Make It With You [Chapter 1] Intentions


DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission.

 

Facebook: Miguel Salvador

Email: miguisalvador@yahoo.com

 

 

Make It With You 1

By: Migs

 

 

10 years earlier…

 

Sabay sabay na naghiyawan, naglundagan at nagpalakpakan ang may isang daang tao sa paligid ni Red habang siya ay bumuntong hininga na lamang, dahan dahang tumayo at marahan na pumalakpak. Nakaramdam siya ng may kalakasang tapik sa kaniyang likuran at nilingon ang kaniyang kaibigang si Nick na di tulad niya ay ganadong nakikisali sa mga naghihiyawan sa kanilang paligid. Umiling lang siya, kung hindi lang requirement para sa final grade na umattend sa palarong iyon ng kanilang unibersidad laban sa ibang unibersidad ay hindi sana sasama si Red.

 

Hindi siya sanay na napapaligiran ng ganung kadaming tao. Hindi siya sanay na napapaligiran ng madami at maiingay na tao. Tila ba napansin naman ng kaniyang kaibigang si Nick ang pagiging tahimik nito at muli lang siyang tinapik sa balikat.

 

“OK lang yan, malapit na matapos. Konting tiis na lang.” pang aalo nito. Agad na tumingala si Red sa digital score board ng palaruang iyon at nakita niya na asa 4th quarter na ng palaro at may dalawang minuto na lang. Malaki ang lamang ng kanilang kuponan.

 

            Sigurado na ang kanilang panalo. Muli siyang umupo, tulad ng karamihan sa mga manonood sa kaniyang paligid, nangunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinagkakaguluhan ng lahat kasama na ng kaniyang kaibigan simula’t sapul na magsimula ang palaro.

 

“Santillan for three points!”

 

            Nakabibinging sigaw ng commentator na kahit naka mikropono na ay sumisigaw parin, marahil siguro ay nais nitong talunin ang hiyawan sa buong palaruan. Muling kinuha ng mga usap-usapan sa paligid niyang babae ang kaniyang atensyon, maliban kasi sa nagtutumili ang mga ito ay tila ba kinikilig ang mga ito habang binibigkas ang pangalang “Santillan” sa may ika sampung beses ata sa buong panahon na nandon siya ay muling kumunot ang kaniyang noo.

 

            Ibinaling ang pansin sa lalaking manlalaro na tinatawag na “Santillan” na may jersey number na “18”. Matikas ang pangangatawan nito, tipikal sa mga manlalaro ng basketball, may taas na angkop sa isa ding manlalaro ng naturang palaro, hindi maikakaila na may itsura ito kaya naman hindi na siya magtataka kung kinikilig ang lahat kasama na ang kaniyang kaibigan. Ang tanging kaibahan lang nito sa karamihan ng manlalaro ng kanilang kuponan ay Pilipinong Pilipino ang kulay nito na nakadadagdag sa sex appeal nito.

 

            Seryoso ang mukha nito lagi. Hindi pa ito nakita ni Red na ngumiti pero hindi rin naman masasabi ni Red kung hindi ba talaga palangiti ang manlalaro sapagkat di naman niya ito pinanood buong gabi at hindi naman niya ito personal na kilala.

 

“Grabe. Lalaking lalaki si Santillan.” Bigkas ni Nick sa kaniyang tabi. Hindi napigilan ni Red ang mapatango bilang pagsang ayon sa kaniyang kaibigan. Dahil ang mga salitang iyon mula sa bibig ng kaniyang kaibigan ang mismong mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip.

 

            Muling naghiyawan ang mga tao sa kaniyang paligid. Wala na lang nagawa si Red kundi ang makisali sa pagpalakpak tulad ng mga ito habang nagpapakawala ng isang malalim na buntong hininga. Alam niyang tapos na ang palaro dahil mas mahaba na ang hiyawan at nakita niya din ang pagkukumpulan ng lahat ng varsity ng kanilang unibersidad sa gitna ng court at sa gitna ng lahat ng mga ito ay si Santillan.

 

            Kahit pa masayang tinatapik ng mga kamanlalaro ang kaniyang balikat o kaya guluhin ang buhok nito ay hindi parin nagbabago ang emosyon sa mukha ng manlalarong tinatawag na Santillan. Seryoso parin ito at tila ba hindi nakikisaya katulad ng kaniyang mga kapwa manlalaro.

