Against All Odds 2[8]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
mapigilan ni Dan ang muling mapasigaw habang paulit ulit siyang
sinusuntok nila Mark at Dave. Paulit-ulit na ginagahasa. Paulit-ulit
na binababoy. Sinubukan niyang sumigaw ng tulong pero walang
nakakarinig sa kaniya dahil natatabunan ito ng malakas na tugtog ng
mga speaker sa ibabang bahagi ng bahay. Sinubukan niya muling pumalag
ngunit isang sipa at isa pa ulit na suntok ang kaniyang natanggap
mula sa dalawa.
Pinupunit
na kalamnan, mga nababaling buto at ang pwersahang pagpasok ng hindi
niya malamang mga bagay sa kaniyang puwitan ang muling isinasabuhay
ni Dan...
“Nooo!”
sigaw ni Dan sabay napaupo mula sa kaniyang pagkakahiga.
Iginala
niya ang kaniyang mga mata. Nakita niyang wala siya sa madilim at
makalat na kwarto ni Melvin. Nakita niyang asa isa siya ngayong
kwarto na nababalot ng malilinis at mapuputing pader. Nakita niya ang
kaniyang ina na mukhang pagod na pagod na natutulog sa isang upuan
hindi kalayuan sa kaniyang higaan.
Muling
ihiniga ni Dan ang sarili sa malambot na kama ng ospital na iyon kung
san siya kasalukuyang naka-admit at hindi mapigilan ang mapaiyak.
Alam niya kasi na habang buhay siyang uusigin ng alaala ng gabing
iyon. Alam niyang habang buhay niyang isasabuhay ang kalunoslunos na
mga tagpo noong gabing iyon.
Pinahiran
niya ang ilang luha sa kaniyang pisngi at wala sa sariling napadako
ang tingin sa may pinto. May isang anino na nakasilip sa maliit na
bintana ng kwartong iyon.
Agad
na nakaramdam ng ibayong takot si Dan. Muli, sa ikailang
pagkakataon, nakaramdam ng takot para sa sariling buhay si Dan.
000oo000
Kitang-kita
ni Mike ang takot sa mga mata ni Dan nang magising ito mula sa
masamang panaginip. Kitang-kita niya kung paano iginala nito ang mga
mata at siguro nang masigurong nanaginip lamang siya ay nagpakawala
ito ng isang malalim na hininga. Alam ni Mike na maaaring
isinasabuhay ng kaniyang nakaka-awang kaibigan ang sinapit nito sa
kanilang mga kamay noong gabi ng birthday nito. Bagay na lalong
nakapagpabigat sa kaniyang loob.
Pinanood
niya si Dan na nanlalambot na inihiga ang sarili sa higaan, walang
duda na umiiyak ito, bagay na nagtutulak kay Mike na pumasok sa
kwarto, yakapin ito at pagaangin ang loob katulad ng kaniyang
nakasanayang gawin noon, pero pinanghihinaan parin siya ng loob. Ayaw
niyang makita muli ang takot sa mga mata ng kaibigan na tila ba isa
siyang mamamatay tao.
Saglit
pang pinanood ni Mike ang tumatangis na si Dan pero noong oras na
napagawi ang tingin ni Dan sa kaniyang kinatatayuan ay agad siyang
nagtago sa may gilid upang hindi na siya matanaw ni Dan sa maliit na
bintana sa may pinto ng kwarto nito, sumandal siya sa pader sa tabi
ng pinto at paulit-ulit na inuntog ang sarili dito. Gustong gusto na
niyang patakbong umalis sa lugar na iyon hindi dahil natatakot siya
na isumbong siya ni Dan sa kaniyang tita Lily kundi dahil kitang-kita
niya ang sakit, takot at galit mula sa mukha ng kaibigan dahil sa
kaniyang pagpapakita doon. Bagay na paulit-ulit na pumipiga sa puso
ni Mike.
000oo000
Narinig
niya ang muling pagwawala ni Mike sa loob ng kwarto. Ang pasigaw na
paghingi nito ng tulong. Hindi nagtagal ay isa-isa ng nagmamadaling
dumating ang mga nurses at duktor at mabilis na tumabi sa higaan ni
Dan. Pilit itong pinapakalma.
“Please,
tama na. Ayoko na. Huwag niyo na akong saktan, please.” paulit ulit
na narinig ni Mike sa kaniyang kinatatayuan na ikinapako nito doon.
