Against All Odds 11

___________________________
Against All Odds 11
by: Migs



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Muli kong ibinukas ang mga pinto ng elevator. Mabilis kong tinahak ang daan ulit papuntang parking lot, ramdam ko at alam kong sumusunod sakin si Nathan. Tinulak ko ang pinto palabas ng parking lot, agad nanlaki ang mata ko sa nabungaran. Si Jase, anduon, nagyoyosi.



Aaron? Nate?” gulat din nitong bulalas nang iluwa kami ng pinto.



Tahimik.



San ka nauwi ngayon?” tanong sakin ni Jase pagkatapos ata ng limang minutong pakikipagtitigan sa kanila.



Kung saan saan.” malamig kong sagot humahanap ng daan na pwedeng madaanan makaalis lang sa tabi ng dalawa.



Sabi ni Aling Babs matagal ka na raw di nauwi dun sa apartment niya.” sabi ulit ni Jase.



Wag mong sabihing nag...” simula ni Nate, di pa man nito natatapos ang kaniyang sasabihin ay alam ko na agad ang pinupunto noon.



Ano? Nagbu-booking at nakikitira kung kanikanino?!” bulyaw ko dito, napayuko naman ito.



Bakit? Kung nagpapabooking parin ako? Sino ka para husgahan ako?” bulyaw ko dito.



Di yun...” simula ulit ni Nate, handang depensahan ang sarili.



Tama na Nate.” saway naman ni Jase.



Shut up!” bulyaw dito ni Nate.


Nagaalala lang ako kay, Aaron. Hinuhusgahan mo nanaman siya eh!” sigaw ni Jase pabalik dito.


Nagaalala? More like nagpapakitang tao.” nangiinsultong sabi ni Nate.


Mahal ko si Aaron.” may paninindigang sabi ni Jase.


You loved him, so that you can use him to get Mom's attention!” bulyaw ulit ni Nate, magkalapit na ang dalawa at ilang minuto na lang ay magsasapakan na ang mga ito.



Atleast di ko kailanman siya iniwan!” sigaw ni Jase.


User!”


Walang paninindigan!”



I love him.” sabi ulit ni Jase.



I loved him more.”



You left him.”


and you seduced him after I left..”



We were inlove.”



User!” sigaw ulit ni Nate.


Duwag!”



Mama's boy!”



That's it!” sigaw ni Jase saka sumugod papunta sa kinatatayuan ni Nate, sa puntong ito wala na akong pakielam maski magpatayan pa sila. Wala na akong pakielam. Muling bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tita.



Enough!” sigaw nito, natigilan ang dalawa.



0000oooo0000


Magkakaharap kami sa mahabang lamesa ng cafeteria, si Tita sa tabi ni Nathan at ako naman sa tabi ni Jase. Wala paring nagsasalita, nakatingn lang ako kay Tita, halatang di parin nito matanggap ang pagkawala ni Tito.



Tita, I'm sorry.” bulong ko. Tumango lang ito at inabot ang kamay ko, hinawakan ko ang kamay niya bilang paraan ng pagpapakita ng pakikiramay. Pinilit nitong ngumiti ng maramdaman ang maiinit kong kamay.



Kamusta na, Hijo? Mukhang namumutla ka ah? Nakain at natutulog ka ba ng maayos?” tanong naman ni Tita. Di naman ako makapaniwala sa kabaitang pinapakita nito. Siya na nga itong namatayan ng asawa pero ako parin ang inaalala nito.



Ma, satin mo na lang siya patirahin. Wala na siyang tinitirhan ngayon.” sabi ni Nate, agad namang bumakat sa mukha ni tita ang pagaalala.



Ma, sakin na lang siya titira. Tulad ng dati.” singit naman ni Jase pero binalewala iyon ni tita at tumingin sakin.



Totoo bang wala kang tinutuluyan ngayon?” tanong nito. Napayuko ako, kasi naisip ko na kung magsisinungaling ako ay ayaw kong makita ang mukha nito.



