Against All Odds 2[10]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Noon
lang nakaramdam ng sobrang awa si Martin. Hindi niya mapigilang maawa
kay Dan lalo pa't miya't miya niya ito tinitignan habang inaalalayan
pauwi. Tila walang tigil ang produksyon ng mga mata nito ng luha at
tila ba permanente ng nakatatak ang hinagpis sa mukha nito. Hindi
alam ni Martin na posible pa lang masaktan ng ganoon ang isang tao at
hindi din alam ni Martin na maaari rin pa lang masaktan ng ganoon ang
isang labing anim na taong gulang na bata katulad niya.
Pero
hindi lang awa at utang na loob ang nagtulak kay Martin upang
tulungan si Dan na makauwi kundi dahil narin sa paki-usap sa kaniya
ni Mike may ilang oras lang ang nakakaraan matapos siya nitong
suntukin at pumasok sa banyo upang kausapin si Dan.
“Martin.”
tawag ni Mike kay Martin na abala sa pagsapo sa kaniyang namumulang
kanang mata.
“What?!
Going to hit me again?!” pasinghal na bati ni Martin sa kalalabas
lamang sa CR na si Mike. Natigilan saglit si Mike, muling binalot ng
pagsisisi dahil sa kaniyang nagawa kay Martin na ang tangi lang din
namang iniisip ay kapakanan ni Dan.
“I-I'm
sorry.” bulalas ni Mike habang hindi mapigilan ang sariling mga
luha na tumulo. Hindi ito nakaligtas kay Martin na natunaw agad agad
ang galit sa huli.
“W-what
happened?” nagaalalang tanong ni Martin at saka tinulak ang pinto
ng CR pabukas.
“I-I
think he fell asleep. W-would you b-bring him home?” pagmamakaawa
ni Mike na awtomatikong nagtulak kay Martin na pumayag sa gusto nito.
“M-Martin,
d-dito na lang ako. S-salamat sa paghatid sakin pauwi.” pabulong na
saad ni Dan na gumising kay Martin.
“I-hatid
na kita hanggang loob, Dan. Mukhang nanlalambot ka pa eh.” saad ni
Martin, hindi na tumanggi pa si Dan sapagkat alam niya na may punto
ito.
“Danny!”
sigaw ni Lily nang makita niya ang iika-ika habang akay-akay ni
Martin na anak.
“What
happened?!” tanong ulit ni Lily ngunit ngayon ay nakatuon na ang
pansin nito kay Martin.
“You're
not going to do anything about it anyways, so stop asking!” singhal
ni Dan na lalong ikinahina nito na siya namang gumulat kay Martin at
Lily. Kumawala si Dan mula sa pagkakaakbay ni Martin at hinang hina
ngunit nagmamadaling pumasok sa kaniyang kwarto.
Nang
sumara na ang pinto ni Dan ay nahihiyang humarap si Lily sa kanilang
bisita na si Martin.
“I'm
sorry, he's very sensitive---” natigilan si Martin sa sinabing ito
ng ina ni Dan, alam niyang imposibleng wala itong alam sa nangyari
kay Dan kaya naman talagang nagtataka siya sa inaasta ni Lily. Tila
wala kasi itong pakielam, tila iniisang tabi lamang nito ang
katotohanan na binugbog si Dan, ginahasa at kamuntikan ng pinatay.
“Well,
I don't blame him after everything that has happened to him.”
pasinghal na sagot ni Martin na gumulat muli kay Lily. Saglit na
tinitigan ni Lily si Martin, kuwang kuwa ni Lily ang nais iparating
ni Martin sa tonong iyon kaya naman agad niyang sinimulang depensahan
ang sarili.
“You
don't understand---”
“You
know what I don't understand, Mrs. Arellano? Is you being a coward.
You should be fighting for your son! He's your flesh and blood---
H-he needs you right now.” singhal ni Martin na siyang sumaid sa
lakas ni Lily, napaupo ito sa pinakamalapit na upuan. Dahil sa bigat
ng loob mula sa nalamang set up nila Danny sa kanilang bahay ay hindi
na nagpaalam pa si Martin at tuloy-tuloy na lang itong lumabas.
Kalalabas-labas
pa lang ni Martin sa gate nila Dan nang matalo ng bigat ng kaniyang
loob ang kaniyang pagtitimping umiyak. Hindi akalain ni Martin na
pati pala sa bahay ay walang kakampi si Dan. Maski ang sarili nitong
ina ay pilit ibinabaon ang katatohanan na may hindi magandang
nangyari sa kaniyang anak para lamang maipagpatuloy ang nakasanayang
tahimik na buhay.
