The Rebound


The Rebound
By: Migs

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission


            Hawak hawak ni Alvin ang librong kabibili niya lamang sa fullybooked. Titig na titig siya dito na akala mo ay iniintay niya itong magsalita, tila ba iniintay niyang sabihin nito na “Kamusta ka? Masakit ba?” Agad na kumunot ang kaniyang noo dahil sa hindi malamang dahilan ay agad na bumigat ang kaniyang dibdib at unti-unti ring namuo ang luha sa kaniyang mga mata.


            Doon niya lang napagtanto na simula nang lisanin niya ang bilihan ng libro ay wala siyang kahit na anong nararamdaman. Walang lungkot. Walang poot. Manhid siyang naglakad papuntang counter upang bayaran ang libro. Manhid niyang inilabas ang kaniyang pitaka na may laman na pera at inabot ito sa kahera. Manhid siya nang i-abot ng kahera ang kaniyang sukli. Manhid siyang lumabas ng mall, pumara at sumakay sa isang taxi.


            Magiisang oras siyang walang nararamdaman. Ngayon, kung kalian nasa loob siya ng taxi pauwi ay doon tila ba napuno ang kaniyang pagkatao ng lahat ng sakit at poot.


            Hayagan nang tumulo ang kaniyang mga luha.

            Nabitawan niya ang libro na kanina lang ay inilabas niya sa paper bag ng fullybooked at malakas itong lumagpak sa sahig ng taxi. Binato siya ng driver ng tingin gamit ang rearview mirror. Kitang kita ng driver kung pano tila ba nakuba ang binata na kaniyang isinakay kanina sa mall habang sapo sapo nito ang dibdib na tila ba inaatake sa puso.


            Ililiko na sana niya ang taxi papuntang ospital nang makita niyang hindi ito inaatake sa puso bagkus ay umiiyak ito. Tumatangis, marahil sa sakit na nararamdaman.


000ooo000


            Masayang nakaupo si Alvin sa labas ng isang coffee shop kasama ang kaniyang mga kaibigan sa trabaho, nagba-browse ng mga pictures sa Instagram, sa facebook at nagbabasa ng kung ano ano sa internet nang mapansin niyang biglang tumahimik ang kaniyang mga kasama. Agad siyang tumunghay at binato ng tingin ang mga kasama, naabutan niya ang mga ito na may tinitignan sa cellphone ni Lisa.


            Tila naman napansin ng mga ito na nasa kanila na ang pansin ni Alvin kaya naman agad umarte ang mga ito na parang walang nangyari. Ngunit kilala na sila ni Alvin, alam niyang may nakita nanaman ang mga ito sa internet o kaya sa facebook kaya naman agad niyang tinanong ang mga ito.


“Ano nanaman yan?” tanong ni Alvin.


“Wala naman.” Depensang sagot ni Red na tila ba sinasabing pilitin pa sila ni Alvin at sasabihin din niya ang tungkol sa post na nakita nila.


“Red---” walang buhay na saad ni Alvin na tila ba nagsasabi na wag nang ubusin ng mga ito ang kaniyang pasensya.


“Alvin---” simula ni Lisa pero agad siyang inunahan ni Randy sa pagsasalita.


“Look. We don’t want to cause trouble---” si Red.


“Talaga ba?! Yun na kaya ang ginagawa niyo ngayon.” naiirita nang saad ni Alvin sabay agaw sa cellphone ni Lisa.


            Sabay sabay na inabangan ng tatlo ang magiging reaksyon ni Alvin. Mula sa pagkakadikit ng mga kilay sa inis ay unti-unting nawala ang emosyon sa mukha ni Alvin at matapos ang ilang sandal ay nagsalita na ito.


“He’s back.” Saad ni Alvin.


            Agad na tumango-tango ang tatlo niyang mga kasama na siyang kumumpirma sa sinabi niyang iyon. Di niya alam kung bakit pero kinabahan siya, hindi naman paguusapan ng tatlo ang litrato na iyon basta basta. Agad niyang binasa ang caption at detalye ng larawan na iyon sa Instagram at agad niyang ibinalik ang cellphone kay Lisa.


            Wala sa sarili niyang itinuon ang pansin sa kaniyang sariling cellphone at nagtext. Nagpalitan ng tingin ang tatlo. Sinubaybayan ang ginagawa ni Alvin.


“Alvin?” tawag pansin ni Red sa kaniyang kaibigan.


