Against All Odds 2[6]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Brenda ang malungkot para sa anak habang nakasilip siya sa siwang ng pinto ng kwarto nito. Apat na araw na itong hindi lumalabas ng kwarto, hindi kumakain at hindi bumabangon sa kama. Tatlong araw na itong hindi pumapasok sa eskwelahan na tila ba ang tangi lang gustong gawin ay ang umiyak. Nagsimula ito noong malaman ni Mike ang nangyari sa kaniyang kaibigang si Dan, hindi naman ito naging mahirap intindihin para kay Brenda. Halos anak narin ang turing niya kay Dan at maski siya, kung hindi niya lamang nilalaksan ang loob ay malamang nagiiiyak din siya ngayon kasama ang anak.

Anak---” tawag pansin ni Brenda kay Mike nang hindi na siya nagkasaya sa kakabantay dito.


Napansin niyang nag-iba ang pag-hinga nito kumpara noong pinagmamasdan niya ito sa siwang ng pinto. Kung kanina ay mababaw lang ang paghinga nito miya mo humihikbi, ngayon ay lumalim na ito, halatang halatang nagtutulugtulan lamang at ayaw magpa-istorbo. Walang nagawa si Brenda kundi ang mapabuntong hininga.


Anak, three days ka ng absent sa school---” malungkot pero malumanay na saad ni Brenda. “---Graduating ka. Baka magkaproblem ka niyan---” subok ulit na pagkuha ni Brenda ng pansin ng kaniyang anak ngunit tuloy tuloy ito sa pagkukunwaring natutulog.


I-I know what happened to Dan is sad, b-but you can't stop living because of it. We all love Dan, anak.” malungkot paring saad ni Brenda. Noong una ay akala niya na hindi parin siya papansin ni Mike kaya naman laking gulat niya ng bigla itong humarap sa kaniya at iniyakap ang sarili na miya mo isang batang nagsusumbong sa ina.


0000oo0000


Apat na araw nang nakahiga si Mike sa kaniyang higaan ngunit wala naman siyang maayos na tulog sapagkat paulit-ulit paring tumatakbo sa kaniyang isip ang mga ilan sa mga nangyari noong birthday ni Dan maliban doon ay hindi rin siya pinapatahimik ng kaniyang konsensya. Apat na araw siyang hindi makakain sapagkat sa sarili niya mismo ay nandidiri siya sa kaniyang mga ginawa, apat na araw siyang hindi makabangon sapagkat apat na araw narin niyang hinihiling na makatulog na lang ng walang masasamang ala-ala mula noong birthday ni Dan ang pumasok sa kaniyang isip at mamatay na lang sa kaniyang pagtulog upang matapos na ang lahat.


Anak.”


Ito pa ang isang bumabagabag kay Mike. Hindi alam ng kaniyang mga magulang na isa siya sa mga gumawa ng kahayupan na iyon kay Dan, hindi niya masabi sa mga ito dahil sa takot na kamunghian siya ng mga ito, hindi niya masabi na hindi lang dahil nalulungkot siya sa nangyari kay Dan kaya siya nagkakaganoon kundi dahil hindi parin siya makapaniwala sa kaniyang nagawa.


Nagawa kay Dan na isa sa pinaka importanteng tao sa kaniyang buhay. Ang naisip niyang ito ay naging dahilan ng kaniyang lalong paghagulgol habang nakayakap sa ina.


Your Dad and I will go and check your tita Lily tomorrow if she's OK. I think you should come with us.”


Pabulong itong sinabi ni Brenda pero hindi nakaligtas kay Mike ang tono nito na alam niyang hindi siya makakahindi sa gusto na ito ng ina.


0000oo0000


Kinabukasan, hindi rin nakahindi si Mike sa gusto ng ina na siya'y muli ng pumasok sa skwelahan. Nanlalambot ay kinain niya ang ilang bahagi ng kaniyang agahan, naligo katulad noong araw matapos ang birthday ni Dan, naka ilang sabon, shampoo at banlaw, kung hindi pa siya kakatukin ni Brenda ay baka hindi pa siya tumigil sa kakakuskos at mabigat ang loob na naglakad palabas ng bahay at sumakay ng jeep.


