Breaking Boundaries 8

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Naririnig ko ang masayang paguusap ng aking ina saka ng mga magulang ni Jepoy sa may dining room, doon sila naghapunan at tulad ni Jepoy ay nagustuhan nila ang special tocino ng aking ina. Nagsisimula na akong magligpit ng pinagkainan ng biglang sumulpot sa aking tabi si Jepoy, hindi ko ito pinansin nung una pero sadyang may kakaiba sa presensya ni Jepoy na hindi kayang hindi intindihin.



Sabi ni Mama, tulungan daw kitang magligpit.” bulong nito.



Wag na, bisita ka namin.”



Di lang naman yun eh, gusto rin kita kasing makausap, Maki.” bulong ulit nito, muntik ko ng mabitiwan ang platong aking sinasabon.



Akala ko ok na, akala ko lumipas na.” bulong ko sa sarili ko.



Maki, naguguluhan din ako. Mahal ko si Jana, pero di ko kayang wala ka. Kung alam ko lang na dahil sa pagpasa ko kaya di na kita makakasama lagi sa next sem sana nagpabagsak na lang ako.” sabi nito. Di ko na alam kung ano ang iisipin at isasagot sa mga sinasabi nito. Pinili ko na lang na manahimik.



Maki. Alam kong mali pero sa tingin ko gusto kita.” sabi nito, di ko na napigilan ang pagdulas ng isang plato, swerte namang nasambot ito ni Jepoy.



Tahimik. Nagsisimula ng bumilis ang pagtibok ng aking dibdib.



Maki, magsalita ka naman.” sabi ni Jepoy. Pero di ko makuwang magsalita. Nang matapos ko na ang ligpitin ay bumalik na kami ni Jepoy sa hapagkainan, lalo akong naguguluahn.



So, Maki. Ikaw parin ba ang magtu-tutor dito kay Jepoy next sem?” tanong ng mama ni Jepoy. Umiling ako.



Baka po hindi na, nakausap ko po yung DEAN, may iba na pong magtu-tutor kay Jepoy.” paliwanag ko dito.



Di ako papayag. Kakausapin ko yang DEAN niyo.” sabi ng Papa ni Jepoy.



Papa...” saway ni Jepoy sa kaniyang ama.



Mas kailangan po kasi ni Maki na magfocus ngayon sa subjects niya. Mga Major subjects na po kasi ag kukuwanin niya this sem.” sabat ulit ni Jepoy. Natigilan ako. Ilang oras pa at nagpaalam na ang pamilya ni Jepoy, pero bago pa man makaalis ay nagpaalam si Jepoy sa kaniyang mga magulang.



Ma, Pa, pwede bang tumambay muna saglit dito kila Maki?” pumayag naman ang mga magulang nito.



Ilang minuto pa at pareho na kaming may hawak na beer at magkatabing nainom nito. Nakabukas ang TV pero alam kong di doon nakatuon pareho ang aming pansin.



Alam kong naguguluhan ka din.” sabi nito, wala sa isip akong napainom ng beer.



Oo, kaya habang maaga gusto ko nang umiwas. Lalo lang tayong maguguluhan pag pinagpatuloy pa natin to.” sabi ko, nagbuntong hininga si Jepoy.



Sa tingin mo...”



Mali to, Jepoy.” pangunguna ko sa gusto nitong itanong. May bahid na ng pangungusap sa mata nito. Tumayo na ako at lumapit sa pinto.



Umuwi ka na Jepoy, gagabihin ka masyado sa daan.” sabi ko dito, halatang nagulat ito sa pagpapaalis ko sa kaniya.



Maki...”



Sige na Jepoy, please.” sabi ko, di na ito nagsalita at daredaretso ng lumabas ng bahay.



Isinara ko ang pinto at napasandal ako dito, tila ba tinamaan ako agad sa ininom na beer at napatulala ako bigla.



0000ooo0000



Di ako sasabay Jana. May aasikasuhin ako sa may office ni Sir Pangan, SA stuff.” paliwanag ko kay Jana, habang si Jepoy ay nakatayo sa likod nito, may kalayuan. Sinulyapan ko ito, bigla itong nagbawi ng tingin.



