Taking Chances 16
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Naririndi na si Dom sa sigawan ng dalawa, hinahayaan niya lang ang mga ito dahil natatapos naman ng mga ito ang trabaho sa kabila ng pagbabangayan nila, ang totoo niyan, mas marami pang trabaho ang natapos kesa sa ine-expect ni Dom. Pinaliwanagan na lang niya ang iba niyang staff na pagpasensyahan na ang dalawa, pero nagulat siya nang wala sa mga ito ang nagre-reklamo dahil ayon sa mga ito ay natutuwa pa nga silang panoorin na mag-away ang dalawa. Napailing na lang si Dom.
Nanggagalaiting bumalik si Chino sa kaniyang upuan sa tabi ni Dom. Pinigilan ni Dom ang mag-comment o humagikgik sa tabi nito, halatang halata kasing mahal pa ng dalawa ang isa't isa at sa ibang paraan nila ito inilalabas bilang bahagi ng frustration sa na-udlot nilang relasyon. Nagulat na lang si Dom nang biglang magsalita at maglabas ng hinanakit si Chino sa kaniya.
“I can't believe this is happening! One minute he's this let's-be-professional-for-Dom's-sake-type-of-guy and the next he's this I'm-still-the-asshole-who-messed-you-up-guy, I mean, meron na kaming kasunduan na ayusin ang trabaho para sayo! Nakakainis! Once an asshole, always an asshole!” bulalas ni Chino, pinigilan parin ni Dom ang mapatawa.
“It's like he's still more of the I'm-still-in-love-with-Chino-and-I'm-jealous-of-Charlie-type-of-guy.” pangiinis ni Dom, tinignan siya ng masama ni Chino at may sasabihin pa sana ito tungkol sa sinabi ni Dom nang makuwa ng modelo ang atensyon nito.
“Chris! What is she doing?!” sigaw ni Chino.
“Mas maganda kung nakahiga siya sa motorcycle!” balik ni Chris.
“Ganun? Eh ano pa ang silbi ko dito? Ikaw narin kaya ang maging direktor---!” nanggagalaiting balik ni Chino.
Hindi na mapigilan ni Dom ang mapahagikgik habang pinapanood si Chino papunta malapit sa puwesto ni Chris para mag-away ulit.
0000ooo0000
“You shit head!” singhal ni Chloe sabay batok sa kaniyang nobyo nang pumuntang CR si Chino at nagpunta naman sa counter para umorder ng pagkain si Chris.
“What?! I tried telling them that they're going to work for each other but they wont let me finish first!” natatawang sagot ni Dom.
“You did that on purpose!” singhal ulit ni Chloe.
“Yeah, I did.” proud na sagot ni Dom, napangiti naman si Chloe.
“Gawd you're hot when you're being mischievous!” balik ni Chloe sabay halik kay Dom.
0000ooo0000
Nang matapos kumain ang magkakaibigan ay nagpasya na silang bumalik sa tent at tapusin na agad ang trabaho, pinauna na ni Chino si Chris at Dom para humingi ng payo kay Chloe.
“What will I do?” tanong ni Chino matapos niyang ikuwento sa kaibigan ang nangyari kanina sa photo shoot.
“Nothing.”
“Wait. What?” tanong ulit ni Chino.
“It's obvious, he still wants you, Chino, unless you still like him then try being in a relationship with him again, If not, then do nothing.” kibit balikat na sagot ni Chloe na hindi naman nakuwa ni Chino.
“I don't like him anymore!” singhal ni Chino pero hindi ito kinagat ni Chloe.
“Then ditch him!” singhal ni Chloe. Natigilan si Chino, hindi niya maintindihan kung bakit pero parang ayaw niya namang basta na lang bale-wala-in si Chris, parang may pumipigil sa kaniyang bale-wala-in si Chris. Lalo lang naguluhan si Chino sa payo ni Chloe.
0000ooo0000
Nang matapos ang kanilang photo shoot ay parehong napahinga ng malalim sina Chris at Chino, iniisip na tapos narin ang pagbabangayan nila sa isa't isa, napansin ni Chris na nagtetext si Chino, muli niya itong pinagmasdan katulad nung araw na magisa sila sa iisang coach ng isang ferris wheel, nakakagat dila ulit ito, nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata. Hindi mapigilang mapangiti ni Chris, hindi niya napansin na sinulyapan siya ni Chino.