“Hmmm?” si Alvin sabay tunghay at tinignan ang mga kaibigan na tinitignan din siya ng may pagaalala. Nagpakawala siya ng ngiti sa mga ito kahit na hindi siya sigurado kung papasa ba itong tunay na ngiti sa kaniyang mga matalik na kaibigan.


“He’s back.” Paguulit at pagkukumpirma ni Lisa sa kaniyang kaibigan.


“So what?” kibit balikat na saad ni Alvin sabay tap sa send button ng mensahe na kaniyang ginawa.


            Muling nagtinginan ang tatlo.


000ooo000


            Makalipas ay buong maghapon ay hindi parin nawawala ang kaba sa kaniyang dibdib. Buong araw kahapon at buong maghapon ay hindi parin nagmemessage sa kaniya si Kenneth. Hindi naman ito bago sa kaniya, madalas ay isang buong araw itong hindi nagpaparamdam sa kaniya. Nakasanayan na niya ito, dahil simula nang naging sila ay ganito na ito, madalas niya itong sinasabihan o sinisita na magsabi sa kaniya na nauuwi naman sa isang argumento pero madalas din ay iniintindi na lang niya ito. Nakakakalimot kasi ito lalo na kung busy ito sa trabaho o kaya minsan naman ay tuloh ito dahil sa pagod gayong madalas itong panggabi.


            Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Alvin. Pilit na pinapakalma ang sarili at pilit inaalis ang hindi maipaliwanag na kaba sa kaniyang dibdib. Itinuon niya ang kaniyang pansin sa orasan sa kaniyang lamesa at nakita niyang labing limang minuto na lang at matatapos na ang kaniyang araw. Ilang saglit pa at inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Hindi pa man nakakatayo si Alvin ay agad na siyang binakuran ng mga kaibigan.


            Umiiling iling na lang si Alvin sa mga panunudyo ng kaniyang mga kaibigan. Tinatanong ng mga ito kung kumusta siya at isang damakmak pang mga tanong na aminin man niya o hindi ay talagang nakadadagdag sa kaniyang mga iniisip.


“Anong sabi ni Kenneth?”


“Kamusta ka?”


“Naguusap ba kayo ni Kenneth?”


“May bago ng post sa Instagram ah, nakita mo na ba?”


            Laking pasalamat niya nang makalabas na sila ng kanilang building at nagpaalam na ang mga ito. Nagpakawala uli siya ng malalim na buntong hininga, wala sa sariling inilabas ang kaniyang cellphone at tinext at minessage uli ang kaniyang nobyo.


“Hey Hon, pauwi na ako. Tulog ka pa siguro. I love you.”


“Hindi ka dapat nagtetext sa bangketa. Baka mahablot yang phone mo.”


            Agad na nakuwa nang nagsalitang yun ang panisn ni Alvin. Tinapunan niya ito ng tingin. Nagulat siya nang makita niyang si Red ito, hindi pa pala ito nakakaalis, nakita tuloy nito ang pagaaalala sa kaniyang mukha.


“Want to talk?” aya nito sa kaniya. Alam niyang hindi na siya makakatanggi sa alok nito. Tumango na lamang siya at tinignan ang kaniyang cellphone kung nagtext na ang kaniyang nobyo bago niya ito itinago sa kaniyang bulsa.


“Still no text?” tanong ni Red habang naglalakad sila sa isang pinakamalapit na establishimento upang kumain.


“Still no text.” Pagkukumpirma ni Alvin.


“Do you have anything to worry about?” tanong ni Red na ikinayuko lang ni Alvin, hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon.


“I-I don’t know.” Nagaalangang sagot ni Alvin. Pasimpleng umiling si Red, pilit na hindi ito pinakita kay Alvin.


“So coffee or early dinner?” nakangiting tanong ni Red na laking pagpapasalamat ni Alvin dahil alam niyang lahat ng mga susunod na tanong ni Red ay hindi na niya masasagot.


000ooo000


            Kinabukasan na nang makatanggap ng reply si Alvin mula kay Kenneth, magdamag siyang hindi halos nakatulog dahil sa kakaintay sa sagot nito at miya’t miyang pagbukas ng kaniyang Instagram at Facebook, nagaabang ng mga post ng kaniyang dating mga katrabaho at mga kaibigan. Dahil sa puyat ay hindi niya maiwasang mainis nang makita ang simpleng sagot ng kaniyang nobyo.