Hijo, wag ka ng magsinungaling, sabihin mo na ang totoo.” sabi ulit nito, wala na akong nagawa kundi ang umamin. Nagulat ito.



Ok lang ako tita, kasi may doctors quarters naman eh, pwede akong mag-stay don as long as I want.” sabi ko dito, tumayo ito at umikot sa lamesa at niyakap ako.



Oh, hijo...” sabi nito sakin.



Hijo, I insist. Bitawan mo na yung isang ospital, kailangan mo ng pahinga. Kasalanan ng mga anak ko kung bakit ka nagkakaganito ngayon, hayaan mong sa ganitong paraan kami makabawi sayo.”



I can't tita...” simula ko.



Alam kong wala ka ng ibang binabayaran, you're done with your residency and you're just waiting for the license to practice it. And hindi naman kita sisingilin sa pagtira samin, kaya I insist na samin ka na tumira and then bitawan mo na yung isang job mo.” sabi nito sakin. Wala na akong nagawa.



0000oooo0000



Bagsak balikat akong bumalik ng Doctors Quarters, di makapaniwala na hindi ko manlang natanggihan ang alok sakin ni Tita na sa kaniya na manirahan. Alam kong isinumpa ko na na hindi ko na hahayaan na pakielamanan ako ng pamilya nila, pero sa mukha ni Tita kanina nung nakikiusap ito sakin ay parang meron saking nagsasabi na wag na akong tumanggi.



Mabuti na lang at di sa mansyon ni Tita nakatira si Jase at Nate, yun na lang ang pampalubag loob na hinahawakan ko ngayon.



Nakatadhana ba talagang maging miserable ang buhay ko? Tadhana ba talagang gawing impyerno ni Jase at Nate ang buhay ko?” tanong ko sa sarili ko ng maisipang ayusin na ang mga gamit ko para sa pagalis ko kinabukasan. Napabuntong hininga na lang ako.



May problema ba Aaron?” tanong sakin ng isang mama sa aking likod, nakalimutan kong di nga lang pala ako ang tao doon sa loob ng quarters.



Ah eh, ok lang ako Enso.” kinakabahan kong sabi dito. Tiningnan ako nito, tingin na kala mo binabasa niya ang aking utak. Tingin na parang kinikilatis kung totoo ang aking sinabi. May naalala akong bigla, may isa pa akong taong kakilala na pareho ni Enso kung makatingin.



Aaron, sabihin mo sakin ang totoo. Ikaw ba ang gumalaw ng med kit ko?” tanong sakin ng aking nakatatandang kapatid. Umiling lang ako, sinusubukang magsinungaling, pero alam ko na mababasa ni kuya sa aking mukha ang pagsisinungaling.



Aaron?” tanong ulit nito sakin sabay tumingin na kala mo pinipiga ang aking buong pagkatao para malaman niya ang katotohanan.



Kapag di mo pa sinabi ang totoo, di na kita isasama mag surf.” banta nito sakin, agad tumulo ang isang luha sa aking kaliwang mata.



Oh, bakit ka naiyak?” tanong ni Enso sakin, napaupo ako sa aking kama, lumapit naman sakin si Enso.



N-naalala ko lang si kuya Sam.” napatahimik naman bigla si Enso at natigilan sa paghagod sa aking likod. Agad kong pinahiran ang aking luha. Tinignan akong muli ni Enso at niyakap ng mahigpit.



Aaron, may problema ba?” nagaalala nitong tanong sakin. Tumango lang ako bilang sagot.



Pwede mo bang sabihin sakin? Baka makatulong ako.” pahayag nito, binigyan ko lang siya ng isang matamlay na ngiti.



Salamat ah. Pero hindi pa ako handa eh.” sabi ko dito, naintindihan naman niya ito.



Inabot ko ang aking sariling stethoscope at ipinasok iyon sa aking duffel bag. Agad namang kumunot ang noo ni Enso.



Aalis ka? Di mo naman madalas iniimpake yan pag magi-inter hospital ka na ah?” tanong nito sakin.