Sa
hindi kalayuan, sa loob ng sariling silid na nakaharap sa bahay nila
Dan ay pinapanood ni Mike si Martin na tumatangis, hindi makapaniwala
na nangyayari ang lahat ng iyon at madaming tao ang naaapektuhan ng
isang maling desisyon na siyang kaniyang ginawa noong kaarawan ni
Dan.
0000oo0000
Tila
hinigop ng sinabing iyon ni Martin ang lahat ng lakas ni Lily. Hindi
na niya alam pa kung ano ang kaniyang dapat gawin. Wala sa sariling
tumayo si Lily mula sa kinauupuan at lumapit sa bar kalakip ng kusina
na siyang pinagawa ng ama niya noong nabubuhay pa ito. Ni minsan sa
tanang buhay niya ay hindi pa siya uminom, ni minsan ay hindi pa niya
isina-alang-alang sa alak ang kaniyang mga problema.
Nabago
ito sapagkat si Dan na kaniyang pinakamamahal na anak na ang
pinaguusapan dito at hindi lamang siya o kanilang pang material na
kalagayan sa buhay.
“Mommy,
I wanna bwush my teeth too.” manghang
manghang saad ng batang si Dan habang pinapanood ang ina sa
pagsisipilyo. Ang mga bilugan at inusenteng mga mata na iyon ay
tuluyan na ngayong napalitan ng mga mata na puno ng pagtangis at
dahil din sa ala-ala na ito ay hindi na nagdalawang isip pa si Lily
na inumin ang isa sa mga alak na asa tokador ng kaniyang ama.
“Mommy
I brought you flowers!” masayang
bati ni Dan sa kaniya. Maski ang pagiging masiyahin na ito ni Dan ay
tuluyan ng nabura at napalitan ng tila ba nawawalan ng pag-asa na
pag-uugali na siyang nakapagpapalungkot rin kay Lily. Muli, matapos
ang ala-ala na ito ay isa muling baso na puno ng alak ang ininom ni
Lily.
Sinusubukang
burahin ang mga alaala at sakit na kaniya ngayong nararamdaman.
“Mommy!
Mommy!” humahagikgik na saad
ni Dan sa kaniyang ina habang naglalakad sila sa may parke nang
makita nito ang dalawang magsing-irog na naghahalikan. Ngunit ang
pagiging inusente na ito ni Dan ay nabahiran na ng dumi. Dito sa
ala-alang ito ay hindi lang isang basong puno ng alak ang sinimot ni
Lily, kundi tatlo, sapagkat ang alaala na ito ay hindi lamang
nagdulot ng sakit at lungkot, kundi pati narin pandidiri.
Ngunit
sa kabila ng mga nararamdaman na ito ay hindi rin napigilan ni Lily
ang sarili na maalala ang kaniyang binitiwang pangako sa anak may
ilang taon lang ang nakakaraan nang umamin ito patungkol sa kaniyang
totoong sexual orientation.
“Pl-please
don't hate me, Ma.”
“I
won't. I'll never do that.”
Kaya
naman lalong nasasaktan si Lily, dahil kahit gaano niya pilitin ang
sarili na tuparin ang pangako na ito ay pilit namang pumapasok sa
kaniyang isip ang awa, galit, lungkot at pandidiri sa anak
kaya para sa kaniya ay mas mainam na lang na paniwalain ang sarili at
ang kaniyang anak na para bang walang nangyari sa ganitong paraan din
ay makakaligtas sila mula sa mabibigat na kapalit ng pamilya nila
Mark at Dave sa oras na magsalita sila.
Pero
kahit ano mang gawin niyang paglimot sa mga nangyari ay tila isa
isang naaagnas na bangkay na basta na lamang itinago, nangangamoy at
ang masaklap pa, bilang ina ni Dan ay wala siyang magawa tungkol
dito.
0000oo0000
Palinga-linga
si Mike. Inaasahang makikita si Dan na nakayukong naglalakad sa
hallway ng kanilang skwelahan ngunit bigo siya. Bigo siya at si
Martin na sumumpang ipaparamdam kay Dan na maaasahan siya nito at may
kakampi siya sa laban na iyon. Hindi nila parehong alam na hindi na
kailangan pa ni Dan ng kakampi.
