Against All Odds 2[7]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
inaasahan ni Mark, Dave, Melvin at isa pa nilang kasamang lalaki ang
biglaang pagsulpot ni Mike pagkababa nila ng sasakyan ni Melvin.
Kitang kita ng mga ito ang galit sa mga mata ng huli, kitang kita sa
mukha nito ang kagustuhang pumatay at kitang kita sa bawat pag-flex
ng mga muscles nito na desedido itong manakit.
“Mike!”
patili at malanding bati ni Melvin kay Mike ngunit suntok ang
sinalubong ng huli dito.
Napatumba
si Melvin sa parking lot. Agad itong nilapitan ni Mark, Dave at isa
pa nilang kasama na hindi maikakailang nagtataka sa mga ikinikilos ni
Mike.
“What
the hell, Mike?!” sigaw ni Mark kaya naman huli na nang mapansin
niya ang mabilis na kamao ni Mike na lumanding sa kaniyang panga,
gaya ni Melvin ay hindi rin napigilan ni Mark ang mapaupo sa lakas ng
suntol. Sunod na sumugod si Dave pero mabilis na kumilos si Mike.
Agad niya itong hinarap at sinipa sa bandang tiyan.
“Sir
Melvin, is this still part of the initiation?” tanong ng lalaki na
kasama ng tatlo, may pagaalala sa mga mata nito pero hindi rin kaila
na handa itong makipagbugbugan kung kinakailangan.
“This
is not part of your initiation and if you know what's good for you,
you should quit now!” singhal ni Mike pero hindi natinag ang binata
sumugod ito papunta kay Mike.
“No!
They're my frat brothers! I think it's you who's trouble!” singhal
nito sabay bato ng suntok kay Mike ngunit masyadong mabilis si Mike.
Hindi nagtagal ay bumagsak nadin ito sa sahig na agad nilapitan ni
Melvin, si Mark at Dave ay hindi parin makatayo dahil sa mga suntok
at sipa ni Mike at hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari.
“What's
your problem?!” singhal ni Mark habang sapo sapo ang panga,
natatakot tumayo dahil baka muli siyang sugurin ni Mike.
“WHAT'S
MY PROBLEM?! TANGINA, MARK! HALOS MAPATAY NATIN SI DAN—-!”
simulang sigaw ni Mike. Natigilan na lang siya ng biglang may yumakap
sa kaniya mula sa likod. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang
magkabilang braso. Bumangon na pala ang lalaking kasama nila Mark at
hinawakan siya nito mula sa likod. Sinimulan na ni Mike na pumalag sa
pamamagitan ng pagsipa, ngunit masyadong mahigpit ang hawak sa kaniya
ng lalaki.
“Huwag
kang maingay!” sigaw na balik ni Mark na tumayo na nang masiguro
niyang hindi na makakawala pa si Mike sabay lumingon-lingon,
tinitignan kung may mga nakarinig sa paghuhurumintado ni Mike.
“He
didn't die, Mike!” pasinghal na singit ni Dave na katulad ni Mark
ay tumayo narin at lumapit kay Mike nang makasiguro na hindi na sila
nito pagsususuntukin.
“He's
in the hospital! He's still asleep! Gawd! We don't even know if he's
still going to wake up!” galit na galit na balik ni Mike. Sa
sobrang galit ay muntik na siyang makaalpas sa pagkakahawak sa kaniya
mula sa likod. Sa sobrang galit ay hindi na niya naiwasan ang
pagkawala ng ilang luha mula sa kaniyang mga mata.
“Eh
natutulog lang pala eh! Magigising din yun! Tignan mo kapag nagising
yun hahanap hanapin kayo nun, hindi dahil gusto niyang managot kayo
kundi dahil gusto niyang maulit yung nangyari nung birthday niya!
Kaya Chill lang!” singit ni Melvin sabay halakhak na miya mo
demonyo.
“Oo
nga!” segunda ni Mark na muling nakapagpalamig ng dugo ni Mike.
“Putangina!
Dan is our friend---” simula ulit ni Mike ngunit muli siyang
pinutol ni Dave.
“Correction.
He's YOUR friend.”
“Oo
nga! And besides, di ka ba magpapasalamat samin? Tinuruan lang naman
namin siya ng leksyon. All those sleep over na hindi natin alam kung
minamanyak ba tayo nun. Yung kahihiyan mo na niligtas namin dahil sa
pagmamahal
nung
baklang yun sayo---”
“Hindi
ganun si Dan!” pagmamaka-awang sigaw ni Mike.
