
  9. kalungkot :(
    ganun pla naranasan ni eric... indi na ako bitter sa kanya.. tsk tsk


    - louie

    ReplyDelete
  10. Ayun oh. Kawawa pala si eric eh. Sana maging sila na ulet. Nagmahal lang naman xa eh. Ingatz mahal kong Migz. :))

    ReplyDelete
  11. Kaya ayokong nagbabasa ng hindi tapos ang kwento weh.. Nasasaktan lang ako!!!

    ReplyDelete
  12. Ano po ang dahilan ni Eric?


    Napansin ko lang, sa kababasa ko sa mga kwento, bakit 'tarbaho' sa halip na 'trabaho'? Typographical error o sadya lang ito ang spelling? Kasi dito sa Cebu, 'tarbaho' din ang term sa 'trabaho' eh. Ahahaha...

    Kudos! Kuya Migs. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]