Breaking Boundaries 10
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Masaya kaming nagkwekwentuhan sa loob ng cafeteria, parang balik sa normal ulit, ang kaibahan lang may namumuo ng relasyon samin ni Jepoy at hindi ito alam ni Jana. Minsan di ko maatim na makatitigan si Jana ng mata sa mata, alam kong mali, harap harapan namin siyang niloloko ni Jepoy pero hindi namin basta na lang pasabugin sa harap ni Jana ang aming relasyon.
Habang nakatingin si Jana ay naramdaman kong sakin nakatingin si Jepoy nang tignan ko ito ay agad itong kumindat, napailing na lang ako, biglang tumawa si Jana at sabay kaming napatingin dito, tuloy lang sa kwento si Jana.
0000ooo0000
Nakahiga kaming magkayakap ni Jepoy, nakiusap nanaman itong dun muna siya matutulog sa bahay, napagusapan narin namin ang tungkol dito, na hindi pwedeng araw araw siyang nakikitulog sa bahay at baka makatunog na si Jana, hindi rin pwede ang panay panay na palitan ng text at tawag pero sa mga oras naman na magkasama kami ay di pwedeng hindi namin ipapakita ang aming totoong nararamdaman.
Nakapikit ito at tila nagtutulugtulugan lang. Kinalabit ko ito.
“Hmmm.” walang sagot, kinalabit ko ulit.
“Oh?” sabi nito sabay dilat ng mata.
“Kailan natin sasabihin kay Jana?” bulong ko dito, biglang sumeryoso ang mukha nito at kumalas sa pagyayakapan namin.
“Bakit sumayad nanaman yan sa isip mo?” tanong nito sabay suot ng sando.
“Nahihirapan na kasi ako.” sabi ko dito, bigla itong humarap sakin tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Sa tingin mo nageenjoy ako sa ginagawa natin kay Jana?” irita na nitong tanong.
“Hindi naman sa ganun. Kaibigan ko kasi siya at tingin ko may karapatan siyang malaman ang lahat ng nangyayari.” sagot ko dito.
“Ewan ko sayo!” sigaw nito, nagpantig ang tenga ko.
“Anong sabi mo?!” sigaw ko pabalik dito.
“Akala mo kasi madali para sakin eh! Di mo ba naiisip na nahihirapan akong pakawalan kayo pareho?!” sigaw nito sakin, natigilan ako saglit.
“Tama ka, mahirap nga ito sayo, kaya dapat tigilan na natin ito. Di na tama ang ginagawa nating ito kay Jana.” sabi ko kay Jepoy. Natigilan ito.
“Maki.”
“Nahihirapan ka na diba? Nahihirapan nadin ako. Tigilan na natin to.” sabi ko sabay labas ng kwarto ko at nanood ng TV sa sala.
Mayamaya lang ay sumulpot si Jepoy, daladala ang kaniyang mga gamit.
“Aalis na ako.” paalam nito pero di na ako sumagot pa. Nagbuntong hininga ito at tuloy tuloy ng lumabas ng bahay. Nagmatigas ako, di na kasi talaga tama, maganda na yung habang nasa ganito pa lang na stage eh putulin na.
Pero mali ako, di nagtagal ay di na ako mapakali, iniisip kung asan ngayon si Jepoy, kung sino ang kasama niya at kung anong ginagawa nila, nagalit pa ako sa sarili ko dahil iniisip ko na baka magkasama sila ngayon ni Jana at inisip na kung ano ang ginagawa nila. Agad kong tinampal ang noo ko.
“Sila naman talaga ni Jana, ako naman talaga itong nagsusumiksik, so bakit ko kailangang magalit kay Jana? Bakit ko kailangang magalit sa kung ano man ang ginagawa nila?” sunod sunod kong tanong sa sarili ko, di ko na natiis pinatay ko ang TV at umakyat ng kwarto, kumuwa ng pera at nagpasyang sundan si Jepoy.
Sakay ng tricycle, pilit kong inaalala ang mga dahilan kung bakit kailangang sundan si Jepoy.
“Hindi naman siguro sapat na dahil mahal ko lang siya, kaya ko naisipang lokohin si Jana? Ano pa bang ibang rason?!” naiinis ko ng tanong sa sarili ko, nangingilid ang luha sa sobrang pagkafrustrate.
