Wednesday, January 11, 2012

Taking Chances 13

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Pagka-gising ni Chris ay wala na sa kaniyang tabi si Chino, agad siyang kinabahan at nagpanic. Agad niyang inisip na nabigla si Chino sa kaniyang panunuyo, masyadong nabilisan sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Wala pang nangyayari na kahit ano mang sekswal sa pagitan nila, tanging paghahalikan at pagyayakapan lamang sa kama ang pinakamalayo nilang nagawa pero aminado parin si Chris, maski sa kaniyang sarili na napablis ang mga nangyayari.



Mabilis para sa nagsisimula pa lang na relasyon.” sabi ni Chris sa kaniyang sarili habang nagiinat.



Tinigilan na niya ang kaniyang iniisip at nagpasya na lang na hanapin si Chino at alamin kung ano ang ginagawa at iniisip nito. Nang matapos maghilamos at magsipilyo si Chris ay agad siyang tumuloy sa sala, nang hindi niya nakita doon si Chino ay tumuloy naman siya sa kusina, natigilan siya nang maabutan niya itong nakatulala, malalim ang iniisip at paminsan minsang kinakausap ang sarili na tila ba isinasa-boses ang kaniyang iniisip.



Muling sumagi sa isip ni Chris ang kaniyang naisip pagkagising. Naisip niya na maaaring nagdadalawang isip na si Chino tungkol sa relasyon na namumuo sa kanilang dalawa. Palihim niyang sinisi ang kaniyang sarili, masyado niyang minabilis ang lahat, ngayon nagdadalawang isip na si Chino at hindi magtatagal ay posibleng ayaw na siyang makita pa ni Chino. Nangilabot siya sa naisip.



Lumakas ang kabog sa dibdib ni Chris, alam niyang di niya kakayanin kapag lumayo sa kaniya si Chino. Alam niyang sobrang lalim na ang pagmamahal niya dito.



Dahan-dahan niyang nilapitan si Chino, wala sa sariling iniyakap ni Chris ang kaniyang malalaking braso kay Chino mula sa likod na ikinagulat ng huli.



Asshole!” “Please don't dump me.” sabay na sabi ni Chino at Chris, si Chino dahil nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Chris at si Chris dahil sa pagaalala niya na baka nabibilisan si Chino sa takbo ng kanilang relasyon.



““What?”” saby ulit nilang sabi. Saglit silang nagkatinginan at lumatay sa kanilang mga mukha ang ngiti, pero saglit lang iyon dahil agad na sumeryoso ang mukha ni Chino.



I said you're an asshole, sneaking at my back like that and scaring the bejezuz out of me!” singhal ni Chino, natigilan si Chris.



So what are you saying about dumping you or something?” tanong naman ni Chino. Agad na namutla si Chris at nahiya. Tumango si Chris na miya mo biglang naging interesado sa kaniyang paa.



I thought we're going too fast and you want out. I- I thought you were going to dump me.” nahihiyang sagot ni Chris. Napangiti naman si Chino.



Awww! Big Chrissy is being all touchy and sensitive.” pangaalaska ni Chino, agad namang bumalik ang kulay sa mukha ni Chris. Bigla itong nainis sa sinabing iyon ni Chino.



Shut up!” umiiling na sabi ni Chris sabay kalas sa pagkakayakap kay Chino at maglalakad na sana pabalik ng kwarto nang maramdaman niya ang mga braso ni Chino na yumakap sa kaniyang bewang.



I'm not dumping you, not yet anyway.” bulong ni Chino, naramdaman ni Chris na ibinabaon ni Chino ang mukha nito sa kaniyang likod. Napangiti siya.



Yet?” tanong ni Chris sa kaniyang sarili, ngayon alam niyang isang pagkakamali lang ay maaari ngang bitawan siya ni Chino, pero sinumpa niya sa sarili niya na hindi niya iyon hahayaan mangyari.



Walk out king!” bulong ni Chino sa kaniyang likod pero naramdaman din ni Chris ang paghigpit ng yakap ni Chino sa kaniya na miya mo nagsasabi na hindi siya nito papakawalan kahit kailan.



0000ooo0000


Parang tangang nakangiti ang dalawa sa isa't isa habang magkaharap sa hapag kainan, nagluto si Chino ng kanilang agahan. Naaalala nilang dalawa ang kanilang paguusap kani kanina lang, di maiwasan ni Chino na matuwa sa sinabi ni Chris na natatakot ito na baka talikuran niya ang namumuong relasyon sa kanilang dalawa.



Ibig sabihin nun maaaring mahal na ako ng mokong na 'to.” habang nakangiti ay bahagyang kinilig sa naisip si Chino.



