Against All Odds 2[5]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Alam ni Mike na mali pero ang tamang pagiisip niyang ito ay natalo ng alaala ng masarap na sensasyon na kaniyang naramdaman habang ginagawa niya ang pinaguutos sa kaniya ni Dave na iyon kay Melvin. Kasama ng tinalo ng masarap na pakiramdam na iyon na kaniyang nararamdaman sa pagitan ng kniyang mga hita ang paglunod ng bisa ng bawal na gamot ang kaniyang mga tamang pananaw. Walang kaibi- kaibigan. Walang hiya- hiya. Walang Danny na matagal ng tumitingala sa kaniya. Para kay Mike ay uunahin niya ngayong gabi ang masarapan kesa sa mga bagay na iyon.

Hindi nagtagal matapos makaraos ay natamaan ng isang maliit at matigas na bagay sa kaniyang mukha si Mike. Nang mahulog ito sa sahig ay agad niya itong pinulot.


Pulseras. May nakaukit na mga letra dito. “M & D”, tila may pumukpok sa kaniyang ulo at ilang emosyon ang sabay sabay na namahay sa kaniyang dibdib. Marahan niyang itinaas ang tingin sa duguang mukha ni Dan at biglang natauhan.


Why?”


0000oo0000


NOOOO!” sigaw ni Mike sabay napaupo mula sa pagkakahiga sa kama.


Basang basa ng pawis ang kaniyang matipunong katawan at patuloy parin siyang pinagpapawisan ng malamig. Basang basa din sa kaniyang pawis ang kobre kama, sa sobrang pagkabasa ng mga ito ay dumidikit na ito sa malagkit na pawis ni Mike. Matapos punasan ni Mike gamit ang kaniyang palad ang butil butil na pawis sa kaniyang noo ay hindi naman niya napigilang sapuhin ang sariling ulo dahil sa pananakit nito.


Matapos magawang tiisin ni Mike ang sakit ng kaniyang ulo ay dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, unti-unting sinasanay ang sensitibong paningin sa liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nang tuluyan ng naimulat ang mga mata at nasanay na ito sa liwanag ng paligid ay hindi naiwasan ni Mike ang mapabuntong hininga.


Panaginip lang pala.” bulong niya sa sarili nang maalala ang naging rason ng kaniyang biglaang pag-gising.


Pero sa kabila ng kaniyang sinabing ito ay hindi parin naaalis ang bigat ng kaniyang loob na tila ba nagsasabi na may mali sa araw na iyon. Wala sa sarili niyang inabot ang cellphone niya at tinext si Dan katulad ng kaniyang nakagawian kada umaga.


Good morning! :-)” sabi ng kaniyang text. Saglit na inilapag ni Mike ang kaniyang telepono sa lamesa katabi ng kaniyang kama, iniisip na ilang segundo lang ay magre-reply na ang kaniyang kaibigan.


Tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo sa kama si Mike. Hindi parin malaman kung ano ba ang kaniyang ininom sa pa-party nila Mark at Dave para kay Dan noong nagdaang gabi at ganun na lang kasama ang kaniyang hang-over. Habang iniisip ang mga inumin na nagbibigay sa kaniya ng ganoong klase ng hangover ay inililigpit naman ni Mike ang kaniyang pinaghigaan, inalis ang kobre kama na basa ng kaniyang pawis at pinalitan ito ng bago.


Matapos ang pagliligpit ay na-realize ni Mike na hindi pa nagrereply si Dan katulad ng nakagawian nito sa tuwing i-te-text niya ito sa umaga kaya naman wala sa sarili niyang tinanaw ang bintana ng kuwarto nito sa katapat nilang bahay. Nakita niyang nakasara pa ang kurtina nito kaya naman naisip na lang ni Mike na tulog pa ito at marahil katulad niya ay masakit din ang ulo dahil sa hangover.


Puntahan ko na lang mamya.” sabi ni Mike sa sarili habang naglalakad pagawi ng banyo upang alisin ang malagkit na pawis na bumabalot sa buo niyang katawan.