“Sorry Hon. Pagdating ko sa bahay kahapon, nakatulog ako agad dahil sa pagod. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit.” Sagot nito sa kaniyang mahigit sampung text.


“AOK. Akala ko kung ano nanaman nangyari sayo Hon. Hindi ka nanaman kasi nagparamdam. Anyway, prep na ako for work Hon. Nga pala, may lakad ka bukas? Gusto mo Date tayo?”


            Muli ang tagal inintay ni Alvin ang sagot ng nobyo ngunit hanggang malapit na siya ma-late ay hindi parin ito sumasagot kaya naman tila ba sumama ang simula ng araw niya.


“Naku, mukhang may pinagkakaabalahan nanaman ang Hon ko. Hon, pasok na muna ako.”


“Ingat Hon.” Simpleng sagot nanaman ng kaniyang nobyo.


            Tahimik lang si Alvin nang makarating sa kanilang opisina, halata ito ng kaniyang mga katrabaho lalo na ng kaniyang mga kaibigan kaya naman nang mag lunch break ay hindi nanaman nila ito tinigilan.


“Alvin---” simula ni Lisa pero dahil nasimulan na ng masamang umaga si Alvin ay iniwas niya lang ang tingin niya mula dito.


“Look guys---”


“Bakit parang wala ka nanaman sa sarili?” derechong tanong ni Randy.


“OK lang ako, may iniisip lang.” sagot ni Alvin, agad nangunot ang noo ni Red. Ibang iba kasi ang Alvin na kausap nila ngayon kesa sa Alvin na kausap niya kahapon.


“Is this about Arch?” walang prenong tanong ni Alvin nang makita niyang talagang apektado si Alvin sa kung ano man ang nangyayari dito ngayon.
“Guys---” simulang pagdedeny ni Alvin pero kilala siya ng kaniyang mga kaibigan.


“Kilala ka naming, Alvin. Kilala naming si Kenneth at kilala din naming si Arch. Magkakatrabaho tayo lahat noon, remember?” sarkastikong saad ni Randy.


“Randy---” saway ni Lisa sa kaibigan.


“No. Sinabi ko na ito sainyo noon. Sayo Alvin. Sinabi ko na ito sayo noon. Arch is Kenneth’s greatest love. I told you to focus your attention to somebody else. Wag kay Kenneth. Sinabi ko yan sayo dati and sinabi ko yan sa harap niyong lahay dati.” Dere-derechong saad ni Randy.


            Ang tagal tinignan ni Alvin si Randy. Sa lahat ng kaniyang kaibigan ito ang pinaka pranka. Tinignan niya ito na tila ba hinahamon pa ito na ituloy kung ano man ang nasa isip nito. Tahimik lang din si Lisa at si Red.


“Arch got home last last week.” Saad ni Randy na ikinagulat ng lahat.


“He’s here for three weeks now.” Bigay diin ni Randy.


“This is bullshit.” Saad ni Alvin sabay tayo. Hindi makapaniwala na sinasabi ng mga kaibigan laban sa kaniyang nobyo.


“Alvin. Please.” Tawag pansin ni Red na ikinagulat niya.


Hanggang makauwi sila kagabi ay kausap niya itong si Red. Sinabi niya dito lahat ng kaniyang ikinakatakot. Ni isang beses ay kinumpirma nito ang kaniyang takot, ni isang beses ay ginatungan nito ang kaniyang mga hinala kaya naman ikinagulat niya ang pagpigil nito ngayon sa kaniya. Wala sa sarili siyang napaupo muli at inilabas ang kaniyang cellphone.


“Hey Hon, we’re having lunch. Kain ka nadin lunch. I love you! Nga pala about dun sa tanong ko kanina? May gagawin ka ba bukas? Date tayo? ;-)” type ni Alvin sa kaniyang cellphone sabay send habang pinapanood ng kaniyang mga kaibigan.


“Oo eh. Alis kami nila Mama. Punta kaming Bulacan tapos pupunta kaming Manaoag.” Sagot ni Kenneth na tila ba lalong ikinatakot ni Alvin.

“Aww! Sayang Monthsarry pa naman natin bukas. L


“Shit! Oo nga pala. Hayaan mo Hon, bawi ako next month.”


“He’s going to start work in Shaw.” Dagdag pa ni Randy nang makita niyang lalong hindi gumanda ang mood ni Alvin matapos magtext at magreply ang kausap.


