Breakeven (Book4 Part8)

_____________________________
Breakeven (Book4 Part8)
by: Migs



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di nakuwa ng aking pangaalo ang sama ng loob na nararamdaman ngayon ni Pat, halos laklakin na nito lahat ng makitang alak sa harapan niya. Nagsisimula nang hindi maging masaya ang bakasyon para samin, inaya ko na itong umuwi pero mas gusto niya dito, hindi parin daw niya alam kasi kung pano haharapin si Jake.




Di ko rin maiwasang isipin kung asan na si Jake ngayon, marahil matapos nito kaming mahuli ni Pat, nagisip na agad itong umuwi at sumakay na sa pinaka unang ferry na makikita niya. Samantalang si Pat ay parang isang alcoholic na hindi malaman kung panong inom pa ang gagawin sa loob ng isa't kalahati pang araw na pananatili namin dito sa Boracay.




Bakit mo ba ako dinala dito?” tanong sakin ni Pat nang hatakin ko siya papunta sa isang bar.



Aba, sulitin naman natin ang pagbabakasyon natin, di yung magmumukmok ka lang sa isang sulok ng kwarto natin.” sabi ko dito sabay tawag sa barista para bigyan kami ng maiinom.




Pinagmasdan ko maigi si Pat, nakayuko lang ito at ni hindi pinapansin ang mga taong nagpapapansin sa kaniya. Masama talaga ang loob.




Alam mo, alam kong maaayos niyo pa yan.” sabi ko dito.



Sana na nga.” matipid nitong sagot sabay tungga sa isang baso ng purong vodka.



Whoah! Easy! Andami daming guys and girls oh, pano mo sila mapapansin kung lasheng ka na?” pangaalaska ko dito sabay tapik sa likod niya. Tinignan lang ako nito ng masama.




Ok. That maybe a wrong suggestion.” sabi ko sa sarili.



Salamat ah.” sabi nito, nagtaka naman ako.



Para saan?” tanong ko dito, matipid itong ngumiti.



All these years kasi di ka bumitaw.” nahihiya nitong sabi. Tinapik ko ito sa balikat.



Sabi ko naman kasi sayo diba, andito lang ako. Saka ngayon pa ba kita iiwan eh may kasalanan din ako kung bakit ka miserable, kaya ngayon makapaghugas kamay lang, inaaya kitang magsaya. I owe it all to you.” sabi ko dito, ngumiti lang ito sabay yakap sakin.



Ikaw lang ang nakakaintindi sakin...”



Nagsisimula na ang aming inuman session sa harapan ng isang barista. Di parin maipinta ang mukha ni Pat. Sa sobrang di ako makapaniwala na magiging ganito ka disasterous ang bakasyon na ito ay napagpasyahan ko na lang na igala ang aking mga mata at naisipang baka may makakuwa ng attensyon ko.




Abala ako sa paghahanap ng mga cute ng biglang ibagsak ni Pat ang bote ng beer sa counter.




I mean, di lang naman ako ang dapat sisihin diba? May mali rin naman siya diba?” tanong sakin nito. Tumango na lang ako bilang sagot sabay hagod sa kaniyang likod. Abala ako sa pakikipagsimpatya ulit ng maghiyawan ang mga tao. Aware naman ako na may nagaganap na parlor games sa bar na iyon at alam kong body shots ang tampok ngayon, pero ang ikinagulat ko ay ang dahilan ng paghiyaw ng mga tao sa buong bar.



Jake?” tanong ko sa sarili ko. bigla akong kinabahan, nagsisimula nang maglatag ng icing ang kapareha nito sa kaniyang katawan na siya namang dinidilaan ni Jake.




Ahh Pat. Napapagod na ako, uwi na tay...” aya ko kay Pat pero di ko na natapos yun ng biglang maghiyawan ulit ang mga tao sa bar, nagsisimula narin itong mapuno ng mga tao na gustong pumasok para makiusyoso.




Bakit ang gulo?” tanong ni Pat, pinigilan ko itong humarap sa entablado pero huli na.



Muli kong nakita ang sakit sa mukha ng bestfriend ko. Di ko rin maikaila sa sarili ko na nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Inabot ko ang balikat nito para pakalmahin pero hinawi niya lang ito. Hinila ko ito sa pagaakalang susugod ito sa entablado.




Pat, tara na.” aya ko dito habang hilahila parin ito.



Okay, tapos na po...” simula ng emcee.




Actually, hindi pa tapos eh sige last one!” bawi ng emcee sa naunang pahayag nito.



Nagtaka naman ako ng biglang itigil ni Pat ang pagpalag nito sa aking paghatak sa kaniya. Iginawi ko ang tingin sa entablado at nalaman kung bakit biglang nagiba ang desisyon ni Pat na pumunta sa Stage. Nagulat ako ng makitang naghahalikan na sila Jake at ang kapareha nito. Humarap na palabas ng bar si Pat at ng dumaan ito sa tapat ko ay binangga lang nito ang aking balikat.



Di na ako nagatubili at sinundan na ito.