Habang asa biyahe ay hindi maiwasan ni Mike ang manliit. Iniisip na ang bawat mapatingin sa kaniya ay alam ang masamang bagay na kaniyang ginawa kasama sina Melvin, Mark at Dave kay Dan. Kahit hindi masyadong maalinsangan ay butil butil siyang pinagpapawisan, hindi mapalagay ang kaniyang loob.


Hindi rin napigilan ni Mike ang malungkot. Kung dati-rati kasi ay magkatabi sila ni Dan sa dyip, masayang nagkukuwentuhan ngayon siya na lang mag-isa sa dyip, inuusig ng sariling kunsensya at pinapatay ng sariling paranoya.


Nang makarating sa skwelahan ay lalong hindi mapigilan ni Mike ang malungkot at mapraning. Bawat sulok ay nakikita niya ang mukha ni Dan, ang upuan na minsan nitong inupuan, ang locker na madalas nitong tambayan, ang classroom na gustong gusto nitong pasukin dahil sa lamig ng aircon, ang libro na huli nitong binasa at ang lamesa na huli nilang kinainan. Bawat estudyante na kaniyang nakakasalubong na masiglang bumabati sa kaniya ay lalong nakaubos ng kaniyang hiya at respeto sa sarili, iniisip na ang mga taong ito ay ginagalang siya dahil hindi alam ng mga ito ang kaniyang ginawa sa kaniyang matalik na kaibigan.


Nang hindi na nakaya pa ni Mike ang mga nakakadalang nararamdamang ito ay mabilis siyang pumasok sa isang C.R. at humarap sa salamin. Hindi maikakaila na may dinadala itong problema base sa repleksyon na makikita sa salamin. And dati nitong mga mata na puno ng buhay, ngayon ay malamlam na, ang magagandang kulay ng mga mata, ngayon ay mapupula na, hindi rin makakaligtas sa kung sino mang titingin sa kaniya ng mabuti ang malalaking eyebags sa ilalim ng mga mata nito at ang pagbaba ng timbang nito isama na ang pagbagsak ng balika nito na miya mo nalugi sa negosyo at ang panlalambot nito.


Tumungo saglit si Mike, binuksan ang gripo, sumahod ng tubig at naghilamos. Pilit binubura ang kaniyang pagkapraning at binibingi ang sarili sa pangongonsensya sa sarili.


Ngunit kahit ilang magkadikit na ouno ng tubig na mga palad pa ang kaniyang ihilamos sa sarili, hindi parin niya mahugas-hugasan ito.


0000oo0000


Mike, anong nangyari sainyong apat bakit absent kayo nitong mga nakaraang araw?” tanong ng isang kaklase ni Mike nang makita siya nitong paupo sa silyang madalas niyang inuupuan para sa subject na iyon katabi si Dan.


Ito pa ang isa sa iniiwasan ni Mike. Ang mga tanong ng kanilang mga kaklase, pagkatungtong na pagkatungtong niya pa lang sa kanilang skwelahan ay alam na niya agad na wala pang alam ang kanilang mga kaklase sa nangyari kay Dan, ngunit hindi niya naman inaasahan na maging si Mark at Dave ay hindi parin pala pumapasok.


Huh?” wala sa sariling tanong ni Mike kahit pa naintindihan naman niya ang tanong ng kaklase.


Sabi ko, ikaw, Mark, Dave at Dan tatlong araw kayong absent tapos yung tatlo pang-apat na araw na nila 'tong absent. Ganun ba talaga kasaya nung party at ganyan katagal kayong may hang-over?” tanong ulit ng kaklase ni Mike, hindi magawang sumagot ni Mike dahil pagkarinig na pagkarinig niya pa lang ng mga salitang “hang-over” ay hindi muli niya napigilan ang sarili na alalahanin muli ang mga nangyari noong gabing iyon.


