Chasing Pavements 4[18]

NOVEMBER 15, 2011


Magiliw naming kinakain ni Rick ang aming hapunan nang makarinig kami ng paguusap sa may pangalawang palapag ng aming bahay. Nagtaka ako kasi si Edward lang naman ang madalas na gawing front door ang aking bintana sa kwarto. Biglang nagliwanag ang mukha ni Rick nang mabosesan niya ang dalawang naguusap na noon ay palapit na ng plapit sa kusina.


Little buddy, ipaalala mo sakin na magpapalagay na tayo ng rehas sa mga bintana, ha? Para hindi na makapasok yang Tito Edward mo ng bahay ng walang pasabi.” sabi ko sa batang kasalukuyang nagbabato ng nagtatakang tingin sakin.


Ricky boy!” sigaw ni Edward sa bungad ng kusina, kasunod nito si Mae na sa palagay ko ay iritang irita dahil pinatawid siya ni Edward sa puno ng santol ng naka-dress. Narinig kong humagikgik ang bata saka tumalon mula sa kaniyang upuan at patakbong sinalubong ang aking mga kaibigan.


Don't ask!” singhal sakin ni Mae nang mapansin siguro nito ang nagtataka kong tingin kung pano siya nakatawid ng puno.


OKAAAYYY--- kumain na ba kayo? Nagluto ako ng nilaga.” alok ko sa dalawa pero hindi ko na dapat pa pinagaksayahan pa ng effort na alukin ang mga ito dahil maski hindi ko pa sila inaalok ay napansin kong kumukuwa na ang mga ito ng pinggan.


Hindi naman sa ayaw ko kayo dito sa bahay ko, ano, pero bakit ng kayo andito?” tanong ko sa mga ito, sabay namang sumagot ang mag-asawa habang si Edward ay puno ng kanin ang bibig at si Mae naman ay humihigop ng sabaw, hindi lang ako ang natuwa sa ginagawa ng mga ito, pati si Rick na sa tingin ko ay hindi dapat nakita iyon na ginagawa ng mga matanda.


Hep! Hep! Hep! Isa isa lang! And please, don't talk when your mouth is full! May bata oh! Gayahin kayo niyan!” singhal ko sa mga ito habang pinapanood si Rick na nagsasalita habang sumusubo ng kanin.


Rick.” saway ko dito, humagikgik lang ang bata saka nabulunan. Hinagod naman ni Edward ang likod nito.


Hindi kami naka-kain ng ayos sa wedding. Actually, hindi kami nakakain.” simula ni Mae. Nagkausap na kami ni Mae tungkol sa nangyari noon, napagpasyahan na lang namin ka kalimutan ang mga iyon at ngayon ay lalong tumitibay ang aming pagkakaibigan pero andun parin ang paminsan minsang awkwardness sa pagitan namin.


Ahhh bakit?” tanong ko sa mga ito habang nilalagyan ng kanin, sabaw at carrots ang mangkok ni Rick, matapos ko lang gawin iyon nang mapansin kong natahimik ang mag-asawa at nagkatinginan.


What?!” tanong ko sa mga ito, may ilang kanin ang tumalsik mula sa bibig ko na ikinatawa naman ni Rick habang nakaturo sakin. Tinignan ako ng mag-asawa habang pinaiisipan kung sasabihin ba sakin ang dahilan ng pagalis nila ng maaga sa wedding ni Essa at Don.


0000ooo0000


Weh?!” di makapaniwalang sabi ko sa dalawa habang nagliligpit, napagisipan naming wag sa harapan ni Rick pagusapan ang lahat.


I swear, I saw Don flirting with the wedding coordinator.” sumpa ni Mae habang si Edward naman ay tumatango tango habang kumakain ng ube halaya na niluto ni kuya Marc.


Maybe he's just complementing her---” simula ko.


““HIM”” sabay na pagtatama ng magasawa.


What?!” tanong ko sa mga ito.


The wedding coordinator is a guy.” sagot ni Edward, ngayon, ako naman ang nasamid--- sa sarili kong laway.


