Monday, November 26, 2012

Against All Odds 2[9]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Dan ang mangilabot sa inaasta ng kaniyang ina. Umaasta ito na tila ba walang nangyari habang ang katotohanan ay kauuwi lang nila galing sa ospital kung saan siya naratay ng mahigit sa isang buwan at hindi galing sa isang bakasyon. Ngunit katulad ng sinabi ni Cynthia kay Dan noong nakaraang gabi ay inisip na lang ni Dan na may rason kaya't nangyayari lahat ng iyon at hindi kailanman siya susuko.


We're home!” masiglang sabi ni Lily sabay kuwa ng mga gamit nila ni Dan mula sa kamay ng taxi driver saka nagpasalamat sa lahat ng tulong nito. Muli, hindi maitulak ni Dan ang sarili na sagutin ang ina.


Hindi naman pinansin ni Lily ang hindi paring pagkibo ng anak dahil desedido siya na gawin ang inimungkahi sa kaniya ng nurse na umalo sa kaniya noon ding nakaraang gabi.


Give it some time---”


Yes. Everything will be OK now.” pangungumbinsi ni Lily sa sa sarili habang binubuksan ang kanilang front door.


000oo000


Was that Lily and Dan?” tanong ni Brenda na ikinagulat ni Mike. Abala kasi ito sa pagsilip sa kanilang bintana, pinapanood ang bagsak balikat, namumutla at nanghihina pang si Dan.


Yeah.” tahimik at matipid na sagot ni Mike sabay layo sa bintana.


Why don't you go there and see if he's OK? I'm sure he'll appreciate that.” mungkahi ni Brenda sa tahimik parin na si Mike.


I think we should let him rest first, Ma. He just got out of the hospital.” matipid ulit na balik ni Mike. Saglit na tinignan ni Brenda ang anak na tahimik lang na nakatingin sa mga sarili nitong palad. Simula nung ma-ospital si Dan ay napansin na niya ang ilang nakababahalang pag-babago sa anak pero ikinibit balikat niya parin ito, iniisip na nalulungkot lang ito sa nangyari sa kaibigan.


I think you're right. Besides, I'm sure you'll see each other in school next week---” hindi na narinig pa ni Mike ang sunod na sinabi ng kaniyang ina dahil muli siyang natakot sa ideya ng muling pagkikita nila ni Dan.


000oo000


Tila ikinulong sa isang maliit na kwarto na walang bintana si Dan nang muli siyang bumaba sa harapan ng kanilang skwelahan. Unti-unti siyang nahirapang huminga lalo pa nang pagtinginan siya ng mga tao sa paligid, ang ilan ay naaawa, ang ilan ay tila ba sa ginawa nilang iyon ay malalaman nila ang buong nangyari noong gabing iyon.


Nakayuko at nagmamadaling lumakad si Dan patungo sa kaniyang classroom, hindi napansin ang kinakabahang si Mark at Dave sa isang tabi.


Why the hell is he still here?!” nagpapanic ng bangag na bangag na si Dave.


Chill. He won't be here for long.” nakangising sagot ng bangag na rin na si Mark.


000oo000


Pilit na pinapagana ni Dan ang kaniyang utak habang nagtuturo ang mga guro niya, pilit na isinasaksak sa kaniyang utak ang mga impormasyon na itinuturo ng mga ito, umaasa na kapag ginawa niya ito ay hindi na niya mapapansin ang mga pagtitig at paminsan minsang pag-tingin ng kaniyang mga kaklase.


Nang tumunog na ang bell bilang hudyat na oras na upang magbreak ay agad na tumayo si Dan mula sa kaniyang upuan upang makalayo narin sa mga pagtitig sa kaniya ng kaniyang mga kaklase ngunit nung sandaling umapak na siya sa hallway ay lalo niyang napansin ang pagtititig sa kaniya ng mga tao sa paligid. Ang ilan ay nakangisi, ang ilan ay pinipgilan ang sarili na tumawa, ang ilan ay humahagikgik at ang ilan naman ay hayagan ng tumatawa habang nakatingin sa kaniya.


Nakita ni Dan ang pinagtatawanan ng kaniyang mga ka-school mate. Ilang papel ang naka dikit sa hallway. Siya ang tampok dito. Siya na naka bestida. Bawat papel ay may iba't-ibang caption.


I love gang bangs!”