“Anong
hindi ganun?! Rinig na rinig mo nung sinabi niya na mahal ka niya sa
labas ng kwarto ni Melvin nung gabing yun! Hindi ka ba nandidiri?
Lumaki ka kasama yun? Malay mo matagal ka na pala nung hinihipuan!”
balik ni Mark sabay halakhak na sinundan naman ng tawa nila Dave at
Melvin.
Natigilan
bigla si Mike.
“---I-I love you, Mike.”
Hindi napigilan ni Mike ang lalong mapaluha at mapapikit ng mariin nang maalala niya ang sinabing iyon ni Dan. Ang mga salitang nagtulak upang magsimula ang gulo na kaniya ngayong nararanasan. Ang kanina lang na punong puno ng enerhiya dahil sa sobrang galit na matipunong katawan ni Mike ay tila isa na lamang ngayong manika sapagkat hindi narin nito napigilan ang sarili na muling manlumo nang maalala ang nangyaring iyon noong birthday ni Dan.
“WHY THE FUCK ARE YOU CRYING?!” humahalakhak na sigaw ni Mark sabay suntok sa tiyan ni Mike habang hawak hawak pa ito ng kanilang neophyte. Humahalakhak si Mark habang gumaganti ng suntok kay Mike na nagbigay din sa kaniya ng ilang sakit ng katawan.
“Maybe he's in-love with Dan too!” humahagikgik na gatong ni Dave sabay pakawala ng isa ring malakas na suntok sa tiyan ni Mike.
“Hay nako, Mike. Ako na lang! Mas masarap ako dun!” singit naman ni Melvin habang aliw na aliw siyang pinapanood ang paulit ulit na pagsuntok nila Dave at Mark dito.
Hindi nagtagal ay napaluhod narin si Mike sa sahig dahil sa sobrang panghihina, panghihina dahil sa naalala at panghihina dahil sa masasakit na suntok nila Dave at Mark sa kaniyang tiyan. Lumuhod si Mark upang magkapantay ang mukha nila ni Mike atsaka sininghalan ito.
“MAKE SURE YOUR BOYFRIEND WON'T RAT US OUT AFTER HE WAKES UP OR ELSE HE'S NOT GOING TO WAKE UP AFTER WHAT WE'RE GOING TO DO TO HIM.” singhal muli ni Mark saka inaya ang kaniyang mga kasama na umalis na.
Muling humagulgol ng iyak si Mike. Hindi na niya mapigilang mapahiga sa sahig. Idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib na miya mo bata sa sinapupunan. Galit na galit siya. Nasasaktan siya para kay Dan. Galit na galit siya sa sarili at sa mga nangyayari. Galit na galit siya kila Mark, Dave at Melvin. Galit na galit siya sa sitwasyon na hindi niya maiwas-iwasan.
Ngunit sa kabila ng galit at sakit na iyon ay wala naman siyang magawa laban dito.
Tatlong araw pa ang lumipas at ni hindi gumaang ang loob ni Mike kahit kaunti. Muli ng pumapasok sila Mark at Dave pero pilit niyang iniiwasan ang mga ito kahit pa ang kilos ng mga ito ay parang walang nangyaring masama noong birthday ni Dan at parang hindi sila nag-away may tatlong araw na ang nakalipas sa isang parking lot. Binabati siya ng mga ito sa tuwing magkakasalubong sila. Pilit na sumasabay kay Mike sa pagkain ng miryenda at tanghalian kahit pa iniiwan din naman sila ni Mike. Normal lang ang kilos ng dalawa na parang walang masamang nangyari, na parang hindi muntikan ng mapatay ng mga ito si Dan. Isang kaganapan na sobrang ikinagagalit ni Mike.
Kada tapos sa school ay hindi muna tumutuloy sa bahay si Mike. Pumupunta muna siya sa ospital at sinisilip si Dan. Simula noong takot na takot siya nitong nakaharap tatlong araw na ang nakakaraan ay hindi na muli pang tinangka pa ni Mike na lapitan o kausapin si Dan. Nagkakasya na lamang siya sa pagsilip silip sa maliit na bintana sa may pinto ng kwarto nito sa ospital na iyon.
Itinataon niya ring wala doon si Lily upang hindi siya usigin ng sariling konsensya. Alam niya kasing hindi niya ito matitignan ng daretso sa mga mata katulad ng kaniyang mga magulang. Natatakot din siya na katulad ng sa kaniyang mga magulang ay hindi niya mapigilan ang sarili na umamin sa kaniyang mga nagawa kay Dan.