Walang pinagusapan ang mag-asawa kundi ang pakikipag-flirt ni Don na asawa na ngyon ni Essa sa kanilang lalaking wedding coordintor nung gabing iyon, pero ako ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa, may napansin kasi ako, nitong mga nakalipas na araw, simula nung nagkausap kami ni Mae at nagkayos ay walang mintis ang pagbisita ng mag-asawa sakin, tinignan ko ng diretso si Edward, napansin nito ang pagtingin kong iyon.


Alam nilang wala akong interes sa buhay ni Essa at sa kung ano man ang sexual preference ng asawa nito at alam ng mga ito na hindi ko kailangang bisitahin sa tuwing alam nilang asa bahay ako. Nagbato ako ng nagtatakang tingin sa dalawa.


What is this all about?” naniningkit mata kong tanong sa mga ito.


This is about the fact that Essa's husband might be---”


No, I'm not talking about that, I'm talking about the late night visits, the lame excuses just to see and talk to me and the sudden interest in my cooking. WHAT. IS. THIS. ALL. ABOUT?” tanong ko ulit sa mga ito, muling nagkatinginan ang dalawa.


Si Edward kasi, sabi niya kung ipamumukha raw namin sayo kung ano yung mga mami-miss mo, baka daw magbago isip mo tapos di ka na umalis.” nahihiyang sagot ni Mae, napailing naman ako at tinignan ng masama si Edward.


We've already talked about this.” baling ko kay Edward.


We're just saying that you don't have to go---”


We are not going to have this discussion again.” balik ko dito sabay wasiwas ng scotchbrite na may sabon sa mukha nito. Nagbuntong hininga ito.



0000ooo0000


Pinapanood ko si Edward na nakikipaglaro ng paper, scissors and stone kay Rick, iniisip ko ang mga sinabi kanina ni Mae, sa lahat ng mga kaibigan ko si Edward ang pinaka nahihirapan sa paglipat ko, hindi naman ako magiiba ng bansa, ilang minuto na lang din naman ang layo ng Maynila sa Cavite gamit ang CavitEx pero kumbinsido parin ito na kapag lumipat na ako ay di na kami magkikita ulit.


He's really getting worked up about this, Migs.” bulong ni Mae sa likuran ko.


I know, but this is for the best, you understand that, do you?” tumango si Mae.


Just think about it, Migs.”


I thought about it a million times already, Mae, saka mahirap talaga, sa work, sa pagaalaga kay Rick, di naman pwedeng iwan ko siya lagi sainyo, saka sa masteral ko pa, I mean, it's time for me to be practical---”


Pero kasi iniisip ni Edward dahil sa nangyari nito lang kaya ka aalis eh.” nahihiya ulit na sabi ni Mae, tinignan ko ito.


Si Edward ba ang nagiisip nun o ikaw?” tanong ko dito, saglit itong natigilan.


Well, Oo, minsan iniisip ko rin na dahil sa sinabi noon ko kaya ka aalis.” balik ni Mae, di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na ito.


Hindi yun dahil dun, Mae, OK? Wag mong sisihin ang sarili mo at wag mong hahayaang pumagitna yun sainyo ng asawa mo.” diin ko dito. Mariing tumango si Mae.


0000ooo0000



Do you really have to go?” tanong nanaman ni Edward, may ikalimampung beses na ata niyang tinatanong iyon. Napa-irap na lang si Pat, Dave at si Fhey habang si Mae naman ay umiiling.


Isa pang tanong, Edward, hahaklitin ko na yang batok mo!” singhal ko dito. Narinig kong nagsipaghagikgikan si Rick at ang kambal ni Edward.


Great! Lately, I haven't been a good role model for these kids.” umiiling iling kong sabi sa sarili ko habang inuulit ng kambal sa isa't isa na maghahaklitan sila ng batok.


This is the last bag!” sigaw ni Dave sabay siksik nung bag sa likod ng kotse. Isa-isa akong niyakap ng mga kaibigan ko, ang ilan napahigpit ang yakap ang dalwang babae saka si Edward ay sisinghot singhot at ang kambal ay nakayakap kay Rick.


Dun pa lang parang ayaw ko ng umalis.


