Chasing Pavements 4[9]
Narinig kong bumukas at sumara ang front door ng bahay namin sa pangatlong pagkakataon. Narinig ko ang paguusap ng apat sa pinakamalapit kong mga kaibigan. Pilit nilang inaalam sa pamamagitan ni Edward ang nangyari, alam kong naiinis na si Edward sa pagtatanong ng tatlo. Alam ko ring si Pat ang huling dumating at alam ko rin na tulad ng iba ay nagaalala ito.
“I told you, I found him right there in the front door, crying, he wont talk to me or to JP.” naiirita ng sagot ni Edward dahil marahil ilang beses na niya ito inulit ulit.
“Anong sabi ni JP kung bakit nagkakaganito si Migs?”
“He seems clueless himself. Sabi ni JP tatlong araw ng hindi nagpaparamdam si Migs. Di nagtetext, di tumatawag. I climbed through the window to look around the house. Nakita kong asa kama ang phone ni Migs pati narin yung laptop na naka standby. Madilim, alam nating hindi naktatagal si Migs sa dilim and then ayun nung nakita ko siya dun sa front door nagsisimula na yung panic attacks niya dahil sa claustrophobia. Dave ano bang nangyari nung isang araw?” tanong ni Edward.
Sumandal ulit ako sa headboard, idinikit ang aking mga tuhod sa aking dibdib at daretsong tumingin sa pinto ng aking kwarto. Isa isang nagsulputan ang aking mga kaibigan, kitang kita sa mga mukha nila ang pagaalala. Agad na umupo si Dave sa aking tabi at pinisil ang aking balikat.
“Migs, I think it's time to tell them.” bulong nito sakin, tumango ako. Umupo si Fhey sa aking kabilang tabi, si Edward ay nakatayo sa may pinto at nakatiklop ang mga kamay sa kaniyang dibdib at si Pat ay nakaupos sa aking study area. Ngumiti ako o sabihin na nating pinilit kong ngumiti.
“Nice to see you again guys!” masaya kong bati sa mga ito, pilit na itinatago ang sakit na aking nararamdaman sa aking boses.
“Cut the crap, Migs.” mahinang sabi ni Pat sabay iling. Nagbuntong hininga ako.
0000ooo0000
Tahimik lang ang buong kwarto pagkatapos na pagkatapos kong ikuwento ang mga nangyari, alam na ni Dave ang iba sa kwento kaya't hindi na ito nagreact, si Fhey naman at nakatitig lang sa sahig, si Pat ay iilingiling at si Edward ay iniintay akong tumingin sa kaniya. Kita ko ang galit sa mga mata nito at nakasarado na ang palad nito na miya mo manununtok. Binigyan ko ito ng matipid na ngiti at nagkibit balikat, senyas na wala na akong magagawa pa sa ginawa ni JP sakin, lalong nagalit si Edward sa ginawa kong iyon at marahas nitong sinuntok ang pinto, nagulat si Pat at agad na tumayo sa kinauupuan nito, tumalikod si Edward at nagmamadaling bumaba ng hagdan, sinundan ito ni Pat.
“Sundan ko lang ang dalawang yun, baka magkagulo pa pag nagkataon.” mahinang sabi ni Fhey at sumunod na sa dalawa. Tinignan ko si Dave, nakatingin ito sakin, nginitian ko ito.
“Gawd I hate drama!” sabi ko dito, lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.
“Deal with it. Madrama talaga ang dalawang yun maski noon pa.” pabulong na sabi ni Dave at napatawa kami pareho.
“I'm sorry.”
“Para saan?” tanong ko dito.
“Kung hindi kita pinilit na pumunta sa dorm ni JP, di sana nagkaganito.”
“OK lang yun, malalaman ko din naman yun eh, sooner or later.” tumango naman sa sinabi kong ito si Dave.
“Pero sana hindi sa ganun paraan.” di na ako nakasagot pa sa sinabi nito, niyakap ko na lang ito ng mahigpit.