Gustong-gusto
na ni Mike na umalis sa kaniyang kinaatayuan pero tila ba hinigop ng
pagmamakaawang iyon ni Dan ang lahat ng kaniyang lakas kaya naman
naabutan siya ni Lily nang lumabas ito sa kwarto dahil hindi rin nito
makuwang tignan ang takot na takot na anak. Gulat na gulat na
tumingin si Mike dito. Tila nadagdagan ng sampung taon ang edad nito
na siyang lalong nagpalungkot kay Mike dahil alam niyang isa siya sa
mga nagdulot nito. Nakita niya itong nagmamadaling lumapit sa kaniya
na tila ba mananampal. Wala sa sariling ipinikit ni Mike ang kaniyang
mga mata, inihanda ang sarili sa malutong na sampal na alam na alam
niyang dadapo sa kaniyang pisngi.
“I'm
sorry!” paiyak na sabi ni Mike, ngunit imbis na malutong na sampal
ang kaniyang natanggap, isang kumakalingang yakap ng isang ina ang
kaniyang naramdaman.
“I'm
not blaming you. Your Mom told me that you haven't been yourself
these past few days and that she thinks that you've been blaming
yourself for what happened. I'm not blaming you, OK? Mark and Dave
told me that they took you home and that you left the party before
midnight because you're not feeling well and that Dan wanted to stay
for a little longer---” simula ni Lily, ngunit ang mga sumunod na
nitong sinabi ay hindi na narinig pa ni Mike.
Hindi
siya makapaniwalang nai-ahin na nila Mark at Dave ang kasinungalingan
para sa kaniya. Gustong-gusto na niyang sabihin kay Lily ang totoo,
ngunit natalo ng kagustuhang iyon ng mapag-arugang yakap ng huli,
isang bagay na alam niyang hindi niya kakayaning mawala. Alam niyang
mawawala ang kaniyang tita Lily na siyang itinuring na niyang
pangalawang ina sa oras na umamin siya. Katulad ng pagkawala ni Dan
ay hindi niya rin kayang mawala ang kaniyang tita. Umiiling na
humakbang palayo mula sa yakap ni Mike si Lily, iniisip kung gaano
siya ka makasarili.
“Tama
na. Ayoko na.” nanlalambot at paulit ulit paring sabi ni Dan habang
inieksamen siya ng mga nurses at duktor sa loob ng kwarto na nagdulot
kay Mike na kalimutan ang lahat ng kaniyang iniisip at nais gawin.
Wala
sa sariling napagawi ang tingin ni Mike sa pinanggagalingan ng boses
ni Dan. Ilang matatabang luha ang umalpas mula sa mga mata nito na
hindi naman nakaligtas kay Lily. Sa kaniyang pakiwari ay pareho ang
sakit na nararamdaman ng dalawang bata na itinuring na niyang pareho
niyang anak, isang bagay na lalong nagpalungkot sa kaniya lalong lalo
pa na katumbas ng galit at sakit na nakikita niya sa kaniyang anak ay
ang galit, sakit at pangongonsensya naman sa sarili sa mukha ni Mike.
“Dave, please.”
“Dave, p-please.”
“Mark, tama na! Tama na!”
Napapikit si Mike sa kaniyang naalala na iyon, ang mga hinagpis ni Dan noong gabing iyon ay hindi parin nakakalimutan ng kaniyang isip. Kahit pa mahigpit ang pagkakapikit ay hindi parin niya napigilan ang mga sariling luha sa pagbagsak, kasabay ng mga luhang iyon ay ang muling pakiramdam na tila ba pinipiga ang kaniyang puso.
Ngayon, sigurado na siya na habang buhay ng nawala sa kaniya ang pagkakaibigan ni Dan at wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili.
“Please don't give up on him. He needs you, Mikee.” pagmamakaawa ni Lily na lalong dumurog sa puso ni Mike. Alam niyang hindi magtatagal ay pati ang kaniyang tita Lily, na itinuring niyang pangalawang ina ay di maglalaon ay katulad din ni Dan na mawawala sa kaniya kahit anong pagtatago pa sa katotohanan ang kaniyang gawin.
“Trust me tita, you wouldn't want me around either.” bagsak balikat na sagot ni Mike sabay lakad palayo mula sa nagtatakang si Lily na siya namang pilit iniintindi ang sinabi ni Mike.
0000oo0000
“Did
you talk to Dan?” tanong ni Mark sa nakatulalang si Mike. Tinignan
saglit ni Mike ang kaniyang dating kaibigan, hindi parin makapaniwala
sa pagiging makasarili ng mga ito.
“I did---” simula ni Mike pero nang sumagi ulit sa kaniyang alaala ang reaksyon ni Dan, ang takot sa mga mata nito na dati'y punong-puno ng pag-asa at kasiyahan, ang kagustuhan nitong makalayo sa kaniya na miya mo ito mamamatay tao at ang pagmamakaawa ni Dan na tila isang batang walang kalaban kalaban ay nag-patigil kay Mike sa pagsasalita.
