Monday, January 9, 2012

Taking Chances 12

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Paminsan-minsang nagkakatinginan si Chino at Chris. Nagtataka prin sila sa ikinilos ng mga magulang ni Francis at ni Jed kanina. Sinusulyapan ni Chino si Jed sa rearview mirror, hindi ito nagsasalita at hindi rin masyadong kumikilos, nakatanaw lang ito sa bintana, malalim ang iniisip, paminsan minsang napupuno ng luha ang mga mata pero maagap itong pinapahiran ni Jed bago pa man tuluyang tumulo.



Nang makarating sila sa bahay ni Chino ay agad na pumasok ng kwarto si Jed. Lumapit si Chris kay Chino. Naramdaman ni Chino ang pagbalot ng mga malalaking braso ni Chris sa kaniyang bewang.



Sa tingin mo, ano kayang nangyari?” tanong ni Chris. Umiling naman si Chino.



Di tanggap ng mga parents ni Jed ang tungkol sa sekswalidad niya. Hula ko yun ang pinagtatalunan nila kanina bago tayo pumasok.” umiiling paring sagot ni Chino.



Saglit silang natahimik.



Pero bakit magso-sorry si Jed sayo?” tanong ni Chris, agad ding napaisip si Chino. Ang totoo niyan naguguluhan parin siya sa paghingi ng tawad na iyon ni Jed at desedido siyang malaman ngayon ang sagot don.



Di ko rin alam, Chris. Mamya kakausapin ko siya.” sagot ni Chino.



Ibig sabihin ba nun kung hindi tanggap ng mga magulang ni Jed ang sekswalidad niya, ibig sabihin ba nun tanggap ni Francis ang kapatid niya saka ikaw?” tanong ulit ni Chris.



Natigilan si Chino. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala alam ni Chris ang totoo tungkol sa kanila ni Francis, nagpalusot lamang siya noon nang mahuli siya nito na hinahalikan sa labi si Francis habang nakaratay ito sa ospital. Ngayong malapit na sila sa isa't isa ay naisipan ni Chino na sabihin na kay Chris ang totoo.



Chris, I have something to tell you.” saglit na bumitiw si Chris kay Chino, agad niyang napagtantong seryoso ang kanilang paguusapan.



0000ooo0000


Matapos magkwento ni Chino nang tungkol sa totoong relasyon nila ni Francis at kung anong nangyari sa kanila nang malaman ang kasal nito kay Laura ay nakatulala lang si Chris sa kabilang bahagi ng sofa, iniintay niya kung ano ang magiging reaksyon nito pero tahimik lang ito. Pinagmamasdan niya kung pano paminsan minsang kumukunot ang noo nito na tila ba may malalim na iniisip.


Chris?” kinakabahang tanong ni Chino.


Yeah?” tanong ni Chris na miya mo ginising sa isang day dream.


Are you OK?” dumoble na ang kaba ni Chino sa punto na ito dahil muling bumalik sa pagtitig sa kawalan si Chris.


so--- uhmm--- you and Francis were lovers? And then he got engaged and you heard about it then you broke up with him?” nagaalalang tanong ni Chris, tumango naman si Chino.


Does anybody else knows about this?” tanong ulit ni Chris. Umiling si Chino bilang sagot.


Why?” tanong nanaman ni Chris.


His parents are homophobes, the kicked Jed out when they new about him and his partner, Francis is not ready to be disowned so we kept our relationship secret.” sagot ni Chino, saglit siyang tinignan ni Chris at bigla din nitong binawi ang tingin saka tumango tango.



Saglit ulit na pinagmasdan ni Chino si Chris. Bumalik ito sa pagtahimik, paminsan-minsang kumukunot ang noo at bumalik ulit sa pagiisip ng malalim. Di na natiis ni Chino at lumapit na siya sa modelo.



Why are you being quiet?” kinakabahang tanong ni Chino pero kailangan niyang malaman.


I'm just thinking, when Francis wakes up, what if he ask you to come back, what will I do? I don't want to lose you, Chino.”