0000ooo0000
Medyo may katagalan bago bumalik sila Fhey, nagaalala ako kasi baka sinugod ng mga kaibigan kong iyon si JP, hindi malayong magawa nila iyon. Nagkukuwento lang sakin si Dave, kung ano lang ang lumabas sa bibig nito ay wala akong reklamo, alam kong ginagawa niya ito para sakin, minsan tumatawa ako at sumasagot sa tuwing kinakailangan nito ng tawa o kaya ng pagsagot pero ang totoo ay wala akong pakielam sa kinukuwento nito. Isa iyon sa aking katangian, magaling akong maglagay ng maskara, pwede akong magmukhang masaya o malungkot kahit pa kabaligtaran ng mga iyon ang nararamdaman ko.
Nagulat kami ng sumulpot ang tatlo sa pintuan ng aking kwarto, nakangiti ang mga ito at may dalang mga plastic kung saan may naaaninag akong bote ng alak at mga tsitsirya. Napatawa ako, di talaga ako bibiguin ng mga kaibigan ko at sobra ko itong ipinagpapasalamat. Siguro kahit paulit ulit pa akong saktan ni JP, OK lang basta andito sa tabi ko ang apat na ito.
“Bubugbugin sana namin si JP, kaso di namin alam ang bahay nila.” sabi ni Edward sabay kibit balikat. Sabaysabay silang tumingin sakin, nagiintay kung anong reaksyon ko sa sinabing iyon ni Edward, sa totoo lang naiinis ako at sumasama parin si JP sa usapan kahit anong iwas ko dito pero may bagay sa sinabi ni Edward na nakakatawa para sakin. Di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na lang, sumunod naman ang apat. Sa tingin ko, di naman talaga nila naiintindihan kung bakit ako tumatawa, siguro tumatawa na lang sila dahil ginagawa ko ito.
0000ooo0000
““WHAT?!”” sabay sabay naming sabi sa mungkahi ni Edward.
“We're going to play, Bullshit.” ulit nito, napailing ako.
Alam kong parepareho naming natatandaan ang larong ito, di lang kami makapaniwala na kahit ngayong nasa early twenties na kami ay maglalaro parin kami nito. Napanood namin ito sa pelikula ni Matthew mc Counahey, nakalimutan ko na yung title, ganito lang ang mechanics ng laro. Ibabalasa ang baraha at idi-distribute ng patas sa bawat manlalaro. Isa-isang magsasalita ang manlalaro at magsasabi ng isang uri ng baraha na nasa kaniya, pwede siyang magsinungaling at pwede ring magsabi ng totoo, ang iba naman ay huhulaan kung nagsasabi siya ng totoo o hindi at kapag nahulaan nilang hindi ito nagsasabi ng totoo dapat siyang magsabi ng bullshit ngayon, kung ngkataong nagsasabi siya ng totoo at sinabihan mo siya ng bullshit, bawat manlalaro ay magbibigay sayo ng baraha, kapag natapos na ang laro at mayisa na sa mga manlalaro ang nakaubos ng baraha, magbibilangan ang iba at ang may pinakamaraming barahang natira ay siya ang talo. Siyempre, hindi mawawala sa larong ito ang alak at ang pera pang taya.
“Joker, spades.” sabi ni Dave na sa kasalukuyan ay may pinakamaraming baraha. Sa aming lima, si Dave ang pinakatransparent, makikitaan mo ito ng signs and symptoms ng pagsisinungaling at kadalasan siya ang kulelat sa larong ito, noong elementary kami ay natalo ito ng 400 pesos sakin, ako kasi ang kabaligtaran ni Dave, magaling akong magtago ng emosyon at magaling din akong magsinungaling. Sa sampung kasinungalingan na sinabi ko walo don ang makakalusot at ang natitirang dalawa ay nabibisto ni Edward. Si Edward lang ang nakakabasa sa akin ng husto.