Nang
makapasok na ang lahat sa kani-kanilang silid aralan ay masusing
lumabas si Dan sa kaniyang tinataguan at tuloy tuloy na naglakad
papunta sa opisina ng principal.
0000oo0000
Si
Mrs. Hernando ay labing walong taon ng principal sa skwelahan na
iyon, dalaga, ngunit may dalawang anak. Strikta ito at kinaiinisan ng
marami, ngunit sa kabila ng pagiging strikta ay patas ito kaya naman
hindi nagdalawang isip si Dan na lumapit dito upang humingi ng
tulong.
“G-good
morning, Mam.” nauutal na bati ni Dan sa striktang principal.
Dahan-dahan
na nagtaas ng tingin si Mrs. Hernando at mariin munang tinignan si
Dan bago sumagot.
“Shouldn't
you be in class, Mr. Arellano? You missed one month worth of learning
time, di porket matalino ka ay hindi ka na papasok pa.”
“Y-you're
right. I'm s-sorry miss. I-I'll go ahead.” nanlalambot na sagot ni
Dan na kumuwa ng pansin ni Mrs. Hernando.
Sa
labing walong taon niya na bilang isang principal ay alam na niya ang
itsura ng isang estudyante na nawawalan ng pag-asa lalong lalo na ang
pagiging desperado at hindi nalalayo ang itsura na iyon ni Dan na
nasa kaniyang harapan, ang totoo niyan ay hindi lamang kawalan ng
pag-asa ang nakikita nito sa mukha ng bata kundi narin ang pagka
desperado.
“Why
are you here, Mr. Arellano?” tila isang ina na na tanong ni Mrs.
Hernando.
“I
would like to take the final exams and leave this school as early as
I could.” matapang na sagot ni Dan, ngunit sa kabila ng matapang na
resolba na ipinapakita na iyon ni Dan ay hindi parin niya napigilan
ang ilang luha na kumawala mula sa kaniyang mga mata.
“I'm
sorry, Dan but I can't do that.” mariing sagot ni Mrs. Hernando,
ngunit tuluyan ng napalitan ng malambing na boses ang pagiging
istrikta nito.
“P-please.
I-I need to get out of this place b-but I n-need to graduate also.”
pagmamakaawa ni Dan.
“I
can't give special favors, Dan and besides you're in the running to
become the next valedictorian. Kung bibigyan kita ng exam na mas
maaga kesa sa iba they might question my decision in case ikaw ang
maging valedictorian---”
“I
don't need to be a valedictorian. I don't need the damn title! All I
need is to take the exam and be able to graduate!---” galit na giit
ni Dan ngunit agad niya ring pinigilan ang sarili lalo pa't
nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang tiyan kung saan siya
pinagsusuntok nila Dave at Mark noong nakaraang araw. “---it's
j-just t-that I-I n-need to graduate.” mahinahon na paguulit ni
Dan.
“But
to be able to get a scholarship you need to be the valedictorian of
your class, Dan.” pagpupumilit pa ni Mrs. Hernando, iniisip na
mababago niya pa ang isip ni Dan, ngunit buo na ang desisyon ng
binatilyo na masuyo lamang na umiling.
0000oo0000
Nang
makuwa na ni Mrs. Hernando ang exams na siyang nakatakdang kuwanin ni
Dan ay agad niyang sinabihan ang kaniyang mga guro na bantayan itong
mabuti habang nagsasagot. Sinabihan niya ang ilang guro na kailangan
na ni Dan na kuhain ang exam na iyon dahil sa isang nakatakdang
operasyon at upang hindi sila makwestyon ng mga magulang ng ibang
estudyante kung sakaling tanghalin si Dan na valedictorian ng klase
na iyon ay nagpagawa siya ng exams mula sa isang mapagkakatiwalaang
source.
Isang
sabado kung saan wala ang ibang mga estudyante ay pinahintulutan ni
Mrs. Hernando kasama ng mga guro sa skwelahan na iyon na kumuwa ng
maagang pagsusulit si Dan. Para hindi narin makwestyon si Mrs.
Hernando ay masugit na binantayan ng mga ito si Dan habang
nagsusulat.
“He
got a perfect score in Advance Algebra.” saad ni Mr. Roque.
“Same
in Physics.” sabat naman ni Mrs. Joya.
Gayun
din ang nakuwa ni Dan sa iba pang mga subject nito na ikinamangha ng
lahat ng guro pati narin ni Mrs. Hernando, ngayon ang tangi na lamang
nilang hinihintay ay ang makuwa ng iba pang graduating students ang
kanilang pagsusulit upang tangahalin na nga ng tuluyan si Dan bilang
ang valedictorian ng klase na iyon.