“Gurl, wag mong bigyan ng malice. Wag mo ng gatungan.” Saway ni Lisa kay Randy.


“Gurl. One month ng lumipat ng work si Kenneth sa Shaw. For sure noon pa sila may contact uli ni Arch at alam niya at napagpalnuhan na niya ang paglipat niya sa Shaw pagkauwi ni Arch from Hongkong.”


“Madaming pwedeng mapagtrabahuhan si Arch sa Shaw---” simula ni Lisa.


“Nakalimutan niyo na ba na kaibigan ko ang HR sa company nila Kenneth?” taas kilay na saad ni Randy.


“Look Alvin you don’t have to believe me. Pero ano naman ang makukuwa ko kung sisiraan ko si Kenneth sayo, Alvin.” Mahinang saad ni Randy nab akas din ang awa at pagaalala sa kaibigan.



            Napapikit si Alvin. Hindi mapigilang pumasok ang mga nangyari nitong nakaraang  dalawang buwan sa pagitan nila ni Kenneth.


“Wow Hon---” saad niya habang sinisiil siya ng halik ng kaniyang nobyo.


“Shhhh--” saway nito sa kaniya habang inilipat ang mga labi niya sa leeg nito.


“I mean, we haven’t had sex for a long time---” saad parin ni Alvin sa kabila ng suway ni Kenneth. May sasabihin pa sana siya nang bigla siyang kabigin ni Kenneth at pinatuwad. Iba ang pagniniig nilang ito, tila ba sabik na sabik si Kenneth, ibang iba sa nakasanayan niya kung saan lagi itong nakapatong sa kaniya habang nakatihaya siya.

            Tinignan niya ang repleksyon sa salamin ng kaniyang nobyo. Nakapikit ito. Tila ba may ini-imagine habang labas pasok ito sa kaniya.


“I haven’t seen Kenneth around lately nga.” Basag ni Lisa sa mga naalala ni Alvin. Kung kanina ay tila ayaw pa nitong gumatong ay iba na ngayon. Muling may pumasok na alaala kay Alvin.


“Hon may nagmessage.” Saad ni Alvin habang ibinibigay ang cellphone sa kaniyang nobyo. Naka lock ito at naka hide ang message kaya naman hindi niya alam kung sino at tungkol saan ang message.


“Sino yan?”


“Mga kalaro ko sa online games. Meron kasi kaming GC”


“Ah ok.” Simpleng saad ni Alvin sabay tingin sa kaniyang sariling cellphone.


“Madalas din kapag kasama natin siya nakatutok siya sa phone niya. Minsan naglalaro pero minsan nakikita ko may ka message.” Dagdag ni Randy na ikinatangotango na lang ni Lisa.



“Akala ko di ka sasagot ngayon Hon eh.” Saad ni Alvin sa text kay Kenneth isang umaga habang nagaayos siya papasok.


“Bakit naman?” reply muli ni Kenneth.


“Well aren’t you up until 1am?” tanong ni Alvin.


“Off ako, Hon. Tulog ako maghapon magdamag.” Sagot naman ni Kenneth na tila ba iritable na.


“Ah akala ko gising ka hanggang 1am kasi naka online ka hanggang bago ako matulog eh. Alam ko 1am na yun.” Siguradong saad ni Alvin dahil hinintay niya ang reply ni Kenneth sa kaniyang text.


“I forgot to turn off my wifi before sleeping kaya kita mo na online ako.” Balik ni Kenneth.


“Alvin---” tawag pansin ni Randy na gumising kay Alvin sa mga naaalalang iyon. Tinignan niya ang kaibigan. Muli kita sa mukha nito ang pagaalala pero isinang tabi niya ito.


“Guys, so what kung magkasama sila ngayon sa work. Hindi naman siguro si Kenneth ang nagpasok sa kaniya dun diba? Besides I don’t think babalikan pa ni Kenneth si Arch. Di ba nga nasaktan si Kenneth nung umalis si Arch for Hongkong?” pagtatanggol ni Alvin sa nobyo. Hindi alam kung sino ang kaniyang kinukumbinsi, ang sarili ba o ang mga kaibigan.


Napailing na lang si Randy at Lisa habang kumunot naman ang noo ni Red. Hindi na tinapos ni Alvin ang kaniyang kinakain at tumayo na at naglakad palayo.


“Hindi mo deserve maging rebound, Vin.” Saad ni Red na saglit na nakapagpatigil kay Alvin sa paglalakad palayo.