0000oo0000


Habang nagsasabon ng katawan ay hindi maiwasan ni Mike na mapansin at magtaka sa kakaibang lagkit ng kaniyang katawan, tipong may ipinahid na ointment sa kaniyang balat na kailangan pa ng limang sabunan bago ito matanggal, partikular ang kakaibang lagkit na ito sa bandang tiyan niya.


Ughhh!”


Agad na napapikit si Mike sa tagpong ito na kaniyang naalala. Hindi niya malaman kung bakit sa tagpo na iyon ay may lalaki na nakapatong sa kaniya at tila ba isa itong hinete na sinasakyan siya, hindi maiwasan ni Mike na marahas na umiling lalo pa't malinaw na malinaw na umaandar sa kaniyang isip ang pagpapasarap ng lalaking ito sa sarili habang sinasakyan siya na miya mo nanonood siya ng telebisyon, ang pagpapalabas nito ng likido mula sa kaniyang ari kung saan ang karamihan ay tumalsik sa kaniyang tiyan at dibdib ay malinaw na malinaw ring tumakbo sa kaniyang isip.


Habang binubura ang tagpong iyon sa kaniyang isip ay hindi napansin ni Mike na namumula na pala ang kaniyang balat sa may tiyan niya dahil sa sobrang pagkuskos dito, tinigilan na lang niya ito nang makaramdam siya ng pangangapal at konting hapdi dito. Nang masigurong natanggal na ang bagay na nakakapagpalagkit sa kaniyang tiyan ay sinimulan ng kuskusin ni Mike ang iba pang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang palagay ay mas lalo siyang dumumi matapos pumasok sa kaniyang isip ang mga imahe na iyon.


Lumipas ang ilang minuto ay pakiramdam ni Mike ay madumi parin siya. Ilang beses na niyang sinabon ang kaniyang sarili, ilang beses nag hilod at nag-shampoo pero pakiramdam niya ay kulang parin lahat ng iyon kaya naman nagtagal pa siya sa ilalim ng dutsa ng shower, umaasa na ang patuloy na pagtulo na iyon ng shower ang siyang makakabanlaw ng duming hindi matanggal tanggal na kaniyang nararamdaman.


Nang idaretso ni Mike ang kaniyang dalawang kamay upang anlawan pa muli ito ay dun lang niya napansin na may mga kalmot siya sa magkabilang kamay at may ilan sa kaniyang dibdib.


Damn! He can fuck!”


Inggit ka naman, Melvin? Gusto mo ikaw ang niyayari niya?!”


Oo naman, Mark! Gwapo kaya ng kaibigan niyong yan, saka malaki ang kargada!”


Hindi nakatulong ang naisip na ito ni Mike. Hindi alam kung ito ba ay narinig niya noong siya'y nananaginip o kung iyon ba ay nangyari talaga noong nakaraang gabi ng birthday ni Dan. Ang tagpong iyon na tumakbo sa kaniyang isip ay hindi sing linaw ng nauna pero hindi parin niyon napigilan ang lalong pamimigat ng loob ni Mike na miya mo may mga importanteng bagay siya na nakalimutan. Hindi rin nakatulong ang tagpong iyon sa kaniyang utak sapagkat pakiramdam niya ay lalo siyang dumumi gayong ilang minuto na niyang kinuskos ang kaniyang buong katawan.


Dahil sa pagod at pagkalito sa mga nangyayari sa kaniya sa umagang iyon ay hindi na napigilan pa ni Mike ang mapapikit at sumandal sa pader ng C.R. habang hinahayaan ang shower na paulanan siya ng tubig.


Ngunit ang ginawang ito ni Mike ay isang malaking pagkakamali. Dahil noong oras na ipinikit na niya ang kaniyang mga mata ay agad na pumasok sa kaniyang isipan ang isang duguan at lumuluhang Dan. Hindi lang sakit kundi may galit din siyang nakikita sa mga mata nito.


Why?”