0000oo0000
Hindi
mapakali si Mike. Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita si Dan,
kung si Mike ay nagaalala sa kaniyang kaibigan na si Dan sila Mark at
Dave naman ay nagagalak dahil sa wakas ay hindi na nila pa nakikita
si Dan sa paligid nila. Kasama ni Mike na nagaalala ay si Martin,
iniisip na kaya hindi na niya nakikita si Dan ay dahil sumuko na ito.
“Have
you seen, Dan?” tanong ni Mike kay Martin.
“No.
Not since Mark and Dave made one hell of a punching bag out of him.”
singhal ni Martin na ikinagulat ni Mike.
Sa
pagkakakilala niya kay Martin ay hinding-hindi niya pa ito naririnig
na magmura o nakikitang magalit pero isinang tabi na lang niya ito,
iniisip na iba talaga ang epekto ni Dan sa mga tao kaya naman muli
nanaman siyang tinamaan ng pagsisisi. Iniisip na ang magandang
ugaling ito ni Dan ay tuluyan na nilang binura nila Mark, Dave at
Melvin. Binago nila sa isang masamang paraan ang Dan na gustong-gusto
ng maraming tao. Umiling si Mike at pilit binura ang muling umaakyat
na galit at muling itinuon ang pansin sa paghahanap sa kaniyang
kaibigan.
“T-thank
you.” nagaalalang balik ni Mike kay Martin sabay talikod at nalakad
palayo.
Tinungo
niya ang lugar kung saan madalas tumambay sila Mark at Dave. Hindi
nagtagal ay nakuwa niya ang pansin ng mga ito.
“Where's
Dan?” singhal ni Mike sa dalawang dating kaibigan. Kitang kita nito
ang pagrehistro ng galit sa mukha ng mga ito.
“Bakit
samin mo hinahanap yun? Baka pumipick-up ng call boy. Dun mo sa park
hanapin wag samin.” pabalang na sagot ni Mark sabay sinegundahan ng
hagikgik ni Dave.
“Tinatanong
kita ng maayos, Mark.” pabulong pero nawawalang kalma na saad ni
Mike.
“Hindi
nga namin siya nakita, Mike. Saka ayaw mo nun, wala ng magsusumbong
sa ginawa natin nung birthday niya?” nakangising saad ni
Dave na siyang nagdulot ng kakaibang pangingilabot kay Mike, hindi
niya mapigilang mapapikit at pigilan ang mga luha na dumaloy mula sa
kaniyang mga mata.
“Kung
ako ang tatanungin, baka nahiya na sa sarili niya kaya kusa na lang
lumayo.” saad na naman ni Mark na siyang lalong ikinagalit ni Mike,
ngunit wala siyang magawa patungkol sa galit na iyon dahil muling
bumabalik ang ilang alaala mula noong gabing iyon sa kaniyang isip.
“MIKE!”
ang mga sigaw ni Dan na paulit ulit na kinukurot ang kaniyang
konsensya.
“Why?”
ang itsura ni Dan matapos
sabihin ang huling tanong na iyon, kung paanong tumirik ang mata nito
nang mawalan ito ng malay at ang patuloy na pagdaloy na mga luha sa
pisngi nito.
“Kasi
naman. Ang kapal ng mukhang sabihin na ni-rape natin siya.”
humahagikgik na pasaring ni Dave na ikinagising ni Mike mula sa
kaniyang pagmumunimuni. Walang sabi sabi na biglang ibinato ni Mike
ang kaniyang kamao sa mukha ni Dave na ikinatumba nito. Agad na
dumagan dito si Mike at sinakal ito.
“I'll
have your fucking ass raped then I'll watch you fucking destroy
yourself like what Dan is doing to himself right now!” sigaw ni
Mike habang pinauulanan si Dave ng suntok. Tutulungan na sana ni Mark
si Dave nang biglang makarinig ng pag-pito ang tatlo.
“Feliciano,
Ricafrente, Ricafort! Report to the principal's office. Now!”
singhal ng gurong nakahuli kay Mike, Dave at Mark sa pagsusuntukan.
Habang
naglalakad ay hindi maiwasang sisihin parin ni Mark at Dave si Dan,
sapagkat sa kanilang paniniwala ay kasalanan iyon lahat ng bakla na
kanila lamang namang tinuruan ng leksyon sapagkat si Mike naman ay
balewala lamang ang pagre-report sa principal dahil mas
pinangungunahan siya ng pagaalala sa kaibigan.