Naabutan ko itong nakaharap sa dagat. Masamang masama na ang mukha nito at tila ba papatay na ng tao. Nagsimula na itong sumigaw, marami sa nagdadaan ang nagsisigaw. Niyakap ko ito at inalalayan at inaya ng bumalik ng kwarto namin.



000ooo000



Galit at inis ang nararamdaman ko kay Jake, alam kong nasaktan siya pero kailangan bang gumanti? Alam naman niyang nahihirapan na si Pat, alam niyang masama na ang loob nito ngayon pero ano? Mas pinili niyang makipaglaplapan sa isang lalaking di naman namin parehong kilala ni Pat. Pero napaisip din agad ako.




Alam ba ni Jake na andun kami ni Pat. Sigurado akong nakita ko sila pero di ko sigurado kung alam niyang andun kami ni Pat. Ibig sabihin ba nito, kung hindi niya alam na andun kami ni Pat ibig sabihin ba non di niya ginawa yun para magselos lang si Pat? Wala nga bang rason para magalit ako kay Jake dahil sa nangyayari ngayon kay Pat?” tanong ko sa sarili ko habang pinapanood si Pat na nakayukyok sa kama.




Pat, tama na yan. We will talk to him first thing in the morning. Ok?” pagaaalo ko dito pero hindi ito sumagot.




Pat, please. Tama na.” biglang itong umupo at binigyan ako ng isang masamang tingin sabay punta sa CR at ibinagsak ang pinto noon.



Nangilid ang luha ko sa nangyaring yun. Tumatak sa isip ko ang binigay niyang masamang tingin at kada naaalala ito ay bumibigat ang aking pakiramdam.



Marahil sinisisi niya ako ngayon sa nangyayari sa kanila ni Jake.” sabi ko sa sarili ko at di na napigilang tumulo ang aking mga luha.



Kasalanan ko nga siguro, pero kasalanan ba talagang magmahal?” tanong ko sa sarili ko, di ko na namalayan na naglalakad na ako palabas ng kwarto.




Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa dalampasigan, hinahayaan ang dulo ng alon na dumampi sa aking mga daliri sa paa habang nakatingin ako sa malawak na langit na puno ng bituin at malawak na dagat na siya namang parang nagsusumamo papunta sakin.




0000ooo0000



San ka natulog kagabi?” bungad sakin ni Pat ng pumasok ako ng aming kwarto nung umagang yun. Napansin kong nagiimpake na ito.



Dyan lang.” sabi ko a inabot nito sakin ang aking duffle bag.




Magimpake ka na. Uuwi na tayo.” sabi nito sakin na parang hindi narinig ang aking sagot sa tanong niya, o narinig niya pero di na lang niya ito binigyan ng importansya.




Kumain ka na ba?” tanong ko dito pero di siya sumagot. Tinitignan ko lang siya habang nagaayos ng kaniyang mga gamit.




At least mag lunch muna tayo. Mahaba ang biyahe.” mungkahi ko dito. Natigilan ito at nagbuntong hininga. Marahil ay napaisip din sa aking sinabi.




Wala kami parehong imik. Para kaming di magkakilala, isang hakbang ang layo namin sa isa't isa habang naglalakad papunta sa isang restaurant.




Bakit ba naging ganito? Hindi naman kami ganito dati ah.” tanong ko sa sarili ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng sakit sa aking dibdib.




Nakarating na kami sa restaurant na aming napiling pagdausan ng aming huling lunch sa Bora ng biglang tumigil si Pat sa pagpasok sa loob nito, agad akong tumabi dito at tinignan ang kaniyang tinititigan. Andun si Jake at ang lalaki na kapareha nito sa body shots kagabi, nakaupo at marahil ay naghihintay ng inorder na makakain. Pero hindi lang yun. Naghahalikan ang dalawa. Masuyong naghahalikan.



Hinawakan ko si Pat sa may braso, pinipigilan na susgurin ang lamesa nila Jake. Napatingin samin si Jake at ang kahalikan nito, akala ko titigil na ang mga ito pero kinabig ng kahalikan ni Jake ang mukha niya at siniil ulit ito ng halik. Dinoble ko ang puwersa ng pagpipigil kay Pat. Biglang tumigil sa pagwawala si Pat. Tumalikod na ito bigla at naglakad palabas ng restaurant.



Pat, wait.” sabi ko dito pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad.



I don't believe this.” sabi nito ng maabutan ko siya.



What do you mean?” tanong ko.



I finally met the guy of my dreams and I go around fool with someone else and mess it all up.” sabi nito, halatang galit na galit sa mga nangyayari.



Baka hindi talaga kayo para sa isa't isa.” sabi ko dito, bigla itong tumingin sakin.




Tahimik. Nagtititgan lang kaming dalawa. Kita ko parin ang galit sa kaniyang mga mata.



Sino nararapat sakin? Ikaw?!” bigla akong natigilan sa sinabi niyang yun. Nagsisimula ng magtinginan ang mga taong nakakarinig sa aming paguusap.



B-bakit di natin subukang ibalik yung dati? A-alam ko namang mahal parin natin ang isa't isa.” sabi ko pero parang sa sinabi kong yun lalong naginit ang ulo ni Pat.