I love anal sex!”


I give the best blow job in town!”


Kaya ka nabubugbog eh!” sigaw ng isa sa mga naroon sa hallway. 



Tila umikot ang paningin ni Dan kasabay ng paninikip ng kaniyang dibdib at panlalambot ng kaniyang mga paa. Nagmamadali siyang lumapit sa mga papel na nakadikit sa pader at pinagtatatanggal iyon. Lalong napuno ng walang awang tawanan ang hallway habang ang iba naman ay tila ba curious lang na nanonood.



Hindi mapigilan ang sarili na mapaiyak.


000oo000


Lumabas si Mike ng kanilang classroom na nagkakagulo ang ilang estudyante sa hallway. Na intriga siya kaya naman tinignan niya kung ano ang mga nangyayari. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya si Dan na tinatanggal ang ilang papel sa dingding ng hallway habang tumatawa ang ilan sa mga estudyante at iba naman ay nagaalalang nakatingin sa huli.


What's happening?” tanong ni Mike sa isang estudyante malapit sa kaniya.


Someone posted a picture of Dan wearing skirts with some mean captions like “I love gang bangs” and stuff. It's really sick if you ask me.” umiiling na sagot ng estudyante sabay talikod kay Mike.


Danny.” pabulong na tawag ni Mike sa kaibigan habang pinapanood itong humikbi habang binabayuot ang mga papel.


000oo000


Nagaalalang hinanap ni Mike si Dan habang kumakain ang lahat ng tanghalian. Matapos ang munting tagpo sa hallway nung morning break ay hindi na muli pang nakita ni Mike si Dan at lalo siyang nagaalala nang mapansin ang pagkawala nila Mark at Dave sa paligid. Mabilis muli ang pagkabog ng dibdib ni Mike, iniisip na baka tinotoo ng dalawa ang kanilang mga banta kay Dan.


000oo000


Tila ba nakakulong muli si Dan sa kaniyang sariling panaginip. Isang masamang panaginip kung saan muli siyang pinagtutulung-tulungang gulpihin at gahasain ng mga taong kaniyang itinuring na kaibigan habang papalapit ng papalapit sa kaniya ang naglalakihang sila Dave at Mark na may nakatatak pang ngisi sa kanilang mga mukha, hudyat na hindi maganda ang mga susunod na mangyayari. Wala ng nagawa pa si Dan kundi ang mapansandal sa isang sulok at mapa-upo doon at itago ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga binti.


MIKE!” 


Tila bumalik ang oras sa gabing iyon. Bawat detalye ng nangyari ay muling isinasabuhay ni Dan ngayon. Ang kaniyang pagmamakaawa kay Mike na tulungan siya, ang kaniyang pagmamakaawa kila Dave at Mark na itigil na ang kanilang pangga-gahasa sa kaniya at ang lasa ng dugo na bumabalot sa kaniyang mukha at buong katawan.


MIKE!” 


Bumalik din lahat ng sakit ng suntok, tadyak at sampal na iginawad sa kaniya ni Mark at Dave.


Putangina ka!”


Bumalik ang bawat mura, bawat masasakit na salita at bawat pangiinsulto sa kaniyang pagkatao.


Lahat iyon bumalik dahil lang sa sinabi niya kay Mike ang kaniyang tunay na nararamdaman.


Awww! Look at the baby cowering!” pasinghal na pangiinsulto ni Mark sabay tadyak sa kanang hita ni Dan.


Argggghhhh!” umiiyak na sigaw ni Dan dahil sa sakit ng pagtadyak na iyon ni Mark. Di pa man nakakabawi si Dan ay agad na hinila ni Dave si Dan patayo at pilit na pinaharap sa kanila.


We want you gone.” singhal muli ni Mark habang hawak hawak ang nagmamanhid pang panga ni Dan.


We want you out of our way.” singit naman ni Dave na hindi nagpatalo sa nakamamatay na tingin ni Mark.



Nang walang nakuwang sagot sila Mark at Dave mula kay Dan kundi ang paghagulgol nito ay pinuntirya naman ng mga ito ang tyan ni Dan at pinaulanan iyon ng suntok. Muling napaluhod si Dan matapos ang pangatlong suntok nila Mark at Dave at halos sumuka na ito ng dugo, pero hindi parin siya pumayag sa gusto ng dalawa, hindi dahil nagmamatigas siya kundi dahil hanggang sa ngayon ay napaparalisa parin siya dahil sa takot.