            Hindi na siya muli pang nagpakita sa mga kaibigan noong hapon na iyon. Pagkabalik sa opisina ay nagpaalam na siya sa kaniyang boss at umalis na. Nakita na lamang niya ang sarili na paikot-ikot sa loob ng isang mall.


“Ano nanaman ba yang iniisip mo, Hon? Napapraning ka nanaman.”


“Tama napapraning lang ako at nagpapagatong sa mga sinasabi nila Randy.” Pagpapaniwala ni Alvin sa kaniyang sarili nang maalala ang madalas na sabihin sa kaniya ni Kenneth tuwing kukumprontahin niya ito sa hindi nito pagtetext o sa tuwing may nakikita ito sa FB at IG.


            Halos maghapon lang siyang nagpaikot ikot sa mall at nang mapadaan sa isang bookstore ay bigla siyang may naalalang bilhin. Ilang beses na kasing nabanggit ni Kenneth na may gusto siyang basahin na libro, agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone at hinanap sa kanilang conversation sa messenger ang pangalan nung libro.


            Hindi nagtagal ay nakita na niya ang hinahanap at nagpatulong siya sa sales representative para hanapin ito. Maya maya pa ay nakita na ni Alvin ang sarili na nakapila na sa counter ng cashier, habang nagaantay sa pila ay binasa niya ang mga nakasulat sa likod ng libro. Hindi pa man siya nakaka kalahati ay napansin niyang may damage ang sulok ng cover nito kaya naman agad siyang umalis sa pila at bumalik sa estante upang kumuwa ng panibago.


            Natigilan siya. Doon sa estante kung saan niya mismo kinuwa ang libro na kaniyang papalitan pa sana ay nakatayo si Kenneth. Wala siya sa Bulacan, hindi niya kasama ang Mama niya at malayo sila sa Manaoag. Ibang iba sa sagot nito kung bakit hindi sila makakapagdate at makakapag celebrate ng monthsarry.


            Kasama nito si Arch.


            Magkadikit ang mga katawan. Binabasa ang nakasulat sa likod ng libro na katulad ng hawak hawak niya. Miya-miya pa ay gumapang ang libreng kamay ni Kenneth payakap sa bewang ni Arch at ilang saglit pa ay inilapit na ng huli ang kaniyang labi sa pisngi ni Kenneth at dito tumigil ang puso ni Alvin sa pagtibok.


Tumigil itong makaramdam.


            Manhid siyang bumalik sa pila upang bayaran ang librong kaniyang hawak.


000ooo000


“OK ka na?” tanong ng driver kay Alvin. Tahimik lang na tumango si Alvin sabay bukas ng pinto ng taxi at lumabas, aktong sasarhan na niya ang pinto matapos makabayad nang magbago ang kaniyang isip.


“Manong, pwedeng paintay ako dito?”


“Naku---” simula ng driver pero hindi na siya pinagsalita pa ni Alvin.


“Buksan niyo uli ang metro kuya. Babayaran ko kayo.” Wala ng ibang nagawa ang driver kundi ang tumango sa sinabing ito ni Alvin.


            Ilang oras pa ang lumipas nang mapansin ni Alvin ang pagdating ng isang sasakyan. Tumigil ito sa likod ng taxi na kaniyang sinakyan kanina, lumabas ang driver nito. Si Kenneth, nagtataka ito sa nakitang taxi at nagulat ito nang makita si Alvin na nakaupo sa harap ng gate nila.



“Alvin, what---?” simula ni Kenneth.


“Happy Monthsarry.” Malungkot na saad ni Alvin sabay lapit kay Kenneth at humalik sa pisngi nito sabay abot ng libro na regalo niya dito.


“Alvin---” tawag ni Kenneth pero matapos nitong i-abot ang libro ay nagsimula na itong maglakad patungo sa taxi.


“Ikamusta mo nga pala ako kay Arch---” simula ni Alvin na ikinatigil ni Kenneth sa paghabol dito.


“I saw you and Arch in fullybooked while buying that book. He looks well. You guys look good together.” Saad ni Alvin sabay sakay sa taxi na agad naman umalis.





---wakas---

Comments

  1. Hey guys! long time no post. I'm sure wala ng nagbabasa dito pero ito, try ko uli magpost. Medyo hilaw ang story, sorry. I'm trying to recall the story plot nung mga teasers ko na pinost ko last FOUR years ago but to no avail, hindi na kasi nabackup ang drive ng dati kong laptop kaya ito, gumawa na lang ako ng bago.