 

 

            Sa di malamang dahilan ay biglang sumalubong ang tingin ng manlalaro sa tingin ni Red. Kitang kita ni Red kung pano kumunot ang noo nito habang nakikipagtitigan sa kaniya. Napako ang tingin ni Red dito, marahil ay nagtataka ito sa kinikilos ni Red dahil siya lamang ang tila ba hindi gumagalaw sa kinalalagyan, hindi tulad ng lahat ng andun na nagtatatalon, humihiyaw o kaya naman ay nagpapapalakpak.

 

            Naningkit ang mga mata nito. Bumigat ang dibdib ni Red kaya naman agad niyang inalis ang tingin dito. Wala sa sariling ibinaling ni Red ang kaniyang pansin sa kaibigan na abala parin sa kaka fan-girl-ing kay Santillan, habang kumukuha ng litrato gamit ang digicam at hinila ito sa manggas ng kulay dilaw na t-shirt na suot nito. Tumingin ito sa kaniya gamit ang mga mata na nasa likod ng makakapal na lens ng salamin.

 

“Pwede bang mauna na tayong lumabas?” nagaalangang tanong ni Red sa kaibigan na ikinairap naman nito.

 

“KJ mo talaga.” Malambot na balik ni Nick sabay buntong hininga, hindi matiis ang kaibigan at hinila na ito palabas.

 

000ooo000

 

            Abala si Nick sa pagtingin sa kaniyang kulay pink na digicam, tinitignan ang mga litrato na kuha niya kanina sa palaro, hindi alintana na magmamadaling araw na at wala parin sila masakyan at hindi na mapakali si Red sa kaniyang tabi. Lalong hindi napakali si Red sa kaniyang kinatatayuan nang biglang may tumigil na puting pick up sa kanilang tapat at lalo na nang magbaba ito ng bintana.

 

“Mga babe, sakay na kayo. San ba kayo umuuwi?” Sabi ng lalaki sa passenger seat. Nakilala ito ni Red bilang isa sa manlalaro sa kanilang koponan. Nahalata din ni Red na nabubulol ito na tila ba nakainom. Marahil ay nagakasayan pa ang mga manlalaro sa locker room matapos ang laro. Tinapunan niya ng tingin si Nick sa kaniyang tabi. Nakangiti ito na tila ba kinikilig.

 

“Malapit lang sa school ang dorm ko. Ito namang kaibigan ko ay sa Caloocan pa nakatira.” Hindi pinagiisipang sagot ni Nick na agad namang siniko ni Red.

 

“Wala na kayo masasakyan dito mga babes papunta dun kaya sakay na kayo.”

 

“Pre.” Saad ng isa pang lalaki sa loob ng sasakyan, hindi kalakasan ang pagkakabigkas nito pero hindi nakaligtas kay Red na tila ba sinasaway nito ang kaniyang kasama. Wala sa sarili na dumungaw si Red at nahagip ng kaniyang mga mata si Santillan. Ito pala ang nagmamaneho at ito ang sumaway sa kaniyang kaibigan. Nun lang din nakita ni Nick ang nagmamaneho kaya naman lalo itong kinilig.

 

“Pre, inaaya ko lang naman sila. Nagmamagandang loob lang ako.” Saad ng lalaking nagaaya sa kanila. Agad namang kinuha ni Red ang pagkakataon na iyon upang bulungan ang kaibigan.

 

“Nakainom sila.” Bulong ni Red.

 

“Ano naman ang tingin mong mangyayari satin, Red? Mare-rape?” sarkastikong balik ni Nick kay Red habang binuksan na nito ang pinto at akmang papasok na nang pigilan ito muli ng huli.

 

“Hindi pero pwedeng pwede nila tayo pagtrip-an at bugbugin. Wala na tayong masasakyan, Red. Malayo pa ang uuwian mo.” Seryosong saad ni Red kay Nick na umiling lang.

 

            Natigilan si Red ng tabigin nito ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso nito at tuloy tuloy ng sumakay. Sa back seat ay may isa pang manlalaro na matamang nakatingin sa kanila na namumula pa ang mukha dahil sa nainom. Iginala ni Red ang kaniyang tingin sa mga pasahero sa loob ng sasakyan na iyon at muling nagtama ang tingin nila ni Santillan. Tila ba kinakalkula siya nito.

 

            Tila ba hinuhusgahan siya nito.

 

“Ikaw bahala kung gusto mo dyan sa bangketa matulog.” Saad ni Nick na siyang pumutol sa pakikipatitigan uli niya kay Santillan.

