Chasing Pavements 4[11]
Nakakapanlumong sakit ng ulo ang pare parehong gumising samin nung umagang iyon, halos sabay sabay kaming nagising dahil sa ikalimampung beses na atang pagkakahulog ni Dave sa aking kama kung saan nagsisiksikan sila ni Fhey at Pat. Nung una ay sabay sabay kaming tumawa ng malakas pero di naglaon ay sabay sabay din kaming napahawak sa aming mga ulo.
“Oh shit!” bulong ko.
“ASPIRIN! I need Aspirin!” sigaw ni Edward, habang si Pat naman ay nakatitig lang sa sulok ng aking kwarto at si Fhey ay walang tigil sa pagsasalita tungkol sa hindi na paginom ulit si Dave naman ay parang balyenang tinanggal sa tubig, gumugulong gulong at hawak hawak ang kaniyang dalawang ulo. Yes, dalawang ulo.
“Dave, please stop rolling or whatever it is you're doing, you're going to demolish the whole house if you keep that up. Fhey, sa susunod na sumumpa ka sa mga bathala na titigil ka na sa paginom, siguraduhin mong hindi ikaw ang may dala ng alak. Edward, please stop shouting, nasa medicine cabinet yung mga aspirin, ikaw ang lalapit sa kanila, hindi mo sila kailangang tawagin dahil hindi yun pupunta dito. Pat, ilabas mo lang yan.” sabi ko sa mga ito, katulad nang ibang araw na nagising kami na may hang over.
“Migs, can you please cook omelette for breakfast?” tanong ni Dave habang hawak parin ang kaniyang mga ulo pero tumigil na ito sa kakagulong.
“O Shit! I'm gonna puke!” sigaw ni Fhey sabay tayo at takbo papuntang banyo.
“Fhey, dahan dahan lang, andyan si Edward----”
“PUT**GINA, FHEY! Amababoy mo!” sigaw ni Edward na umalingawngaw sa buong bahay.
“---kumukuha ng aspirin.” pagtatapos ko sa hindi naituloy na sasabihin nung sumigaw si Edward bigla.
“Migs?” tawag ni Pat.
“Yes Pat?”
“Can I hold you?” tanong nito, nagulat ako sa request nito, tinignan ko si Dave na nagtataka din sa kinikilos ni Pat, nakita ko itong nagkibit balikat tapos humiga sa kama at dun naman nagpagulong gulong.
“Sure, Pat. Are you OK? May prob---” di ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla ako nitong yakapin at ilang sandali ay umutot ng malakas.
“YUCK, PAT!!!” sigaw ko.
“Hahaha! Sabi mo kasi ilabas ko eh!” sigaw nito sabay labas ng kwarto at isinara ang pinto para di kami makalabas ni Dave at para malason kami sa bantot ng utot niya.
“Amabaho, Pat! Ilang daang taon mo na ba yun iniimbak!” sigaw naman ni Dave na katulad ko ay hinihila ang pinto pabukas. Nagulat kami ni Dave nang biglang bitawan ni Pat ang door knob sa kabilang panig ng pinto at pareho kaming napahiga sa sahig. Ng magkapatong. Ng nakapatong siya sakin. Ng di ako makahinga sa laking tao ni Dave. Habang buhay na buhay parin ang isa pang ulo ni Dave.
“WAAAAHHHHH! RAAAAAAPPE!” sigaw ko, itinulak ko si Dave sa kaniyang pagkakadagan sakin pero mukhang nage-enjoy ito.
“Di ka ba nage-enjoy, Migs?” tanong ni Dave sabay pout.
“Oh my gawd! Did I just saw you pout?!” sigaw ko dito nang makatayo na ulit ako, tumango si Dave habang humahagikgik sa sahig at muling gumulong gulong.
“Please stop that Dave and please don't you ever pout again! Mukha kang sea lion!” sigaw ko dito, bigla itong tumayo at hinabol ako pababa ng hagdan.