0000ooo0000


NOVEMBER 29, 2011


Kamusta study mo?” tanong sakin ni Divo, nagkibit balikat lang ako. Wala kasi akong makitang dahilan kung bakit pa kailangang magconduct ng study ang mga nurses, masama na ngang over worked kami saka mababa ang sweldo pahirapan pa ba naman kami sa pagconduct ng mga study n ang osptial at mga opisyales lang naman ang makikinabang.


Not doing great, huh?” mayabang na balik sakin ni Divo, gusto ko itong sigawan at dukutin ang mga mata nito para tumigil ito sa kakairap at maalis ang ngiting aso ng kumag sa mukha.


Actually---(di ko pwedeng sabihin dito ang study ko o maski banggitin manlang at baka makopya pa ng iba. :-P)” matapos kong ibigay ang jist at ang konklusyon ng study ko ay napanganga na lang si Divo. Naungusan ko kasi ito na hanggang ngayon ay nasa theoretical framework parin lang. Ngayon ako naman ang ngumiti ng nakakaloko dito.


Dumaan si Erwin sa harapan ko, hindi nakaligtas dito ang namumutlang mukha ni Divo at nanlulumo nitong katawan.


Anong kailangan ni Diva?” tanong ni Erwin habang pinagaaralan ang ginawa kong inventory sa mga supplies.


Di lang siya makapaniwala na matatapos na ako sa study ko.” sabi ko dito sabay kibit balikat. Napanganga naman si Erwin.


Seryoso?” tanong nito sakin. Tumango naman ako bilang sagot.


Masama bang matapos ako agad? I mean, hindi naman bara bara yung trabaho ko---” depensa ko.


Natutulog ka pa ba?” putol nito sa sasabihin ko.


Oo naman! Magaling lang talaga ako sa time management no! Saka may calendar of activities ako, di ako pwedeng matulog nang hindi natatapos ang mga nakasulat doon.” sabi ko dito sabay kibit balikat.


You have the beginnings of Obsessive Compulsive dis---” simula ni Erwin pero hindi ko na ito pinatapos.


Having the beginning signs of OCD is still normal as long as you can still function well and your psychological needs are still met, as long as it doesn't affect my everyday living and the way I present myself everyday, it is still acceptable.” sagot ko kay Erwin habang nagpapalit ng swero sa isang pasyente. Nagtaas ng dalawang kamay si Erwin na miya mo sumusuko.


Nerd!” bulong nito.


Thank you.” sarkastiko kong balik dito.


Buong otso oras akong ininis ni Erwin sa pagiging O.C. Ko at pagiging nerd, sinabayan pa yun ng pagdagsa ng pasyente at pangungulit ulit ni Divo tungkol sa study ko. Kaya naman nang matapos na ang aking duty ay halos patakbo akong umuwi. Pagod na pagod, nagsasawa at nagdadalawang isip. Napaisip ako bigla, bigla kong kinilatis ang lagay ko ngayon at ni Rick, tinanong ko ulit ang sarili ko kung tama ba ang mga ginawa ko, ang pagtratrabaho ulit sa ospital, ang paglipat at paglayo sa mga kaibigan ko at pagtaya sa hindi ko alam.


Am I OK? Is everything OK? Has anything actually changed?” tanong ko ulit sa sarili ko habang papasok ng pinto ng aming apartment.


HAPPY BIRTHDAY!” sabay sabay na sigaw ng mga ito. Maluha-luha kong pinagmasdan ang mga taong andun. Napangiti ako.


Everything is going great!” bulong ko sa sarili ko at ngumiti ulit.


Everything is DEFINITELY great!”


It's time for you to blow---” pabitin na sabi ni Kuya Ron na alam kong may malalim pang ibig sabihin ang kaniyang sinabi. “---the candle!” tapos nito, sabay kaming napailing ni kuya Marc at ng iba pang nakakuwa ng patagong biro na iyon. Naramdaman ko ang paghila ni Rick sa aking pantalon, kinarga ko ito, hihipan ko na sana ang mga kandila nang...


Wait!” sigaw ni kuya Ron. Nagtinginan sa kaniya lahat ng taong andun.