    Anyway, kung may nagbabasa pa dito sana makapagcomment pa kayo.


    I love you all parin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome back migs nagbabasa pa rin ako always

      Delete
  2. Welcome back dear author...looking forward to more beautiful stories...sana madugtungan na yung nine mornings...please...

    Macky

    ReplyDelete
  3. Hindi ko ine-expect na may update sa blog. Kung hindi pa dahil sa lockdown ay hindi ko sisilipin to.
    Nice to be back!

    ReplyDelete
  4. I miss your stories kuya migs.

    ReplyDelete
  5. If it not me opening my old laptop, I will not be able to see na may update ka.. nice to read a story from you

    ReplyDelete
  6. i'm glad you're back!! please do continue writing! :)

    ReplyDelete
  7. happy your back.. kung wala pang plot mga stories.. pwede namang chasing pavements muna during quarantine... btw keep safe frontliner ka ba dito sa Pinas or nag migrate ka na??

    ReplyDelete
  8. Ohh my god, miggy is back😘
    Akala ko Di kana magbabalik😔
    Every year binabasa ko uli lahat ng kwento dito, ginawa ko na siyang tradisyon😂😅
    Kaya na surprise ako ng may update, at first time ko rin napacomment sa dami ng taon na silent reader mo ako.
    Love you miggy😘

    ReplyDelete
  9. Tried visiting this page and to my surprise. May bagong kwento. 6 years ago na ata nung last kong bisita dito. Huuuu. You're still my favorite author btw. Sulat pa po kayo ng kwento!! :)

    ReplyDelete
  10. Welcome back! Iba yung tama ng stories mo talaga! Will look forward to more of your stories, author!

    ReplyDelete
  11. Kuya Migs! Grabe namiss kita and mga stories mo! Mula pagkabata ko nagbabasa na ko dito haha. Suggest ko lang mas maganda sana kung matransfer mo sa ibang platform like wattpad or something else stories mo para mas lumawak yung reach, nakakaawa naman kasi yung ibang hindi pa nakakabasa ng stories mo.

    Anyways, if you still have your old laptop and nandun pa yung drive I can check to see if magagawan pa ng paraan para maretrieve yung files mo. Just send me an email, for free to don’t worry.

    Love you Kuya Migs! Happy Pride Month! :*

    PS. Di ako makapost ng comment sa blog mo, apparently may cookies na nabblock so baka madami din di makacomment na fans mo, just go incognito guys para mapublish comments niyo

    ReplyDelete
  12. Naligaw lang ako. Was wondering if you're still posting.

    So ayun nga!

    Migs nice to see you again!
    Alam ko front liner ka now (hula ko lang)
    Mag iingat lagi and hope to see more of you! ❤️

    ReplyDelete
  13. This is interesting... I just recovered my Blogger account recently which are about also much like yours, love stories... It is good to see that there are still writers/authors who still continue what they love... Please do continue inspiring people!

    ReplyDelete
  14. Migs! Good to see you writing again. Matagal na kong reader Dito and from time to time I keep on checking. Well, napatagal nga Lang ang pag check ko this time around and ngayon ko lamg to nabasa. Isa ka pa din sa mga paborito kong manunulat.

    ReplyDelete
  15. As a Newbie, I am always searching online for articles that can help me. Thank you
    Thank you for another news article. Im really excited I was able to find this article, since so many of the blogs Ive been reading have misleading info.
    Sarah Berger

    ReplyDelete
  16. browser to resize, you might want to put that on your blacklist.
    Aw, this was a really quality post. In theory Id like to write like this too taking time and real effort to make a good article but what can I say I procrastinate alot and never seem to get something done.
    When I view your RSS feed it seems to be a ton of trash, is the deal on my side?
    Is it alright to put part of this on my webshopbymark

    ReplyDelete
  17. o level out that youve a superb theme to your blog! Sustain the good work!
    However, most partners arent willing to pay for.
    Ysodium hypochlorite amazon
    china air purifier
    korean air purifier brands

    ReplyDelete
  18. Me too, thanks for sharing this..
    I'm having a little problem I cant subscribe your rss feed, I'm using google reader fyi.
    Thanks for the useful post! I would not have gotten this otherwise!
    shopbymark

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

Different Similarities 2[16&epilogue]