Ang
hindi lang nila alam ay may sariling plano si Dan, isang plano na
pwedeng ikasama o ikabuti nito.
0000oo0000
Habang
tahimik na nagtratrabaho sa loob ng bahay ay buong akala rin ni Lily
ay pumapasok ang kaniyang anak sa skwelahan, ang hindi niya alam ay
matagal na itong tapos sa final exams nito at malaya na itong
makakaliban sa skwelahan. Katulad ni Mark, Mike, Dave at Martin, wala
rin ka-alam alam si Lily sa pinaplano ng anak.
0000oo0000
“Danny
baby! We need to go or we will be late for your graduation!” sigaw
ni Lily sa gawi ng kwarto ni Dan, umaga ng graduation nito ngunti
hindi sumagot ang kaniyang anak.
“Danny!”
sigaw ulit ni Lily ngunti hindi parin ito sumagot. Iniisip na ilang
beses na siya nitong sinabihan na ayaw na nitong magpapatawag na
“Danny” kaya naman muli niya itong tinawag sa pangalan na
hiniling ng kaniyang anak na itawag sa kaniya.
“Dan!”
sigaw muli ni Lily ngunit hindi parin ito sumagot.
Umiiling
at mainit na ang ulo na inakyat ni Lily ang kwarto ni Dan. Iniisip na
muli lamang umaarte si Dan, ngunit hindi niya ito pahihintulutan na
huwag umattend ng graduation lalo pa't alam niyang ito ang
tatanghaling valedictorian.
“Dan
ano ba!?” sigaw ulit ni Lily habang paulit ulit na kinakatok ang
pinto ng anak. Dahil sa nakainom narin ng ilang baso ng alak nung
umagang iyon ay unti-unti narin nasasaid ang kaniyang pasensya.
Nang
mapuno si Lily sa hindi parin pagsagot sa kaniya ni Dan ay inis na
inis na itong bumaba muli ng hagdan upang kuwanin ang mga susi ng
kwarto.
“Dan!
Whether you like it or not you're going to attend the graduation so
prepare your valedictory speech!” singhal ni Lily.
Ngunit
laking gulat niya nang mabuksan niya ang kwarto ng anak.
“Danny,
what have you done?” nanlalambot na bulong ni Lily sa sarili sabay
dahan-dahang napaluhod sa sahig at wala sa sariling nagii-iyak.
Itutuloy...
Against All Odds 2[10] by: Migs
Pasensya na muli sa sobrang tagal na hindi pagpo-post. Bawi ako this time. BACK TO BACK chapters para sainyo. Sana po ay hindi kayo magsawa sa pagababasa ng aking mga post at hindi magdalawang isip na i-refer sa mga friends niyo ang blog ko. I need more followers. Nakaka enganyo kasi magsulat kapag alam mong madaming magbabasa ng kwento mo lalo na kapag maraming magco-comment!
ReplyDeleteTwo more chapters for this season of AAO book 2. Second season to be posted soon. :-) ABANGAN! :-))
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
GLITTERATI: susunod na yung lighter stories. :-)
LordNblue: hindi lang po ikaw ang nadala sa kwento. :-) SALAMAT! Pa-follow at sana lagi ka ng magcocomment! :-)
ichigo: lighter chapters to follow. :-)
Frostking: sadly, may mga ganyan talagang tao. :-(
makki: more “heart rending” chapters to come.
robert_mendoza: hindi rin naman magandang huwag magtiwala kahit sa isang tao lang.
Rom: that's one of my targets. Para kahit papano naman ay may matutunan kayo sa mga isinusulat ko, hindi yung lagi na lang kayong kinikilig.
Moon Sung-Min: this story will become more unpredictable as it progresses.
Russ: nakikibusy ka narin tulad ko? :-)
Dereck: Pa follow din ako saka sana lagi ka ng magco-comment! :-)
Lawfer: more sad chapters to come, yes. But there will also be lighter ones in between! :-)
rascal: barang talaga? And how can you be so sure that this story will end up sad? :-)
therese llama: pwedeng maging bida o kontrabida si Martin. Abangan mo na lang... :-)
Lexin: sige, mura lang ng mura, pero sana hindi rin matitigil ang pagcocomment. Dyan ako humuhugot ng sipag na magpost at gumawa pa ng stories eh.
Lynx Howard: Ayan, back to back. :-) wish granted.
