Rooftop (Short Story)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.





Malamig ang hangin at tubig na tumatama sa aking balat habang masuyo akong nakatingala sa langit at ninanamnam ang bawat patak ng ulan na tumutulo sa aking mukha, sinasaulo ang itsura ng maiitim na ulap na bumabalot sa kalangitan, tila isa itong salamin na siyang nagpapakita ng repleksyon patungkol sa aking nararamdaman.



Nagulat ako ng makarinig na malakas na pagkalabog sa aking likuran pero hindi ko ito pinansin, lumakad ako papunta sa malapad na ledge na gawa sa semento ng rooftop na iyon at tumayo doon, tinignan ko ang abalang kalsada sa baba, madaming tao sa paanan ng building, tila may mga libreng goods na pinamamahagi doon kasama na ang ilang patrol ng pulis.



0000ooo0000



Tumunog nanaman ang telepono na nakapatong sa side table, dahandahan kong iminulat ang aking mga mata at tinatamad na inabot iyon.



Hey, linawin ko lang, sa MOA tayo magkikita diba?”



Agad nangunot ang noo ko sa nabasa. Tumingin ako sa pinto ng banyo, andun ang aking boyfriend na si Robbie, naliligo, naghahanda para sa kaniyang meeting. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang aparador, pagkatapos magbihis ay tumapat ako sa pinto ng banyo.



Hon...? magja-jogging lang ako ah?” maingat kong sabi sa harap ng pinto pilit inaalis ang kaba sa aking boses.



0000ooo0000



Wala pang kinse minutos ang aking byinahe ay nasa MOA na ako. Pilit hinanap ang lalaking nagtext kanina, ayon sa sumunod na text nito ay siya ay nakaputing polo shirt at naka blue na cap. Iginala ko ang aking mga mata at may nasipat na isang gwapong lalaki na nakatingin din sakin at nakangiti.



Untiunti itong lumapit sakin, di ko maintindihan ang sarili ko, sa bawat hakbang na ginagawad nito ay siya namang parang limampung punyal na tumatarak sa aking puso. Masakit, nakakapanlumo.



Hi! I'm Ral.” pakilala nito sakin, tila ba isa namang sibat ang tumama sa aking puso.



Nasa harap ko ngayon ang taong sumisira sa relasyon namin ni Robbie.



Hi! So nice to finally meet you!” sabi ko dito sabay abot ng kaniyang kamay di alintana ang kaba na aking nararamdaman.



Wow! You look good! I was actually starting to get scared... baka kasi isa nanamang pathetic guy ang ma-mi-meet ko.”



Tinitigan ko ito, dun ko din napagtantong isa itong tipikal na bisexual, isang tipikal na lalaki na naghahanap ng lalaking ka good time.



He actually used the words scared and pathetic in one sentence.” sabi ko sa sarili ko. Di ko naman siya masisisi, he looks good and having less of a date would be unfair for him.



So I heard you're a doctor, uhmmm...?” simula ulit nito.



...Tom.” sabi ko dito sabay ngiti.



Yup, I'm a doctor and you're a...?” tanong ko naman dito, nagsimula na itong maglakad papunta sa isang kainan.




... Engineer.” sagot nito sabay ngiti.



Kumain kami sa isang fast food chain, hindi rin maikakaila na matalino rin si Ral, walang dull moment kasama ito, laging may mapaguusapan kapag kasama ito, total package kung baga, goodlooking, smart and kind, no wonder relationship crumble down, mapa straight man siya or gay, because people like Ral exist.




So...?” simula ulit ni Ral pagkatapos niyang ikwento ang kaniyang aso.



So... what?” tanong ko dito, napangiti ito at pinisil ang aking pisngi.



Are we going to check in on a motel or are we going straight to your place?” tanong nito sabay ngiti, Nagulat ako, di ko inaasahan magiging ganito siya ka-tact.



My place is good.” sabi ko dito, pilit na inaalis ang kaba sa aking boses, trying not to sound pathetic.



Super!”


0000ooo0000



Di maitatago ang saya sa boses ni Ral sa buong oras na binyahe namin, di maitago ang tuwa nito. Nang buksan ko na ang pinto ng aking condo ay hindi na ito nagatubili pang maginatay na anyayahan papasok, agad na itong pumasok at umupo sa sofa, agad kong kinuwa ang picture frame kung saan nakapaloob ang litrato namin ni Robbie na magkayakap.



Nice place.” sabi nito, napangiti naman ako at tinignan ang aking relo, malapit nang magtanghalian. Di na ako nagaksaya ng panahon at tumabi na kay Ral. Di narin ito nagpaligoy ligoy pa at inakbayan na ako nito.




Oi! Pananamantala na yan!” sabi ko kay Robbie nang una ako nitong ayain for a date movie. Humagikgik ito pero hindi parin niya inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.



OK lang yan.” sabi ulit nito sabay isiniksik pa ako lalo sa kaniyang tagiliran. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang kaliwang tenga at bumulong.