Pinagmasdan maigi ni Chino si Chris, tinitignan niya kung pinagtri-tripan lamang siya nito o niloloko para pag tawanan kapag bumigay siya. Wala siyang nakita sa mukha at mga mata nito kundi sinseridad at pagkabagabag. Inalis na ni Chino ang natitirang espasyo sa pagitan ng katawan nila ni Chris at niyakap ito.



Francis is not going to ask me back, Chris. He's engaged.” bulong ni Chino dito, ibinalik ni Chris ang yakap na ibinibigay sa kaniya ni Chino.


I'm just making sure.” balik ni Chris na ikinahagikgik naman ni Chino.


Asshole!” singhal ni Chino sabay pabirong hinampas si Chris sa kaniyang braso. Tumayo na si Chino.


Where are you going?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay.


I'm going to make sure Jed is OK.” sagot ni Chino sabay irap kay Chris at umiling.


Jed. Jed. Jed. Lagi na lang si Jed.” bulong ni Chris.


You can come with me if you want.” aya ni Chino.


Nah. He's too mushy right now. I don't know how to deal with mushy people.” balik ni Chris.


Asshole!” singhal ni Chino sabay talikod at lakad papunta sa kwarto ni Jed, napahagikgik naman si Chris.



Nang makarating si Chino sa tapat ng pinto ni Jed ay marahan siyang kumatok. Saglit siyang nagintay, narinig niya ang pag-hikbi sa kabilang panig ng pinto.



Come in.” mahinang usal ni Jed sa gawi ng pinto. Saglit na nagalanagan si Chino bago buksan ang pinto.



Jed, is everything OK?” tanong ni Chino. Umiling naman si Jed bilang sagot, may isang luha ang tumulo at tumakbo sa makinis na mukha nito.



What happened?” tanong ni Chino sabay lapit kay Jed para aluhin ito. Hindi na pumalag si Jed at hinayaan na niyang yakapin siya ni Chino.



It's their fault, Chino.” umiiling na sabi ni Jed sa pagitan ng mga hikbi nito.



Fault?” paglilinaw ni Chino.



The accident, they upset Francis the night of the accident---” humihikbi paring sabi ni Jed. Nararamdman ni Chino na nahihirapan na si Jed magsalita at huminga dahil sa hindi mapigilang paghikbi kaya't di na niya ito pinilit pang magsalita at ituloy ang sasabihin. Sa katahimikan ng kwartong iyon at sa kanilang dalawa na hindi naguusap ay naalala ni Chino ang tawag ni Francis nung gabi ng aksidente.



I'll be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.”



Naisip niyang nag-away si Francis at kaniyang mga magulang, naisip niya rin na kailangan ni Francis ang kaniyang kaibigan pero sa halip na pakinggan niya ang pagmamakaawa nito ay nilamigan niya pa ang pakikitungo dito. Di maiwasan ni Chino ang magsisi.



Francis needs someone to talk to and all I did is to be immature.” umiiling na sabi ni Chino sa kaniyang sarili.



Napansin ni Chino na mataman silang tinitignan ni Chris sa may pinto ng kwarto, tuloy parin sa paghikbi si Jed, binasa niya ang reaksyon sa mukha ni Chris, may bakas ng selos sa mukha nito pero mas namumutawi ang awang nararamdaman para kay Jed.



Ilang saglit pa at umalis na si Chris sa may pinto, naramdaman ni Chino na unti-unti ng humuhupa ang paghikbi ni Jed, mahigpit parin itong nakayakap kay Chino kaya't di naman umalis ang huli sa tabi nito at hindi tinigilan ang paghagod sa likod nito. Ilang saglit pa ay bumagal at lumalim ang paghinga ni Jed, sa tingin ni Chino ay nakatulog na ito.



Nagulat si Chino nang sumulpot si Chris sa may pinto, may hawak itong dalawang tasa ng tsaa. Inalok niya ito kay Chino, tinanguan nito si Chris bilang pagpapasalamat.