Hindi na ikaw ang mahal ko. We spend time together, yes, we even fucked, twice or thrice, Oo, pero hanggang dun na lang yun. Di ko man gustong saktan ang feelings mo pero yung dating tayo wala na yun. Yes, we were inlove before pero iba na ngayon. Matagal ng tapos yun. What were having right now is just for convenience, just to keep me company whenever my partner is not around. Nothing more, nothing less.”




Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niyang yun. Agad tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata, iginala ko ang aking tingin sa paligid at hindi ako nagkamali, nagbubulungan na ang mga tao sa paligid at nakatingin sakin. Naglakad ako pabalik sa aming kwartong inuupahan. Di na ako sinundan ni Pat. Alam kong masama parin ang loob nito at hindi ko na ito aabalahin pa.



Agad kong inempake ang aking mga gamit at nagpasya ng umuwi ng Manila.



0000ooo0000


Ilang araw ng di nagtetext sakin si Pat, di ko naman ito matawagan o kaya ay mapuntahan sa bahay, halatang ako ang sinisisi nito sa hiwalayan nila ni Jake at kung ganon nga ay naisip ko munang magpalamig dito at pahupain ang tensyon.



0000ooo0000


Eric, bakit di ka napasok?” tanong ng katrabaho kong si Mike, napagpasyahan ko kasing magpalamig na lang din tulad ng pagpapalamig ni Pat, kung sakaling magkita ulit kami, atleast hindi na ganon kainit ang galit na nararamdaman niya sakin at makakapagusap na kami ng maayos.



Mike, gusto ko lang muna mag unwind. Bakit namimiss mo na ako?!” may pangaasar kong sabi dito.



Parang ganun na nga. :)” sabi nito sa kaniyang text, medyo nagulat ako, kilala ko si Mike, lahat ng babae pinopormahan nito kaya imposibleng...



Gagu! Sumakay ka naman!” reply ko dito.



Seryoso! Gusto mo bang lumabas ngayon? Free ako 'til dinner.” aya nito sakin, di na ako nagreply. Maya maya pa ay nagring na ang telepono ko, si Mike, natawag.



0000ooo0000


Naglalakad kami ni Mike sa loob ng isang mall, napapayag din ako nito na lumabas, pero nagaalangan parin ako sa intensyon nito.



Baka naman gusto lang ng kasama.” sabi ko sa sarili ko. nagkibit balikat lang ako at pilit itinanim iyon sa sa aking utak. Pagkakaibigan lang ito.



Tahimik ka pala sa labas ng opisina.” sabi nito sakin, seryoso ang mukha nito.



Wala kasi akong maisip na mapagusapan eh.” sabi ko dito, tumango lang ito.



Nga pala may gusto akong sabihin sayo eh.” panimula nito, agad akong humarap sa kaniya, para itong nagaalangan kung magsasalita ba siya o ano.



Ah, eh teka lang punta muna ako sa CR.” paalam nito, nagtaka naman ako. Naiwan akong nakatayo sa labas ng isang botique, iniisip kung bakit bigla na lang nagpanic si Mike.



Eric?” tawag ng isang lalaki sa aking likod. Si Pat, agad akong humarap dito. Di alam kung pano ito kakausapin.



Look, I'm sorry, di ko dapat sinabi ang mga yun...” pero di ko na ito pinatapos pa, niyakap ko na ito, niyakap ng mahigpit. Nang maghiwalay kami ay agad ko itong tinignan ng daretso sa mata.



Kamusta?” wala sa sarili kong sabi dito. Ngumiti ito.



Nagkabalikan kami ni Jake.” sabi ni Pat na ikinagulat ko. agad kong binawi ang aking reaksyon at agad na ngumiti, sinuntok ko ito sa braso.



Yan ang bestfriend ko!” sabi ko dito saka nagpakawala ng pekeng tawa. Tawa, kasalungat ng gusto kong gawin nung mga oras na iyon. Tumingin lang sakin si Pat, tila kinikilatis kung totoo nga ba ang aking sinabi at pagngiti.



Hey, nga pala, gusto kong makausap ulit si Jake, gusto ko sanang humingi ng sorry. Ok lang ba na sainyo ako magdinner sa susunod na araw?” tanong ko dito, napatingin sakin agad si Pat at nagaalangang tumango.



0000ooo0000




Magkakaharap kami ngayon sa hapagkainan sa apartment nila Jake at Pat, halata na may namumunong tensyon, pero hands down naman ako sa pagpipigil na ginagawa ni Jake, ramdam kong galit na galit parin ito sa mga nangyari, di ko siya masisisi, pero isa lang ang pakay ko, pakay kong makiusap kay Jake na wag niyang bawalan si Pat na magkita kami. Baka kasi di ko kayanin.



Naisip kong mag-joke, para naman kahit papano gumaan yung mood sa apartment, pero hindi, pakiramdam ko lalong bumigat ang mood, lalo kong naramdaman ang galit ni Jake, nangiti ito sa bawat joke ko pero sa tuwing titingin ito kay Pat habang natawa ang huli ay di maikakailang kumikislap sa galit ang mga mata ni Jake. Magaling talaga itong magtago ng emosyon.