Ngunit nang mapatapat siya sa pinto ng kwarto ni Dan ay may nakita siyang isang lalaki na kumakausap dito. Nakaharap si Dan sa pinto kaya naman kitang kita ni Mike na hanggang ngayon ay malungkot ito at tila ba wala sa parin sa sarili na nakatitig lamang sa isang tabi ngunit hindi mo maikakaila na nakikinig ito habang ang lalaki na bisita nito ay nakatalikod sa kay Mike kaya't hindi niya ito makilala, ayon din sa nakikita ni Mike ay masaya itong nagkukwento kay Dan base narin sa pagkumpas kumpas ng mga kamay nito.
Paalis na sana si Mike nang biglang tumayo ang lalaking bisita ni Dan, mabilis na naglakad palayo si Mike, iniisip na mas maganda kung umuwi na lang siya ngunit mas nanaig ang kaniyang kagustuhang malaman kung sino ang lalaki na bumisita kay Dan.
Hindi nga nagtagal at lumabas na ang bisita ni Dan. Hindi na nagtaka at nagulat si Mike nang makita si Martin na lumabas ng pinto ng kuwarto ni Dan. Hindi man madalas mag-usap o magkasama ang mga ito ay batid naman ni Mike na palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa. Nang makalampas na si Martin sa kaniyang tinataguan ay agad naring lumabas si Mike at umupo malapit sa labas ng kwarto ni Dan.
Isinandal niya ang kaniyang ulo sa pader, iniisip kung paanong mula sa pagiging malapit na magkaibigan ay hindi niya ngayong magawang lapitan si Dan, kung paanong halos araw araw ay silang dalawa ang magkadikit tapos ngayon ay hindi man lang siya pwedeng magpakita dito. Kung paanong naiinggit siya kay Martin dahil may laya itong makipagusap kay Dan. Isang bagay na nasasabik na siyang gawin ulit.
Sa sobrang dami ng iniisip ay hindi na napansin ni Mike ang pagbagsak ng sariling talukap ng mga mata at mapaiglip sa kinauupuan.
“Hijo.” tawag pansin ng isang nurse kay Mike na ikinagising naman nito.
“Huh? Oh, I'm sorry.” bulalas ni Mike sabay linga linga, natatakot na nandon ang kaniyang tita Lily pero nakahinga din agad ng maluwag ng mapansing wala ito doon. Sunod niyang tinignan ang orasan at nakitang oras na upang siya ay umuwi.
“It's OK, kaso matatapos na ang visiting hours. Madalas kitang makita na bumibisita kay Dan pero hindi ka naman pumapasok sa room niya. Kaano-ano mo nga ulit si Dan? ” balik ng nurse kay Mike.
“W-We're friends--- I-It's OK. It's time for me to go home anyway, ayaw ko po siyang maistorbo---” simula ni Mike sabay aalis na sana nang muling magsalita ang nurse.
“I'm sure Dan would like it kung ipapakita mong andyan ka na sumusuporta sa kaniya.” makahulugang saad ng nurse. Saglit na tinignan ni Mike ang nurse, tila ba tinitimbang nito kung sersyoso ba ito o nag gu-good time lang bago ito tumalikod at naglakad papalayo sa kaniya.
Nang maiwan ng mag-isa si Mike ay wala sa sarili itong sumilip sa maliit na bintana ng pinto, hinawakan ang door knob pero nung saglit na pipihitin na niya ito pabukas ay tinalo nanaman ng takot si Mike. Takot na baka makita niyang muli ang takot na takot sa kaniyang si Dan, ayaw ng makita pa ni Mike na nasa ganoong kalagayan si Dan dahil alam niyang hindi na niya ito kakayanin.
Imbis na buksan ang pinto ay idinikit na lang ni Mike ang kaniyang noo sa malamig na pinto ng kwarto na iyon ni Dan at paulit ulit na bumulong ng “I'm sorry.” habang lumuluha.
Nakatulala si Mike sa kaniyang kinauupuan sa loob ng cafeteria ng kanilang school. Malalim ang iniisip at tila ba ilang saglit na lang ay paiyak na nang biglang sumulpot sila Dave at Mark at ini-upo ang sarili sa mga bakanteng silya na asa tabi ni Mike.
Hindi pa man niya nagagalaw ang kaniyang pagkain ay agad na tumayo si Mike. Hindi na niya masikmura pa na sumama lagi kila Mark at Dave. Pakiramdam niya ay lalong nadadagdagan ang dumi sa kaniyang mga palad simula noong gabi ng birthday ni Dan. Pakiramdam niya ay wala siyang gagawing maganda sa tuwing kasama niya ang mga ito. Pakiramdam niya ay baka hindi nya na mapigilan ang sarili at kung ano pa ang magawa niya dito.