Halos mabuwal si Mike nang maalala ang huling parte ng kaniyang panaginip na iyon. Hindi nagtagal ay naisip ni Mike na pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang isip kaya naman itinigil na niya ang pagiisip ng mga bagay na maaring nangyari at hindi nangyari noong nakaraang gabi sa bahay nila Melvin. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Mike bago pinatay ang shower, inabot ang twalya at nagpunas.


Nang humarap na si Mike sa salamin pagkatapos ang mahaba-habang paliligo ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang may makita siya sa kaniyang leeg. Lumapit pa siya sa may salamin at sinipat itong maigi, nung una ay umaasa siya na ang pamumula na iyon ay dahil lamang sa kaniyang madiin na pagkuskos kanina habang siya ay naliligo pero nang makita niya ito ng malapitan ay hindi na siya nagdalawang isip pa kung ano ito at kung ano ang nagdulot ng pamumula na iyon sa kaniyang leeg.


Matapos masiguro ni Mike na kiss mark nga iyon na nasa kaniyang leeg ay sunod naman niyang inisip kung sino ang gumawa noon. Ayaw man niya ay pilit niya muling hinalukay ang kaniyang isip kung ano ang nagyari noong nagdaang gabi ng birthday ni Dan.


Melvin.” bulong ni Mike sa sarili.


Sa ikalawang pagkakataon ay muling muntikan ng mawalan ng kontrol si Mike sa kaniyang sariling mga paa.


Melvin, tama na yan! Isn't it enough that he fucked you at kailangan mo pa siyang lagyan ng chikinini?!”


Remembrance lang 'to, Mark!”


Malabo man ang naisip niyang ito at hindi pa man sigurado si Mike kung nangyari nga ito o kasama lang sa kaniyang panaginip ay hindi niya parin mapigilan ang sarili na magalit, pakiramdam niya ay napagsamantalahan siya kahit na hindi pa niya sigurado ang mga nangyari. Pero hindi rin napigilan ni Mike ang kilabutan nang maalala niya ang sinabi ni Mark nung una nilang napagkwentuhan si Melvin, ala-ala na lalong nagpatibay ng hinala ni Mike na maaaring si Melvin nga ang may gawa ng marka na iyon sa kaniyang leeg.


Who's Melvin?”


He's our frat brother, he always let us use his house to be drunk and other stuff tapos kapag bangag na lahat at tulog manggagapang na yan.”


Tila naubos ang dugo sa mukha ni Mike nang maalala niya na binigyan siya ng isang baso ng alak ni Melvin, iniisip na hindi siya nalalasing sa isang baso lamang ng alak maliban na lang kung may halo ito. Ito rin ang naisip na eksplanasyon ni Mike kung bakit wala siya masyadong maalala noong nakaraang gabi.


Damit, Mark!” singhal ni Mike, sinisisi ang kaniyang kaibigan sapagkat para sa kaniya ay ito ang may pakana ng lahat.



0000oo0000


Goodmorning.” mahina at nanlalambot na saad ni Mike sa kaniyang mga magulang na nasa kusina. Ang kaniyang ama, nagbabasa ng dyaryo at ang kaniya namang ina ay abala sa pagluluto ng agahan.


““Goodmorning.”” sabay na bati ng dalawa.


Agad ng umupo si Mike at kumain ng tinapay na tila ba isang buong araw siyang hindi pinapakain. Natigilan na lang si Mike nang maisip niya na ang huli na nga niyang kain ay nung hapunan bago niya salubungin si Dan sa gate nito kasama ang ina galing sa panonood ng sine, muli, na-pagtanto niyang wala nanaman siyang maalala, hindi niya naaalala kung ilang basong alak ba ang kaniyang nainom, kung kumain ba siya ng handa sa party na iyon para kay Dan, kung may ginawa ba sa kaniya si Melvin.


Wala siyang maalala. Kung meron man, nahihirapan at naguguluhan lang siyang isipin kung kasama ba ito sa kaniyang panaginip o totoo itong nangyari.


You were pretty drunk last night.” kaswal na tanong ng ama ni Mike habang hindi inaalis ang mga mata sa pagbabasa ng dyaryo na siyang gumising sa malalim na pagiisip ng anak.