Ano ba yan, di ka nanamin nakakasama.” may pagtatampong saad ni Jana.



Sorry.” sabi ko dito.



Basta sa susunod ah?!” sabi nito tumango lang ako, sumulyap ulit ako kay Jepoy at nagiwas nanaman ito ng tingin.



Pinanood ko silang maglakad palayo na magkahawak kamay.



0000ooo0000



Ilang araw ko ng iniiwasan sila Jana at Jepoy, minsan kapag tinatanong ako ni Jana kung bakit di na ako nasama sa kanila ay nagdadahilan na lang ako na may gagawin ako sa SA o kaya naman sa library, dito na lang din ako sa library madalas na natambay, nagtatago sa matataas na shelves at nagbabasa ng iba't ibang libro.



Nasa pagitan ako ng dalawang malaking bookshelves, nakaupo sa sahig at nagbabasa ng isang libro na sa tingin ko ay napagiwanan na ng panahon. Masaya ako sa nababasang facts ng bigla akong nakarinig ng libro na bumagsak malapit sa bungad ng bookshelves. Tumingin ako doon at nagulat ng makita na nandon si Jepoy.



Nun ko lang ulit ito natignan ng maayos, nakatitig ito sakin tila ba may gustong sabihin. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at ibinalik ang librong aking binabasa. Tahimik akong naglakad papunta dito para makalabas na sa hilerang iyon ng bookshelves.



Maki.” bulong nito ng matapat na ako sa kaniya pero di ko ito pinansin nilagpasan ko ito pero hinila niya ang aking braso, isinandal niya ako sa isa sa mga bookshelf, nagkatitigan kami. Inilapat niya ang kaniyang katawan sa aking katawan para di ako makaalis pa, itinulak ko siya pero para na itong bato.



Habang nakalapat ang kamay ko sa kaniyang dibdib ay naramdaman ko ang pagtibok ng kaniyang puso, mabilis ito, parang sakin, iniangat ko ang tingin ko sa kaniyang mukha, nakatitig siya sa akin. Nangungusap ang mga mata. Mayamaya pa ay dahan dahan na niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.



Sumayad ang kaniyang malalambot na labi sa aking mga labi, sinubukan ko ulit siyang itulak pero di ko nagawa. Nanlalambot na ako, napapikit na ako. Naramdaman ko ang kaniyang dila na unti unting pinaghihiwalay ang aking mga labi at dun muling nanumbalik ang lakas ko. itinulak ko siya at isang malakas na suntok ang ginawad ko sa kaniyang mukha.



0000ooo0000



Maki, anak, andyan si Jepoy sa labas.” gising sa aking ng aking ina.



Nakatulog na pala ako sa sobrang pagiisip sa nangyari samin nun sa library. Bakit pareho ang bilis ng pagtibok ng aming mga puso at bakit ganun na lang ang nararamdaman ko pag malapit siya.



Anak, may problema ba?” nagaalalang tanong sakin ng aking ina. Umiling lang ako.



Paki sabi na lang na di ko po siya matutulungan ngayon sa assignments niya.” malamig kong sabi dito sabay taklob ulit ng kumot sa aking ulo.



Tumayo ang aking ina mula sa pagkakaupo nito sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Bumangon ako sa aking higaan at tumanaw sa labas ng bintana, kausap ngayon ng aking ina si Jepoy. Tumalikod na ang aking ina at pumasok ulit ng bahay, tumingala si Jepoy at nagtama ang aming mga tingin.



Di raw siya aalis doon hangga't di mo siya kinakausap.” sabi ng aking ina sa may pinto.



Anak gusto ka lang niya makausap.” habol pa nito, pero umiling lang ulit ako.



0000ooo0000



Magiisang oras na at hindi parin naalis si Jepoy sa haraan ng bahay namin, nainom na ito ng beer at nakaupo sa kaniyang kotse, nakatingala parin ito sa gawi ng aking kwarto. Naglakad na ako papunta sa aking higaan, humiga at sinubukang matulog.