“Yup, swerte ako sa mga kaibigan ko.” sabi ko sa sarili ko habang lumulundag lundag sa aming sofa para di ako maabutan ni Dave.
0000ooo0000
Sa loob ng tatlong araw ay nakapatay ang cellphone ko, nakakatawag naman sa landline ang kung sino man ang gustong tumawag, may caller ID din para maiwasan ko ang tawag ni JP, di ako umaalis ng bahay kaya naman kung nagkataong may emergency ay madali nila akong maco-contact.
Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang maglinis ng bahay, literal na kumikinang ang buong bahay sa tuwing matatapos akong maglinis, ginawa ko itong distraction dahil di naman sa lahat ng oras makakasama ko ang aking mga kaibigan. Tuwing umaga laging nagiiwan ng agahan si Edward at kahit ayaw kong bumangon ng kama dahil sa kakulangan ng tulog o dahil hindi parin ako makatulog ng maayos ay kailangan pa ako nitong hilahin patayo ng kama.
Kasalukuyan akong naglilinis ng garahe nang sumulpot bigla sa aking likod si Fhey at sinampal ako nito ng sobrang lakas na kailangan kong sumandal sa kotse para lang mapanatili ko ang sarili ko na nakatayo.
“What the fuck---?!” pero hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko kay Fhey ay sinampal nanaman ako nito.
“You're fucking house is already glittering, Migs! ”
“I'm just trying to distra---” di ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang sampalin ulit ako ni Fhey.
“OKAY! SERIOUSLY! STOP HITTING ME!” sigaw ko dito at nang makita kong nagtaas nanaman ito ng kamay ay pinigilan ko na itong sumayad pa sa namamaga ko na atang pisngi.
“I will stop hitting you when you stop this fucking 'I PITY THYSELF PARTY!' na pinangungunahan mo!” natahimik ako sa sinagot nito. Nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.
“Look at you, Migs! Mas malaki na sa mukha mo yang putanginang eye bags dyan sa mga mata mo! Di mo maayos ang sarili mo, inaabala mo ang sarili mo sa paglilinis, though productive ay di naman nakakabuti sayo! Di sa lahat ng oras nandito kami, Migs! Snap out of this fucking depression and face your problems like a man! Dammit! Di mo ba alam na nahihirapan kaming makita ka ng ganiyan?!”
Wala akong maisagot kay Fhey, di ko kasi alam na masyado na pala akong lumulubog sa dagat ng deresyon, laking pasalamat ko kay Fhey at ipinamukha niya sakin ito, Oo, misnan may pagka slow si Fhey, minsan may pagka ganid at minsan ay gusto nitong pumatay ng baklang may gwapo na boyfriend dahil sa inggit pero si Fhey lang din ang tanging tao na kilala ko na may lakas ng loob na ipamukha sakin ang mga kamalian ko.
“I don't know what to do, Fhey. It hurts.” nahihiya kong bulong habang pinipigilan ang sarili ko na mapaluha, nakita kong lumambot ang expresyon ng mukha ni Fhey at lumuhod ito sa aking tapat at niyakap ako ng mahigpit.
0000ooo0000
Dalawang araw matapos mamaga ang aking mukha sa loob ng ilang oras ay akala ko lumusob na ang mga abu sayaff sa Cavite nang makita ko kung sino ang nasa pinto. Si kuya Ron, nakabalot ng kung anong scarf ang buong ulo nito, mga mata lang nito ang hindi naco-cover-an ng scarf kung saan may shades na nakaharang kung saan sana andun ang butas para sa mga mata niya.
Ilang araw na ng mapagtanto kong tama si Fhey, di na nga healthy ang aking ginagawa kaya naman sinubukan kong maging maayos ang lahat, nagisip ako ng mga bagay na makakakuha ng aking atensyon maliban ang sa umiyak at maglinas ng bahay at hindi nagtagal, nasa unahan ko na ang isa sa mga kasagutan sa aking problema.