Hindi alam ni Mike na sinundan siya ng dalawa. Marahas siyang inakbayan ni Mark, kung sa ibang tao ay parang akbay lang iyon ng isang lalaki sa kaniyang kaibigang lalaki pero ang totoo ay mahigpit ang pagkakaakbay na iyon ni Mark sabay may halong pamumuwersa kay Mike papunta sa direksyon ng isang bakanteng classroom.
“Mike, we have to talk!” singhal ni Mark nang masolo na nila ito matapos nila itong pwersahang papasukin sa classroom. Nanggagalaiting hinarap ni Mike sila Mark at Dave.
“What do you want?!” singhal ni Mike, pinipigilan parin ang sarili na pagsusuntukin muli si Mark at Dave.
“Bakit mo kami tinatabla?!” galit na balik ni Dave.
“Why?! We almost killed Dan!---”
“Walang may gusto ng nangyari---” simula ni Mark pero alam ni Mike na pakitang tao lang ito ng huli dahil alam nilang magkakadiinan na sa oras na bumalik si Dan.
“Is that why you're acting like nothing has happened?!” putol naman ni Mike kay Mark. Natameme si Dave at Mark pero mabilis ding nakabawi si Mark dahil sa kagustuhang mapag-usapan ang mas importanteng bagay.
“Look, Mike, people are starting to talk. Napapansin nila na hindi na tayo naguusap, susunod niyan makakahalata na sila na may koneksyon ang pananabla mo samin sa nangyari kay Dan--- we don't want that to happen. Kapag nagkamalay na si Dan magso-sorry kami and hopefully tanggapin niya ulit kami bilang kaibigan--- walang may gustong maeskandalo, Mike---” simulang seryosong saad ni Mark, halos lahat na sa school nila ay alam na ang nangyari kay Dan, hindi nila alam kung sino ang may gawa nito, ang tanging alam nila ay may nambugbog dito. Nagsimula na ding mabahala ang dalawa sapagkat ang usap-usapan ay hindi titigil si Dan sa pagaaral at babalik ito bilang kanila paring kaklase, bagay na mahigpit na tinataliwas nila Mark at Dave sa takot na magsabi si Dan sa ibang tao patungkol sa kanilang ginawa dito.
“SORRY?! NARIRINIG MO BA ANG SARILI MO, MARK? ESKANDALO?! SARILI MO PARIN ANG INIISIP MO? MUNTIK NA NATIN MAPATAY SI DAN, MARK! SA TINGIN MO MAKUKUWA NG SORRY ANG GINAWA NATIN?!” sigaw ni Mike, na ikinalingon ni Mark at Dave sa paligid sa takot na may nakakarinig sa pagwawala ni Mike.
“Eh ano?! Magpapakulong tayo?! Sisirain natin ang kinabukasan natin dahil sa baklang ginusto naman ang nangyari!” sigaw pabalik ni Mark. Hindi napansin ni Mark at Dave ang kamao ni Mike na mabilis na isinuntok sa ilong ni Mark susuntukin pa sana ni Mike si Mark nang awatin na ito ni Dave.
“Ni-rape natin si Dan, Mark. Nagmamakaawa siya na tigilan niyo na ang ginagawa niyo sa kaniya pero hindi kayo nakinig---” humahangos na simula ni Mike habang hawak parin siya ni Dave mula sa likod.
“I never saw you stop fucking him either?!” balik naman ni Dave na ikinatigil ni Mike sa pagpalag sa hawak nito.
“I'll do everything to keep myself out of jail. Di ko alam ikaw, Mike, pero ayaw kong makulong dahil lang sa hindi mapigilan ni Dan ang pagkabakla niya sayo!” sigaw ni Mark sa kabila ng dumudugong ilong.
“Anong gagawin mo? Papatayin mo si Dan para hindi siya magsalita?! Nilason na ba talaga ng droga yang utak mo?! Kaibigan mo si Dan--- Kaibigan natin si Dan!”
“Kaibigan mo si Dan.” pagtatama muli ni Dave. Natameme na si Mike, alam niyang buo na ang loob ng dalawa niyang dating kaibigan. Napailing na lang si Mike at hindi na mapigilan ang sarili na magsisi kung bakit mas pinili niya pa noong makipag kaibigan sa dalawang iyon at iwan sa ere si Dan. Hindi niya mapigilang magsisi sa pagpilit kay Dan na magkaroon ng birthday party nung gabing iyon.