Hindi pa natin kinakantahan ng happy birthday si Migs!” sigaw ulit nito. Nagkatinginan ang mga andun at umiling at sabay sabay na kumanta, wala man sa tono, lalo na ang briton na nagngangalang Chris sa may bandang unahan, ay naidaos parin nila ang pagkanta non.


Make a wish!” bulong ni kuya Ron sabay tango. Napangiti ako, sinarhan ko ang aking mga mata at hinipan ang mga kandila, naramdaman ko ang pagihip din ni Rick ng ilan sa mga kandila sa cake. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at biglang natigilan.


Nakatalikod lahat ng tao sa pinto kaya naman hindi nila nakita ang bagong dating.


0000ooo0000


Do you really have to rub it in his face, huh?! Kailangan mo pang ipamukha kay Migs na you're not together anymore, that you're with somebody else, on his special day, in his apartment?!” singhal ni Edward. Nakita kong tumango tango si Fhey, Pat, Mae at Dave sa sinabing iyon ni Edward.


Donna is Migs' friend too!” balik ni JP. Agad akong pumagitna sa dalawa, alam kong may mali nang makita kong naglalakad palabas ang mga ito kaya't sinundan ko ito at hindi ako nagkamali, kung hindi ako lumabas ay malamang nagpanabong na ang dalawa at nagcheer pa ang iba imbis na umawat.


Edward.” saway ko kay Edward nang ibibuka na sana nito ang kaniyang bibig para sumagot kay JP. Nagtaas ito ng dalawang kamay na nagsasabing suko na siya, pumasok na ulit ito ng apartment na umiiling kasunod ang apat. Susundan ko na sana ulit ito nang maramdaman ko ang kamay ni JP sa aking balikat. Humarap ako dito.


Can we talk?” tanong nito.


Drama. Drama. Drama. When will you leave me alone?” bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga nagmamakaawang mata ni JP.


Look, JP, we don't have anything to talk a---” simula ko pero ginulat ako ni JP nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit na siya namang ikinatigil ko sa pagsasalita.


I miss you.” bulong nito.


At sa puntong iyon, ang pakiramdam na akala ko ay tuluyan nang nawala kasabay ng depresyon at pangungulila ay bumalik na parang minagic. Agad na nangilid ang mga luha ko.


Lumipat ka ng bahay, nagtetext at tumatawag ako sayo pero hindi ka nagrereply saka di mo sinasagot ang mga tawag ko, kinulit ko sila Fhey pero matigas din sila---” naramdaman kong umiling si JP saka tumuloy sa pagsasalita “--- I found out about your blog, Fhey told me about it, sabi niya if I want to know what you're up to and how you are, magbasa lang daw ako dun, and nito lang nung ma-realize ko kung pano ako naging si JP na mahal na mahal mo to JP That-guy-who-broke-my-heart, I know I deserve all the hateful comments there and believe me when I say that it got under my skin, nun ko rin na-realize kung gaano kita nasaktan---”


JP, please, let's not do this now.” malamig kong balik kay JP, humiwalay agad sa pagkakayakap sakin si JP, tila ba may nagsabi dito na hindi ko kailangan ng paliwanag at mga sinasabi niya, nakita ko kung pano rumehistro sa mga mata ni JP ang sakit.


I-I'm s-sorry.” bulong nito sabay pasok ng apartment. Napabuntong hininga ako, di ako makapaniwala na ganun lang kadali babalik lahat ng mga pinilit kong kalimutan na sakit nitong mg nakaraang buwan.


Papasok na sana ulit ako ng apartment nang may marinig akong pagpalakpak sa aking likuran. Nakita ko ang isang kotse na nakaparada sa tapat ng apartment, nilapitan ko ito, nakabukas ang drivers side at doon nakaupo habang nagyo-yosi ang lalaking pumapalakpak kanina na para bang ang ginawa namin kanina ni JP ay isang scene sa teatro.


Si Pao. Simula nung ipakilala ni kuya Marcus sakin si Pao nung nasa college pa lang ang mga ito ay hindi ko na ito nagustuhan, kasi siguro nun pa lang nabasa ko na sa mukha at kilos nito na wala itong idudulot na mabuti kay kuya and true enough, pagtungtong na pagtungtong ko ng college nakita ko ang totoong relasyon ng dalawa, hindi lang bilang mag-best friend, kundi mag boyfriend at kung pano nun binago ang kuya ko. Di ko na ito pinagaksayahan pa ng panahon, tinalikuran ko na ito at papasok na sana sa apartment nang magsalita ulit ito.