Napapikit si Mike, muling pinawisan ng malamig, nagbutil-butil ang pawis sa noo at nagsimula na muling bumabaw ang paghinga.


Mike, OK ka lang? Tingin ko kailangan mo pang magpahinga, siguro mas maganda kung hindi ka muna pumasok tulad nila Mark, Dave at Dan.” saad muli ng kaniyang kaklase. Hindi na sumagot pa si Mike, nakuwa naman ng kaniyang kaklase ang nais niyang mangyari kaya naman pinabayaan na siya nito ngunit hindi nito mapigilan na muling lingunin si Mike bago makarating sa sariling upuan at nagtatakang tignan.


Pinakalma ni Mike ang sarili. Nang medyo kumalma na siya, ay saglit niyang nilingon ang paligid, tinitignan kung sino ang maaaring nakasaksi sa nangyari, muli siyang bumuntong hininga, ngunit imbis na kumalma ay lalo siyang hindi mapakali, lalo pa't nadaanan ng kaniyang mga mata ang isa sa mga tahimik nilang kaklase.


May pinaghalo-halong galit, pagkadismaya at pandidiri ang tingin nito sa kaniya. Tingin na madalas mong makikita sa mga taong mapanghusga, ngunit ang tingin na ito ay hindi lang tingin ng isang taong mapanghusga dahil ang tingin nito ay nagpapahiwatig na may alam siya na hindi alam ng ibang tao. Tingin na tila ba ang pinakatatago-tago mong sikreto ay alam nito.


Hindi mapigilang mapraning muli ni Mike.


Lalo pa't mukhang may alam nga si Martin na abala parin sa pagtitig sa kaniya mula sa kabilang panig ng classroom na iyon.


0000oo0000


Pakiramdam niya ay panaginip lang lahat ng nangyayari habang tahimik silang naglalakad ng kaniyang ina sa maputi, tahimik at mahabang hallway ng ospital na iyon, hindi maikakaila ang lungkot at pagaalala sa mukha ng kaniyang ina samantalang siya naman ay pilit niya paring pinapakalma ang sariling puso mula sa mabilis na pagtibok nito at ang sariling sikmura na ilabas lahat ng kaniyang nainom at nakain noong nakalipas na gabi.


Napatigil si Brenda nang makita niya ang kaniyang kaibigan at halos mapako naman sa pagkakatayo si Mike nang makita nila ang isang babae na lumuluhang kinakausap ang isang doktor, isa na iyon sa hinihintay ni Mike na senyales, na hindi biro ang mga nangyayari, na totoo ang masamang balita na kaniyang natanggap, na hindi siya nananginip.


Lily.” tawag ng kaniyang ina sa umiiyak na babae na kausap ng duktor.


Brenda!” umiiyak paring sigaw ng babae na tinatawag na Lily at mabilis na nilisan ang tabi ng duktor upang yakapin si Brenda na kaniya ngayong pinaghuhugutan ng lakas ng loob.


W-what happened?” umiiyak naring tanong ni Brenda.


I-I d-don't know. They said he w-was attacked-- h-he's still not w-waking up.” umiiyak na sagot ni Lily. “Why is he not waking up?” pahabol na tanong ni Lily sa duktor na noon ay tila ba dalang dala narin sa ipinapakitang emosyon ng dalawang babae sa kaniyang harapan.


As I've said, yung pong anak niyo ay inoperahan namin---” simulang pagpapaliwanag ulit ng duktor ngunit hindi na ito inintindi pa ni Mike, abala kasi siya sa pagpigil ng kaniyang mga luha sa pagtulo habang sinisipat sa maliit na salamin ng pinto ng kwarto kung saan may nakaratay na isang binatang lalaki. Wala siya sa sariling pumasok sa loob ng kwarto kahit pa malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi parin mapalagay ang kaniyang sikmura. Hindi siya makuntento sa pagsilip lamang sa maliit na salamin sa may pinto, para kasi sa kaniya ay panaginip parin ang nangyayaring iyon.