Uhh-ummm---” simula ni Mike, hindi alam ang sasabihin sapagkat ni hindi niya naaalala kung lasing na lasing ba siyang umuwi.


Mark and Dave brought you home. They said you drank too much last night.” kaswal ding saad ni Brenda habang nakaharap parin sa niluluto nito.


Was Dan with them last night when they brought me in?” wala sa sariling tanong ni Mike matapos lunukin ang nginunguyang tinapay.


Saglit na tumahimik ang paligid. Tila ba inaalala pa ng kaniyang mga magulang kung kasama nga ba sa mga naghatid si Dan.


No. I think Mark said that Dan stayed at the party.” patanong ring sagot ni Brenda na ikinatigil ni Mike sa kaniyang pagkain.


Kung kanina gutom na gutom siya, ngayon, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ba nawalan siya ng gana kumain. Kasabay ng pagkawala ng kaniyang gana kumain ang lalong pagtindi ng kaniyang nararamdaman na tila ba may mali sa araw na iyon. Wala sa sariling tumayo si Mike, iniwan at hindi na tinapos pa ang kaniyang agahan.


Uy, tapos ka na bang kumain?” tanong ng kaniyang ama, ngunit hindi na ito pinansin pa ni Mike na muling tinutungo ang kaniyang kuwarto.


Nang makapasok muli sa kwarto ay agad na dinampot ni Mike ang kaniyang cellphone, muli sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muli siyang nakaramdam ng kaba. Una niyang tinext si Dan, tinatanong kung asan ito at kung pwede siyang makitambay sa bahay nila. Saglit na nagintay si Mike ng reply ni Dan ngunit lumipas na ang sampung minuto ay wala parin itong sagot.


Sunod na itinext ni Mike si Mark, tinatanong kung bumalik pa ba ito sa party kagabi at kung kasama nila si Dan, nagbabakasakaling hindi na ito umuwi matapos ang party at nakitulog na lang kila Mark o kaya kila Dave. Nang hindi magreply si Mark ay sunod na itinext ni Mike si Dave, ngunit katulad ng dalawang nauna ay wala rin itong sagot.


Muli siyang nagintay ng matagal. Umaasa na may sasagot sa kaniyang mga itinext.


0000oo0000


Damit!” halos ibato na ni Mike ang kaniyang telepono dahil sa hindi maipaliwanag na pangangamba.


Sinubukan na niyang tawagan ang tatlo ngunit walang sumasagot sa mga ito, nung una ay iniisip pa ni Mike na baka masyado lang na napagod ang mga kaibigan o kaya naman ay lasing na lasing ang mga ito kaya't hindi makasagot. Ngunit pagkatapos ang ilang minuto na ulit-ulit niyang pag-tawag sa mga ito na alam niyang ikagigising ng kahit na sino ay nagsimula na siyang hindi mapakali.


Muli siyang tumingin sa bintana at tinanaw ang bintana ng kwarto ni Dan. Nakasara parin ang kurtina nito. Muling nakaramdam ng ibayong kaba si Mike.


0000oo0000


Nang wala paring sumagot sa kaniyang tatlong kaibigan ay naisipan ni Mike na puntahan na lamang si Dan sa kanilang bahay.


Dahil sa pagmamadali ay isinuot na lang ni Mike ang kung ano mang damit na kaniyang madampot, nang makapagbihis na ay tuloy tuloy na itong lumabas ng kaniyang kwarto at ng kanilang bahay, hindi pinapansin ang tanong ng kaniyang mga magulang kung san siya pupunta.


Habang naglalakad palabas ng kanilang bakuran si Mike ay hindi niya parin tinitigilan ang pagtawag sa kaniyang mga kaibigan, gustong gustong makasiguro na ligtas ang mga ito lalong lalo na si Dan. Bubuksan na ni Mike ang kanilang gate nang meron siyang makapa sa kaniyang bulsa.


0000oo0000


Napatigil si Mike sa kaniyang paglalakad. Nabitawan ang hawak- hawak na telepono. Muli niyang kinapa ang bagay na nasa kaniyang bulsa. Ipinagdadasal na mali ang kaniyang iniisip.