Habang si Chris naman sa kabilang banda ay napapangiti dahil naiisip niya na hindi siya basta basta papakawalan ni Chino ng walang dahilan, ibig sabihin din nun ay hindi ito nabibilisan sa takbo ng kanilang relasyon at hindi lang yon, naisip din nito na maaaring pareho narin sila ng nararamdaman.



Ibig sabihin nun maaaring mahal na ako ng pakipot na 'to.” nakangiting sabi ni Chris sa sarili niya.



Nang matapos silang magusap ay sabay silang tumapat sa lababo at hinugasan ang kanilang mga pinagkainan. Nun napansin ni Chris na may kulang sa kanilang umaga.



Hey, where's the douche bag, Jed?” tanong ni Chris kay Chino, agad nag- tense ang katawan ni Chino sa tanong na iyon, natiglan siya at muntik na niyang mabitawan ang plato na kaniyang sinasabon. Napansin ito ni Chris dahil hindi lang sa natigilan ito, nawala din ang ngiting gustong gusto ni Chris na nakikita sa mukha ni Chino.



Chino, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Chris, naisip niya na baka nainis na ito sa panlalait na ginawa niya kay Jed.



Jed's not here anymore, Chris. He left.” sagot ni Chino, natigilan din si Chris.



Is it because of something I said? You know I didn't mean it, right?” marahang umiling si Chino at nagbigay ng isang malungkot na ngiti kay Chris.



He didn't say goodbye before leaving, Chris, I don't know why he left. I promised last night that we will talk today, but he just left. He left without saying goodbye.” malungkot na kuwento ni Chino, nakita ni Chris na naaapektuahn si Chino sa nangyaring iyon.



I'm sure he has his reasons.” sabi ni Chris habang minamasahe ang balikat ni Chino.



Alam niyang may punto si Chris pero hindi parin makuwang hindi malungkot ni Chino sa nangyari, ano bang maaaring dahilan ng pagaaway nila Jed at kaniyang mga magulang at kailangan niya pang umalis ng bahay nito.


0000ooo0000



Tinitignan maigi ni Dom ang kaniyang dalwang kaibigan, si Chino na kaniya nang itinuturing na best friend ay matamang nakatingin kay Chris, paminsan-minsang nangingiti. Sa loob ng isang buwan ay napapansin niyang may kakaiba sa dalawang ito pero ngayon lang siya nagkaroon ng oras para matahin ang mga pagbabagong iyon, si Chris naman ay nagpu-push up, nagpapawis para sa kaniyang shoot, sinusulyapan din nito si Chino at sa tuwing nakasisiguro itong sa kaniya nakatingin si Chino ay eksaherado nitong ife-flex ang kaniyang muscle at kikindat sa tuwing magtatama ang kanilang tingin.



Nang tawagin na ng photographer si Chris ay siniko ni Dom si Chino sa tagiliran nito.



Ow! What's that for?” naiiritang tanong ni Chino kay Dom sabay himas sa kaniyang tagiliran.



What's wrong with Chris' eyes?” tanong ni Dom, nagdikit naman ang kilay ni Chino sabay sulyap kay Chris, nahuli ni Chris na sa kaniya nakatingin si Chino kaya't magiliw itong ngumiti, nag-flex ng muscles at kumindat na ikinagalit naman ng photographer.



I don't know—-” simula ni Chino pero agad siyang pinutol ni Dom.



Funny, I thought you would notice, kasi parang sayo lang naman siya kindat ng kindat.” namula si Chino sa sinabing ito ni Dom.



So what's the deal?” tanong ni Dom sabay singkit sa mga mata niya na miya mo nililitis si Chino.



Wala---”



Oh c'mon, Chino!” singhal ni Dom, hindi naman talaga siya nagagalit, gusto niya lang na magsabi ng totoo si Chino, tinignan niya ito ng daretso sa mata, ganun din ang ginawa ni Chino, si Chino naman ay walang nakitang masama kung sasabihin niya man kay Dom ang namumuo nilang relasyon ni Chris.



I-I -I think I'm falling for that asshole Chris.” bulong ni Chino na miya mo nahihiya sa pag-amin sabay sulyap kay Chris, nabitawan naman ni Dom ang kaniyang hawak hawak na clipboard.



Alam niyang may kakaiba sa dalawa pero hindi niya inaasahan na ganun na pala ka-seryoso ito, akala niya ay sinusubukan lamang ng dalawa kung magkakasundo sila at magiging malapit na magkaibigan pero hindi sumagi sa isip niya na magakaka-relasyon ang dalawa. Wala sa sarili niyang ibnalik balik ang kaniyang tingin kay Chino at Chris.