 

“Savage!” hiyaw ng lalaking umaya sa kanila. Alam ni Red na wala na siyang magagawa kundi sundan ang kaibigan. Kargo de konsensya niya din kung may mangyari man dito. Ramdam niya ang tingin ng tatlong lalaki sa kaniya.

 

“Nice!” saad ng lalaki na nasa backseat. Napatingin dito si Red, nun niya lang napansin na mataman itong nakatingin sa kaniya. Nun niya lang napagtanto na hindi pala ito pinoy. May lahi itong African American.

 

“I’m Jeremy.” Pakilala nito sabay abot ng kamay.

 

“Nick. And this is my friend, Red.” Pakilalang balik ni Nick. Biglang lumingon ang lalaki sa harap.

 

“I’m Bryce!” hyperactive na pagpapakilala nito. Inintay lahat na magsalita si Santillan pero tila ba abala na ito sa pagmamaneho kahit pa wala naman ibang sasakyan sa kalsada dahil dis oras na ng gabi. Nang masiguro na hindi na magsasalita si Santillan ay muling nagsalita si Bryce at siya na ang nagpakilala dito.

 

“And the Grampus here is Mico. Mico Santillan the great General’s son.”

 

            Naramdaman ni Red ang pagkakilig ni Nick sa kaniyang tabi dahil humawak ito sa kaniyang braso at pinisil ito ng marahan, hindi na lang umimik si Red at ibinaling na lang sa labas ng bintana ang kaniyang pansin. Oo, may itsura ang tatlong lalaki na kasama nila ngayon pero hindi parin siya kumportable kasama ang mga ito kahit pa mukha namang mababait ang mga ito.

 

            Naguusap si Jeremy at si Nick sa kaniyang tabi patungkol sa kani-kanilang kurso nang biglang sumingit si Bryce at ang mga sumunod na mga salita na lumabas sa bibig ng lasing na lalaki ay lalo lang nakapagpakaba kay Red.

 

“So what are you guys up to? Bakit kayo andun sa dilim? Anong trip niyo?” tanong nito. Kahit pa hindi ito nakaharap sa kanila ay alam ni Red na nakangisi ito. Maski si Mico na tahimik na nagmamaneho ay saglit na nilingon ang kaibigan.

 

“Wala kaming masakyan.” Tipid na sagot ni Red.

 

“Halos lahat naman nakasakay na pauwi ah. Baka naman sinadya niyo di sumakay talaga. Hahada pa ata kayo eh.” Nakakalokong saad nito.

 

“Bryce---” saway ni Mico.

 

“Wala talaga kami masakyan. Wala din kaming pang taxi kaya dyip ang iniintay namin dun sa sinasabi mong madilim na lugar.” Balik naman ni Red sabay sulyap kay Nick na tila ba napipi na at naging bato sa kaniyang tabi. Natatakot nadin siya pero kailangan niyang palakasin ang loob niya.

 

“Nakaswerte kayo at kami ang naka pick- up sainyo kasi mga daks kami.” Puno ng malisya na saad ni Bryce sabay hagikgik. Lalong kinabahan si Red.

 

“That’s enough.” Ma-awtoridad na saad ni Mico na ikinatigil ni Bryce at ikinagulat naman ni Red at Nick.

 

            Hindi maiwasan ni Red makahinga ng maluwag. Kampante siya na hindi lahat ng tatlong lalaki na kasama nila ay gusto silang pagtrip-an o saktan base ang naisip niyang iyon sa pagsaway ni Mico sa kaibigan, mukha rin naman hindi susuway si Bryce sa kaibigan.

 

“I’m just messing with them.” Pagtatanggol ni Bryce sa kaniyang sarili.

 

“If you want to mess with them wag dito sa sasakyan ko. Isa pang salita about this at ibababa ko kayo lahat. I will not be a part of your plans. Kung ano man ang iniisip mong katarantaduhan, labas ako diyan. Marami akong pinanghahawakan, hindi pwedeng masira ang reputasyon ko at ng pamilya ko.”

 

            Biglang nadismaya si Red. Hindi pala nila tagapagtanggol si Mico dahil mabait ito kundi ayaw lang pala nito madamay sa gustong gawin ni Bryce, kung ipipilit ni Bryce ang gustong mangyari nito ay ibaba sila nito at bahala na lang sila sa mangyayari. Wala palang pakielam si Mico sa kanila. Sarili lang pala nito ang iniisip.

 

“I’m just messing, dude. No need to go full on general’s son with me.” Natatawa pero di kaila ang kaba sa boses ni Bryce.

