Breaking Boundaries 12
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Naririnig ko si Ivan sa labas ng aking opisina, kanikanina lang ay tumawag sa intercom ang aking sekretarya at nagsabing may gusto daw kumausap sakin, kinuwa nito ang pangalan at napagalaman kong si Jepoy pala ang nasa labas na nagiintay at gustong kumausap sakin. Pinagintay ko na ito, naka dalawang meeting narin ang nagdaan pero ayon sa aking sekretarya ay andon parin si Jepoy at nagiintay, tatlong oras na siyang andun.
“Sir, handa ka na bang kausapin siya?” tanong ni Ivan sakin puno ng pagaalala ang boses nito. Umiling lang ako.
“Sige, Sir, ako na ang bahala.”
“S-salamat.”
Ngayon, tila mahaba haba na ang napaguusapan nila Jepoy at Ivan at nang bumalik si Ivan sa loob ng opisina ay narinig ko itong nagbuntong hininga at tumabi sakin.
“Ano daw ang kailangan?” tanong ko kay Ivan, asa isa kaming mahabang sofa sa loob ng opisina ko, isinandal ulit nito ang ulo niya sa aking balikat.
“Gusto ka raw niyang makausap, sabi ko ayaw mo tas sabi ko na ako muna ang kausapin niya, nakipagtalo pa na ikaw ang gusto niyang makausap at hindi ako.” mahabang sabi ni Ivan.
Natahimik ako, pakiramdam ko may kulang sa mga sinabi ni Ivan pero ikinibit balikat ko lang iyon.
“Ah talaga? Sa haba ng oras niyong magkausap, yun lang ang napagusapan niyo?” tanong ko dito. Natawa naman si Ivan sa tabi ko at sinuntok ang aking braso.
“Tara na nga, uwi na tayo.” aya ko dito.
“Tara! Sainyo ako magdi-dinner ah.” sabi nito sakin.
“Sure.” sagot ko na lang, di na inisip pa kung ano ang kulang sa kwento niya.
Tahimik lang kami ni Ivan sa loob ng sasakyan, di ito nagsasalita pero ramdam ko parin na malalim ang iniisip nito, di kasi pangkaraniwan kay Ivan ang tatahimik na lang bigla.
“Ivan, what's bothering you?” tanong ko dito, di ulit ito kumibo, di ko na lang ito kinulit, inisp ko na baka naman natutulog lang ito, pero napatunayan ko lang na may gumugulo dito nang asa harapan na kami ng hapagkainan. Kasama ang inay na nakain ay di napigilang magsalita ni Ivan.
“Tita, sino po ba si Jepoy?” tanong ni Ivan, agad kong narinig ang pagkalansing ng mga kubyertos.
“ah eh, bakit mo naman naitnong yan, Hijo?” tanong ng aking ina halatang ayaw pagusapan si Jepoy.
“Nagpunta po kasi yun sa aming opisina. Gustong gusto makausap si Sir.” sabi ni Ivan. Tahimik.
“Siya ang dahilan kung bakit nabulag si Marcus.” malamig na sabi ng akin ina.
“Nay, aksidente ang nangya...”
“Hindi aksidente yun. Saka kung aksidente lang talaga ang lahat, bakit siya nagtago?” tanong ng aking ina.
“Walang may gusto ng nangyari, hindi siya nagtago, 'nay---” sabi ko ulit sa aking ina.
“Pero sana manlang humingi siya ng sorry, anak. Naaalala ko nun bago ang aksidente napansin kong malungkot ka at ganun din ang napansin ng ina ni Jana bago ang aksidente, hindi lingid sa kaalaman ko na may problema kayong magkakaibigan noon. Pano ka nakakasigurado na hindi sinadya ni Jepoy ang lahat?” mahabang pahayag ng aking ina.
Ilang beses ko na itong narinig sa kaniya, tama ang kasabihan na ang mga nanay ay may kakaibang pakiramdam patungkol sa pinagdadaanan ng kanilang mga anak at hindi naiba ang nanay ko sa kasabihang iyon, nararamdaman niyang may kakaiba nung mga panahon bago ang aksidente at marami siyang haka hakang naisip at hindi siya nagabalang itago ito sakin.