Nag resign na ako sa isa ko pang pinagtatarbahuhan, Enso.” matipid kong sagot dito, hinawakan ulit nito ang aking braso, kitang kita sa mga mata nito ang pagaalala.



Wag kang magalala, may mapupuntahan na ako ngayon, di na ako squatter.” sabi ko dito sabay pakawala ng isang matamlay na ngiti.



M-mabuti k-kung ganon, pero bakit parang di ka naman masya?” usisa ulit nito, tumalikod na agad ako dito, baka kasi mapansin nito ang pagtulo ulit ng aking luha, pagnagkataon.



O-ok lang ako Enso.” sagot ko ulit dito.



S-sige pero gusto kong makilala ang kukupkop sayo ah.” sabi nito sakin saka ako niyakap ulit mula sa likod.



S-sige kuya.” sagot ko.



Namiss ko ang pagtawag mo sakin ng kuya.” pahayag nito, humarap ulit ako sa kaniya at nagbigay ng isang ngiti.



Namiss ko naring tawagin kang kuya.” sabi ko dito at sabay kaming nagkatawanan.



0000oooo0000



Agad nanlaki ang aking mga mata ng makitang tumigil ang isang itim na kotse sa aking harapan. Hindi kasi ito ang iniintay kong sasakyan. Lalong lalong hindi si Jase ang iniintay kong magsususndo sakin.



Bakit ikaw?” tanong ko dito. Di ito sumagot at ngumiti lang. Agad akong tumalikod at humarap kay Enso. Biglang napaltan ang reaksyon ng mukha nito at biglang lumapit.



Ok ka lang, Aaron?” tanong nito sakin at tumango lang ako pero kita ko parin ang pagaalala nito sa kaniyang mukha.



Next time na lang siguro kita ipakikilala sa kanila.” nahihiya kong pahayag dito, agad na kumunot ang noo nito at dagling bumakas sa mukha nito ang pagaalala.



0000oooo0000



Nakangiting nagmamaneho si Jase, di ko magawang imikin ito dahil ayaw ko na talagang may gawin pa na pwedeng ikakabit ko dito. Nagbuntong hininga ulit ako at marahil ay napansin niya ito.



Relax. Di ka kasi pwedeng magstay sa bahay dahil umalis si Mama, pinacremate niya ang labi ni Papa at dadalin ang ashes sa States, dun niya ata i-sca-scatter or something.” sabi nito sabay patong ng kamay sa aking kaliwang hita, agad kong hinawi yun.



Bakit di ka sumama? Tatay mo yun diba?” malamig kong tanong dito, agad nabura ang kaniyang ngiti sa mukha.



Wala akong visa.” tipid na sagot nito.


0000oooo0000



Wala ng nasabi sa loob ng panahong nagbi-biyahe kami papunta sa aprtment ni Jase. Paminsan minsan itong nasulyap sakin pero pinanatili kong blangko ang aking mukha. Nang maiparada ang sasakyan sa harap ng kaniyang apartment ay may naaninag akong isang tao di kalayuan sa front door.



Anong drama nanaman to?!” sabi ko agad ng makilala kong si Nate iyon.


Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jase.


Gusto ko lang malaman ni Aaron na di niya kailangang mag-stay dito sayo kung ayaw niya atsaka na pagdating ni Mama ay pwede na siya doon kila Mama tumira. Baka kasi bilugin mo nanaman ang ulo ni Aaron eh.” sabi nito.



Tarantado ka talagang...!” sigaw ni Jase.


Tama na!” sigaw ko. Tumigil naman ang dalawa.


Unang una, ginagawa ko ito para kay Tita, hindi sainyo. Pangalawa, di ako ganung katanga, Nate. Sa tingin mo magpapabilog pa ako sa kapatid mo? Nakalimutan mo na bang alam ko ang tungkol kay Sandra at sa kaniya?! Sa tingin mo magpapakatanga pa ako tulad ng dati?! Wala na ni isa sainyo ang bibilog sa ulo ko!”