 

“Dude. Stop messin’. I’m too tired to commute.” Saway naman ni Jeremy. Isa pang makasarili.

 

“Fine. Iibahin ko na. May mga boyfriend na ba kayo? Pwede ba ako mag-apply?” humahagikgik na tanong ni Bryce. Tumawa ng may halong kaba si Nick na sumagot naman ng wala.

 

            Simula noon ay hindi na naging tensyonado ang paguusap. Tungkol na lang din sa kurso at kung sinong professor ang meron silang lahat na parepareho at kung sino ang terror. Hindi na muli pang nagsalita si Red pero hindi siya nagpakapanatag, si Mico naman ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho ng walang imik.

 

            Hindi na namalayan ni Red ang byahe, paminsan minsan ay iniisip niya ang mga posibleng paraan upang makatakas sa tatlo kung sakaling may gawin ang mga ito na masama sa kanila ni Nicl at minsan naman ay nakikinig lang siya sa takbo ng usapan,

 

“Dyan na lang ako sa kanto.” Saad ni Nick. Marahang iginilid ni Mico ang sasakyan. Bumaba na silang dalawa, nakahinga ng maluwag si Red dahil makakalayo na sila sa tatlong lalaki.

 

“Red?” nagtatakang saad ni Nick nang nakita niyang di na sumakay si Red at tila ba susundan siya.

 

“Akala ko taga Caloocan ka pa, Red?” tanong ni Bryce.

 

“Ah kila Nick ako magste-stay tonight. Sige, salamat sa pagsabay ha.” Saad ni Red sabay hila kay Nick papunta sa dorm nito. Napasulyap pa siya saglit kay Mico at naabutan niya itong nakatingin sa kaniya ng may pagtataka.

 

            Nakahinga na ng maluwag si Red nang marinig niyang umandar na ang sasakyan ni Mico Santillan papalayo sa kanila, tila ba hindi pa siya nagkasya at nilingon pa niya ito upang makasigurado.

 

“Red, alam mong hindi kita mapapa overnight sa dorm. Alam mong mahigpit ang land lord namin. Baka mapalayas ako kapag pinatulog kita ng walang paalam.” Malungkot na saad ni Nick. Naiintindihan naman ito ni Red kaya naman marahan lang siyang tumango.

 

“Samahan kita dito hanggang makasakay ka.” Alok ni Nick pero hindi na ito pinayagan pa ni Red at tinanggihan ito.

 

“Baka lalong magalit ang land lord mo kung late ka na kakatok sa gate ng dorm niyo. Kaya ko na ‘to.” Sagot ni Red sabay marahang ngumiti. Saglit na nagalangan si Nick pero di maglaon ay tumango nadin ito.

 

“Text moko kapag nakasakay ka na ha? Ingat ka.” saad ni Nick na sinagot na lang ni Red ng matipid na tango.

 

000ooo000

 

            Magiisang oras ng nagaantay ng masasakyan si Red pero wala paring dumadaan kahit dyip. Nagbuntong hininga siya at kinapa ang bulsa para sa cellphone niya upang magtext sana sa kaniyang mga magulang na mas male-late pa siya ng uwi pero hindi niya ito makapa. Nagbakasakali siyang nailagay niya ito sa bag kaya pati iyon ay hinalughog niya. Nang makasigurado na wala talaga ang cellphone ay pilit niyang inalala kung kalian niya ito ginamit at nakita. Napa face palm siya nang maalala niya na sa loob ng sasakyan ni Mico Santillan niya huling ginamit ang telepono. Napapikit na lang siya. Hindi makapaniwala sa kamalasan na nangyayari sa kaniya.

 

“Akala ko kila Nick ka magste-stay?”

 

            Agad na nagbukas ng mga mata si Red at nahagip non si Mico Santillan. Nakadungaw sa may bintana ng sasakyan. Siya na lang sa loob nito, marahil ay naihatid na ang mga kaibigan. Hindi siya makapagsalita, nakita niyang may inabot ito sa may kambyo ng sasakyan ay inilahad ang kaniyang cellphone.

 

“Tumatawag si Nick, Nahulog ata to nung nagmamadali kayong bumaba.”

 

“T-Thank you.” Saad ni Red sabay abot ng kaniyang telepono pero hindi ito ibinigay ni Mico sa kaniya. Binuksan ng varsity player ang pinto ng passenger seat.

 

“Alam kong hindi ka magste-stay kila Nick kaya sumakay ka na at ihahatid kita sainyo.”

 

Itutuloy…

 

Comments

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]