Manyak!” humagikgik ito at pasimple ko namang isiniksik ang aking sarili sa kaniyang tagiliran.



You are one heck of a goodlooking doctor.” bulong sakin ni Ral. Halos magkadikit na ang aming mga mukha ngayon, hinahaplos niya ang aking mukha at pinagmamasdan ito.



And you're not bad looking either.” bulong ko dito and our lips met.



Alam mo bang antagal kong inintay yang mga halik na yan?” Napangiti ako sa sinabing yon ni Robbie, pagkahiwalay na pagkahiwalay namin sa isang mainit na halikan.



Alam ko.” I said teasingly.



And damn all the wait was worth it.” sabi nito sabay naglapat ulit ang aming mga labi.



Sinubukan kong wag tumulo ang aking mga nangingilid na luha. Nakapikit si Ral kaya't di niya alam na hindi ko nagugustuhan ang aming ginagawa pero nang marinig kong magbukas ang front door nang aming unit ay idiniin ko pa lalo ang aking mga labi sa labi ni Ral.



Anong ibig sabihin nito?!” pasigaw na sabi ni Robbie mula sa front door. Naghiwalay ang labi namin ni Ral.



Napatayo na ito nang makita si Robbie, gayun din ang ginawa ko, walang katumbas ang kaba na aking nararamdaman. Nagkatitigan kaming tatlo saglit. Wala naring tigil ang pagbagsak ng aking mga luha.



Robbie, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ral sa aking tabi.



Ral?!” lumalatay na sa mukha ni Robbie ang pagpapanic.



Di ako nagkamali. Parang may kung anong humigop sa lahat ng hangin sa aking mga baga kasabay nun ay ang paghirap sa aking paghinga at ang hindi maintindihang sakit na nararamdaman sa aking dibdib, tila ba kinukurot ang aking puso, tila ba sinampal ako ng paulit ulit. Inabot ko ang isang bagay na itinago ko nung nakaraang gabi sa ilalim ng sofa.



Naguguluhan na si Ral, pabalikbalik na ang tingin nito sakin at kay Robbie, nakatingin na lang sakin si Robbie, nagmamakaawa, nagtatanong at tila ba gustong gusto ng magpaliwanag. Pinilit kong gawing blangko ang expresyon ng aking mukha, pilit binubulag si Robbie sa aking tunay na nararamdaman.



Nakita kong halos mapatalon si Ral sa aking inilabas na bagay, nanlaki ang mga mata ni Robbie.



Let me explain, Tom.” pagmamakaawa ni Robbie, agad na tumakbo si Ral palabas ng pinto, itinutok ko ang baril sa natakbong si Ral at tinamaan ito sa kanang balikat pero nakalabas parin ito ng pinto habang si Robbie naman ay napayuko sa lakas ng putok ng baril.



Tom... P-please.” pagmamakaawa ni Robbie.



Sumama ka na sakin please?” nangingiting tanong ni Robbie sakin, inaaya na ako nitong tumira kasama siya sa isang condo. Merong parte sa pagmamakaawa ni Robbie ang hindi ko mahindi-an. Pero wala naman talaga akong balak hindi-an si Robbie sa kaniyang alok.



S-sige.” sagot ko dito, nagtatalon naman si Robbie sa aking harapan at ng tumigil ito ay agad nitong inilapat ang kaniyang mga labi sa aking labi.



I love you.” bulong nito.



I Love You too.” bulong ko dito.



Ginawa mo akong tanga.” malamig kong sabi, napayuko na si Robbie at napaluhod na sa sahig.



I'm s-sorry...”



Bullshit! Akala mo di ko alam?! Ilang beses ka nang nakikipagkita don sa putanginang Ral na iyon!” sigaw ko dito.



I'm s-sorry. What we had was just fun. Ikaw ang mahal ko.” bulong ulit nito, nanginginig at di mapakali sa kaniyang kinalalagyan.



Anong kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?” malamig ko paring sabi dito, di ko na ito inintay pang sumagot. Nilapitan ko ito at itinutok sa kaniyang nakayukong ulo ang bibig ng baril na aking hawak hawak. Nanginginig ang aking kanang kamay na siyang nakahawak sa baril.



Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong condo unit namin.



0000ooo0000



Isa ulit malakas na pagkalabog ang aking narinig mula sa isang pinto sa aking likuran, nun ko lang napansin na medyo lumalakas ang pagpatak ng ulan, pilit tinatago ang mga luhang kanina pa walang tigil na umaagos mula sa aking mga mata.



Tinignan ko ang baril na nasa sahig ng roof top na iyon. Di makapinwalang magagawa kong paputukin iyon. Muli na naman akong napalingon sa pinto dahil sa malakas na pagkalabog sa likod ng pinto papunta dito sa rooftop na aking kinalalagyan. Sa kabila ng tunog ng malakas na ulan at sa pagkalabog ng pinto ay naririnig ko ang pagtawag sa aking pangalan.