“What did he say? Is he going to rat us out?” pagpupursiging tanong ni Dave. Naluluhang mata na tinignan ni Mike ang dalawa.
“P-pumunta ako sa ospital kahapon, kakausapin ko sana siya pero nung makita niya ako---” pumipiyok at pabulong na simula ni Mike sabay iling, pilit na inaalis ang masakit na tagpo na naganap nung muli silang nagkita ni Dan.
“---di n-niyo nakita kung pano siya nagwala nung makita niya ako. N-nasakatn natin siya. K-kitang-kita ko sa mga mata niya.” malungkot na dugtong ni Mike na ikinabahala ni Mark at Dave.
“Hindi mo siya naka-usap?” nagaalalang tanong ni Dave. Umiling ulit si Mike.
“G-gustong gusto na n-niyang makalayo s-sakin--- H-hindi ako makalapit sa kaniya.” umiiling parin na sabi ni Mike.
“You leave us with no choice, Mike. Kailangan naming sabihin 'to sa parents namin. I will not go to jail, Mike!” singhal ulit pero nagaalalang sabi ni Mark sabay talikod at nagmamadaling naglakad pauwi.
“Dave, p-please. M-masyado na natin siyang nasakatan. H-huwag niyo nang gawin 'to ni Mark. P-please.” pagmamakaawa ulit ni Mike kay Dave na naiwan kasama niya na siyang binabalot parin ng pagkabahala ang buong pagkatao. Gusto niyang tulungan si Dan at si Mike, ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganito kaya't alam niyang nagsasabi ito ng totoo pero gaya ni Mark ay natatakot din itong makulong at higit pa doon ay madungisan ang pangalan ng kaniyang ama na respetadong abogado.
“I'm sorry.” pabulong na sagot ni Dave sa umiiyak na si Mike, umaasa na ang pagtalikod niyang ito sa katotohanan ay hindi niya habang buhay na pagsisisihan.
0000oo0000
“Are you sure about this, Danny?” nagaalalang tanong ni Lily sa nakaratay parin na anak bago pagbuksan ng pinto ang mga pulis na kanilang inanyayahan upang pormal na mag-file ng kaso. Nanghihinang tumango si Dan bilang sagot, napagdesisyunan niyang ibibigay niya na ang pangalan ng mga dati niyang kaibigan bilang mga kriminal na gumawa sa kaniya noon, napagdesisyunan niya rin na mas nakabubuting kasabay na lamang malaman ng kaniyang ina at mga pulis ang totong nangyari. Pero nang buksan ni Lily ang pinto ay hindi mga pulis ang sumalubong sa kanila kundi dalawang babae na may magagarang suot at dalawa ring lalaki na hindi rin papahuli sa gara ng suot mula sa dalawang babae na kasama ng mga ito.
“Good morning, Mrs. Arellano, Dan.” bati ng isang lalaki na naka coat and tie. Pamilyar ang lalaking ito kay Dan pero hindi niya maisip kung saan niya ito nakita o nakilala.
“Good morning. Ano pong maipaglilingkod ko sa kanila?” magalang na tanong ni Lily kahit pa hindi siya mapalagay sa presensya ng apat na taong iyon.
“I'm Marcus Ricafrente---” simulang pagpapakilala ng lalaking naka coat and tie habang hindi inaalis ang tingin sa nanghihinang si Dan. Tila naman may bell na kumalembang sa ulo ni Dan at natandaan niya agad kung saan niya nakita ang apat na taong iyon.
“You're Mark and Dave's parents.” pabulong na sabi ni Dan, kasabay nang realisasyon na iyon ay ang pag-bilis ng kabog ng dibdib ni Dan.
“Your son did this to me.” malamig na bulalas ni Dan habang nagsisimula ng mangilid ang luha na ikinagulat ni Lily at ng mga magulang nila Mark at Dave.
“Mark at Dave?” naguguluhang tanong ni Lily sa umiiyak at nanginginig na muling anak.
“I'll be careful if I we're you, son---” pagbabanta ng babae na nakilala ni Dan bilang ina ni Dave.
“I'm telling you the truth! Mark, Melvin, Dave and M-Mike did this to me!” pasigaw na sabi ni Dan na siyang sumaid ng kakapiranggot niyang lakas. Di makapaniwala si Lily sa kaniyang mga naririnig, lumapit siya sa anak at inalo ito.
“I think we should talk to you alone, Mrs. Arellano.” sabat ng ama ni Dave na nagplaster ng pekeng pagaalala sa mukha.
“No!” sigaw ni Dan sabay paling ng pansin sa ina at nagmakaawa dito.
“Ma, please, believe me. It was them---”
“Mrs. Arellano.” tawag pansin ng ina ni Mark kay Lily, tumango ito at sinundan ang apat sa hallway at iniwan mag-isa ang umiiyak na si Dan sa kama nito.