At hindi pa man ako nakakabawi sa frustration na nararamdaman ay may panibago nanamang gumulo sa isip ko. Nakita ko ang kotse ni Jepoy na nakaparada sa harapan ng bahay nila Jana, natural makikita ko iyon dahil dadaan sa harapan ng bahay nila Jana ang sinasakyan ko bago makarating sa kanto ng subdivision.
Di ko maintindihan ang sarili ko, naguunahan ang pakiramdam ng pagkadismaya, pagkalungkot at galit sa aking sistema, sa lahat ng iyon, di ko na napigilan ang sarili ko na lumuha.
“B-boss, b-balik tayo, m-may naiwan ako sa bahay.” sabi ko sa tricycle driver sabay punas ng luha sa aking mga mata.
0000ooo0000
“Wala kang karapatang umiyak, wala kang karapatang masaktan, tandaan mo, hindi ikaw ang nauna kay Jepoy, wala ka nang pakielam kung gusto niyang makasama si Jana, pagkatapos mo siyang ipagtabuyan, dahil wala kang karapatan.” sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin sa aking banyo.
Nanlalambot akong pumunta sa aking kama at pilit inalis sa isip si Jepoy.
0000ooo0000
“Anak, di ka ba papasok?” tanong sakin ng aking ina habang hinahaplos ang aking ulo.
“Di na muna, Nay.” malamig kong sabi dito.
“Anong problema? Gusto mong tawagan ko si Jana o kaya si Jepoy para makausap kung nahihiya kang magsabi sakin?” tanong nito, umiling lang ako at tumalikod dito para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko.
Tatlong araw na akong hindi pumapasok. Nawalan na ako ng gana, nawalan ng ganang mabuhay, ni hindi na halos ako natayo ng kama at nalabas ng kwarto, alam kong nagaalala na ang aking inay kaya sa tuwing nagtatanong ito ay sinasabi ko na lang na malalagpasan ko rin kung ano man ang problema ko. Pero sadyang matigas ang ulo ng aking nanay, tinawagan parin nito si Jepoy at Jana.
“Anak, baka mamya magpunta dito ang mga kaibigan mo. Sinabihan ko sila na kausapin ka.” bulong nito sakin, saktong narinig ko ang pagkatok sa aming front door. Agad na tumayo ang aking inay mula sa pagkakaupo sa aking kama.
“Ako na.” sabi ko dito, tumango lang ito at pinanood akong bumangon ng kama. Ni hindi ko na inayos ang aking sarili at sinalubong na ang kung sino mang kumatok.
Di na ako nagulat ng makita ang mukha ni Jepoy. Nangungusap ang mata nito, tinititigan ang kaawaawa kong itsura, sinubukan nitong lumapit sakin, para yakapin ako o para pumasok ng bahay hindi ko alam, di ko na siya pinayagan pang humakbang.
“Dyan ka lang.” malamig kong sabi dito.
“Maki.” pabulong nitong tawag sakin, nangungusap ang tono. Binalewala ko ito.
“Hayaan mo lang lumipas ito. Papasok ulit ako, wag kayong magalala, palilipasin ko lang lahat ng ito.” malamig ko paring sabi dito.
“Maki, kailangan kita.”
“Katulad din ba ng pangangailanagn mo kay Jana nung hapong ipinagtabuyan kita? Ganung pangangailangan ba?” tanong ko dito, miya mo ito binuhusan ng malamig na tubig. Itinikom niya ang kaniyang bibig.
“Di na kita kailangan, di ko na kayang lokohin ang sarili ko at si Jana. Tama na.” sabi ko dito ng hindi parin ito sumagot. Di na ako nagulat ng bigla nitong suntukin ang dingding.
“Tama na.” malamig ko paring sabi dito.
“Mahal kita, Maki, di ko hahayaang mawala ka... kailangan kita...” sabi nito pero hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa ingay ng papalapit na tricycle. Hinila ako nito at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.
Lalong umingay ang paligid ng marinig kong dumaan sa harapan ng bahay namin ang tricycle at nang makalampas na ito ay yun din ang ginawa kong hudyat para itulak si Jepoy palayo. Di man ito magpatinag ay inipon ko ang lahat ng lakas ko at itinulak siya ulit.