Salad?” alok sakin ni Jake, napatingin ako kay Jake sa inaalok nito at pagkatapos ay napatingin kay Pat. Nakita kong nagtaka si Jake.



Allergic kasi si Eric sa hipon, Hon.” sabi ni Pat, natigilan si Jake at miya mo sinikmuraan sa narinig. Ibinalik nito ang composure at inilapag ang bowl sa kaniyang tabi.



Ah ganun ba? Sorry to hear that.” sabi nito sabay inom sa kaniyang icedtea



Allergic din yan sa chicken at gravy. Ewan ko ba dyan bakit ganyan na lang yan sa mga masasarap na pagkain.” pagpapatuloy pa ni Pat, agad naman akong napatingin kay Jake, nakatingin lang ito kay Pat na tila di makapaniwala sa sinasabi nito.



Ah eh pero, I'm sure masarap yan.” sinubukan kong pagaanganin ang loob ni Jake pero huli na ako.



Yup masarap, pity di ka pwedeng tumikim, we wouldn't want you to have an anaphylactic shock in front of your bestfriend, wouldn't we?” sabi ni Jake sabay ngiti na parang pasarkastiko. Nabulunan naman si Pat.



Nang matapos na kaming kumain ay sinenyasan ko si Pat na kakausapin ko lang si Jake sa may kusina, tumango lang sakin si Pat. Kinakabahan kong nilapitan si Jake, ilang araw ko naring pinagpraktisan ang aking sasabihin sa kaniya pero iba na talaga pag nasa harap mo na ang taong pinaglaanan mo ng pinagpraktisang dialogo. Daladala ang mga baso para iligpit habang pinagiisipan ko ang una kong sasabihin ay di mawari ang aking kaba.



Look, Jake, I'm sorry, pero masyado ka ng nagseselos. Sa sobrang pagseselos, parehas na naming nakikita ni Pat na hindi na siya healthy for you.” wala sa sarili kong naibulalas, di ko alam kung bakit iyon ang aking mga nasabi ang alam ko lang ay lalong nagalit si Jake. Mukha na ito ngayong isang bulkan na maaaring sumabog ano mang oras.



Thanks for the concern, pero kahit sino namang matinong boyfriend kung dalawang beses na nilang nahuhuli ang boyfriend nilang nakikipagsex sa bestfriend nito ay eventually magiging paranoid din diba?” sabi ni Jake sakin, napatigil ako, I know I deserved that.



Please, Jake, hear me out. Ayaw ko lang na pagbabawalan mo si Pat na nakikipagkita sakin, were friends since college at hindi namin kaya na malayo kami sa isa't isa.” wala ulit sa sarili kong sabi, ngayon things are getting bad to worst.



Hindi ko kayo pinagbabawalan, Eric.” sabi nito, natahimik ako, iniintay ay patutsada niya na alam kong sisira ng gabing iyon.



Kaya sana sa susunod na maisipan niyo ni Pat na maglaro ng baga habang wala ako, utang na loob. Maglock naman kayo ng pinto o kaya naman ay magbihis muna kayo bago niyo sagutin ang pinto pag may kumatok. Isang beses kayong mahuli, naiintindihan ko pa pero yung dalawang beses na? Katangahan na ang tawag dun.” sabi nito sakin, para na akong sinampal sa sinabi niyang iyon. Nagsisimula ng manginig si Jake sa galit.



Anyway, Tungkol dun sa sinasabi mong magbestfriend kayo since college? You would want to restate that instead na ganun ang sabihin mo why won't you say na we've been INLOVE since college, baka maintindihan ko pa.” nandidilat ng sabi ni Jake, di ko na kinaya, tumalikod na ako at agadagad na nagpaalam kay Pat. Nagtaka ito pero di ko na inintay pa ang sasabihin nito.



0000ooo0000


Dahandahan lang Eric.” awat sakin ni Mike habang malapit ko ng maubos ang pangalawang bote ko ng beer.



Sus, kaya ko to.” sabi ko kay Mike, umiling lang ito.



Nagaway nanaman ba kayo ng bestfriend slash boyfriend mo?” tanong nito sakin, nagulat naman ako.



Ha? Boyfriend ka diyan?!” sabi ko dito sabay pakawala ng isang kinakabahang ngiti at nagtaka din kung bakit alam niya ang tungkol kay Pat.



Wag mo na akong gaguhin, alam kong kabre-break niyo lang ni Tim.” sabi nito na lalo kong ikinagulat, pano niyang nalaman ang tungkol kay Tim.



Di ako bobo. Saka isa pa, dati pa kita minamanmanan.” sabi nito sabay tawa. Napakunot noo na lang ako. Inabot nito ang aking kamay at pinisil iyon. Binawi ko ang aking kamay, biglang nalungkot si Mike.



Ayaw mo ba talaga sakin?” tanong sakin ni Mike.



Di naman sa ayaw Mike, pero may iba akong mahal eh. Baka matulad ka lang kay Tim, baka masaktan lang kita.” sabi ko dito lalong lumungkot ang mukha nito. Nagsimula na akong makaramdam ng pamimigat ng pantog at nagpaalam akong mag-c-CR muna. Bago pa man ako makalayo dito ay muli itong nagsalita.



