Against All Odds 4

_____________________________
Against All Odds 4
by: Migs



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, iniintay kong tanungin ni Jase kung sino si Nate at bakit ako hinahawakan nito ng mahigpit at bakit ganun na lang ako nito kausapin, pero hindi, tahimik lang ito. Marahil iniintay ko na makitaan ito ng pagseselos. Pero wala, blangko. Siguro nga wala lang iyon sa kaniya at ang paghila niya sakin at pagaya pauwi ay tanging pagaalaga niya lang sa akin, sa kaniyang asset, kaniyang business.




Nagbuntong hininga ako.




Jase, I want to call it quits.” walang preno kong sabi dito. Agad nitong itinabi ang sasakyan atsaka humarap sakin. Wala ni isang emosyon na makikita sa mukha nito. Lalo akong natakot. Mas gusto kong may galit at lungkot sanang makita para mapaghahandaan ko kung ano man ang mangyayari at sasabihin nito. Pero hindi, blangko lang ang mukha nito at mukhang kailangan kong manghula.




Hindi. Sakin ka lang.” malamig na sabi nito.




Hindi na ako masaya, para na lang akong gamit para sayo. Isang business...”




Yan ang gusto mo diba? Sabi mo ayaw mong tatanggap ng pera mula sakin para sa pagaaral at sa residency mo kaya pinabayaan kitang ibenta sarili mo. Di ako nanghihingi ng pursyento sa mga kinikita mo sa booking pero mapilit ka.” malamig paring sabi nito. Naluluha na ako.




Ayaw ko na.” nahikbi ko ng sabi dito.




Panindigan mo yan! Yan ang problema sayo eh, para kang bata kapag di ka na kumportable sa isang sitwasyon tatalikod ka nalang basta, di mo iniisip ang mga kumplikasyon... kung tutuusin ikaw naman ang pumili niyan, ikaw at ang pride mo.”




Pero ano bang kumplikasyon?” tanong ko dito. Natigilan siya.




Ilang buwan na lang kikita na ako sa pagdodoktor. Ilang buwan na lang pwede na akong hindi magbooking...”




Hindi! Ngayon pang maraming nakapila, maraming kilalang tao na pwedeng makatulong sayo sa pagmomodel...”




Pano kung hindi ko na gusto ang magmodel.” at dun na sa sinabi kong iyon pumutok ang emosyon mula sa puso ni Jase, hinampas na nito ang manibela.




Hindi! Tapos! Ayoko ng makikipagtalo ka pa sakin. Buo na ang desisyon ko. Di tayo magbre-break, di ka titigil sa pagbu-booking at hindi karin titigil sa pagmomodel. Tapos!” sigaw nito. Natigilan ako, di ko na itinago ang gulat at pagkadismaya dito. Tahimik.



San ka ngayon? Ihahatid pa ba kita sa bahay o daretso ka na sa ospital.” balik sa pagiging malamig nitong sabi sakin.




Ikaw bahala, tutal ikaw naman ang nasusunod eh.” pabulong kong sabi, narinig kong nagbuntong hininga ito.




0000oooo0000




Para akong pilay na dahandahang naglalakad papunta sa aking tokador sa aking maliit n kwartong inuupahan. Inabot ko ang aking white coat na gagamitin sa Ospital ilang oras nalang ang nalalabi. Pero wala sa Ospital, sa mga pasyente at sa aking pinangarap na trabaho ang aking isip. Iniisip ko parin ang naging paguusap namin ni Jase kanina sa kwarto. Napaluhod ako, wari bang naubos ang lakas saking mga tuhod. At sa pagkakaluhod na iyon ay umiyak ako. Umiyak na parang bata.




Bilisan mo, i-mi-meet ko pa si Sandra.” sabi ni Jase sa may pinto ng aking kwarto, marahil ay di niya napansin na naiyak ako dahil nakatalikod ako sa kaniya. Tumango lang ako at pasimpleng pinahiran ang aking mga luha.




Nang sundan ko na si Jase pasakay ulit ng kaniyang sasakyan ay napansin kong palinga linga ito, parang isang taong gumawa ng krimen at takot na baka nasundan siya ng mga pulis. Kumunot na lang ang noo ko sa pagtataka sa mga kinikilos nito.




0000oooo0000



Mukha akong kagalang galang sa aking puting polo at stethoscope na nakasabit sa aking leeg. Ilang buwan na lang at tapos na ako sa saking residency, masaya ako, masayang masaya pero kinakabahan din kahit papano, naalala ko ang di pagpayag ni Jase sa aking desisyon na itigil na ang pagbu-booking.