“Tama na.” lumuluha ko ng sabi dito at ibinagsak ang front door.
0000ooo0000
“Anak, gusto ka raw makausap ni Jana.” sabi ng aking ina. Umiling ako, maglilimang araw na akong di napasok.
“Anak kung ano man yang ikinagaganyan mo kaialangan mo ng tao na pwede mong makausap tungkol diyan.” sabi ng aking ina pero di pa man ulit ako tinatanong ng nanay kung gusto kong makausap si Jana ay biglang may nagsalita sa may pinto ng aking kwarto.
“Maki.” tawag ng isang babae sa akin, tumingin ako sa gawi ng pinto at tinignan ang nagsalita, si Jana, mukha rin itong malungkot. Pero lahat naman ng tao sa paligid ko mukhang malungkot, maaaring nakikisimpatya lang si Jana sa akin. Hinawakan ng aking ina ang kamay ni Jana at hinayaan na kaming magkausap.
“Maki, may problema ba tayo?” malumanay na tanong sakin ni Jana, paupo akong umayos sa aking kama, tinabihan ako ni Jana. Nagisip ako saglit, iniisip kung sasabihin ko ba ang tungkol sa naging relasyon namin ni Jepoy. Umiling ako.
“Gusto mo bang pagusapan ang problema?” tanong ulit nito. Umiling ulit ako, narinig kong suminghap si Jana, tila ba na-offend sa pagtanggi kong paunlakan ang kaniyang pakikipagusap.
“Sige, kung hindi ka pa ready sabihin, ako may sasabihin sayo, ang totoo niyan may problema din ako at kailangan ko ng taong makakausap.” sabi nito at ngumiti ng malungkot, nun ko napagmasdan ng maayos si Jana, di pangkaraniwan dito ang eyebags pero ngayong kaharap ko siya ay meron siyang ganun at parang may ere na hindi naalagaan ang sarili ng isang buong araw.
“A-ano?” tanong ko. Pilit ang ngumiti si Jana, may halong lungkot pero nakangiti parin.
“Siyempre di ko agad sasabihin sayo, dapat naglilibang muna tayo! Inuman tayo! Kain tayo ng maraming pagkain sa Dampa!” sigaw nito habang inaaya ako. Nagalangan ako.
“Tara!” sigaw sakin ni Jana, nakadisplay parin ang pekeng ngiti.
Tumango lang ako.
Naligo muna ako at nagpalit ng damit nang maiayos ko na ang aking sarili ay agad ako nitong hinila pababa.
“Tita, labas lang kami ni Maki ah?!” sigaw ni Jana sa aking ina.
“Sige, inga--” di na natapos ang sasabihin ng aking ina ng sumara ang front door sa aking likod, natigilan ako ng mapansing may nakaparadang kotse sa aming unahan.
“Akala ko tayo lang?” tanong ko kay Jana.
“Si Jepoy lang naman yan! Saka di pwede ang tricycle sa highway!” sigaw nito sabay tulak sakin papasok sa kotse.
Habang binabagtas naming ang Sucat road ay tahimik lang ang buong sasakyan, nawala na ang pilit na ngiti ni Jana. Si Jepoy naman ay sa kalsada lang ang tingin, kahit pa nakabukas na ang radyo ng sasakyan ay tumatatak parin sa paligid ang pag tahimik.
Nang makarating kami sa Dampa ay wala parin ni isa samin ang umiimik, nagsisimula na tuloy akong magisip kung maguusap ba talaga kami ni Jana at nagsisimula narin akong kabahan, namalengke kami ng mga sariwang makakain habang panay naman ang kumbinsi ng mga tindera na sa kanila na lang magpaluto.
Habang kumakain ay tila pakiramdaman lang ang bumabalot sa buong hapagkainan, tahimik pero makikita sa mga mata ng bawat isa ang kagustuhang magsimula. Nang matapos na lahat kumain ay agad na humarap si Jana kay Jepoy.
“Jepoy, pabili naman ako ng yosi sa baba.” utos nito sa kaniyang kasintahan kumunot ang noo ni Jepoy.
