Thursday, January 5, 2012

Taking Chances 10


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Bumibingi parin sa tenga ni Chino ang pagsigaw na iyon ni Chris, di niya alam kung maiinis siya o matatawa sa ikinikilos nito. Nababahala si Chris sa posibilidad na maiiwan si Chino, ang kaniyang Chino mag-isa kasama si Jed, kitang kita ni Chris sa mukha ni Jed ang pagkagusto nito kay Chino at hindi siya nagtitiwala dito, literal na hinuhubaran ni Jed sa tingin si Chino, alam niyang hindi ito pansin ni Chino dahil aminin man niya o hindi ay may pagka-inosente parin si Chino.



He doesn't even see himself as cute.” umiiling na sabi ni Chris sa sarili niya.



C'mon, Chris, matagal ko ng kaibigan si Jed, malamangang tingin sakin ni Jed ay isa ring nakababatang kapatid tulad ng pagtingin niya kay Francis. I mean, Jed is a demi god in my standards, imposible na ganun ang tingin niya sakin.” pambabale-walang sabi ni Chino sa nagaalalang si Chris.



I'm not letting him stay with you.” matigas na sabi ni Chris, ngayon nagsisimula ng maginit ang ulo ni Chino.



It's my house, I can invite anyone---”



That guy is literally eye-fucking you!” singhal ulit ni Chris, pilit pinapakalma ang sarili upang hindi na sila makakuha pa ng pansin ng mga nagdadaang tao.



What the hell?! Seriously?! Chris, drop it, OK?”



Fine. You want him in your house, it's fine with me but I'll stay in your house too.” yun na lang ang naisip na paraan ni Chris, hindi naman sa hindi niya pinagkakatiwalaan si Chino, sobra ang pagtitiwala niya dito, kaso minsan sa sobrang kainosentihan nito at baba ng kumpiayansa sa sarili ay hindi na nito nakikita na may mga taong naghahabol sa kaniya para gawan siya ng kahalayan, at alam niyang yun mismo ang balak ni Jed. Oo, hindi niya pinagkakatiwalaan si Jed.



What?! This is going way too far, Chris!” singhal ni Chino pero huli na ng sabihin niy ito dahil papasok na si Chris ng coffee shop.



0000ooo0000



Sorry, buddy, but I don't trust you, I don't want to leave my boyfriend---” simula ni Chris habang tinitignan si Jed sa rearview mirror.



Friend.” pagtatama sa kaniya ni Chino.



I don't want to leave my BOYFRIEND alone with you, so I decided to stay there also and keep an eye on you.” sabi ni Chris habang nakikipagtitigan kay Jed sa rear view mirror.



errr, Jed, sorry sa kaibigan ko ah, may pagka-baliw kasi yan, wag kang magalala, hindi yan magste-stay sa bahay, nag-jo-joke lang yan. Diba, Chris, nagjo-joke ka lang diba?!” sabi ni Chino sabay siko sa tagiliran ni Chris.



Aw! No, I'm not joking, I will stay there and keep an eye on that friend of yours.”



Sa likurang bahagi naman ng sasakyan ay hindi malaman ni Jed kung matutuwa siya o maiinis sa kaibigan ni Chino, pero hindi niya rin ito masisisi.



Yep, Chino is definitely a catch. And if I was in his place I'd be protective of Chino also.” bulong ni Jed sa sarili habang nakatingin kay Chino na nakikipagtalo parin kay Chris.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa bahay ni Chino ay hindi parin tumitigil ang dalawa sa kanilang mumunting bangayan, minabuti na lamang ni Jed na wag pansinin ang dalawa, natanggap na niya kanina sa kotse na malabong makuwa pa niya ang loob ni Chino dahil halata namang mahal na ng dalawa ang isa't isa kahit pa nagbabangayan ito.



Binuksan ni Chino ang front door ng kaniyang bahay, maliit lang ito, may dalawang kwarto, sala, kusina, dalawang banyo, dining room at office area, tamang tama para sa isang bachelor na katulad ni Chino, maayos ang paligid, napangiti sa sarili si Jed, lagi niyang naiisip noon pa na tipo ni Chino ang maging isang neat freak, tama siya sa kaniyang naisip.



Yep, Chino is definitely a neat freak.” bulong ni Jed sa sarili niya sa kabila ng nagbabangayan parin mga boses ni Chino at Chris.