000ooo000
“Mrs. Arellano, we are not going to sue your son with libel if you keep him quiet---” simula ulit ng ama ni Mark nang mapansin nitong hindi nakikinig si Lily sa kaniyang mga sinasabi.
“What?!” naeskandalong sabi ni Lily.
“We are not going to file a libel suit against your son---”
“What the hell?! My son just said that it was your kids who put him on that hospital bed! Tapos kami pa ang ide-demanda niyo ng libelo?!” halos pasigaw na na sabi ni Lily.
“Calm down, Mrs. Arellano. I'm sure you haven't heard of us but we're from Santillan and Ricrafrente law firm---” simula ng ama ni Dave pero hindi na ito pinatapos pa ni Lily.
“I don't fucking care who you people are! What your son did to my child is terrible and they should rot in jail!” singhal ni Lily at papasok na sana ulit ito sa kwarto ni Dan at desedidong tawagan na ang mga pulis nang magsalita ulit ang ama ni Mark.
“We can make this all your son's fault. Lily, I can call you Lily, right?---” sabi ng ama ni Mark, gamit ang kaniyang pinag-aralan bilang abogado na ikinabahala naman ni Lily. “We can easily make this look like your son's fault--- being gay and all, begged for our son to use him sexually---” habol ng ama ni Mark na miya mo ang ganoong pambabanta ay lagi niya ng ginagawa at nakasanayan na. Marahas namang napaharap si Lily sa apat na abogado.
“I'm Marcus Ricafrente and the other genteleman here is David Santillan. We haven't lost a case since becoming a lawyer, I doubt any lawyer out there can beat us.” mayabang na sabi ng ama ni Mark na lalong nagpakulo sa dugo ni Lily.
“If you're going to file a law suit against our kids, ngayon palang, Lily, sinisigurado ko sayong matatalo kayo and when that happens, sira na ang buhay niyong mag-ina hanggang humihinga kayo of course not to mention yung kahihiyan na idudulot nito. So kung ako sayo, hindi ko na itutuloy ang pagdedemanda habang may pagkakataon pa kayong kalimutan ang lahat ng 'to.” sabi naman ng ina ni Dave. Tahimik na tinignan ni Lily ang apat sa kaniyang harapan walang ibang nararamdaman kundi galit sa mga ito dahil alam niyang wala siyang magagawa kundi ang pumayag sa mga gusto nito.
Nang mapansin ni Marcus na nadala na sa kanilang paninindak si Lily ay tumango na ito sa kaniyang mga kasama at tahimik na tumalikod at naglakad palayo kay Lily na nagsisimula ng mangilid ang mga luha.
000ooo000
“Ma?” nagaalalang tawag ni Dan sa ina nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto. Napansin ni Dan na nangingilid ang mga luha nito, nanginginig ang mga kamay at namumutla. Bagsak balikat itong lumapit kay Dan.
“They told me that it was you who asked Mark, Dave and M-Mike for sex---” simula ni Lily pero nang makita niya ang reaksyon ng mukha ni Dan na nagsasabing alam na nito kung ano ang kaniyang tinutumbok ay gustong-gusto niyang bawiin ang paratang na pinakawalan niya dito.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso ni Lily ng makita ang sakit sa mga mata ng anak. Unti-unti narin siyang hindi maka-hinga, gustong-gusto niyang humingi ng tawad sa pagbibintang dito at yakapin ng mahigpit pero hindi niya iyon magawa dahil alam niya ang kapalit kapag ginawa niya iyon.
“A-and you believed t-them?” mahina at nanlalambot na tanong ni Dan sa ina na miya mo sumuko na sa lahat ng laban, miya mo takot na takot. Nang marinig ni Lily ang takot na takot at puno ng sakit na tanong na ito ng kaniyang anak ay muli niyang hiniling na hindi niya ito pinaratangan.
Hindi na kailangan ni Dan ng sagot mula sa ina. Alam niya, base sa blangkong reaksyon ng mukha nito na pati ito ay trinaydor narin siya. Piniling paniwalaan ang sinabi ng mga magulang ng mga taong nanakit sa kaniya kesa sa kaniya na sarili nitong anak. Pumaling na si Dan pakaliwa, palayo sa kaniyang ina. Pilit na pinipigilan ang kaniyang sarili na umiyak ngunit hindi niya magawa kaya't nagkasaya na lang siya sa pag-iyak ng tahimik.
Nung puntong tumalikod si Dan kay Lily ay alam na nito sa sarili na habang buhay niyang pagsisisihan ang ginawang pagtalikod sa anak. Alam niyang tahimik itong umiiyak habang nakatalikod sa kaniya. Gusto niya itong yakapain at aluhin ngunit natatakot siya na baka siya naman ang ipagtulakan ng anak. Ang tanging tao na asa kaniyang buhay.