A-are y-you sure?” tanong ni Dom, napatigil naman si Chino.



What do you mean?” balik tanong ni Chino.



I mean, sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Ilang linggo lang ang nakalipas gustong-gusto niyong patayin ang isa't isa ngayon naman nai-in-love ka na sa kaniya?”



Shhh! Baka may makarinig!” singhal ni Chino sabay lingon nang masigurong walang nakarinig ay muli siyang humarap kay Dom.



Kahit naman nung inaaway niya ako di ko naman maikakailang attracted ako sa kumag na yan and he can actually be sweet if he wanted to and this might sound korny but- but there's this connection between us that I can't explain, and I'm sure he feels a connection between us also kasi sinabi niya yun sakin the first time we talked about it.” sagot ni Chino, hindi niya namalayan na kay Chris ulit siya nakatitig at ang pagsasalita lang ni Dom ang nagaalis ng kaniyang atensyon dito.



Connection?” tanong ni Dom.



It feels like there's a fireworks display inside my chest every time we touch, there's this magic like atmosphere whenever he looks straight in my eyes. Maniwala ka kapag sinabi ko sayo na iniwasan ko lahat ng yun nung simula kong ma-realize kung anong nangyayari but I can't just ignore something that feels right, I decided to take my chances.” sagot ni Chino na ikinanganga naman ni Dom.



Is this guy for real? Fireworks display? Magic in the atmosphere? What the heck?! He sounds like a love sick puppy.” nangaalaskang sabi ng malikot na bahagi ng isip ni Dom pero pinili niyang sarilihin lang iyon.



I hope those chances that you took will be worth it in the end, Chino.” balik ni Dom, napatingin ulit sa mga mata ni Dom si Chino, pilit na inaalam kung saan nanggaling ang sinabi niyang iyon at nang wlaang makita doon ay naisip niyang tanungin na lang ito.



What do you mean, Dom?” tanong ni Chino, hindi parin nito binibitiwan ang pakikipagtitigan dito.



All I'm saying is that I don't want you to get hurt, Chino, not now that you're starting to loosen up and you're on top of your game, I don't want you taking the wrong chances and get hurt-- I—I just want you to be careful, ayt?” balik ni Dom sabay tayo mula sa kinauupuan at nagsimula nang bumalik ulit sa trabaho.



Napaisip naman si Chino at napatingin kay Chris. Abala parin ito sa ilalim ng maliliwanag na ilaw at nagpupu-pose.



Please be worth it, Chris.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.



Sa di kalayuan ay narinig lahat ni Ron ang paguusap ni Chino at Dom.



0000ooo0000



Nagkaayaan ang buong production team na magdinner sa labas, kasunod ito ng isa nanamang successful na issue na idinirek ni Chino at pinaghirapan ng buong team, magkakalapit sa lamesa si Chino, Dom at Chris. Sa kaliwa ni Chino ay si Chris kaharap naman nila sa kabilang panig ng lamesa si Dom, pinagmasdan ni Dom ang kilos ng dalawa, kung sa iba ay walang kakaiba dito para kay Dom ay meron, tila ba gwardyado ang mga kilos ng mga ito, paminsan minsang nagpapalitan ng matitipid na ngiti at paminsan minsan ding nagtitinginan sa mata.



Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Dom sa sinabi sa kaniya ni Chino pero nang makita ni Dom ang mga tingin na ibinibigay ni Chris kay Chino ay na-realize niyang maaari ngang may namumuo nang relasyon sa pagitan ng dalawa.



Sinubukan ni Dom na sukatin ang maaaring nararamdamn ni Chris para kay Chino sa pamamagitan ng mga kilos nito, walang nakita si Dom kundi sinseridad sa mga kilos nito, sa mga tingin na ibinibigay ni Chris kay Chino sa tuwing hindi nakatingin ang huli ay para bang gustong gusto na nitong mahawakan ang mukha ni Chino at halikan, tila ba sinasaulo nito ang itsura ng mukha at mata ni Chino at sa tuwing may kukuwa ng atensyon niya sa loob ng kanilang lamesa ay tila ba hinayang na hinayang siya na alisin ang kaniyang tingin sa mukha ni Chino.



Si Chino naman ay kumikilos na tila ba wala siyang napapansing kakaiba sa ginagawa ni Chris na paminsang-minsang pagtitig sa kaniya pero sa tuwing aalisin ni Chris ang tingin niya kay Chino ay si Chino naman ang titingin kay Chris, tulad ng ginagawa ni Chris sa tuwing nakatingin siya sa mukha ni Chino ay ganun din ang ginagawa ng huli sa tuwing siya naman ang nakatingin sa mukha ng nauna.