Mark! Dave!”


000oo000


Halos mahimatay si Mike sa kaniyang nakikita. Ang dalawang may malalaking katawan na sila Dave at Mark ay muling piangtutulungan ang walang kalaban-laban na si Dan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero binabalot siya ngayon ng pakiramdam ng tila ba gusto nanaman niyang pumatay. Bawat suntok at pangiinsulto na lumalabas sa mga bibig ni Dave at Mark ay tila ba gasolina na nagpapatakbo sa makina ni Mike upang pumatay.


Kinilabutan si Mike nang makita niya ang tila ba slow motion na pagkaluhod ni Dan sa sahig matapos itong hilahin patayo ni Mark gamit ang kwelyo at suntukin muli at ang tila ba pagkapos ng hininga nito at wala paring tigil an paghagulgol na para bang ang kagustuhang lumaban ay tuluyan ng nasaid mula sa pagkatao nito at ang tangi na lamang gusto ay matapos na lang ang lahat ng nangyayaring iyon.


MARK! DAVE!” sigaw ni Mike sabay takbo mula sa kaniyang kinatatayuan.


Nagulat sila Mark at Dave. Muli nilang nakita ang galit sa mga mata ni Mike katulad noong hapon matapos nitong bisitahin sa unang pagkakataon si Dan sa ospital. Pareho silang nakaramdam ng ibayong takot. Lumanding ang unang suntok sa mukha ni Mark na ikinaluhod nito sa sobrang sakit, sinubukang hawakan ni Dave si Mike ngunit mabilis itong humarap sa kaniya at tinadyakan ito sa parti ng tyan na ikinatumba ng huli. Pumaibabaw si Mike kay Dave at pinaulanan ito ng suntok sa mukha. Nang makabawi na si Mark mula sa sakit ng unang suntok ni Mike ay mabilis itong pumunta sa kinaroroonan ni Mike at hinila ito palayo kay Dave, sinubukan ni Mark na suntukin si Mike ngunit mabilis itong naka-ilag at sinuntok siya sa mukha.


DRUGS! MAKES! YOUR! REFLEXES! SLOW!” singhal ni Mike sa pagitan ng mga suntok na igingawad niya sa mukha ni Mark.


000oo000


Nang maramdaman ni Dan na wala ng pumipigil sa kaniya mula sa pagtakbo ng malaya at nang wala na siyang nararamdaman na mga suntok at sampal ay mabilis siyang tumakbo. Hindi alintana ang nangyayari sa dalawa niyang tagabugbog. Hindi alintana na ipinagtatanggol siya ngayon ng lalaking tinawag niya na best friend simula nung limang taong gulang pa lang sila, ng lalaking kaniyang minahal.


Hindi alam ni Dan kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Wala siyang pakielam sa tila ba lumalabnaw na niyang lamang loob dahil sa mabibigat na suntok nila Dave at Mark sa kaniyang tiyan dahil ang tangi niya lang gusto ay makalayo sa lugar na iyon.


000oo000


Stop it! Please!” sigaw ni Mark kay Mike na nagtulak dito na itigil na ang panununtok dito. Tumayo na mula sa pagkakadagan kay Mark si Mike at tinignan nito si Dave at Mark na may kasamang pandidiri.


TOUCH DAN AGAIN AND I SWEAR, I'LL KILL THE BOTH OF YOU!” singhal ni Mike na ikinatakot ng dalawa na agad na tumayo sa kabila ng sakit na kanilang nararamdaman at nagtatakbo palayo.



Nang masigurong hindi na muli pang babalik ang dalawa ay lumingon-lingon si Mike at nang makita niyang wala sa paligid si Dan ay muli siyang kinabahan at natakot. Sa sobrang takot ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapaluha.



Muli nanamang nasaktan si Dan at wala siyang ibang dapat muling sisihin kundi ang sarili. Muli nanamang nasaktan si Dan at ang pinakamasakit sa lahat ay hindi niya alam kung pano ito aaluhin.


000oo000


Wala ng pakielam pa si Dan kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid habang tumatakbo siya sa mahabang hallway ng kanilang skwelahan dahil ang tangi niyang gusto ay makalayo doon at makapagtago sa mga taong muling mananakit sa kaniya.