I'll do anything to make you fall in love with me.” sabi nito, bahagya akong natigilan.



0000ooo0000


Nood tayo sine?” tanong sakin ni Mike pagkagising na pagkagising ko kinabukasan, sa flat pala ako nito nakatulog. Dahil sa gusto kong libangin ang sarili ko ay pumayag na ako sa gusto nito.



Di naman nakakaboryong kasama si Mike, sa totoo niyan parang masaya pa nga ako sa tuwing kasama ko ito, parang may kasama akong isang nakababatang kapatid.



Kapatid lang, hanggang dun na lang yun.” sabi ko sa sarili ko pero ng tignan ko si Mike at nang makitang nakangiti ito sakin ay di ko napigilang mapangiti din at gumaan bigla ang aking loob.



Nasa labas kami ng mga sinehan ng may naaninag ako na parang sila Pat at Jake, wala sa sarili kong tinawag ang mga ito, nagulat si Pat nang makita ko, tila ba hindi alam kung magtatago ito o ano, napansin ko namang di ako pinansin ni Jake, dinukot lang nito ang kaniyang cellphone at nagtext doon. Halatang ayaw akong makausap.



Oh. E-eric. Ano ginagawa mo dito?” tanong ni Pat.



Ah yung officemate ko kasi inaya akong manood ng sine. Kayo? Manonood din ba kayo? Anong papanoodin niyo?” sabi ko. nakita kong muli ang galit sa mukha ni Jake, ngayon di na siya nagabalang itago ang pagkainis niya.



Wala pa nga eh.” sagot ni Pat.



Gusto niyo sumama na kayo samin?” wala sa sarili kong inalok ang mga ito, nagsimula ng mamula sa inis si Jake.



Eric?” tawag ni Mike sakin sabay tabi sakin at akbay.



Nga pala si Mike.” pakilala ko, inabot ni Mike ang kamay ni Pat para makipagshake hands pero di niya ito pinansin, nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Jake. Natahimik kaming apat.



Ano nangyari kay Tim?” tanong ni Pat na may halong pagkainis, matalim ang tingin nito kay Mike.



Pat, una na ako.” paalam ni Jake na ikinagulat naming lahat.



Ha?! San ka pupunta?!” tanong ni Pat kay Jake, nang lumingon si Jake ay nakita naming nagsisimula na itong umiyak.



Hanggang kailan mo ipapamukha to sakin? Hanggang kailan ako magtatanga tangahan?” tanong ni Jake napayuko si Pat.



Si Eric ang mahal mo, ramdam ko, alam ko ring nagseselos ka ngayon kay Mike. Wag mo na akong gawing tanga, ilang beses mo na ding pinamukha sakin yon. Ayoko na.” pahabol na sabi ni Jake, tumalikod na ito at maglalakad na sana palayo ng pigilan siya ni Pat, para naman akong napako sa aking kinatatayuan.



Tama na, please.” bulong ni Jake, pinakawalan naman siya ni Pat sabay yuko. Nilapitan ko si Pat ng makalayo na si Jake, hinawakan ko ang balikat nito at sinubukang pakalmahin pero hinawi niya lang ang aking kamay.



Pat.” tawag ko dito.



Tama na Eric, sabi ko naman sayo matagal na tayong tapos diba?! Tigilan mo na ako, di na ikaw ang mahal ko! Si Jake ang mahal ko!” sigaw nito sakin at tumakbo na papunta sa nilakaran ni Jake. Sinundan ko ito.



Eric!” tawag sakin ni Mike pero binalewala ko lang ito.



Naabutan ko si Pat na nasa paanan ng isang escalator, nakatingala, sa itaas ay nakita kong naghahalikan si Jake at ang lalaking kasama nito sa Boracay noon. Nanlulumong humarap sakin si Pat. Sinundan ko ito paupo sa isang bench.




Eric, mahal ko siya eh, mahal na mahal.” pabulong na sabi ni Pat, nagsisimula na siyang umiyak, gusto ko itong yakapin at masuyong halikan, gusto ko sabihin ang paninigurdo na magiging ok lahat pero hindi ko nagawa. Kasama kasi ng luha at lungkot sa mga mata ni Pat ay ang emosyon ng galit, nakasarado ang kamao nito na tila mananapak.



You've ruined everything.” bulong ulit nito, nakatingin na siya sakin. Nasasaktan akong nakikita ito na galit na galit sakin pero wala rin akong magawa, tama siya kasalanan ko lahat ng ito.



Minahal lang kita. Yun lang ang kasalanan ko.” bulong ko dito, nagsisimula narin akong mapaiyak. Umiling ito.



Hindi lang iyon, matagal na tayong tapos, sana pinakawalan mo na ako noon pero hindi, itinali mo parin ako sayo.” bulong nito, ngayon ako naman ang napailing.



Ayoko.” sabi ko dito.



Pakawalan mo na ako, Eric. Please.” bulong nito, para akong binuhusan ng malamig na tubig parang isang libong punyal na tumarak sa aking puso. Napapikit ako at wala sa sariling tumulo ang aking mga luha.