Richmond Danganan: love stories that doesn't have a happy ending is a story worth reading. :-)
ANDY: naibuhos ko na kasi sa AAO 1 lahat ng OA na drama eh. Ahahahaha! :-P
Edmond: pressure ito? Pano kung mabigo kita this time? Hahahaha!
Marlon Lopez: not all stories should end with a “and they lived happly ever after..” ;)
SuperKaid: Muli, ipaaalala ko sainyo na wala pong paghihiganting magaganap.
Anonymous November 20, 2012 6:35am: paki sulat po ang inyong pangalan upang mapasalamatan ko po kayo ng maayos. Paki follow nadin po ang aking blog at sana po ay lagi na kayong magko-comment! Salamat! :-)
aR: cameo roles lang ang meron yung mga nurses na iyon. :-P
adik_ngarag: chill! :-)
foxriver: very well said.
Akosichristian: many more of the bitch melvin to come! :-) Malay mo maybe in the future may story rin ang bakla. AAO 4 :-)
Ryge Stan: Justice will be served soon. :-)
WaydeeJanYokio: wala na pong role sila Josh at Igi sa story na 'to. Baka si Liam pwede pa. :-) Pa-follow na lang po ang blog ko at sana po lagi na kayong magcomment. Salamat! :-)
calle 'aso: more sad chapters to come mixed with lighter ones. :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
kaloka kala ko isang linggo again kuya migz hehe.comment po muna.tc
ReplyDeletenagpakamatay sya!!! kawawa naman si danny! sana maghiganti sya sa mga susunod na chapters!
ReplyDeletehehehe wala nga pong paghihiganting mangyayari......
DeleteDid Dan commit suicide? Sobrang detailed ng tragedy na pinagdaanan ni Dan. Kawawa. This goes to all na victim ng bullying, rape, drugs at ng love. Can't wait for the next chapter.
ReplyDelete-icy-
aw what happened? o.O
ReplyDeletemartin’s changing na, mula sa maamong tupa pwde ba xang maging baphomet pgdting ng araw ng pagganti ni dan?
depressing at exciting back2back chapter, thanx :)
Anong nangyari kuya migs?? Anong nangyari!!???
ReplyDeletePlease next na, sobrang sakit sa naman sa dibdib ng pagkabitin ng chapter na 'to. Haha! Please next na!!
Sana hindi nagcrossdress si Dan!! Aaaah!!
Wag naman sana yung crossdress thing. :(
Deleteoo nga
DeleteI am hoping na hindi nagpakamatay c dan.
ReplyDeleteSana nag layas nlng siya.
Sana naman tumapang na c dan para kahit wla siyang suporta galing sa iba, makayanan niya ang mga nangyari sa kanya.
Parang line lng sa kanta ni adele:
"Next time I'll be braver
I'll be my own savior
Standing on my own two feet
I won't let you close enough to hurt me."
Hehe. Have a nice day migs. Ingat always. :)
Ayos! Tutal may Chasing Pavements na series si Migs, pwede bang paki-subtitle-an 'to ng Turning Tables. Hahaha!
Delete- Edmond
Ed, bagay kasi kay dan yung kanta. Fan ka ba ni adele? Nalaman mo kasi na galing sa turning tables ang lyrics. Hehe.
DeleteHi Frostking! Well, I like her album 21. And yan ang pinakagusto kong song sa album na yun. =)
Delete- Edmond
naluluha ako sa chapter 9 at ngaun sa chapter 10, gusto kung malaman ang gnawa ni dan sa sarili, . . .nakakabwisit na, nd ko na matake ung nanya2ri kay dan, sana naman mai 2mul0ng kai dan, para lumaban
ReplyDelete@#_teresa of the faint smile
Waw parang "God eye Galatea" lng. Hehe.
DeleteWow!!!! Hope the sad part o the story will end soon, hahaha muntikan na naman ako napaiyak sa chapters na mga to.. Hahha feel na feel ko ang bigat.. Thanks mr author for this wonderful story.. I cant wait sa part na iikot na ang story at ppabor na kay dan ang lahat, sana may ganung factor.. Hehehe
ReplyDelete-rom-
Sakit naman sa dibdib nito
ReplyDeleteyuan
salamat po sa update :) at sa time para maupdate :)
ReplyDeletethanks for the update migs.....