000ooo000
“What do you think is wrong with him, doc? He won't eat, he just stares at the opposite wall and he wouldn't speak kahit na kinakausap o kinukulit ko siya.” nagaalalang tanong ni Lily sa attending physician ni Dan matapos ang dalawang araw na halos hindi nito pagkain. Alam ni Lily sa kaibuturan ng kaniyang puso ang sagot sa sariling tanong na iyon ngunit hindi niya magawang harapin iyon. Gusto niyang marinig mula sa ibang tao na hindi siya ang may kasalanan sa pagkakaganon ng kaniyang anak tulad ng sinasabi ng kaniyang mabigat na kunsensya.
“I think your son is going through some depression. While I was talking to him, it's like he just gave up. It's like he doesn't care anymore. But don't worry I'll have him checked by a very good friend of mine---” hindi na inintindi pa ni Lily ang sinasabi ng duktor sa kaniyang harapan dahil hindi niya mapigilang isisi ang nangyayaring depresyon na iyon ng anak sa sarili.
000ooo000
“Aren't you excited to go home, Danny? Doctor Bruel already signed your discharge papers, we can go home as soon as the nurse cleared us.” masiyang saad ni Lily sa anak, pilit na ibinabalik ang dati nilang masiyang pagsasama, pilit na kinakalimutan at ibinabaon sa lupa ang lahat ng nangyari.
“Danny?” tawag ulit ni Lily sa pansin ng anak nang hindi ito sumagot. Nilingon ito ni Lily, asa telebisyon lang ang pansin nito. Napabuntong hininga si Lily at pilit na pinigilan ang sarili na mapa-iyak ulit. Isang linggo na matapos magpunta ng mga magulang ni Mark at Dave at hindi parin nakikita o narinig ni Lily na umimik ang anak. Maski ang mga duktor at nurses ay napansin na ang pananahimik na iyon ni Dan sa kabila ng gamot para sa depresyon.
Lumapit si Lily sa anak at tumayo sa harapan nito, iniharang ang sarili sa pagitan ni Dan at ng telebisyon. Nang mapansin ni Dan ang pagharang na iyon ng kaniyang ina ay agad na yumuko si Dan, hindi na mapigilan ni Lily ang sarili sa pag-iyak habang ini-a-angat ang mukha ng anak, pilit na isinasalubong ang tingin nito sa kaniyang tingin.
“Everything is going to be OK.” mariing sabi dito ni Lily pero lagpas-lagpasan lang tingin ni Dan dito na nagtulak kay Lily upang lalong umiyak.
Kung nuong mga nakaraang araw ay pilit pang pinapaniwala ni Lily ang sarili na mapapatawad pa siya ng anak, ngayon, nakasisiguro na siya na habang buhay ng hindi babalik ang loob sa kaniya ng anak.
000ooo000
Nagulat ang mga nurse sa biglaang pag-bukas ng pinto ng kwarto ni Dan. Tinignan nila si Lily na halos mapa-upo na sa sahig dahil sa kaka-iyak. Alam nilang may nangyaring di maganda sa pagitan ng mag-ina dahil hindi naman nalulunod sa depresyon si Dan kahit noong una itong magising sa ICU may ilang araw na ang nakakaraan tapos napansin nila na matapos bumisita ang apat na taong may magagarang damit ay nagsimula ng lumamig ang pakikitungo ng dati'y mabait sa tuwing kinakausap na si Dan at hindi nga nagtagal ay nilamon na ito ng depresyon.
“Cynthia, hayaan mo na, hindi na tayo dapat makielam pa dyan.” saway ni Carrie sa kasamahang nurse nang mapansin nitong palabas na ito ng nurses station at mukhang tutunguin ang umiiyak na si Lily. Hindi na ito pinansin ni Cynthia at umupo sa sahig sa tabi ni Lily.
“What happened?” malumanay na tanong ni Cynthia kay Lily.
“M-my son. I think he gave up on everything. H-he hates me and I- I think he'd rather be dead than to live with me and see me.” halos humahagulgol na sagot ni Lily. Hindi na sana niya sasagutin ang nurse pero tila ba may tumulak sa kaniya na sagutin ito at hindi siya nagsisi nang sumagot siya dito dahil kahit papano ay tila ba nabawasan ang kaniyang dinadala nang aminin niya sa sarili na ni hindi siya matignan ng sariling anak dahil sa pagkasuklam nito sa kaniya.