“Why are you dressed like that?” tanong ko dito habang may hawak hawak paring walis tambo at pandakot at may nakasabit pang apron sa aking katawan.
“Inday, asan ang amo mo?” sarkastiko nitong tanong.
“Gagu! Pasok ka.” aya ko dito, nanag makapasok ito ay tinanggal na nito ang balabal at shades niya.
“Baka makilala ako ng---”
“---ng buong populasyon ng mga lalaki sa probinsya ng Kabite, straight, bisexual at bakla na naka-sex mo.” pagtatapos ko sa sasabihin nito.
“Sobra! Ng buong village lang!” balik nito sakin na ikina-iling ko naman.
“Bakit ka nga andito?” naiirita kong tanong dito.
“Gago ka! Nakalimutan mo na ang birthday ko?!” sigaw nito sabay simangot at nangingilid ang luha.
“Always the drama queen.” sarkastiko kong bati dito, kunwari ay pinahiran nito ang kaniyang nangingilid palang naman na luha at humarap sakin.
“Maligo ka. Alis tayo.” agad akong napatingin dito.
0000ooo0000
“NO! NO! NO!” sigaw ko sa tindahan na puno ng tao habang sapo sapo ang aking ulo dahil sumakit nanaman ito dahil sa aking ginagawang eksena.
“Well you have no other choice.” sabi ni kuya Ron sabay tulak sakin papuntang fitting room at ibinato sakin ang costume na talaga namang ikaguguho ng buong mundo, pero kahit na ganoon ay sinukat ko parin ito, curious din kasi akong malaman kung ano ang itsura ko na ganung ang suot. Nang maisuot ko na ang costume ay lumabas na ako ng fitting room.
“Remind me why I'm doing this again?” tanong ko kay kuya Ron na nagliwanag namana ng mukha nang makita akong suot suot ang jack sparrow (Pirates of the Caribbean- Johnny Depp) na costume.
“Because it's my birthday and I'm having a costume party.” sabi ni kuya ron habang kinikilatis ang itsura ko.
“Teh, may pang eye liner ka ba dyan?” tanong ni kuya Ron sa sales lady na ikinagulat naman nito. Di ko alam kung bakit naman merong eyeliner si ateng sales lady sa kaniyang bulsa pero di na ito ikinataka ni kuya Ron kaya nagkibit balikat lang ako. Maya maya pa ay naramdaman kong nilalagyan ako ng kung ano ni kuya Ron sa aking magkabilang mata.
“Di ko bet. Ateh oh, eyeliner mo.”
“Di nga po bagay, Sir, nagmukhang transvestite ang dapat sana ay pirata.” sabi ng sales lady na ikinahagikgik naman ni kuya Ron.
“Thank's for the input, ate.” bulyaw ko sa sales lady na ikinahagalpak na ng tawa ni kuya Ron. Pumasok ako muli sa fitting room at hinubad na ang costume.
0000ooo0000
“AWWWW! Ang Hawt!” sigaw ni kuya Ron nang i-try ko ang pangalawang costume.
“I don't look like an elf, kuya! Mukha akong smurf! Kulang nalang kulay blue na balat!” sigaw ko nang bumalik ang sales lady ay nakita ko itong ngumiti.
“Tse! Elf din naman ang mga smurf ah!” sigaw ni kuya Ron.
“nuh-uh! Gnomes sila!” balik ko dito.
“Whatever! Bagay sayo yan, syempre wala ka sa kalingkingan ni Legolas (Orlando Bloom- Lord of the Rings) pero hawt parin, bagay pala sayo ang blonde at ang semi fit na leather tights! I love it!” sigaw ni kuya Ron, bumalik na ako sa fitting room dahil nakakakuha na ako ng atensyon sa ibang mamimili dahil narin sa paglulumandi ni kuya Ron at ng mahaderang sales lady.
