Friday, October 28, 2011

Breaking Boundaries 9

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di ko alam kung anong ikikilos ko ngayong magkakasama nanaman kaming tatlo nila Jana, sabay sa tuwing papasok ng skwelahan, sa pagkain at sa paguwi. Di ko parin magawang tignan ng maayos si Jana, alam kong may nagawa akong masama dito at hindi ko kayang plastikin ito. Tumupad naman sa usapan si Jepoy, hanggang magkaibigan na lang ang turingan namin, kahit na paminsan minsan naiipit kami sa tinatawag na “Awkward moment.” halatang parehong nagpipigil sa mga nararamdaman.



Oh, pagbutihan mo mamya sa exam mo.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend tumango lang si Jepoy.



Goodluck.” wala sa sarili kong naibulalas, nagulat naman sa sinabi ko si Jepoy. Yun na siguro kasi ang una kong pakikipagusap dito na hindi siya ang naginitiate. Agad nitong binawi ang pagkagulat at ngumiti sakin.



Kapag bumagsak ka lagot kayo pareho ni Maki.” nagbibirong sabi ni Jana, humarap dito si Jepoy at ako naman ay nangunot ang noo.



Serious mode tayo ngayon?” sabi ni Jana sabay tumawa ng malakas.



Tignan niyo ah, kapag bumagsak ka Jepoy, mapipilitan si Tita na kausapin itong si Maki para siya na lang ulit ang magtutor sayo, kaya lagot kayo pareho pag nagkataon dahil balik nanaman kayo sa kulitan.” natatawang sabi ni Jana, tuwang tuwa sa kaniyang naisip. Nagkatinginan kami ni Jepoy.



0000ooo0000



Nakadapa ako sa kama at nagbabasa ng notes ko ng biglang kumatok ang nanay. Umupo ito sa aking tabi. Nagtaka naman ako at humarap dito.



Anak, si Mrs. Gonzales pumunta dito kanina. Nakiusap na kausapin daw kita na kung pwede daw eh ikaw na lang ulit ang magtutor kay Jepoy.” nagaalangang sabi ng aking ina.



Nay, alam niyo naman na madami akong ginagawa ngayon, di ko kayang isiksik si Jepoy sa schedule ko.” sabi ko dito.



Anak, sige na, nakikiusap na talaga ang nanay ni Jepoy, saka isa pa, namimiss ko na ang malambing at makulit na batang iyon. Minsan lang naman ako humiling sayo anak.” pangungunsensya ng aking nanay. Bumuntong hininga ako at pumayag na lang sa gusto ng aking ina.



Wala pang isang oras ng marinig ko itong may kinakausap sa sala. Ang mga magulang ni Jepoy asa sala, may daladalang pasalubong habang si Jepoy naman ay nakaakbay kay inay. Nang mapansin ako ng mga ito ay agad akong nilapitan at nagpasalamat.



Di naman magaling yung nagtutor dito kay Jepoy eh, wala ba naman ni isang ipinasa sa subjects ngayong midterms.” sabi ng ama ni Jepoy.



Nagastusan lang tuloy kami.” sabi naman ni tita, tumingin ako kay Jepoy at napansing nangingiti ito.



Nang magpaalam na ang mga ito ay nagpaiwan ulit si Jepoy, nun ko napansin na may dala itong malaking bag at nangingiti parin ng makita niyang napansin ko ang kaniyang malaking bag. Bumalik ako sa hapagkainan upang iligpit ang mga ginamit nung magmeryenda ang magulang ni Jepoy ang annay naman ay umakyat na sa kwarto at matutulog na daw. Sinundan ako ni Jepoy. Nang makatabi na ito sakin ay tinignan ko ito ng masama.



Sinadya mong bumagsak ano?” bintang ko dito.



Hindi ah! Di lang talaga magaling yung ipinalit sayo!” depensa nito.



Saka bakit ko naman gagawin yun?” habol nito, napaisip ako.



