Chasing Pavements 4[4]
Nakatunganga nanaman ako sa harapan ng aking laptop, wala nanaman akong magawa, nalinis ko na ang buong bahay, wala si Rick para makalaro at maalagaan, mamya pa dadating si JP galing med school at wala pa ang apat sa pinakamalapit kong kaibigan dito sa Cavite kaya't naisipan kong magisip at gumawa ng isang short story. Pero wala akong maisip na magandang plot, napakamot ako sa aking baba at nagisip ng magandang plano.
Naalala ko ang ilang short story na di ko na-publish at naka tengga lang sa drafts ng aking blogger. Isang shorty ang mga naka tengga doon na naisipan kong basahin ulit at palitan ang ilang scene sa kwento, abala ako sa pagiisip ng bagong mga lines nang marining kong tumunog ang message alert tone ng aking YM messenger.
“Sir Josh!” sabi ko sa sarili ko dahil sa wakas may makakausap narin ako.
Di ko napansin na napapangiti na pala ako sa sarili ko habang ka-chat si Sir Josh at nagtitipa ng bagong kwento sa aking laptop. Sandali kong nakalimutan ang tahimik na paligid, nakakaboryong bahay at walang kabuhay buhay na bahay.
Natapos ko na ang ko na ang short story na inedit ko at pinu-proof read na ito nang marinig kong magbukas ang gate ng aming bahay, di ko napansin na hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan, alam kong si JP na ang pumasok na iyon sa aming gate, alam kong gustong gusto ko narin siyang makita, ilang linggo na ng ma discharge si JP sa ospital at naging maganda naman ang resulta ng pagkakatanggal ng apdo niya.
Kengkoy at makulit parin ang loko pero pagkatapos nang maliit naming drama episode nung mga huling araw niya sa ospitalay alam kong habang buhay na niyang matatandaan ang di ko sinasadyang pagkakasabi ko sa aking totoong nararamdaman. Nangako kami na kung ano man itong meron kami ay susubukan namin dahan dahanin ang lahat at tignan kung san kami dadalhin ng aming mga nararamdaman, basta alam naming Mahal namin ang isa't isa.
“I really had it bad.” bulong ko sa sarili ko nang marealize ko na excited akong makita si loko.
Halos patakbo akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan, sa pagkakakilala ko kay JP ay malamang nahihiya nanaman itong basta basta nalang pumasok ng bahay namin. Nangingiti ngiti ako habang ini-imagine si JP na kinakabahan bago kumatok.
Nagulat si loko ng bigla kong buksan ang pinto, kakatok na sana ito.
“Miss me?” tanong nito.
“You wish!” sabi ko dito sabay tabi para patuluyin ito, pilit ko parin itinatago ang paghingal dahil sa ginawang pagmamadali kanina.
“Alam ko kasing nahihiya ka nanamang kumatok kaya pinagbuksan na kita ng pinto.” pangaalaska ko dito, nakita kong nagkamot nanaman ng ulo si kumag habang humahagikgik.
“Gawd! You're such a dork.” sabi ko dito sabay ismid.
“Maybe, but I know you love me.” sabi ni JP sabay ngiting nakakaloko.
“Yeah, keep convincing yourself.” balik ko dito, pansamantalanag nawala ang ngiti sa mukha ni JP pero agad ding bumalik ang ngiting iyon ng maisip nito na nagbibiro lang ako. Binitiwan nito ang bag niya at niliitan ang espasyo sa pagitan namin at niyakap ako nito ng mahigit.
“Namiss kita.” bulong nito habang lalong pahigpit ng pahigpit ang mga braso nito sa aking katawan.
“I know. I missed you too.” sabi ko dito at ibinalik ang kaniyang mga yakap.
“I'm starving! Anong kinain mo?” tanong nito habang inihihiwalay ang sarili sakin. Ngumiti ako.
“Baked Dor---” umpisa ko. nakita kong umikot ang mga mata ni JP.
“Of course.” sabi nito sabay iling.
“What?!” humahagikgik kong tanong dito.
“Bakit pa ba ako nagtanong? Wala ka naman ibang alam lutuin kundi iyon eh.”
“I know, but still, you love me.” bulong ko, agad na napako ang mga mata nito sakin sabay tango.
“Yes, Migs, I love you.” bulong ulit nito.
“I love you too.”
0000ooo0000
Habang inaahinan ko si JP ng kaniyang kakainin ay nagpaalam ako dito saglit dahil naiwanan ko ang aming kwentuhan ni Sir Josh, pumayag naman si JP at nagpaalam din na maliligo muna siya bago ako samahan sa aking kwarto.