Pareho silang natameme. Kinuwa ko sa palad ni Jase ang susi ng kaniyang apartment at tuloy tuloy ng pumasok sa apartment nito.




Itutuloy...

Comments

  1. hahahaha nag aagawan na ang magkapatid.. cge lang migs i post mo lang yan :))

    ReplyDelete
  2. @Zekiee: salamat sayo at hindi naman tuluyang nilangaw ang chapter na ito. Wala ng nagbabasa saka nagco-comment. :-(( SALAMAT ng marami! ^_^

    ReplyDelete
  3. tuloy tuloy nang pumasok sa apartment ni jase..
    tapos, nandun pala si sandra =))


    wag ka na malungkot kuya migs,
    dadami din ang magko-comment XD
    baka busy lang ung iba kea di pa nababalikan blog mo :D

    ReplyDelete
  4. hahah nde nman nilangaw Kuya Migs, late ko lng nabasa...

    haaayst naalala ko na naman si Sam..

    thanks for sharingpromise nxt time hahabaan ko na comment ko..mejo busy lng ngaun eh..:)

    ReplyDelete
  5. hinde totoo na walang nagbabasa!!!! sa pagco-comment naman medyo na me-mental block lang po kaya walang maisulat na comment....
    wag kang mag alala marami kaming nagbabasa sa mga kwento mo....

    ReplyDelete
  6. wah bonggang bongga!!!

    parang nag-aawat lang dalawang batang nag-aagawan sa best candy in town...

    ahahahaha panalo talaga...

    sana may appearance ulit ng mga karakters from diff. books mo po...

    panalo talaga yun....

    i miss edison :'(

    ReplyDelete
  7. Sige migs pakita mo sakanila youre stronger than before...

    Jase & nate. Hohoho anu kayu ngayun? Wala pala kayu kay migs eh! Panis!

    Good one author.

    God Bless

    ReplyDelete
  8. HAy sa wakas natapos ko na rin ang apat na chapter. Ang daming twist...

    Ang tanong sino kaya ang makakatuluyan ni Aaron? Ang hirap mamili sa dalawa kasi pihadong may masasaktan. What if kung may mangyaring masama isa sa kanila.hahaha..wag naman sana. Gusto ko pa rin ng happy ending.

    Abangan ko yung susunod na chapter.

    ReplyDelete
  9. Go aaron! Da best ito. Palaban na si aaron. Nakikipagsabayan na sa magkakapatid... Anu kaya magiging reaksyon ni jase sa narinig? May pag-ibig at tunay na kaligayahan pa bang nag aantay kay aaron. Yan ang mga tanong na ang mahal kong migz lang ang makakasagot. Ingatz Migz!

    ReplyDelete
  10. laban kung laban talaga from steamy sex and revelations ngaun naman me konting action, and enso's significance, hmmmmm? interesting chapter, palaban na si aaron, nice one migs (",)

    basa uli... =)

    ReplyDelete
  11. ...off topic....
    ...kapatid pala ni sam si aaron...at naalala ko bigla ung moments ni sam at enso..T_T....nakakainis ka kuya migs...baka lumabas na ako sa pagiging anonymous...

    ...galing....ung avid fan to ni migs at ed...wahahahah...:P

    ReplyDelete
  12. ahhh.. kapatid nya pala si sam ni enso. kaya naman pala.. anggaling nga pagkakaconnect solid. kaya pala yung tatay nya. pefect naman kasi pagkakasulat mo kay sam kuya.

    KAWAWA tuloy cya. anyways. ganda. =D

    -ichigoxD

    ReplyDelete
  13. I knew it, magkapatid silang Sam at Aaron. Ahahaha...

    Inspirasyon mo po ba ang magkapatid na Al at Ed sa Chasing Pavements, kuya Migs sa story na 'to?
    (Una ko kasing nabasa ang Chasing Pavements 1 to 4 bago ang mga series. At nasabi mo na ang Chasing Pavements ay hango sa totoong buhay mo.)

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete
  14. Ang Oa mo naman migz. Madalas madaming mga taong silent readers. Kaya wag ka emo.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]