Pagdilat ko, wala na si Pat sa aking tabi. Naitakip ko na ang aking mga palad sa aking mukha at nagsimula ng humagulgol.




-wakas-

Comments

  1. I hate Eric dun sa Book 3, I thought kasalanan nya lahat...now all I can feel towards Eric is sadness and marooned..haaayst he is right, ang kasalanan lang nya ay ang mahalin ang taong mahal nya...na minahal din nmn sya..I hate this story so much that I am loving it...

    I hope Eric really do exist, I will give him a bIG HUG!!promise...

    haha naalala k tuloy si EX..haha

    ReplyDelete
  2. Wow! Unpredictable ng pagkakagawa ng book na ito kuya migs! meron pa pong susunod na book ito? Idol na talaga kita kuya migs!

    Keep it up sa mga susunod na stories mo...

    ReplyDelete
  3. ang bigat migs, di ako makaisip nang matinong comment, is this the real ending of eric-pat-jake-edison love affair? or it is just the intermediary book series na sasagutin mo sa latest installment mo, sana me closure silang lahat, hay, ang bigat :|, nakaka excite ung teaser mo d2 sa book 4, pero reading the whole book 4 at nabasa ko uli ung line na un, i feel pity on eric, kung sakin un, durog na durog ang pakiramdam ko...truly this series was a breakeven, and yes mervin was right i hate this story so much that im loving it.

    you sure are a great writer; unearthing every strata of our emotions; pinasaya , ginalit, pinakilig, pinalungkot, lahat na..thnx migs (",)

    ReplyDelete
  4. ang ganda talaga ng storya migs.. pero sana sa ending n2 ay may closure at justice naman para sa lahat..kc parang na bitin ako sa mga ending ng ibang book eh.. hehehe



    zekiel

    ReplyDelete
  5. haist i never thought na iiyak ulit ako ng ganito.
    i hate you kuya migs.
    parang ramdam na ramdam ko yung sakit sa damdamin na ipagtulakan ka palayo ng taong mahal mo dahil may mahal syang iba.
    badtrip.
    bakit kasi ang gagu ng puso eh, kung kanikanino na lang biglang titibok.


    i thought nabitin ako sa book 3, heto na naman...

    bitin na naman ako sa kwento.
    pero di ako bitin sa kakaiyak.
    syet tlga.
    bakit ko ba naisipang basahin to ng madaling araw.
    yan tuloy di ako makatulog...

    tsk tsk tsk ang lupet mo kuya migs...

    ikaw na tlga...
    the best k n :)

    ReplyDelete
  6. Pag-usapan natin who's at fault:
    Jake: his only fault is to be a workaholic, but he loves Pat that he gave up his promotion and resigned from work to follow his love for pat. Kaya lang masyado syang nasaktan of what he found out na magkasama pa rin si eric at Pat. Masasabing mali ba kung mabaling ang pagmamahal nya kay Edison?

    Eric: mas nauna nyang minahal si Pat, his fault is to leave Pat behind and went to the estates (or may choice nga ba si eric na wag umalis?) Eric should have give Pat a definite time when to come back or dapat may closure kung talagang di na sya babalik, nothing solid has been agreed. When he came back, in love na si Pat kay Jake... second, hindi dapat questionin sa case ni eric kung mali nga ba magmahal sa isang taong may mahal ng iba, in the first place, he loves Pat before (single pa si pat non) and now (may jake na sya). ang tanong dapat is tama bang mahalin pa rin ang taong may mahal ng iba? Eric is fighting for the love he once owned! and Pat showed something to hope for and they always ends up in bed!

    Pat: He was left brokenhearted when eric leaves. After two years at bumalik si eric, in love na sya kay Jake. His fault is to let eric linger around and have sex with him kahit may jake na sya. I don't find any valid reason why Pat would do that. This is confusing, he acts as if his still in love with eric but towards the end of book 4, he confess his love for Jake ng sobra sobra. Kaya mo bang saktan ang mahal mo dahil isa syang workaholic? Provided ala syang time sayo, does it give you license to have sex with your ex? If Pat really can't stand Jake's nature of work, then break the relationship for Golly's sake! Then he can have sex to whoever he wants 24/7!!!!!!! Yon lang yon! Kahit anong uri pa ng relasyon yan!

    Oo, galit ako kay Pat! Yon lang gusto ko paratingin! Pinakawalan nya si Jake at sinaktan nya si Eric!!!!! Sya, sya talaga may mali! Malandi sya! hahaha

    Sorry Migs kalbo lang hehehe

    ReplyDelete
  7. Pat. Fuck you. You're hot and all. But. Fuck you.

    Pros and Cons aside, he made it all hard for Eric. Pat's the one who told everyone Eric's gay, the one who borded with him in the dorm and he's the reason why Eric returned.

    Pat, you may have a hot British accent but. Bitch, please.












    Kidding. (Not really)
    I actually want them to end up together, I hope in the next installment, Eric would move on to Mike and Pat would be the one chasing him this time.