May iba-t ibang makina na nakakabit sa binatilyong nakahiga sa kamang iyon pero hindi ang mga makinang iyon ang nakakuwa sa pansin ni Mike kundi ang mga nagsisimulang pasa at galos sa maamong mukha ng binatilyo at ang mga benda na nakabalot sa mga sugat nito.


Tila ba pinukpok siya sa ulo ng tadhana dahil sa wakas ay rumehistro na sa kaniya na hindi isang masamang panaginip ang nangyayaring iyon katulad ng kaniyang ipinapanalangin. Dumagdag sa mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at nagaalburutong sikmura ang ilang matatabang luha na malaya ng tumulo mula sa kaniyang mga mata at ang panginginig ng kaniyang buong katawan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaliwang kamay ng binatilyong nakahiga at umupo sa tabi ng kama nito.


Danny.” bulong ni Mike sabay marahanng pinisil ang kamay ng huli.


Kasabay ng ginawang ito ni Mike ay ang pagtunog ng ilan sa mga makinang nakakunekta kay Danny na tila ba nagsasabi na huwag itong galawan ng binatilyo, pero hindi natinag si Mike.


Danny.” tawag ulit ni Mike sa binatilyong nakahiga na puno ng galos at sugat ang katawan sabay yumuko at inihilig ang sariling ulo sa matigas na kutyon ng kamang iyon, ginagawang unan ang kamay ni Danny habang pilit pinapatahan ang sarili at nililinaw ang sariling isipan.


Patuloy lang sa paghikbi si Mike nang makaramdam siya ng marahang paggalaw mula sa kamay na kaniyang hinihiligan. Agad na nagtaas ng tingin si Mike, nakita niya ang pagngiwi ni Danny na tila ba nakakaramdam na ito ng paunang sakit.


Danny?” tawag muli ni Mike.


Ilang saglit pa ay dahan-dahang ibinukas ni Danny ang kaniyang mga mata. Sinanay pa muna nito ang mga mata sa liwanag ng kuwartong iyon at nang nagtama ang tingin ni Mike at Danny ay tila ba tumigil ang mundo ni Mike, hindi alam ang gagawin at nagaalala sa mga susunod na mangyayari. Noong una ay tila nangingilala pa si Danny pero noong maglaon ay unti-unti ng rumehistro sa mukha nito ang pinaghalo-halong sakit, galit at takot.


No. Please, No!” nanghihina at nagpapanic na saad ni Danny.


Agad na napatayo si Mike at tila ba napako na doon. Hindi parin alam ang kaniyang gagawin. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalong nagalburoto ang kaniyang sikmura at lalong dumaloy ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


No! Please!” pasigaw ngunit garalgal na saad ni Danny.


Danny---” tawag pansin ni Mike.


No!” sigaw muli ni Danny sabay taklob ng kaniyang mga kamay sa mukha na ikinahugot ng swero nito at ng ilang makina na nakakabit sa katawan nito.


Danny, it's me Mikee.” nagmamakaawa ng saad ni Mike habang nakapako parin siya sa kaniyang kinatatayuan at habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha nito.


No! Please! No!” tuloy tuloy na sigaw ni Danny, hindi na natiis pa ni Mike at pinilit niyang makagalaw at lapitan si Danny upang pakalmahin ito. Ngunit ng dumapi ang kaniyang kamay sa balikat ni Danny ay mabilis itong tumalon palayo kay Mike na tila ba nakakapaso ang mga hawak ng huli. Isiniksik ni Danny ang sarili sa sulok ng kwarto, unti-unti ng napupuno muli ng dugo ang mga gaza sa tumatakip sa ilan nitong mga sugat at dumudugo nadin ang pinaghugutan ng swero nito.


Ang itsura na ito ni Danny na takot na takot kay Mike na akala mo isa isa itong salot sa lipunan ay nagtulak kay Mike na ilabas na rin ang kaniyang dinaramdam bago pa man sila pumunta ng ospital. Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso, mas lumala ang pagpapawis niya ng malamig at isinuka na niya ang kanina pang ikinaaalburoto ng kaniyang sikmura.