“Give it some time. Dr. Bruel gave him some antidepressants it should work soon.” pagaalo ni Cynthia kay Lily, alam niyang hindi niya alam ang pinag-ugatan ng pagkakaganoon ng mag-ina pero naisip niya na minsan ang kailangan ng taong namomoblema ay ang kasiguraduhan na may mga tao pa siyang malalapitan. Di nagtagal ay kumalma na si Lily at tumango sa sinabing iyon ni Cynthia kahit pa alam niyang hindi makakatulong ang mga gamot na iyon hangga't nakikita siya ng sariling anak, nagpapaalala ng kaniyang ginawang pagtalikod at pagtra-traydor dito.
000ooo000
Hindi mapigilan ni Dan ang maluha matapos lumabas ng kaniyang ina. Gusto man niya itong kausapin o kaya tignan man lang ay hindi niya magawa dahil pinapaalala ng mukha nito ang pagtalikod sa kaniya nito, ang pagtra-traydor, ang paniniwala nito sa mga magulang ng taong bumugbog at bumaboy sa kaniya kesa sa kaniya na sarili nitong anak.
Nasa ganitong pag-iisip si Dan nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa pinto. Pumasok ang isang babae na naka-puti, hindi man ito lingunin ni Dan ay alam niyang si Cynthia ito, isa sa kaniyang mga regular na nurse simula nung malipat siya sa kuwarto na iyon galing sa ICU. Tumayo ito sa harapan niya, dala-dala ang isang tray ng pagkain. Hindi ito pinansin ni Dan na ikinabuntong hininga ni Cynthia.
“Everything happens for a reason, Dan. You shouldn't give up. You have a long way ahead of you. Please, Don't give up.” pabulong pero mariin na sabi ni Cynthia sabay talikod kay Dan.
Bago pa man sarhan ni Cynthia ang pinto ng kwarto ni Danny ay narinig niya ang may kalakasang pag-iyak nito. Alam niyang naiparating niya ang gusto niya iparating kay Dan at lihim na umaasa na isaisip at isapuso nito ang sinabi niya upang mailihis ito sa habang buhay na pagsisisi.
Against All Odds 2[8]
by:
Migs
Pasensya na po sa matagal na hindi ko pag-update. Alam niyo na po ang dahilan kung bakit. Maraming Salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aking post. Sana po ay hindi kayo magsawa. Ihinihiling ko lang po doon sa aking mga bagong mambabasa, nais ko po sanang humiling na maliban sa pagco-comment ay paki follow narin po ang aking blog. Salamat! :-)
ReplyDeleteMuli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Marlon Lopez: sorry, pinipilit ko talagang mag-post agad kaso busy eh. Pasensya na. :-(
Ichigo: I'm sorry pero sa next part pa ng book 2 magiging light ang mga episodes. For now, medyo tiis tiis lang, hehe. :-)
Lawfer: Mike's scared. :-)
GLITTERATI: I'm not sure if the story will end up that way. *Wink*
akosichristian: masyado namang brutal yung pino-propose mo. Haha! :-)
frostking: that's one of the lesson this story teaches. NOT ALL GAY PEOPLE ARE THE SAME. :-)
-M: just wait and see kung anong role talaga ni Martin. :-)
rascal: nope, Dan has no evil side. SPOILER ALERT! :-P
Lynx Howard: nope, Mike still hasn't grown a back bone sa part na 'to ng book 2. :-)
Richmond Danganan: this book is definitely full of twists, but lighter from the previous book kaya intayin niyo kung pano ito magtatapos. :-) I'm not promising a happy ending, though. Haha! :-P
rom: gory niyo naman. :-P
Edmond: he will definitely rise from the ashes but not in the I-will-hunt-you-all-down-and-kill-you-all kind of way. :-)
Dereck: thanks! Sana ma-follow mo din ang blog ko at sana lagi ka ng magiiwan ng comment. Salamat! :-)
keantoot: I'm going to apologize for the future disappointments. No revenge will take place. That's not what this story is all about.
Ryge Stan: thanks! I hope you enjoy this chapter also!
Mr. brickwall: AAO 2 is very different with AAO 1. try reading it, you might like it.
Lexin: thanks! :-)
-makki-: thanks!
Moon Sung-Min: so much violence! :-))
aR: sobra ka ng makahingi ng back to back ah! Hahahahaha! :-P
SuperKaid: wishing for someone to have a bad luck is bad. Haha! :-P kwento lang po ito, wag masyadong madala! :-)
Anonymous November 16, 2012 9:16PM: neither. This is a stand alone story. Thanks for commenting though, sana i-follow mo ang blog ko at sana sa susunod na mag-comment ka, palagyan narin ng name para mapasalamatan kita ng maayos. Salamat!