Nakita ko ang pagbagsak ng pinto pagkatapos kong marinig ang isa nanamang malakas na pagkalabog mula sa likod nito bago ito bumagsak. Iniluwa nito ang isang lalaki, di ko makita ng maayos ang mukha nito.



Tom, please...”



Pano mo nagawa sakin yun, Robbie?” tanong ko dito habang binabalanse ko ang sarili ko sa ledge ng rooftop na iyon.



Tom...” tawag ulit nito sakin.



Bakit?!”



Di ko sinasadya...”



Ginawa mo akong tanga.” malamig kong sabi, napayuko na si Robbie at napaluhod na sa sahig.



I'm s-sorry...”



Bullshit! Akala mo di ko alam?! Ilang beses ka nang nakipagkita don sa putanginang Ral na iyon!” sigaw ko dito.



I'm s-sorry.” bulong ulit nito.



Anong kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?” malamig ko paring sabi dito, di ko na ito inintay pang sumagot. Nilapitan ko ito at itinutok sa kaniyang nakayukong ulo ang bibig ng baril na aking hawak hawak. Nanginginig ang aking kanang kamay na siyang nakahawak sa baril. Tumingala si Robbie, tinignan niya ang baril na nakatutok na ngayon sa kaniyang mukha. Kitang kita ko ang takot at pagsisisi sa kaniyang mukha, kasabay nun ang walang humpay na agos ng luha mula sa kaniyang mga mata.



Inilihis ko ang pagkakatutok ng baril sa kaniyang mukha at itinapat ito sa sahig at isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong condo unit namin. Dinig ko parin ang malakas na paghikbi nito habang patakbo akong lumabas ng aming unit at wala sa sariling umakyat ng hagdan papuntang roof top.



Tinitigan ko si Robbie. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko dito atsaka humakbang paurong.



TOM!”



Isang malamig at nanginginig na kamay ang nakakapit saking kanang kamay.



Tom, please, hold on.” bulong nito habang mahigpit paring nakakapit sa aking kanang kamay pero ramdam ko ang pagdulas ng kaniyang kapit sa aking kanang kamay at ang malakas na ulan ay hindi nakakatulong.



No, don't let go. Tom, please, don't let go...”



Untiunti nang dumulas ang aking kamay sa kaniyang pagkakapit, narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paanan ng building.



I Love You, Robbie.”



No, Tom! No!”


Dahan dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata na siyang nakatitig kanina sa maamo at puno ng paghihinagpis na mukha ni Robbie at niyakap ang pamilyar na pakiramdam na para bang nahuhulog mula sa isang mataas na lugar.





Rooftop
BY: MIGS

Comments

  1. hala...! what a nice way to start a sunday...

    a sad-ironic/morbid story..haaayst ang ganda nito Kuya Migs..you were able to take me on the edge of my seat...haaayst

    tnx for sharing...:)

    ReplyDelete
  2. scary naman kung natuluyan sha, paano nya naikwento to? hehe jk ;)

    Pero honestly nakakalungkot naman tong kwento. But again, very well delivered. Bagay na bagay sa Rainy Sunday! Panalong panalo ka talaga! :D

    ReplyDelete
  3. sad story migs... kanino ba dapat ako maawa? hahaysss.... Kaya nga dapat if in a relationship, be loyal..... huhuhuhuhu

    ReplyDelete
  4. stupid Tom... for me, we should be loyal to our partner while in a relationship. but when you think he is fooling around, just ask questions though it may be difficult to some but if not handled early on it will lead to scary things like this. scary in the sense na araw araw na lang iniisip mo. it affects your career, your relationship, and specially you. kaya sa umpisa pa lang, ask. it is easier said than done but it happened to me. i asked, and i let him go. i was hurt but i recovered soon. dami jan na naghihintay lang. hehehe. it's not wrong to give your all when in love. just make sure you are able to pull everything slowly to yourself to keep your balance. acceptance is the best remedy. and just wait 'coz he'll come back knocking at your door.

    ReplyDelete
  5. galing..hi migs.. isa ka din ba sa mga resident author ng bioutloud? sa www.bioutloud.net ? ikaw ba yung migs na nandun din?

    ReplyDelete
  6. ANONYMOUS (July 31,2011 6:12AM)


    Di kopo sure, kasimatagal na po akong di nagpopost dun. :-)

    ReplyDelete
  7. @anonymous: As far as i know 2 ata migs dunXD

    BTW nice story though may na dedz, pathethic lang kasi nagpakamatay siya dahil dun, kawawa naman, dapat di ganun dapat move on..tss..he had a fragile heart :(

    ReplyDelete
  8. ano ba ito!!!!...ito ba ang salubong mo sakin na short story!, hahahaha....really a nice one migs! i like how u emphasize retribution and and finally remorse, hay naku me twist pa!...well sana sa susunod happy naman (",)

    ReplyDelete
  9. galing galing, Migs, ngayon babasahin ko na lahat ng stories mo dito, katatapos ko lang sa lahat ng shorts. galing galing talaga!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]