“Ilang beses ko nang narinig iyan---” simula ko.
“Ilang beses mo na nga iyang narinig pero matigas parin ang ulo mo at pilit na sinasabing hindi dapat sisihin si Jepoy.” giit nanaman ng aking ina. Di ko na napigilan ang sarili ko at naisuntok ko na ang aking kamao sa lamesa. Narinig kong napasinghap ang aking ina at si Ivan.
“Tama na. Kumain na lang tayo.” malamig kong sabi, pero narinig ko na lang na umisod ang silya sa aking kaliwa, ang upuan sa kabisera ng lamesa, ang inuupuan ng aking ina.
“Nawalan ako ng gana.” giit nito, napabuntong hininga na lang ako. Napahawak ako sa aking ulo.
“S-sir, sorry.” bulalas ni Ivan, halatang natatakot na baka masisi sa pagsasagutan namin ng aking ina. Nginitian ko lang ito.
“Wala yun. Kain ka na dyan, alam kong mahaba ang araw na ito para sayo.” pagaalo ko dito sabay abot ng aking guide stick at tumayo na at naglakad palabas ng bahay.
Gamit man ang guide stick ay di parin ito lubos na nakatulong sakin, agad akong napaupo ng maapakan ang isang walis na nakasandal sa pader na maaring iniwan ng mga katulong. Agad kong itinakip ang aking mga kamay sa aking mukha at inilabas na ang sama ng aking loob na kanina ko pa nararamdaman. Miyamiya pa ay naramadaman ko na ang pagakbay sakin ni Ivan, tinulungan ako nito makatayo at ini-upo sa mahabang sofa ng aming sala.
“S-sorry, Sir.” bulong nito. Agad akong umiling.
“Wala kang kasalanan.” sabi ko dito, naramdaman ko ang yakap sakin ni Ivan.
“Kung si Jepoy po talaga ang dapat sisihin---” simula nito.
“Walang kasalanan si Jepoy, iniiwasan ko siya di dahil sinisisi ko siya sa pagkabulag ko, may iba pa akong dahilan, Ivan.” pagpapaintindi ko kay Ivan.
“G-ganun po ba?” bulalas ni Ivan. Tumango lang ako.
“P-pwede niyo po bang sabihin sakin ang dahilan at ang lahat ng nangyari? Mahirap po kasing paniwalaan na walang kasalanan si Jepoy kung kakaonti lang ang alam ko.” napangiti ako sa sinabi ni Ivan.
“May pagkatsismoso ka talaga.” sabi ko dito at napasinghap naman si Ivan.
Kinuwento ko lahat ang nangyari noon samin nila Jana at Jepoy kay Ivan, tahimik lang ito, matagal din itong natahimik kahit tapos na ako sa paglalahad ng nangyari, alam kong maraming tumatakbo sa isip ngayon ni Ivan kahit di man niya ito sabihin.
“M-mahal niyo parin po ba si J-Jepoy?” tanong nito.
Di ako nakasagot, may kung anong kumurot sa aking dibdib, walong taon na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nung sinampal ako ni Jana, parang kahapon lang na nasaktan ko siya ng sobra, parang kahapon lang na trinaydor ko siya at parang kahapon lang nang mangako ako dito na lalayuan na si Jepoy.
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Ivan sa aking kamay, kasabay nito ay ang pagtulo ng aking luha.
Ilang linggo pa ang lumipas, mabigat parin ang loob sakin ng aking ina, kasabay nito ay napapansin ko rin ang biglaang pagiba ng ugali ni Ivan pagdating sa trabaho. Kung ang aking ina ay malamig ang pakikitungo sakin, si Ivan naman ay naging malamig sa kaniyang trabaho. Madalas ko itong naririnig na may kausap sa telepono, madalas umaalis sa aking tabi sa oras ng mga meeting. Di ko na ito natiis at tinanong ko nadin.
“Zeny, can you fetch Ivan for me. I need to talk to him.” utos ko sa sekretarya. Wala pang ilang minuto ay pumasok ang sekretarya sa aking opisina.
“Sir, may kausap po si Sir Ivan sa may conference room, di ko po maistorbo eh, mukhang seryoso ang pinaguusapan.” pahayag ng aking sekretarya, agad nangunot ang aking noo.