Ganitong tagpo ang inabutan ni Brenda, Lily at duktor na narinig ang pagsigaw ni Danny. Agad na lumapit ang duktor at si Lily kay Danny at si Brenda naman kay Mike.


What happened?” ang tanong na ito ng kaniyang ina ang gumising kay Mike. Wala sa sarili niyang inihakbang ang kaniyang kanang paa at tumatakbong nilisan ang kwartong iyon ni Danny.


Hindi pinapansin ni Mike ang pag-tawag ng kaniyang ina, ang tangi niya lang gusto ay makalayo mula sa lugar na iyon, kaya't patakbo niyang tinahak ang mga hallway hanggang makalabas siya ng ospital, walang pakielam sa paninita ng ilang nurse o kaya naman kung may nakakakita ng kaniyang mukha na basang basa na dahil sa luha.


I'm sorry.” paulit ulit na bulong ni Mike sa sarili habang patuloy parin sa pagtulo ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


Nakalabas na ng Ospital si Mike at patakbong tinawid ang kalsada papunta sa katapat na park nang biglang may sumulpot na rumaragasang kotse.


0000oo0000

Hindi pa man nakakatagal ng limang segundo nang i-lock ni Obet ang kanilang sasakyan sa parking lot ng ospital ay nakita na niya ang kaniyang anak na tila ba balisang balisa at may apoy na humahabol ditong tumatakbo palabas ng ospital. Matapos ang masamang balita na natanggap nila na nangyari sa kaniyang itinuturing na pangalawang anak na si Dan ay hindi na niya mulign nakita ang masiyahin at puno ng buhay na anak. Pumalit dito ang tila ba balisang balisa at puno ng problema na si Mike.


Wala sa sarili niyang itong sinundan at hindi siya nagsisi sa ginawa niyang ito dahil kung hindi ay...


BEEEEEEEEEP!”


Mabilis na tinakbo ni Obet ang malaking espasyo sa pagitan nila ng kaniyang anak. Itinulak ito palayo sa harapan ng rumaragasang kotse.


0000oo0000


Humihingal ang mag-ama habang nakahiga pa sa maduming kalsada. May mga ilang na umuusyoso ngunit ng tumayo si Obet at nang tulungan nito si Mike patayo ay unti-unti ng umalis ang mga ito. Niyakap ni Obet, ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buo nitong katawan, ang malamig nitong balat ngunit pinagpapawisang maigi at ang paghikbi nito.


Alam niyang may bumabagabag sa anak ngunit hindi niya ito pipiliting magsabi sa kaniya, iintayin niyang kusa itong magsabi sa kaniya.


Hey, kiddo. What did I tell you about crossing the street without looking to your right and left?” mahinahong tanong ni Obet sa anak ngunit hindi ito sumagot, bagkus, lalo pa niyang naramdaman ang paghigpit lalo ng yakap nito sa kaniya.


Want to talk about it?” tanong ni Obet.


Tumigil sa paghikbi si Mike at kumalas sa pagkakayakap sa kaniyang ama at marahas na umiling na lalong nakapag paalala kay Obet.


I'm sorry--- I'm sorry....” sunod- sunod na saad ni Mike sabay patakbong lumayo sa ama.


Wait!” habol ni Obet sa anak, ngunit nung maglaon ay naisip na lang nito na hayaan ang anak, alam niya kasing hindi magtatagal ay kakausapin na siya nito.


0000oo0000


No! Please! No!”


Hindi parin tumitigil si Mike sa kakaiyak kahit ilang minuto na siyang naglalakadlakad. Paulit ulit ang mga tagpo noong birthday ni Dan at dumagdag pa ang tagpo sa ospital may ilang oras lang ang nakakaraan.


Wala sa sariling napa-upo si Mike sa isang bench sa kalapit na parke ng ospital na kinaroroonan ni Dan at kaniyang mga magulang. Masamang masama parin ang kaniyang pakiramdam, tila ba hindi kaya ng kaniyang utak ang mga nakita sa ospital lalong lalo na ang takot na takot sa kaniyang si Dan. Ang mga pasa, galos, dumudugo paring mga gasa na nakatakip sa mga malalalim na sugat ni Dan ay kaniya ring hindi makalimutan hanggang siya ay nabubuhay.


