Monday, January 23, 2012

Taking Chances 17

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Pumasok na si Chino at Charlie sa kwarto ni Francis, wala paring pinagbago ang kalagayan nito, maliban sa mga gumaling ng ilang mga sugat ay iniintay parin nila itong magising. Pinagmasdan maigi ni Charlie ang lalaking nakaratay, maputla ito na tila ba matagal na panahon nang hindi nasisikatan ng araw. Halos buto't balat nadin ito pero hindi nun naaalis ang maamong mukha na miya mo ginaya mula sa isang mukha ng anghel.



Francis? Remember Charlie? Yung sinabi ko sayo na idini-date ko? Heto siya oh.” sabi ni Chino habang inaayos ang kumot ni Francis.



Charlie this is Francis, my best friend.” pakilala ni Chino.



I-I don't understand, Chino.” umiiling na sabi ni Charlie.



Sit down and I will tell you everything.”


0000ooo0000



Matapos sabihin ni Chino ang lahat, mula sa relasyon nila ni Francis at sa paghihiwalay hanggang sa na-udlot na relasyon nila ni Chris ay iniintay na lang ni Chino ang magiging reaksyon ni Charlie, tahimik lang ito, malalim ang iniisip. Ibinalik na lang niya ang kaniyang tingin kay Francis at nagpasyang inatyin na lang ang susunod na sasabihin ni Charlie.



And there I was thinking that I know you.” umiiling na sabi ni Charlie pero nakangiti ito. Nagtaka si Chino, akala niya ay sarkastiko ito.



Why didn't you tell me?” tanong ni Charlie.



Because I want to forget all of it. I know I will tell you about Francis once I made up my mind about my feelings for you---”



What exactly are your feelings for me, Chino? If you don't mind me asking.”



Saglit na natigilan si Chino at nang mapagisipang mabuti ang kaniyang isasagot ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin ito kay Charlie.



You're a good friend, Charlie---”



But?” tanong ulit ni Charlie, alam niyang laging sumusulpot ang salitang 'but' o kaya 'pero' sa mga ganitong usapan. Tinignan ni Charlie si Chino, halata niyang nahihirapan si Chino na sabihin sa kaniya ang tunay na nararamdaman nito para sa kaniya.



But we're just going to be friends, right? Hanggang dun lang diba?” pagkukumpirma ni Charlie, nagaalanagng sumagot si Chino, ayaw niyang saktan si Charlie, alam niyang napagusapan na nila 'to noon, na wala dapat asahan kung sakaling walang patutunguhan ang kanilang sinusubukan. Pero hindi parin mapigilan ni Chino ang malungkot, ayaw niyang mawala bilang kaibigan si Charlie.



You're still in-love with Chris, aren't you?” tanong ulit ni Charlie, nagulat si Chino nang walang marinig ni katiting na hinanakit sa boses ni Charlie kaya naman wala siya sa sariling sumagot agad.



Yes.” bulong ni Chino.



Then why do you keep on pushing him away?” tanong ulit ni Charlie.



Because I'm af---” simula ni Chino pero hindi na siya pinatapos ni Charlie.



Because you're afraid that he will hurt you again? You know what, Chino? After I saw you guys biting each others head earlier in my car, di ko maiwasang maisip na walang pagkakataon na maging tayo, it's obvious that you guys still have feelings for each other and that you are meant for each other.”



I'm sorry, Charlie.” nangingilid luhang sabi ni Chino, umiling naman si Charlie at binigyan siya ng matipid na ngiti.



Di ka dapat mag-sorry, Chino, ayos na sakin yung nakilala kita at binigyan mo ako ng pagkakataon na mapalapit sayo sa loob ng limang buwan, para sakin enough na 'yon.” sabi ni Charlie, nagulat ito nang bigla na lang siyang yakapin ni Chino ng mahigpit.



You don't know how much I wished and prayed that it will be you, Charlie.” sumisinghap na sabi ni Chino habang mahigpit paring nakayakap kay Charlie.



Sometimes we just have to stick with the one who is meant for us, Chino, we're not meant to be together, friends maybe but not lovers, that spot is for Chris only. Give him a chance, Chino, it might make the both of you happier.”



Napaisip ulit si Chino.



0000ooo0000



Malalim ding nagiisip si Chris tungkol sa mga nangyari nung hapon na iyon, naaalala niya kung gaano kalapit ng katawan ni Charlie kanina kay Chino, kung gano kakumportable si Chino makipagusap kay Charlie, alam niyang may namamagitan sa dalawa, hindi pa man magkasintahan ang mga ito ay sigurado niyang papunta na ang mga iyon doon.



