Make It With You [Chapter 5] Failed Plans
DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any
written works and any person, living or dead are purely coincidental. This
story is intended for mature audience, it may contain profanity and references
to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable
to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use
without written permission.
Facebook: Miguel Salvador
Email: miguisalvador@yahoo.com
Make It With You 5
By: Migs
I dedicate this story
to my friend, Ezekiel Palacio. We miss you Zeke.
Hindi na inintay ni Red ang kaniyang mga
magulang. Nang makabawi na sa paunang gulat dala ng mga huling sinabi ni Mico
sa kaniya ay agad na siyang tumayo sa kaniyang kinahihigaan sa Emergency Room
na iyon at nagrequest sa nurse na siya ay lalabas na. Matapos ang ilang
pakikiusap at pagpirma ng waiver ay mabilis na lumabas si Red ng ospital at
naglakad na palabas ng kanilang unibersidad.
Tumatakbo sa kaniyang isip ang mga
napagusapan nila ni Mico nung gabing inihatid siya nito sa kanilang bahay. Alam
niyang may laman ang mga sinasabi nito pero hindi niya napagtanto na isang homophobe ang gwapong manlalaro.
“Takot siya sa akin. Takot siya sa mga kagaya ko.” Saad ni Red sa kaniyang sarili habang wala sa sarili na nakatanaw sa
labas ng bintana ng dyip na kaniyang sinasakyan.
“Natatakot siya na baka may gawin akong masama kay Ace dahil takot siya
sa katulad ko.” Saad muli ni Red sa kaniyang sarili
habang naglalakad palapit sa kanilang bahay at nang makapasok siya ay wala siya
sa sariling naglakad papasok ng banyo, naglinis ng katawan at tumayo sa harap
ng malaking salamin.
Tinitigan ni Ace ang kaniyang
sarili. Payat siya, hindi tulad ng magkapatid na Santillan. Maputi, maamo ang
mukha na hindi masasabing gwapo o pangit, may katangkaran pero kumpara ulit sa
tangkad ng magkapatid na Santillan ay wala siyang panama sa tangkad ng mga ito.
Hindi matigas kumilos gaya ng mga lalaki pero hindi naman kasing hinhin ng mga
babae. Pero ang totoong dahilan kung bakit siya tumititig sa kaniyang sariling
repleksyon ay kung nasa itsura ba niya ang dapat katakutan.
“Wala sa itsura mo, Red. Nasa pagkatao mo ang ikinatatakot ni Mico.” Malungkot na sagot ni Red sa kaniyang sarili habang nakatingin sa
salamin. Bagsak balikat siyang tumalikod dito at humiga sa kaniyang kama.
000ooo000
“OK ka lang?” tanong
ni Nick sa kaniya nang umupo siya malayo sa madalas upuan ni Ace. Sa halip
tuloy na siya ang katabi nito ay si Nick ang lalabas na makakatabi nito kapag
dumating na ang gwapong kaklase.
Dahil naman awtomatiko na ang
isasagot ni Red sa tanong na iyon ng kaibigan ay wala sa sarili siyang um-oo
dito sabay tango. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Ace ay wala sa sariling
umayos ng upo si Red at nagkunwaring nagbabasa at nagdo-drawing ng mga
ingredients sa kaniyang notebook.
Saglit na tumigil sa kaniyang
harapan si Ace. Nung una ay hindi sana ito papansin ni Red pero nang maisip
niya na hindi ito aalis sa harapan niya kung hindi niya ito papansinin ay wala
na lang siyang nagawa kundi ang salubungin ang tingin nito. Nakakunot ang noo
nito.
“OK ka na?” tanong
nito na sinuklian na lang ni Red ng matipid na ngiti at pagtango. Saglit pang
nangunot ang noo ni Ace at nang nagiwas na ng tingin si Red ay naglakad na ito
papunta sa kaniyang upuan.
“Get the hell away from my brother” mga salitang
umalingawngaw sa isip ni Red. Tila ba pinapaalala sa kaniya ng kaniyang utak
ang mga sinabing iyon ni Mico kaya alam niyang tama lang ang ginagawa niyang
pagiwas kay Ace. Nasa ganito siyang pagmumuni muni kaya naman hindi niya
napapansin ang bulungan ni Nick at Ace sa kaniyang tabi. Hindi din niya
napansin na nagpalit ang mga ito ng upuan.