Why?”


Tila tumigil ang oras para kay Dan lalo pa ng unti-unti niyang inilabas ang bagay na iyon mula sa kaniyang bulsa. Tila hinigop lahat ng lakas ni Mike. Tila paulit-ulit siyang pinagsusuntok sa dibdib dahil pakiramdam niya ay para bang sinuntok lahat ng hangin palabas ng kaniyang baga.


Nagsimula ng maubos lahat ng dugo ni Mike sa kaniyang mukha, mamawis ng malamig at butil-butil at nagsimula na rin siyang manginig at maluha habang tinititigan ang putol at may natuyong dugo na bracelet na kaniyang iniregalo kay Dan.


Biglang natauhan si Mike. Napagtanto niyang hindi panaginip ang lahat, napagtanto niyang ang mga paunti-unting tagpo na sumasagi sa kaniyang isip ay mga ala-ala ng nangyari noong nakaraang gabi. Tuluyan ng umiyak si Mike, hindi lang basta iyak kundi parang batang may kasama pang pag-hikbi. Ngayon kasi ay may halo ng sobrang takot ang kanina lang ay simpleng pangangamba.


Takot para kay Dan. Takot para sa kaniyang nagawa dito. Takot para sa sarili.


Wala sa sariling dinampot ni Mike ang kaniyang nabitawang telepono sa lapag at muling tinawagan ang kaibigan. Umaasa, kahit na malinaw na sa kaniya ang lahat, umaasa parin siya na ligtas at hindi nasaktan talaga si Dan, na hanggang ngayon ay pinaglalaruan parin siya ng kaniyang sariling utak.


Asa ganitong tagpo si Mike habang asa kalagitnaan ng kalsada sa pagitan ng kanilang bahay at bahay nila Dan nang gisingin siya ng tunog ng sirena ng pulis. Muli siyang tumabi upang padaanin ito pero laking gulat at lalo siyang natakot nang tumigil ang patrol sa harapan ng bahay nila Dan.


Bumababa ang dalawang bagitong pulis at kumatok sa gate nila Dan. Bawat katok ay tila isang gong para kay Mike. Mabigat ito sa dibdib na siyang nagpapabilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Ang langit-ngit ng pagbubukas ng gate nila Dan ay bumibingi at rumirindi sa tenga ni Mike. Ang nagtataka at nababahalang bungad ng mukha ng ina ni Dan nang pagbuksan nito ang dalawang pulis, si Lily, na itinuring na niyang pangalawang ina ay tila ba unti-unting pumapatay sa kaniya.


Hindi man naririnig ni Mike ang sinasabi ng mga pulis kay Lily ay hindi parin noon mapigilan ni Mike ang sarili na kapusin ng hininga lalo pa't may ideya na siya sa balitang hatid hatid ng dalawang pulis na iyon.


Hindi nga nagtagal ay namutla na ang buong mukha ni Lily, itinakip ang mga malalambot na kamay sa kaniyang mukha, nagsimula ng humikbi at umiling na tila ba ang sinasabi ng mga pulis sa kaniyang harapan ay pawang kasinungalingan lamang.


No! No!” sigaw ni Lily.


Ma'am kailangan na po nating---”


Hindi! Hindi si Danny yun!” putol na sigaw ulit na sabi ni Lily sa sasabihin sana ng pulis.


Lily!” sigaw ni Brenda sa likuran ni Mike. Mabilis itong lumagpas at tumawid ng kalye papunta sa tabi ng kaniyang kaibigang si Lily.


Hindi na narinig ni Mike ang sumunod na napag-usapan ng apat pero hindi naman nakaligtas sa kaniya ang pamumutla ng mukha ng kaniyang inang si Brenda ng magsimula ulit magpaliwanag ang dalawang pulis. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-iling nito. May itinanong si Lily kay Brenda at kitang-kita ni Mike ang marahan at malungkot na pagtango ng kaniyang ina at ilang minuto pa ay nakita niya ang nanlalambot at bagsak balikat na si Lily na sumunod sa patrol ng pulis at sumakay doon.