What did I do to deserve this?” umiiyak na bulong ni Dan sa sarili.


Sa sobrang pagmamadali ay hindi na napansin pa ni Dan si Martin na nakayukong naglalakad, nabangga niya ito na halos ikatalsik ng huli. Muli sanang yuyuko si Martin at hihingi ng pasensya upang hindi na sana mapagbuntungan pa ng panlalait nang makita niya ang mukha ni Dan. Basang basa ito dahil sa luha, nakakunot ang noo nito dahil sa sakit at ang sulok ng bibig nito ay may natutuyong dugo.



Muli ng tumingin ng daretso si Dan at muli na sanang magtatatakbo nang pigilan ito ni Martin.


Dan, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Martin ngunit hindi siya pinansin ng huli, pero kahit pa hindi siya pinansin nito ay hindi naman maikakaila ni Martin na nakitaan niya ang mukha ni Dan ng sobrang paghihinagpis na tila ba tumunaw sa puso ni Martin.


DANNY!” sigaw ni Mike sa hindi kalayuan na nakapagpalingon kay Dan at Martin. Kitang kita ni Martin ang pagrehistro ng sobrang takot sa mukha ni Dan lalo pa ng makita nitong patakbong lumalapit si Mike sa kanilang pwesto.


Mabilis na hinaltak ni Dan ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Martin at nagtatakbong pumasok sa isang C.R. Hinayaan na ito ni Martin at nang lumapit na si Mike sa kaniyang pwesto ay buong loob niya itong hinarangan.


I know what you did to Dan.” singhal ni Martin sabay iniharang ang sarili sa pintuan ng CR upang hindi makapasok si Mike.


What are you talking about!? I didn't do this to Dan---” simulang pagpapaliwanag ni Mike na ikinainit ng ulo ni Martin. Wala na ang dating duwag na Martin. Wala na ang hindi palakibong si Martin at dahil iyon sa kaniyang nararamdamang galit laban sa mga taong nanakit sa nagiisang tao na tumuring sa kaniya bilang isang kaibigan, bilang isang tao na nararapat ding irispeto.


Don't act dumb, Mike. I know what you, Mark, Dave and my brother did to Dan---” pasinghal paring simula ni Martin na ikinatigil ni Mike na miya mo may nagbuhos sa kaniya ng malamig na tubig. “--- You see, when you're high with drugs, may mga bagay kang masasabi na hindi mo dapat ipagsabi. That's what happened to my brother, sa sobrang pagkasabog, ikinuwento niya ang mga ginawa niyo kay Dan sa harap ko unknowingly. Pasalamat kayo at wala ako masyadong ebidensya maliban sa sinabi ng sabog kong kapatid, kung hindi pare-pareho na kayong nasa kulungan ngayon.” matapang na pagtatapos ni Martin na muling nagpaluha kay Mike.


I never wanted to hurt him---” simula ni Mike pero pinutol siya ni Martin na tila ba wala itong narinig.


What did Dan do to you to deserve this?” galit na galit na tanong ni Martin na lalong nagpaluha at nagpailing kay Mike.


I have to talk to him.” pagpupumilit ni Mike ngunit iniharang parin ni Martin ang kaniyang katawan sa bungad ng CR.


No! I won't let you hurt him again! Di pa ba sapat yung binugbog niyo siya, gahasain at muntik ng patayin, ha?!” singhal muli ni Martin.


I said MOVE!”


NO!” sigawan ng dalawa na ikinakuwa ng atensyon ng ilang tao na dumadaan sa gawing iyon. Naririnig man ng mga ito na nagtatalo ang dalawa ay wala namang ideya ang mga ito kung saan tungkol ang pagtatalo ng mga ito.


Don't make me—-”


Don't make you do what? Hit me? Kill me? RAPE me?!”


Ang mga sinabing ito ni Martin ang nagtulak kay Mike upang suntukin na ito sa mukha na ikinatumba ng huli. Hindi niya ito ginusto ngunit gustong gusto na niyang malaman kung OK lang ba si Dan, kung may maitutulong ba siya dito at kung posible ay makakausap niya ba ito.


Mabilis na nilagpasan ni Mike ang nakaluhod dahil sa sakit na si Martin at binuksan ang pinto ng CR. Tila itinigil ang pagikot ng mundo at ang oras nang makapasok na sa loob ng CR si Mike. Katulad ng tipikal na CR ng mg skwelahan sa Pilipinas, ang CR din na iyon ay hindi kalinisan.