Nakagawian na namin ang ganitong set up ni JP, kesa kasi umuwi ito sa kanila mula sa kaniyang school ay samin na ito tumutuloy, mas malapit na mas makakapag concentrate pa siya kung sakaling kailangan niyang magaral o kaya naman ay magpahinga lang, di niya kasi ito nagagawa sa kanila dahil sa mga kapatid at pamangkin niya. Minsan kasama namin sa bahay sila Fhey, Edward, Pat at Dave at paminsan minsan ay aking kuya Marc. Minsan din magkakasama kaming nakikipaglaro kay Rick at minsan din naman ay nagkukulitan lang.
Lumipas ang ilang oras ay pumasok na si JP sa aking kwarto, basa pa ang buhok nito at tanging boxers na lang ang suot. Di ko ito una napansin dahil abala parin ako sa pakikipag chat kay Sir Josh. Nang mapansin ko ito ay palinga linga ito sa aking kwarto habang tinutuyo ang kaniyang buhok, miya mo ito ngayon lang nakapasok sa aking kwarto. Pinilit kong wag ulit itong pansinin dahil nagkakasayahan kami sa paguusap ni Sir Josh.
Mayamaya pa ay naglakad lakad na si JP sa loob ng aking kwarto at palinga linga parin, paminsan minsan din itong sumisilip sa paguusap namin ni Sir Josh, naniningkit ang mga mata sa tuwing nangingiti ako sa mga joke ni Sir Josh.
“Bakit ka tumatawa? Sino yang Ka-chat mo?” tanong ni JP, sandali ko itong tinignan.
“Si Sir Josh, isa sa mga cyber boyfriends ko.” biro ko kay JP, umiling lang ito at sumimangot sabay upo sa aking kama.
Ipinagpatuloy ko lang ang aking pakikipagchat kay Sir Josh. Nakita kong tumayo ulit si JP at lumabas ng aking kwarto, napatawa ako sa aking ginawang panloloko kay JP, alam kong pikon ang isang iyon kaya naman napakasarap nitong asarin. Sinabi ko kay sir Josh ang aking mga pinaggagagawa at base sa message ni Sir Josh ay aliw na aliw din ito sa pangaasar ko kay JP.
Ilang palitan pa ng mga biro at kwentuhang brownout ay hindi parin bumabalik si JP sa aking kwarto, nagtaka ako saglit pero ikinibit balikt ko na lang iyon. Muli kong ipinagpatuloy ang pakikipagchat kay Sir Josh ng biglang---
“Shit!” sigaw ko.
Madilim ang paligid, nawalan ng kuyente, ilang sandali pa ay magsta-stand-by mode na ang aking laptop at tuluyan ng didilim ang buong paligid. Nawalan na nga ng ilaw ang laptop, muli ko ng naramdaman ang isang pamilyar na sensasyon, nanikip muli ang aking dibdib at binalot ng pangingilabot ang aking buong katawan.
Sa aking pakiramdam ay muli akong kinulong sa isang maliit na kwrto na walang bintana at pinto, mababa ang ceiling at walang source ng ilaw. Muli akong sinusumpong ng claustrophobia. Pero agad nawala yun ng maramdaman ko ang pamilyar na pagyakap sakin ni JP at isang ilaw na nanggagaling sa isang maliit na kandila.
“Alam kong di ka nakakatagal sa dilim.” bulong nito sakin habang nakayakap parin. Tumango na lang ako.
“Want to tell me what happened? I mean, bakit ka takot sa mga enclosed space? Alam kong hindi basta basta nangyayari iyan.” sabi ni JP habang mahigpit parin akong yakap nito. Umiling lang ako.
“I'm not ready to talk about it yet.” bulong ko dito.
“OK. Gusto mong bumaba?” tanong sakin ni JP. Umiling ako, ngumiti naman si JP at lalo akong niyakap ng mahigpit.
0000ooo0000
“OK ka na?” tanong ulit sakin ni JP. Puno na ng kandila ang aking kwarto, nun ko lang napansin na ang romantic pala kapag mga kandila lang ang umiilaw sa buong kwarto.
“Kulang na lang petals tapos kiss.” sabi ko sa sarili ko at wala sa sariling napangisi.
“Anong nginingisi ngisi mo diyan?” tanong ni JP, umiling lang ako.
Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard, ganun din ang ginawa ni JP.
“Naaalala mo nung muntik na nating masunog yung buong dorm ko nung college?” natatawang tanong ni JP, natawa din ako nung maalala ko yun.
“Oo, naaalala ko na gusto mo akong gahasain nun eh.” sabat ko, nakita kong namula si JP at napakamot nanaman sa ulo.
“Tapos akala ko naalibadbaran ka kasi gustong gusto kitang halikan.” sabi ni JP tapos napahagikgik.
“Medyo naasiwa ako, akala ko kasi noon pinagtritripan mo lang ako.” sabi ko dito, muling tumingin sakin ng seryoso si JP.