Saglit na nagtitigan ang mag-ina pagkaalis na pagka-alis ng patrol. Si Brenda, nakatayo sa tabi ng gate nila Lily at si Mike naman ay nasa kabilang panig ng kalsada. Kitang kita ni Mike ang pagtulo ng mga luha ng kaniyang ina. Kitang-kita ang lungkot at panghihinayang sa mga mata nito. Hindi na nakayanan pa ni Mike ang mga nangyayari at napaluhod na siya sa magaspang na semento ng kalsada.


Agad-agad na nagtungo si Brenda sa tabi ng kaniyang anak, lumuhod at niyakap ito ng mahigpit.


Danny.” parang batang humahagulgol na saad ni Mike na tumunaw naman sa puso ni Brenda na hindi na napigilan na ternuhan ang paghagulgol ng anak.


Itutuloy...

Against All Odds 2[5]
by: Migs

Comments

  1. Pasensya na po sa matagal na hindi ko pag-update. Alam niyo na po ang dahilan kung bakit. Maraming Salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aking post. Sana po ay hindi kayo magsawa. Ihinihiling ko lang po doon sa aking mga bagong mambabasa, nais ko po sanang humiling na maliban sa pagco-comment ay paki follow narin po ang aking blog. Salamat! :-)

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Frostking: thanks! :-) yep that's why takot siya kay Mike sa prologue. At nambola ka pa sa huli ah! :-)

    adik_ngarag: sana success ang pagtri-thrill ko sainyo. :-P

    GLITTERATI: Ayaw mo? :-(

    aR: tama kaya o mali ang feeling mo kay Dave? :-)

    keantoot: Actually binawasan ko pa yun. Haha! Baka kasi hindi magustuhan nung ibang readers. :-)

    makki: hindi pa sa chap na 'to yung about sa rumaragasang sasakyan.

    Superkaid: sensya na natagalan. Kinumbulsyon ka na ba? :-)

    Jay!: thanks! :-) sa AAO series lang naman ako mapangahas. :-)

    Lawfer: sorry. :-(

    akosichristian: thanks! What's mabruk? :-)

    Anonymous November 2, 2012 4:13am: nope hindi pa po. Pakilala ka, sir. Para po malaman ko kung sino ang pasasalamatan ko. :-) Salamat!

    Rascal: ikaw lang ang may kakaibang reaksyon! Haha! Salamat! :-)

    Lexin: bigat din ba? Hala andaming apektado. :-(

    Pink 5ive: Thanks! :-)

    rom: thanks! Follow mo ako ah and sana lagi ka naring magcomment! Salamat!

    Riley: ah si foxriver ba? Haha!

    _xtian: thanks! Pa-follow na lang, dude saka sana lagi ka narin mag-comment. :-)

    -john el-: ito na po ang next! Thanks!

    Rion: thanks! Sana lagi ka na din mag-comment at sana pa-follow at paki endorse narin ang blog ko. :-)

    Edmond: not yet and yes madami pang mangyayari. :-)

    Marion Lopez: hahaha! Pangatlo ka ng nagsabi na may something kay Dave. Meron nga kaya? :-D

    ANDY: salamat! :-)

    Lonelyboy: try ko ah, para makaabot ka naman ng ending bago ka mag OJT.

    Ichigo: nope, hindi pa po ito yung next for prologue. :-)

    foxriver: close enough. “F” din kasi nagsta-start yung username niya eh. :-)

    russ: thanks! :-) at least kahit sayo naiparating ko yung gusto kong iparating. Hindi ata na-appreciate nung iba eh. :-)

    MULI, MARAMING SALAMAT PO ULIT SA LAHAT! NAWA'Y WAG PO KAYONG MAGSASAWA SA KAKASUBAYBAY!

    ReplyDelete
  2. anyare? Kaloka. Na-curfew ba sa daan si dan at ngayoy hawak na ng mga pulis? Hahahaha.

    Author, Alam mo pabitin ka din ngayon ahh. Padagdag nman oh. Hehehe. Salamat.