I know how it feels, Miguel. I've been there, actually--- I'm still there.” umiiling na sabi ni Pao, agad akong humarap ulit dito. Tama siya, pareho lang kami ng sitwasyon. Si kuya, may ate Carmi na at alam kong nasasaktan si Pao dun, ako, si JP meron ng Donna, ang kaibahan lang namin ni Pao isinisiksik niya parin ang sarili niya kay kuya habang ako tinalikuran ko na si JP, pero pareho lang kaming nasasaktan. Tila ba nakatingin ako sa sarili kong repleksyon nang tignan ko si Pao.


Want to tell me about it?” tanong nito sakin. Inabot ko ang kahon ng yosi sa may dashboard ng sasakyan nito kahit hindi ako nito inaalok, kailangang kailangan ko kasi ng pampatanggal stress at yosi ang naisip kong pantanggal nito. Hindi ko kinuwento sa kaniya ang nangyari samin ni JP, sa halip ay nagbato ako ng tanong dito.


How'd you do it?” tanong ko dito pagkatapos sindihan ang yosi, saglit na nagdikit ang kilay ni Pao.


Did what?” balik nito.


How can you bear being in the same room with ate Carmi and kuya Marc?” Tanong ko dito. Nagkibit balikat si Pao, isa pa ito sa pinakakinaiinis ko dito, masyadong care free, walang pakielam sa mga consequences na pwedeng idulot ng actions niya, walang seryosong usapan at walang respeto sa seryosong usapan. Sa iba hindi ito kainis-inis, pero para sakin, ewan ko, siguro naiiinggit ako dito at gusto ko ring maging care free na lang din tulad niya. Walang pakielam.


You know what?! Screw you! Ngayon ka na nga lang kakausapin ng matino di ka pa sumagot ng maayos. Bahala ka na nga diyan.” balik ko dito sabay patay sa yosi.


Happy Birthday!” balik nito sabay lumatay sa mukha ang ngiting aso. Pinigilan ko ang sarili ko na umirap.


Asshole!” singhal ko.


Nang lumalim na ang gabi ay isa-isa nang naguwi-an ang mga bisita, tanging si Ate Carmi, Kuya Marc, anak nila na siyang may ari ng bahay, si Rick na kasama ang kaniyang pinsan ay natutulog na sa aking kwarto at si Pao na paalis na lang ang natira. Naglinis na kami ng buong apartment, nang ilalabas ko na ang mga basura ay walang sabi sabing bigla na lang hinablot ni Pao ang isa sa mga garbage bag na hawak hawak ko at sinamahan akong magtapon nito sa labas.


Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin, naiinis parin ako sa pambabalewala nito kanina saking tanong at sa hindi pagsagot sa maayos kong tanong kanina, hinayaan ko na lang itong maglakad sa tabi ko at gayahin ang tamang pagtatapon ng basura na gawain namin doon, nang maisalansan ng maayos ang mga basura ay naglabas ng isang pack ng sigarilyo si Pao at inalok ako. Wala sa sarili kong tinanggap ito.


Want to get out of here?” tanong nito, wala sa sarili akong tumango matapos mapatingin sa apartment.

0000ooo0000

What are we doing here?” tanong ko kay Pao nang makarating kami sa isang bar kung saan may live band na tumutugtog. Hindi nanaman ako sinagot ng maayos ni kumag, nagkibit balikat lang ito at ngumiting aso ulit.


Stay here, I'll just go to the mens room.” paalam nito, di pa man ako nakakasagot ay tumalikod na ito at mabilis na nawala sa paningin ko.


Asshole!” singhal ko ulit. Humarap ako sa bar at sinenyasan ang barista.


San Mig light.”

0000ooo0000

Magtre-trenta minutos na at di parin bumabalik si Pao, nagsisimula na akong mainis kaya naman iniwan ko na ang bote ng beer na kasalukuyan kong inuubos at tumayo na, napagpasyahan kong umuwi na lang, malapit na ako sa may pinto nang makarinig ako ng pamilyar na boses na nanggagaling sa malalaking speaker na naka-kalat sa buong bar.