Calle 'aso: tulad ng sinabi ko sa iba, this story is not about revenge but love. :-)
foxriver: ahahaha! Unli? Andami mong comment. :-)
adik_ngarag: that will happen sa next chapter so keep tuned. :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAY NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Oh God, I feel so bad for Dan. He's spiraling downhill :(
ReplyDeleteits hard to say na may mga abogado talagang ganyan..kadalasan ang mga sinungaling is abogado..mayabang na sinungaling pa.. pasensya na author na dala lang ako ganda kc ng kwento mo ehh..
ReplyDeleteLordNblue
KUYA MIGGGGSSS!! HUUUU HUUU T.T . galing mong magpalungkot, masakit talaga ang feeling ng naiwanan at inabandona lalo na pag mahal mo sa buhay, hayy i just hope na in the end, makakganti rin si dan.
ReplyDeleteNalungkot rin ako sa sitwasyon ni lily, ang hirap siguro nga di mo matulungan anak mo.
KUDOS KUYA!, i really like your storyy. LIGHT EPISODES AND OPTIMISM PLEASE!
(LESS BRUTALITY NA RIN)
ANYWAYS, GODBLESS AND INGAT LAGI!! STILL PRAYING FOR YOU!! KELAN CHASING PAVEMENTS MO? ahahaha ^.^v
-ichigoXD
Nang gagalaiti ako sa galit ngayon. Kaya naman pala mga hayop yung mga anak nila kasi mga hayop din ang magulang. Kung ako kay dan, tatakas ako at papatayin ko silang lahat. No. E totorture ko muna before i send them all to hell kung saan sila nararapat. :(
ReplyDeleteriddle like situation na talaga ang nangyayari! waaaah... how can mikee win back danny's heart? such a heart-rending chapter.. :(
ReplyDeleteGRABE AMAN CLANG MANGHUSGA AT NAGPADALA NA DIN PATI C LILY, YAN TULOY ANG NANGYARE SA MAGANDANG SAMAHAN NILANG MAG INA. TAMA UNG SABI NI NURSE CLAIRE DAN, MAGPAKATATAG KA AT TAKE THAT AS A CHALENGE TO SURVIVE. ISA SA MGA ARAL AY WAG MAXADONG MAGTITIWALA SA MGA BAGONG KAIBIGAN.
ReplyDeleteWahhhhhhhhhhhh huhhh prang naggive up din ako sa part na to ah peru correct na correct si ateng cynthia life's never been fair but in the end goodness will always prevail.. Ganda po ng story mo mr. Author maraming bagay at pangyayari sa buhay buhay ang pedeng mairelate... Cant wait sa next chapter cant wait sa mga mangyayari kung paano harapin ni dan itong npakalaking pagsubok.. Lungkot to the max..
ReplyDelete-rom-
ahaha... nadala lang kuya migs...LOL... well interesting to if dan will have revenge or something. basta kaabang-abang since walang sure flow yung plot ng story.
ReplyDeletemigs xnxa sa back to back episode mo la akong comments kasi naging busy lang..
ReplyDeletepano na kaya si danny nyan..
nakakainis ang mga magulang ng dalawang addict! Kawawa naman si Dan lugmok na nga inapakan pa...=Dereck=
ReplyDeletetlagang wlang laban cna dan kung ngkataon... bukod sa mlakas ang mga kalaban, tanging physical injuries lng ang kaya niang i-habla
ReplyDeletesad to say, it’s unfair
but it’s the law
haiz
u have fallen in a deep hole dan, bt pls dnt loose hope
for mike, be a true friend sna
sunod-sunod na mlungkot na chapters and i foresee there’s a lot more to come :(
@my lban c dan ....baranging nya c dave or mark or di kaya kulamin.......lol
Deletekuya migs grabe kawawa naman si dan parang ang bigat bigat n ng dala niya..may pinag manahan nga ng sama ng ugali si mark at dave pero mukhang malapit na din bumaliktad si dave
ReplyDeleteoo nga po excited na kong malamn ang role ni martin sa kwento..
salanat sa update kuya migs
isa talaga sa pinakamasakit yung pakiramdam na tinalikuran ka rin ng taong alam mo na kakampi sau.. gusto ko magmura sa chapter na to dahil sa parents nila mark at dave...
ReplyDeletekarma nalang sana...