How is he?” tanong ni Chris habang tinutulungan si Chino na ihiga ito sa kama. Umiling lang si Chino bilang sagot, nagsasabi na mamya sila magusap kapag nakalabas na sila ng kwarto. Naintindihan naman ito ni Chris at nang maihiga na ng maayos si Jed ay lumabas na ito ng kwarto kasama ang dalawang tasa ng tsaa.



Every thing's going to be OK.” bulong ni Chino sa natutulog nang si Jed. Saglit pa sana niyang titignan si Jed habang natutulog nang biglang sumulpot si Chris sa pinto.



How can you possibly make a hot guy like me wait?” bulong ni Chris sa may pintuan, nakangising aso ito.



Asshole!” singhal ni Chino. Napahagikgik naman si Chris.



I'm a hot asshole and you're a hot coc---”



OK that's it, you horn dog! You will sleep in the couch!” singhal ulit Chino habang marahang isinasara ang pinto ni Jed.



Humahagikgik na sinundan ni Chris si Chino sa kusina para inumin ang hinandang tsaa kanina ni Chris. Di naman nakaligtas kay Chris ang pagtahimik na iyon ni Chino na tila ba napakalalim ng iniisip nito. May pumasok nanamang katarantaduhan sa utak ni Chris.



Do you think he will be OK?” tanong ni Chris sabay lakad papuntang fridge at tumuwad sa harapan nito na tila nagahahanap ng pagkain.



I think he will be.” nagaalangang sgot ni Chino.



I think he's just acting.” nangiinsultong kumento ni Chris. Nagpintig naman ang tenga ni Chino sa sinabing iyon ni Chris.



Why, you insensitive sonovabitch!” singhal ni Chino.



Hey, you don't need to be bitchy about it, I'm just stating an observation.” balik ni Chris habang nakatuwad parin sa nakabukas na fridge, yung simpleng hindi pagharap ni Chris kay Chino ay talaga namang lalong ikinainis ng huli.



Observation?! Bitchy?! Humarap ka nga at wag kang bastos! Ngayon sabihin mo sakin kung anong maaring dahilan ni Jed para peke-en ang mga emosyon niya?!” singhal ni Chino, dahan dahan na humarap si Chris.



Saglit na binalot ng katahimikan ang buong bahay. Ilang segundo pa at humagalpak na sa tawa si Chino. Nasa harapan niya ngayon si Chris, nababalot ng tsokolate ang karaniwang pantay pantay at mapuputing ngipin nito na nagbibigay ng ilusyon na para itong walang ipin, sa magkabilang butas ng ilong nito ay may nakapasak na pulang sili.



Hindi malaman ni Chino kung saan galing ang malakas na pagtawa niyang iyon. Ang alam niya lang ay panandalian niyang nakalimutan ang mga bagay na gumugulo sa kaniyang isipan at lahat ng iyon ay dahil kay Chris.



I'm glad I took my chances with Chris.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili habang humahagalpak parin sa tawa dahil sa ginawang kalokohan ni Chris.



There's the Chino I'm in-love with.” ang siya namang sabi ng isip ni Chris habang pinapanood ang pagtawa at ngiti sa mukha ni Chino na talaga namang gustong gusto niya.


You do the stupidest things, you know that?” tanong ni Chino, napangiti si Chris.


Well if being stupid makes me see you smile like that then I might consider being stupid more often.” sabi ni Chris na tila ba proud na proud sa ginawa niya. Muling napatawa si Chino.



You'll pay for those sili and chocolates.” sabi ni Chino sa pagitan ng tawa.


I'm broke, I can't pay you. Pwede bang kiss na lang ang bayad?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay.



Asshole! That's it! You'll sleep on your own bed tomorrow.” balik ni Chino, pinipilit na maging seryoso pero hindi nakaligtas kay Chris ang pagtaas ng kaliwang bahagi ng labi nito.



Yeah right!” sabi ni Chris nang mapagtantong nagbibiro lang si Chino.