    ReplyDelete
  8. Grabe hindi ko inaakala na ito na yung ending ng series na to. Nagulat na lang ako nung nakita ko yun -wakas-. Then binasa ko iyong mga comment nung mga other readers like me. Basa basa. Then Mark Ryan comment came. I agree with his speculation. Same lang din kami ng mga iniisip. I accepted his rage against Pat. Then, "Sorry Migs kalbo lang hehehe" LOL humagalpak ako sa kakatawa! =)) I cant contain it! Nawala lahat nung emotions na naggather dito sa loob ko. Natawa talaga ako dun! LOL

    To Migs nga pala,
    Ang galing mo talaga! Superb mga work mo! Talagang konektado lahat. Pero sa sobrang konektado nahihilo na ako. Bakit biglang sumulpot si Mike and Tim? Si Eric ba dito yung sa LAIB din na nakatuluyan si Tim if my memory serves me correct? Naguluhan tuloy ako bigla sa mga characters. I hope gumawa ka ng timeline para sa lahat ng characters na nagintertwined para maklaro yun chaos sa memory ko. Request lang naman. :D hehe

    More power Migs! Galing! Astig!

    ReplyDelete
  9. wakas naba ito?migs...parang di paring nagsisink in sa akin eh..lahat walang closure

    ReplyDelete
  10. at Mharc29... si kuya Migs kasi eh, tinatanong nya kung kalbo daw ba ako hehehe... sabi ko di naman... ayaw yata maniwala hahaha

    ReplyDelete
  11. napaka intense nung mga scene..sobrang naaawa ako kay eric pero may halong inis din..sinabi na nga kasi ni pat na di na sya mahal tapos eto pa rin sya nagpapaka tanga..at eto namang c pat...totoo ung sabi ni mark ryan..malandi sya..as in..hinayaan nyang malandi sya ni eric..tsk..at kay jake naman sana sumaya na sya kay edison :)

    the best ka talaga kuya migs..isa ako sa mga silent reader mo dito and everyday ko chinecheck ung site mo kung may bagong update na..or i must say every hour kasi kahit nasa school ako nagchecheck pa rin ako gamit ung phone ko..hahaha..naadik na yata ako maxado sa mga stories mo..keep it up kuya..at hinahangaan talga kita..promise :)..

    -RL

    ReplyDelete
  12. Yey!!!! Twice na mention name ko sa comments (thanks mharc29 at kay anonymous -RL)... uyy wag kayo ganyan! hindi ko blog to hahaha... as if naman... libre mangarap haha agaw eksena???

    Hi Migs! I love you!

    ReplyDelete
  13. ENDING NA BA TO???

    My gad!!! PAT IS THE BITCH! >.<

    Mr. Author, will there be a happy ending story for Eric, I hate to leave him as he is now. :(
    On the other hand, I don't mind Pat, he deserves no one! Leave him be, MISERABLE!

    -MrBrickwall

    ReplyDelete
  14. kuya migs!
    natapos ko na :D
    ang ganda ng ending!!

    naniniwala akong, hindi lahat ng happy ending, maganda XD

    ReplyDelete
  15. pat apparently is everyone's fave nowadays...hahaha...but does he really deserve all the ire?

    i think victim lang din siya of the circumstances surrounding the 3 of them... si pat parang si ram yan eh... meron nang martin pero dapat dyan pa rin si drei...

    i'm sure most of us at a certain point in our lives may nangyaring ganyan....parang sigurista ba sa biyahe ng buhay...kailangan laging may spare tire :)

    so migs... this is another feather in your cap! wish you all the best always in all ways!

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  16. Wala ako iba masabi. migz, you've outgrown yourself and made this compelling love story and drama. Pina iyak mo nanaman ako. Wala ba ako hug dyan mahal ko? Will be lookibg forward sa iyong nxt story. Love you very much Migz. Ingatz lagi...

    ReplyDelete
  17. amp nmn! yung totoo? Ending na talaga to? nakakabitin >.<

    bitin talaga! anu un? pano na si Eric? panu na den ung adik na si Pat?

    sana me kasunod pa to, kahit epilogue lng kase ganto den ung naramdaman ko after kong mabasa ung Breakeven Book I,( ung ke Edison )ang kainaman nga lng eh, nasudan ung Story nya sa Breakeven Book III.

    pero ganun pa man, astig pa den ung kinalabasan, maganda pa den :)

    IMBA ka Sir Migz! >:))



    Yuki Nyebe

    ReplyDelete
  18. haha tagal tagal dinXD

    Kakaiba itong last part na to, ang sakit sa ulo, haha si pat talaga may pinaka may kasalanan kung makapg salita e hugas kamay na kala mo wala ding ginawang mali

    mejo nabitin ako sa part ni la edison-jake- at pat-eric, parang nag hang sila, aabangan ko yung next insatallment nito..