000ooo000
Habang abala si Red sa pagdo-drawing
ng strawberries at kung pano ito hinahati sa kaniyang notebook ay nakaramdam
siya ng kalabit. Dahil akala niya na si Nick ang kumuha ng kaniyang pansin ay
wala sa sarili niya itong nilingon. Nagulat siya nang makasalubong ng kaniyang
tingin ang magagandang mata ni Ace.
Nakakunot ang noo nito, matalim ang
mga tingin mababasa parin sa mga ito ang tingin ng pagaalala. Saglit na
natigilan si Red at napatitig lang sa tingin na iyon ni Ace. Sa kabila kasi ng
matalim na tingin nito ay gwapong gwapo parin ito. Nagising lang siya nang
biglang nagiba ang expresyon sa mukha nito, biglang nabalot ng galak ang mga
mata nito. Kumalma ang mga kilay at napaltan ang ngisi ang kanina lang ay naka
pout na mapupulang labi.
“Pogi ko ba?”
nangingiting tanong ni Ace na ikinasamid ni Red ng kaniyang sariling laway.
Pilit na pinatahimik ni Red ang sarili upang hindi niya makuha ang pansin ng
buong klase lalo na ng guro nilang madre.
“Pinagsasasabi mo?”
balik naman ni Red sabay itinuon ang pansin muli sa kaniyang notebook.
Muling kinalabit ni Ace si Red.
Saglit na binato ni Red ng tingin ang guro at nang makita na nakatuon ang
pansin nito sa pisara ay tumingin naman siya kay Ace na masaya ng nakangiti sa
kaniya. Pinanlakihan niya ito ng mata upang bigay sabi na tigilan nito ang
pangungulit. Biglang nabura ang ngiti ni Ace at napalitan nanaman ang ekspresyon
sa mukha nito. Muli itong binalot ng pagaalala.
Nagulat si Red nang bigalng abutin
ng kaklase ang kaniyang noo. Iniwas niya ang sarili mula sa malaking kamay nito
pero hinila siya ng isa pang kamay nito upang papirmihin. Tila ba sinasalat ni
Ace kung mainit ang katawan niya, pagkatapos kasi sa noo ay sa leeg naman siya
nito hinawakan.
“Hindi ka naman
nilalagnat pero bakit namumula ang pisngi mo?” naniningkit ang mata na tingin
sa kaniya ni Ace nang bitawan na siya nito. Pakiramdam ni Red ay lalong naginit
ang kaniyang mukha.
“Get the hell away from my brother”
Agad na nawala ang mainit na
pakiramdam ni Red sa kaniyang sariling mukha at kung haharap man siya sa
salamin ay alam niyang namumutla naman siya ngayon matapos maalala ang sinabing
iyon ng nakatatandang kapatid ng kaniyang kaklase. Agad niyang tinigilan ang nararamdamang
kilig sa ginagawang pagaalala sa kaniya ni Ace at itinuon na lang ang pansin sa
notebook.
“OK ka lang ba
talaga?” tanong uli sa kaniya ni Ace, rinig na rinig muli ang pagaalala sa
tinuran nito. Hindi na niya ito hinarap at tumango na lang siya bilang sagot.
000ooo000
“Baka kinakabahan
lang sa practicum namin this coming Saturday. Medyo mahirap kasi ang nabunot
niya.” Rinig ni Red na saad ni Nick habang palabas sila ng classroom. Saglit
siyang sumulyap sa kaibigan, hindi siya nagkamali si Ace nga ang kausap nito at
mukhang siya ang pianguusapan ng mga ito.
“Sana nga. Sige,
balitaan mo ako ah.” Malungkot na saad ni Ace habang naglalakad palayo si Red
sa dalawang kaklase.
Naramdaman na lang ni Red na may
sumabay sa kaniya sa paglalakad palayo sa classroom nila ng humanities.
kinalabit siya nito at nang tignan ito ni Red ay naabutan niya ang nagaalala at
nagtatakang tingin ni Nick. Napabuntong hininga si Red, alam niyang nageexpect
ang kaniyang kaibigan ng kwento matapos ng ikinilos niya habang kasama nila si
Ace.
“Spill it.”
Naniningkit na saad ni Nick.
Nang matapos na ni Red ang
pagkukwento tunkol sa muli nilang paguusap ni Mico ay nanahimik si Nick at
umiiling-iling tila ba hindi makapaniwala at binabalot ng pagkadismaya.
“Eh anong plano mo?”
tanong ni Nick.
“Edi lalayo, yun ang
gusto ni Mico mangyari eh.” Matipid na sagot ni Red na ikinabuntong hininga
naman ni Nick.
Nang oras na ng uwian ay biglang umulan.