Sumagi din sa isip ni Chris na tigilan narin niya si Chino, tutal wala narin naman siyang magagawa pa kung mas mahal na nito si Charlie, bakit pa niya ipagsisiksikan ang kaniyang sarili dito. Pero kahit gaanong kadali niya iyon sabihin ay siyang hirap naman gawin, alam niyang mahihirapan siya na ipaubaya na lang basta si Chino pero wala narin naman siyang magagawa para bawiin ito dahil masyado niya itong nasaktan.



Still the asshole who keeps ruining my life, huh?!”



Muling tumakbo ang mga sinabing ito sa kaniya ni Chino si isip ni Chris, nun niya lang napagtanto na ganun pala ang naging epekto niya kay Chino, kaya ngayon mas napapaisip siya kung hahayaan na lang nga ba niya si Chino kay Charlie at titiisin na lang niya ang sakit o gagawin niya ang lahat mabawi lamang ito kahit pa ang ibig sabihin nun ay maaaring marami siyang masagasaan.



Nakatulog na sa sobrang pagiisip si Chris, hindi parin nito alam kung paano ang gagawin niya kay Chino. Habang si Chino naman ay nagiisip kung hahayaan niyang pumasok ulit si Chris sa kaniyang buhay na sa loob ng limang buwan ay pinagbuti at pinagtibay niya. Napangiti si Charlie nang makitang pinagiisipan maigi ni Chino ang kaniyang mga ipinayo at sinabi.



0000ooo0000



You look like shit!” bati ni Dom kay Chris nang makita kung pano namumugto ang mga mata nito.



Yeah goodmorning, dude.” walang ganang balik ni Chris.



What happened, I thought the 'zombie curse' got lifted yesterday when you saw Chino again after five months?” tanong ni Dom, pilit na nangingisda ng impormasyon sa maaaring nagiging takbo ng relasyon ng dalawa niyang kaibigan.



Well that's what I thought too, but after I got a little trouble with my car and getting a ride with Chino and Charlie to get home and after some heated words thrown at each other in front of Charlie, I hardly doubt it if the 'zombie curse' will be lifted. Ever.”



Wow, butas na gulong? Malamang masira nga ang buong linggo ko.” balik ni Dom, agad na tinignan ni Chris si Dom.



How did you know that my tire got sabotaged? I don't remember telling you what kind of trouble I had with my car yesterday and I got early today to fix it before you get here, so what gives?” naniningkit na usisa ni Chris kay Dom.



Wha---? Oh I think I saw the flat tire yesterday before going home---”



And you still decided to go home not thinking that I might need your help?” naniningkit pa ulit na tanong ni Chris.



I was in a hurry---”



You sonovabitch! You stabbed my car, didn't you! You prick!” sigaw ni Chris, sasakalin na sana niya si Dom nang pumasok si Chino ng tent.



Agad na tumigil si Chris sa kaniyang binabalak na pagsakal kay Dom, agad na sumagi sa isip ni Chris na wala pa pala siyang napagdedesisyunan tungkol sa gagawin niya sa kaniyang nararamdaman kay Chino, it's either stay or stay away. Napagdesisyunan niyang umiwas.



Ibubuka na sana ni Chino ang kaniyang bibig at kakausapin si Chris nang magsalita ulit ito.



We'll talk later, Dom.” puno ng pagbabanta ang sinabing iyon ni Chris, di mapigilan ni Chino ang masaktan, akala niya ay nagalit na ng tuluyan sa kaniya si Chris dahil sa sinabi nito dito kahapon. Di na niya nagawa pang pigilan si Chris dahil padabog itong naglakad palayo.



0000ooo0000


YOU WHAT?!” sigaw ni Chino.


Matapos umalis ni Chris ay tinanong ni Dom si Chino kung ano ang nangyari kahapon sa kanila. ikinuwento ni Chino lahat ng nangyari, simula sa nakakalokong ngiti ni Chris bago siya lumabas ng tent, ang pagkakita ni Chris sa kaniyang butas na gulong, sa pagalok ni Charlie na sumabay sa kanila si Chris pauwi, ang pagbibintang niya kay Chris tungkol sa pagbutas ng gulong, ang pahapyaw ni Chris sa nakaraan nila na ikinagulat ni Charlie, ang pagsinhal ni Chino kay Chris nung nagpapagas si Charlie at ang huli ay ang pagkukuwento ni Chino tungkol sa kaniyang nakaraan, simula kay Francis hanggang sa panloloko ni Chris sa naguguluhang si Charlie at ang pagpapaubaya ni Charlie para kay Chris at Chino.