ReplyDeleteI don't think dan commit suicide, I think he ran away, dan is smart person. Kahit naman siguro sinung tao na nadedepressed at wala pang nakukuhang support from his loved ones gaggawin ko rin yun. And watch out siguradong pagbalik nya someone will pay. Hehehe morbid kong magisip.
have a great day migs, I hope to see a new update soon hehehe.
tama
DeleteI second the motion. (Pasensya na at maligalig akong mag-comment tonight, hehehe!)
Delete- Edmond
he attempt suiside.......kung tama ung hinala ko...or di kay nawalan na ng sariling bait c dan.....huh......bigat nmn sa dibdib kuya mizg.....
ReplyDeleteanu kaya ang binabalak ni Dan??...
ReplyDeleteanyways kuya migz dun sa two more chapters,dun na ba matatapos yung story nang AAO 2 o yung next season ay tungkol pa rin kila Dan and Mike???
...baka naman naglayas si Dan at dahil tapos na ang exam nya eh, baka pagaaralan nya yung pwedeng maikaso sa mga taong bumaboy sa kanyang pagkatao...
anu ba yan unpredictable talaga...hahaha galing talaga kuya migz.next chapter na please...tc
naiinis ako kay Lily may pandidiri pala syang nararamdaman kay Dan.kainis.grabe sariling anak nya.sa halip na sya ang pagkunan ng lakas ng loob ni Dan ay hindi. Sya pa mismo ang dumagdag sa sama ng loob ng kanyang anak na si Dan.
ReplyDeleteso 360 degree na to pagdating ng book 3? yey can't wait1
ReplyDeletebka naglayas. or naglaslas? wahhh..mababaliw na ako..
ReplyDeleteanxiety - deppression - trauma - o kaya magkaroon sya ng regression, supression or repression defense mechanism ...gawing bang psyche patient si dan...hahaha
thnx po sa update..thumbs up po ako sa inyo!!
wat happen to dan? up next...tnx migs.. suspense na talaga ito..
ReplyDeleteanung klaseng ina yan, future at kapakanan ng anak nya d man lng maipaglaban! kaw aman mike, kita muna ang nangyayare sa bestfrend mo pero wala ka pa din ginawa? buti pa c martin. anu ginawa ni DAN? SUSPENSE!
ReplyDeleteFrom Chapter 9:
ReplyDeleteHay naku, I've read ALL of your stories and kung nadiscover ko lang blog mo dati pa, eh di sana noon pa man may hardcore commenter. Hehehe! =)
Anyway, I can sooo relate to Dan's situation here. Have been bullied back in Elementary, as in halos buong class namin. Unlike him, I don't really have a knight/lady in shining armour. I'm thankful na I've recovered from that dark chapter kahit na it took a while and I can say na I'm better than ever. That's why kahit alam kong kwento lang 'to eh I really wanna see Dan (or whoever in real life has been through that same experience) to rise above being bullied.
For Chapter 10:
Ayos ha, may season 2 ang book 2. This is new and interesting development. =)
And yes, eto ang hinahanap kong moment. May pagka-scheming din si Dan. I have a feeling na naglayas siya. (I doubt he committed suicide coz why the hell will he rush to take his exams and get out of high school ASAP, when he could have just went AWOL if yun din plan niya.)
Now I wonder what will happen sa troika nina Mike, Mark and Dave. And more importantly, kay Lily.
- Edmond
Author Migs!
ReplyDeleteDito ko na ibubuhos lahat :)
Justice for Dan pa rin!! ikukulit ko sayo to :D iwant his sweet revenge!
Di ako naniniwala na nag suicide si Dan! feeling ko naglayas yan, planning for a comeback after niyang mawala during his college years! haha(nangunguna naman ako :P pero syempre kasama parin sa story
Mark & Dave dapat lng magantihan sila sama mo na parents ng 2gusto ko mawalan trabaho at kasikatan ng pamilya nila because of Dan!! haha I insist na ganon mangyari
Martin, gusto ko na siya..It's time na siya naman gumanti at ipagtangol si Dan
Lily,banas pa ko dito,maging old maid na lang siya dahil sa pagiwan ni Dan..
Mike..no comment since siya leading man,pero lakas ng loob takot naman siya..
Dan, Basta Author Migs ..Dapat dumating yung part na may SWEET REVENGE siya sa mga nang-api saknya, okay lang nahumba to, matagal narin yung last story ng mahaba yung chapters, mejo dibdiban tong story mo and need ng enough details para sa mga readers na gaya ko..hehe
p.s.
cameo lng pala e di ibig sabihin sa next story mo sila? :P hehe
aR
WTHeck is happening? Owh-ehm-ghie!. Todo na ba ito? Grabe ahh. Di ko matake. Nung una relate pa ako sa story eh, pero ngayon, parang ayoko ng irelate sa buhay ko ang mga nangyayari kay danny. Sobrang kawawa na siya.