“Bullshit!” sigaw ko, agad namang umirap si Dave at naghiyawan naman si Edward, Pat at Fhey. Wala na akong natitirang baraha, ako ang nanalo at si Dave ang natalo.
Inaamin ko, nawala panandalian ang aking mga problema at hinayaan ko na lang ang sarili ko na tumawa.
“Ayoko na! Lagi na lang akong talo!” sigaw ni Dave sabay lagok ng kaniyang alak.
“Don't worry Dave, I'm sure nanalo lang ako dahil heartbroken ako ngayon. Pinagbibigyan baga.” sabi ko na ikinahagalpak naman nilang lahat.
“Nakalimutan ko na yang about sa baga na yan. Ikaw lang sa buong school nung high school ang nagsasabi niyan, Migs!” sigaw ni Fhey, tuloy parin ang pagtawa nilang lahat. Ilang segundo pang tumagal ang tawanan na iyon, nang matapos ay parepareho kaming natahimik at isa isang uminom ng sari-sariling alak sa baso.
“I gave Migs a blowjob.” biglang bulalas ni Dave matapos ang may katagalang pananahimik na ikinabugha ko naman ng alak na iniinom ko, nasamid ako at nararamdaman ko ang alak na kumakapit sa bawat tissue ng lungs ko.
“BULLSHIT!” sigaw ni Pat na gulat na gulat, si Edward naman ay nakanganga habang si Fhey ay walang tigil sa pagtawa.
“I'm serious, retreat natin yun nung third year. Magkaroom kami ni Migs, tulog na tulog siya nun, di ko napigilan---”
“Oh my gawd!” sigaw ko, naaalala ko yun, nung retreat nung third year kami, hiyang hiya ako kasi akala ko nag wet dream ako sa loob ng retreat house, noon akala ko masusunog na ako sa impyerno dahil pinabayaan ko ang sarili ko na magwet dream sa loob ng 'holy ground' napailing ako ng maalala ko iyon.
“Gago ka! Alam mo bang ikinonfess ko pa yun kinabukasan sa pari doon sa retreat house! OMG! I lost my virginity nung third year pa lang ako?! Akala ko pa naman si Alex ang una ko sa lahat! Huhuhu! Pinagsamantalahan mo ako!” pabiro kong sigaw na lalong ikinahagalpak ng mga kaibigan ko.
“But wait, there's more.” sabi ni Dave, hinanda ko ang sarili ko sa susunod pang sasabihin ni Dave.
“Alam naman nating lahat ang struggles ko sa totoo kong pagkatao, di ko maintindihan kung bakit ko yun nagawa kay Migs, naisipan kong lumabas ng retreat house, medyo madilim na sa labas pero maliwanag naman ang buwan. May nakita akong lalaki na nakaupo sa isang bench sa may stations of the cross sa may garden. Tinabihan ko siya, konting kwentuhan hanggang humantong kami sa usapang sex. I gave the guy a blow job then and there.” sa sinabing iyon ni Dave ay lalo kaming humagalpak sa tawa.
“And there's more, kinabukasan, tulad ni Migs, sinubukan kong mag-confess, pagkalabas ko ng confession booth, nakita ko yung guy sa may bench ng garden. Seminaryo ang kumag!”
Muli kaming naghagalpakan sa tawa. Iiling iling akong uminom ng alak. Muling tumahimik ang paligid.
“Nakipagsex narin ako sa semenarista.” sabi ni Fhey pagkatapos ang ilang saglit na pananahimik. Napairap ako.
“Di mo parin matatalo ang ginawa ni Dave, Fhey.” sabi ni Pat, umiling si Fhey.
“But wait, there's more. I had sex with two seminarians...at the same time.”
“BULLSHIT!” sabay na sigaw ni Pat at Edward. Itinaas ni Fhey ang kaniyang baso at namumulang nilagok ito, halatang nagsasabi ng totoo at ngayon niya lang ito sinabi sa ibang tao. Muli kaming nagtawanan.