Sumayad sa isip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Jepoy, ang totoo niyan bago yung nangyari kanina sa library miss na miss ko na siya, yung pangungulit niya, yung kadaldalan niya at yung tipong may kasama ka lang na hindi puro pagaaral at pagtratrabaho ang inaatupag, yung simpleng nakaupo lang kayo at nagkakatuwaan. Pero bakit ko nga ba siya nami-miss? Ano nga ba siya para sakin? Ano itong nararamdaman ko?



Bakla ba ako?” tanong ko sa sarili ko.



May nabasa akong isang topic tungkol sa mga ganitong bagay. Na normal lang itong mga ganitong nararamdaman, na isa itong tinatawag na “Phase.”



Phase, ibig sabihin hindi permanente, hindi nagtatagal. Bakit pakiramdam ko ang nararamdaman ko kay Jepoy ay permanente?” sabi ko utit sa sarili ko. Ipinitkit ko ang aking mga mata at nagdasal na sana ay makatulog na ako at sa aking paggising ay wala na si Jepoy sa labas ng aming bahay at wala narin ang aking nararamdaman para sa kaniya. Kung ano man ito.



Umikot ako sa aking kama, papaling paling na kala mo bulate na binuhusan ng zonrox. Hindi mapakali. Wala sa isip kong inabot ang aking labi, hindi ko mapigilan ang aking sarili na isipin ang mapupula at malambot na labi ni Jepoy.


Inalog ko ang aking ulo at sinubukan ulit matulog, pero si Jepoy parin ang bumabalikbalik sa aking isip.



Kinabukasan, pupungas pungas pa akong bumaba sa kusina, di na ako nagtaka ng maabutan doon si Jepoy, habang ang nanay ko naman ay abala sa pagaahin ng pagkain at pagaayos para sa pamamalengke.



Goodmorning, Maki.” bulong ni Jepoy, napatingin sakin ang aking ina. Umiling nang hindi ko sagutin ang pabati ni Jepoy.



Napano nga ulit yang sugat mo sa labi?” tanong ng aking ina kay Jepoy, nagtaas ako ng tingin at nakita ang isang hiwa sa ibabang bahagi ng labi ni Jepoy.



Ah, nabunggo lang po ng siko ni Jana kahapon.” pagpapalusot nito, pero alam namin pareho kung san galing yun.



Kung hindi mismo ikaw ang nagsabi sakin baka isipin ko na may sumapak sayo.” sagot ng aking ina sabay tapik sa likod ni Jepoy at tumingin ng masama sakin.



O siya sige, mamamalengke lang ako. Iwan ko muna kayo diyan. At pwede ba Marcus, kausapin mo na itong si Jepoy?!” angil nito sakin.



Nang matapos ako sa pagkain ay iniligpit ko na ang mga plato, tapos na rin si Jepoy kumain, pinapanood na lang ako nito sa aking bawat gawin, nakikiramdam. Sinundan ako nito hanggang sa lababo, daladala ang mga natirang ligpitin.



Ako na diyan. Umuwi ka na at magprepare para sa school.” saway ko dito, yumuko ito.



Di ba tayo maguusap muna?” bulong nito. Di ako sumagot. Nagulat na lang ako ng bigla nitong iniyakap ang malatroso niyang mga braso sa aking katawan.



Maki, usap naman tayo oh. Please. Nami-miss na kita. Bakit ba lagi mo akong iniiwasan?” sabi nito habang nakabaon ang mukha niya sa aking likod.



Mali ito. Mahal ka ni Jana, di ko kayang saktan si Jana. Pareho tayong lalaki.” malamig ko paring sagot dito pero pabilis na ng pabilis ang tibok ng aking puso at ganun din ang kay Jepoy. Kinalas ko ang yakap nito at humarap sa kaniya. Tinitigan ko ulit ang mga nangungusap na mata nito.



Jepoy, mahal na mahal ka ni Jana. Ayaw kong mawala kayo pareho bilang kaibigan ko kaya ko ito ginagawa, umiiwas ako sa maaaring sumira sa pagsasamhan nating tatlo--”



Kung mangangako ba ako na hindi ka na hahalikan, na pipigilan ko itong nararamdaman ko sayo, hindi ka na ba iiwas samin? Sakin?” tanong nito. Natahimik ako, di ako agad nakasagot. Nagkatitigan kami, bumilis nanaman ang pagtibok ng puso ko.