Oh God, what have I done?!” umiiyak paring tanong ni Mike sa sarili sabay takip ng kaniyang mga palad sa sariling mukha.


Ngunit ang pagtatakip na iyon ng kaniyang mukha ay hindi napigilan ang sigaw ng ilang mga nagkakasiyahang kabataan na makuha ang kaniyang pansin. Kung kanina sa ospital ay nanlalamig na ang buong katawan ni Mike, ngayon lalo pa itong nanlamig.


Mark. Dave.” saad ni Mike sa sarili nang makita niya ang kadadaan lang na kotse ni Melvin sa kalsada malapit sa parke na kaniyang kinauupuan.


Hindi alam ni Mike kung paanong ang kanina lang na nanlalambot at lungkot na lungkot niyang nararamdaman ay napalitan ng galit matapos niyang makita ang tatlo na nagkakasiyahan.


Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas at kagustuhan niyang pumatay dahil sa sobrang galit.


Itutuloy...


Against All Odds 2[6]
by: Migs

Comments

  1. Pasensya na po sa matagal na hindi ko pag-update. Alam niyo na po ang dahilan kung bakit. Maraming Salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aking post. Sana po ay hindi kayo magsawa. Ihinihiling ko lang po doon sa aking mga bagong mambabasa, nais ko po sanang humiling na maliban sa pagco-comment ay paki follow narin po ang aking blog. Salamat! :-)

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Keantoot: nope, hindi siya nahuli ng pulis dahil sa bagansya.

    Jjohn-el: maaayos din ang lahat. Tiwala lang. :-)

    Edmond: I was planning to post the third series of AAO. Another hardcore drama, kaso mukhang ayaw niyo naman ata, mas gusto niyo ata yung masaya.

    Rascal: Nope, Dan is in the hospital.

    Lawfer: What did he do indeed? :-)

    Frostking: sorry sa medyo mabagal na pag post. :-)

    -makki-: nope, asa ospital siya.

    Rom: thanks, pa follow din ah. And pa endorse tong blog ko sa iba. :-)

    Lexin: Thanks! :-)

    WaydeeJanYokio: Salamat! Paki endorse narin 'tong blog ko sa iba at paki follow nadin. :-)

    Lynx Howard: wag masyadong masungit at malungkot. :-) Baka sisihin pa ako ng mga kasama mo sa bahay. :-) Pa-follow narin ang pa-endorse sa iba itong Blog ko. Salamat!

    AR: may kwento ka ng sarili, ah. Haha!

    SuperKaid: oxygen lang ang kailangan mo habang hindi pa ako nagpo-post para naman hindi ka magka-brain damage. Haha!

    ANDY: Sana sa susunod di mo na makalimutan yung i-co-comment mo. Haha! :-)

    calle 'aso: sorry at nastr-stress ka sa story. :-)

    Anonymous November 7, 2012 6:40pm: pakilala ka sa susunod ah para mapasalamatan naman kita ng maayos. Salamat! :-)

    rober-mendoza: opo buhay pa po siya. :-)

    russ: Salamat! :-)

    adik_ngarag: haha! Naabutan mo din yung calvento files?

    MoonSungMin: Wlcome back! :-) kalma lang! :-)

    Mr. Brickwall: nabasa ko po, bakit ayaw niyo ng AAO?

    Marlon Lopez: hindi siya nakauwi dahil po nasa ospital siya.

    -M: Salamat. Pa follow na lang po ng blog ko and paki endorse sa iba. Salamat! :-)

    rascal: Wait and see po sa mga next na chapter. :-)

    riley delima: isako talaga? Hahaha!

    Foxriver: pinipilit kong magupdate regularly, believe me. Kaso di kaya eh. Masyadong madaming ginagawa.