“I had my fair share of exciting sex.” simula ni Pat. Napailing ako, di na ito bago kay Pat, alam naming lahat na player si Pat maski noong high school palang kami, siya ang pinaka sikat noon sa school, may itsura, basketball star, basta, lahat nasa kaniya na, kaya wala na saming nagtaka sa sinabi nito.
“Oh, eh anong bago dun?” tanong ni Edward, umiling naman si Pat at sumangayon kaming tatlo.
“It with Marcus and Ron...at the same time.” pagtutuloy ni Pat sa kaniyang rebelasyon.
“YOU WHAT?!” sigaw ko dito, pakiramdam ko kasi nabingi ako at mali ang aking pagkakarinig.
“I slept with your brother and cousin, Migs. THREESOME baby!” ulit nito habang ipina-pump ang kaniyang bewang na kala mo kumakant--, napailing na lang ako at di parin makapaniwala na nakipag threesome si Pat kay Kuya Ron at kuya Marc.
“My turn! My turn!” sigaw ni Edward, napatawa ako, para kasi itong batang gustong gusto magpasikat.
“I had sex with no other than---” nambitin pa ang loko, ngumiti ito na kala mo nakakaloko, binato na ni Fhey si Edward ng chicharon sa mukha.
“I had sex with, Dave.” tapos ni Edward.
“BULLSHIT!” sigaw namin pareho ni Pat, umiling si edward at umirit naman si Dave, binato ng unan ni Dave si Edward na ikinatapon ng alak nito sa sahig. Di ako makapaniwala sa aking narinig.
“It's true, I was so down when Migs left, it was only me an Dave who stays home for weekend back in college, we were drinking and I guess I told Dave about me and Migs---” kwento ni Edward pero pinutol siya ni Dave.
“--- and then he said he's curious about having sex with a guy and I said I can show him.” pagtatapos ni Dave. Nanlaki ang aking mga mata, si Pat naman ay ayaw tumigil sa pagtawa at si Fhey ay umiiling pero nakangiti.
Ilang saglit uling natahimik ang aming grupo, mayamaya pa ay naramdaman kong sakin na sila lahat nakatingin. Alam kong nageexpect sila ng mala the buzz! na rebelasyon mula sakin pero pinili kong bitinin pa sila, nagsimula ng umiling si Dave, sumama na ang tingin sakin ni Edward at Pat habang si Fhey ay ngumunguya ng chicharon habang masuyo paring nakatingin sakin.
“What?!” sigaw ko sa mga ito.
“What's your ticket to hell?” tanong ni Dave, tumango naman si Edward sa tanong na iyon.
“Let's see---” sabi ko sabay kunwring nagisip.
“I had sex with a guy inside a jeepney parked on a busy street.” sabi ko sabay kibit balikat, umirit ulit si Dave, si Pat naman ay nagche-cheer, si Edward ay naibugha ang kaniyang alak na iniinom at si Fhey ay nasamid sa nilalantakang chicharon.
“But wait, there's more.” sabi ko, muling sumeryoso ang mga mukha ng mga ito.
“So after we had sex inside the jeepney, we decided to go here and do the deed four MORE times!” sabi ko na ikinalaki ng mata nila lahat.
“And I still have more... the guy I'm with that night is no other than, Al!” sigaw ko, narinig ko ulit ang pagirit ni Dave, si Pat ay patuloy lang sa pagcheer si Fhey ay umiirit nadin at si Edward ay biglang napatayo. Natahimik kaming lahat sa ginawa nito. Akala ko kukuwelyuhan ako nito at susuntukin dahil sa ginawa kong kahalayan kasama ang kapatid niya pero itiniklop lang nito ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at marahas na umupo ulit sa sahig, pulang pula na miya mo bulkan na sasabog anu mang oras.
“What's the matter, Eddie boy, jealous much?” nangiinis na tanong ni Pat sa di parin kumakalmang si Edward.
“Shut up, Pat!” sigaw nito.