“Ano nanaman kayang katarantaduhan ang iniisip nito?” tanong ni Chino sa sarili niya nang makita niya ang mga ngiti sa mukha ni Chris.
Nakahinga ng maluwag si Chino nang mag-text na si Charlie, nagsasabi na nasa labas na siya at nagiintay, di na siya nagaksaya ng panahon, agad na siyang lumabas iniisip na mabuti nang wala na siya doon bago pa man masimulan ni Chris ang binabalak nito.
Agad na lumatay sa mukha ni Charlie ang ngiti nang makita niya si Chino na naglalakad palabas ng tent, hindi pa siya nakakakita ng katulad ni Chino, reserved ito sa kaniyang palagay pero sa kabila noon ay sweet ito, tila makakalimutan niya lahat ng problema niya kapag ngumingiti ito kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na kaibiganin ito.
“You don't have to do this, Charlie, kaya kong umuwi magisa.” bati ni Chino dito sabay yakap.
“And I told you that I like doing this. I want to see you arriving safely at work and at home.” balik dito ni Charlie, na-touch si Chino, inaamin niya na alam niya kung anong nais mangyari ni Charlie para sa kanilang dalawa.
Pero kahit anong pilit niya na ibalik kay Charlie ang pinapakita nitong pagpapahalaga sa kaniya ay hindi niya ito magawa, hinahanap niya parin yung magic, yung fireworks na nararamdaman niya sa tuwing nagkikita sila ni Chris.
“Magic and fireworks.” iiling iling na bulong ni Chino sa kaniyang sarili, ito ang kaniyang naramdaman nang matapos ang limang buwan ay nagkita ulit sila ni Chris nung umagang yon.
“Is everything OK?” nagaalalang tanong ni Charlie.
“Yes, something's wrong! I want it to be you, Charlie! I want to feel something for you!” sigaw ng isip ni Chino, ilang beses na niya itong hiniling, simula nang sabihin sa kaniya ni Charlie na may gusto siya kay Chino ay hiniling na nito na sana si Charlie na lang ang kaniyang mahalin.
“I'm just tired, Charlie.” palusot ni Chino.
“OK.” nagaalala paring sabi ni Charlie pero hindi na niya kinulit pa si Chino tungkol dito. Pinagbuksan ni Charlie ng pinto si Chino, pasakay na ng sasakyan si Chino nang lumabas si Chris ng tent, nasa hindi kalayuan ang sarili nitong sasakyan, pinagmasdan ni Chino si Chris, pinanood niya itong nglalakad papunta sa kotse nito na may malalaking tripod na dala.
Inilagay nito ng mga iyon sa trunk ng kaniyang kotse nang umikot na ito para sumakay sa sasakyan ay agad itong natigilan, nagtaka si Chino, kasabay nun ay ang marahang pagandar ng kanilang sinasakyan. Nakita niya kung pano sipa-sipa-in ni Chris ang gulong ng kotse nito. Nagulat siya ng tumigil ang kaniyang sinasakyan sa tapat ni Chris.
“Pare, may problema ba?” tanong ni Charlie, natigilan si Chris, agad niyang tinignan si Charlie, nakita ni Chino ang pamumula ng mukha ni Chris sa nangyari o sa pagtanong ni Charlie, hindi niya alam.
“May bumutas ng gulong ko. wala pa naman akong dalang spare saka walang nasasakyan dito.” sagot ni Chris sabay tingin sa paligid kung saan wala kang makikita kundi magagarang bahay at magandang subdivision kung saan walang tricycle na pinapayagan na bumiyahe.
“Sabay ka na samin. Papahiramin sana kita ng spare kaso wala din akong dala, saka hassle pa yun kung ngayon ka pa magpapalit ng gulong.” alok ni Charlie na ikinagulat ni Chino at Chris agad na nagpanic si Chino si Chris naman ay tila nalunod sa malalim na pagiisip.
“Charlie, wag na, I'm sure siya rin ang bumutas ng gulong niya!” balik ni Chino na ikinagulat ni Charlie. Naisip ni Chino ang ngiti kanina ni Chris bago siya lumabas ng tent. Ang nakakagagong ngiti na nakikita niya lang kapag may gusto itong gawing hindi maganda.
Hindi maintindihan ni Charlie kung san nanggagaling ang sobrang galit na iyon ni Chino, marahil ay may nagawang mali dati si Chris dito kaya ganun na lang ito mag-react. Hindi niya alam kung san nanggagaling ang side na ito ni Chino at desedido siya na alamin ito.