“Ah ok, Ahmm Zeny, pwede mo kaya akong samahan sa conference room? Alam kong di mo trabaho ito pero kailangan ko talagang makausap si Ivan.” pakiusap ko sa aking sekretarya.
“Sir, wala pong problema sakin.” pahayag ng aking sekretarya, nginitian ko ito bilang pasasalamat at miyamiya pa nga ay naramdaman ko ang kamay nito na umaalalay sakin papunta sa conference room.
Di nagtagal at nakarating narin kami sa Conference Room ni Zeny. Narinig kong ipinihit nito ang door knob ng pinto.
“Zeny, saglit lang---” simula ni Ivan nang buksan ni Zeny ang pinto pero agad din itong natigil sa pagsasalita marahil ay dahil nakita na ako nito na kasunod ni Zeny.
“Ah... Sir Marcus, may inaasikaso lang po ako saglit.” sabi ni Ivan pero hindi doon nakatuon ang aking pansin, may amoy na sumayad sa aking pangamoy, kilalang kilala ko ang pabangong iyon.
“S-sorry, it's just that I have to talk to you, pero ok lang, sige, ayusin niyo muna ni Jepoy ang inaasikaso niyo.” sabi ko, narinig kong napasinghap si Ivan, marahil ay nagtataka ito kung pano ko nalaman na si Jepoy ang kausap niya.
“Goodafternoon Maki.” sabi ni Jepoy sakin.
“Magandang hapon din.” sabi ko sabay bigay ng malungkot na ngiti.
Tahimik.
“Well, sige, pasensya na sa istorbo. Zeny, maari mo ba akong samahan pabalik sa aking opisina, pasensya na talaga sa abala.”
“No problem, Sir.” sabi naman ng matandang sekretarya.
“Zeny, maaari mo ba kaming iwan muna.” napatigil ako ng biglang magsalita si Ivan.
“Ah...eh...” simula ng sekretarya.
“Sir Marcus, gusto sana kitang makausap.” sabi sakin ni Ivan, nangunot ang noo ko at miyamiya pa ay naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Ivan sa aking kamay, inalalayan ako nito paupo sa kabisera ng malaking lamesa sa loob ng conference room.
“S-sige, Zeny, iwan mo muna kami. Maraming salamt ha.” sabi ko sa matandang sekretarya at narinig ko ang paglapat ng pinto sa hamba nito.
Matagal nilunod ng katahimikan ang buong kwarto sa pagitan naming tatlo. Wala ni isa ang gumagalaw sa loob ng kwarto, tanging paghinga lamang ng dalawa ang aking naririnig. Laking ikinataka ko ng marinig na mabilis ang paghinga ni Ivan, tila kinakabahan.
“Ivan, is there something wrong?” tanong ko dito. Napatawa ito pero wala akong narinig ni katiting na humor sa mga tawang iyon.
“Simula pa noon namamangha na ako kung pano mo nalalaman na may iniinda ako.” bulong nito, malungkot ang boses nito. Napangiti ako.
“I can always hear it in your voice or even hear it in your breathing.” bulong ko pabalik, binalot na ng pagkaseryoso ang aking bawat kataga.
“Sir, I have to tell you something---” umpisa ni Ivan.
Kasabay nito ay narinig ko ang bahagyang paggalaw ni Jepoy mula sa kinatatayuan nito.
“I'm sorry, but I can't keep this from you any longer... Jepoy and I are dating and where taking it up another notch. We're planning to get into a relationship.” sabi ni Ivan, rinig ko ang kaba sa bawat salitang binitawan ni Ivan, narinig ko ang pagsinghap ni Jepoy sa aking tabi. Natahimik ako saglit, masyado akong nagulat at maski ang makaramdam ng kahit anong emosyon ay hindi ko magawa.
“Ivan---” tawag ni Jepoy dito.
“No Jepoy, di ko kayang maglihim kay Kuya Marcus.” sabi ni Ivan. Tumahimik ulit ang paligid, ngayon di lang ang mabibigat na paghinga ni Ivan ang aking naririnig, naririnig ko narin ang mabilis na paghinga ni Jepoy, tila ba hindi siya sang ayon sa mga nangyayari.