Hindi naman ito kalakasan kaya nagpasya na lang si Red na suungin ito at sumiksik
sa pagitan ng mga kapwa estudyante na nakikisilong sa entrance ng building
nila. Kailangan na niyang makauwi dahil muling tumanggap ang kaniyang ina ng
paluto at nais niya itong tulungan. Iniisip na niya ang mga putahe na iluluto
nang biglang tumigil ang pagpatak ng ulan sa kaniyang balat at nang maramdaman
niyang biglang may umakbay sa kaniya.
“Wala ka bang payong?
Nahimatay ka na kahapon tapos magpapabasa ka sa ulan ngayon. Dapat nagpatila ka
muna kung wala kang payong.” Saad ni Ace habang sinisiguro na nasasakop ng
payong na hawak ang buong katawan ni Red.
“Kailangan ko na kasi umuwi. Magluluto pa kami
ni Mama---” simula ni Red pero agad siyang natigilan nang makita niyang
imposible na kay Ace ang payong dahil unang-una ay kulay pink ito na may design
na mga puso at pangalawa ay may name tag ito na may nakasulat na pangalang
Janice Andal sa handle nito.
“---teka sayo ba
talaga itong payong?” naniningkit matang tanong ni Red kay Ace na pinipigilan
ang sarili na mapangiti.
“Hiniram ko sa isang
freshman--- May catering kayo?” pagiiba ni Ace sa usapan.
“W-wala. Tumatanggap
lang ng paluto sa mga simpleng handaan--- kawawa naman yung inagawan mo ng
payong---.” Simula ni Red pero agad nawala ang awa sa freshman nang mapansin
niyang tila ba hinihila siya ni Ace palayo sa gate ng unibersidad.
“---teka, hindi diyan
ang daan palabas ng campus.” Simula uli ni Red.
“Ibabalik ko naman sa
kaniya later---” simula uli ni Ace na sagot sa sinabi ni Red patungkol sa
payong habang nakangisi parin.
“Ihahatid na kita
sainyo. Baka mamaya niyan mahimatay ka nanaman sa klase---” pagpapatuloy ni Ace
sa sinasabi upang maiba muli ang usapan.
“Ha?!---a-eh hindi
pwede---.” Pagiwas ni Red, inaalala ang mga sinabi ni Mico pero tila ba malas
siya sa sandaling iyon kasi mukhang hindi siya papaalisin ni Ace sa tabi nito.
“Bakit naman? Mas
mabilis kang makakauwi tapos tuyo ka pa.” balik naman ni Ace sabay bukas ng
passenger seat ng isang sasakyan at halos itulak na siya papasok dito para
hindi na siya maka-angal.
Nang makaupo na si Ace sa driver’s
seat ay may inabot itong bagay sa likod at nagulat na lang si Red nang biglang
may sumaklob sa kaniyang puting towel. Tila isa siyang bata na katatapos lang
na paliguan ng magulang, kinuskos ni Ace ang twalya sa basang buhok ni Red at
pagkatapos ay pinunasan ang mga butil ng ulan sa mukha nito, pati narin sa mga
braso. Hindi napigilan ni Red ang pamulahan ng mukha sa ginawang ito ng gwapong
kaklase.
“So san tayo?”
mahinang at nangingiting tanong ni Ace habang pinagmamasdan si Red na namumula
at tila ba hindi mapakali sa kinauupuan nito.
“Ha?” tanong ni Red habang binubuksan ang bag at kunwari ay may
hinahanap sa loob nito pero ang totoo ay nais niya lang itago ang mukha kay Ace
na alam niyang sinisipat parin siya.
“Sabi ko saan kita ihahatid.” Paguulit ni Ace habang pinipigilan ang
sarili na mapatawa dahil sa ikinikilos ng kaklase.
“Sa San Ildefonso sa may Caloocan. Basta nagdrive ka pa monumento tapos
iguide na lang kita.” Nahihiya parin na saad ni Red habang may kinakalikot
parin kunwari sa bag.
“Magsuot ka ng seat belt, Red.” Nakangiti paring saad ni Ace habang
pinapanood si Red na maaligaga.
“S-seat belt?” tanong ni Red sabay taas ng tingin kay Ace.