    ReplyDelete
  3. haays..naawa ako kay mike..bnabawi ko na mga sinabi ko sa last commnt ko author..wla akong masabi..sobrang mabigat sa dib2..hope maayos ang lhat :'(

    -Jjohn el-

    ReplyDelete
  4. For a moment kala ko panaginip nga lahat, buti biglang kambyo hehehe.

    Anyway, where in the world is Dan?! Bitin! Hahaha.

    Segue lang: Migs, pwede ba after nitong series na 'to, gawa ka naman ng isang masayang kwento? Na-miss ko bigla yung Different Similarities 1 (which BTW is my fave amongst all your work) and yung kaharutan ng mga characters mo dun.

    - Edmond

    ReplyDelete
  5. cguro nlaman ng mga pulis na narape c danny....wawa nmn.....kasalanan ni mike yan/////

    ReplyDelete
  6. napamura aq d2
    mike what have u done?!
    Y.Y

    ReplyDelete
  7. Dapat mahuli yung tatlong adik sa next chap kuya migs ah. (nag demand talaga. Hahaha.)

    And about dun sa "bola"
    di po bola yun. Totoo po kasi na mabait kayo. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. and kuya, sana po ma update agad. Excited na ksi ako sa mga susunod na mangyayari. :)

      Delete
  8. ?????????? waaaaaaaaah! di ko inaasahan ang ganitong twist! ang galing! idol! nawawala si danny boy? leaving without a trace? sabi nga ng kanta... hahahahaha

    ReplyDelete
  9. Ang lakas mo mambitin tlga mr. Author.. Read this part at work early this morning and goshhhhh i was holding back the tears i can feel the emotions bothering mikee.. Huhhhhhhh nice nice..

    ReplyDelete
  10. nakakalungkot talaga tong ngyayari sa dalawa..
    kasalanan ng ma-el na si melvin eh.. sya ang pasimuno sa lahat..
    at sino ang mabait na nagdala kay dan sa hospital?
    hands down na talaga ako sayo migs..
    nadadala mko sa kwento mo..

    ReplyDelete
  11. ~mag rerevenge ba si dany? .. Graveh talaga ung ngyari sa knya .. Napakoment lang po .. Antagal kunang ng babasa ng mga stories mu at lahat nabasa kona ..

    ~mas nauna ko kasing nabasa ung AAO mu sa blog ni kuya zild .. Kaso kulang so ng gatecrash ako sa blog mu .. Hehe anyways gandatalaga ng AAO da best katalaga mg sulat!:)

    ~~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  12. Ang bigat sa dibdib kuya migs. :(

    Pati mga ksama ko sa bahay tinatanong kung bakit malungkot at masungit ako. hehe.. :)
    Nadadala kasi ako sa mga kwento mo, feeling ko ako ung nsa sitwasyon ni danny. halos isumpa ko ung M.M.D. (Mark, Melvin, at Dave). Nkakaawa sila mike lalo na si danny, biktima sila ng kalokohan ng MMD! >.<
    anyways, follow na kita at lalabas na ako sa lungga ko!! xD

    BITIN MUCH ako kuya!!! :D

    ReplyDelete
  13. Author Migs!

    Haha..i knew it! si Dave nga may something nga sa kanya about danny!!

    I WANT REVENGE! haha let's avenge Dan! Justice for Dan! Ibalik na ang death penalty! jk :D

    Pero seriously, dapat lumipat na ng school si dan agad2 after, since madedelay na rin siya kahit na 1yr na lng graduate na siya, tapos pag balik niya sa college Gang Leader na si Dan ng Frat..Revenge!
    Pabagsakin ang mga nang aapi!! (evil laugh here) sensya na nangungnuna nanaman ako haha..

    nabitin ako dito haha,,feeling ko talaga umiikli ngayon laloXD or masyado lang ako na attached sa kwento ni Dan

    -aR

    ReplyDelete
  14. Ikaw na! the best ka mambitin! lahat ng araw na wala kang pinopost nasa hospital ako nagkokombulsyon*Eksaherada lang* haha

    Update agad sir! God-bless :*

    ReplyDelete
  15. Kuya Migs!! Waaah!! Hindi ko na yata kaya!! Ang bigat!! Nakakatakot basahin yung next chapter!!! Tindi ng kaba ko now.