“What's holding you back?” tanong ko kay Ivan.
“You.” pabulong na sagot ni Ivan.
“Don't worry about me. Kung dyan kayo masaya at kung mahal niyo talaga ang isa't isa ay wala na akong magagawa doon...” bulalas ko sabay bigay ng isang matipid na ngiti, inabot ko ang aking kamay para hawakan ni Ivan, di naman ako nito pinahiya at inabot niya at hinawakan ang aking kamay.
“Besides, I think it's about time for you to engage in a relationship, weird lang kasi I've been with you for many years now at ngayon ko lang nalaman ang preference mo, I always thought that you were straight.” pahayag ko, narinig kong suminghap si Ivan.
Tahimik ulit. Ngayon, unti unti nang tumatatak sakin ang nangyayari, unti unti ko naring nararamdaman ang kirot.
“Well, if that's all paki tawag na Ivan si Zeny para makabalik na ako sa aking opisina.” pakiusap ko kay Ivan, agad kong narinig ang pagurong ng upuan at ang paglalakad ni Ivan.
“Zeny, ok na daw bumalik sa office si Sir Marcus.”
Bago pa man bumalik si Zeny at akayin ako pabalik sa aking opisina ay may ilang minuto rin kaming natahimik, nagpapakiramdaman.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang pumasok na si Zeny sa loob ng Conference Room.
Itutuloy...
__________________________________
Breaking Boundaries 12
by: Migs
Welcome back MArk Ryan! :-)
ReplyDeleteSana mag-comment na ulit yung mga dating madalas magcomment sa mga stories ko at pati narin yung ibang silent readers sana hindi na kayo maging silent. hehe! :-)
111 na ang followers ko! booyeah! thanks!
ang sakit nun sa part ni Marcus... matapos ang lahat ay ng pinagdaan niya ay hindi pa rin nya maipaglaban ang pagmamahal kay Jepoy... Pero sa tingin ko ay isa lang itong palabas nina Jepoy at Ivan para malaman talaga kung hanggan saan kayang tikisin ni Marcus ang kanyang nararamdaman...
ReplyDeleteSaimy
Again: Oh my God?
ReplyDeleteThis is a joke right?
-Glitterati
parang nag iba ang story. hmmmm
ReplyDeletetaga_cebu
Ang kapal naman nila Ivan and Jepoy. Specially the latter. Didn't he have any decency na pumili ng iba knowing what happened? Grr..
ReplyDelete-icy-
next chapter please
ReplyDelete-nephilim
ok di na ako silent reader ngayon kuya migs..hahaha...im sure pinagseselos lang nila c marcus...para marealize ni marcus na mahal nya pa rin talaga c jepoy...at c ivan may gusto na sya kay marcus kaya nya ginagawa ung pagsasakripisyo..ginagawa nya un d lang dahil malaki natulong sa knya ni marcus kundi mahal nya na ito..hahaha....
ReplyDeletenice one kuya migs..chasing pavements naman pls..
-ram
...it is true n on goind n ang relationship nila ivan & japoy
ReplyDelete...ang bilis naman ata nun
...anu love at first sight din
...another sad moments nanaman ito k maki
...grabe i can't imagine this
thanks migs....
hurting maki is i think the least thing that ivan will ever do! ivan will do anything for the sake of maki as we have read it on the past chapters. ivan's actually willing to give himself to maki para hindi na ito masaktan pa-ganuon nya kamahal at pinoprotektahan si maki. kaya sa tingin ko, palabas lang itong lahat. i think jepoy and ivan are plotting something to make maki get loose of what's he's true feelings are-for jepoy. kahit siguro masakit ito para kay ivan, ginagawa nyo ito for maki's sake. ivan knew how much maki loves jepoy(sa kadahilanang nai-kwento na ni maki kay ivan ang lahat lahat kay ivan between him and jepoy)...at dahil hindi pa napapatawad ni maki ang kanyang sarili sa nangyari before the accident, maki's still holding to what he promised to jana na lalayuan nya si jepoy! sa tingin ko ito lang ang paran para muling buksan ni maki ang kanyang puso para kay jepoy at para magbigay daan para mapatawad na din nya ang kanyang sarili at si jepoy...sana nga!