I would like to greet a friend of mine a happy birthday.”


Agad akong napaharap sa gawi ng entablado. Nagsimula ng kumanta si Pao.


0000ooo0000


Marcus Salvador Calling” sabi sa screen ng telepono ko, dinecline ko ang tawag at bumalik na lang sa pagtulog, malapit na akong kainin ng aking mga panaginip nang makaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi, agad nagising ang diwa ko atsaka tumingin sa aking kanan.


Oh shit!”


End of Book 4


_______________________________
Chasing Pavements 4[18]
by: Migs

Comments

  1. Happy new year guys! New year, new book! :-)

    ReplyDelete
  2. Happy New Year kuya! Hahaha! Oh no! Ano na kaya ang mangyayari? Sana balang araw mapatawad na nya si JP :) thanks kuya!

    ReplyDelete
  3. HAPPY NEW YEAR...may nadudulot talagang mabuti ang Insomnia ko..hehhe

    ReplyDelete
  4. nagkasanga sanga na ang mga kwento.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  5. happy new year migs.... at sa lahat ng avid fan ni migs... hehehe... ']

    gel

    ReplyDelete
  6. Oh shit!!! Sino ang katabi mo Migs?????? hehehe
    HAPPY NEW YEAR!!!!!!

    ReplyDelete
  7. Wala na akong maintindihan sa kuwento.... SORRY....

    ReplyDelete
  8. Grabe ka kuya pinaghirapan talaga magpost kahit NEW YEAR. Pero ako rin naman kahit new year check parin ng check sa site mo..hahah! HAPPY NEW YEAR PO! wala pang buwan nung una akong mapadpad sa site niyo at grabe, ganda ho talaga ng mga kuwento niyo. Makikita ko kaya kayo ng personal if dyan ako sa manila mag-aaral ng med??? hehe..


    Anyway po, salamat ho ng marami sa mga kuwento. I am very much thankful for having read your beautiful stories. Iba naging epekto nito sakin...napatawa ng wagas at humagulgol rin sa iyak..haha..you site is way more than epic!!! Thanks for making 2011 an eye-opening year.


    -->nIx

    ReplyDelete
  9. thanks for posting migs.
    xa cge n nga happy new year po at sa lahat n din ng avid fans ng site nyo kuya migs.
    para kc lumalabo n ang mga pangyayari anyway i know u can connect us again true your story...
    kaw p d best k kaya.

    ReplyDelete
  10. Happy New Year Migs! Hope you'll have a good 2012! Thanks for everything you've done for us!

    ReplyDelete
  11. May you have a happy lovelife this 2012. Happy new year!

    ReplyDelete
  12. happy new year migs......

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  13. awww... bitin na bitin naman kuya Migs.. :() will wait fo CP5....sana ASAP ahaha... Have a great year ahead!

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  14. happy new year kuya migs!

    ingat sa pag-spell ng 'gist' XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. IKR?! nagulat din ako nung basahin ko ulit kanina. tas sabi ko sa sarili ko "hayaan mo na." :-D

      Thanks silhouette!

      Delete
  15. I am confused with the dates. Is it Nov. 29, 2010 or 2011?

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's nov. 29, 2011. sorry.

      hey, sana next time na magcomment ka lagyan mo na ng name mo so i can address you accordingly. :-) thanks!

      Delete
  16. Happy New year mahal kong Migz. :))

    ReplyDelete
  17. it's 2011 Anonymois January 2, 2012 9:57pm

    ReplyDelete
  18. Migs! Keep it awesome! reading since summer but it's my first time to comment :D

    Happy new year! I hope you get to write happier stories this year :D

    ReplyDelete
  19. Thanks for the clarification on the date. I initially thought it was a flashback, but it didn't make sense if it was.

    ReplyDelete
  20. pare if this is really your story, says a lot about the difficulties in your life. we're on the same boat except that I'm more like your brother, I keep my relationship with my girl while sometimes swinging with a guy.