-magkakaroon na ata ako ng sakit sa puso nito kuya migs. ang bibigat ng mga chapters ng story na ito. hehe.. :)
ReplyDeleteWALANG MANGYAYARING PAGHIHIGANTI?? paano yun kuya? :(
gusto kong magdusa ung mga nang-aapi, pti na ung mga parents nila. >.<
nakakadala tlga, ang galing mo kuya! :D
next "chaps" please!! ung back to back kuya! hahaha... :D
hay napaiyak ako... i hate you Migs.. really hate you nah... :)
ReplyDeletenakakarelate talaga ako sa me-against-the-world-plot na ito. hooo.. kaya gustong gusto kong magbasa ng mga stories mo eh. andami kong naaalala.. nakakaiyak :(
hoy migs ano ka? what do you mean by not a happy ending? :(
ReplyDeletesabagay yung first AAO pinatay mo din yung bida hehehe.. pero hindi hopeless na type sa ending..
meron ako nabasa dati na pocketbook. naku grabe, binigyan ba naman ng ending na yung tipong gusto mong hanapin ang writer at sigawan bakit ganun ka hopeless ang nangyari sa bida. yung tipong hinding hindi mo makakalimutan ang story. nakakatrauma :) tulad din ng mga short stories mo dito sa blog. di maalis sa isip ko
ano ba yan c lily tnakot lang..,,,nagpatakot din......think lily sa panahong ito presidente nga nkukulong yan lang abogado nagpapadala ka....sa takot......cnabihan ka lang na kakasuhan ka ng libel nagpatakot ka na...no wonder na lalayo ung loob ng anak mo sayo.....and beside lily y dont you go to public attrnys office....there matutulungan ka dun,,.........
ReplyDeletelalalalalalalala...horray............SAD ENDING COMMING SOOOONNNNNNN..................
ReplyDeleteKuya migs, yung galing mo sa pagsusulat, nakakainggit!! Aaaarg!!!!
ReplyDeleteNakakaamaze talaga bawat chapter..tamang timpla yung drama, hindi OA.
Ang galing talaga!!
Everyone here wants Dan to have his revenge. Well, if he won't do it in a vengeful way, sana man lang eh maging very successful siya na tipong he can outfox anyone without resorting to hurting anyone.
ReplyDeleteAnyway, I'll just wait and see. Di pa naman ako binibigo ni Migs so far. =D
- Edmond
"The best revenge is a life well lived."
ReplyDeletekuya migz naman sana naman ay happy ending pa rin ito at yung mga susunod mo pang works.
ReplyDeletewell pabor pa rin naman ako sa naging desisyon ni lily na wag nang ituloy.hindi lang nya kasi naexplain kay dan ang side nya kung bakit sya na mismo ang nagpatalo ng laban ng kanyang anak.pero masakit nga lang sa part ni Dan kasi mismong ina nya eh nawalan ng lakas ng loob na ipaglaban man lang sya.
kaexcite naman ang mga susunod na chapters.hehe.more updates pa po tnx tc kya migz
Ikaw kasi Sir eh.. grabe na yung mga nangyayari eh.. di ko na napigilang madala eh.. kainis sila ehh.. xD
ReplyDeleteKailangan malupet yung magiging ganti na gagawin ni Dan ah! yung super lupit may sarili siyang siyang cape. :P
nangi2lid luha ko habang binabasa ito,
ReplyDeletenangi2lid luha ko habang binabasa ito,
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteThis is the sole reason why I despise some rich and famous people, as if sila lang ang tama, may right sa ganitong usapin!Justice for Dan! sunugin ang mga pamilya nila dave and mark! and I thought na may justice sa kanila ama since parehas abogado, tss drop a bomb to them:)
@author migs, sorry naman excited na ko sa magiging resulta ng buhay ni dan. at sana wag na isama yung 2 nurse..haha kawawa naman pati sila madadamay sa problema
-aR
kapal ng mukha nung mga magalang ni dan at mark ha! kapikon!!!
ReplyDeleteit's going to be hard for Dan to forget what happened, for him trust again, to love. He was extremely violated. These happen in real life, there are evil parents and kids and uses power and money to get what they want to step on other people. It's going to be a tough and painful process for Dan, Lily and Mike but God is just. He will see to it that Dan gets his life back.
ReplyDeletei so wanna do that tlga ke melvin!!! ggrr!!! wawa nman c danny at mikee.. :(
ReplyDeletehi migs, You bet I really like this chapter to bad may mga parents talagang kinokunsinti ang mga katarantaduhan ng mga anak. I pity mike I hope he still finds his own light. I believe someday or somehow dave mark and melvin will pay for what they have done......
ReplyDeleteThanks migs I will wait for the next chapter....
Have a great week and take life easy ^_^
bwisit!! .. san kaya pweding mag hire ng mangungulam na mapakulam yung parents ni mark at dave .. now ikonw kung ganu kasama yung anak mas masama payung magulang .. kauinis talaga sana umeksena si josh at igi
ReplyDelete~~WaydeeJanYokio
Naiyak ako Migs! Kawawa si Dan pati nanay nya tinalikuran xa. :x
ReplyDeleteTragic! Ang sakit sa dibdib.
ReplyDelete-icy-
sarap patayin nina mark at dave, mga halimaw yan
ReplyDelete