“Why will I do that to my own car? And besides, ilang minuto ka lang naunang lumabas, nakita mong kalalabas ko lang din! Paanong mabubutas ko ang gulong ko kung kalalabas ko lang rin?” singhal ni Chris dito. Natameme naman si Chino, si Charlie ay sinusukat ang reaksyon ni Chris at ni Chino.
Kitang kita niya ang inis sa mukha ni Chris pero may iba pa siyang nakikita dito bukod sa pagkainis. Nang maisip ni Charlie kung ano iyon ay diniktahan niya ang sarili na wag kalimutang tanungin si Chino tungkol doon. Sunod niyang tinignan ang reaksyon ni Chino, may pagkainis din doon at katulad ng nakita niya sa mukha ni Chris, nakakita siya ng pagtangis doon. Tila ba ipinapakita lamang ng dalawa na naiinis sila sa bawat isa pero sa likod nun ay nami-miss nila ang isa't isa at idinadaan lamang iyon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng nakasasakit na salita.
“Chino, we're in the middle of nowhere, we can't just leave him here---” simula ni Charlie pero agad siyang pinutol ni Chris.
“OK lang pare, magtatawag na lang ako ng tulong.” sagot ni Chris sabay lakad papasok ng kaniyang kotse, agad na na-guilty si Chino sa kaniyang ginawa, nabasa ito ni Charlie sa kaniyang mukha at lalong nagpatibay iyon ng kaniyang hinala.
“Chino, I think you should talk to him. We can't leave him here.” simula ni Charlie, alam ni Chino na tama si Charlie, hindi niya rin alam kung bakit ganun na lang niya tratuhin si Chris, sinaktan siya nito, Oo, pero hindi iyon sapat na rason para iwan siya sa gitna ng kawalan.
Wala sa sarili siyang bumaba ng sasakyan at lumapit kay Chris, naabutan niyang nagte-text si Chris sa loob ng kaniyang sasakyan. Kunot noo itong nagtetext, kitang kita niya ang sakit na siya mismo ang may gawa nang pakawalan niya ang pagbibintang patungkol sa pagbutas ng sarili nitong gulong.
“Chris.” tawag ni Chino sa pansin nito.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay...
“There it goes again. Magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili. Saglit siyang napatitig sa mukha ni Chris at nagulat siya ng magsalita ito.
“Look, Chino, I know that you're still mad at me, I get it, but now I don't have someone to call to come and pick me up. I really need your help.” halos pabulong na sabi ni Chris dahil sa hiya.
“I'm actually here to ask you to ride with us. I'm sorry I said all those things. Di ko alam kung san galing yun.” nahihiya ring balik ni Chino, tumango si Chris. Pumunta sa tapat ng kaniyang trunk at inilabas ang kaniyang mga gamit. Bago niya ito ilipat sa sasakyan ni Charlie ay nagsabi muna siya rito...
“Sorry, pare, wala akong matawagan eh, OK lang ba na sumabay ako sainyo? Kahit hanggang sakayan lang ng bus.”
“Wala yun, pare. Kahit hanggang sa bahay mo pa, walang problema yun sakin.” sabi ni Charlie sabay kibit balikat, wala sa sariling tinulungan ni Chino si Chris na magbuhat ng malalaking gamit nito. Palihim na natuwa si Chris sa ginawang ito ni Chino.
Habang inaabot ni Chino kay Chris ang isa sa malalaking tripod ay hindi sinasadyang mahawakan ni Chino ang kamay ni Chris. Nagtama ang kanilang mga tingin at ilang segundong tumagal iyon.
“Magic and Fireworks.” agad naalala ni Chris ang sinabing iyon ni Chino nang halikan niya ito noon. Saktong sakto iyon sa nararamdaman niya ngayon.
Agad na binawi ni Chino ang kaniyang kamay at pakikipagtitigan kay Chris.
“And there goes my magic and fireworks.” umiiling na sabi ni Chris sa sarili niya, nanghihinayang sa biglaang pagkalas ng kamay ni Chino sa pagkakahawak nito sa kaniyang mga kamay.
0000ooo0000
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, nasa malalim na pagiisip si Chino, si Chris naman ay di mapakali at si Charlie ay pinapanood ang dalawa at ang kalsada. Naisipan ni Charlie na alamin ang namamagitan sa dalawang lalaki na nasa loob ng kaniyang sasakyan.