“Are you with us or are you against us?” matigas na tanong ni Mark na ikinagulat ni Mike. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang pipiliin. Umiiling siyang umatras palayo kay Mark at Dave na pinapanood ang bawat kilos niya at nagiintay ng kaniyang isasagot.
Hindi pa man tapos ang klase at sarado pa man ang mga gate ng kanilang skwelahan ay nagawa parin ni Mike na maka puslit. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero dinala siya ng kaniyang mga sariling paa sa Ospital kung saan naka confine si Dan.
Lumapit si Mike sa pinto ng kwarto ni Dan. Nakita niyang nakaupo at natutulog si Lily sa tabi ng higaan ni Dan. Minasdan niya ang dati'y maamong mukha ni Dan na puno ngayon ng sugat. Ang dating makinis nitong balat sa kaniyang mga kamay ay puno na ngayon ng galos at ang dating mukha na laging may nakaplaster na ngiti, ngayon ay napalitan na ng paminsan-minsang pag-ngiwi.
Wala sa sariling ipinikit ni Mike ang kaniyang mga mata, may ilang araw na ang nakakalipas matapos ang birthday ni Dan ay hindi parin magawang tignan ni Mike ang mga galos at sugat na isa siya sa mga gumawa. Habang nakapikit ay hindi parin nagawang pigilan ni Mike ang kaniyang mga luha sa pag-tulo. Tila naman bumigat ang kaniyang ulo kaya naman kasabay ng kaniyang nakapikit na pag-iyak ay ang paghilig ng kaniyang ulo sa pinto, ang kaniyang noo ang nakadikit sa malamig na balat ng kahoy.
“Haha!Blue!” sigaw ni Mike habang asa school bus sila pauwi ng bahay.
“Andaya mo! Alam mo sigurong maraming kulay blue na kotse ano kaya simula pa lang tayo maglaro ng paramihan pinili mo agad yung kulay blue?!” sigaw ni Dan sabay nguso na ikinahagikgik ni Mike. Hindi niya mapigilan ang kurutin ang pisngi ni Dan, andun parin ang masiglang tingin sa mga mata nito na noon ay natanggap na niya bilang isa sa pinakapaborito niyang bagay sa mundo.
“Edi palit tayo! Sayo naman ang blue sakin naman ang red!” alo ni Mike dito, agad na napawi ang pagnguso ni Dan at pumalit dito ang isang maliwanag na ngiti.
“Sige! Blue! Haha! One point!” pero hindi na nagawa pa ni Mike na ituon ang pansin niya sa laro kasi masuyo na niyang pinapanood ang saya sa mga mata ni Dan pati narin ang pagiging masigla nito.
Para sa kaniya ay panalo narin siya sa kanilang mumunting laro na iyon basta't nakikita niya ang saya sa mga mata ni Dan.
“Bayabas yan!” pagtatama ni Dan sa pagpupumilit ni Mike.
“Atis!” balik naman ni Mike sabay kagat sa malutong na balat ng prutas na kanilang minimiryenda.
“Bayabas!”
“Atis sabi eh!” naiinis nang sigaw ni Mike sabay tulak kay Dan. Agad na sumimangot ang mukha ni Dan at nakita ni Mike ang unti-unting pangingilid ng luha nito, agad nagsisi si Mike sa kaniyang ginawang pag-sigaw at pagtulak sa kaibigan.
Naglakad palayo si Dan mula kay Mike. Kinabahan na hindi na muling mkikipaglaro ang kaibigan sa kaniya o kaya naman ay makipagkuwentuhan. Bagsak balikat at nangingilid luhang pinanood ang kalaro na pumasok sa sarili nitong bahay. Ngayon, hindi lang basta kaba ang kaniyang nararamdaman kundi pati narin takot lalo pa nang ibagsak ni Dan ang pinto sa likuran nito. Hindi na nagawa pang pigilan ni Mike ang pagtulo ng kaniyang mga luha matapos ang ilang minuto at hindi pa rin bumalik si Dan. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng kaibigan. Nasa ganito siyang pag-iisip nang bigla ulit bumukas ang front door ng bahay nila Dan, kasunod ng kaniyang kaibigan ang ina nito na si Lily na nakakunot ang noo sa pagtataka.
“Ayan Mommy. Sabi niya Atis edi ba bayabas yan?!” nakanguso parin na pagpupumilit ni Dan sa nangingiting si Lily.
“Mikee, tama si Danny. Bayabas yan, hindi Atis.” marahan at nakangiting sabi ni Lily kay Mike na hindi na alintana ang mayabang na ngiti ni Dan sa tabi ng ina pati narin ang kaniyang sariling pagkapahiya. Masaya siya at hindi siya tuluyang tinalikuran ng kaibigan dahil sa kaniyang ginawang paninigaw at panunulak dito.