0000ooo0000
Puno na ang condo unit ni kuya Ron nang dumating ako doon, napaka daming tao at lahat kami ay naka costume, nakakaaliw kaming tignan kasi para kaming mga tanga sa aming mga suot pero ikinibit balikat ko nalang yun. Ang pakay ko ay magsaya para tuluyan ng makalimot at yun na yun ang gagawin ko.
Nakatanggap ako ng ilang ngiti at nakakamanyak na tingin mula sa iba't ibang gender na nandun, di naman karamihan, siguro mga dalawang babae at dalawang lalaki palang ang nagpapakita sakin ng interes at hindi iyon nakaligtas sa mapanuri at mapanginsultong tingin ni kuya Ron. Sa puntong iyon ay nakakarami na kami ng nainom ni kuya Ron at medyo wild nadin ang crowd kaya naman wala nang pakielam ang karamihan ng halikan ako sa labi ni kuya Ron, kumpleto, kasama ang dila. Humahagikgik ko itong tinulak.
“Sabi ko naman sayo tama lang ang costume na yan sayo eh. Kundi lang kita pinsan---”
“OK! Lets not go there---”
“What?! I'm not hot enough for you, baby cousin?!” taas babang kilay na sabi sakin ni kuya Ron.
“EEEEWWW---” pero agad ding naputol ang aking pandidiri nang makitang pumasok sa pinto si JP at Donna.
“Goodie! Your boyfriend is here! Hell! Who's that bitch na nakaangkla kay Papa JP?!” sabi ni kuya Ron at nagsimula na itong lumapit kila JP hindi na inintay ang aking sagot sa kaniyang tanong.
Nun ko lang na-realize na sobrang tanga ko at di ko agad sinabi kay kuya Ron ang nangyayari samin ni JP nitong mga nakaraang linggo. Agad akong nagtago sa may kusina, nakihalo sa ilang mga beki na naguusap usap pero pinakiramdaman ko parin kung saan nakapuwesto sila JP, huli kong nakitang nakikipagusap si JP, Donna at kuya Ron, may bakas ng pagtataka sa mukha ng aking pinsan habang nililingon nito ang puwestong pinagiwanan niya sakin.
Mabilis akong tumakas papunta sa kwarto ni kuya Ron, hindi ko napansin na nakita pala ako ni JP. Bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilan ito ni JP at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto na siya namang ikinagulat ko.
“What the fuck, Migs?! What the hell is wrong with you?! Di ka na lang bigla magpaparamdam, you're not answering my texts and calls, bigla ka na lang nawala! Tapos ngayon makikita kita na kala mo ka kriminal na hinahabol ng mga pulis na gustong pumatay sayo! What the fuck, Migs?!” sigaw nito, halatang naguguluhan sa mga ikinikilos ko. tumalikod ako dito, di ko ito magawang tignan.
“Siguro dahil ayaw na kitang makita.” pabulong kong sagot dito, narinig kong tumawa si JP, hinarap ko ito, nang makita nitong seryoso ang aking mukha ay tumigil ito sa pagtawa. Natahimik saglit at inisip na hindi biro ang sinabi ko.
“What?! You can't be serious, Migs! Ganun na lang yun?! Ano ako sayo, laruan?!” sigaw nito, hindi na nito napigilan ang sarili na itulak ako, sa galit, frustration o dahil sa nagdilim na ang paningin nito? Hindi ko na alam. Dahil abala ako sa pagbagsak sa sahig, tumama ang mukha ko sa night stand ni kuya Ron. Ini-upo ko ang sarili ko kahit nahihilo pa ako, sinubukan akong itayo ni JP nakita ko ang pagsisisi sa mukha nito pero hindi ko na iyon pinansin.
I instantly became sober.
“Don't touch me—- just don't---” nanghihina kong sabi dito at lumabas na ako ng kwartong iyon.
Itutuloy...