ReplyDeletemigs, oo nga sang-ayon ako kay ram...chasing pavements naman :) sana bukas or mamaya yung update mo duon :D hehe
-tristfire
so sad. But i think jepoy and ivan planned this charade. For them to know how long could maki hide his feelings. And for jepoy to win him back. And for ivan's love of maki, he's willing to sacrifice everything for him.
ReplyDeleteBtw, makakakita pa ba c maki? Sana... Hmmm i sense Ivan would face an accident and he's going to donate his cornea to maki. Hihihi sori po author prediction ko lang po. Sana di maprempt ang story. Sencia na po.
If the two are just pretending which I'm really sure of. Grabe naman, pinaglalaruan lang nila si Maki. Especially Jepoy, I mean, with everything that happened before, he just had to put another nail in Maki's coffin.
ReplyDelete-Glitterati
akin ka na lang maki. hindi ka na iiyak sa akin. i might be a lousy lover but i am a great friend. - Ponsy
ReplyDeleteParang may mali... ginagawa lang ba ito ni Ivan para maipaghiganti si Marcus? hmmmm
ReplyDeleteKelan ang next chapter? Grabe parang teleserye lang, inaabangan ang susunod na kabanata!
ReplyDeletesa tigin ko siguro gawa gawa lang o palabas lang to ni ivan at jepoy para malaman siguro kung mahal pa ba ni maki si jepoy hanggang sa tumatagal napamahal na din siguro si ivan kay jepoy.
ReplyDelete- next chapter please
Mike
ang masasabi ko lang kuya migs... NO COMMEBT
ReplyDelete>>Down_d'Line
Hi Migs, thank you sa warm welcome, kahit di mo sabihin, alam ko na miss mo ko, este yong mga comments ko pala hehe...
ReplyDeleteEto lang masasabi ko sa chapter na to...
It doesn't matter whether it is real or just an act between Ivan and Jepoy. What's important is the learning process for Maki. He must let go of the past. His promise to Jana na iiwasan na nya si Jepoy kahit mahal nya ito. Kailangan nyang matutunan na ipaglaban kung ano man ang kanyang nararamdaman. If this is just a test that ivan and Jepoy created for Maki, then let's see what will happens then... kung hanggang saan makakatagal si Maki na itago ang totoong nararamdaman nya, whether it's for Ivan or for Jepoy... If this is for real between Ivan and Jepoy, then let's wait if Maki will fight for his love... or just give in like what he did for Jana... remember, Jana and Ivan are almost the same good friends of Maki... Honestly, I want to see Maki learns to fight for what he really feels... after all... this is about Breaking Boundaries!
somethings wrong........yeah something is really wrong...no they it cant be, ivan has something for maki...thats wat i believe and wat the f$ck...no it cant be happening......ahhhhhh
ReplyDeletenasty bi
naiyak naman ako sa nabasa ko dito... oh kawawang marcus.. pero may something fishy kay ivan at jepoy...
ReplyDeleteOMG I CANT STAND IN THAT KIND OF SITUATION... MASYADONG MASAKIT TALAGA... IM SO PITY TO MAKI OF WHAT HE DISCOVERED... D KO KAYA TALAGA... I CAN SENSE THAT MAKI IS TOTALLY HURT.... AND UNTIL NOW... I THINK THAT MAKI STILL LOVES JEPOY... SO SAD TALAGA,,,
ReplyDeleteRAMY FROM QATAR
ummmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm....parang may mali dito..dapt natin tingnan ang ibang anggulo talga..
ReplyDeleteis ivan experimenting something here, sa emotions ni maki?...
ReplyDeletehmmmm... parang iba lng hehehehe...
-mars
Have a great day Migs...maganda ang story...kaya lang matgal ang update...hehehe...sana wag naman patagalin kz minsan d ko na maintindihan ang plot kz nalilimutan ko na what happened to previous chapter...thanks...
ReplyDelete...gosh! ang lupet ng tadhana kay maki ..... :-( naiyak ako ang bigat sa dibdib nito....
ReplyDeletexoxo, A