Bakit nga ba? Ano nga bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko siya pinagbintangan ng ganun?” tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang ay tumupad naman si Jepoy sa aming usapan at wala rin naman sigurong masama kung ako ang magtututor dito, dati pa naman namin ito ginagawa.



Dito ako matutulog ah?” bulalas nito at isang baso ang dumulas sa aking kamay.



Oh, dahan dahan lang!” sigaw nito ng makitang nabasag ang baso.



0000ooo0000



Magkatabi kaming nanonood ng TV ng mapansin kong nakatitig sakin si Jepoy, tinignan ko ito at siya naman binawi ang kaniyang tingin, itinuon ko ulit sa TV ang aking atensyon pero naramdaman kong sakin nanaman ito nakatingin kaya pasimple akong sumulyap dito, nang mahuli ko siyang nakatingin nga sa akin ay humagikgik lang ang timang.



Tigilan mo ako, Jepoy!” saway ko dito. Pinipigilan ang mapangiti. Mayamaya ay naramdamn ko itong nangalabit.



Oh?” tanong ko habang nakatitig sa TV.



Pwedeng umisod? Di kasi ako natatamaan ng elecric fan eh.” sabi nito sakin, di na niya ako inintay sumagot at dumikit na ito sakin. Bahagya akong lumayo dito pero pinilit niya paring magkadikit ang aming mga braso, di ko na nagawa pang umisod dahil asa dulo na ako ng sofa.



Di ko na ito pinansin at ipinako ko na ulit ang mata ko sa pinapanood. Pero desedido talaga ang kumag na manginis. Nangalabit ulit ito.



Ano?!” naiirita ko ng sabi dito.



Di ka a ba nagsasawa diyan? Gusto kong manuod ng National Geographic eh.” sabi nito sabay turo sa pinapanood kong One More Chance.




Aba! Sino bang may sabi sayo na dito ka manuod! Edi umuwi ka na!” singhal ko dito. Itiniklop lang nito ang kamay niya sa kaniyang dibdib at tumahimik. Pero wala pang limang minuto ay kinakalabit nanaman ako nito. Di ko na ito pinansin, maganda na kasi ang susunod na eksena.



Maki.” di na ito nakuntento sa pagkalabit at tinawag na ako. Pero di ko na ito pinansin.



Huy!” di na nito napigilan habang nangangalabit parin.



ANO BA?!” sigaw ko dito. Natawa lang ito at ibinalik ang pansin sa TV pero huli na. Wala na ang gustong gusto kong scene. Sumimangot na ako, kinalabit nanaman ako ni kumag.



May beer ba kayo?” tanong nito, tumango lang ako at tinuro ang ref. Tumayo na ito para kumuwa, akala ko tig isa lang samin ang kukuwanin niya, pero hindi, anim na bote ang daladala nito, binabalanse sa bawat hakbang ang madudulas na bote.



Baka gusto mo na din maglabas ng pulutan?” naiirita kong sabi dito. Natawa lang ito.



Ay, gusto mo ba? Teka kuwa ako.” sabi nito sabay balik sa kusina pagkababa ng mga bote sa lamesa natampal ko na lang ang noo ko. Magkakabalikan na si Basha at Popoy ng makaramdam nanaman ako ng kalabit mula kay Jepoy.



Teka lang, maganda tong part na to.” sabi ko pero di patinag si Jepoy, kalabit parin ng kalabit.



Bakit ba?!” singhal ko nanaman dito.



Bakit ka biglabiglang nagaaya magpainom?” tanong nito, naguluhan ako, humarap ako sa kaniya.



Ha? Diba ikaw itong nagdala niyang beer?” tanong ko dito, tumango siya at uminom ng beer.



Eh bakit ka nagpakuwa ng pulutan?” tanong nito sabay turo sa pulutan.



Joke lang kasi yun.” sabi ko dito.



Sus, joke lang daw, siguro gusto mo akong... lasingin at halikan...” sabi nito ng pabulong.



Tado!” sigaw ko dito napatawa naman siya sabay nguso at nagmuestra na kala mo hahalikan ako.



Lumayo ako dito, di naman ito nakaligtas sa kaniya at lumapit ulit siya.