“So how was Eddie boy's little brother?” tanong ni Dave, alam kong pinagpapantasyahan din ni Dave si Al dahil gwapo naman talaga ito at maganda ang katawan, tinignan ko si Edward bago sumagot, kinilatis ko ang mood nito, nagkibit balikat ako nang mapagtantong di ako nito aanuhin.
“Let's just say, he's not that little anymore.” sa sinabi kong iyon ay naghiyawan na ng tuluyan ang aking mga kaibigan na ikina-walk out na ng tuluyan ni Edward. Muling tumili si Dave.
Na-guilty naman ako sa ginawa ko at sinundan si Edward palabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay di ko mapigilang mapaisip, alam kong nasasaktan parin ako, swerte ko at may mga kaibigan ako na gagawin ang lahat para lang kahit ilang oras o ilang araw lang ay makalimutan ko ang sakit na iyon, sa halip na magpasalamat ay inabuso ko ang aking mga kaibigan at ngayon, sa harapan ko, si Edward, nakaupo sa barandilya ng terrace at nakaharap sa kalsada, tulad ko ay alam kong nasasaktan din ito.
Di ko maikakaila na mali ang nangyari sa pagitan namin ni Al, pero hindi ko na iyon dapat pang ipamukha kay Edward. Nasaktan ko siya, naging makasarili nanaman ako, inuna ko ang galit at sakit na nararamdaman ko at idinamay sa sakit na iyon ang nararamdaman ni Edward.
Sino nga bang matutuwa kung nalaman mong ang taong minahal mo o maaring minamahal mo parin ay nakikipaglaro ng apoy sa kapatid mo? Kagaguhan nga naman yun diba? At parang drugs napagtanto ko na ang nangyaring kasiyahan kanina ay kasali sa tinatawag na temporary high kahit gaano ko kagustong mag-stay dun ay hindi pwede, muli akong babagsak at ipapamukha ng mga nangyari sa pagitan namin ni JP ang sakit.
“From enjoying the temporary high, I, once again hit the rocky bottom, I feel nothing but pain and I'm dragging my friends with me.” iiling iling na sinabi ko sa aking sarili habang papalapit kay Edward.
Itutuloy...
______________________________
Chasing Pavements 4[9]
BULLSHIT!
by: Migs
Maraming Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at nagco-comment. Sa mga humihingi ng aking FB account, tulad ng sinabi ko noon, ehe, di pa ako nagbibigay ng mga ganung personal na account at di rin ako naniniwala sa mga dummy accounts kaya sensya na kung may pagka-snob ang dating.
ReplyDeleteSa mga nangungulit about sa bilis ng aking pagpo-post, alam ko, nakaka-frustrate nga namang magbasa ng paputol putol pero ganun talaga eh, konting pasensya lang ulit, kung tutuusin pwede ko na siyang i-post ng isang bagsakan ang kaso niyo, mawawala naman yung thrill AT wala na kayong babasahin kasi mauubusan na ako ng kwento. Tama? Tama,
Sa mga nangungulit at about Chasing Pavements, pasensya na din, may ilang chapters kasi na pinagde-debatihan ko kung i-po-post ko o hindi eh, problema kasi, masyadong maraming masasagasaan pag di ako nagingat sa mga nilalagay ko sa bawat chapter.
Kay Mark Ryan. syempre namiss kita! ikaw kasama nila Rebelation na mukhang nag hiatus nanaman katulad ni Sir Josh at ng ilan pang bigla na lang tumigil sa pagco-comment, gusuhin ko man kayong isa-isahin ay di ko magawa dahil madami din akong inaasikaso. (Opo, tao rin ako, may pinagkakaabalahan din. haha!)
Madaming Salamat ulit! ^_^
At least nakalimot sya ng sakit diba? pero tama nga ba ang paraan nya para makalimot?? hahaha!!! grabe!! i love it!!
ReplyDeleteMalalim...
ReplyDeleteSeryoso...
Matured...
http://media.tumblr.com/tumblr_lth1wgOBXN1qalgeg.gif <<<How I was the entire time.