    Ryge Stan: curse all you want. Libre naman yan. :-)

    akosichristian: basahin niyo po ang Author's note sa epilogue ng AAO1 malalaman niyo kung bakit talagang walang panama ang AAO1 dito sa AAO2, though mukhang best seller din ang AAO1 :-)

    Anonymous November 11, 2012 11:50am: pa iwan po ng pangalang para mapasalamatan ko kayo ng maayos, pa-follow nadin po at paki endorse ang blog ko. Salamat! Masyado ng mahaba at marami ang exposure ni Cha, kaya tama na po. Hehehehe! Lalabas din siya soon. :-)

    GLITTERATI: Thanks! Akala ko hindi mo nagustuhan? :-)


    SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. SANA PO PAKI ENDORSE ANG BLOG KO SA IBA NIYONG MGA KAIBIGAN. SALAMAT ULIT! :-)

    ReplyDelete
  2. First post uli hahaha!

    Wala lang, naalala ko lang kasi yung previous stories mo eh. Kakamiss din kasi. (Ehem Different Similarities 1 & 2, ehem Breakeven 1 & 3.. ehem eto mga favourite stories ko sa collection mo.. Hehehe!)

    Pero, we appreciate naman kung ano ang ihain mo sa 'min dahil pinaghandaan mo naman talaga stories mo. =)

    So finally na-connect na ang prologue sa main story. Buti naman at di nadisgrasya si Mike. I wonder if he'll proceed with his plan for vengeance.

    - Edmond

    ReplyDelete
  3. Bawat chapter kuya migs malaman, masabaw! Magaling!! Grabe ag ganda talaga.

    ReplyDelete
  4. haha..kinabahan ako akala ko maaksidente ai mikee...bt di pa nakukulong sila mark...mukha ngang my alam si martin...naku grabe nakakiyak tlga kuya migs promis
    -M

    ReplyDelete
  5. tama lang lang yan mike ung mkonsenya ka....walang kpatawan ung ginawa........pero ika nga c lord nga nagpapatawad c danny pa kaya?pero tingin ko mtatagalan pa bgo ka mpatawad ni danny.........

    ReplyDelete
  6. Yes!back to back..salamat Migs :))

    oo Migs masarap silang isako kasi sobrang salbahe!di ko na mahintay kung paano maka get even si Danny sa kanila..grabe kasi naman pahirap nila kay danny..yun tayo affected lang haha!




    ReplyDelete
  7. -hehehe.. hindi nman nila alam na nagbabasa ako ng blog mo kuya migs. xD

    *sigh* nakakaawa si mike.. :(
    sa tingin ko, si martin ang magiging conflict dito sa love story nila dan. and for dan, MAGHIGANTI KA SA M.M.D.!!!! >.<
    mga DEMONYO sila, di na naawa sa bida. prang gusto kong mag abroad muna si dan pra mkalimot, at the same time, mkagawa ng plano pra magdusa ang MMD pagbalik nya. hehe.. sorry kuya, medyo harsh ang sinabi ko sa MMD. :D

    nakakadala tlga. at ang galing mo tlga sa pagsulat kuya. :D

    ReplyDelete
  8. sarap patayin ng tatlo lalong lalo na si melvin..pag ako nka incounter ng ganyang klasing bakla tsugi yan sakin..lentik lang walang ganti..

    LordNblue

    ReplyDelete
  9. grabe tlaga ang pingdaanan ni DAN, PAANO KAYA MAGKAKAAUZ ANG MAG BESTFREND GANUN MUKHANG NAGING TRAUMATIC ANG NANGYARI KAY DAN. HAIZT NAMAN KC.

    ReplyDelete
  10. pano kaya maibabalik sa dati ang pagsasamahan nila? hmmmmm... kakaiba ka talaga migoy! idol! naawa ako kay danny.. at naawa na medyo nadismaya kay mikee... (*_,*)

    ReplyDelete
  11. Author Migs!

    Sorry naman, nadadala na ko story mo gustong gusto ko to promise! Justice for Danny!!

    haha..ayos back to back! worth waiting :D

    ReplyDelete
  12. nice, migs! back to back na ulit!!!

    oo, naabutan ko yung calvento files pero bata pa ako nun. hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]