“Nag-quit ka na ah?” bulalas ni Jepoy.
“Aw! How sweet! Occassionaly na lang, Hon.” sabi ni Jana kay Jepoy nakakunot noong tumayo si Jepoy at bumili ng yosi. Humarap sakin si Jana, seryoso ang mukha nito.
“Kailan niyo pa ako ginagago?” tanong nito. Nagulat ako, nakita kong nangingilid na ang luha nito.
“J-Jana, I'm sorry hindi ko s-sinasadya.” at nakita ko itong tumayo at inabot ang kaniyang kanang kamay at sunod kong naramdaman ang mahapding pakiramdam sa aking kaliwang pisngi at kasabay nito ay ang malutong na lagitik na bumalot sa buong paligid.
“Hindi sinasadya? Parang yung sampal na yan? Kasi, hindi ko rin sinasadya yung sampal na iyon, Maki pero gustong gusto kong gawin simula nung nakita ko kayong naghahalikan sa harap ng bahay niyo.”
Natahimik ako.
“Ngayon, sabihin mo?! Kapareho ba ng hindi sinasadya ng sampal na yun ang hindi pagsadyang panggagago niyo sakin?!” sigaw ulit ni Jana. Di ako nakasagot.
“Hiwalayan mo na siya.” malamig na sabi ni Jana. Pinili kong hindi na magsalita at pumayag nalang sa gusto nito.
“Promise me that you will leave him alone.”
“I promise...” bulong ko.
Itutuloy...
__________________________
Breaking Boundaries 10
by: Migs
waaaaaaaaaaaaa....... migssss.... nxt nah... can't wait... hehehe... ']
ReplyDeletegel
Sad. :(
ReplyDeletecan't blame Jana...masakit nga talga un...ang gusto ko na talgang malaman is kung pano nabulag si maki...haissssssssssssssssst
ReplyDeletenasty bi
waaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
ReplyDeletenext n po. grabe intense ang exena!!
cant wait for the next chapter...
sir migz next n po pls pls pls....
anonymous1989!!!
waahh.. kuya migz..next chapter na po. im wondering how Maki ended up being blind.. tsk3.. :(
ReplyDeleteisang malaking check sa pink na ballpen.. ang ganda kahit mabilis ang mga pangyayari..
ReplyDelete-nephilim
I don't blame Jana but.
ReplyDeleteThat bitch.
-Glitterati
...with this story, i've got to reminisce my old life. Nice one Migs, please update ASAP. Kudos to all your works.
ReplyDeletesumasarap na ang mga eksena a. kapanapanabik.
ReplyDeletetaga_cebu
ganda...ito na ba ang dahilan kaya lumayo si maki?
ReplyDeleteIsa lang ang masasabi ko, awwwwwww......
ReplyDeleteEmotional but short chapter mr. Migs. It's fine tho. Still love it.
ReplyDelete-icy-
Ayon eh.. may nasagasaan sila at ang masakit pa don kaibigan nya ang nasagasaan nya.. pero tama nga naman hindi ka talaga tuluyang magiging masaya kung alam mong may isang tao kang nasasaktan..
ReplyDelete...this time i don't know kun kanino ako kakampi
ReplyDeletekc sa totoo lang naman pareho naman ako nasaktan sa kanila dalawa, kahit sino naman db, kaw n masaktaktan ng ganun,
...hiarap kaya ng sitwasyon n gnun
...at nagpakatotoo lng si jana sa nararamdaman nya(whats are fienrd are for...eh ka nga db)
...si japoy p din wagi... kaw n da best k eh
Jeff should get eyesight soon. because i get sad when i read this :(
ReplyDeleteI mean Maki pala
ReplyDeleteI mean the comment was supposed to be for Chapter 11, I placed it at the wrong post :|
ReplyDeleteOUCH SAKIT,,,,DAPAT NOON PA SANA SINABI NI MAKI ANG LAHAT KAY JANA....KAPAG ANG KARIBAL AY GIRL TALO TALAGA SI MAKI.... SA TOTOO...SANA KINONTROL NA LANG NI MAKI ANG FEELINGS NYA KAY JEPOY....PARA SA FRIENDSHIP NILANG TATLO.
ReplyDeleteRAMY FROM QATAR