    -dave

    ReplyDelete
  21. miguel, ano na naman ito? tsk tsk, cha said....DEEP SHIT!

    abangan ko nalang ang CP5.

    ang saya ng buhay natin miguel! (",)

    ReplyDelete
  22. sorry for the words i'll use kuya migs ha... JP's a shithead. Nakakainis. Napaka selfish... >.< Anyways, keep it up kuya. :D Sayo ako kumukuha ng lakas ngayon... or should i say inspiration lalo na sa sitch ko ngayon. hahaha. :D

    ReplyDelete
  23. wala pa ba ang book 5 neto?

    ReplyDelete
  24. wala pa po ba yung Book 5 nito? :)


    dev

    ReplyDelete
  25. wala pa po ba yung book 5 hehe excited e :)

    ReplyDelete
  26. book 5 na po pls.... maawa na po kayo sa amin :)

    ReplyDelete
  27. grabe prince charming na para sa akin si EDWARD nagasawa pa kc eh dapat nagantay lng muna. sayang fairytale na dapat atleast lagi pa rin sya nas tabi mo ang sweet pa rin :)

    FIXBOY

    ReplyDelete
  28. BOOOOKKK 5!!!!!!!!!!!!!!!!! SYET BITEN... grabe.. favorite ko na to jusko... sobraaaa...

    -egG

    ReplyDelete
  29. makapigil hininga naman to! whaaa! di ko kaya ang mga ganitong drama!
    bigat sa pakiramdam ng daming complications.. hehehe
    but i admire u. ikaw lang yata may kaya nyan.. :)
    (nabasa ko na halos lahat ng stories dito at 2nd comment ko palang to. lol)
    book 5 na pls!

    _narcissus

    ReplyDelete
  30. true story po ba to?

    -ral5

    ReplyDelete
  31. bakit ang tagal ng BOOK 5???

    ReplyDelete
  32. book 5 kuya migs pleaseeeee :(

    -migs

    ReplyDelete
  33. Jusko! Hello there kuya migs? Haha. Wala pa bang BOOK 5? Avid fan here :3

    nagtataka lang ako, parang masyado atang awkward para sa mga kalapit na kaibgan at kapamilya na basahin ung blog kung san experiences nila ang nakalathala XD

    ^^Pero I'll undrstand kung hanggang ngaun wala pa ring update. Mahirap kayang magrecollect ng life incidents, at ang hirap ding maging nurse :-D

    Btw, sana ma meet at makilala kita KOYA MIGS someday sa isang ospital there. Haha. Hope after ko mag med, ur still into being a nurse. :-P

    I wonder what will happen after 5 years? Will it still be the same? Or shall our handsome protagonist find its true love? Ilang SAN MARINO CORNED TUNA kaya ang kailangan mong papakin para mahanap ang true love? Haha.

    :-/ Yun lang.
    Nice autobiography :>
    kaw na ang habulin.. Wahaha.

    ReplyDelete
  34. whoa .. things are heavy ..
    i am looking forward the book5 :(
    i wish all the happiness .

    ReplyDelete
  35. Oh my oh my! Ngayon lang ako nagkachance na mabasa ang story na to and yes walang pagsidlan ang tuwa wala ka talaga katulad sir migs tunay kang nagiisa haist ang galing pati ang story mo grabe talaga ilan taon na baby mo? Haist sobrang tuwa ko talaga na nabsa ko toh kailan kaya ang new book mo na kasunod nito. :-) :-) :-) shame I just imagined my self naransan ko nun watching my ex with his new boyfie kakaloka talaga pero yung sayo and ur friends so cool lalo na si fhey the sampalan moment edward na sobrang madrama si pat na mukhang malakai ang paghanga sau si dave na tunay naman kwela kalirkey yung revalations nio nung inuman and for jp haist his what a pity kung sanang nanindigan lang sia but everything happens for a reason a really admire and envy you you've benn through uos and downs twistand turns ano pa ba but ur still manage to et up so strong may God Blessed you more at mas patatagin ka pa and for your new work galing galing kaya mo yan wala kang katulad isa ka talaga sa mga idol ko walang chena. :-) keep fighting don't ever give up. :-) :-) be happy.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]