Mwah mwah mwah mwah.” sabi nito habang nakanguso parin. Kinuwa ko ang throw pillow sa aking tabi at isinupalpal ito sa mukha ni Jepoy. Tumawa naman ito, tumayo na ako pupunta na sanang kwarto para matulog ng hilahin nito ang kamay ko.



San ka pupunta?” tanong nito.



Matutulog na.” sabi ko dito. Pero hinila pa ulit nito ang kamay ko at itinulak ako pahiga sa sofa. Pumatong ito sakin para di ako makaalis.



Halos isang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha, amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy beer, kitang kita ko ang kaniyang mapupulang labi na kala mo nangaanyaya na halikan siya at ang kaniyang mapupungay na mata na siyang gustong gusto ko.



Nagpabagsak talaga ako.” bulong niya, nangunot ang noo ko, sinubukan ko siyang itulak palayo.




Yang kagaguhan mo talga, Jepoy! Di ka ba nanghihinayang sa pera na ginagastos ng mga magulang mo sayo?!” singhal ko dito habang tinutulak parin siya palayo.



Maki.” bulong nito, napatigil ako sa ginagawang pagtulak sa kaniya, nagsimula nanamang kumabog ang dibdib ko. Ganyan madalas ang nangyayari kapag sinasabi niya ang pangalan ko na para bang nagmamakaawa lagi.




Nagkatitigan lang ulit kami. Nararamdaman ko narin ang pagtibok ng puso niya, mabilis din halos kasabay ng akin.




Maki, di ko kayang pigilan eh, sinubukan ko, pero di talaga eh. Sabihin mo sakin ngayon kung talagang ayaw mo sakin, na hindi mo ako mahal, na one sided lang ang relationship nato, ako na mismo ang lalayo sayo.” sabi niya, ramdam ko ang bumabagabag dito. Sa totoo lang ganun din ang nararamdaman ko.



Pinadaanan ulit ng likod ng palad niya ang aking pisngi at unti unitng lumalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking mga labi, di na ako nanlaban, di ko narin mapigilan ang aking sarili. Napapikit ako. Bahagya niyang ihiniwalay ang kaniyang mga labi sa akin at nagsalita.



Mahal na mahal kita, Maki.”



Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata, nagtama ang aming mga tingin, kita ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata at wala sa sarili kong sinagot ang kaniyang sinabi.



Mahal din kita, Jepoy.”



Pagkarinig na pagkarinig niya non ay lumatay sa kaniyang mukha ang isang ngiti, nakakalokong ngiti.



Ah eh, joke lang yun. Di yun tot---” simula ko.



Ops! Walang bawian!” sigaw ni Jepoy sabay tayo, tinignan ko ito bumakas na ang ngiti nito na halos sumayad na sa kaniyang magkabilang tenga, nagtatatalon ito na kala mo tumama sa lotto. Tumigil ito at itinayo ako mula a pagkakahiga sa sofa, di ko nagawang tumayo magisa dahil sa gulat na masasabi ko sa kaniya iyon.



Ulitin mo nga, Maki.” sabi nito ng magkapantay na ang aming mga mukha.



Pwera ulit.” sabi ko pero inilapat niya ulit ang kaniyang mga labi sakin at ng maghiwalay ay ngumiti nanaman itong nakakaloko sakin.



Sige, wag mong ulitin. Hahalikan na lang kita magdamag hangga't masabi mo.” sabi nito sakin saka muling inilapat ang kaniyang mga labi sakin.



Edi sige, mapuyat ka kakahalik.” banta ko dito.



Aba't gustong gusto.” binatukan ko na lang siya.



Siya sige na! Sasabihin ko na tigilan mo lang yang kakahalik mo!” sigaw ko dito habang pinipigilang mapatawa.



I Love You.” bulong ko, napangiti ulit siya at yumakap ng mahigpit sakin.



Di mo alam kung pano mo ako napasaya.” bulong nito sakin, sinuklian ko na ang mahigpit niyang yakap. Bigla itong kumawala sa yakap at umupo sa karpet at tinapik ang balikat niya.