ReplyDeletei don't want to say what i think happened coz its scaring a whole lot out of me and i don't want that to happen to Danny. I still want him and Mike to be happy, but whatever our dear favorite awesome author wishes to happen, i will respect.
ReplyDeleteDan was gone. Naglayas ang mokong! Doing his own thing to have revenge huh? Hmmm. Yung totoo Migs ang lakas kong makaspoiler hanu? :DD
ReplyDeleteMaybe in their pea sized brain,Danny is weak but this boy is smart..I can't wait for his sweet revenge. :))
ReplyDelete-thank you sa back to back chapter kuya!!:D
ReplyDeletepero bakit prang bitin pa ako?? pwedeng next time kuya, 3 chaps na back-to-back-to back ang ipost mo?? hehe.. namimihasa na ako. xD
HERE WE GOOO!! nagsisimula na si danny!! :D
GO DANNY!! maglayas ka muna at ibangon ang sarili mo galing sa hukay ng mga demonyo. hndi yan naglayas. kuya migs, i want some REVENGE but in a justice way for danny, kung pwede lng po. :)
Ok, MARTIN-DAN fan na ako, ayaw ko na kay mike. TILAPIANG TOKWA naman! ilang chapters na ang lumilipas, wala prin syang magawa pra kay dan. -.-
mabuti pa si martin, may nagagawa.. haayy... -.-
anyways, may i ask something kuya? kailan mo ipopost ung chasing pavements book 5 chap 3 mo??? ang alam ko, chapter 2 plang nkapost. excited much na ako lalo na sa AAO2 book na ito! and one more thing, is it true na may season 2 itong book 2 mo?? hndi na ako mkapaghintay!!!!! :D
POST!POST!POST lang kuya! ang galing mo! :)
mabigtat prin sa dibdib ung mga chapters mo. :)
Salamat sa back to. Back chapter.,hehe
ReplyDeletePanu kya maging kontrabida si martin?hmmm.pang love triangle siguro..pro it was a shock na mgkapatid pla sila ni melvin
Sobrang hirap na rin ng kalgayan ni mikee sna mg katuluyan pa rin sila ni dan
Anu kaya ginagaw ni dan sa kwarto nya??
Bagong anyo? Bagong danny? Revenge?
ReplyDeletenakakunot ang noo ko buong 2 chapter na to,
ReplyDeleteunpredictable talaga tong kwentong to! ang galing!
akala mo yun na, yun pala hindi pa! haha!
nice migs.. sana back to back ulet next time.. ^_^
I think may naka-sex si dan at inuwi yun sa bahay nila......
ReplyDeleteAdd niyo ako Joshua Artemis Santillan
like niyo rin page ko www.facebook.com/MgaKwentongBawal
OMG!!! ano ginawa ni mr. valedictorian..??? ibang level na 'to.. :p
ReplyDeleteat about melvin, gusto ko nman ung idea na mei series din xa, heheh, parang c eric lang, we deserve to hear why he's being a bitch.. :p
i mean c patrick pala, mali ako, my bad.. :p
ReplyDeleteGrabe ang luha ko dito? .. Ohmaygad? .. Anong ngyari ky danny? Ng layas siguro tapus after alongyear bumalik sya abogado na .. Dva sbi nya gusto nya maging lawyer or anu nga isa nakalimutan ko? .. Teacher b yun? .. Hndi mu talaga maimagine kung anu mangya2ri sa next chap. Next na po .. Sory late po ung coment .. Midyo busy lang:)
ReplyDeleteps~much thumbs up^_^ ..
~waydeeJanYokio
~so si liam poba ung tutulong kay dany? .. Wahaha
ReplyDelete~so si liam poba ung tutulong kay dany? .. Wahaha
ReplyDelete~waydeeJanYokio
Thats why i hate bullies.
ReplyDeleteNO TO BULLYING!
Kawawa naman talaga si Dan.
Hehe. My first comment for AAO :)
nakakainis si melvin...siguro yan during childhood hindi nya na-satisfy ang sarili nya during his anal and oral stage,,,
ReplyDeleteat yan namang dave and mark...ADHD to conduct disorder to anti-social individuals...
sana hindi nagpakamatay si dan at naglayas na lang sya mas ok pa...mike <3 dan pa rin sana...