“I can't lose him.” naluluhang sabi ni Mike sa sarili habang nakasandal parin ang kaniyang ulo sa pinto na sa kaniyang asa harapan. “Please God, I can't lose him” ulit ni Mike sabay pahid ng kaniyang luha gamit ang kaniyang nanginginig na kamay. Ayaw niyang mawala sa kaniya si Dan ngunit hindi niya rin ito kayang ipaglaban.
Lalo pa't kinabukasan niya rin ang nakataya.

000oo000

Itutuloy...
Against All Odds 2[7] by: Migs
Pasensya na po sa matagal na hindi ko pag-update. Alam niyo na po ang dahilan kung bakit. Maraming Salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aking post. Sana po ay hindi kayo magsawa. Ihinihiling ko lang po doon sa aking mga bagong mambabasa, nais ko po sanang humiling na maliban sa pagco-comment ay paki follow narin po ang aking blog. Salamat! :-)
ReplyDeleteMuli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Keantoot: nope, hindi siya nahuli ng pulis dahil sa bagansya.
Jjohn-el: maaayos din ang lahat. Tiwala lang. :-)
Edmond: I was planning to post the third series of AAO. Another hardcore drama, kaso mukhang ayaw niyo naman ata, mas gusto niyo ata yung masaya.
Rascal: Nope, Dan is in the hospital.
Lawfer: What did he do indeed? :-)
Frostking: sorry sa medyo mabagal na pag post. :-)
-makki-: nope, asa ospital siya.
Rom: thanks, pa follow din ah. And pa endorse tong blog ko sa iba. :-)
Lexin: Thanks! :-)
WaydeeJanYokio: Salamat! Paki endorse narin 'tong blog ko sa iba at paki follow nadin. :-)
Lynx Howard: wag masyadong masungit at malungkot. :-) Baka sisihin pa ako ng mga kasama mo sa bahay. :-) Pa-follow narin ang pa-endorse sa iba itong Blog ko. Salamat!
AR: may kwento ka ng sarili, ah. Haha!
SuperKaid: oxygen lang ang kailangan mo habang hindi pa ako nagpo-post para naman hindi ka magka-brain damage. Haha!
ANDY: Sana sa susunod di mo na makalimutan yung i-co-comment mo. Haha! :-)
calle 'aso: sorry at nastr-stress ka sa story. :-)
Anonymous November 7, 2012 6:40pm: pakilala ka sa susunod ah para mapasalamatan naman kita ng maayos. Salamat! :-)
rober-mendoza: opo buhay pa po siya. :-)
russ: Salamat! :-)
adik_ngarag: haha! Naabutan mo din yung calvento files?
MoonSungMin: Wlcome back! :-) kalma lang! :-)
Mr. Brickwall: nabasa ko po, bakit ayaw niyo ng AAO?
Marlon Lopez: hindi siya nakauwi dahil po nasa ospital siya.
-M: Salamat. Pa follow na lang po ng blog ko and paki endorse sa iba. Salamat! :-)
rascal: Wait and see po sa mga next na chapter. :-)
riley delima: isako talaga? Hahaha!
Foxriver: pinipilit kong magupdate regularly, believe me. Kaso di kaya eh. Masyadong madaming ginagawa.
Ryge Stan: curse all you want. Libre naman yan. :-)
akosichristian: basahin niyo po ang Author's note sa epilogue ng AAO1 malalaman niyo kung bakit talagang walang panama ang AAO1 dito sa AAO2, though mukhang best seller din ang AAO1 :-)
Anonymous November 11, 2012 11:50am: pa iwan po ng pangalang para mapasalamatan ko kayo ng maayos, pa-follow nadin po at paki endorse ang blog ko. Salamat! Masyado ng mahaba at marami ang exposure ni Cha, kaya tama na po. Hehehehe! Lalabas din siya soon. :-)
GLITTERATI: Thanks! Akala ko hindi mo nagustuhan? :-)
SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. SANA PO PAKI ENDORSE ANG BLOG KO SA IBA NIYONG MGA KAIBIGAN. SALAMAT ULIT! :-)
yes akala ko matatagalan pa lalo ang update tnx sir migz.
ReplyDeleteYESSS BACK TO BACK. GREAT JOB KUYA MIGS!
ReplyDeleteSANA MAREHAB MAN LANG YUNG DALAWA.
PWEDE RIN MAKULONG AHAHAHA.