Hindi mapakali si Dom, iniisip kung aaminin na sila ni Chloe ang bumutas ng gulong ni Chris para mapilitan si Chino at Charlie na isabay ito.



We stabbed Chris' tire.” amin ulit ni Dom, hindi napigilan ni Chino ang abutin ang batok ni Dom at haklitin ito.



No wonder, galit na galit sakin si Chris nung pagbintangan ko siya!” singhal ni Chino.



Sorry.” bulong ulit ni Dom, inirapan na lang siya ni Chino.



Saglit na tumahimik ang dalawang magkaibigan.



So you and Charlie are not dating anymore?” nagaalangang tanong ni Dom, tinignan ulit siya ng masama ni Chino pero hindi na nito nagawa pang sigawan ang kaibigan, nagbuntung hininga na lamang ito at tumango para sagutin ang tanong ni Dom.



0000ooo0000


Sa tuwing sinusubukan ni Chino na lumapit kay Chris ay umiiwas ito, naisip tuloy ni Chino na huli na ang lahat at sumuko na si Chris sa pagtya-tiyaga nito sa kaniya. Naiinis siya sa sarili niya at sa kaniyang matalas na dila. Sinubukan niya na kontrahin lahat ng gusto nito bilang photographer para sa shoot na iyon para kahit papano ay makapag-usap sila pero kahit gaano kapangit at kasama ng kaniyang ideya ay hindi siya tinutuligsa ni Chris katulad kahapon.



I think it's better if we have the model swim on a small pool.” suhestyon ni Chino, binigyan siya ng nagtatakang tingin ng mga taong nakarinig sa kaniya na tila ba nagsasabi na 'are you for real?' pero wala siyang pakielam dun, gusto niya lang na kontrahin siya ni Chris tulad ng ginagawa nito nung nakaraang photo shoot, sa isip isip niya ay mas mabuti nang magusap sila habang nagaaway kesa naman hindi siya nito pinapansin.



Pero wala siyang nakuwang bayolenteng reaksyon kay Chris, nagkibit balikat lang ito bilang sagot, tila naging isa itong puppet na kung saan kahit anong ipagawa ni Chino ay papayagan nito.



You're not going to shout at me and say that what I said is the lamest thing you heard?” nanunubok na tanong dito ni Chino.



You're the director, I'm just a photographer.” walang emosyong sagot ni Chris sabay kibit balikat, tila naman sinipa sa likod si Chino sa reaksyon na iyon ni Chris.



Then maybe we can find a transparent kiddie pool and have the model swim in it, you can have your set up below the pool and shoot from there.” subok ulit ni Chino, saglit siyang tinignan ng masama ni Chris, sinong photographer nga naman ang hindi titingin ng masama sa kaniya eh ang hirap ng suhestiyon niyang iyon.



As you wish, Sir.” wala ulit na emosyong sagot ni Chris sabay kalikot ulit ng camera.



Sir, are we going to call the prod staff for a ---err--- transparent kiddie pool?” tanong ng isa sa staff ni Chino habang tinitignan ang clipboard. Napairap naman si Chino.



No cancel that, let's go with the original plan.” bawi ni Chino nang hindi niya nakuwa ang kaniyang inaasahan reaksyon mula kay Chris.



Nagsisimula ng ma-frustrate si Chino.



Since our photographer is being an asshole again and doesn't cooperate then we have to stick with the original sequence of the shoot.” sabi ulit ni Chino, pinagmamasdan niya ang mukha ni Chris , nagiintay ng kahit kaunting pagkainis sa kaniyang mga patutsda pero wala siyang nakita sa mukha nito.


I'll have the models make up retouched.” sabi ulit ng isa sa staff ni Chino na umiiling habang pinapalipat lipat ang tingin kay Chino at Chris at naglakad na palayo.


I'm sorry for being the constant asshole in your life.” bulong ni Chris, natigilan si Chino, rinig na rinig niya ang lungkot sa boses ni Chris, agad siyang nagsisi sa masasakit nanamang salitang binitiwan.



Chris---” tawag niya dito pero mabilis na itong nakalabas ng tent.


0000ooo0000


Why don't you talk to him?” tanong ni Dom kay Chris nang makita niya itong pinapanood si Chino sa di kalayuan.


I'm still mad at you for the tire scene, so please don't talk to me!” singhal ni Chris, nagtaas ng dalawang kamay si Dom na miya mo sumusuko.


Chloe and I will pay for it. I'm sorry our plan backfired.” paghingi ulit ng tawad ni Dom. Nagkibit balikat si Chris.