0000ooo0000



Habang nakahiga si Chino sa kaniyang kama at iniintay na kainin ng antok ay naisip niya ulit ang sinabi sa kaniya kanina ni Jed. Lalo na ang tungkol sa paninisi nito sa kaniyang mga magulang dahil sa nangyaring aksidente kay Francis. Naalala niya nung unang gabi ni Francis sa ospital pagkatapos ng operasyon ay sinabi rin ng ama ni Chino na kasalanan nila ang lahat.



This is our fault.” tandang tanda ni Chino kung gaano kalamig at puno ng pagsisisi ang mga salitang iyon na sinabi ng ama ni Chino.



Ano nga kayang ibig sabihin nun? Bakit nila sinisisi ang kanilang mga sarili? Kung hindi lang sana ako nagmatigas at nakipagusap agad kay Francis matapos sabihin sakin ni tita ang tungkol sa kasal baka hindi nangyari ang lahat ng ito, baka hindi kinailangan ni Francis ang kaibigan nung gabing iyon, baka hindi na dapat niya ako kausapin ng personal at tamang sa telepono na lang kami nagusap, baka hindi sana siya naaksidente.”



Pero alam ni Chino na walang mangyayari kung sisisihin niya ang kaniyang sarili. Ang tangi na lang niyang magagawa ay kausapin kinabukasan si Jed at alamin ang mga nangyayari, at may isang bagay pang bumabagabag kay Chino.



Bakit humihingi ng tawad si Jed sa kaniya? Anong ginawa ng mga magulang nito na kailangang ika hingi ng tawad?”



Pero lahat ng bumabagabag sa isipan ni Chino ay tila ba nalusaw nang makita niya si Chris na katatapos lang maligo. Basa pa ang buhok nito, napuno ng bango ng sabon na ginamit nito ang buong kwarto, hapit na hapit ang sando nito na galing sa tokador ni Chino pati narin ang boxer shorts.



I thought I told you that the couch is going to be your bed tonight?” naniningkit matang tanong ni Chino, pinipilit ang sarili na maging seryoso.


C'mon, Chino.” sabi ni Chris sabay ngiti na nangaakit.


Please.” bulong ni Chris, tila naman nanlambot si Chino sa pagmamakaawang iyon ni Chris. Nakita ni Chris na bahagyang tumango si Chino, agad siyang tumakbo at humiga sa kama bago pa magbago ang isip nito. Nakangiting ipinikit ni Chris ang kaniyang mata matapos siyang magsabi ng good night dito. Saglit na pinagmasdan ni Chino si Chris. Narinig niya ang marahang paghilik ni Chris, napahagikgik si Chino, alam niya kasing hindi pa talaga tulog si Chris.



It's official, I'm fucking in-love with this asshole!” bulong ni Chino sa kaniyang sarili, tumalikod na siya kay Chris, naramdaman niya ang pagbalot ng bisig nito sa kaniyang bewang.


Asshole.” singhal ni Chino, naramdaman niya ang paghagikgik ni Chris. Ilang segundo pa ay bumarap siya kay Chris, iniunan ang kaniyang ulo sa pagitang ng baba at dibdib ng modelo at nakatulog na sa ganung posisyon.


This asshole is in-love with you, Chino.” bulong ni Chris, sandali niyang ibinukas ang kaniyang mga mata at ilang segundong tinignan ang kapareha na masuyong natutulog habang nakayakap sa kaniya. Napangiti siya at miya miya pa ay nilamon narin siya ng antok.


Itutuloy...

_______________________
Taking Chances 12
by: Migs

14 comments:

  1. Ooohhhh... So let me tell you 'bout the birds and the bees, the flowers on the fields...

    Seriously, i sensed that francis chooses chino over lara and try to explain on chino, then the accident. I'm afraid when francis finally awakes and ask chino back. Whatta difficult situation for chino now he's in-love with asshole cris.