ReplyDeletei love this chapter .. atleast medyo nakalimut ka ng konti kuya migs .. congrats sa mga magagandang stories na ginagawa mo :)
ReplyDeletemigs sorry na... medyo busy lang talaga and may konting problema ngayon na pinagtutunan ng pansin kaya ayan naging silent reader muna.
ReplyDeletebut that does not mean that i do not read your stories or that i do not visit your blogs. kahit sa ibang blogs di muna ako nag co-comment.
pero di ko mapigilan mag comment ngayon hahaha... nice chapter kasi,and siyempre emotional roller coaster talaga ang CP4. well, CP for that matter.
pero migs, okay lang naman lahat ng mga nangyayari sa buhay buhay. and rather much sooner than you expect, the dust will settle down. then you can see clearly.
ewan ko lang kung shonga ako ah, pero i love jp... for you... despite everything. siguro forgiving lang talaga ako. but i just want to clarify that i am NO doormat! hahaha
pero truth to tell, we always have to forgive and not burden ourselves with loads too heavy to bear. we forgive those who have wronged us, not for their sake but for ours. only when we forgive can we truly be at peace.
but this does not mean we forget. "forgetting" in the forgiveness equation only means when we remember the person and what he has done leaves no sting in our heart. this is the time that we can then move on.
so forgive jp na...and move on...
then the person who is meant to be the love of your life comes your way.
regards,
R3b3l^+ion
ALEXIS ulit
ReplyDeleteI am just shocked!I am speechless and not in a good way. My mouth was literally open after the "al-and-you-revelation" part. I mean, lahat ng mga pinagsasabi ng mga kaibigan mo was shocking pero what will happen kina ed and al? Yun ang susubaybayan ko.
Wala akong masabi!!!thanks din po sa update niyo!
chasing pavements 4[9] na dapat diba? :O
ReplyDeletesorry silhouette, nagkamali lang. :-D 9 na nga. di lang ako talaga marunong magbilang. hihi.
ReplyDeletesorry kuya migs kung di na ako madalas mag-comment XD
ReplyDeletepero sinusubaybayan ko pa talaga ang blog mo :D
nice chapter medyo light...
ReplyDelete-nephilim
wow. where is this village? bakit lahat ata bisexual? everyone in your circle is bisexual. you're both blessed and cursed, honestly..great writing though..keep it up..
ReplyDeletecharles
^I know right! I wish I had friends like that, I wish everyone is like that!
ReplyDeleteisa ako sa sumusubaybay sa blog mo, hindi lang ako ngcocomment, ngvote din aq dun sa post ni kuya mike para isali ka sa project nila na book.
ReplyDeleteSobrang hinintay q talaga ang chapter na to. At hindi na aq mkpghintay sa next chapter, gusto ko na mabasa ang mga eksena ni migs at jp. Waah! Nakakaadik to!
-Parker
Its good to be back here, dito ako unang nagbasa at nahumaling sa mga Bi Love Stories.. thanks migs...update, update kung mayaman lang ako ako na ang magpapasweldo sa'yo para daily ang post. ahaha..
ReplyDelete>>Down_d'Line
Thanks Migs! Ui, nagpaalam kaya ako sayo na matitigil pag comments ko for work reasons remember? Not unless ibang Mark Ryan sinasabihan mo? Oucchhh... assuming ako hehehe... but I'm back... as much as possible mag comments ako ng madalas... You know what? Habang wala ka pang update, binabalikan ko mga old chapters of all your stories, specially my favorite chapters of a certain stories of yours... ang sarap balikan eh.., promise! Salamat Migs!!!! Miss you too!
ReplyDeleteThrill...? Nawawala din yan kapag matagal ung update haha
ReplyDeleteagain wala ka pa ring kupas, anu susunod na gagawin mo pagkatapos ng breaking boundaries and chasing pavement 4. @dereck
ReplyDeletenice friend like that good company.
ReplyDeletethanks bc lng po.....