    Ang galing kuya migs!! Nakalimutan ko na yung icocomment ko.

    Ang hirap hulaan kung ano ng mangyayari.

    Kuya migs, sana po walang mamatay katulad sa AAO 1.

    ReplyDelete
  16. mr. author kailan sunod update?.....Super likeyour story.....

    ReplyDelete
  17. grabe ang nangyare kay DAN! GAGO AMAN KC UNG 2 NILANG KAIBIGAN AT KAKUTSTABA PA NILA C MELVIN. MAGKAAUZ PA KAYA C MIKE AT DAN? ANG TANONG , KUMUZTA NA C DAN, BUHAY PA BA? SOBRANG BITIN MIGS AH, HE HE HE

    ReplyDelete
  18. i appreciate your work migs.. grabe migs..bawat litanya ng dialogue bagsak kung bagsak...ang sakit sa dibdib..halos di nga ako makahinga..

    i dont blame mike pero iwan ko ang sarap sabihin na its all your fault..

    sana yung outcome nito ay for the sake sa kanilang dalawa..

    migs for this chapter? BOOM!

    ReplyDelete
  19. ano ba yan.... nababoy ng sobra si Dan!

    napaka manyak kasi ni melvin e! kawawa rin si mike kasi hindi naman nya ginusto yung nangyari.

    migs, mala CALVENTO FILES ang mga eksena ha. hahahahahaha

    ReplyDelete
  20. anyare??? anyare kay dan? ano kuya migs! sagutin mo ako!!! ahaha hysteria mode lang...ahaha finally i'm back!

    ReplyDelete
  21. Kuya migs, nag-email ako, di mo naman nabasa. hehe...

    nangangamusta lang.
    ge2.

    ReplyDelete
  22. akala ko nakauwi na sila ng sabay.hhmmmm...bakit nahuli si danny? baka naman pinagsamantalahan ulit nila dave and mark?.anu ba yan. nakakaawa naman...

    --nice sir migz..next na po pls.hehehe

    ReplyDelete
  23. kuya migs grabe..nu ng yare ky danny ok lg po ba siya..ngayon pa na naging ok na sila si mikee..sana mgka ayus silang dalwa...makulong na sana ang mga adik..excited na po ako sa nex chap..ingat po lage kuya migs..love you

    -M

    ReplyDelete
  24. im fell sad d2 kay danny...baka magbago na ung ugali ni danny dto...ung palaban na danny...ung hindi na papatalo sa ano mang laban.,,,,

    ReplyDelete
  25. I had goosebumps while reading this..sobra na yung awa ko kay Danny..parang he doesn't deserve these things..pero i still believe na may mangyayari pa ring justice sa lahat ng nangyari sa kanya..

    Ansarap isako nila Mark at Dave!hahaha!!

    ReplyDelete
  26. Migs!!! I love all of ur stories...but i am feeling that this one is gonna be the best one and will be in my list of my greatest blog stories. This is so great, i know ur busy, the only wish, i think everyone has the same wish, sana mabilis ang update, but of course we understand that may buhay ka din outside ur writing, but the wait is worth it bec the chapters are great.

    ReplyDelete
  27. Migz grabe kakastress namn tong story na to. mukhang something bad happened to dan. Can't help but to cursed mike and his friends.

    Migz next chapter na please.

    have a great day and enjoy your week.....

    ReplyDelete
  28. mabruk is congratulations in arabic.. :p parang kakabugin nito ung against all odds 1.. :p

    ReplyDelete
  29. Lupet ng Author. galeng.

    LAIB palang Nabasa ko at Breakeven. Nasan na kaya at kamusta na si Cha. namimiss ko na cia, wla ako idea kung saan ulit cia magpapakita kasi dalawang season palang ang nabasa ko.

    Napaka Epic ng Laib.

    Miss ko na din si Kiko...

    ReplyDelete
  30. That was so intense!!!!!! Such a good read.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]