Kasalukuyan akong naglalakad sa lobby ng ospital at papunta na sana sa doctors quarters ng biglang may humarang na lalaki sa aking harapan. Nanlamig ang buo kong katawan.




Goodafternoon, doc.” bati nito sakin, nilagpasan ko lang ito.




What? Snob ka na ngayon, kiddo? Akala ko kailangan mo ng kausap lagi?” Natigilan ako sa sinabi niyang yun.




Para akong binalik sa nakaraan.



Why not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din ng stress at sama ng loob once you talk about it to someone.” sabi niya. Tumango ako.



Yun nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng sabihan.”



Busy ako ngayon.” sabi ko na lang atsaka nagpatuloy sa paglalakad matapos lampasan ito.



No your not, according to the secretary sa IM department free ka daw ngayon and all the patients that need IM residences have been discharged. Kaya alam kong di ka busy ngayon.” sabi nito sabay lakad kasabay ko.



Natigilan ulit ako.



I'm going to kill that bitch.” sabi ko sa sarili ko.



I'm not into patients today. I'm doing paper works. Abstracts. Medical files.“ palusot ko ulit.



Iistorbuhin lang naman kita saglit eh. Gusto lang kitang makausap.” sabi nito. Ito na ang kinakatakot ko. Ito ang pinkakinakatakot ko, tulad ng sitwasyon sa lobby ng hotel nung huli kaming nagkita nito ay malapit na akong bumigay sa gusto nito. Hindi ko nanaman ito mahindi-an.



Because I need someone to talk to.” sabi nito sabay timpla ng mga kulay na gagamitin nito. Nagdalawang isip ako, kailangan ko na kasing umuwi ng maaga dahil may aaralin pa akong lesson. Marahil ay nakita nya ang aking pagaalangan.



Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.



Gusto ko sanang humingi ng sorry. Naiintindihan ko kung bakit nagdalawang isip ka pang kausapin ako. Mali talaga ang ginawa kong pagiwan sayo noon.” sabi nito.




Di ako sumagot. Pinilit kong hindi sumagot. Di na magawa pa ng mukha ko ang maglabas ng reaksyon, siguro dahil masyado akong nasaktan sa ginawa nitong tao nato noon at maski galit ay di na rumehistro sa mukha ko.




Magsalita ka naman, please. Para ano pang pumayag kang makipagusap sakin kung di ka naman magsasalita? Murahin mo ako, suntukin, pagsisipain kung gusto mo. Magkaroon man lang ng saysay tong pakikipagusap ko sayo.” sabi nito sakin, binigyan ko siya ng isang tipid na tingin.



You made it very clear, six years ago, na wala na tayong dapat pagusapan.” sabi ko dito, malamig, walang emosyon. Tumango ito bilang pagsangayon.



Fair enough.” matipid ding sabi nito. Sabay buntong hininga.



Do you really hate me that much na hindi ka manlang mageffort magstretch ng muscle to bitch slap me or to frown manlang?” sabi nito sakin, nararamdaman ko na ang lungkot nito sa kaniyang pananalita.



Yes. I hate you. I hate you so much that I'm itching to get away from you already.” walang pusong sabi ko dito. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa ospital ng tawagin ulit ako nito.



Aaron, please.” pabulong ng sabi nito at naririnig ko na ang paghikbi nito. Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking puting coat.



Masyado mo na akong naaabala. I believe kaya ka nandito ay para magsorry? Well, nagawa mo na ang pakay mo, nagsorry ka na. Ngayon dahil wala naman na akong pakay sayo, pwede bang pabalikin mo na ako sa tarbaho ko?” sabi ko dito habang nakatalikod parin sa kaniya. Tama ang desisyon kong ipasok ang aking kamay sa coat ko dahil ngayon ay nanginginig na ito.





0000oooo0000




Kalmado akong naglakad pabalik sa ospital. Di alintana ang bawat hakbang, ang tanging nasa isip ko ay makabalik agad sa ospital at ng masigurado kong wala na ako sa paningin ni Nate, nang masigurado kong hindi na ako nito makikita sa oras na makapasok ako sa pinto ng ospital ay lakad takbo akong pumunta sa aming quarters.




Doc Aaron, ok ka lang?” tanong sakin ng mahaderang sekretarya ng aming department, tinignan ko lang ito ng masama.