Pero habang pinakikinggan niya ang paghagulgol ni Dan sa loob ng isang cubicle ay alam niyang nakasalampak ito sa sahig ng CR. Sapo sapo ang alin mang bahagi ng katawan na nananakit mula sa pambubugbog nila Mark at Dave.


Napasandal si Mike sa pader. Hindi makapaniwala at nasasaktan ng lubos sa paghihinagpis ng kaibigan.


Danny.” pabulong tawag ni Mike kay Dan na nagdulot dito na tumigil saglit sa paghagulgol. Dahan-dahang umupo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Dan sumandal sa pader, hindi parin tumitigil ang mga luha sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata.


P-please. D-don't hurt m-me. I-I'm n-not going to t-tell. J-Just don't hurt me. I-I c-can't take it anymore. I-I'll leave school if that's what you want, j-just don't hurt me, p-please, I-I can't take it anymore.” pagmamakaawa ni Dan na lalong nakapagpatindi sa sakit na nararamdaman ni Mike.


Hindi lang kasi pagmamakaawa ang narinig ni Mike sa likod ng mga sinabing iyon ni Dan kung hindi sakit at pagakawala ng pag-asa. Hindi na nakapagsalita si Mike na patuloy parin sa tahimik na pag-iyak samantalang si Dan ay patuloy lang sa pagmamakaawa.


Parehong nakasandal si Dan at Mike sa hindi kalinisan pader ng CR habang nakaupo sa sahig. Parehong lumuluha. Parehong nasasaktan habang pinapakinggan ang paulit ulit na sinasabi ni Dan na...


P-Please, don't hurt me---”



Itutuloy...

Against All Odds 2[9]
by: Migs

18 comments:

  1. Pasensya na muli sa sobrang tagal na hindi pagpo-post. Bawi ako this time. BACK TO BACK chapters para sainyo. Sana po ay hindi kayo magsawa sa pagababasa ng aking mga post at hindi magdalawang isip na i-refer sa mga friends niyo ang blog ko. I need more followers. Nakaka enganyo kasi magsulat kapag alam mong madaming magbabasa ng kwento mo lalo na kapag maraming magco-comment!

    Two more chapters for this season of AAO book 2. Second season to be posted soon. :-) ABANGAN! :-))

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    GLITTERATI: susunod na yung lighter stories. :-)

    LordNblue: hindi lang po ikaw ang nadala sa kwento. :-) SALAMAT! Pa-follow at sana lagi ka ng magcocomment! :-)

    ichigo: lighter chapters to follow. :-)

    Frostking: sadly, may mga ganyan talagang tao. :-(

    makki: more “heart rending” chapters to come.

    robert_mendoza: hindi rin naman magandang huwag magtiwala kahit sa isang tao lang.

    Rom: that's one of my targets. Para kahit papano naman ay may matutunan kayo sa mga isinusulat ko, hindi yung lagi na lang kayong kinikilig.

    Moon Sung-Min: this story will become more unpredictable as it progresses.

    Russ: nakikibusy ka narin tulad ko? :-)

    Dereck: Pa follow din ako saka sana lagi ka ng magco-comment! :-)

    Lawfer: more sad chapters to come, yes. But there will also be lighter ones in between! :-)

    rascal: barang talaga? And how can you be so sure that this story will end up sad? :-)

    therese llama: pwedeng maging bida o kontrabida si Martin. Abangan mo na lang... :-)

    Lexin: sige, mura lang ng mura, pero sana hindi rin matitigil ang pagcocomment. Dyan ako humuhugot ng sipag na magpost at gumawa pa ng stories eh.

    Lynx Howard: Ayan, back to back. :-) wish granted.

    Richmond Danganan: love stories that doesn't have a happy ending is a story worth reading. :-)


    ANDY: naibuhos ko na kasi sa AAO 1 lahat ng OA na drama eh. Ahahahaha! :-P

    Edmond: pressure ito? Pano kung mabigo kita this time? Hahahaha!

    Marlon Lopez: not all stories should end with a “and they lived happly ever after..” ;)

    SuperKaid: Muli, ipaaalala ko sainyo na wala pong paghihiganting magaganap.