“Tingin mo, kundi dumating si Alex, tingin mo---”
“--na magiging boyfriend kita?” pagtatapos ko sa hindi matapos tapos na tanong ni JP.
“Oo, sa tingin mo naging masaya kaya tayo?”
“Kahit ngayong mag best friend lang naman tayo, masaya ako eh.” sabi ko dito, bumakas sa mukha ni JP ang isang malaking ngiti.
“Ako din, masaya ako.” sagot nito sabay iniakbay sakin ang kaniyang kamay, sumandal ako sa balikat nito.
“JP?”
“Hmmmm?”
“Mag best friend lang din ba tayo ngayon?” halos pabulong ko ng tanong dito sa sobrang hiya, naramdaman kong nagtense ang bawat muscle sa katawan ni JP. Yumuko ako, itinaas naman ni JP ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
“Mag bestfriend AT mag boyfriend.” sabi ni JP, napangiti ako, gayun din siya. Isiniksik ko ang aking katawan sa kaniyang tagiliran, lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.
Tahimik.
“JP?”
“Hmmm?”
“Asan na yung nasunog na sofa?” tanong ko na ikinahagikgik naman ni JP.
“Asa kwarto ko, hindi ko ipanapa tanggal yung sunog dahil may sentimental value yun.” natatawang sagot ni JP, di ko na din napigilan ang mapatawa.
“Migs?”
“Hmmm?”
“Sino yung ka-chat mo kanina?” tanong ni JP, rinig ko ang pagkaseryoso sa tono ng boses nito. Napahagikgik ako.
“Cyber boyfriend ko nga.” sagot ko dito, naramdaman kong lumuwag ang pagkakaakbay nito sakin, lalong lumaki ang pagkakangiti ko, sinundot ko ang tagiliran nito na ikinahiyaw naman ni JP.
“Nagseselos ka?” tanong ko dito.
“Sinong hindi magseselos?! Ako itong boyfriend mo kung kanino kanino ka pa nakikipaglampunchingan diyan sa internet!” halos pasigaw na nitong sagot na may halong pagkainis.
“Good! Gusto ko ng selosong boyfriend.” natatawa kong sabi dito, napatawa narin si JP at muli nitong hinigpitan ang akbay sakin. Sabay kaming napatingin sa may bintana nang makarinig kami ng kaluskos, si Edward miya mo unggoy na tumutulay nanaman sa may puno ng santol sa pagitan ng aming mga bahay.
“S-sorry.” nangingiting banggit ni Edward nang makita ang aming puwesto sa kama ni JP at sa set up ng buong kwarto.
“Tinignan ko lang kung OK lahat dito, ang dilim kasi ng buong bahay.” sabi ni Edward. Naramdaman kong nagtense muli ang mga muscles ni JP.
“Malamang, brownout---” di ko na naituloy ang aking sasabihin nang makita ko ang maliliwanag na ilaw mula sa bahay nila Edward, tumayo ako at tumingin sa isa pang bintana na nakaharap naman sa kalsada sa harapan ng aming bahay, bukas lahat ng ilaw sa kalsada pati narin ng mga bahay na malapit samin.
“Tangina! Niloko ako ni JP! Bakit di ko napansin?!” inis kong sabi sa sarili ko.
“Ah... ok...” bulong ni Edward, nang humarap ako dito ay nakita ko si JP na may ibinubulong kay Edward at nag high five pa ang dalawa pagkatapos ang bulungan.
“JP! Ginalaw mo yung circuit breaker ano?!” sigaw ko dito at mabilis na lumapit sabay suntok sa braso nito.
“Ayaw mo kasing tigilan ang kaka-chat eh! Di mo kaya ako pinapansin edi pinatay ko yung sa circuit breaker! Hehe!” sigaw ni JP, humagikgik naman si Edward sa likuran ni JP.
“Sige uuwi na ako.” paalam ni Edward pero pinigilan ko ito.
“Hindi! Sasamahan mo ako sa baba, ikaw ang mago-ON nung circuit breaker.” sabi ko kay Edward nagsimula na itong humindi.
“Alam mong takot ako sa dilim. Kailangan ko ng kasama.”
“Ako na lang sasama sayo, Migs.” alok ni JP.
“Heh! Muntik na akong atakihin sa puso nung biglang dumilim! Hmpft! Masanay ka ng matulog sa sofa! Kasi simula ngayon dun ka na matutulog sa tuwing magste-stay ka dito! Hmpft!” sigaw ko, hinila ko si Edward pababa kasma ang isang kandila, iniwan naming naka nganga si JP sa aking kwarto.
0000ooo0000
Maliwanag na ang buong kwarto, nakangiti na ako habang inaayos ang aking kama para matulog nang biglang sumulpot sa may pinto si JP.