Nanginginig parin akong pumasok sa CR ng aming quarters, para akong kinukumbulsyon, kulang na lang magpass out ako. Tumapat ako sa lababo at nagsimulang maghilamos pero nauubos lang ang tubig sa aking mga palad dahil sa patuloy parin ito sa panginginig.



Napaluhod ako sa sahig at duon napahagulgol. Agad akong napumigaw. Sumigaw dahil di ako makapaniwalang ganoon parin kasakit at magiging ganoon parin ang magiging reaksyon ko sa paligid ni Nate. Di ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang pinto. Sa sobrang inis at galit sa sarili.



Doc, is everything ok?” tanong ng sekretarya sa kabilang bahagi ng pinto.




Sige saglit.” huminga ito ng malalim.



MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.




Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.




Sigurado ka?” tanong nito sakin.




Siguradong sigurado!” sabi ko. hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.




Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.




Di lang maalat na tubig ang kailangan na makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.




Di ko alam kung ilang minuto na akong nakakulong sa loob ng CR na iyon, narinig ko ng kumatok ang iba pang mga kasamahan kong doktor pero di parin ako lumabas.




Ok na Nate, ok na ako sa buhay ko, di man lubusang masaya pero ok na, bakit bumalik ka pa?” sabi ko sa sarili ko habang patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.




Doc ok lang po ba kayo? May naghahanap po sainyo.” tanong ulit sakin ng aming sekretarya sa kabilang panig ng pinto.



Di ko na lang ulit ito pinansin, baka kasi si Nathan lang din ang naghahanap sakin. Ayaw ko ng madagdagan pa ang drama ngayong araw na ito kaya naman naisipan kong wag na lang pansinin ang tawag ng sekretarya sakin sa kabilang panig ng pinto.



Narinig ko ulit itong kumatok. Nagpantig ang tenga ko sa sobrang inis sa pakielamerang sekretarya, marahas kong binuksan ang pinto.



S-sorry po Doc.“ paghingi ng pasensya nito ng makitang luhaan ang aking mukha at tinitignan siya ng matalim.



Sino ba iyon at mukha naman atang di makapagintay?!” sigaw ko pabalik dito.



Doc, Jase daw po ang pangalan.”



Agad akong nagtaka, ito ang unang beses na pinuntahan ulit ako dito sa ospital ni Jase simula nung magkalabuan kami. Naisip ko na lang na baka may importanteng sasabihin, agad kong inayos ang aking sarili at nagpasyang puntahan ito.





Itutuloy...

Comments

  1. ganda talaga... sana mapabilis ng konte ang update :)

    ReplyDelete
  2. gaya nang dati bitin! cliffhanger na naman, hehehehe.. me napansin lang ako:

    mukhang si jase eh holding back aaron not because he is a prized asset, nasabi naman nya na di cia kumukuha nang porsyento sa kita ni aaron, cguro un lang ang tanging connection nya kay aaron dahil apart from it wala na (wala na nga ba?), mahal niya si aaron pero me pangamba dahil cguro alam niya na si nate ang unang minahal, and seeing nate returning and winning back aaron's heart will only loose him in the process.

    yan namang si nate dumating narin lang di pa naging aggressive!, hahahaha...sayang ang nakaraan pwede namang ipaalala uli..

    at ikaw aaron, wala akong masabi sau, gwapo mo siguro sa personal, lol...naguguluhan ka ata eh!, cno ba sa kanila? kung ayaw mong mamili, ako nalang ang pipili para sau...hmmmm? mahirap din pala cge ikaw nalang uli mamili o si migs nalang, kau naman ang matalino eh, nurse cia doktor ka naman, goodluck nalang, nyahahahaha :P

    anyway migs, just to lighten up lang naman, alam kong marami pa ang magbibigay nang comments kasi and i bet mix emotion na naman, gaya ko nabitin na nalungkot, pero maganda cia, next post na (",)

    PS: kaasar tong anti spam ha, di kaagad makapagcomment, minsan sira minsan buo, LOL

    ReplyDelete
  3. Da bet as always ang chapter na ito mahal kong Migz keep it up po. Ingatz lafi.

    ReplyDelete
  4. very nice... next na please :)

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng takbo ng kwento,
    sobrang nakaka-hook...
    GRABE!!

    wag na kami bitinin please, kuya migs :D

    ReplyDelete
  6. LOVE IT!

    Can't wait for the next chapter!

    ReplyDelete
  7. .....royvan24....

    nice nice nice bakit naman nabitin ang story.....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]