Oh, anong gusto mong mangyari?” tanong ko dito.



Matutulog na tayo.” sagot niya.


At bakit? Sa balikat mo ba ako matutulog?” sarkastiko kong tanong dito.



Tanga! Ipapasan kita papunta sa kwarto para matulog.” sabi nito sabay kindat.



Ayoko nga! Baka ihulog mo ako.” sabi ko dito.



Edi sige, hahalikan na lang kita hanggang sa bumaba ang nanay mo.” banta nito, wala na akong nagawa at pumasan na sa kaniya, halos lahat ng gamit na madaanan namin ay nasagi ko na, pero tuloy parin si Jepoy, desidido na makarating kami sa kwarto na pasan pasan niya ako.



Dahan dahan ako nitong ibinaba sa kama at nagpaalam na magtu-toothbrush muna siya saka kumindat. Agad naman akong humiga sa kama at nagtulogtulugan. Pasipol sipol itong naglakad pabalik sa kama, bahagya kong iminulat ang aking mata at nakitang naghuhubad si Jepoy, walang itinira maski boxers, inilapat ko ulit ang aking mga mata ng matapos na itong maghubo't hubad.



Maki.” tawag nito sakin sabay alog, pero nagtulogtulugan parin ako. Narinig ko itong nag buntong hininga.



Haist. Natulog na agad.” nanghihinayang na sabi nito. Pinigilan kong mapatawa. Inilapit nito ang kaniyang mukha sa aking mukha at marahan akong hinalikan.



Goodnight, Maki. I Love You.” sabi nito saka humiga sa aking tabi at idinantay sakin ang kaniyang mabibigat na binti at braso.



Itutuloy...



___________________________
Breaking Boundaries 9
by: Migs




11 comments:

  1. awwwwwwwwwwwwwwwwww

    kinikilig ako...pano nabulag si maki???excited nko...ano ba talga nangyare sa kanila?haistttt!!!


    sana mbilis update mr migs


    _nasty bi here

    ReplyDelete
  2. mamamatay ako sa kilig neto ihhhhhhh!!!! kasi naman ihhhhhhhhh!!!ahahaha update na po sana agad sir Migs :)

    UPDATE update UPDATE update UPDATE update UPDATE update UPDATE update UPDATE update!!!ahahaha XD

    nakapagandang pambungad sa araw na ito ang istoryang ito! :)

    ReplyDelete
  3. Homigawd!! Matutulog lang dapat nakahubad talaga? Weeeeeeee.. Kakakilig!!
    -icy-

    ReplyDelete
  4. Wow. Ang sweet at romantiko ni jepoy kahit pa ubod ng kuullleeettttt! Hehehe. Sana may Jepoy din sa buhay ko. Panu nga kaya nabulag si Maki. Super ganda nito Migz. Love you po. :)

    ReplyDelete
  5. WAHHH!!! Ang sakit sa puso!
    Swerte mo Maki may Jepoy ka!
    Kinikilig ako super! Hangkulet!
    Da best ka Migs! Mamahalin na kita! HAHA
    Update na po! Salamat!!!
    /vince24

    ReplyDelete
  6. So far the first chapter that made me feel a lot of things at once! Love it!

    -Glitterati

    ReplyDelete
  7. ahaha nakakakilig naman yon lol.. adik talaga tong si Jepoy.. the big question here is pano nabulag si Macky... :(

    ReplyDelete
  8. kinikilig ako..wahaha

    ReplyDelete
  9. ...THANKS
    ...as in hubot hubad talaga matulog-nkk ilang kaya @ malamok
    ...so sila n ngayon!!!!!!!!

    ReplyDelete
  10. ang ganda.. sir migs di na ako makapag hntay sa next na chapter.. kakakilig talaga.. Ang cute ni Jepoy talaga...

    -nephilim

    ReplyDelete
  11. ANO BA YAN,,,, NAKAKALOKA AT NAKAKAINLOVE...

    RAMY FROM QATAR

    ReplyDelete