“So, Chris, how did you know Chino?” tanong ni Charlie sabay abot ng batok ni Chino at minasahe ito, madalas itong gawin ni Charlie lalo na sa tuwing napapansin niyang pagod na pagod si Chino sa sa trabaho nito. Hindi nakaligtas ang simpleng pagmasahe na ito kay Chris.
“I yelled at him in his first photo shoot with male models then I called him incompetent and unprofessional.” sagot ni Chris sabay kibit balikat. Wala sa sariling napatingin si Charlie sa rear view mirror at tinignan maigi si Chris.
“Bakit?” tanong ni Charlie, si Chino ang sumagot nito dahil hindi niya inaasahan na sumagot ng maayos si Chris.
“Because he's an asshole.” sabay na napatingin si Charlie at Chris kay Chino sa sagot niyang ito.
“I'm not an asshole! I just got so into you that I want all your attention for myself, kahit na sa pamamagitan iyon ng pagsigaw.” bulong ni Chris pero rinig na rinig iyon ni Charlie at ni Chino na para bang isinigaw iyon at may gamit pang mega phone. Agad na nagpintig ang tenga ni Chino.
“Well you got my attention when you outed me to all my production staff! You got my attention when you decided to land one of your elbows to my nose, making me bleed to death! You got my attention when you---” agad na natigilan si Chino nang maisip niya ang susunod niyang sasabihin.
“---I got your attention when I cheated on you.” bulong ni Chris nang tila ba nabasa niya ang iniisip ni Chino. Bayolenteng lumingon si Chino at minata si Chris mula sa kinauupuan nito.
Muli nanamang binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Hindi na sinubukan pa ni Charlie na magsimula pa ng panibagong usapan. Ngayon, kahit papano ay may ideya na siya kung ano ang nangyari kay Chino at kay Chris noon, mas pinatibay ng sinabi ni Chris ang kaniyang hinala. Nahalata na niya iyon nang una pa lang na nagsalita si Chino nang alukin ni Charlie kanina na sumabay na si Chris sa kanila pero sa sagot na iyon ni Chris siya nakumbinsi na may nakaraan ang dalawa.
0000ooo0000
Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ni Chino habang bumabiyahe sila pauwi, lahat ng iyon ay umiikot kay Chris. Iniisip niya kung paanong posible parin siyang may nararamdaman dito gayung wala itong ginawa kundi gawin siyang miserable. Oo, may magic and fireworks nga, may koneksyon nga sa pagitan nila pero sapat ba yun?
Nasa ganitong pagiisip si Chino nang tumigil ang sasakyan sa isang gasulinahan, nagising lang siya ng mapansing lumabas si Charlie ng sasakyan at kinausap ang gas boy, may itinuturo ito sa gulong ng kaniyang sasakyan. Umuusok ilong siyang humarap muli kay Chris.
“Still the asshole who keeps ruining my life, huh?!” singhal ni Chino dito, natigilan naman si Chris, nang makita ni Chino ang reaksyon ni Chris ay agad niyang pinagsisihan ang pagsasalitang iyon laban kay Chris. Nakikita ni Chino ang sakit na nararamdaman ni Chris na dulot ng kaniyang mga sinabi.
0000ooo0000
Nang makarating sila malapit sa tinitirhan ni Chris ay agad na nagpaalam si Chris sa dalawa, pinilit si Charlie na huwag nang ipasok ang sasakyan sa village at rerenta na lag siya ng tricycle.
“Sure ka, pare?” tanong ni Charlie. Tumango si Chris.
“I'm sure dadaan pa kayo sa ospital. So di ko na kayo aabalahin pa.” agad na lumatay sa mukha ni Charlie ang pagtataka sa sinabing iyon ni Chris, si Chino naman ay natigilan.
“Ospital?” tanong ni Charlie.
“Yup, laging pumupunta si Chino sa ospital para bisitahin si Francis, diba?”
Agad na tumakbo ng ilang milya ang isip ni Charlie, nagtatakang tinignan ni Charlie si Chino, si Chino naman ay tila natulala sa mga sinabi ni Chris, naisip ni Charlie na hindi iyon ang tamang panahon para tanungin si Chino kaya naman nagpaalam na lang siya kay Chris.