    Anonymous November 20, 2012 6:35am: paki sulat po ang inyong pangalan upang mapasalamatan ko po kayo ng maayos. Paki follow nadin po ang aking blog at sana po ay lagi na kayong magko-comment! Salamat! :-)

    aR: cameo roles lang ang meron yung mga nurses na iyon. :-P

    adik_ngarag: chill! :-)

    foxriver: very well said.

    Akosichristian: many more of the bitch melvin to come! :-) Malay mo maybe in the future may story rin ang bakla. AAO 4 :-)

    Ryge Stan: Justice will be served soon. :-)

    WaydeeJanYokio: wala na pong role sila Josh at Igi sa story na 'to. Baka si Liam pwede pa. :-) Pa-follow na lang po ang blog ko at sana po lagi na kayong magcomment. Salamat! :-)

    calle 'aso: more sad chapters to come mixed with lighter ones. :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. kaloka kala ko isang linggo again kuya migz hehe.comment po muna

    ReplyDelete
  3. ano ba yan nabugbog na anamn sya! hahahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga ...gingawa nlng nilang punching bag c danny...huhuhuhuhuhhh

      Delete
  4. nakakaiyak :'( Martin-Dan na lang. Hehe! Hindi na nababagay si Martin kay Dan.. I hate him!!!

    ReplyDelete
  5. nakakaiyak :'( Martin-Dan na lang. Hehe! Hindi na nababagay si Martin kay Dan.. I hate him!!!

    ReplyDelete
  6. Ang galing mu talaga migs.


    Yuan

    ReplyDelete
  7. I hope so migs, sobrang torture na nangyayari kay dan. Sobra na ang nagyayari sa kanya. Thanks anyways for the back to back chapter.

    keep safe and have a great day migs....

    ReplyDelete
  8. bitin kuya migz hehehehehe........“Pain makes you stronger. Fear makes you braver. Heartbreak makes you wiser........sana ganyan ka dan...

    ReplyDelete
  9. haist.grabe ang mga kagaya nila mark and dave. parang hindi na sila mga tao.dapat sila ang maalis sa school...si mike parang monster na sa mata ni dan.yan kasi eh...

    ReplyDelete
  10. mukha nga kuya migs... sumasakit na nga ulo ko ehh...ahaha

    ReplyDelete
  11. Migs, PEPSI ka ba?
    kasi gusto kong mag "ASK FOR MORE!!!"

    love you na talaga. galing mong mangbitin. ang hilig mong mang seduce, tapos kung saan sarap na sarap na, dun ititigil.. grrrr. nakaka obsessed tuloy ang stories mo.. hoooooo..

    ADIK SA'YO!!

    ReplyDelete
  12. ay ganun ba migs..same pala tau feeler lang..feeling busy..hehehehe nice one migs..

    ReplyDelete
  13. Hay naku, I've read ALL of your stories and kung nadiscover ko lang blog mo dati pa, eh di sana noon pa man may hardcore commenter. Hehehe! =)

    Anyway, I can sooo relate to Dan's situation here. Have been bullied back in Elementary, as in halos buong class namin. Unlike him, I don't really have a knight/lady in shining armour. I'm thankful na I've recovered from that dark chapter kahit na it took a while and I can say na I'm better than ever. That's why kahit alam kong kwento lang 'to eh I really wanna see Dan (or whoever in real life has been through that same experience) to rise above being bullied.

    - Edmond

    ReplyDelete
  14. Author Migs!

    maikli yung first back to back :( haha..next part :D

    ReplyDelete
  15. Geezzz i was crying while i was reading the part Dan was pleading to Mike not to hurt him. Masokista na ata ako i know i gonna feel bad reading this but i can't help it, coz its so darn darn awesome.

    ReplyDelete
  16. Migs.. Si Liam dali to the rescue dapat ang character niya. Hala ka! Nagkikikilig ako dito parang tanga by just knowing na may possibility na pumasok si Liam. Hehehe

    Kawawa naman si Dan, sobra. Kaya support Stop Bullying campaign guys!

    ReplyDelete
  17. wooh! rampan na bugbugan sa skul, di ko ieenroll anak ko jan, hehehe Kidding aside, Idol migs! napahanga mo na nmn ako SOBRA,! di pa ko nangangahalita sa pagbabasa, pero congrats na for dis! XD GALING!

    ReplyDelete