Wala ni isang gamit ang wala sa lugar, lahat maayos, lahat may silbi at lahat malinis, obserba ni Jed, pagkatpos ng kaniyang masusi pero saglit na obserbasyon ay nakaramdam ng pagod si Jed.



uhmmm excuse me---” istorbo ni Jed sa pagbabangayan ni Chino at Chris.



Chino, napapagod na ako, kung OK lang sana na magpahinga na---” simula ni Jed, di na siya pinatapos ni Chino, nginitian siya nito at umiling.



Sure, nakaayos na yung spare room, it's the door to your left, may CR narin diyan kung gusto mong mag shower muna or something. I'm sorry kung iniistorbo ka nitong asshole na ito.” pagtatapos ni Chino sabay bitaw ng masamang tingin kay Chris.



It's OK, Chino.” tumalikod na si Jed at papasok na sana sa kwarto nang maisipan niyang ipalagay ang loob ng kanina pang nagse-selos na si Chris.



oh and Chris, don't worry, di ko aagawin si Chino sayo, kanina sana may plano akong agawin siya sayo o kung kanino man pero nung marinig ko kayong magsagutan sa loob ng isa't kalahating oras, nun ko na-realize na wala na akong pag-asa, clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa. Goodnight guys!” nakangiting paniniguro I Jed kay Chris, pumasok na si Jed sa kwarto at nang malapit na niyang mailapat ang pinto ay agad niyang narinig na sumigaw si Chris.



See! I told you he's eye fucking you! Ha! Akala mo ah---!” sigaw ni Chris na ikinahagikgik naman ni Jed bago niya sarhan ang pinto.




0000ooo0000



Matamang kinukuskos ni Chino ang kaniyang katawan habang pumapailalim sa malakas na buhos ng tubig mula sa shower head, halos di siya makapaligo ng maayos dahil sinusukat niya ang mga nalaman niya ngayong gabi. Hindi kaila sa kaniya ang baba ng kaniyang self-esteem, kahit anong tingin niya sa sarili sa harapan ng salamin ay wala siyang makitang tama at ikaiinteres ng ibang tao sa kaniya kaya naman naging bulag siya sa mga magandang kumento sa kaniya ng ibang tao sa paligid niya. Iniisip na niloloko lang siya o pinagtri-trip-an.



Isang tao lang sa buong buhay niya ang nagsubok na i-tama ang lahat ng akala niya. Si Francis, pero kasabay nun ay nahulog ang loob nila sa isa't isa kaya naman ikinunsidera na niya na ang papuring natatanggap niya kay Francis ay ayon lamang sa nararamdaman nito para sa kaniya, kaya naman ng malaman niya ang tungkol sa kasal nito kay Laura ay agad nabasag ang imahe na unti-unting ipinipinta ni Francis.



Ngayong napapalapit na ang loob niya kay Chris, sa loob ng isang buwan ay napansin niya ang mga pagbabago sa kaniyang sarili, bihira siyang makipagsagutan, ang totoo niyan wala sa ugali niya ang makipagsagutan pero nang makilala niya si Chris ay nagbago lahat ng iyon, ipinakita sa kaniya ni Chris ang mga ipinakita rin sa kaniya noon ni Francis, ang kaibahan lang ay ang mga papuring nanggagaling kay Chris ay hindi base sa pagmamahal katulad ng kay Francis, Oo, alam niyang may gusto sa kaniya si Chris at maaring dahil doon kaya siya nito pinupuri, pero iba ang paraan ni Chris.



Hindi ba't nagkasagutan sila kanina nang makahalata si Chris na may gusto sa kaniya ang kapatid ng kaniyang dating kasintahan at best friend na para sa kaniya ay ni hindi siya pagaaksahan ng panahon dahil sa angking kagwapuhan nito, pero nakita yun ni Chris, at sinabi nga sakaniya na may gusto sa kaniya si Jed.



That guy is literally eye-fucking you!” Napailing siya nang maalala ang sinabing iyon kanina ni Chris, kung sasabihin mong may gusto sa kaniya si Jed nung isang buwan na nakalipas ay malamang tinawanan lang ito ni Chino.



Tama, sa bawat sagutan nila ni Chris ay unti-unti ring binubuo ni Chris ang kaniyang self esteem. Hindi siya makapaniwala na ngayon niya lang ito na-realize.



Maybe I'm worth it after all.” bulong ni Chino sa sarili, muli niyang ibinaling ang kaniyang pagiisip sa iba pang sinabi ni Jed bago pumasok ng kuwarto.



---clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa” napailing siya nang maalala ito, isang buwan pa lang simula nung magkalapit sila ni Chris, imposibleng mahal na nila ang isa't isa, ni hindi nga sila magkasundo paminsan-minsan, Oo, panatag ang loob niya kay Chris kahit nagbabangayan sila, Oo, palaging andyan si Chris pagkailangan niya ito nitong mga nakalipas na linggo at hindi niya maitatanggi na kahit papano ay gumagaang ang loob niya kay Chris dahil kahit papano nanamn ay may sweet bone din ang mokong, may sense of humor at hindi rin maitatanggi na attracted siya dito...



Pero MAHAL? Hindi naman siguro--- hindi nga ba? Wow.” bulong ulit ni Chino sa kaniyang sarili habang nagbabanlaw.



0000ooo0000



Naabutan ni Chino na tumatawa ng malakas si Chris dahil sa pinapanood nito sa TV, pinagmasdan niya ito, akala niya ay umuwi na ito at nagbago ang isip na sa kaniyang bahay ito magste-stay habang andun si Jed, pero ayun ang damuho sa kaniyang harapan, tumatawa habang prenteng prente na nakaupo sa kaniyang sofa. Pinanood niya ito saglit at naisip ulit ang napagtanto niya kanina habang naliligo.



Si Chris ang tipo ng tao na masayahin, tila walang problema sa buhay, laid back kung baga, pero hindi rin ito papatalo sa paglalambing at pagpapapansin na kahit ikinaiinis man ni Chino ay siya rin nitong palihim na ikinatutuwa.



So what's wrong if you have feelings for him? What are you afraid for? Isn't this what Francis want, to take your chances?” bulong ng kaniyang kunsensya habang mataman paring pinapanood, napansin niyang tumigil na sa pagtawa si Chris at nakatingin na sa kaniya, nakangiti itong nakatingin sa kaniya at kumaway, sumenyas na lumapit sa kaniya at tumabi sa kaniya sa sofa.



Are you watching me?” taas babang kilay na tanong ni Chris, namula saglit si Chino sa pagkakahuli sa kaniyang iyon ni Chris.



No, I just went out of trance for a minute there.” sagot ni Chino, ilang segundo siyang tinignan ni Chris na tila ba sinusuri kung nagsasabi siyang ng totoo, sa wakas ay nagkibit balikat ito at humarap ulit sa TV.



For a minute there, I thought that you were eye fucking me.” nangingiting sabi ni Chris, namula si Chino, di makapaniwalang nabasa ni Chris ang kaniyang iniisip, tinignan muli siya ni Chris para sa kaniyang rekasyon, pinagbigyan niya ito.



Asshole!” sigaw ni Chino sabay dampot ng pinakamalapit na throw pillow at inihampas sa mukha ni Chris, nang bumagsak ang throw pillow ay nakita niya si Chris na humahagikgik na parang batang kinikilig.



Are you going to sleep on those?” tanong ni Chino, pilit na iniiba ang usapan. Tumingin si Chris sa kaniyang suot at nagkibit balikat.



I don't have a change of clothes.”



Well, maybe you should go home, then.” subok ni Chino, tinignan siya ng masama ni Chris



And leave you with that guy who has the hots for you? No way, buddy.” sagot ni Chino habang nakaturo parin sa pinto ng kwarto na tinutulugan ni Jed. Nagbuntong hininga si Chino, pumasok sa kaniyang kwarto at kumuwa ng damit pamalit ni Chris. Nang makabalik siya sa sala ay naabutan niyang tumatawa ulit si Chris.



Babaw naman ng kaligayahan nito.” bulong ni Chino sa sarili niya. Ibinato niya ang mga damit kay Chris.



Can I use the shower?” tanong ni Chris, tumango lang bilang sagot si Chino, bago pa man tumayo si Chris ay nakita ni Chino ang malaking ngiti na nakaplaster sa pagmumukha nito, pinilit niyang itinago ang ngiti na unti-unting kumakawala sa kaniyang mukha.



0000ooo0000


Halos gumulong na sa kakatawa si Chino sa sofa dahil sa pinapanood niyang sitcom sa TV. Hindi alintana ang kaninang panlalait sa kababawan ni Chris, lumabas ng CR si Chris at nakita si Chino na humahagalpak sa tawa, napangiti siya, bagay na bagay kay Chino ang nakatawa, tila ba bumata ito ng ilang taon kesa sa nakikita niyang laging nakasimangot sa kaniyang si Chris tuwing iniinis niya ito, hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pangiinis parin dito, hindi niya alam kung bakit siya tuwang tuwa kapag naiinis ito.



---clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa”



Naalala ni Chris ang sinabing iyon ni Jed bago pumasok ng kwarto kanina. Di niya mapigilang mapangiti.



Yup, I'm in love with Chino.” sabi ni Chris sa sarili niya, hindi niya alam kung bakit ganun na lang kabilis niyang na-realize ito gayung sa mga nakalipas niyang ka-relasyon, babae man o lalaki ay hirap na hirap siyang makaramdam ng ganito sa kanila.



Saglit na tumingin sa kaniya si Chino at nagtama ang kanilang mga tingin. Bumakas sa mukha ni Chino ang ngiti, nun niya lang nakitang ngumiti ng ganun sa kaniya si Chino, dun pa lang alam na niya na espesyal ang ngiting iyon, na tila ba para lang sa kaniya ang ngiting iyon.



Lumapit siya kay Chino, umupo sa kabilang sulok ng sofa, nagtatakang tumingin sa kaniya si Chino, inaya niya itong umupo sa pagitan ng kaniyang mga paa at sumandal sa kaniyang dibdib katulad ng puwesto nila noon sa ferris wheel nung pareho silang lamigin.



Muling lumatay sa mukha ni Chino ang ngiti, tumango ito, bilang pagpayag sa gustong mangyari ni Chris, di nagtagal ay nasa pagitan na ng mga malalaking hita ni Chris si Chino at nakasandal na sa matipunong dibdib nito. Nang maglapat ang kanilang mga katawan ay sabay silang nagbuntong hininga.



This is where I belong, this is where my place is.” bulong ni Chris sa sarili at itinuon na ang pansin sa TV at muling humagikgik sa mga biro sa sitcom na kanila na ngayong pinapanood ni Chino.



If this is being in love feels like then yes, I might be in-love with Chris.” bulong ni Chino habang nararamdaman niya ang paghagikgik ni Chris sa kaniyang likod, napangiti siya at sumabay narin sa paghagikgik ni Chris dahil sa kanilang pinapanood.



Sa unang pagkakataon ay hinayaan ni Chino ang sarili, inialis ang pagaalinlangan at sa unang pagkakataon ay naging masaya siya sa kabila ng napagdaanan niya kay Francis ay naging masaya ulit siya at ito ay nanggaling sa isang taong hindi niya naisip na maaaring makapagdulot sa kaniya ng saya.



Ilang oras pa ay pinatay na ni Chris ang TV, tinignan niya si Chino, nakita niyang mapayapa na itong natutulog sa kaniyang mga bisig. Napangiti siya.



I'm willing to take my chances with you, Chino, I hope you do the same for me.”



Itutuloy...


_____________________________
Taking Chances 10
by: Migs

13 comments:

  1. tama lang chino,,,,,try to explore sumting like what francis said to you...TAKING A CHANCE to your self...wag maging manhid sa sarili n d mo alam at may totoong naramdaman sa u si chris.... tulad ng pagseselos nya kay jed....lALO na inanyaya mo si jed sa mismong bahay mo pa pinatira.... ha ha ha....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  2. shet naunahan na naman sa unang pagcomment! T.T haha! Anyway, kuya migs, grabe talaga kilig sa storyang to. Tayo lahat ng balahibo sa katawan pati mga tinatago tumatayo.hahaha! Thank you po sa sobrang gandang story! :))

    -->nIx

    ReplyDelete
  3. WORDs FOR THE DAY: EYE FUCKING.
    use in a sentence: For a minute there, I thought you were eye fucking me.
    Panalo na naman to Migs
    hahaha.... lakas ng tawa ko dito... I will apply this here... I'm going to eye fuck everyone here. maniac lang hahaha

    ReplyDelete
  4. kung makapangbitin si kuya migs WAGAS!! Haha! Ang ganda na eh!

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaaah kayo na ang kakilig na loveteam na nabasa ko sa mga different m2m story aha ......di parin makaget over ahah .....keep it up po .....galing..next na

    ReplyDelete
  6. paganda ng paganda kuya migs ...


    keep it up! :))

    ReplyDelete
  7. ang cute ng story .......

    ReplyDelete
  8. Maganda migy as always gusto ko nang mabasa ang susunod na chapter nito :)) mukhang mahaba pa ang storyang ito..

    ReplyDelete
  9. hehehehe tama..so much eye fucking ako sa story na ito.

    ReplyDelete
  10. Great narration. Can't wait to see what happens next, hoping that Francis would wake up to add spice to the story because it's getting a little bit too Mr. And Mr. Couple for me.

    ReplyDelete
  11. so perfectly nice...

    ReplyDelete