Inilapit ulit ni Jepoy ang mukha niya sa akin.



Jepoy---”



Last na ito, Maki.” pagmamakaawa nito.



Ipinikit ko na ang aking mga mata.



Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang mga labi sa aking labi, puno ito ng emosyon, sunod kong naramdaman ang pagdikit ng aming mga katawan, sabay ang pagtibok ng aming mga puso, mabilis ito. Untiunti na akong lumalaban sa aming halikan na iyon.



Nang kumalas na ako ay niyakap ako ng mahigpit ni Jepoy.



I Love You.” bulong ni Jepoy sakin, pero nagbingibingihan ako, mas pinili kong wag pansinin ito at lalong tumayog ang pader na inilagay ko sa pagitan namin ni Jepoy, mataas pero marupok. Ilang bangga lang dito ay sigurado akong magigiba ito.




Itutuloy...




__________________________
Breaking Boundaries 8
by: Migs


Comments

  1. I LOVE IT!!!... NICE CHAPTER MIGS!!!

    ReplyDelete
  2. very nice migs... intense!

    looking forward also to cp4 updates.

    regards,

    R3b3l^+ion

    ReplyDelete
  3. dba iba ng cp and bb?.... bkit cp ng photo s ending part?... hehehe...


    anyways... super super super like... hehehe...

    gel

    ReplyDelete
  4. Whoo!! Intense naman yung mga emosyon nila!! Like!!
    Can't wait for the next chapter.
    -icy-

    ReplyDelete
  5. As always, saludo ako sa iyo Migz for a one makapigil hininga na chapter. Galing mo talaga. Cant wait Para sa karugtong nito. Keep it up Migz. Love you po, always!

    ReplyDelete
  6. Uggghhh. This is getting crazier. I adore it. Great job! I just wish the updates for Breaking Boundaries is just as fast as Chasing Pavements.

    With all that aside, every chapter feeds my craving for that deep emotional feeling (yes, I crave for that, don't you? hihi). The storyline's getting more and more heartfelt. Kudos!

    -Glitterati

    ReplyDelete
  7. alexis ulit


    oh crap.i can't barely believe it.naiinis ako ngayon kasi nabibitin ako..hahaha..grabe...naadik na ako..kuya migs..help..thank you sa mabilis na update.grabe as in thank you.hangkulet ko bah?hahahaah


    tingin ko may clue na ako.kung bakit mabigat ang loob ni maki kay jepoy.kasi....

    ..nirape niya si maki...


    ahahhahah..guess lang..wala lang yun lang pumasok sa isip ko

    ReplyDelete
  8. ...YOU GOT IT MIGS.
    ...Job well done.

    ...-thank you so much.........

    ReplyDelete
  9. ang galing ni inay very suportive...now i know kung bakit nasabi un ni jepoy sa una nila pagkikita ulit...

    ReplyDelete
  10. Migssssssssssssssssssssss!!!! ang danda!! xD ngayon lang ulit nakapagbasa at makapag comment.. Ang galing mo parin walang pinagbago! :)



    Zekiee

    ReplyDelete
  11. hi kua migz...

    im one of your silent readers.. smula p lng po sa LAIB1 ngbabasa n ko ng mga gawa...

    katatuwa po ksi tpos ramdam n ramdam ko ung emotions hbng binabsa bawat nkasulat...

    first time ko lng mgcomment dito. hihi... nhihiya ksi ako ah...

    wel anyways po, gayahin ko ung iba mung commentator, i guess kaya nbulag si maki bcoz of an accident that caused by jepoy and pkiramdam ko, ksama si jana dun sa accident and unfortunately namatay si jana...

    heheh.. hula lng po un, and based un sa mga nbasa ko dati n gawa mu din kua migz...

    sana mapansin mu tong comment ko.. hihi..

    tnx po and more power...


    like... like... like...


    anonymous1989

    ReplyDelete
  12. I love you to JEPOY!!! ayan ako na sumagot para sa iyo Maki..hehehe ang ganda..titibagin natin yang pader na yan..hehe

    -nephilim

    ReplyDelete
  13. NAKAKAINGGIT....ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS...

    RAMY FROM QATAR

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]