Hindi alam
ni Red kung bakit tila ba bumagal ang oras. Lahat pati ang patak ng ulan sa
labas ng sasakyan ni Ace ay bumagal. Wala sa sariling pumasok sa isip ni Red
kung pano pumaibabaw sa kaniya si Ace upang abutin ang seat belt, sobrang
magkalapit ang kanilang mga mukha habang nakatingin sa kaniya ng mariin ang
kaklase, nang mailagay na ang seat belt ay dahan dahan namang inilapit ni Ace
ang sariling mapupulang labi pa-salubong sa mga labi ni Red---
“Red---” tawag pansin ni Ace na gumising kay Red sa pananaginip nito.
Agad napatingin si Red kay Ace na nakangiti parin at natatawang nakaupo sa
driver’s seat at mataman siyang tinitignan, hindi ito nakapaibabaw sa kaniya,
hindi inaabot ang seat belt sa kaniyang tagiliran upang isuot sa kaniya, hindi
unti-unting isinasalubong ang mga labi sa kaniyang mga labi, hindi bumagal ang
patak ng ulan sa labas ng sasakyan.
“Red, yung seat belt mo, isuot mo na para makaalis na tayo. Gusto mo ba
ako ang magsuot?” Humahagikgik na saad ni Ace. Tila naman kinuryente si Red sa
kaniyang narinig kaya mabilis niyang inabot ang seat belt sa kaniyang kanan at
sinuot ito.
“Ako na. Ako na.” natatarantang saad ni Red na ikinahagikgik lalo ni
Red.
“Sabaw ka nanaman, Red.”
000ooo000
“Red.”
“Red.”
Dahan
dahang ibinukas ni Red ang talukap ng kaniyang mga mata. Lumingon siya at
nakitang nakangiti parin si Ace sa kaniyang tabi, iginawi niya ang tingin sa
labas ng bintana. Asa may monumento na sila at ang ulan sa labas ay lalong
lumakas. Lalo siyang nanlumo. Bago kasi siya makatulog ay iniisip niya na
bababa na lang siya sa monumento at mamamasahe pero dahil malakas parin ang
ulan ay mukhang di niya magagawa iyon. Nagbuntong hininga na lang siya at
ginabayan si Ace papunta sa kanilang bahay.
Nang
makarating sa harap ng kanilang bahay ay mabilis na hinubad ni Red ang seat
belt at mabilis na nagpasalamat kay Ace. Pero sadyang mabagal parin ang
kaniyang kilos dahil mabilis na inilock ni Ace ang pinto bago pa man niya
maabot ang bukasan nito at bago pa man siya makaprotesta ay nakita na niya
itong naglalakad sa labas ng sasakyan at nakatayo na sa harap ng passenger seat.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at pinayungan.
“Salamat.” Pinamumulahan nanaman na saad ni Red dahil sa ginagawa sa
kaniya ni Ace pero ang mas ikinahiya niya at ikinamula ata ng buong pagkatao
niya ay nang biglang bumukas ang front door nila at bumulaga ang kaniyang mga
magulang.
Ang
kaniyang ina ay puno ng malisya ang mukha na ipinagsasalit-salitan ang tingin
sa kanila ni Ace na abala sa pagtutupi ng payong nang makasilong na sila at ang
tatay naman niya ay nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay habang
pinapanood ang hindi pa kilalang lalaki na kasama ng kaniyang anak.
“Ma. Pa. Si Red po---” umpisang pagpapakilala ni Red sa kaklase nang
tumayo na ito ng derecho matapos matupi ang payong. Lalong dumikit ang isang
kilay ng ama ni Red sa hairline nito at ang matandang babae naman ay ngumiti ng
napakatamis.
“Magandang hapon po, Tito. Tita.” Bati naman ng nakangiting si Ace sabay
abot ng palad ng matandang babae at nagmano pagkatapos ay ganun din ang ginawa
nito sa matandang lalaki na agad rumehistro ang gulat sa mukha.
Nagulat din
si Red dahil matapos lumatay ng gulat sa mukha ng ama niya ay agad itong
ngumiti at inimbitahan si Ace papasok ng kanilang bahay habang ang kaniya
namang ina ay napapalakpak pa sa sobrang galak dahil sa ipinakitang paggalang
sa kanila ni Ace.
“Iniiwasan kita eh---pano kita maiiwasan niyan---pano?” nanlalambot na
saad ni Red sa kaniyang sarili matapos halos kaladkarin ng kaniyang mga
magulang ang gwapong kaklase papasok ng bahay.
Itutuloy…
Waiting sa update :)
ReplyDeleteYun lang, mukhang tumigil na uli :(
ReplyDeleteHi po bigla po ako nakaalala sa mga stories mo. Been looking for this website finally nahanap ko uli
ReplyDeleteMissed your stories, Migs!
ReplyDelete