BAT BA LAGI NALANG ME NARERAPE NAALALA KO TULOY YUNG NAPATAY NA UST ALUMNI, DAHIL RIN SA DROGA.
HAYY SANA MEDYO POSITIVE MUNA NEXT CHAPTERS, MABIGAT SA LOOB MGA CHAPTERS MO. PERO KUDOS PARIN KUYA MIGS!
INGAT LAGI AND GODBLESS!! SANA MABILIS RIN UPDATE!
-ICHIGOXD
aun na naman ung buhay na dugo ei x.x
ReplyDeletenanginginig na naman aq knina hbng ngbbsa x.x
peo
ung mga huling slita, does that mean cna mark at dave pa dn ang papanigan ni mike?
tsk!
bad3p x.x
Oh nooo. I loved it. It was just too surprising!
ReplyDeleteMike is an asshole. Let's fast forward to the next 10 years with Dan being the remotely Cosmo Bachelor Hunk that he is, ending up with a prince Charming while the rest of those dirty asshole dying a painful and slow death.
namern! im waiting nga bka may book 2 pa ung AAO1 eh.. :p anyway, gusto ko ipagahasa sa mga camel yang c melvin!!!
ReplyDeleteOk lng kung natagalan, worth the wait naman. Though nakakabitin tong chap 7. Parang maikli lng. :)
ReplyDeleteSana po makulong na yung tatlo. Lalo na yung baklang melvin na yun. Iharap niyo sakin yang mark at dave na yan at kakatayin ko sila! Mga hayop! They should be tortured bago patayin. :-[
Kung pwede pong mag request, sana po di matagal ung next update. :-)
I really hate those people (just like melvin) na naniniwal na porket bakla ka eh hahayaan mo na ang kahit sinong ikama ka. HINDI LAHAT NG BAKLA AY MALANDI, MANYAK, AT kung kani kanino lng nakikipag sex.
DeleteKung may dalagang pilipina pwes meron ding baklang pilipino! :))
oo nga mukhang papanig si mikee kanila dave..nu ba yan...sana maging ok na si dan..naku baka mgka inlovan sila ni martin...hahaha...maraming salamat migz sa bak2bak chapters na to..
ReplyDelete-M
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteloser ka mike......cgeh lang danny pagaling ka.....and soon u can make revenge 4 the 3 of them....i want 2 see the evil side of dan...............pwede da kuya migz...?
ReplyDelete-new comment na lang ito kuya migs. hehe.. copy paste lng ung comment ko from chap 6 dito, kaya delete ko na. :)
Deletewell, sang-ayon ako kay kuya rascal. i want to see the "evil" side of the main protagonist. :D EXCITING!!!!! xD
at kay mikee nman, may second thought pa ata sya??? napipi ba sya?? prang hindi sya papanig kay dan??? paano na yun? wla ng "bf" (bestfriend) na susuporta kay danny boy?? :(
ang bigat sa dibdib. ;((
next update kuya!!! ganda!!!! :D
your against all odds stories are really making my heart beat faster. andaming thrills, suspense at nakakatakot na eksena. talaga nga namang you and me against the world ang tirada. unpredictable. daming twists. mahilig ka yata sa twister fries or di kaya sa donut twists. :)
ReplyDeletehe didn't want to lose Dan and the only way is ang pagpanig niya dun sa mga adik. that way, he saves his ass and the life of Dan.
huwag nang patagalin ang next chapters ha.
anong pasabog meron ang story na to this Bonifacio day at this christmas season? hehehe.. ka abang-abang talaga..
Prang gusto kung sumali sa kwentong ito at bugbugin si mark dave at melvin.. Hahaha kakainit ng ulo.. Grrrrrr.. Thanks thanks mr author sana naman kapag darating sa point na maparusahan yung tatlo eh dapat yung babalatan sila ng buhay.lol..
ReplyDelete-rom-
Kung ako lng kakatayin ko tlga yung mga hayop na yun!
DeleteSana maibalik ang death penalty kahit sa kwento man lang na 'to.
ReplyDeletePero kakaawa situation ni Mike. He's torn between Dan's welfare and his own reputation.
And yeah, I want an explosive overhaul kay Dan. Yung tipong babangon ako't dudurugin kita level. Bwahahahaha!