________________________________
Chasing Pavements 4[11]
by: Migs
the most awaited confrontation scene...be strong Migs...!
ReplyDeletekuya migs! update na po! kasi confrontation na po eh! KAYA MO YAN!!! LOVE U TALAGA!
ReplyDelete/vince24
Hayyy bitin na bitin ako...... Nakaka tuwa yong umpisa ng chapter na to... then seryoso, then suddenly itutuloy na... matutuloy kaya confrontation sa next chapter? Super ganda ng transition... it's like you have this big smile in your face and slowly fades towards the end of this chapter...
ReplyDeletei was laughing and all about what's going on and kuya ron's birthday even though Migs is suffering a lot but at least he's recovering! then suddenly boom...gosh, very tormenting! dinurog na nga ni JP yung puso ni Migs tapos sasaktan pa nito-intentionally or not! damn, i was really rooting for JP before...but now, to hell with him! he's a cheater and a liar, people like this doesn't deserve second chances! people who cheat doesn't deserve a second chance!!! hindi excuse ang libog...don't commit when you're not ready-mananakit ka lang ng tao!
ReplyDeletei feel for you migs, i'll pray that you can get through all of this and by this, i hope that you can be more resilient and become more a strong person! God is good Migs...just pray to him and he'll hear you ;)
eto na yun eh, moment of truth ba, kaso bigalng ITUTULOY... nyay bitin!!! but anyways kuya migs, i admire all your friends answerte mo:)) basta Go lang..tuloy lang tayo sa paglakbay! we <3 U
ReplyDelete>>Down_d'Line
next na......
ReplyDeletetaga_cebu
sa CP2 i wished that si jp na lang instead of alex... then nadagdagan yun nung early part ng CP4. sweet din naman si jp.
ReplyDeletepero ngayon, siguro hindi lang inis ang feeling ko sa kanya.
migs, you have to END this with finality. say all that you need to say to jp. mean what you say. be rational even if you are emotional. ilabas mo na lahat. let it all out na.
do not evade this issue or this will drag on and on and on... and you find yourself in a quagmire.
love yourself migs. face this head on so you can move on. tama na yung nasaktan ka. tapusin na ang sakit.
burahin mo na si jp sa buhay mo.
regards,
R3b3l^+ion
hahay...
ReplyDeletesometimes nakakainis din ang pagiging makakalimutin mo sa mga important details migs.. ehhehehe... sana sinabi mo na agad kay kuya ron..
anyway, im waiting for the next chapter... sana masabi mo na kay jp what happen.
@#!$ May gana pa xang magtanong...
btw, kelan lng ang event nto sa buhay mo, this yr lang?...
-mars
bakit bigla na lang sumusulpot si jp? tapos kasama pa si donna.
ReplyDeletenext chapter na kuya migs. gusto ko malaman kung anu na mapaguusapan nyo ni jp.
-Ike
T_T
ReplyDeletebreaking boundaries nmn
ReplyDeleteexciting...
ReplyDelete-nephilim
oh no! can't wait. wew!
ReplyDeleteouch!!!
ReplyDeletesuntukin mo gagong jp na yan siya pa daw ang ginawang laruan... fu***k... ka Jp....
ReplyDeleteI dont know if i have to call u kuya or what...just want to let u know that im a big fan of yours...ramdam ko ang lahat ng sakit ng pinagdaanan mo, ang kilig pati ang saya...kudos to u...hope to meet u someday para makapagpaautograph...seryoso ako dun ha...
ReplyDeleteArex
...anu b yan c jp pata ang galit k migs
ReplyDeleteBago lang yung kwento.. Kelangan ko maghintay.. At nagsisimula na ako masaktsan.. Titiisin ko muna ang hindi pagbabasa.. Hintayin lang kita matapos..
ReplyDeleteI'm always by your side..
-lonely and blue
I cant wait to see what will happen next...ung autograph ko po ha...
ReplyDeletePapa arex