“Migs, sorry na. Ikaw kasi di mo ako pinapansin eh. Please, bati na tayo? Ayokong matulog sa sofa, di ako kasya dun eh.” sabi nito habang nakayuko at nilalaro ang karpet ng kaniyang kaliwang paa. Para itong bata na humihingi ng dispensa sa kaniyang magulang.
“Cute.” sabi ko sa sarili ko at wala sa sariling napangiti.
“Sige, pero sa isang kundisyon...”
“ano?” nakangiting tanong ni JP.
“Maligo ka ulit. Amoy imburnal ka nanaman!” sigaw ko dito, muling kumamot sa ulo si JP, alam naman niyang nanloloko lang ako pero itinuloy niya parin ang pag-ligo. Nakangiti parin ako habang nagaayos ng sarili para sa pagtulog nang bigla kong narinig na nag-ring ang telepono ni JP.
“Donna Calling.” nakalagay sa screen ng telepono, nanlamig ang buo kong katawan, nabura ang ngiti sa aking mukha, isang luha ang kumawala sa aking mata. Wala sa sarili akong umakyat sa aking kama at nagtulogtulugan. Narinig ko ang pagpasok ni JP sa aking kwarto, nilapitan nito ang kaniyang cellphone, naramdaman ko itong lumapit sakin at nagbuntong hininga, naramdaman ko itong lumayo marahil palabas ng aking kwarto.
“Hello Donna?” narinig kong sabi ni JP habang palabas ng aking kwarto.
Itutuloy....
_______________________________
Chasing Pavements 4[4]
by: Migs
kainis anu ba nman kc c jp may migs na may donna pa ... hmp!
ReplyDeletegrabe kakakilig talaga sa away bati nilang dalawa! yun nga lang kakalungkot sa bandang dulo, migs huwag muna mag-inarte. LOL!
ReplyDeleteGALING TALAGA!
/vince24
how cute.hangkyut nyung dalawa..
ReplyDelete...hangkulits niyo..para kayong mga bata.. pero si kuya ed..sigurado ako nagseselos yun..ayaw lang pahalata...wahahah...
..tanungin mo kaya sya ng deretsahan para magkaalaman na..hindi yung gaganyan ganyan ka..palaging nababawasan ang haba ng buhok mo kuya migs sa donna na yan..inlab ata kay kuya jp..
..natatawa talaga ako..nga pala..si koreano?..ung nakahalikan mo..yung sa g clef and a kiss..wala na bang nangyari sa kanya?...wahahah..
..alexis codename ko..anon na may name na ako from now on..ahaahh...sana masagot nyu po ako..sa tanong ko kuya migs..god bless..
ang sakit nman nito migs.
ReplyDeleteMigs, natatawa ako dito, naalala ko pa yung usapan natin..akala ko kung ano nang nangyari sayo sa kalagitnaan ng usapan natin nawala ka, hahahaha
ReplyDeleteKinabahan ako, akala ko ikwekwento mo din yung…… maeeskandalo ang mga readers mo, hahaha…secret na natin yun ha? ;-)
Anyway, na-cute-an ako sa scene nyo, though nasabi mo na dati ‘to di ko alam yung ibang details., maganda siya even yung pagdating ni Edward, yung si Donna lang ang nagspoil ng moment.
Wag mong isipin na panghihimasok ‘tong sasabihin ko, pero kung ano mang mangyayari sa susunod, ipaglaban mo kung ano ang nagbibigay sayo ng kaligayahan. May assurance naman, kailangan lang ng konting tulak, pano ka ipaglalaban ni JP kung ikaw mismo ang unang bibigay.
Don’t give up but give it a try, the stake is worth fighting for.(",)
am sooo happy for you migs...
ReplyDeletedon't worry! ikaw ang mahal ni jp!!! that i am sure of.
regards,
R3b3l^+ion
...ay pasaway n JP, patayin b switch ng ilaw-nakakasira kaya ng pc un blackout.
ReplyDelete...pero gusto ko un way nya paglalambing as in papansin db!!!-kita nyo naman epektibo.
...saka galing always care parin c edward (n mis ko character nya) k migs.
...@ syempre may pan gulo (c donna)twist ika nga,timing ah pansira ng moment...
migs thanks...
alam ko ang story na to.. nong pinatay ni JP ang ilaw kasi nang seselos siya sa ka chat niya at di pinapansin si JP.. ang di ko lang alam na si pareng Josh pala ang pinag seselosan ni JP. kaya pala Sir migs nawala ka lang bigla nong mag usap tayo.. pinatay pala ni JP yong circuit breaker..haha ang cute..
ReplyDelete-nephilim
'Bat may Donna pa? Hmpft!
ReplyDeleteAhahaha...