“Ah, Oo nga pala, pare.” palusot ni Charlie pero hindi iyon kinagat ni Chris, naisip agad ni Chris na hindi pa alam ni Charlie ang lahat ng tungkol kay Chino at lihim siyang natuwa.
“Sige, hindi ko na kayo aabalahin pa. Ingat sa pagda-drive, pare, Chino.” sabi ni Chris kay Charlie sabay tango kay Chino, tila naman hindi siya narinig ni Chino. Nang makalayo na si Chris ay tinignan ni Charlie si Chino.
“Are we going straight to the hospital or are we stopping at your apartment first?” tanong ni Charlie.
“Hospital, I want you to meet someone first.”
Itutuloy...
________________________________
Taking Chances 16
by: Migs
hey guys! thanks ulit sa mga comment.
ReplyDeletePARA SA MGA BAGONG READERS:
you should also try reading short stories. ^_^ I think i have plenty of them, on the right side of this page, there's a column entitled, 'labels' makikita niyo dun yung short stories, just click it. ^_^
Sir Josh: try ko sa saturday. madami pa akong nakaimbak na sad short stories here sa draft. ^_^
chalamaaat! =)
ReplyDeletesi charlie ang rebound guy dito, pano kaya sila nagkakilala ni chino. hanggang saan kaya ang mararating ng 3some este almost love triangle na ito?
migs, may utang ka! ilabas mo ang chasing pavements 5, may dapat kaming malaman dyan sa magic na ginawa mo sa birthday mo. hahahaha
thnx for the update migs (",)
pagiisipan ko pa kung isusulat ko ang chasing pavements 5 nakatatamad eh. ^_^v
DeleteTamad pa din?
Delete-smartiescute28@yahoo.com
magic and fireworsk! i find it sweet.. yung mga bangayan nilang dalawa, oh my! that's so cheeeezzzy....
ReplyDeletesana lang special participation lang sa story itong si Charlie.. panira ng momentum eh.. LOL
oo nga pa nga ba sila nagkakilala ni Chino?
--- just follow your heart Chino and you'll know the answer..
ang sweet naman ng bagayan ng asot pusa..... mahal pa rin nila ang isat isa nakikita sa mga galaw nila.....
ReplyDeleteramy from qatar
nakakabitin naman author. heheehhe
ReplyDeletetaga_cebu
Your writing gets better and better Migz!
ReplyDeleteI love it!
And I like this story. It's untypical yet I can determine the classic cheesiness when it comes to "magic and fireworks"... but that's what you feel when you're in love and this comes in the love story of Chino and Chris.
-slythex
'Magic and fireworks' Ahahaha... Ang cheesy.
ReplyDeleteKudos! Kuya Migs.
Ouch! Ouch! Ouch! Ramdam na ramdam ko ang chapter na to.
ReplyDeleteNakakabaliw maghintay ng bawat chapter nito kuya migs!! I lili love this story.
--ANDY
love it..... parang buhay ko lang ... away ng away... pero mahal na mahal ang isa't isa....
ReplyDeletesana magkabalikan na sila..... mag give way na si charlie.... at ibang libro si charlie at patrick..... heheheheeh
thanks sa magandang chapter.... chap 17 na hahahahahahahaah
Nice one kuya :) Nakakabitin nga lang. Sana di ko pa binasa to. Haha. >:p Next na po please :D
ReplyDeleteBITIn!!!!!! T.T hay senglot na ako sa kakainom pero eto binasa parin,,haha! tsalamat as alwys kuya!napaaga ata posting niyo ah! kaya super thank you hoh tlaga! MAGIC AND FIREWORKS!!:D
ReplyDelete-->nIx
this is really awesome!!!
ReplyDeleteSana gising na si Francis pag punta ni chino at charlie sa ospital... Wow. Ang saya nun. :))
ReplyDeletemaganda migy boi di ko na muna hahabaan ang comment ko dahil sobrang antok na ako.. excited na ako sa susunod na mangyayari.. :))
ReplyDeletemigs, u are the fire & magic, what a work! sana masundan na ang chapter 16, cant wait what will happen! cheers & kudos sa gaming ng story mo!
ReplyDeleteGot to believe in magic! Don't let it pass... Yon lang masasabi ko sa chapter na to...
ReplyDeleteHaissst... Cute!
ReplyDeletei like chris for chino...me pagka pasaway pero there's something in his character na gusto ko.we all deserve a second chance nmn db?sana me 2nd chance pa siya from chino.:)
ReplyDelete-mOnty