    ReplyDelete
  2. Loving the story more and more. Loving the author more and more as well. :))

    ReplyDelete
  3. hayyyyyyyyyyyyyyyy........hindi pa rin mareach out ng utak at puso ang kilig sa pagitan ni chino at chris.........eheh ganda...hmnmm sa tingin ko ang mga magulang ni francis ang may kasalanan talaga kasi baka nalaman nila ang relasyon nina chino at francis kaya pinilit nila itong magpakasal agad....uh nagguguess lang c ako :):) gooooood job po ..keep it up

    ReplyDelete
  4. awww...sweet naman nila :)) hahaha!! galing mo bro!! :P

    ReplyDelete
  5. at mukhang tama ang hinala ko hindi aware si francis about him being engaged. Pakana ito nang mga magulang ni Francis.. :)) But what will happen next when fancis woke up?

    ReplyDelete
  6. Vote

    1. Chino and Francis
    or
    2. Chino and Chris

    Vote now... hehehhehehe

    chino and chris ako...... sarap ng asaran nila

    ReplyDelete
  7. love ko na din itong story na ito.. i love reading about Chino and Chris, ang ganda na ng glow ng story.. author, huwag mo pag awayin si Chino at Chris ha.. Chino and Chris din ako..

    ReplyDelete
  8. Di na nga ako magbabasa ng comments, may spoilers!! Ang galing niyo manghula HAHA. Thanks Migs! :-)

    ReplyDelete
  9. huwow...I can sense a storm brewing in the midst of the butterfly fields...:) kung sakali man, ayaw kong mag assume, mas maganda na ung abangan ang susunod na kabanata..

    but I am so loving the flow of the story....hope to meet you Kuya Migs...cge na...please....heheh

    ReplyDelete
  10. siguro francis committed suicide.. kasi kung ipa-puzzle mo ang mga pangyayari bago ang nangyari ang aksidente, malamang yung pakikipag break ni chino sa kanya, pagpipilit ng pamilya niya na ipakasal kay laura, at marahil pinagtabuyan din siya ng kanyang pamilya na pinili niya si Chino over Laura ay siyang magiging dahilan nito mag co-commit ng suicide..

    ---

    panakip butas lang ba ni Chino si Chris?

    tama nga si chris.. what if gumising na si Francis? ano na lang?

    (may AMNESIA scenario bang magaganap?)

    ano ba talaga ang nasa likod ng katagang "don't be afraid to take chances" na parati nasaisip ni Chino? ( did Francis meant to say those words? )

    hay grabe talaga kung maka-piga ng brain ang story na ito..

    superb twist!

    aabangan ko na lang ang susunod na kabanata.. at baka masagot na ang mga katanungan ko..

    :D

    ReplyDelete
  11. damn!!! I love this story!! Kuya migs you never fail to put a smile on my face.

    Chino-Chris syempre. Wala namang ginawa si francis kundi matulog eh. Hahaha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  12. why I have this feeling that the relationship of Chino & Chris is so freaking fragile? That any moment will break and collapse... nararamdaman ko lang... Chino & Chris ako...

    ReplyDelete
  13. Una, THANKS ULIT KUYA MIGS. Xenxa ho angtagal ko bago nakapagcommment sa akda niyo po. Busy ho kasi.. Rqts for med, tapos ngaun sibling-sitter pa.hahay..habang ang kapatid at mga magulang aun lakwatsa sa ibang city...depressed tuloy at ang ginawang libangan, nilinis ang BUONG bahay..haha! Minana ko po to sa inyo. XD At least maganda outlet ko ng lungkot, productive pa ako.haha!

    Predictions? i think when everything is cleared up, di na magigising si francis... I think buhay siya kasi una hinihintay lang niya na masabi ang katotohanan ky chino at pangalawa, ang makita si chino na nasa maayos na nah kalagayan... Magiging mahirap at malungkota ng ilang susunod na chapters I guess because of the revelations pero I know it will still be a great ending. Thanks ho talaga kuya migz for sharing the story! If you have time send me an email nixonjohn21@yahoo.com. Gusto ko ho kayong makachat man lang. :))

    -->nIx

    ReplyDelete