Damn! They really are in-love!” sabi ni Dom sa sarili niya nang mauwi sa pagtatapos ang kaniyang obserbasyon. Muli niyang tinignan ang dalawa at napangiti.



0000ooo0000


Matapos ang kanilang dinner ay inaya ni Dom ang dalawa na magkape.



Chloe is dying to see you, Chino.”



I bet she does! Madami akong ikukuwento sa kaniya! You're going with us Chris?” excited na sabi ni Chino.



Uhmm- sure!” sagot ni Chris sabay bitiw ng matipid na ngiti.



Unang sulyap pa lang ni Chloe sa dalawa ay alam na niyang may namamagitan sa mga ito, di tulad ng kaniyang nobyo na si Dom ay matalas ang pakiramdam ni Chloe at mahusay siyang bumasa ng mga kilos, ipinakilala ni Dom at Chino si Chris kay Chloe. Masaya silang nagkukuwentuhan na miya mo matagal ng magkakaibigan.



Punta lang akong CR.” paalam ni Chino, tumango lang ang tatlo, saglit na natahimik ang lamesa nang umalis si Chino, tinitignan ni Chloe si Chris, tila ba kinikilatis nito ang huli. Medyo nakakaramdam ng hindi pagkapakali si Chris kaya't ibinaba niya ang kaniyang tingin at napagpasyahang saulohin ang itsura ng kaniyang baso.



Chris?” tawag ni Chloe dito.



Yes?” sagot ni Chris.



Hurt Chino and I will cut your balls off!”



Napatingin si Chris kay Dom, nakita niyang seryoso ang magnobyo, wala sa sarili siyang napalunok, tila ba lumapot maigi ang kaniyang laway at nahirapan siya biglag lunukin ito at tila ba humarang ito sa kaniyang lalamunan.



Itutuloy...


______________________________
Taking Chances 13
by: Migs

16 comments:

  1. hehehe!! i'm starting to like CHloe!! hahaha!!! nice bro!! salamat sa mabilis na update ;) really appreciate it :)

    ReplyDelete
  2. ayieeeeeee!!!!!!bawat chapter inaabangan ko kasi nakakakilig ahaha.......keep it up..takecare

    ReplyDelete
  3. Haha Chloe is like Cha..difference is, she is plainly sweet in front of her friends while her other side shows up to protect them in their absence. While Cha has the same "fag-hag" mode altogether. XD Would there be a chance kuya Migz that Cha gets to enter this story too? Diba nasa ospital si Francis, pwede ho bang si Cha maging nurse at makilala niya mga characters dito?? Di pa naman siya maxado exposed lately..hehe..AOL yata yun last exposure nya diba? hehe!

    ANG AGAIN KUYA MIGZ THANK YOU VERY MUCH FOR THIS VERY TOUCHING UG UBER KULIT AND KILIG NA STORY! Ganda ho talaga ng mixture ng emotions.. Bagay na bagay sa takbo ng mga pangyayari. And the exchange of lines is flawless! God Bless kuya! Sana po marami pa kayong magawa na stories. :))


    -->nIx

    ReplyDelete
  4. Maganda maganda heheheh astigin... :D keep it up lang hindi ko parin mahulaan ang mangyayari pero mukhang mahaba rin ang kwentong ito tulad ng AAO :) waahihihih


    At gusto ko ang approach mo ngayon migy boi sobrang light sana tuloy-tuloy na ito.. :D

    ReplyDelete
  5. hahaha natawa ako sa last statement ni chloe. good job!

    ReplyDelete
  6. my posibilidad b na umeksena si RON???

    kc db my gusto din c ron kay chino na inamin nya kay chris???

    how exciting!!!

    ReplyDelete
  7. Nice! Parang si Chloe ang panalo sa chapter na to. Hehehe!

    ReplyDelete
  8. hahhahahhaha...ang taray ni chloe ng line...nice migs astig

    ReplyDelete
  9. 10! 10! 10! Perfect 10!

    --ANDY

    ReplyDelete
  10. favorite line..

    "Please be worth it, Chris.".

    so love it!

    ReplyDelete
  11. I feel a storm coming! Naku Chris! Don't hurt Chino or I myself will cut your heads off! Yes heads!!!!

    ReplyDelete
  12. yeah,,,,, tama sina dom at chloe......naku chris wag na wag mong sasaktan si chino dahil marami ang nagkagusto sa kanya.... hinde lang ikaw?????? ha ha ha

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  13. swerte naman ni chino, gwapo na modelo pa ung future bf nia.. sana maka hanap din ako. jejejejeje.. inggit ako eh.. :-)

    ReplyDelete
  14. LOL lagot ka chris kay Chloe..

    :)

    ReplyDelete