Doesn't make a difference now.” sagot ni Chris,


You're giving up on him?” tanong ni Dom sabay iling. Saglit na napaisip si Chris, alam niyang hindi magiging masaya sa kaniya si Chino dahil madalas niya itong inisin, saktan at isa pa alam niyang na kay Charlie na ngayon ang kaligayahan nito. Tumango si Chris bilang sagot sa tanong ni Dom.


Well that's too bad lalo na ngayong nagpaubaya na si Charlie para magkalapit ulit kayo ni Chino.” pahapyaw ni Dom.


I'm sure it's just--- Wait. What? They're not dating anymore?” paglilinaw ni Chris, nagkibit balikat naman si Dom.


Ask Chino yourself.” nangiinis na sagot ni Dom.


Asshole! You still owe me a tire!”


I will help you with Chino as long as you let me off the hook.” alok ni Dom. Agad na nagliwanag ang mukha ni Chris.


Deal!” sagot ni Chris, habang hindi maiwasang mapangiti at matuwa sa narinig na balita.


Itutuloy....

Taking Chances 17
by: Migs

23 comments:

  1. hey guys, sorry sa late post.

    Sorry.

    bawi ako this year.

    ReplyDelete
    Replies
    1. alexis here...

      ..di na ako nagcocomment sa stories niyo pero tagasubaybay parin ako kuya migs..thanks for the stories..ang cute cute tlaga..and this one is the cutest...

      Delete
  2. GALING!!!!!!!!!!!!!!!!! HAHAHHA! THanks kuya migz!!! this story made my day extra great! XD Galing parin ng sequence of events at exchange of lines!! Wheew! grabe ang reaction ko dito sa kwarto, nainis na nga kapatid ko nakailang katok na dahil sa kasisigaw ko at tawa. XD THANK YOU THANK YOU PO KUYA!

    RAping the refresh button was wort it. haha! Got to comment first.XD


    anyway sent you an email on a certain matter. check it out.

    -->nIx

    ReplyDelete
  3. kainis! nabitin ako! grrrr XD

    migs parang may nakalimutan ka, dumaan ang sabado walang short ni walang story, tsk tsk

    hayyy, next na! naeexcite na ako (",)

    ReplyDelete
  4. at si kuya josh ang sumunod na nagcomment. haha!

    -->nIx

    ReplyDelete
  5. .....sana c Chino at Charlie nalang ang magkatuluyan....
    .....ayaw ko c Chris, doon nalang siya kay Rhoda kasi natikman na din siya...panis na hahaha

    ReplyDelete
  6. parang aso't pusa lang ang dalawa hehehe...


    from Jubail, KSA

    ReplyDelete
  7. go chris. you can do it.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  8. waaaaaaaaa! bitin! XD buts still good (=

    ReplyDelete
  9. awesomeness!

    sabi ko na nga ba't SPECIAL PARTICIPATION lang itong si Charlie...

    at biglang nabuhayan ang katawang lupa ni chris! (thnx to Dom and Chloe) LOL

    ReplyDelete
  10. Anong this YEAR? Plano mong ubusin ang natitirang buwan ng 2012? HAHAHA ikaw talaga migy boi.. Update na!! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tse! haha! sakalin kita dyan! maka Miggy boy ka dyan! hmpft! close ba tayo, ha?! hahaha! ^_^v

      Delete
  11. migs pakibilis ang update...DEAL din?

    ReplyDelete
  12. wahhhhhhhh bitin...... huhuhuhuhu.. deal din .....

    ReplyDelete
  13. Kinabahan ako sa "this year" mo mr. Author.. Haha.. Niuce chapter...

    Chino and chris together again... Ayiieeee...

    Pwede wala ng b*tc#% na makati? Ahaha...
    Love you author...

    -jemyro

    ReplyDelete
  14. Aww bitin! I love this part!!

    ReplyDelete
  15. yeah, been waiting for this. bitin pa rin :( next na ulit kuya :D

    ReplyDelete
  16. eto na naman ako at sasabihin ko na naman ang lagi kong sinasabi sa mga comment ko.

    "Kuya Migs!!! Ang galing mo talaga!!!"

    grabeng pambitin na naman ito! Halos hindi ako mapalagay nitong mga nkaraang araw, halos oras2 na ako bumibisita dito para icheck kung may update na.

    Galing mo talaga, kasi napakatalino ng pagkakasulat, npka professional ng bawat kataga. Hanga talaga ako sayo. OA na kung OA.

    --ANDY

    ReplyDelete
  17. si chloe, parang si cha lang din, a good bitch

    ReplyDelete
  18. yes!me 2nd chance na si chris!hehe...

    side comment : ang cute ni lanz (ung nagcomment)..haha

    ReplyDelete