- Edmond
kada kabanata punong puno ng emosyon, bawat karakter may sari-sariling buhay. Ang ganda for me ito ang pinaka magandang story na nagawa mo. Kudos Migs... =Dereck=
ReplyDeleteHay. Sarap ng back to back. Hahaha
ReplyDeleteIsa pa nga hong back to back. Hahaha. Pkibilisan ahh? Lol
Kawawa nman si danny. Im expecting for a great revenge. :D
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete--kuya migz gusto ko yang balak mong magkaroon ng AAO 3. ayos lang kuya kung may pahirap wag lang may namamatay.hehe.gaya nung AAO 1 nakakaiyak kasi.hehe
ReplyDelete--gusto kung rin may revenge kaso sa simpleng paraan lang na sobra namang makakasakit.
--hindi ko maintidihan si dave hehe parang nagiging under lang siya ni mark.hehehe
--tnx again sir migz.more power and more chapters hehe
Migz I dont know what to say, hehehe nakakawa nmn si mike ang hirap nun situation nya, he is being drag by his conscience and the fact na everything will never be the same. I hope danny boy while make it up masakit din para sa kanya ang nangyari imagine the person you trusted and value the most is the person who betrayed him.
ReplyDeleteMagsisi man si mike wala ng mangyayari di na maibabalik ang panahon I hope the tables will turn over kanila melvin mark and dave. Digital pa naman ang karma. hehehe
thanks migs enjoy your week another chapter to wait hehehehe ^_^
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehello kuya migs...
ReplyDeletekala ko di mo nabasa yung email ko e. good thing nabasa mo.
now ko nga lang narealize na yung official email ko pala nagamit ko pangsend hindi yung dummy, hahaha..
AAO? di ko kasi nafeel yung sa book 1. di ko kasi tipo yung mga ganung plot. pero oks lang yun! idol pa din kita at fan mo pa din ako. next story na po ako mag-comment ulit. :D
nagpaparamdam lang minsan, baka makalimutan mo ko e. hahaha. :D
yun lang. ge ge. nasa ofis pa ko.
tc. figthing. :)
crime doesn't pay...
ReplyDeletemas kaabang abang ang susunod na chapter ah..
kudos migs..
salamat sa back to back post mo.. ^_^
angang hirap ng sitwasyon ni mikee.. konsenxa at pag-ibig... :( :( :(
ReplyDeletedave and mark, good thing na fictional kayo..dahil kIm such a LKo ng yakuza at mafia ung nagkataon. bwisit!
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteOehm-G bigalng bagask ang high altitude natin! ang ikli,feeling ko lang ha, agree with me guys! please! haha
anyway iisa parin ang sigaw ko I mean protesta ko Justice for Dan!
Bumalik ka na parang walng nangyari at isa-isa mo silang ibagsak! I mean it bagsak talga iparape mo sa aso! hudlom preso basta Sweet revenge will satisfy me period! hahaha
Author, basta update kagad ha?! please :D meron kayang back-back-back? haha
I love you for this story, Migs.
ReplyDeleteNakakainis sila, walang mga puso! sana karumaldumal ang mangyaring pagkamatay ng Melvin na yan.. tsaka sana magbago yung dalawa :(
ReplyDeleteSir dali! upload mo na next haha
Is this after AAO Book1 or nung Different Similiraties? :) Thanks po sa reply! :)
ReplyDeleteTakteng Mark at Dave yan. Sarap bigwasan! At kay Melvin such a disgrace. Geeezzz! Big time karma will come yurr way guyss!
ReplyDeleteMigs! Ung totoo ikaw ba yung nurse? Hehehe
Kelan kaya gaganti si Dan? Pwede sa next chap na? Hahaha
ito yung part ng story na lagi na lang akong iiyak sa pagbabasa, naaawa ako kay Dan at kay Lily. At sana bago ako masuklam kay Mike , he finfs his balls to fight for Dan, i know its not intentional but now that he knows what happened, man find the courage to right the wrong. SuperMigz thanks for this story, i can live with how frequent you can update. God bless.
ReplyDeleteito yung part ng story na lagi na lang akong iiyak sa pagbabasa, naaawa ako kay Dan at kay Lily. At sana bago ako masuklam kay Mike , he finfs his balls to fight for Dan, i know its not intentional but now that he knows what happened, man find the courage to right the wrong. SuperMigz thanks for this story, i can live with how frequent you can update. God bless.

ReplyDeleteito yung part ng story na lagi na lang akong iiyak sa pagbabasa, naaawa ako kay Dan at kay Lily. At sana bago ako masuklam kay Mike , he finds his balls to fight for Dan, i know its not intentional but now that he knows what happened, man find the courage to right the wrong. SuperMigz thanks for this story, i can live with how frequent you can update. God bless.

ReplyDeletenice, migs!
ReplyDeletesana sa next chapter, makalabas na si dan sa hospital. gusto ko malaman kung paano ang pakikitungo nya kay mike!