    ReplyDelete
  19. please make another book.. i love eric..makehimhappy..hehe

    ReplyDelete
  20. ang lungkot naman ang ending ng book 4...walang dapat sisihin sa una pa lang kase pare-parehas silang may pagkukulang...kaya lang sa bandang huli ay mayroon talagang masasaktan...

    si jake na workaholic...na sa pagiging busy sa trabaho ay nagkukulang na ang oras kay Pat...kaya lang nung time na sinuko nya na ang work para lang maisalba pa ang relasyon nila ni Pat ay masyado na siyang nasaktan...sino ba naman kase ang hindi masasaktan kung ilan beses mong mahuling nagsex ang bf at bestfrend ng bf mo? tsk3!

    si Pat na kahit ilang beses i-deny ay halata pa rin mahal si Eric pero ang malaking tanong ay sino ang mas mahal niy...pero nalaman lang niya iyon nang wala na si Jake sa kanya...tsk3!

    si Eric na nagmahal lang at bumalik sa Pilipinas dahil sa umaasang magbabalikan pa...at dagil din sa pagmamahal niya kay Pat ay tinawid nya ang hangganan ng pagiging magkaibigan nalang nila ni Pat...at sa bandang huli ay siya rin ang nasaktan..

    may continuation ba or may book 5 ang breakeven?

    ReplyDelete
  21. Just finished reading the whole series.

    Bakit naman ganun si Pat....

    Now I really feel sorry for Eric...

    And I want to read more about edison and jake after the escalator scene.

    BTW Migs you are one F*%#ING AWSOME NA WRITER!

    Bow ako sayo!

    -Erwin

    ReplyDelete
  22. lahat cla ang may fault...happy that they dont land on each others arms..hahahaha..pat and eric are bothe bitches...jake manhid...

    ReplyDelete
  23. Ugh. I really want them to end up together though. I hope the sequel to this would have one book dedicated to Mike trying to heal Eric and another book about Pat reflecting on what happened and realizing that he loves Eric so he tries to win him back.

    I don't want this to become another Drei-Ram-Kevin. I want Eric and Pat to end up together even though harsh things have already been said, you can tell that Pat still has feelings for Eric anyway. Thus why he kept Eric around and why he had a sudden rush of jealousy when he met Mike. Eric on the other hand has always loved Pat, he even tried to turn away from the feelings in the early part of the story. But they really do love each other and I really hope they would get back together.

    Sorry Mike pero makipaglaplapan ka na lang kay Andy sa isang fire escape. Layuan mo sila Eric.

    ReplyDelete
  24. kuya alam mo,the day (july 8,2011) u posted this chapter was the day i celebrated my birthday na mag-isa lang...and this was my 12th aniversary in celebrating my birthday alone.hehehe

    anyweiz kakabasa ko lang nw ng story na ito...at ang masasabi ko lang is..."WOW"...sna naka move-on na si eric ngyon.

    ReplyDelete
  25. wla nakong masabi, haha nasabi nalahat nila eh.

    basta agree lahat ako dunsa mga nagsipagcomment. and I HATE YOU PAT!. kahit kapangalan kita T.T bat nagpaka masokista ang bida dito. kainis.

    Binalik banaman and sisi kay eric e sa pagmamahalan dalawa ang parties involved. DI KASALANAN ANG MAGMAHAL!!!

    anyways. BITIN ending, sana magkaclosure man lang kahit paulit ulit nalang sinabi ng mga nagsipagcomment sana may closure or justice for eric. SAYANG SYA. ahihi.

    KUYA MIGS. wahihi basta idol parin kita. INGAT LAGI and GODBLESS :D

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  26. Bakit sad ang ending? Awtz. >_<
    Hindi kagaya sa ibang 'books' na masaya.

    ReplyDelete
  27. May next buk pa po ba ito?

    -frostking7@y.c

    ReplyDelete
  28. Nakakainis si Pat! OO i know na nagmamahal lang siya. pero para pagsabayin niya yung dalawa! oo workaholic si jake, but that is not the reason para makipaglaro ka sa apoy. sa bestfriend mo pa and ex-lover! ikaw ang may kasalanan pat! GWAPO nga, malandi naman. :P

    ReplyDelete
  29. Migz, Migz, Migz... and again, binuhay mo nanaman lahat ng emosyon sa katawan ko...whew!

    Masyadong mabigat ang ending ng book na to... But still, I love how you clearly defined the role of each character, at least di nakakalito... yun nga lang... ang bigat talaga, ang bigat... whew! I just hope na there's a rainbow for everyone... =)

    - Lance

    ReplyDelete
  30. ...I can't take this, it's too heavy to take in. Poor Eric, I feel for him...

    but again, the conceptualisation of the whole scenes and coincidences is UNPARALLELED!
    nice work here.

    xoxo, A

    ReplyDelete
  31. wala naman atang ginawang masama si Eric dun sa states para ipagpalit sya ni Pat..
    pero kasalanan din ni Pat un nu.. kung akitin man sya ni Eric para makipag sex, to think na my BF na sya.. d sya papatol..
    at kung ako si Pat, d aq pupunta sa bora ng wala ang partner ko.. hahaha..

    ReplyDelete
  32. Mas mature yung scenes sa Breakeven series.. cguro appropriate siya kasi 2 light tapos 2 heavy yung series na to.. Versatility counts I guess.. Alam ko mas lalo nagmature yung mga susunod. So nostalgic..
    -smartiescute28@yahoo.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]